The Proxy Wife

By nimbus_2000

630K 10.4K 852

si Maxine, NBSB ever ang drama sa buhay..paano kung dumating ang isang araw na mangailangan sya ng tulong, pe... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Sakin na muna ang spotlight
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
TEASER LANG!
Chapter 40
Finale
Thank YOU!!
Special Chapter
Special Chapter 2

Chapter 4

16.7K 316 13
By nimbus_2000

"Damn that bastard!" sigaw ni dad sa kabilang linya--di ako sigurado kung ano o sino ang kausap niya sa kabilang linya kaya inilapit ko pa ang tenga ko sa pinto ng study area.

"did you tried to stop him from leaving?"

"yeah..I understand.."

"well, I'll make sure that he'll leave here as soon as possible to take over."

sinong aalis? at saan naman pupunta? di ko pa man napagninilay-nilayan ang iniisip ko ay biglang bumukas ang pinto at bumulaga si dad sa harap ko, obviously pati sya ay nagulat na naroroon pala ako..

"how long have you been there?"

"enough to here that someone's leaving." yeah, yun lang maisasagot ko sa kanya..lihim ko ng ipinapanalangin na sana ay ako ang taong sinasabi niyang aalis.

"good, now go and pack your suitcases 'cause you'll be leaving tomorrow for Philippines.." totoo ba yung narinig ko? pinapabalik na niya ako ng Pinas?

"huh? why?" kunwari'y nagtataka pa ako sa sinabi niya sa akin..pero deep in inside eh excited na akong makita si Patrice.

"Lucas left with the deal to Malcolm and Co. motors..that asshole's been using the position I gave to plot our company's downfall..di ako papayag na bumagsak ang kumpanya so I'm giving you the power and the position he vacated."

si Lucas Sebastian? eh sa umpisa palang naman wala na talaga akong tiwala sa hilatsa ng pagmumuka nung gagong iyon eh, tapos nanakawan pa kami ngayon? sabi ko na nga ba at tinatago lang niya ang sungay niya sa kulot niyang buhok. Pinagkatiwalaan lang siyang masyado ni Daddy dahil siya ang nagpasok ng deal ng California Specs sa kumpanya kaya agad ginawang supervising manager ng HQ namin sa Makati. Ang lokong yun, may binabalak palang masama.

"sige dad, I'll go up and prepare my things." yesss! eto na yung chance ko, parang lumilipad ang pakiramdam ko habang tinatakbo ko ang hagdan paakyat..Patrice, I'm coming..mas maganda kung sorpresa kaya di ko muna sasabihin sa kanyang uuwi na ako.

saktong pagpasok ko ay nagring ang cellphone ko..

"ate! guess what?!"

"sus, I know..I'm the one who called dad just awhile ago.."

"thanks ate!"

"no, kay Lucas ka magpasalamat..haha, he's the one who did shits kaya makakauwi ka na rito.."

"so should I call him now, and thank him 'cause he'd just done a huge favor for me.." sarcastic kong pagtatanong sa ate ko.

"haha, maybe you should..just kidding, so anyway what's the deal between dad and you then?"

"I dunno, maybe baka malaman ko nalang pag andyan na ako..he just asked me to pack my things for now."

"that's sweet..so you better call me when's you're flight so I can personally fetch you on the airport! bye for now dear brother!"

*end button* this is finally real, funny but I missed the pollution in Manila, pati narin yung ingay..pero mamiss ko parin ang bawat sulok ng New York syempre idagdag narin ang casinos sa Vegas. Sa wakas Patrice, magkikita na ulit tayo.

"tay, di mo nanaman ininom yung gamot mo!" pagmamaktol ko sa tatay habang hawak ko ang lalagyan ng gamot niya.

"di na kailangan, lalo lang bumibigat ang pakiramdam ko sa mga gamot na yan." nagkakamot pa ng ulo na nakatingin sa akin.

"tay, maintenance 'to..anung di kailangan? inumin mo na ito!" habang inaabot ko sa kanya ang isang baso ng tubig at dalawang tabletas.

"anak, namimiss ko na ang nanay mo.." napalingon ako sa kanya napaisip ko ano ba ang ibig niyang sabihin--ayoko namang i-take negatively ang statement niyang iyon.

"what do you mean tay? hay nako, sige dalawin natin si nanay sa sementeryo kung gusto niyo tutal naman ay malapit narin ang death anniversary niya."

"sige anak, papanhik na ako sa aking kwarto..matulog ka narin at maaga pa ang pasok mo bukas." tumalikod na sya at sinimulang baybayin ang hagdan habang ako naman ay naiwan at nakatingin sa kanya buhat sa sala ng bahay..naawa narin ako sa tatay ko dahil sa may katandaan narin sya..matanda narin kasi nung nag asawa kaya nga kaisa isang anak lang ako--menopause baby pa..yun ang tawag sa akin, kaya sa edad kong 24 ay talaga namang matanda na ang itay.

[Makati, Monday; 8:00am]

Malakas ang bulung bulungan sa office pagdating ko palang, kating kati na akong malaman kung ano yung mga pinagtsitsismisan nilang lahat kaya agad akong dumiretso sa table ni Louella.

"Ella, ano yung parang pinagtsitsismisan dun sa labas? sa receptionist palang parang may dumating na artista na may scandal lang ang eh?"

"ay di mo ba knows Max? si Sir Lucas nasibak na..at ang balita pa..oh balita ha, hindi tsismis..nagnakaw daw dito sa kumpanya natin! tsk tsk, galit na galit pa nga raw yung CEO dahil sa ginawa..oh well sino nga bang di magagalit dun diba?"

"ha? si Sir Lucas, paano niya nagawa iyon? saka ano yung ninakaw niya? pera--oh baka naman mahahalagang dokumento?"

"ano ka ba Maxine, kung makapagsalita ka feeling ko tuloy eh para siyang isang soviet union spy!"

"malay naman natin diba..eh pero, teka nga..so ibig bang sabihin niyan ay si Ma'am Carlene ang papalit sa posisyon ni Sir Lucas? diba sya lang naman ang anak ng president natin?"

"hay nako, yung ikinuwento ko sayo..yun lang ang nasagap ng radar ko teh, mahina na ang signal..at saka FYI may kapatid si boss Carlene, speaking of which sana nga ay umuwi dito yung kapatid niyang lalaki." napatingin ako sa kanya nung mga sandaling iyon.

"may kapatid ba kamo si Ma'am Carlene?" parang di pa ako makatiyak sa sinabi niyang iyon, pag kasi pumapasok ako sa office niya ay puro pictures lang niya kasama ang papa o ang mama niya ang nakadisplay sa mesa nito kaya naman ang buong akala ko ay solong anak lang sya.

"ay, di mo pa ba sya nakikita? nako 4 years ago nagbakasyon sya dito sa Pilipinas at dinadalaw dalaw niya rito sa office si boss Carlene..haaay grabe pag nakita mo sya talagang matutuyuan ang salivary glands mo!" ganyan talaga si Louella kapag type na type niya ang isang lalaki--medyo may pagka OA kung magdescribe.

"naku, 4 years ago ba? haler, nasa kolehiyo pa ako nun! pinatunayan mo lang na matanda ka na talaga! hahaha" pambubuska ko pa rito.

"fresh pa naman ang beautykelya ko no, bruhang to..fresh grad lang din ako that time, at yung kapatid na yun ni boss Carlene ay kumukuha ng masteral sa America kaya naman  nagbabakasyon lang dito..siguro ay nasa 26 to 28 lang ang edad nun ngayon kasi si boss ay 30 ish na.." napatango na lamang ako sa kanya, oh well kahit sino pa maging bago naming boss eh sana lang ay mabait at magaling makisama lalo na sa aming mga empleyado.

"babalik na ako sa table ko..baka sabihin mo iniistorbo pa kita.." pangaasar ko pa kay Louella.

"ay teh, buti naisip mo yan! nakitsismis muna kasi eh..haha."

Kahit nakabalik na ako sa aking table ay di ko parin matanggal sa isip ko kung sino ba talaga ang papalit kay Sir Lucas, at kung iyon ba ay ang kapatid ni Ma'am Carlene, ah ewan andami ko pang pending na trabaho bakit poproblemahin ko pa iyon.

Wala pa sa kalhati ng finafinalize kong financial report ng biglang makarinig kami ng mga tumatakbo sa labas, di ko tiyak kung ano ba ang meron--pero sigurado akong walang sunog dahil di naman tumutunog ang fire alarm..oh baka naman lumindol? teka di ko naman naramdaman iyon--ganun na ba akong kaabsorbed sa trabaho ko??

Sumilip si Louella dahil ang table niya ang pinakamalapit sa pinto, nakaharang siguro ng tumatakbo dahil tila may kausap ito..di pa nito naisasara ang pinto ay agad itong tumili na ikinagulat namin..

"andyan na raw yung kapatid ni boss Carlene!!!!" medyo annoying pero di ko namalayan na nakikipagbalyahan narin ako sa mga taga ibang department sa corridor masilayan lang kung ano ba talaga ang itsura ng hudas at bakit lahat ay interesado siyang makita.

Continue Reading

You'll Also Like

90.7K 2.4K 16
About the character: Lucas Angelo Montebello- a well known heart breaker. A notorious playboy and one of the country's hottest Billionaire. Maureen...
433K 8.3K 62
`8 years long.... long 8 years id left,because id choose to leave..... dala dala ang Galit at Hinanakit.... ang galit at hinanakit na bumuhay sa aki...
83.6K 1.2K 34
This is the story of a young teenager who falls inlove with a billionaire bitch,mahal na mahal niya ang babae kaya,kaya niyang isakripisyo ang lahat...
69.1K 707 9
(COMPLETED in Goodnovel🎉...) *** "chicklit by queenkimzxie" Exelle Kim was back, not exactly for revenge but to expand EXellene Royale. She came bac...