S.T.A.I.D. 2 (COMPLETE) - Pub...

By MissClosetNovelist

251K 7.3K 199

Hindi normal ang kabataan ni Raen dahil sa uri ng trabahong mayroon ang kanyang mga magulang. Naging black be... More

Prologue 1
Prologue 2
1.1
1.1 - Deleted Scene
1.2
2.1
2.2
3.1
3.2
4.1
4.2
4.3
4.4
5.1
6.1
7.1
Deleted scene
7.2
8.1
9.1
9.2
10.1
10.2
11.1
11.2
12.1
12.2
13
14.1
14.2
15.1
15.2
Part 16
17.1
17.2
18
19.1
19.2
20.1
20.2
21.1
21.2
22
23.1
23.2
24.1
24.2
24.3
25.1
25.2
26
27
28
29.1
29.2
30: Finally, the End

20.3

3.5K 103 7
By MissClosetNovelist

NAPATAYO sa kinauupuan si Raen nang pumasok doon ang papa at mama niya. Sigurado siyang may masamang nangyari dahil magkakasabay pang napamura sina Stone, Myka, at Kuya Luke niya kanina. Sa totoo lang ay hindi narinig ni Raen ang sinabi ni Ethan. Distracted kasi siya at hindi naman niya alam kung ano ang ie-expect na marinig.

"I hate to say this but we need Gideon," bungad ng papa niyang si Abel.

"And we need to secure Raen," dugtong naman ng mama niyang si Rose.

"Bakit?" tanong ni Raen na pumwesto sa gitna ng mga ito. Hindi na siya papayag ngayon na basta nalang nila siyang ilagay sa sidelines.

"You'll be safer—"

"No, Ma, nagsasawa na akong marinig 'yan mula sa inyong lahat," pagkatapos ay inilibot ni Raen ang paningin upang tingnan ang bawat isang taong kasama niya doon. "Simula ngayon, I demand that you all treat me like your equal. Hindi na ako bata at lalong hindi ako mahina." Tumingin siya ng diretso sa papa niya. "Pa, 'wag niyong gawin sakin ito ni mama. Halos buong buhay ko ay tine-train niyo ako. I deserve to be treated like an equal."

"'Wag kang magsalita ng ganyan kila papa at mama, Raen," saway ng Kuya Luke niya.

Sumingit din si Stone. "Hindi ito ang tamang panahon para maging unreasonable, Raen. Hindi mo naiintindihan—"

"Ikaw," putol dito ni Raen bago bumaling sa Kuya Luke niya. "Kayong dalawa ang hindi nakakaintindi. Alam kong nakikita niyo lang ako bilang nakababatang kapatid at isang babae na kailangang protektahan. But I don't need that from you. You have no idea what I can do, okay? You have no idea what I'm capable of and you have no idea what I've been through."

"Raen, stop this nonsense," mahinang saway ng papa niya.

But Raen was beyond pissed already. Isa din siyang Marasigan, damn it! At ipapakita niya iyon sa mga ito ngayon mismo.

"This is not nonsense, Pa," wika ni Raen bago tumingin kay Stone. "You don't know what it was like after you were gone. Si Kuya Luke ay umalis na sa bahay at nag-aral para maging abogado." Tapos kay Luke naman siya tumingin. "Hindi ka na nakatira sa bahay kaya hindi mo din alam ang lahat ng nangyaring pagbabago." Sa wakas ay ang mga magulang naman niya ang tiningnan niya. "Nang mawala si Kuya Adam nagbago na kayo."

Parang naiiyak na si Raen kaya nag-iwas siya ng tingin bago nagpatuloy. "Pakiramdam ko ay hindi lang siya ang nawala kundi ang buong pamilya ko. Pero naiintindihan ko na ngayon na ganoon lang talaga ang paraan niyo ng pagpaparamdam na mahal niyo ako. You trained me because you wanted me to be able to defend myself. Kaya marunong na akong humawak ng baril at black belt na ako sa apat na klase ng martial arts bago pa ako mag-eighteen. Alam ko kung paano tatalunin ang kalaban na triple ang bigat at laki sa akin. Alam ko kung paano makakatakas mula sa control room na ito sa loob lang ng limang minuto dahil inalam ko agad yun nung unang beses pa lang na nakaapak ako dito. Maliban doon sa mausoleo ay may isa pa akong safe house. And currently, I have two other active identities complete with social security number, updated passport and visa, and active bank accounts."

"So you see?" bumaling na uli si Raen sa kanyang mga magulang. "I'm not completely helpless. At madami akong kayang gawin na natutunan ko mula sa inyo. Hindi man halata pero sinunod ko ang lahat ng bilin niyo sa akin at ginawa ko ang lahat ng iyon ng maingat at maayos."

Tahimik ang lahat nang matapos si Raen sa kanyang monologue. Medyo naiilang na siya nang bigla na lang humarang sa harap niya ang Kuya Luke niya. "What?" kunot-noong tanong nito. Pagkatapos ay nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanya at sa mga magulang nila. "Totoo ba iyon?"

Tumango si Raen.

"Pa?" si Stone naman ang nagtanong niyon.

Pero hindi agad sumagot ang papa niya. Sa halip ay bumaling ito sa mama niya. Then they did that thing again with their eyes. Pagkatapos ay sabay ang mga ito na tumingin sa kanya.

"Halika rito, Raen," mahinang utos ng papa niya na agad naman niyang sinunod.

Nang makalapit si Raen ay mahigpit siyang niyakap ng mga magulang. "You did a good job."

Bigla ay parang gustong tumawa ni Raen tumawa ng malakas. Hindi naman kasi siya yung klase ng tao na mahilig sa drama. At sa totoo lang, pakiramdam niya ay nabura na ang lahat ng hinanakit niya sa mga magulang dahil lang sa mga simpleng salitang iyon. Hearing her father say that she did a good job was equivalent to receiving the highest form of praise.

"Thanks, Pa," ang tanging nasabi ni Raen.

Pero hindi pa pala tapos ang mga magulang niya. "Tama ka," wika ng mama niya. "You deserve to be here." Pagkatapos ay humarap ito sa dalawa niyang kuya. "Raen will stay right here. With us."

At bago pa makapagprotesta ang kahit isa sa mga kuya niya ay sumingit na si Myka. "Alam ko na kung paano kokontakin si Gideon. We just have to ask Robbie."

"GUSTO kong pumasok doon," anunsiyo ni Raen nang makabalik sina Myka at Stone mula sa pakikipag-usap kay Robbie.

Kahit pa nagalit si Stone kay Robbie ay sinabi naman nitong malaki ang tiwala nito kay Robbie. The guy was loyal and he was also the best "tech guy" in STAID. Pero mukhang hindi na pala nila kailangan ng tulong ni Robbie. Ayon kay Robbie ay si Gideon mismo ang nagsabi na pupunta ito doon sa headquarters nang malaman nitong naroon si Ryder. Ang problema lang ay hindi nila alam kung kailan ito dadating.

"Saan?" may halong babalang tanong ni Stone.

"Sa interrogation room."

"Absolutely not!"

Hindi pinansin ni Raen ang galit na reaksiyon ng kuya niya. Sa halip ay humarap siya sa kanyang mga magulang. "Pa, Ma, please, alam niyong tama ako," apila niya sa mga ito. Pagkatapos ay kay Myka naman siya bumaling. "Ate Myka, ikaw ang analyst dito. Kahit kailan ay hindi ako sinaktan ni Eth—Ryder. Ang gusto talaga niya ay makausap ako. Kaya ibigay na natin sa kanya ang gusto niya. Hayaan niyong kausapin ko siya."

Pigil ni Raen ang hininga habang hinihintay na magsalita si Myka. Sa wakas ay lumambot ang mga mata nito saka bumaling sa Kuya Luke niya na sobrang lalim ang pagkakakunot ng noo. "Ikinalulungkot kong sabihin pero may punto si Raen." Itinaas ni Myka ang isang kamay para pigilang magsalita si Stone. "Kalimutan mo munang kapatid mo si Raen at maiintindihan mong iyon nga ang tamang gawin."

Ilang sandali muna ang lumipas bago paungol na sumagot si Stone ng, "Fine."

Gusto nang mapangiti ni Raen pero pinigilan niya ang sarili at hinintay na sumagot ang kanyang mga magulang. Tahimik na tumango lang ang mga ito na sinundan naman ng Kuya Luke niya ng isa ding napipilitang, "Okay."

"Ako na ang maghahatid sa kanya," agad na prisinta ni Myka.

Binigyan ito ni Raen ng thankful na ngiti bago nagpatiunang lumabas sa control room. Nang nasa labas na sila ay bigla siyang pinigilan ni Myka sa kamay.

"Sigurado ka bang gusto mo itong gawin, Raen?"

Isang tango ang isagot ni Raen.

Tumango din si Myka saka siya hinawakan sa magkabilang balikat. "Tandaan mong nasa kabilang kuwarto lang kami. 'Wag kang matatakot."

"Hindi ako natatakot kay Ethan."

"Good, basta kahit ano'ng mangyari 'wag mong kalilimutang pinapanood namin ang lahat. Kapag nakaramdam ka ng kahit na anong hindi maganda, sumignal ka lang at nandoon na agad kami sa loob lang ng thirty seconds."

Napangiti si Raen. "Sigurado kang thirty seconds lang?"

Pero mukhang hindi nakuha ni Myka ang humor sa sinabi niya. Seryoso pa rin ito nang sumagot. "I timed it. Thirty seconds ang average response time mula sa control room papunta sa interrogation room."

Napatango na lang si Raen. "Okay."

"Teka," pigil ni Myka nang akmang papasok na si Raen sa interrogation room. "Gusto ko lang makasiguro na alam mo talaga kung ano itong pinapasok mo. You'll be my sister soon. At ayokong masaktan ka, Raen."

"Hindi ako sasaktan ni Ethan."

"Hindi naman pananakit na pisikal ang ibig kong sabihin."

Malungkot na napangiti si Raen. "Alam ko, Ate Myka. Believe me, ilang beses ko na ding kinwestiyon ang sarili kong katinuan dahil kay Ethan. Pero alam mo, kahit na alam kong mas malaki ang posibilidad na masasaktan lang ako sa huli, gusto ko pa ring gawin ito para sa kanya."

"Oh, Raen," and for the first time since Raen met her, Myka initiated a hug.

Para tuloy gustong maiyak ni Raen dahil doon. "Okay lang, Ate Myka. Lahat naman tayo ay entitled na magkamali paminsan-minsan, di ba? And it's my choice to make this mistake now. I know it's crazy, but I guess some people are simply worth being crazy for." Nginitian pa ni Raen si Myka bago siya tuluyang pumasok sa interrogation room.

Continue Reading

You'll Also Like

26.6K 1.8K 29
A girl who was longing for a family and a boy who hates his own family. Dori was like a firefly with the brightest light while Conner forgot how to f...
88.5K 2.7K 18
"Bigyan mo ako ng karapatang magselos at ipapakita ko sa iyo kung paano ako magselos." Little Cupcakes Series *This is the first installment in t...
12.5K 222 32
Musika ang naging daan kaya nagkakilala ang ikaw at ako. Sa musika rin ba magtatapos ito?
56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...