[STHEP'S POV]
"Aray!"
Napapikit ako nang bigla na lamang humihip ang malakas na hangin sa mukha ko.
Bukas kasi ang bintana nang kwarto ko dahil wala naman akong aircon. Hindi ako mayaman.
Napuwing tuloy ako.
Halos hindi ko maimulat ang kaliwa kong mata. Naluluha na ako dahil sa kung anong bagay na pumasok sa mata ko.
Ang sakit.
"Mabubulag pa yata ako bago matapos 'tong istorya na 'to ah." Sabi ko sa sarili ko.
Mariin kong ginusot ang mga mata ko.
Ewan ko ba. Habang ginagawa ko 'yon ay parang may nakikita akong babae sa harapan ko. Nakatayo lang siya habang nakatingin sa akin. Medyo malabo siya kaya hindi ko sigurado.
"Hello?"
Hindi pa rin ako makakita nang maayos. Bwisit kasing hangin yan. Mukha ko pa talaga.
Wala na ngang maganda sa akin, mawawalan pa yata ako nang paningin.
"May tao ba diyan?"
Pinilit kong idilat ang mga mata ko pero talagang malabo. Nakatayo lang siya, palapit sa akin.
Medyo tinablan na ako nang takot.
"I-I s-see dead p-people?"
Humakbang ako paatras. I extended my arms to check if the girl was real or just a product of my imagination.
May naramdaman akong mainit na likido na umagos mula sa aking ilong.
"Shit. Inuuhog na yata ako sa takot." Kinapa ko iyon at pinilit kong tinignan kung uhog nga.
Kulay pula?
"Bakit pula? May nasingit lang na english sa pov ko, nosebleed kaagad?"
Ipinahid ko iyon sa shorts ko sabay singhot.
"Don't ghost me, whoever you are. I'll ghost you back ... y-y-you ghost!" Babala ko sa babaeng nasa harapan ko habang naniningkit pa rin ang mga mata ko sa sakit.
Sabi nang Nanay ko basta umuwi ako nang maaga walang mangyayaring masama sakin. Hindi naman niya ako in-inform na hindi pala kasama roon ang mga multo.
Sthep ...
Boses nang isang babae ang tumawag sa napakaganda kong pangalan.
"Hoy! Kung sino ka man, hindi ako interesadong makipagkilala sa'yo!" Sigaw ko.
Lintik! Ngayon pa ako nabulag.
Natabig ko ang lampshade na nakapatong sa study table ko. Oh, wag na kayong magreact. May study table. Ako.
Lalong dumilim ang paligid.
Lalong naging malinaw ang babaeng nakaputi sa harapan ko.
"You go out! The exit is in the left!" Bulyaw ko sa nilalang na nakapagpatindig sa balahibo ko.
Sthep ako 'to.
"Wala akong kilalang To. Please lang umalis ka na." Hindi ko na napigilang hindi maiyak. Takot na takot ako.
Demonyo nga di ko kinaya. Multo pa kaya.
Ako 'to si Kathy...
Napaawang ang bibig ko nang marinig ko ang pangalan nang bestfriend ko.
"K-Kathy?"
Dahan-dahan akong humakbang palapit sa switch nang ilaw. Kinapa ko ang pader hanggang maabot ko ang switch.
Nang biglang lumiwanag ay muli kong kinusot ang mga mata ko. Wala na ang babae. Bumalik na rin ang paningin ko.
"Kathy!" Sigaw ko.
Hinalughog ko nang tingin ang buong kwarto. Wala na talaga ang babae. Hindi ko na siya makita.
"Kathy..."
Humikbi ako.
Hanggang sa natuloy iyon sa pagiyak. Nanghina bigla ang mga tuhod ko. Napakapit ako sa headboard nang kama.
Wala na ang bestfriend ko. Patay na yata siya.
"Kathy ... kung nasaan ka man. Mahal na mahal kita. Hinding-hindi kita makakalimutan Chum. Nandito lang ako palagi para ipagdasal ka. Pasensiya ka na kung hindi ka na namin binawi pa kay Erick ha." Saglit kong pinunasan ang mga luha ko. "Alam ko naman kasi na yun ang gusto mo. Alam kong ginawa mo yon para hindi na kami mas masaktan pa."
Muling humihip ang hangin. Marahan lang iyon. Dumampi sa aking pisngi.
"Mahal na mahal din kita Chum. Si Damon nga pala, di ko alam kung nasaan siya. Umalis siya. Iniwan niya ako."
Pakiramdam ko ay nakikipagusap ako sa hangin. O baka ako lang 'to. Baka sadyang nababaliw na ako.
Naupos ako sa gilid nang kama habang nilalaro ang dulo nang buhok ko. "Mababaliw na ako Chum pero kinakaya ko. Nakakabaliw pala kapag wala ka. Wala nang tatawag sakin sa madaling araw para lang kwentuhan nang love life niya. Wala na akong sesermunan. Ang hirap hirap mag focus. Ang hirap pumasok sa school. Lahat mahirap Chum."
Hindi ko alam kung naririnig ba niya ako.
Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ba ako nang demonyo o nang imahinasyon ko.
Pero totoo man na si Kathy ang babaeng yon o hindi, masaya pa rin ako.
Masaya ako na nasabi ko yung nararamdaman ko. Ang bigat-bigat na kasi.
Hindi ko matanggap na wala na ang pinakamatalik kong kaibigan.
Pakiramdam ko, kalahati ng buhay ko ... wala na rin. Iniwan na rin ako.
[KATHY'S POV]
Nang muli kong idinilat ang mga mata ko ay tumunghay sa akin ang pinakamatalik kong kaibigan.
Si Sthep.
Hindi ko na naman napigilan na hindi umiyak. Wala pa rin siyang pinagbago. Siya pa rin yung kwelang tao na kilala ko.
Gustung-gusto ko siyang yakapin kaya naman pinilit kong lumapit sa kanya.
Hindi ko naman alam na sa gagawin kong iyon ay mapupuwing siya.
Pakurap-kurap siya habang naggugusot nang mata.
"Hello?" Aniya habang nakaharap sa direksiyon ko. "May tao ba diyan?"
Pinilit niya akong maabot pero dalawang dipa ang layo ko mula sa kinatatayuan niya.
Bahagya akong lumapit.
"I-I s-see dead p-people?"
Hindi ko alam kung bakit siya nagiingles. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti.
"Don't ghost me, whoever you are. I'll ghost you back ... y-y-you ghost!"
Tumutulo ang luha ko habang nakangiti sa kanya. Kahit kailan talaga palabiro ang kaibigan ko. Kahit kailan hindi siya nabigong pangitiin ako.
Kung alam ko lang na sobra akong masasaktan na makita sila, sana'y hindi ko na hiniling pa. Sana'y nakuntento na lamang akong mag-isa.
"Sthep ako 'to si Kathy ..."
Nakita ko kung paano magbago ang ekspresyon nang kanyang mukha. Para siyang binuhusan nang malamig na tubig. Nataranta siya at bigla na lamang nanlumo.
Then I just found her crying.
"Kathy ... kung nasaan ka man. Mahal na mahal kita. Hinding-hindi kita makakalimutan Chum. Nandito lang ako palagi para ipagdasal ka. Pasensiya ka na kung hindi ka na namin binawi pa kay Erick ha. Alam ko naman kasi na yun ang gusto mo. Alam kong ginawa mo yon para hindi na kami mas masaktan pa."
Durog na durog ang puso ko.
Buhay pa ako pero pakiramdam ko ay unti unti na akong pinapatay sa mga nakikita at naririnig ko.
"Naiintindihan ko Chum. Sorry kung kailangan kong mawala nang walang paalam. Sorry kung sobrang nasaktan kita. Kung hindi ko na nasabi sayo yung mga bagay na dapat dati ko pang sinabi sa'yo. Na sana'y nakinig na lang ako sa'yo. Sana pinakinggan na lang kita. Mahal na mahal kita Chum."
Sinubukan kong punasan ang luha niya pero tumagos lamang ang kamay ko sa kanyang pisngi.
"Mahal na mahal din kita Chum. Si Damon nga pala, di ko alam kung nasaan siya. Umalis siya. Iniwan niya ako."
Naupo ako sa tabi niya.
"Alam ko kung nasaan siya Chum. At sa huling pagkakataon gusto ko siyang makita."
Naramdaman kong parang unti-unti akong nalulusaw. Pakiramdam ko anumang oras maglalaho ako at sasabay sa ihip nang hangin.
"Mababaliw na ako Chum pero kinakaya ko. Nakakabaliw pala kapag wala ka. Wala nang tatawag sakin sa madaling araw para lang kwentuhan nang love life niya. Wala na akong sesermunan. Ang hirap hirap mag focus. Ang hirap pumasok sa school. Lahat mahirap Chum."
Ngumiti ako.
"Ako din Chum, mamimiss kita. Mamimiss ko ang lahat-lahat nang pinagsamahan at pinagdaanan natin. Sana makahanap ka nang taong magpapahalaga sa'yo. Sana makahanap ka nang lalaking magmamahal sa'yo at aalagaan ka. Yung taong hindi ka hahayaang mag-isa. Paalam Chum. Paalam ..."
Pagkasabi ko noon ay bigla na lamang lumiyab ang marka sa kanang kamay ko. Unti-unti akong nawalan nang lakas at nanghina.
•••
Hello TDS readers,
Sorry sa kakarampot na update. Malapit na kasi siyang matapos kaya binigyan ko na lang nang tig-iisang chapter ang mga taong gustong makita ni Kathy bago siya kunin nang impyerno. Sana'y hindi kayo mainip.
Salamat sa inyo. 😚
Tasha