Untamed Confessions [R-18]

De DyslexicParanoia

2.8M 37.8K 3.6K

Compilation [On going] Language: Filipino DyslexicParanoia's collection of erotic short stories based on re... Mai multe

UNTAMED CONFESSIONS
WARNING! PLEASE READ!
001 - Balot ng Pagmamahal
002 - Kontrata
003 - Twenty One Heart Failures
004 - Patay Sindi
005 - Kapit sa Patalim
006 - Her Name was Leila
007 - Ang Lihim Ni Miss Tapia
007 - Desiree's Desire
008 - Dark Secret
009 - Unexpected Love Affair
010 - Unholy Confession
011 - Miss Promiscuity
012 - Woman Hater
013 - Elle Ma-L
014 - Serial Effer
015 - Lucas' Bet
016 - Premyo
017 - Nasty Secret
018 - Professional Mistress
019 - Duling na Pabling
020 - Atsay Killer
021- Lucky Ugly Boy
022 - Sex Trip
023 - Master-Bette
024 - Mahaderong Bastos
025 - My KPOP Papa
026 - Unforgettable Sleepover
028 - The Hater's Match
029 - Tawag ng Laman
030 - Dark Lover
031 - Pack-Boy
032 - Ang Pansitan ni Mona
033 - When Nasty Bullies Must Die
034 - Bahay Kubo
035 - Accidental Obsession
036 - Imoral
037 - Kidnap for F-some
038 - Do-Me-Now Effect
039 - Ash-wang
040 - Sleeping Effer
041 - Old Macho Man
042 - Alas ni Mr. Balasubas
043 - Maginoong Bastos
044 - A match made in Taiwan
045 - A Naughty Confession
046 - Ang Takot ni Mr. Kalikot
047 - Suicidal
048 - Malupit na Mundo
049 - My Instant Forever
050 - Shattered Soul
051 - Kasal-anan
052 - Pontio Piloto
053 - Preso
054 - Kerengkeng
055 - My Step Lover
056 - Stranded
057 - My Best Friend's GF

027 - Loser's Luck

41.7K 794 100
De DyslexicParanoia

Confession by Summer

I am such a loser. Sa tanang love life ko, ako ang parating naiiwan. Ang wish ko noon, sana, isa lang ang maging boyfriend ko. Ang gusto ko sana noon, kung sino ang una ko, s'ya rin ang mapapangasawa ko. Ginawa ko naman ang lahat para matupad 'yun pero...sobrang malas ko lang talaga sa pag-ibig. Kahit na nga nagpapakamartir na ako minsan, huwag lang sana ako iwanan, pero walang effect. Naiiwan pa rin akong luhaan. Kahit na nga nagmumukha na akong tanga sa paghabol at pagmamakaawa. Walang gustong mag-stay. Lahat sila, ipinagpalit lang ako sa iba. Silang lima, pinagod lang ako, sinaktan at iniwanan.

Ilang beses ko nang naitanong sa sarili ko...ano bang mali sa akin? May hitsura naman daw ako. Mukha naman daw akong desente. Maalaga naman daw ako. Domesticated naman daw ako. Hindi ako selosa. Parati akong handang umunawa. Hindi ako demanding. At lalong hindi ako maarte.

Ang sabi ng mga kaibigan ko...'It's their loss, not yours.' Pero sa kauulit-ulit ng phrase na 'yun sa limang beses kong pagkabigo, napaisip na ako...parang hindi naman yata totoo 'yun. Parang pambobola lang talaga 'yun ng mga kaibigan ko para hindi na ako malungkot. I'm not any of my man's loss bagkus ay 'yung dinadaan-daanan lang. 'Yung tipo ng babae na nandyan pero ok lang na mawala. Nag-e-exist pero walang halaga. Parang junkfood na walang sustansya. Hindi worth it na ipaglaban. Replaceable. Walang k'wenta.

Nang iniwan ako ng ikalimang boyfriend ko para sa ibang babae--na naman, sabi ko sa sarili ko, ayoko na talaga. Ang sakit-sakit na kasi. Daig ko pa ang damit na unti-unting naluluray sa bawat pagkabigo. At sa sobrang daming beses na akong iniwanan...pakiramdam ko nga isa na lang akong basahan. Gamit na gamit na. Pampunas na lang sa dumi at hindi na pwedeng isuot.

"Summer, may ipakikilala ako sa 'yo." Sabi sa akin ng best friend ko isang araw. "Cute. I'm sure magugustuhan mo."

Busy ako sa paglilinis ng pad ko; ni hindi ko s'ya tiningnan. "Ayoko na Megs. Ayoko na talaga."

"Ano ka ba? Three years na kayong wala ni Boyett, hindi ka pa ba nakaka-move on. Give yourself another chance nga. Malay mo ito na ang Mr. Right mo."

Napabuntong-hininga ako, "'Yan din ang sinabi mo sa tatlong pinakahuling boyfriends ko pero anong nangyari? Lahat...hayun, happy na kasama ang iba. 'Yung tatlo ikinasal na nga 'di ba?" Gusto kong maiyak pero pinigilan ko, "Ganun naman kasi sila lahat eh...parang pinagpapraktisan lang ako pero iba naman ang pinakakasalan."

"Ano ka ba? Don't give up on love nga. Ako nga 'di ba, naka-seven ako bago ko na-meet si Tony." She's referring to her husband.

"Seven nga, pero lima ro'n, ikaw ang nang-iwan. 'Yung dalawa, mutual 'yung paghihiwalay n'yo. Pito nga pero hindi ka naman nagpakababa para hindi ka iwanan." Nagsimula na akong humikbi. Naaalala ko na naman kasi ang sakit, "hindi mo kinailangang umiyak at magmakaawa para lang mag-stay sila." Nagsimula na akong humagulhol na ako. Niyakap naman niya ako. "Megs...gusto ko nga sanang magmahal kaso...k-kaso pagod na ako eh. Ayoko nang masaktan. Baka hindi ko na kaya kung mauulit na naman. Ayoko na. Mas malakas na ang paniniwala ko ngayon na kapalaran ko na ang mag-isa."

"Sorry Bes...'wag ka nang umiyak. Sige na nga...hindi na kita pipilitin. Sasabihan ko na lang si Tony na ayaw mo. Kaibigan kasi n'ya 'yung ipakikilala ko sana sa 'yo."

"Salamat, Megs."

***

Trabaho-bahay. 'Yun ang naging routine ko. Madalas akong yayain ng mga katrabaho ko kada biyernes, pero maging sa ganun hindi na ako sumasama. Sa ganung paraan ko kasi na-meet ang dalawa sa ex ko. At sa ganung okasyon ko rin nahuling nangangaliwa ang mga ito. Kahit weekends hindi na rin ako naglalalabas. Kung lumabas man ako, ito'y para lang mag-grocery o mamalengke. Nawalan na lang talaga ako ng gana sa kahit ano man. Nakukuntento na lang akong manood ng T.V. sa pad ko o magbasa ng libro hanggang sa makatulog ako.

One Saturday, magpapasko. Nakatulog ako sa pagbabasa. Ginising ako ng doorbell around seven PM. Sumilip ako sa eye piece. I saw a tall guy na may dalang box at isang paperbag. Hindi ko ito kilala kaya hinayaan ko lang itong mag-doorbell for a while. Pero dahil nakakarindi rin 'yung buzzing sound ng doorbell, binuksan ko nang bahagya ng pinto ko--with chains up, dahil baka ikako nagkakamali lang ito ng unit na pinuntahan.

"Hi!" Paunang pagbati nito. Napaka-cheerful ng dating nito at maliwanag ang mukha.

"H-hi. Are you lost?"

"H-ha?" Tiningala n'ya ang numero ng unit ko. "I don't think so. Unit 703. I'm looking for Summer?"

Napakunot-noo ako, "do I know you?"

Napatawa ito. Lumabas tuloy ang dimple nito sa itaas ng kanang pisngi--sa bandang cheekbone. "Probably not. I'm sorry, my name is Lance...pinapunta ako ni Megan dito. I brought you some stuff from her dahil hindi raw s'ya nakakarating. Nasa cruise kasi silang mag-asawa."

"Stuff? For what?"

Parang nagulat ito sa sinabi ko, "She told me it's your birthday today...mali ba ako ng araw? Tumingin ito sa Rolex watch n'ya na may date, December 11, right?"

Napapikit ako. Slightly in disbelief na nakalimutan ko ang araw birthday ko. "Sandali lang." I left for a few sec para kunin ang phone ko. Bigla ko kasing naalala na paulit-ulit ang pagtunog nito while I was half-asleep awhile ago.

Andami kong missed calls and text messages from family and friends sa probinsya namin sa Mindoro. Kasama na ro'n ang message ni Megan about Lance...and how she apologizes that she's out of town on my special day.

"Halika, tuloy ka." Tinanggal ko ang chain ng pinto. "Pasensya ka na, nag-iingat lang. Delikado na kasi ang panahon ngayon. Megan confirmed you so...here we go." I guided him on my little sofa.

"Oh, that's ok. Mas maganda nga 'yung pag-iingat mo. I can actually stay out if I make you feel uncomfortable."

"If she didn't text...most likely." Napangiti na ako. "Grabe naman ang pang-aabala ni Bes sa 'yo. Pasensya na, bossy talaga 'yun eh."

"Oh no, no. Ako talaga ang nangulit sa kanya to deliver this." Ibinigay n'ya sa akin ang box. Birthday cake pala ito. "Ito naman, from me." Referring to the paperbag na iniaabot n'ya.

"What's this for?" Sinisilip ko ang paperbag pagkakuha ko.

"Gift ko. For your birthday. Happy Birthday!"

Dinukot ko ang laman. It's a KOBO waterproof e-reader.

"Mahilig ka raw magbasa kahit sa bath tub so...'yan ang naisip ko."

Napatulala ako sandali habang tinatanggal ko ang gadget sa box. 'Yun kasi ang first time na nakatanggap ako ng mamahaling regalo mula sa kahit sino. "Ahm, hindi ko matatanggap 'to." Ibinalik ko ang gadget sa box and then 'yung box sa paperbag. Iniabot ko sa kanya ang paperbag.

Sumimangot s'ya. Ayaw n'yang tanggapin ang paperbag na ibinabalik ko, "bakit? Hindi mo ba nagustuhan? I'm sorry, I just assumed. I should have asked you first. Mas gusto mo ba kung tablet? An ipad maybe?"

Napanganga ako sa sinabi n'ya. Who wouldn't want an Ipad? But I said, "no, you don't have to give me anything. C'mon, Lance. This is the very first time we've met. We don't even know each other; we're not even friends..." Ayaw n'ya talagang kunin an paperbag kaya ipinatong ko na ito sa sahig--sa harapan ng kinauupuan n'ya.

Nathimik s'ya; yumuko. Nagulat ako nang bigla na lang n'yang tinakluban ng kanang kamay n'ya ang kanyang mga mata. And then suminghot and trembled a little bit. It's like he's trying too hard not to cry right in front of me. "Ahm," he's shaking a little but as he grabbed the paperbag. Namumula ang mga mata n'ya at umiiwas na ng tingin sa akin. "I'm sorry, Summer ha? Feeling close agad ako. I should've stopped the very time na tumanggi kang maipakilala sa akin ni Tony. I just thought it will make a little difference if I'll exert more effort...h-hoping you'd change your mind. Don't say na hindi kita kilala. Ako ang hindi mo kilala but I already know you. I've heard so much about you and saw your photos from Megan and Tony since last year pa...nasa New Zealand pa ako. O-ok lang naman kung ayaw mo talaga sa akin. I-I won't vex you don't worry. Gusto ko lang talagang mawala 'yung 'what if?' sa isipan ko bago ako sumuko." Tumayo itong nakayuko, sumusulyap-sulyap lang sa akin na tila naiilang, "s-sige, aalis na ako. Happy Birthday na lang sa 'yo. I hope you like the cake. That's from Megs ang Tony pero ako ang pumili. Pasensya na kung hindi mo man magugustuhan. Isumbong mo na lang sa kanila." Natatawa ito; napapakamot. "Sige..b-bye." He made an awkward wave as he walked back to the main door.

"Wait, sandali lang Lance." I was surprised na hinawakan ko s'ya sa braso. It was weird dahil kinilabutan ako nang maramdaman ko ang balat n'ya. Nilingon naman n'ya ako.

"W-Why?"

"I'm sorry if I sounded like I'm rejecting you. Hindi ganun. Please understand na ngayon lang kasi kita nakilala. At 'yung mga kakilala ko kahit 'yung mga ex ko, hindi naman ako nabilihan ng ganitong ka-special na regalo, please understand na nagulat lang ako. Maupo ka muna. Kung wala kang ibang lakad, 'wag ka na munang umalis. Hindi naman kita pinapaalis 'di ba? Saluhan mo ako sa cake...gusto mo ba ng kape?"

Nagliwang ang mukha n'ya at ngumiti. "Are you sure?"

"Oo, upo ka muna. Kukuha lang ako ng knife and plates for the cake...gusto mo ba ng ibang maiinom?"

"Coffee is good."

Hindi ko pa rin tinanggap ang gift n'ya, but we had a very long and fruitful conversation. Inabot kami ng hapunan but because we are so busy talking--and getting to know each other, he invited me to have a dinner with him sa isang restaurant nearby. He took me home around nine.

"I know you told me awhile ago that you've given up on relationships, but c-can you give me a fair chance?" He blurted out habang papasok na ako sa pad ko. "K-kahit a little chance lang." Nagulat ako kaya napatanga ako sa mukha n'ya. He looks sincere. "Look...I-I know this may sound really weird but I really like you. That very first time I saw your photo last year...I know in my heart I was already dying to see you in person. I never felt that way before. Walang halong bola...pero ikaw lang talaga ang sadya ko kaya umuwi ako ng Pilipinas."

My brows met halfway, "What?" in disbelief.

"Please believe me..." he's almost pleading.

Natawa ako, "No, you're kidding me. Imposible 'yan."

He looks disappointed, "Paano mo nasabing imposible?"

"Eh 'yun ngang mga lalaking taga-rito nanghihinayang pa sa pamasahe nila papunta rito sa pad ko, sasadyain ba naman ako ng isang katulad mo...tawid-dagat pa? No...that's impossible. Mas maniniwala pa ako kung sasabihin mong...pinilit ka nina Tony at Megan." Animo'y bipolar na nagbago ang mood ko. I felt a burning sensation in my chest na parang inuudyukan akong umiyak. "Ano bang sabi nila sa 'yo? Na I'm pathetic, miserable and lonely? Limang beses napag-iwanan. Uhaw, tigang, naghahanap at nangangarap? Look, Lance." I was shaking, "Wag mo naman akong bolahin, please? Kung napadaan ka lang talaga rito, let's just be friends na lang. I don't know what Tony and Megan told you but I am not looking. I'm sorry." I stepped in. "Good night, Lance." As a slowly closed the door. He merely looked into my eyes as I completely closed the door.

***

One week after...

"Thank you sa cake last week, bes." Binisita ako ni Megan, a day after their cruise. "Pero kayo ha...kung sino-sino na naman ang pinipilit n'yong ipares sa akin ha? Mabuti na lang hindi ako kumagat. I told him right out. Ayoko. O kita mo hindi na bumalik. Kayo talaga ni Tony...tigilan n'yo na nga ako. Nagmumukha lang lalo akong desperada sa ginagawa n'yo eh."

Megan's silence was unsettling. She was just staring at me.

"O, bakit ganyan ka makatingin?"

"I bet you didn't know. Hindi mo man lang yata kinuha ang number n'ya."

"Didn't know what? At bakit ko naman kukunin ang number n'ya? Malay ko ba kung kasama sa pustahan n'yo 'yun."

Napailing si Megan, "I didn't realize na ganyan pala kasama ang tingin mo sa akin. Ipapahamak ba kita? And excuse me, hindi ko s'ya pinilit. Hindi rin ni Tony. Si Lance ang nagpumilit."

"Whatever." Natatawa ako, "so kumusta na ang manok n'yo, nakabalik na ba sa New Zealand?"

Biglang nalungkot ang mukha n'ya, "No. Kalalabas lang n'ya sa hospital yesterday."

"Ha? Why, what happened?"

"Na-holdup s'ya nung gabing pinuntahan ka n'ya. Ibinigay naman niya lahat ang pera n'ya pati phone n'ya pero sinaksak pa rin s'ya ng icepick. Napakawalang awa na talaga ng mga tao ngayon. Adik siguro!"

"Ano? S-so paano, kumusta na s'ya? Is he safe?"

"Non-fatal naman 'yung saksak sa braso n'ya pero nagka-allegies s'ya sa medications na ibinigay sa kanya kaya nagka-complications. But he's fine now. He stayed at Tony's place overnight after his discharge, pero mas gusto n'ya yata ang mag-hotel na lang. Andami kasing tao kina Tony. Tony's whole family is in that house, remember?"

"Bakit? Wala ba s'yang family na matutuluyan dito?"

"Ang buong family n'ya, ang parents and siblings n'ya, nasa New Zealand na lahat. Ikaw lang talaga ang sinadya no'n dito kaya umuwi. Kaya nga pasensya ka na kung medyo napilit kita na i-meet man lang. Nanghinayang lang naman ako sa effort at expense no'ng tao. Tinamaan daw sa photo mo pa lang eh. Nakita ka raw kasi sa FB sabi ni Tony. Nahumaling sa beauty mo so paano ang magagawa namin? Sinabi naman namin sa kanya na ayaw mo, pero makulit! Cute naman at meztizo kaya kahit paano nasabi ko sa sarili ko na 'why not?' eh 'yung mga ganun naman ang type mong hitsura sa mga lalaki. Pero, mabuti na rin 'yung dineretsa mong ayaw mo talaga sa kanya. Mas kawawa naman siya kung paasahin mo 'di ba?"

Natahimik ako. Hindi kasi ako makapaniwala na he told me the truth na ako lang talaga ang sinadya n'ya sa Pilipinas.

"Ahm, bes?" medyo nahihiya ako kay Megs.

"What?"

"Can you take me to him?"

***

"Megan? Summer?" Gulat na gulat ang mukha ni Lance nang makita n'ya kami ni Megan sa labas ng suite n'ya.

"Hi!" I feel awkward.

"So pa'no,"sabi sa akin ni Megan. "Magta-taxi ka na lang pauwi?"

Tumango ako, "Thanks bes."

"Oist!" Biglang pagbaling ni Megan kay Lance, "Alagaan mo 'tong bespren ko. Ihatid mo man lang sa sakayan ng taxi mamaya ah! Nakakalakad ka naman, 'di ba?" Tumawa ito.

Napatingin ako that time sa band aid sa kaliwang braso ni Lance.

"Oo naman. Kahit hanggang bahay pa." Lance was smiling kahit na kalumata ito.

"Sus, ma-hold up ka na naman d'yan!" Biro ni Megan. "Kundangan ka namang nagpakalat-kalat sa madilim na kalye! Sige na, bye na." Muling bumaling ito sa akin, "Uy kahit sanay ka na ingat pa rin bes ha?"

***

Sobrang awkward ng feeling nung ako naman ang naka-upo sa sofa sa loob ng suite n'ya. Hindi ako makapagsalita. Hindi rin ako gaanong makatingin sa kanya.

"You have no idea how happy I am right now." Pagbasag n'ya sa katahimikan. "Palpak ako, hindi ako nakadalaw ulit. Balak ko sanang kulitin ka ng isang beses pa." Nakabungisngis ito. "But I guess..." yumuko ito. "It was not meant to be. Ang kulit ko 'no? Pasensya na, ganito talaga ako. Siguro kaya nababasted ako parati kundi nada-dump. Sorry kung naging masyadong ambisyoso ako sa 'yo...I-I just like you very much. Pero tatanggapin ko naman kung talagang basted ak--"

"I like you too."

Biglang nabalot na naman ng nakaiilang na katahimikan ang paligid.

"I-I'm sorry if I appear that I don't." Naluluha ako sa sobrang kaba, "Hindi lang kasi ako makapaniwala sa efforts na ginawa mo para sa 'kin. Nobody has done that to me before. Sa mga ex ko nga ako pa ang nagreregalo kahit wala akong natatanggap. Kung minsan nga, ATM na rin nila ako." Napaluha na ako ng tuluyan, "pati nga luho nila minsan ako pa ang gumagastos, ganun din ang pamasahe nila para madalaw nila ako sa pad ko."

"Jeeze!" Umupo s'ya sa tabi ko at inalo ako. "Are you serious?"

"Nakakahiya man...oo. Pero sa kabila no'n, iniwan pa rin nila ako. Kaya pasensya ka na Lance kung na-overwhelm ako sa special treatment mo sa 'kin. Natakot din ako na baka pinilit ka lang nina Tony at Megan dahil naaawa sila sa akin. I'm sorry." Humagulhol na ako at sumubsob sa leeg niya.

"Hey..." he lifted my chin, "nobody forced me ok?" our mouths are too close to each other kaya napapatingin ako sa mapupula n'yang labi. "I really came here for yo--" hindi na ako nakapagpigil, I gently bit his lower lip.

I was so embarassed kaya magwi-withdraw sana ako but he pulled me closer and siezed my whole mouth.

Sobrang galing n'yang humalik kaya I responded quite wilder than I have ever been with anyone. Matagal kaming nag-makeout, until we just found ourselves stripping each other's clothes, mula sa sofa, hanggang sa kama.

"I'm not a virgin anymore, Lance." I blurted out as he was parting my legs to dive in.

He smiled, "I don't care." he nossled my pussy straight out. I thought I'm going to pass out when he began to lick me tenderly.

"Lance!" Nasabunutan ko na ang buhok likod ng ulo n'ya. Sobrang sarap na wala akong masabi kundi ang pangalan n'ya.

Ang tagal. Tila hindi siya nagsasawang tikman ang orgasms ko. Tila mas gusto n'ya talagang i-pleasure ako kaysa sa sarili n'ya.

"F*ck me, Lance!" After my nth orgasm.

"Tsk...tsk..." umiiling s'ya habang umaangat at pumupwesto sa ibabaw ko. "I don't do that. I can only make love, baby." Nag-dive muna s'ya sa mga dibdib ko, bago n'ya inakyat ang mga halik sa palibot ng leeg paakyat sa mga labi ko. "I want to make love with you, baby. Umh..."

"Oh my G-d!" I was wide-eyed nang magsiumula s'yang umulos. He's well endowerd kaya it was a little painful at first pero sumarap naman ito nang sumarap as he began to pick-up the pace. It was the best sex I ever had kaya daig ko pa ang kitikiting hindi mapakali. Hindi ko malaman kung kakalmutin ko ba s'ya, sasabunutan o kung kakapit na lang ako sa unan. I ended up grabbing his butt.

"Summer....Summer! Oh G-d, Summer!" The fact that he could barely thrust--with his penis tightly trapped inside my vagina, triggered his ecstacy even more. "I'm coming, baby. But you have to losen me up if you want me to keep going a little bit longer." He was giggly.

"No Lance...go ahead and cum inside me. I want it...I want you, right now!" I moaned.

"Yes!" Few more forceful thrusts and he exploded. "Oooh yeah!" His eyes were closed as he smiled.

I giggled as we lied down side by side.

"Wow!" Nakatulala s'ya sa ceiling.

"Wow, what?" I grinned. I am also staring at the ceiling.

"That was amazing!" Tumagilid s'ya sa akin para kilitiin ako. "Sama ka na sa akin sa New Zealand."

Just like that, napawi ang ngiti ko. Oo nga pala, hindi na s'ya taga Pilipinas...so pa'no kami? One day stand lang? LDR? I don't know. "Aalis ka na ba?"

"I need to go back dahil limited lang ang vacation days ko, but if you'll agree...let's be together in New Zealand, ayusin na natin ang papel mo. I have my own house, cars and stable job there. We can start a family there. Please, Summer? Please, please say yes!"

"H-ha, pero..."

"Please Summer..."

"It's not that easy, Lance. Nadito ang family ko. nadito rin sa Pilipinas ang job ko..."

Natahimik s'ya at muling tumingin sa kesame. "I really want to be with you, Summer."

Hindi ako sumagot. I felt really sad na mukhang papalpak na naman ako.

Nilingon n'ya ko. "Would you rather have me stay here in the Philippines?"

"No Lance! Nando'n ang kabuhayan mo at ang pamilya mo."

"I know." His voice turned weak, " but if giving them all up is the only way I can be with you...I will."

"O my G-d, Lance, are you for real?!" My heart was pounding fast.

"I-I'll call my parents." Biglang bangon nito at inabot ang hotel phone sa side table. "I'm sure they'll understand. Pero mahihintay mo ba ako kung kailangan kong bumalik sandali sa New Zealand to sell my stuffs?"

Napanganga ako. Nagkatitigan kami.

"Seryoso ka?"

"Yes." He did look serious.

Napapikit ako as he started to dial. "Hep!" Sa pagmulat ko.

He paused, "Hep what?"

"Ok. Let's talk first, ok? Kailan ba ang flight mo pabalik?"

"Four days from now."

"Ok, how about we slow down for a little bit."

"Huh?"

"How about you meet my family within those four days and then ipagpaalam mo ako nang maayos. Kapag pumayag ed 'di..."

Unti-unting nagliwanag ang mukha n'ya, "you're going to live in New Zealand with me?"

"Something like that."

[End of Confession]

***

Author's note

Summer's family did not agree. Hindi raw kasi nila kilala si Lance which made it hard for them to entrust Summer with him. Summer felt devastated, lalo na when Lance left at may misunderstanding sila. Na-depress si Summer lalo na nung hindi na tumawag si Lance after he went home to New Zealand. Summer went back to her old ways. Trabaho-bahay. Walang love life at awalang ine-entertain na manliligaw. Pinilit n'yang kalimutan na lang si Lance lalo na nang umabot na sa isang taon na wala silang contact sa isa't isa. It may sound too good to be true pero totoong nangyari sa kanila na bigla na lang daw nakita ni Summer si Lance sa harapan ng unit n'ya. May mga dala raw itong maleta, begged her to take him in dahil wala raw s'yang matutuluyan. It turns out, ibinenta nga ni Lance ang lahat ng ari-arian n'ya sa New Zealand and gave up his livelihood as well. Pero baon naman daw nito ang lahat ng napagbentahan so they could start a family in the Philippines.

As of confession date, four years na silang married. Wala pa rin silang anak though they keep on trying dahil wala naman daw may deperensya sa kanila. Habang naghihintay, they busied themselves in running several business franchises in Tagaytay. Ok naman daw ang livelihood nila, baby na lang ang kulang.

***

Editor's Note

Do you want DyslexicParanoia to retell your Untamed Confession in narrative form? You may send you confessions directly to her at dyslexicparanoia@gmail.com, on the SUBJECT please type UNTAMED CONFESSION. Be rest assured that your privacy will be protected. No part of your confession can be retold and published without your consent.

Continuă lectura

O să-ți placă și

142K 1.5K 12
Si Hercules ay napilitang maghanabuhay sa pamilyang ubod ng yaman na siyang kumupkop sa kanya noong panahon na Sadyang kalunos-lunos ang kanyang kala...
32.8K 1.8K 76
In her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early...
141K 3.8K 59
"If I didn't care I would have left you to die but I care and that's why I'm protecting you." Kaya ba niyang protectahan ang taong mahal na mahal niy...
34.2K 872 54
MHEL CHAZEINTH DIZON an 27 years old and turning 28 on Wednesday in april 25 Mhel is just visited in Philippines to see how was going their company...