Fifteen Seconds

By thephantelle

1.2M 15.2K 2.3K

❝Fifteen seconds... and I fell in love with him." More

Fifteen Seconds
I. Kuya (Kathryn)
II. Lola Bambini (Kathryn)
III. Summer Escapade (Kathryn)
IV. Night with Rina (Kathryn)
V. Revelations (Kathryn)
VI. Childhood Memories (Kathryn)
VII. Lies (Daniel)
VIII. Ice Cream (Daniel)
IX. Sad Truth (Kathryn)
X. Who You Love (Kathryn)
XI. Help (Kathryn)
XII. Scared (Kathryn)
XIII. Treehouse (Daniel)
XIV. Letter (Kathryn & Daniel)
XV. Still (Kathryn)
XVI. Hurt (Kathryn&Daniel)
XVII. Three Words (Kathryn & Daniel)
XVIII. With You (Julia & Kathryn)
XIX. Farewell, Neil (Kathryn & Daniel)
XX. Happy Birthday? (Kathryn & Daniel)
XXI. Khalil (Kathryn)
XXII. Papa (Kathryn & Daniel)
XXIII. Official (Kathryn)
XXIV. Selfish (Kathryn)
XXV. Vangie (Kathryn)
XXVI. Master (Kathryn)
XXVII. Migraine (Kathryn)
XXVIII. Clarity (Kathryn & Daniel)
XXX. Lantern (Kathryn)
XXXI. Confused (Kathryn & Daniel)
XXXII. Over My Head (Kathryn)
XXXIII. Unconditionally (Kathryn & Daniel)
XXXIV. Skyscraper (Kathryn)
XXXV. Felicity (Kathryn)
XXXVI. Lia Barretto (Kathryn & Daniel)
XXXVII. Bituin (Kathryn & Daniel)
XXXVIII. I Love You (Lia & Daniel)
XXXIX. Save Me (Kathryn & Daniel)
XL. Hanging On (Kathryn & Daniel)
XLI. Last I Love You? (Kathryn)
XLII. Beginning (Epilogue)

XXIX. Lola Cupid (Kathryn & Daniel)

21K 282 38
By thephantelle

(Kathryn)

"Hindi mo ba talaga ako kakausapin?"

Nasa bus na kami ngayon ni Daniel papunta kay lola. Kanina pa niya ako kinukulit. At kanina pa rin masakit ang ulo ko. Hindi na naman ako nakatulog ng maayos kagabi. Bukod sa nangyayari sa amin ngayon ni Daniel, patuloy pa ring nagtetext 'yung wirdong tao at kung ano-anong sinasabi. Keso miss na daw niya ako at malapit na niya akong makita. Ang creepy, sa totoo lang. Sabi naman ni Nanay Melinda baka prank text lang daw. Sana nga.

Hindi ko pinansin si Daniel at ipinikit ang aking mata. Mahaba-habang byahe rin ang aming tatahakin papunta kanila lola. Lalong sumasakit ang ulo ko. Tila ba tumitibok ito. Ang labo. Ulo, tumitibok? Ang ibig kong sabihin, parang sasabog ito sa sakit.

Pusang gala, ang sakit talaga.

"Kathryn, namumutla ka." Aniya Daniel.

May kinuha siya sa dala-dala niyang bag. Biogesic. "O-okay lang ako, Daniel. Malamig lang siguro kaya ako namumutla." Mahina kong saad.

Hininaan ni Daniel ang aircon sa tapat namin. Chineck ni Daniel ang temperatura ko sa pamamagitan ng paglagay niya ng kamay niya sa noo ko. "Wala ka namang lagnat. Puyat ka ba?"

"Ma...masakit lang ang ulo ko. Wala akong lagnat." 

"Ito, inumin mo ito." Inabot ni Daniel sa akin ang Biogesic at ang water bottle na dala niya. Kung hindi lang masakit ang ulo ko, matatawa ako kay Daniel. Dinaig pa ang boy scout sa pagiging handa. Tiningnan ko si Daniel habang inaayos ang temperatura ng aircon.

Parang...nanlalambing.

Siguro, nagising sa katotohanan, na mali siya.

Sana nga marealize ni Daniel na para maging malakas ang relasyon namin, kailangan namin ng pagkakaintindihan. Kailangan pareho kaming gumagalaw para magwork out ang isang relasyon. Hindi ako galit kay Daniel. Hindi ko kaya. Ang sa akin lang, sana marealize niya.

Para mas lumakas at tumibay ang relasyon namin.

Makalipas ang ilang oras, naramdaman kong may kumukulbit sa akin. Binuksan ko ang mata ko at narating na pala namin ang probinsya ni lola. Nakatulog ako sapagkat sobrang sakit ng ulo ko. Buti na lamang at may gamot si Daniel at medyo nabawasan ito.

"Ang ganda-ganda mo talaga." Saad ni Daniel. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumayo na siya upang kunin ang mga gamit namin na nasa taas.

Pusang gala. Bakit ganito maglambing si Daniel?

Dapat pala palagi akong nagtatampo para masabihan akong maganda.

---------------------xx

"Kathryn, ako ng bahala sa mga gamit natin. Hanapin mo nalang muna si lola baka kung ano ng nangyari sa kanya." Saad ni Daniel. Tumango ako at pumasok na sa loob ng bahay ni lola.

Kinakabahan ako. Si lola kasi, eh! Hindi ko alam kung anong sakit niya. Sana kasi uminom na muna siya ng gamot baka lumala pa ang sakit niya. Kung ano man ang sakit niya.

Hindi na ako kumatok sa kwarto ni lola at binuksan ito.

"Lo-," Hindi ko natuloy ang pagtawag ko kay lola.

"Hija! Ba't di ka man lang kumatok?" Tanong niya sa akin.

"Lola naman! Akala ko po ba may sakit kayo? Tapos makikita ko kayong sumasayaw? What the heck! Dali-dali kaming pumunta dito ni Daniel. Hindi mo ba alam na sobrang kinakabahan ako? Lola naman!" Pagmamaktol ko kay lola.

Shemay naman kasi. Wala namang sakit si lola.

Alive and kicking. Sumasayaw pa nga Zumba!

Sobrang pinagpapawisan ang kamay ko sa kaba tapos kumekembot-kembot lang pala si lola. What the heck lang talaga. Pusang gala!

Lumapit sa akin si lola at hinampas ang balikat ko. "Ano ka bang bata ka? Alam mo ang slow mo! Nabalitaan kong nag-away kayo ni Daniel. At bilang supportive mong lola, pinapunta ko kayo rito para mag-ayos kayong dalawa. Viola! Ang galing and brilliant talaga ng plan ko. Kaya wag mo akong iwa-what the heck diyan." Page-explain ni lola.

Bumukas ang pintuan.

"Lola--" Nagulat si Daniel sa nakita. "--akala ko po ba may sakit kayo?"

"Uminom na ako ng gamot. Hehehe. Pero may sakit pa rin ako." Sabi ni lola at dali-daling humiga sa kama niya at nagtago sa ilalim ng comforter.

What the heck?!

Napapalo nalang ako sa noo ko at lumabas na sa kwarto ni lola.

Hindi pa ako nakakalayo nang hawakan ni Daniel ang kamay ko. Kaya naman napatigil ako sa paglalakad. Tiningnan ko si Daniel at nakangiti siya sa akin. "Nasa kwarto mo na lahat ng gamit mo. Kapag may kailangan ka, tawagin mo ako."

"Ah... san ka matutulog?"

"Wag kang mag-alala. Sa ibang kwarto ako matutulog." Saad ni Daniel at umalis na sa aking harapan. Hindi ko mapigilang hindi ngumiti sa nagiging asta ni Daniel.

Hindi ko maipaliwanag. 

Pero parang... tinatry niya talaga ang lahat para mapatawad ko siya.

Pumasok ulit ako sa kwarto ni lola. At huling-huli na wala talaga siyang sakit. Naglalaro ba naman ng 2Fuse sa Ipad. Ang taong may sakit dapat nagpapahinga.

"O, hija. Dito ka." Sabi ni lola at nagsign na umupo ako sa tabi niya.

Umupo ako sa tabi ni lola at napabuntong hininga.

"Ano ng plano, apo?"

"Lola, pakiramdam ko po ang childish ko. Hindi naman po ako galit kay Daniel pero hindi ko pa rin siya kinakausap ng maayos. Hindi ko nga rin po maintindihan ang sarili ko. Gusto ko na siyang mayakap pero on the other side may ayaw din. Ayaw muna kasi gusto kong marealize niya na nagkamali siya. Gusto kong magising siya sa maling ginawa niya. Pero lola, naguiguilty ako. Naguguluhan ako. Hanggang kailan po ba ako magiging ganito?" Pago-open up ko kay lola. Oo, medyo nainis ako kay lola kasi ang weird ng way ng pagpapapunta niya sa amin dito. Pero kung iisipin mo, gusto lang ni lola na magkaayos kami ni Daniel. Kakasimula pa lang namin sa relasyong ito. Tapos mauuwi sa away... kaagad.

"Childish ka nga." Komento ni lola. Ibinaba niya ang iPad niya at humarap sa akin. "Wag mo na kasing patagalin pa. Mag-usap na kayo mamaya. Mahal mo siya, hindi ba? At alam kong mahal na mahal ka rin ni Daniel. Kilalang-kilala ko kayong dalawa. At alam kong hindi niyo gusto 'tong nangyayari. Alam kong alam ni Daniel na nagkamali siya. Alam kong alam na niya na tarantado siya dahil sa ginawa niya sayo. Pero lahat naman talaga ng tao nagkakamali, diba? Minsan kasi may mga bagay tayong nagagawa dahil galit tayo. Mga bagay na hindi nating sinasadyang gawin. Siguro, iyon ang nararamdaman ni Daniel." Hinawakan ni lola ang kamay ko.

"Pero..."

"Nacarried away lang siya. Siguro, sobrang nastress lang siya. Alam mo ba nakausap ko si Daniel noong ginawa niya sayo... yung pagsumbat niya sayo? Umiiyak siya. Umiiyak siya, apo. Sobrang nagsisisi siya sa ginawa niya. Sabi niya sobrang mahal ka niya na parang gusto na lang niya untugin ang ulo niya kasi nagawa niya iyon sayo. Patawarin mo na siya, Kathryn. Ganyan talaga kapag nasa isang relasyon. Nag-aaway talaga. Pero sa kabila ng away, dapat magkapatawaran. Kasi kaya nga kayo nagmamahalan kasi accept niyo na hindi kayo perfect. Accept niyo na pareho kayong nagkakamali. Balanse lang, apo."

"Lola, nahihiya ako kay Daniel." Mahina kong saad.

Hindi ko alam... na umiyak si Daniel dahil sa away namin. Akala ko ako lang ang nasasaktan. Akala ko... puro akala. Nakakahiya. Ang babaw ko.

Hinampas ako ni lola sa balikat. "Mahihiya ka o masisira lahat?" Niyakap ko si lola ng sobrang higpit. "Accck, apo, papatayin mo ba ako?"

"Ay lola, sorry po!" Tumayo ako at nginitian si lola. "Kakausapin ko na po siya! Aayusin ko po ito."

(Daniel)

Nandito ako ngayon nakaupo sa swing sa garden ng bahay ni lola. Ang sarap talaga tumambay dito. Nakakakalma. Rinig na rinig ko din ang mga alon. Ang sarap dito. Lalo na kung ayos kami ni Kathryn. Ang bobo ko kasi. Masyado akong nagpadala sa galit ko. Ni hindi ko man lang inisip kung anong nararamdaman ni Kathryn. Bobo rin ako kasi hindi ko man lang inalala na may girlfriend ako. Masyado akong nadala sa pagiging kaibigan ko kay Rina.

"Ang lalim ng iniisip mo, ah."

Nakangiting umupo si Kathryn sa tabi ko. Sa totoo lang, gustong-gusto ko na siyang yakapin. Gustong-gusto ko na siyang kausapin ng matagalan.

Miss na miss ko na siya.

"Ikaw lang naman ang iniisip ko." Saad ko.

Tiningnan ko siya at ang ganda-ganda pa rin niya. 

"Kamusta na pala ang tatay ni Rina?" Tanong niya. Nakita kong namula ang kanyang pisngi. Ang ganda-ganda ng babaeng 'to. Dapat hindi sinasaktan.

"Nasa ospital pa rin pero maayos na. Laking pasalamat nga ni Rina dahil nagiging maayos na ulit ang lahat." Saad ko. Maayos na ang papa ni Rina. Sa susunod ng Linggo, lalabas na ito ng ospital. Balik na ulit sa normal ang buhay ni Rina. Nakakangiti na ulit siya.

"Sorry."

Tiningnan ko si Kathryn at hinalikan ko ang noo niya. "Ako dapat ang nagso-sorry hindi ikaw. Ako ang may kasalanan, hindi ikaw. Ako ang bobo, hindi ikaw."

"Pero sorry pa rin."

Muli kong hinalikan ang noo niya.

"Sorry, Kathryn. Sorry kasi nawalan na ako ng oras sayo. Sorry kasi puro na lang ako Rina. Sorry kasi nasumabatan kita. Sorry kasi nasaktan kita. Sorry kasi-," Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi niyakap ako ni Kathryn.

Namiss ko ito. Namiss ko siya.

"Okay lang. Okay na ang lahat, Daniel. Basta kumapit ka lang, ah? Panimula pa lang ng ating pagsasama. At gusto kong tumagal ito. Kaya kumapit lang tayo kasi mahal natin ang isa't isa. Balansehin lang natin ang mga bagay-bagay. Kung may problema ka, sasabihin mo sa akin. Ganun din ako. Panget kasi sa isang relasyon ang nagsisikreto."

"Kathryn...mahal na mahal kita." 

"Mahal na mahal din kita, Daniel."

"Pwede bang magtabi nalang tayo mamaya?" Mahina kong saad.

Bumitaw sa pagkayap si Kathryn at binatukan ako. "Ano ka, sineswerte?! Hindi pwede!! Dati, okay lang kasi magkapatid tayo. Pero ngayon.. bawal kasi iba na!"

"Ba't ka namumula?"

Hinampas ulit ako ni Kathryn. "Tse!"

Napatawa ako at niyakap si Kathryn. "Salamat, Kathryn. Salamat sa pag-intindi mo sa akin. Salamat kasi nagawa mo pa rin akong patawarin kahit na ang bobo ko."

"Kasi nga, mahal kita."

END OF CHAPTER TWENTY NINE   
Thank you po sa pagbabasa!

Continue Reading

You'll Also Like

13K 1.9K 40
Isang babae lang ang minahal ni Third sa buong buhay nya. Pero sadyang malupit ang tadhana sa kanya sapagkat agad din itong kinuha sa kanya. Kaya ipi...
641K 1.2K 48
Mga kwento na ngayon niyo palang mababasa. Sekretong mabubunyag. Enjoy😃 R-18
1.6K 43 102
AKING MAHAL (ESNYR Series) Sa isang bar sa Paris, dalawang taong parehong wasak... nagkabanggaan ang mga mundo. Si Sei - isang lalaking mas babae pa...
1.3K 180 15
Eviona Kaye Saviara In the quiet of her sleep, she stumbles upon a world she never knew existed, one that calls to her heart, one where love and dest...
Wattpad App - Unlock exclusive features