The Boss

By heyairaaa

337K 6.3K 798

Meet Vanessa Batungbakal, ang babaeng laki sa hirap, palaban, balahura at tirador ng part-time job. Tindera s... More

The Boss
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 5

20.2K 469 35
By heyairaaa

Just Leave

Nakatitig lang ako sa kanya at hindi alam ang pwedeng gawin. Kung iwan ko na nga lang sya dito? O kaya mas maganda kung itapon ko na sya sa dagat para hindi na nya pahirapan ang buhay ko. Kaso sayang ang mukha at katawan. Ibenta ko nalang kaya sya para na din magkapera ako?

Napatigil ako sa pag-iisip ng pwedeng gawin sa kanya ng bigla syang umungol at parang may binubulong na hindi ko maintindihan. Tiningnan ko kung gising sya at pinitik-pitik pa sya para makasigurado pero mukhang masyado syang lasing para magising.

“Buhay nga naman parang life, anong gagawin ko sayo, Luke?” desperada na may halong inis na sabi ko.

Akala ko hanggang mamaya ko na lang syang tititigan dito ng bigla akong may naisip. Bakit ngayon ko lang iyon naisip? Dapat pala kanina ko pa iyon ginawa.

Tinext ko si Gian at sinabi kong sunduin kami. Tutal ay magkaibigan naman sila kaya sya na ang bahala sa lalaking ito.

HALOS isang oras din akong naghintay sa lalaking iyon dahil malayo-layo din itong pinuntahan namin. Sya na ang nagbuhat kay Luke papunta sa sasakyan. Kainis, ngayon ko lang ulit naramdaman ang gutom na kanina ko pa iniinda. Humanda talaga sa akin ang lalaking yun kapag nabalik na sya sa wisyo.

“Nakakainis naman yang kaibigan mo. Iinom-inom tapos hindi naman pala kaya. Ginutom lang nya ako sa paghahanap sa kanya.” iritado kong sabi kay Gian nung nagbibyahe kami paalis ng resort.

Ngumisi sya sa akin. “Right, let’s eat first bago ko kayo ihatid sa condo ni Luke.” untag nya kaya napataas ako ng kilay. Okay na sana yung kakain na muna kami pero nagpanting yata ang tenga ko sa kasunod nyang sinabi.

“Bakit kasama ako sa condo ng lalaking yan? Malaki na sya at kaya na nya ang sarili nya.” sabi ko at inirapan pa ang lalaking tulog na tulog sa likuran namin. Sya ang sarap-sarap ng buhay, samantalang ako dito gutom na gutom.

“Trabaho mo yun, Vane.” wika nito na parang ito na ang pinakaobvious ng bagay sa mundo. Muntik ko na ngang mabatukan ang sarili ko dahil hindi ko agad iyon napagtanto.

Napairap ulit ako sa kawalan. “Oo nga pala.” sarkastikong sagot ko at tumawa lang sya.

KAYA ayun, pagkatapos namin na kumain dumiretso na kami sa condo daw ni Luke. Minsan kapag hindi sya umuuwi sa bahay nila ay doon sya tumutuloy.

Laking pasasalamat ko kay Gian dahil nalibre na naman ang pagkain ko. Dapat pala ay lagi ang nagsasasama sa kanya para makakatipid ako lagi nang sa ganun ay makapagtricycle din ako pag umuuwi ako sa gabi. Nakakatakot lang maglakad sa gabi dahil parang may lalabas lagi na aswang sa harap ko.

Hinatid kami ni Gian hanggang sa loob ng condo unit ni Luke. Nagulat nga ako na halos triple ng bahay namin ang condo nya o hindi lang. Oh, bakit pa nga ba ko magugulat? Sa yaman ng lalaking ito, kaya nyang bilhin ang lahat.

Tumingin ako sa paligid. Malinis at masyadong lalaking-lalaki ang dating sa akin. Black at white lang halos ang kulay, ang sakit sa mata pero mukhang mapapakain ako ng halos isang taon kapag binenta ko ang isa man lang sa gamit nya dito sa loob.

“Dinala ko na sya sa kwarto nya. Ikaw na ang bahala sa kanya. Feel free here. Kumpleto ang gamit dito.” sabi sa akin ni Gian. Aalis sya? Akala ko ay sasamahan nya ako dito.

“I need to do something, Vane.” wika nya na parang nabasa ang tanong ko sa isip ko.

Tumango-tango lang ako at umalis na sya doon. Umupo muna ako sa sofa doon at dinama ang lambot noon. Kapag nakaipon ako ay bibili ako ng kama dahil halos ma-flat na ang pwet ko dahil sa tigas ng papag namin.

Pagkatapos kong damahin ang sofa nya ay inayos ko na ang gagamitin ko sa kanya. Kumuha ako ng basin at nilagyan ito ng tubig na malamig. Hindi ko nga alam kung tama ba itong ginagawa ko dahil wala naman talaga akong alam sa ganito. Mainit sya at parang napaso ako kanina nung hinawakan ko sya kaya baka kailangan nya ng lamig sa katawan.

Pinuntahan ko sya sa kwarto nya at ang pagiging plain nito ang agad kong napansin. Kung ako lang ang may ganito kagandang bahay ay malamang ang daming disenyo na ang nilagay ko dito.

Dumiretso ako papalapit sa kanya at agad na sumalubong sa akin ang maamo nyang mukha na mahimbing na natutulog. Kung hindi ko sya kilala at makikita ko sya sa ganitong lagay ay maiisip ko na anghel sya pero dahil kilala ko na sya, alam ko na sa likod ng mala-anghel nyang mukha ay ang masama nyang ugali at ang malaki nyang sungay.

Napalunok ako habang nakatitig sa katawan nya. Basang-basa na ang damit nya, buti nalang ay natanggal ko na kanina ang coat na suot nya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong dinagsa ng kaba. Si Luke lang ito, Vane. Bakit ka biglang kinakabahan sa presensya nya? At idagdag pa na tulog na tulog sya ngayon.

Binitiwan ko muna ang bimpo na basa na ng malamig na tubig saka isinantabi ang kaba na nararamdaman ko. Itinulak ko ng bahagya ang katawan nya para madali kong matanggal ang damit nya.

Nanginginig pa ang kamay ko habang tinatanggal ang butones doon. Sanay naman na ako sa katawan ng mga lalaki. Ikaw ba naman na lumaki sa probinsya na parang normal lang na ibalandra ang katawan kahit na hindi ito kaaya-ayang tingnan.

Nanlaki ang mata ko ng matapos ko ang huling butones ng damit nya. Napalunok ako ng ilang beses at kahit anong pilit ko ay hindi ko maialis ang tingin ko sa katawan ng lalaking nasa harap ko ngayon.

Hindi ko alam na sa likod ng coat at suit nya ay may nagtatago palang mala-diyos na katawan. Sa sobrang pagtututok nya sa trabaho ay nagagawa pa din nyang iayos ng ganito ang katawan nya. Nakakalaglag ng panty este ng panga.

“Oh Diyos ko po, pakiramdam ko ay ang dami ko nang kasalanan sa pagtitig pa lang sa katawan na ito.” bulong ko at saka kinuha ang bimpo sa gilid saka binasa ulit ng malamig na tubig.

Ako din yata ay kailangan ng malamig na tubig dahil kahit ang lakas ng aircon dito ay parang biglang nag-init ang paligid. Isang living heater yata ang lalaking ito.

NAPABUNTONG-HININGA ako ng matapos ko na ang pagpupunas sa katawan nya. Hindi ko alam kung paano ko napigilan ang sarili ko na haplusin ang katawan nya. Kaya hindi na din ako nagtangka na hubarin ang pangbaba nya dahil baka hindi na ako mapunta sa langit sa dami ng kasalanan na maaari kong magawa.

Hinayaan ko nalang sya sa ganoong lagay at tinakpan nang kumot ang nagbabaga nyang katawan. Inikot ko nalang ang mata ko sa paligid ng kwarto nya.

Katulad nga ng sinabi ko kanina, masyado iyong plain at walang buhay. Hindi talaga ako maka-appreciate ng walang kulay. May ilang abstract paintings doon pero black and white pa din. Bakit ba ang hilig nya sa ganoong kulay na madilim?

Nadako ang paningin ko sa may gilid ng kwarto nya. May ilang picture frames doon at isa talaga ang pumukaw sa atensyon ko doon. Si Luke at isang babae.

Dadamputin ko na sana iyon para matitigan ng mabuti kaso nung nasa kamay ko na ito ay may agad na humablot nito papalayo sa akin.

Napatalon ako sa gulat at napalingon sa likod ko. Napalunok ako ng ilang beses sa tumambad sa akin. Si Luke na ang sama ng tingin habang naka-topless. Kahit gaano kasakit sa mata ng kwarto nya, kapag sya naman ang nandoroon ay parang nag-iiba ito sa paningin ko. Ayy, kainis, ano ba itong iniisip ko?

“What are you doing here?” madiin na sabi nya. Kahit mahina lang ito, pakiramdam ko ay sinigawan nya ako ng sobrang lakas na naging dahilan ng pag-atras ko.

“Nagta-trabaho.” untag ko. Yun lang ang tanging nasabi ko pero yun naman ang totoo. Di ba?

“Hindi kasama sa trabaho mo na pakialamanan ang mga personal na gamit ko!” sigaw nito sa akin. Mukhang hindi na ito nakapagpigil.

Napatanga nalang ako sa harap nya. Hindi ba dapat ay magpasalamat pa sya dahil hindi ko sya iniwan sa resort na iyon at inalagaan pa sya. Oo, trabaho ko yun pero kahit na.

“Leave, Vanessa. Just leave.” mahinahong sabi nito pero bakas pa din ang inis.

Sandali akong napatulala sa kanya bago ko napagtanto ang sinabi nya. Pakiramdam ko ay pulang-pula na ang mukha ko sa inis.

Gago ka talaga, Luke Vera Cruz. 

Continue Reading