Miss Always Rank #2

By deliixx

678K 19.2K 2.5K

St. Cloud State University: Tiara Louisse Tyson More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Wakas

Kabanata 44

9.2K 295 60
By deliixx

Kabanata 44

Fiancee

Sa sobrang daming tao ay hindi ko alam kung saan lilingon, kung sinong kakausapin at kung paano ko hahanapin si Lauren at Dior.

I am not aware na may collection si Mommy for young adults at pagkatapos iyon ng mga bata. They are on the other side of the room, bigger area dahil mas maraming modelo at tao ang kakailanganin.

Pagkapasok ko sa backstage ay agad akong sinalubong ni Brenda ng maarteng beso at yakap pagkatapos ay binati ako ng mga nakakakilalang modelo at kanilang mga managers.

"What's your dress, darling? You look totally fabulous!" Ani Brenda at pinagsadahan ulit ako ng tingin. Ngumisi ako at sinabing isa ito sa design ni Mommy na pinasadya para sa akin, kaparehas ni Ate Xena para sa event na 'to.

"No doubt." Tumango-tango pa ito "Anong sadya mo dito? Do you finally want to model your Mom's finale gown?" Umiling ako, ang tinutukoy niya iyong pagtanong sa akin na magmodelo ng damit ni Mommy.

"I'm here for the kids." Sabi ko at pinagsadahan ng tingin ang malaking silid na puno ng busy na tao

"Oh... I will lead you."

Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko habang unti-unting nasisilayan si Lauren, she's in her high chair together with Dior. They are both playing with their toys. Malaki ang ngiti ng anak ko habang inaayos ang kanyang floral crown

"Ang ganda talaga ne'tong alaga mo." sabi ng bading na hairstylist kay Rose, tumango-tango ito at pinaypayan si Lauren

Nagpatulong si Dior na bumaba at pumunta sa grupo ng mga lalaking naglalaro, nainip siguro. Nadaaanan niya ako kaya bago siya dumiretso sa mga kalaro ay humalik muna siya sa akin at niyakap ako.

He's totally handsome with her long sleeves and vest, his hair is made up at ang kanyang rosy cheeks ay kay sarap kurutin. Alam kong paglaki ne'to ay mamomroblema kami ni Ate Xena sa mga babae niya.

Lalong lumaki ang ngiti ng aking anak nang makita ako sa repleksyon ng kanyang salamin, kumaway ako at tinabihan siya.

"You're so beautiful, baby..." sabi ko, binaba ang lebel para mapantayan siya. Humagikhik siya sa halik ko at hinalikan rin ako pagbalik sa pisngi

"Are you gonna watch me walk?" malambing na tanong niya

Balak ko sanang samahan siya dito sa backstage hanggang sa matapos siya sa pagrampa pagkatapos ay doon kami lalabas para makasama ang mga kaibigan ko.

"You're gonna watch me, right?" tumango ako, kung iyon ang gusto niya

"Is it okay to leave you later when you walk? So I can watch you outside." tinuro ko ang labas, pinapaintindi ko sakaniya na wala ako dito kapag maglalakad siya. Baka kasi hanapin niya ako at umiyak.

She pressed her lips together and nod, parang ayaw niya sa ideyang iyon pero titiisin dahil gusto niyang panuorin ko siya

"Don't worry, Yaya Rose and Yaya Percy are here... and Dior is also here." turo ko kay Dior na nakikipaglaro na, kasama si Percy.

Tumango-tango si Lauren at tinignan ang sariwang iba't ibang klase na bulaklak sakanyang buhok. She looks like the daughter of the goddess. Hinawakan ko ang dulo ng kanyang kulot na buhok, she's totally made for this. Rinig ko bago ako pumasok ang mga sabi-sabi kung gaano kaganda ang huling maglalakad at si Lauren iyon.

My only concern for now is her father. Her father has a big reputation in his industry now, the heir of a billion company, the first child and a successor. Ayokong madungisan ang pangalan niya dahil nakabuntis siya sa hindi niya dapat papakasalan.

His image will be ruined, Tita Regina is a socialite and I'm sure magiging laman sila ng magazine at balita kapag nalaman ito ng mga tao. I can imagine what they are going to do next, get Lauren away from me and live with them like she's not illegitimate and what? They will manipulate her papers and make Kelsey her mother? Para matupad na ang kanilang inaasam na kasal?

Bigla kong naramdaman ang malambot na kamay ni Lauren sa aking pisngi, may pinunasan siya doon.

"Why are you crying, Mommy?" bulong niya

Ayokong magsinungaling sa aking anak kaya umiling ako. I smiled to stop her from worrying.

They are people who want to take a picture with Lauren and Dior kaya nang natapos na sila sakanyang buhok ay sandamakmak na ang naghihintay na makapag picture sa dalawa.

Nagpaalam akong lumabas muna saglit dahil sa pagtawag sa akin ni Maxxine, kanina pa sila nandito at kanina pa nila ako hinahanap. Kung hindi lang lumapit ang sekretarya ni Ate Xena ay baka hindi talaga ako lalabas.

Nagpaalam ako kay Lauren at Dior at sinabihan sina Rose at Percy na alagaan ang dalawa bago lumabas ng backstage.

I was greeted by many people as I stepped outside the backstage, ang iba ay kilala ko bilang artista, social media influencer and Mommy's friends. I smiled and greeted them back, napapatigil rin kapag may paguusapan.

The waiters are serving champagne at may buffet rin, kumuha ako habang nakikinig kay Mrs. Fonacier tungkol sa mga plano nila ni Mommy sa isang charity event.

"We have an annual charity event in Iloilo, hindi ba sumali ka na doon?" tumango ako at uminom ng champagne, may naalala ako pero agad ko rin iyong pinagsantabi.

There's many businessman donating in that charity event at malakilaki iyon sa sinabi ni Mrs. Fonacier. Is it to lessen their tax? or is it really for it's purpose? Hindi ko alam but I'm glad there's a huge donation ibigsabihin ay marami ang matutulungan namin at baka hindi lang sa Iloilo, baka sa ibang karatig na probinsya pa.

She's asking if I can help again in managing that event dahil ang gumagawa noon ay ang kanyang anak na si Azira pero wala ito sa linggong iyon at walang mamahala. My forte is not memorizing names pero familiar ang pangalan ng babaeng binanggit niya.

"I'm glad to help but I will ask Mom first about that. Mag sisimula na rin po kasi akong magtrabaho sa Lunes."

"Oh? You're going to help your sister? That's good!" Nakita ko sina Maxxine sa medyo bandang gitna, napapalibutan ng mga kakilalang kaibigan. Kumakaway sa akin si Nick at may sinesenyasan kaya nagpaalam na ako kay Mrs. Fonacier at nilapitan sila.

Maxxine is wearing a red bodycon dress that is a totally headturner, Bianca is also wearing a white off-shoulder bodycon dress, kasama niya iyong kalove team niya na sa tingin ko ay boyfriend niya ata, halter dress naman ang kay Karlie at black tube dress naman kay Shaira. Nick looks so handsome in his powder blue longsleeves.

Nginitian ko ang mga kasama nila na kilala ko rin pero hindi ko masyadong nakakasama. I think Brenda invited them because they are all social media influencer and some of them model Mom's design pero hindi kasama sa event dahil busy daw.

"Hindi ko inaasahang maraming pupunta!" sabi ko nang niyakap ako ni Maxxine

"Of course everyone will come! Laging hinihintay ng mga tao ang design ni Tita Shayne. Kahit iyong mga invited ay gumagawa ng paraan para makapasok."

Bianca's boyfriend greeted me, kilala ito bilang winner ng reality show, I smiled and greeted him back.

"Can I take a picture of you two? Maiinggit si Tristan kapag nakita niyang kasama kita." sabi niya at nilabas ang kanyang phone. Umiling at tumawa si Bianca pero tumabi rin sa akin para mangyari ang gusto ni Arsen.

We took some pictures and shoot some video from the videographer roaming around for the event. Nagkatuwaan kami nang inasar namin si Bianca sakanyang kaloveteam, umiiling siya kapag tinatanong namin kung sila na pero halata naman dahil ang kamay ni Arsen ay kanina pa na sakanyang bewang.

I was laughing at Nick's joke when I saw the entrance door open, agaw pansin iyon dahil maingay ang paparazzi at puro flash galing sakanilang camera at galing sa liwanag ay unting-unti kong nasilayan ang anino ng isang lalaki at babae.

My smile slowly faded at agad akong nag-iwas sa dalawang bagong pasok. Why are they here? Did Mom invite them?

Nilingon ko si Mommy, halata sakanya ang pagkagulat at agad na tinawag ang kaniyang sekretarya. Umiling ito sa sinabi ni Mommy at tumingin sa akin. Umiling siya na para bang alam niya kung ano ang iniisip ko, ngumiti ako at tinapos ang champagne na hawak ko. Time to go back to Lauren.

Nakatingin din sa kanila ang mga kaibigan ko kaya bago pa nila ako linginun ay mabilis akong nagpaalam at umalis doon.

Abot-abot ang kaba ko pagkapasok ko pa lamang ng backstage. The models are lined up hudyat na magsisimula na. Lauren and Dior are still sitting because they are on the third and last line of the fashion show. Mabilis akong lumapit sakanila at humingi ng tubig kay Rose, hoping that it will decrease the beat of my heart if I drink water.

"Are you lots of people outside?" tanong ni Dior

"Why? Are you nervous?" umiling siya at kinwento na ang mga nakasama niya kanina ay matagal ng modelo at hindi natatakot sa stage kaya dapat ay hindi rin siya matakot.

"Just smile and walk, you both will do good." payo ko sakanila

Sinamahan ko sila sa panunuod ng fashion show sa TV sa aming harap nang nasa gitna na ng second fashion line ay pinatayo na sila para makaready na. May dalawang lumapit na stylist sakanila at niretouch at inayos ang kanilang damit. Nilabas ko ang phone ko at pinicturan sila.

"Mommy will be on the right side, okay? Smile for me!" maligaya silang tumango at pinaalis na ako doon.

Pagkalabas ko ay ang kaninang malaking ngiti para sa dalawa ay nawala, ako ata itong kinakabahan. Agad na lumapit sa akin ang sekretarya ni Mommy at iginiya ako sa aking upuan. Hilaw ang aking ngiti sa mga taong kumakaway at ngumingiti sa akin, patuloy ko silang nilalagpasan hanggang sa marating ko ang harapan. I am beside Ate Xena and Maxxine.

"Where have you been?" tanong ni Shaira nang daanan ko siya

"Do you still use your phone, woman?" maarteng sabi ni Nick, minamata ang kung sino sa linya namin

Doon ko lang napansin na hindi ko kilala ang iba na nasa row namin. Yes, I know that T.V. personnel beside Ate Xena but I didn't expect to have Kelsey Wilson here. She's with someone na hindi ko kilala at wala akong balak kilalanin, hell I won't even smile at her kung lilingon man siya ngayon.

Pinagsadahan ko ng tingin ang ibang upuan, lahat iyon ay occupied na. I saw him with her earlier, bakit wala siya ngayon? Did he finally went home after realizing na wala siyang mapapala sa event na 'to?

I feel like I disturbed so many people by just standing infront of them kaya mabilis na akong umupo at inenjoy ang mga cute na bata na rumarampa sa aming harap. Mom is at the other side of the stage, clapping at enjoying watching the kids. Kukunin siya ni Lauren at Dior para ipakilala sa mga tao bilang designer ng brand.

"I wonder why they are not sitting together? Nag-away siguro?" humilig si Maxxine sa akin para ibulong iyon, noong una ay hindi ko makuha iyon pero nang inangat ko ang tingin ko sa harap ay nakuha ko ang ibig niyang sabihin.

Sitting proudly infront of me is Zeeyan Johansson. I switch my weight at kay Ate Xena naman ako napatingin, she's talking with this T.V. personnel at nang nakita niyang humarap ako sakaniya at pinakilala niya ako.

"This is Tiara Tyson, my sister."

"Ah yes! I've been hearing stories of you, Miss Tiara. Marami akong kilala na may gusto sa'yo, kahit noong nasa France ka pa lang." tumawa siya at tinikom ang bibig, tila nadulas. Tumawa ako at tinanggap ang kamay niya. Nahagip ko ang babaeng katabi niya at nakita ko ang pag-irap niya sa hangin.

Nag kwentuhan kami at ngumiti sa harap ng cameraman nang huminto ito sa harap namin. I am clearly ignoring that woman pero ang lalaking nasa harap ko ay parang hindi pumunta dito para sa fashion show. Everytime I accidentally look at him, nakatingin ito sa akin at pinaglalaruan ang labi like he's been watching me and my every move.

Kumunot ang aking noo at pilit na mag focus sa mga batang nasa harap nang bigla akong siniko ni Maxxine.

"Kanina pa yan nakatitig sa'yo."

"Titigan mo kasi pabalik." biro ni Karlie at tumawa

Ngumuso ako at lalong hindi siya tinitigan, ayokong mapansin niyang pinaguusapan namin siya.

Sinubukan kong titigan siya pero hanggang tatlong segundo lang ang kaya ko at sa attempt kong iyon ay nakangisi siya sa akin! Parang mas pipiliin ko pang kainin ako ng lupa kaysa sa manatili pa dito.

Nag iba na ang music at lalong lumiwagam hudyat na papasimula na ang pangatlo at huling rampa. Umupo ako ng maayos at hinanda na ang aking cellphone.

Malakas ang palakpak ng audience at pagkaangat ko ng tingin ay hindi na nakatitig si Johansson sa akin. Tulad ng lahat ay nag-aabang na rin siya sa mga bata lumabas.

Napakagat ako ng labi. Why is he here anyway? Ano ba talaga ang sadya niya dito?

I think Kelsey Wilson is here because her cousin is a model of the young adult collection and if they are together dapat ay magkasama sila hanggang sa pagupo.

Humigpit ang hawak ko sa aking phone, anger suddenly built inside of me. I think he's here for Lauren.

Pinilit kong ngumiti nang lumabas si Dior, lumakas ang palakpakan at ang spotlight ay nag focus sakanya. Kumaway sa amin si Dior at napatayo si Ate Xena sa sobrang saya.

"Apo? Ang cute!" Rinig ko ang bulong bulungan sa likod and I'm sure everyone in this room is thinking that way. Lahat ay nakatingin sa stage at parang mas munting singhap akong narinig sa mga tao nang lumabas si Lauren

"Exquisite." rinig kong bulong ni Sir Vice

True indeed. Her European beauty is exquisite that makes her look unreal. I also can't believe that I have a daughter this beautiful, caring and kind. Wala akong pinagsisihan sa lahat, seeing her walking in front of me wants to thank Him for giving me this wonderful gift.

May lumabas na luha sa akin mata at agad ko iyong pinunasan. I promised to take a picture of them but I failed to do that because I'm too busy watching her walk. Tumayo ako at malakas ang aking palakpak at hindi ko inaasahang ganoon rin ang gagawin ng mga tao.

Lumaki ang ngiti ni Lauren at dumiretso siya kay Mommy. Tumatawa si Mommy at nilahad ng kamay kay Lauren at sabay silang umakyat ng stage. Lumabas si Dior na may dalang malaking bulaklak. Silang dalawa ay nasa magkabilang gilid ni Mommy na nag sasalita.

"Thank you for coming tonight. This is my first line for the kids collection and I am overwhelm with the people who came tonight. I dedicate this to my grandchildren, Francis Dior and Lauren Francoise. You made Grandma so proud..." bumaba si Mommy at hinalikan siya ng dalawa. Lumabas ang lahat ng mga model at bumuhol ang napakaraming confetti. Nagpalakpakan ang lahat pero may isang tao ang nakatayo lang doon, seryong nakatingin sa akin.

Napalingon ako sa lalaking lumapit sa amin, una niyang kinausap si Ate Xena pagkatapos ay pinakilala ako

"This is Engineer Damien Salvatore, he's the one in charge for our new building. My sister, Tiara."

"Good evening, Miss Tyson." Handa akong kamayan siya pero hindi ko inaasahan ang paghalik niya sa aking pisngi. I think he's European at ganoon ang pagbati doon ay hindi na bago iyon sa akin

"Good evening, Engineer Salvatore." Ngumiti ako at hinayaan ko na silang mag-usap ni Ate tungkol sa trabaho

Ramdam ko ang pagtagal ng titig sa akin ni Engineer pero binalewala wala ko iyon at kinawayan sina Dior at Lauren na pabalik na sa backstage.

Hinanap ng mata ko si Mommy pero natagpuan ng mata ko si Johansson. He is now sitting while his jaw is clenching, kumunot ang noo ko. Nakita ko kung paano nagdilim ang mukha niya habang tinitigan ang lalaki sa gilid ko. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at umalis doon habang sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

"Enjoying the event?" Tanong ni Nick sa akin. Nakaupo kami ngayon sa hinandang lamesa, it's time for dinner. Kumpleto kaming magkakaibigan sa table at may dala ring kaibigan si Ate Xena na kadarating lang.

Sinabihan ko silang tumahimik lang tungkol sa tunay na koneksyon ko kay Lauren at naiintindihan nila iyon pero hindi ako sigurado kung matutupad ba nila talaga ang usapan dahil nang lumabas ang dalawa galing backstage ay agad na sila dinumog ng mga kaibigan ko.

"You're so gorgeous, Lauren! Mana kay Mommy!" panimula ni Karlie at agad kong sinapo ang noo ko.

"Ang gwapo mo! Hihintayin kitang lumaki ah?" humalakhak ng malakas ni Nick kaya madaming napalingon sakanya. Luminga-linga ako sa mga tao, there's no sign of Johansson. Siguro ay umuwi na? O sinamahan si Kelsey sa backstage para tignan ang kanyang pinsan na modelo or maybe his beloved fiancee got bored and went outside to date o baka naman nag book sila sa mismong hotel na 'to?

Why does it matter to me anyway? I need to stop this thinking dahil wala itong idudulot ng mabuti sa akin. He's not committed to me or to my daughter, malayang malaya siyang gawin ang lahat at wala na akong pakielam doon.

Naging abala na si Ate Xena kay Dior habang ako naman kay Lauren. She eating beside me, Rose is feeding her but she refused. Matanda na raw siya para subuan.

"But you'll let Mommy feed you sometimes, right?" lambing ko sakanya. Tumango siya dahil hindi siya makakapagsalita gawa ng puno ng pagkain ang bibig niya

Tumawa ako at tumango habang pinupunasan ang dumi sa gilid ng labi ni Lauren. Her outfit is changed but she is still stunning in her yellow dress.

Hinayaan ko munang kumain sina Rose at Percy habang tahimik ang dalawa sa tabi namin ni Ate Xena. Pinanood ko kung paano pinunasan ni Lauren ang kanyang bibig bago bumaba sa kanyang upuan at naglahad ng kamay sa akin.

"I want ice cream, Mommy..." sabay turo niya sa dessert area ng buffet. Mabilis akong tumayo at pinagbigyan si Lauren.

Dahil masyadong mataas ang cooler ay kakailanganin ko pa siyang buhatin para makita niya ang flavors pero bago ko iyon magawa ay may gumawa na noon para sa akin.

"Hi there, big girl." nagulat si Lauren sa bumuhat sa kanya pero agad rin itong nakabawi at kumapit sakanyang leeg para sa suporta habang ako ay nanatiling kabado, gulat at tulala.

Zeeyan Brent Johansson is standing infront of me, this close and carrying my daughter. Our daughter. Napalunok ako habang kinakausap niya ng malumanay si Lauren. Humagikhik siya at tinuro ang ice cream.

"What flavor do you want?" tanong ni Johansson kay Lauren at nilapit sa cooler para makita niya.

Habang namimili si Lauren ay seryosong nakatingin sa akin si Johansson, ang kaninang maamong mukha noong kausap si Lauren ay napalitan ng malatigreng mukha and I am his prey, just standing in front of him and not doing anything.

"W-what are you doing here?" Akala ko umalis kana?

Gusto ko iyong idugtong kaso baka isipin niyang hinahanap ko siya.

Tumikhim siya at hindi pinansin ang tanong ko, imbes ay pinanood niya si Lauren na masayang kinukuha ang pinili niyang ice cream flavor.

"I don't to go down monsieur." ang french accent ni Lauren ay lumalabas. Halata sa mukha ni Johansson na ayaw niyang bitawan si Lauren pero pursigido ang anak ko at nagpumilit na bumaba kaya wala siyang nagawa kundi ang lumuhod at ibaba si Lauren.

Tumayo siya at inayos ang kanyang coat, still looking at me with those angry eyes.

"We need to talk." seryoso at may halong pagbabanta sa tono ni Johansson

"Lauren!" narinig ko ang boses ni Ate Xena sa malayo at alam ko na agad kung ano ang gagawin

"Mama!" Napapikit ako ng ilang segundo bago hawakan ang likod ng aking anak, lumuhod ako.

"Go to your Mama, okay? I will just talk to a friend." nagpasalamat naman ako at tango na lang ang sinagot ni Lauren. Tumakbo siya papunta kay Ate Xena, iniwan kaming dalawa.

Tumayo ako at inangat ang tingin sa taong nasa harap ko. Sinundan niya ang tingin si Lauren, jaw is slightly dropped and confusion is evident in his eyes.

"Okay, what is it?" He clenched his jaw, nagalit ulit dahil sa akin

Pinasok niya ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang slacks bago lumabas. I think he wants to talk in private. Tumango ako sa aking sarili at sinundan ang gusto niya.

People are looking at him like he's a greek God that needs to be preached, na puro papuri at pagkamangha ang lumalabas sa mga bibig ng mga taong makakakita sa kanya. At hindi man lang siya apektado sa mga ito, he didn't even smile just once. He's like... the old Johansson again.

I saw how Kelsey reacted when she saw us at kung paano siyang nagtangkang lumapit pero pinigilan siya ng kakilala. I hesitated and stopped walking because of the people watching us at nang mapansin iyon ni Johansson ay binalikan niya ako at hinawakan sa kamay para hilain palabas.

I so wanted to tell him about Lauren, about her daughter but I am afraid of the people's reaction. Maraming tao ang maaapektuhan, Tita Regina, Kelsey, her parents. Ano ang sasabihin nila sa issue na ito? Na may anak sa labas si Johansson pero ikakasal sa iba? My daughter's reputation will be ruined, maaaring madala niya 'to hanggang sa paglaki... I can imagine my innocent child bullied because of being an illegitimate child of the Johansson. Sumikip ang puso ko sa naisip, may lumabas na luha sa aking mata at mabilis ko iyong pinunasan.

Nang nakarating na kami sa garden ng hotel ay agad kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko. I saw a glipse of hurt from his eyes pero agad rin iyong nawala.

"What do you want to talk about?" I try to sound annoyed para matago ang kaba sa akin dahil kung hindi ay baka kanina pa ako nautal

"I just want to ask... if you're okay." malumanay at naninimbang ang tanong niya, na para bang may itatanong siyang iba pero dinadahan dahan muna

"I am." mabilis kong sagot

If he's talking about that I'm okay with leaving him for his future with another girl, that his mother doesn't want me for his son, that there's a better woman than me out there that will surely marry him after I leave, got pregnant at eighteen and have to keep it a secret. Yes, it's okay. It's really damn okay.

"that you left me." dahan-dahan ang pagkakasabi niya. Kumunot ang noo ko dahil wala akong naintidihan sa sinabi niya pero nang napagtantong kasunod iyon sa huling sinabi niya at napaawang ang bibig ko

"How did you recover that fast, huh? How can you make love to me then leave me the next day? Just... how did you do that?" umiling ako, ayokong sagutin ang mga tanong niya.

"Where's your fiancee? Diba dapat magkasama kayo? Bakit ka nandito kasama ako? Dapat nandoon ka! She saw us, paalis ng event." umiling siya at kinunot ang noo na para bang ayaw niyang pagusapan iyon

"No, Johansson! People saw us together, alam nilang engage kayo pero nandito ka kasama ako." I can feel my inside burning in a different way

At lalong nagliyab ang galit sa akin nang makita siyang pumikit at ngumiti! Jerk!

"I miss you calling my name. Damn, I miss you a lot." I got stunned by his words pero kalaunan ay nakabawi rin. Umiling ako, convincing myself that I should not be fooled by this man.

"Go back to your fiancee, Johansson." sabi ko at ambang tatalikuran siya pero mabilis niyang hinigit ang braso ko at hinila pabalik sakanya.

"Whose fiancee are you talking about? Mine is still single..." bago pa ako makapag react ay niyakap na niya ako

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 137 23
Originally published in TypeKita App ~•~ Classroom Love Story •~• Yung pine-pressure ka na ng best friend mo na magpasa sa class president niyo ng PP...
1.4M 56.3K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
13.1K 1K 80
Audrey Monique Jimenez, a typical nerd who doesn't care about her looks and attitude. For her, she is she. Wala siyang pake sa sasabihin ng iba sa ka...
577 95 30
[CYCLE OF LOVE SERIES #2] EPISTOLARY "Why did I fall in love to a crazy man like you?"