One Night's Mistake (Publishe...

By bluekisses

27.7M 370K 12.6K

The only thing that Lara want is to be a successful model and to prove to her Dad that she can make her own p... More

One Night Mistake
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
AUTHOR'S NOTE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
Bonus
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY
FORTY ONE
FORTY TWO
FORTY THREE
FORTY FOUR (part 1)
FORTY FOUR (part 2)
FORTY FIVE
EPILOGUE
Author's Closing Note:
SPECIAL CHAPTER
12.25.14
Special Update 2.0
Published Under Pop Fiction

THIRTY

463K 6.4K 399
By bluekisses

CHAPTER THIRTY

LARA

Mag-iisang oras na akong naghihintay dito sa coffee shop pero wala pa ring Enrique'ng dumadating.  Malapit na akong mapuno at mawalan ng pasensya. Ilang ulit na rin akong tumatawag sa kanya pero nakapatay ang phone niya, Hindi ko alam kung kakayanin ko pang maghintay sa kanya, baka sinasayang ko lang talaga ang oras ko dito.

Tumingin muli ako sa wrist watch ko, napabuntong hininga na lang ako. Kalma, maghihintay pa ako ng mga 15 minutes, pag wala pa ring dumating aalis na talaga ako.

Lumipas ang 15 minutes pero wala pa din siya. Kaya tumayo na ako sa kunauupuan ko. "Oops, sa'an ka pupunta? Pinaghintay ba kita?" narinig kong tanong ng napaka-pamilyar na boses ng kanina ko pang inaantay. Pumikit ako ng mariin at hindi sumagot, nanatili lang akong nakatayo sa kinatatayuan ko. Hanggang sa naramdaman ko siya papunta sa harap ko. Kaya idinilat ko na ang mga mata ko at pinakalma ang sarili ko. Breathe in, breathe out Lara.

"Have a sit, kanina ka pa ba? Medyo naipit kasi ako sa traffic." Insensitive na pagdadahilan niya pa, kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ako ba'y pinagloloko ng gagong ito? Ang lapit naman opisina niya dito, kay hindi dahilan ang traffic.

"Chill, may meeting kasi ako kanina sa may Ortigas nung tumawag ka, medyo late na natapos medyo na-traffic dahil may banggaan sa dinaanan ko." Cool na cool pa ang pagkakasabi niya na sumandal pa, ang sabihin iya may kasama siyang babae. Dammit! The hell I care kung sino pang santa ang kasama niya.

Tumawag siya ng waiter at umorder ng dalawang kape, ni hindi man lang ako tinanong kung anong gusto ko.

"So, bakit mo ako biglang tinawagan?" pag-uumpisa niya na inayos ang pagkakaupo tapos sumandal ulit sa upuan at inilagay sa baba niya ang kaliwang kamay niya.  Then I noticed something. He was wearing our ring.

Napansin niya ang tinititigan ko at mabilis na ibinaba iyon. "Natangg—" natigil siya sa sasabihin niya sana dahil sa pagsabad ko.

"Nag-iisp ka ba?" I saw amusement in his beautiful eyes dahil sa tanong kong iyon.

"Hindi ba naipaliwanag sa iyo ng lawyer mo ang proseso ng custody?" huminga ako ng malalim. "You should have talked to me, pwede naman pag-usapan 'yon e. Hindi yong nagpapadalos-dalos ka." Pinilit kong kumalma pero hindi ko mapigil ang sarili ko.

"Dammit, Enrique, ang bata pa ng anak ko. I don't want him to be traumatized just because of his parents." Patuloy ko na medyo kumakalma na.

"Does it mean na kung iaatras ko ang kaso, you'll let me see my son?" alanganing tanong niya, parang hindi makapaniwala. Hindi ko kumibo. "When can I see him?" halata ang excitement sa tanong niya.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot, pero dumating ang waiter para sa dalawang kapeng in-order niya, anng umalis iyon ay nagpatuloy na ako.  "Can you give me a week to prepare my son?" pakiusap ko.

Nangunot naman bigla ang noo niya. "But..." angal niya sana.

"Please? Ayokong mabigla yong bata." Tumango-tanog naman siya matapos sumisimsim sa kapeng hawak niya.

"Kung wala ka nang sasabihin, then I have to go, may mga gagawin pa ako." Pagkasabi ko n'un ay dinampot ko ang bag o at tumayo na ako mula sa kinauupuan ko, dahil hindi ko na kayang tumagal pa ng isang minuto sa ilalim ng maiinit niyang mga titig.

"Lara..."  napahinto ako ng bigla niya akong hawakan sa braso. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago muling humarap sa kanya.

"May sasabihin ka ba?" nakataas ang isang kilay na tanong ko, pero umiling-iling lang siya at binitiwan ang braso ko. Yon lang at tuluyan na akong lumabas ng coffe shop na iyon.

Hindi ko alam kung paaano ako nakarating sa tapat ng kotse ko dahil sa totoo lang wala talaga ako sa sarili ko. Pumasok na ako sa kotse bago pa man ako maabutan ni Enrique sa ganitong estado.

"My god! What's happening to you, Lara?" kausap ko sa sarili ko. Feeling ko kasi nahihirapan akong pakiharapan siya hindi dahil sa galit ako, but because of what I am feeling right now, it was same as the feeling I have way back then. Nung mga panahong magkasama pa kami, nung mga panahong natutunan ko na siyang mahalin.

Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Alam ko nakapagmove-on na ako, pero bakit ang lakas pa rin ng epekto niya sa akin? Para akong tinutunaw kanina ng mga titig niya kanina. Kaya nga bago pa ako tuluyang mawalan ng ulirat ay nag-drive na ako at dumiretso na ng uwi. Wala naman kasi akong pasok ngayong araw.

-----

Kinuha ko sa taguan ko ang isang maliit na kahon na itinago ko sa ibabaw ng cabinet ko ditto sa kwarto four years ago, bago ako umalis ng bansa.

I opened it and saw a ring, yes the same ring as what Enrique wore. Sa totoo lang ay nagulat ako at parang may humawak sa puso ko nung makita kong suot niya pa rin iyon hanggang ngayon.  Para namang hindi niya sinadya lang kasi naalala kong suot niya rin ang singsing na iyon nung nakipagkamay siya sa akin sa opisina. Hindi ko lang napagtuunan ng pansin dahil masyado akong gulat sa pangyayari sa loob ng conference room nung mga oras na yon.

Then I saw a necklace with a heart shape pendant. Ito yong binigay niya sa akin sa ospital nung humingi siya ng tawad at nung nagtapat siya sa akin. Eto yata yong ireregalo niya sa akin para sa diner namin, but something came na nagpasira ng gabing iyon at ng relasyon naming mag-asawa.

"Mooooommy!" natigil ako sa pagmumuni-muni ko nung biglang pumasok si Ethan sa kwarto ko. "Hi, sweetie." Salubong ko sa kanya na mabilis na hinalikan sa noo.

"Mom, I want to swim. Can I?" Nagpa-cute na naman ang batang ito. Nag-pout pa siya, sino kayang hindi tatanggi kung ganyan siya.

"Sure, go ahead." Pagkasabi ko n'un ay mabilis siyan tumakbo palabras habang tinatawag si Manang Lilia. Naiiling na lang na hinabol ko siya ng tingin.

Binalikan ko ang mga gamit ko at iniligpit ang kwintas at singsing sa pinagkunan ko tapos sumunod na lang sa pool para panoorin ang makulit na si Ethan.

Naabutan ko siyang lumalangoy sa kiddie pool, he was wearing a goggles and a pair of floaters.

"Mommy, are you gonna join me?" excited na tanong niya pagkakita niya nung makita niya akong nakaupo sa pool lounge.

I smiled at him and said. "No sweetie, I'll just sit here and watch you." Kaya nagpatuloy na siya sa pagsu-swimming.

Pinanood kong naglalaro sa pool ang anak ko, everything about him reminds me of Enrique. He was at total carbon copy of his Dad, na yong tipong kahit sino ay hindi maitatatwang mag-ama sila.

Matagal kong tinitigan ang anak ko habang iniisip kung paano ko masasabi at maipapaliwanag sa kanya ang tungkol sa ama niya. Napagtanto ko rin naman na mas maigi nang malaman niya ng mas maaga para hindi na kami dumating sa punto na susumbatan niya ako dahil sa paglayo ko sa kanya sa ama niya.

Ayoko rin naman kasing mangyari yong pag nagkaisip na siya ay tatanungin niya ako kung bakit iba ang apelyido naming sa birth certificate. Oo he was carrying his father's name. Kasi kahit saang anggulo pa natin tingnan, Enrique and I were still married.

Kaya malamang sa malamang, ang apelyido ko pa rin sa mga legal forms ay Buenavista.

-----

Lumipas ang maghapon at napagdesisyunan ko nang kausapin ang anak ko. It's now or never.

"Ethan?" marahan ang pagtawag ko sa kanya, kasalukuyan siyang nanonood ng Sponge Bob.

"Yes, Mom?" tanong niya na hindi man lang nag-abala na lingunin ako, masyado siyang tutok sa pinapanood niya. Umupo muna ako sa tabi niya sa couch.

"Mommy, would like to tell you something." Pero hindi pa rin siya matinag sapinapanood niya.

"What Mommy?" tanong niya na hindi talaga nag-abalng lumingon.

"Can we just turn-off the television first, so that you can understand what I will tell you?" kahit alam kong napipilitan siya ay sumunod naman siya at in-off ang TV bago humarap sa akin.

Humugot ako ng malalim na hininga at nag-alis ng bara sa lalamunan bago nag-umpisa.

"Sweetie, you're asking about your... Daddy right?" tumango-tango lang siya bilang sagot habang nakatitig sa akin.

"You know what? I met him a few days ago." Tumigil ako sandali para matignan ang reaksyon niya, but he was just looking at me, as if waiting for me to spill what I wanted to say.

"Do you want to see him?" I asked him directly, but still, I don't get any reaction from him. Ni excitement na malamang may ama siya at makikita niya na ito ay wala. Parang mas mae-excite pa nga si Daddy ang pag-uusapan namin. Nalungkot ako bigla, gusto kong sisihin ang sarili ko dahil sa paglayo ko sa kanya sa ama niya.

           
Bakit ganun?

Naawa tuloy ako bigla sa anak ko. By now he should be happy because finally he would be having a father, that after all these years he has a father and he can see him one of this days. Mukha pa nga siyang nalungkot? Or maybe just shocked upon hearing the news?

"Sweetie, sorry if I didn't let you know your Dad..." mahinang bulong ko na yumakap sa kanya. "I hope you'll understand." Tumango-tango lang siya at sumanding sa braso ko. Alam ko masyado pang bata ang anak ko para maintindihan ang mga pinagsasabi ko, pero pakiramdam ko naman kahit papaano ay naunawaan niya ang sinabi ko on his own way.

Matagal kami sa gan'ung posisyon, ako habang iniisip kung tama baa ng desisyon kong sabihin iyon sa kanya. Pero 'yon na lang naman kasi ang pwede kong gawin e. For him to know his father habang bata pa siya.

Naramdaman kong parang bumibigat ang braso ko kaya pinakiramdaman ko si Ethan. At napailing na lang ako nang makupirma kong tinulugan na ako ng kausap ko. Mukhang napagot sa kakalangoy kanina sa pool.

Kahit mabigat na ang anak ko ay kinarga ko pa rin siya para ihatid sa kwarto niya. Nang masiguro kong tulog na siya ay lumabas na rin ako para pumunta sa kwarto ko. Then I remembered something, I need to know where Enrique was staying right now, so that I where we will go when his son wants to meet him.

'Enrique, can you send me your address? Just in case my son wants to see you.'

Handan a ako sa pagtulog nung makatanggap ako ng reply mula sa kanya.

'I'm staying in OUR house.'

Natigilan ako bigla dahil sa nabasa, hindi koi ne-expect na d'un pa rin siya nakatira and take note of the word OUR. Bakit kailangan niya pang i-emphasize 'yon sa text niya. Anong gusto niyang iparating?

Hindi na ako nag-reply sa sagot niya, pero sa totoo lang parang biglang may kumalabit sa puso ko. Bakit d'un pa rin siya nakatira? Hindi ba't mas malayo 'yon sa opisina niya? Atsaka anlaki n'un para sa kanya, knowing him, paniguradong wala pa rin siyang katulong.

Nang ma-realize ko ang mga iniisip ko ay mabilis kong ipinilig ang ulo ko. Paki ko ba kung d'un siya nakatira?  Bahay niya naman iyon atsaka buhay niya 'yon. The hell I care. Tapos biglang may sumagi sa isip ko. What if he's staying here to remind himself of me and our good days together? Damn!

Ano ba 'tong pinag-iisip ko? At dahil sa mga bagay-bagay na naisip ko ay hindi ko na namalayan kung anong oras na akong nakatulog, ang huling naaalala ko na lang ay ilang ulit pang nagtalo ang isip ko bago ako tuluyang nakatulog.

-----

"Mom wake up." Naalimpungatan ako sa pagtalon-talon ni Ethan sa kama ko. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko kasi nga inaantok pa ako.

"Mom wake up, we're going somewhere." Hinila niya pa ang kamay ko, para bumangon na ako mula sag kakahiga nangungunot pa nga ang noo ko.

"You told me last night that you saw my Daddy, we will go to him now." Napadilat ako ng tuluyan dahil sa sinabi niya.

"What?" gulat na naibulalas ko. Parang kagabi lang ay no comment siya tapos ngayon naman excited na excited siya dahil nauna pa siya sa aking magising.

"Let's go, Mommy. Wake up." Wala na akong nagaw kahit inaantok pa ako. Dahil kung hindi ako babangon ay kukulitin lang ako nito at paniguradong wala din akong magagawang tulog.

-----

Wala na akong nagawa sa kagustuhan ng anak ko. Kahit 6:30 pa lang na umaga ay umalis na kami ng bahay. Nag-text din ako kay Enrique na papunta na kami, pero wala pa siyang reply, baka tulog pa 'yon.

Habang nasa byahe naman ay halatang-halata na excited ang anak ko.

"Mommy, do I look like my Dad?" bigla niyang tanong habang nagda-drive ako. Tinignan ko muna siya bago ako sumagot. Mukhang gusto niya talagang malaman dahil nakatitig siya sa akin.

"Yes, you look exactly like him." Sagot ko sa kaniya, ginulo ko pa ang buhok niya.

"So Dad's handsome like me." Muntik naman akong mabilakan kahit wala naman akong kinakain o iniinom. Tinignan ko siya at nakita kong seryoso naman siya sa sinabi niya. Tumango-tango na lang ako sa kanya na alam kong excited na excited na sa pupuntahan naming. Puro kuwnto kasi siya, at gan'un siya kapag masayang-masaya siya.

Quarter to 8 nung makarating kami sa bahay, pero hindi pa rin nagrereply si Enrique, baka tulog pa 'yon, ang aga naman kasi nanggising ni Etahn, nagmamadali pa masyado, kaya hindi rin kami natraffic sa byahe.

Nung nasa harap na kami ng gate ay nag-doorbell na lang ako. Mga tatlong pindot lang siguro ay may nagbukas ng pinto. Pareho naman kaming nagulat ng babaeng nagbukas. Tumingin ako sa paligid, iniisip ko kung nagkamali ba ako ng bahay peri hindi ako pwedeng magkamali, dito ako tumira noon. Kahit sabihing nagbago na ang kulay ng bahay ay hindi ako magkakamali.

Napatingin ulit ako sa babae, kasinungalingan kung sasabihin kong hindi maganda ang babae at ang suot nito ay mamahalin, kaya napaka-imposibleng katulong ito ni Enrique. She was wearing a black sleeveless see through blouse and a mini skirt. Hindi talaga siya mukhang katulong para siyang bisita but at this very hour? Ewan ko, pro parang ayoko ang tinatakbo ngayon ng isip ko.

"Where is my Daddy?" nagulat ako sa biglang pagtatanong ni Ethan sa babae. Nangunot naman ang noo ng babae dahil sa tanong ni Ethan.

"Sweetie, let Mommy talk to her okay?" tumango naman siya bilang pagsangayon.

"Miss, nandyan ba si Enrique?" para namangkumulo ang dugo ko nang biglang lumabas si Enrique na naka-boxeer shorts at walang suot na pang itaas. Parang kakausapin pa sana nito ang babae kaya lang hindi siya pinapansin dahil nakatingin ito sa amin, nang mapansin naman iyon ni Enrique ay sinundan niya ang tinitignan kaya mapabaling ang tingin niya sa amin.

At nakita ko kung paano biglang nanlaki ang mga mata niya nang makita kami ng anak niya. Hindi niya siguro expected ang pagdating namin ng ganitong kaaga at mahuhuli pa naming siyang may kasamang babae.

"LARA?!" gulat na nabulalas niya na akala mo'y nakakita ng multo at biglang napatuwid ng tayo.

---

Thank you po sa lahat.. VOTE and LOOOONG COMMENT! LOVE YAH GUYS!

-LEYN-

Continue Reading

You'll Also Like

1M 39.8K 44
Playboy Series #1: M-PREG Dahil sa sobrang pagmamahal ni Kenjie kay Zedric ay nagawa niyang ibigay ang sarili sa binata. Ngunit sa hindi inaasahang p...
1.2M 23.4K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...
7.4M 122K 46
Formerly entitled PREGNANT BY MISTAKE. Levesque Series #1 Have you ever thought about getting PREGNANT? But what if its just a result of your drunken...
6.6M 134K 51
The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapphire Briones. She loves to hang-out with her...