A Taste of Poison [Under ABS...

By Alesana_Marie

473K 19.3K 4K

"What if an evil Queen reincarnated into a body of a ten-year-old child?" [first draft version] to be pu... More

Copyright
Prologo
I - Adriane
II - Paranoia
III - Perfect Crime
IV - Strange Child
V - The Visitors
VI - Liyandra
VII - Nerea
VIII - Outsiders
IX - Magical Forest
AN

X - The Rolling Egg

40.3K 1.7K 853
By Alesana_Marie

X – The Rolling Egg


Nagising si Ariadne sa ingay na naririnig sa unang palapag. Tumingin siya sa paligid at nakitang iilan nalang ang natutulog sa kanilang silid. Tumayo siya sa kutson at naglakad palabas. Sumilip siya mula sa hagdanan.

"Kailan ba tayo susunduin dito ni Ms Belva?"

"Wala siyang sinabi kung kailan siya babalik."

"Wala na tayong pagkain dito. Naubos na ang bigas sa lalagyan."

"Lalabas ulit kami para maghanap ng pagkain. Kayo na ang bahala na magbantay sa mga bata."

"Mag-iingat kayo."

Nakita ni Ariadne na lumabas ang grupo ng mga kalalakihan na pinangungunahan ni Anwyll. Tatlong araw na sila sa gubat pero hindi parin sila sinusundo para ibalik sa Nerea. Naubos ang mga nakaimbak na pagkain kahapon kaya naman problemado sila kung paano pupunan ang mga iyon.

Hindi nila alam kung saan kukunin ang pamalit sa bigas. Kung may mga sangkap lang sana sila para gumawa ng tinapay...

"Addy."

Tumingin si Ariadne sa kanyang likod. Nakita niyang nakatayo at nakatingin sa kanya si Nana na blanko ang mukha.

"Sa tingin mo ba makakauwi pa tayo?"

Makakauwi? Sa mundo ng mga tao at modernasisyon? Hindi siya sigurado kung ano ba talaga ang balak ng mga mago sa kanila. Gusto nilang sanayin ang mga bata pero hindi rin sila nagdalawang isip na ipatapon sila sa gubat kahit na alam nilang mapanganib. Hindi natatakot ang mga ito na mabawasan sila.

Napansin ni Nana na nagdalawang isip siya sa pagsagot.

"Addy, marunong ka ng mahika, hindi ba? Pwede mo ba akong turuan?"

Nablanko ang mukha ni Ariadne sa narinig. Tinitigan niya nang mabuti ang bata.

"Nararamdaman ko na marami kang alam tungkol sa mundong 'to, Addy. Siguro... tinuruan ka rin ng mahika ng mga magulang mo."

"Ibigay mo sa'kin ang kamay mo."

Sumunod si Nana at ipinatong ang kamay nito sa kamay niya. Pinakiramdaman ni Ariadne ang enerhiya sa loob ng katawang ng bata.

"Masyadong mahina ang enerhiya ng mahika na dumadaloy sa'yo. Kahit na turuan pa kita, wala rin mangyayari. Kailangan mo munang magpalakas."

"Kung ganon, turuan mo ako kung paano ako lalakas."

"Kami rin!!!"

Nagulat si Ariadne sa pagsulpot ng mga bata. Hindi niya napansin ang mga ito. Nakatingin ang mga ito sa kanya na parang nagpapaawa. Mukha silang iiyak kapag tinanggihan mo.

"Please, Addy! Pleaaaase?"

"Turuan mo kami, Addy."

Pinagmasda ni Ariadne ang mga bata habang nakatingin ang mga ito sa kanya. Bumuntong hininga siya. Wala naman mawawala kung papayag siya.


***


Nang bumalik ang grupo nina Anwyll mula sa pag-kolekta ng pagkain nila, nagulat sila sa kanilang inabutan na eksena. Ang mga bata na naiwan sa bahay ay nakaupo ngayon sa damuhan at nakapikit ang mga mata.

Dahil marami silang dala, pumasok muna sila sa loob ng bahay para ilapag ang mga kakainin mamaya. Nasa kusina ang tatlong babae na nakatoka sa pagluluto – sina Eliza, Sasha at Florence. Binigyan sila ng mga ito ng maiinom saka binusisi ang mga lulutuin na sangkap.

"Anwyll, nakabalik na kayo," nakangiting bati ni Florence.

"Ano'ng ginagawa nila sa labas?"

"Ah, tinuturuan sila ni Addy kung paano kumuha ng enerhiya."

"Enerhiya?"

"Oo, enerhiya para makagamit ng mahika. Kakaibang bata talaga si Addy."

"Kailan pa siya natuto non?"

"Nabasa niya raw sa libro dito. Binabasa ko nga e, heto basahin mo rin." Inabot sa kanya ni Florence ang isang lumang libro.

Tinignan ni Anwyll ang libro at binuklat. Hindi maialis sa isip niya na kakaiba ang mga kilos ng batang si Addy. Masyadong malawak ang kaalaman nito tungkol sa mundong Liyandra at ang mga mata nito na parang maraming itinatagong sikreto.

"Haay. Magustuhan kaya ng mga bata kahit na walang spices?" tanong ni Sasha.

"Problema talaga dahil naubos na ang asin natin."

"Pero kailangan natin kumain kahit na walang masyadong lasa. Hindi natin alam kung kailan tayo makakabalik sa school."

Kung hindi kakain ang mga bata, manghihina sila at magkakasakit.

"Pampalasa ba ang kailangan ninyo? Alam ko kung saan makakakuha non," singit ng isang malambing na boses.

Lahat sila ay napalingon sa kakapasok lang sa kusina na si Addy. May naglalarong ngiti sa mga labi nito habang nakatingin sa kanilang lahat.

"Saan ka kukuha non, Addy?"

"May mga dahon ng halaman sa labas na kapag idinagdag mo pwedeng magbigay ng lasa sa pagkain."

"Wow! Nabasa mo rin ba 'yan sa libro, Addy?"

Tumango si Addy. Nakaramdam ng tuwa ang mga babae. Ito talaga ang pinoproblema nila kahapon pa.

"Very good, Addy! Anwyll samahan nyo siya na mangolekta sa labas," utos ni Eliza.

Tumango si Anwyll at tumayo. Sinenyasan niya si Samuel na sumama sa kanila. Dala nila ang tila sibat na sandata na ginawa nila noong nakaraang araw. Lumabas sila ng bahay at muling pumasok sa gubat.


***


Pumipitas ng mga dahon si Ariadne at inilalagay ito sa basket na dala. Tinutulungan siya ni Samuel habang si Anwyll ay nakamasid sa paligid. Hindi nito ibinababa ang hawak na sibat. Nakahanda itong umatake sa mga lalapit na uldin.

Palihim na ngumiti si Ariadne. Tuwing gabi, simula noong unang dumating sila rito, wala siyang ibang ginawa kung hindi ang itaboy ang mga uldin. Kailangan lang niyang bigyan ng babala ang mga hayop na nandito siya sa gubat; isang mas malakas na nilalang kaysa sa mga ito.

Habang nandito siya, walang aatake sa kanila.

Natapos siya sa pamimitas ng mga dahon at dumiretso ng tayo. Nakita ni Anwyll na tapos na siya. Nag-umpisa na silang maglakad pabalik sa bahay.

Hindi pa nakakalayo sa paglalakad si Addy, isang mabigat at makapangyarihang enerhiya ang biglang bumangga sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ni Addy at kaagad siyang pinagpawisan. Ang malakas na enerhiya na ito ay maikukumpara sa isang mataas na mago. Isang mago na kayang kumontrol ng elemento!

Hindi siya kaagad nakagalaw. Masyado pang mahina ang enerhiya na nakuha niya para lumaban sa isang mago na may ganito kalakas na kapangyarihan.

Pero ano'ng ginagawa ng isang mago sa gubat na ito? Hindi kaya... isa itong mataas na antas ng uldin?!

Sa isang kisapmata, biglang nawala ang enerhiya na naramdaman niya. Bigla itong naglaho. Napatingin si Ariadne sa kanyang mga kamay. Nanginginig ang mga ito. Ang ganitong klase ng kaba ay ngayon nalang ulit niya naramdaman.

Ano'ng nangyari sa enerhiya? Bakit ito biglang naglaho? Ano'ng klase ng nilalang ang may ari nito?

"Addy, may problema ba?" tanong sa kanya ni Anwyll nang mapansin na napatigil siya sa paglalakad.

"W-Wala..."

Muli silang nagpatuloy sa paglalakad. Pero muling napatigil si Ariadne. Naramdaman niyang may bumunggo sa kanyang paa. At nang tignan niya kung ano ito, nakita niya ang isang itlog na may mga ginintuang simbolo.

Tinignan ni Ariadne ang itlog at pinili na hwag pansinin ito. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Ngunit ang hindi pinansin na itlog ay muling gumulong para sundan siya.

Nang huminto si Ariadne sa paglalakad, huminto rin sa pag-gulong ang itlog. Para itong sisiw na nakasunod sa ina nito. Kumunot ang noo ni Ariadne at dinampot ang itlog. Gumalaw ang itlog pakaliwa at pakanan na tila nagsasaya. Tumaas ang gilid ng labi ni Ariadne at itinago ang itlog sa loob ng bulsa ng jacket niya.

***

Lumipas ang dalawang araw, patuloy sila sa nakagawian. Pumunta sa gubat upang maghanap ng pagkain, magluto, kumain at umupo sa damuhan upang kumuha ng enerhiya sa paligid.

Gustong turuan ni Ariadne ng simpleng mahika ang mga kasama niya pero dahil kalahating mago lang ang mga ito, mabagal ang pagdaloy ng mahika sa loob ng kanilang katawan. Kailangan nila ng ilang buwan na pagsasanay pa para gumana ang mahika.

Ngunit kinabukasan, isang sorpresa ang naghihintay sa kanila. Ilang sasakyan ang pumarada hindi kalayuan sa bahay. Dumating na ang sundo nila.


***


"Nakabalik na ang mga bata, Belva?" tanong ng Punong Mago Hedon habang may inaabot na libro sa estante sa silid aklatan.

Tumango si Belva sa lalaki. "Opo, Punong Mago."

Tumango si Hedon habang binubuklat ang librong inabot. Hindi siya masyadong interesado sa mga batang taga-labas. Ngunit dahil isa siya sa taga-pangalaga sa paaralan, kailangan parin niyang bantayan ang mga ito.

Pero kamakailan lang ay nagdulot ng gulo ang mga bata sa paaralan. Kinailangan niyang ipatapon ang mga ito sa gubat upang matuto ng leksyon. Siguradong nanginginig na sa takot ang mga bata at sigurado siyang magtatanda na ang mga ito.

"Ilan nalang ba sa kanila ang natira?"

Saglit na natigilan si Belva bago sumagot. "Nanatili ang orihinal na bilang ng mga bata, Punong Mago."

Isinara ni Hedon ang libro na hawak at matiim na tumingin sa babae.

"Ano'ng sinabi mo?"

"Walang nabawas sa mga bata, Punong Mago. Bumalik sila na kumpleto."

"Imposible! Puno ng mga uldin ang gubat! Sinasabi mo ba na walang umatake sa kanila?!"

"H-Hindi rin po ako sigurado sa nangyari, Punong Mago. Nang dumating ako upang sunduin ang mga bata kasama ang ilang mga mago, napansin namin na walang bakas ng uldin sa paligid ng bahay."

"Wala ang mga uldin?"

"Opo, Punong Mago. Wala ni isang bakas sa paligid."

Nang makita ni Belva ang mga bata na masayang kumakain ng umagahan, hindi rin siya makapaniwala. Ang akala niya ay ang mga umiiyak at miserableng mukha ng mga ito ang kanyang dadatnan pero nabigo siya. Bukod pa roon, nakahanap sila ng paraan upang makapag-hanap ng pagkain.

Pumasok ang mga ito sa gubat at hindi man lang inatake ng mga uldin! Hindi rin siya makapaniwala. Nang imbestigahan nila ang paligid, wala silang nakitang mga uldin na malapit sa bahay. Tila ba iniiwasan ng mga uldin ang lugar na iyon.

Isinalaysay ni Belva ang nakita sa Punong Mago. At nang matapos siya sa kanyang paliwanag, natahimik si Hedon sandali. Malalim ang tinakbo ng isip nito.

"Makakaalis ka na," sabi ni Hedon sa babae.

Lumabas si Belva sa silid aklatan. Naiwan si Hedon sa kanyang pag-iisip. Hindi siya mapalagay. Paano nangyari ito? Inaasahan niyang kalahati sa mga bata ang makakabalik sa paaralan. Ngunit nakabalik ang mga ito ng ligtas at ni walang galos o takot?

Ano ang nangyari sa gubat? Kailangan niya itong imbestigahan. Siguradong may nangyaring kakaiba roon at kailangan niya itong malaman.

Ngunit bago iyon, may mas mahalaga siyang bagay na kailangan tapusin.

Tumingin siya sa langit. Sa buwan na natatakluban ng ulap. Bukas na gaganapin ang gabi ng pag-aalay.


***


"Hwaaa! Ang sarap mahiga sa kama!" sabi ni Mika habang nagpapagulong gulong sa kama nito.

Tahimik na nakahiga si Nana habang nakayakap sa stuff toy nitong itim na pusa. Ngunit sangayon ito sa sinabi ni Mika.

"Pero parang nakakamiss yung gubat. Masaya rin doon kasi walang aaway sa atin. Hindi ba, teacher Addy?"

Hindi pinansin ni Ariadne si Mika. Patuloy lang siya sa pagtitig sa itlog na hawak. Hindi niya alam kung namamalikmata ba siya pero parang lumaki ito nang kaunti. At ang gintong kulay ng mga marka nito ay mas nagiging puro at tila kumakalat.

Ano kayang klase ng uldin ang nasa loob nito. Isang klase ng ibon?

Ipinatong niya ang itlog sa gilid ng unan niya. Humiga na siya at natulog. At noong gabing iyon, naramdman niyang may malaking mangyayari kinabukasan.


Continue Reading

You'll Also Like

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...