Barbie Girl

By thephantelle

628K 14.1K 3.1K

❝Hi! Ako si Kathryn at isa akong manika!❞ More

Barbie Girl [KathNiel]
01.
02.
03.
04.
05.
06.
07.
08.
09.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.

23.

12.7K 399 110
By thephantelle

BARBIE GIRL
CHAPTER TWENTY THREE

(Kathryn)

Ang weird talaga! Boyfriend ni Sofia 'yung lalakeng kausap ni Mich. Ano ba ang relationship ng boyfriend ni Sofia kay Mich? Feeling ko, dating manliligaw ni Mich 'yung lalake. Pero nakipagbalikan si Mich kay Daniel. Kaya nasad si guy. Tapos nakilala niya si Sofia kaya naging sila. Omo! Tama! Masyado naman kasi akong praning. Pero infairness, pwede na akong maging writer.

Diba? Diba? Hihihihi!

"Announcement! Nandito na tayo sa destination natin. Kung sino ang katabi niyo, siya na rin ang magiging ka-roommate niyo. Ibibigay namin ang susi ng magiging kwarto niyo. Second floor kayo, okay? Kung may problema sa kwarto niyo, approach me." Tumingin si prof sa watch niya. "Seven thiry five am na! Bibigyan namin kayo ng one hour para magpahinga. Pagdating ng eight thiry, pupunta kayo sa tabing dagat. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Opo!" Sigaw namin. 

Isa-isa ng bumaba ang mga classmates namin. Nang turn na namin ni Sofia, siya ang kumuha ng susi. Medyo nahihirapan ako sa dala ko kasi ang bibigat pero keri lang. 

"Ang dami mo namang dala, Kathryn." Isang backpack lang kasi ang dala niya. Huhuhu. Super OA ko talaga magdala ng gamit. "Tulungan na kita!" 

Kukunin na sana ni Sofia 'yung shoulder bag ko pero may lalakeng kumuha nito at naglakad palayo sa amin. Biglang nanlaki ang eyes ko.

Omo! "Snatcher!" Sigaw ko.

Tumawa si Sofia. "Kathryn, hindi 'yan snatcher. Si Daniel 'yan!" Tumatawa niyang saad sa akin. Dahan-dahan naman akong tumango. Kathryn, bopols forever!

Sinundan namin ni Sofia si Daniel. Ang cool naman ni Daniel. Alam niya ang room namin. Tumigil kasi siya sa isang room. Kaya tumigil rin kami.

After 2 minutes, nagsalita na si Daniel. "Hoy! Hindi niyo ba ibibigay sa akin ang susi?!" Sigaw ni Daniel. Nagpapanic na binigay ni Sofia ang susi kay Daniel.

Bago buksan ni Daniel ang kwarto, hinampas ko siya sa braso. "Hindi ka kaya nagtanong! Hmp!" Saad ko sa kanya at binelatan siya. 

Tuluyan nang binuksan ni Daniel ang pintuan. Nilagay niya 'yung shoulder bag ko sa sahig. 

"Sala-," Ginulo ni Daniel ang buhok ko.

"Sige, Kathryn! Puntahan ko lang si Mich." Aniya Daniel at tumakbo na palayo.

"-mat..." Pagtutuloy ko.

Ang sira mo talaga, Kathryn. Feeling ka pa! Porket hinatid ka lang sa kwarto mo akala mo kung sino ka na. Kaibigan lang ang tingin niya sayo. Para ka lang kapatid.

Pero si Mich? Mahal na mahal 'yun ni Daniel.

"HOY! Bigla kang nanahimik nang marinig mo pangalan ni Mich?" Sigaw ni Sofia sa akin. Bumalik ako sa reality at nakita kong sinarado na ni Sofia ang door ng room namin.

"A-ah, wala." Saad ko.

Double deck ang bed namin. Meron ding mini ref at maliit na tv. May closet rin at may CR. ''Kathryn, sa taas ka or sa baba?" Tanong ni Sofia.

"Sa taas nalang, Sofia!" Aniya ko.

"Okay, okay." Energetic na saad ni Sofia. "Magtutoothbrush lang ako!" Sigaw niya at patakbong pumasok sa banyo. Kinuha ko na ang bag ko at inilagay ang mga damit ko sa closet. May dala-dala rin akong chocolates at inumin kaya inilagay ko ito sa ref.

Pagkalabas ni Sofia sa banyo ay inayos na rin niya ang mga gamit niya. 

"Sofia, kilala mo ba si Mich?" Tanong ko sa kanya.

Hindi tumigil sa pag-aayos si Mich ngunit sinagot naman niya ang tanong ko. "Yep! Siya kasi ang best friend ng boyfriend ko kaya kilala ko siya." 

"Ahh." Mali pala ang story ko. "Second year college rin siya?"

"Yep! Kacourse niya si Mich, actually. Kaya sila naging bestfriends. Alam mo ba nagseselos ako dati kay Mich? Palagi kaya silang nag-uusap. Pero kinausap ako ni Paul, sabi naman niya na ako lang. Kaya ayun. Okay na ako kay Mich." Kwento ni Sofia.

"Astig."

"Hoy, bakla!" Sigaw ni Sofia at tiningnan ako. Huh? Girl kaya ako. Hindi bakla! "May something ba sa inyo ni Daniel? Bakit parang sobrang nagc'care siya sayo?"

Naramdaman kong namula ang pisngi ko. "Su-super friends lang kami. Tsaka... may girlfriend na si Daniel. Girlfriend niya si Mich." Saad ko.

"Sabagay!" Tumingin si Sofia sa relo niya. "Oh geez! Eight twenty nine na. Punta na tayo sa tabing dagat, Kathryn!" Sigaw ni Sofia. 

Nilock namin ang pinto ng room at ibinulsa naman ni Sofia ang susi. Tumakbo kami papunta sa tabing dagat kung saan marami ng students. Napansin ko na familiar silang lahat sa akin. Doon ko napagtanto na lahat ng 2nd year Architecture lang pala ang nandito.

Sakto lang ang dating namin.

Nagindian seat kami ni Sofia sa tabi nila Daniel and friends. 

"Ba't ngayon lang kayo?" Tanong ni Sam.

"Hindi namin nakita 'yung oras."

"Ah. Okay." Saad ni Sam at ngumiti.

May prof sa unahan namin at may hawak-hawak siyang microphone. Super pang-Summer ang outift niya kahit hindi naman Summer ngayon. Ang cold nga ng weather. Or climate? Hihi!

"Magandang umaga sa inyong lahat!!!" Energetic na saad ni prof. Binati rin namin siya. "Magbibigay lang muna ako ng instructions sa inyo bago magsimula ang lahat. So, 8:40AM hanggang 9:40AM ay magegames tayo. Then, break hanggang 10AM. Ten am hanggang 11:30 ay may speaker na darating at magta'talk about sa course niyo.  Tapos ay lunch na ang kasunod. Babalik kayo by 2:00 kasi may program na inihanda sayo ang guest speaker. Hanggang 4:30 lang tayo and after, pwede na kayong magswimming. BUT! Bawal lumabas sa resort na ito at lumayo. Wag din kayong mag-ingay masyado kasi hindi lang kayo ang nandito. May iba pang students ang nandito. Maliwanag ba?" Explain ni prof.

"YES PO!" Sigaw ulit namin.

Hindi naman boring ang program na ito. Free na pala kami kapag 4:30 na. I'm so excited. Gusto kong magswimming. At sana hindi na ulit masprain 'yung paa ko katulad noong nangyari dati.

-----------------------------------xx
Tapos na ang program namin ngayong araw. Super duper uber nag-enjoy ako, to be honest. Lalo na sa mga games! Para kasi kaming mga bata. May hilaan ng rope, pabilisan tumakbo at marami pang iba. Natuwa rin ako sa talk. Parang super duper like ko 'tong course na 'to. Willing ako maging architecture dahil sa talk ng mga speaker.

"Maraming, maraming salamat sa participation niyo ngayong araw. Pwede na kayong magswimming. Basta mag-iingat kayo. Kung may emergency, lagi niyo kaming ikocontact. Please, wag masyadong maingay. Meron kasing mga students na iba ang course na hindi pa tapos. Know your limits. Kapag may ginawa kayong kalokohan, expect na may parusa. Okay?" Saad ni prof sa amin. Nagyes naman kaming lahat kasi excited na kaming magswim. Hihi!

"Okay, enjoy, class!" Sigaw ni prof.

Hinampas ako ni Sofia sa braso. Buong araw kaming magkasama ni Sofia kaya naging close kami agad. Ang bait kaya niya kaya mabilis kaming naging friends. 

"Rynryn, sama muna ako sainyo. Hindi pa kasi tapos sila Paul, eh." Cute niyang saad. Hihihi! Rynryn ang tawag niya sa akin. Ganito i-pronounce (RIN-RIN). Hihihi!

"Sure, Sofia!" Saad ko.

"Hey, Sofia. May sasabihin lang ako. Dali!" Aniya Robi at hinila si Sofia palayo sa amin. Hindi naman super layo. Konting layo lang. Hihihihi!

Super nacu'curious ako sa pinaguusapan nila.

Pero di ako nakinig. Bad kasi 'yun! Hihihihi! 

Tiningnan ko si Khalil. "Khalil, excited na akong magswim!" Saad ko.

"Anong swim? Sinong nagsabing lalangoy ka? Hindi pwede. Baka kung ano na namang mangyari sayo. BAWAL!" Sigaw ni Daniel sa akin.

Napapout ako. Nagiging tatay na naman siya.

"Daniel naman!! Mag-iingat na ako, promise!" Saad ko.

Bumalik na sa pwest namin si Sofia at si Robi. Napansin kong biglang nagdisappear si Sam. Lilingon na sana ako kaya lang biglang nagdark 'yung paningin ko. May naglagay kasi ng panyo sa mata ko kaya hindi ako makakita. Ano kayang trip ng Daniel and Friends?

Nakarinig ako ng mga yapak palayo. Medyo naging scared ako kasi naalala ko 'yung nangyari sa bukid ni lola. Pero may biglang humawak sa kamay ko.

At feeling ko, safe ako.

Alam kong si Daniel ang may hawak ng kamay ko. Alam ko lang.

"D-daniel, anong nangyayari?" 

Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Daniel. "Kathryn, pag-isipan mong mabuti ang magiging desisyon mo. Isa ka sa mga pinakamahalagang tao sa buhay ko. Kaya wag mong hahayaang masaktan ka. Gusto ko, palagi kang masaya." Aniya Daniel.

Omo!! Parang naghahabilin si Daniel.

"Mamamatay ka na ba?" 

"Lul! Hindi, ah! Basta, mag-isip kang mabuti sa magiging desisyon mo." Saad ni Daniel at ginabayan ako sa paglalakad. After ilang minutes (siguro), nagstop kami. Hinalikan ako ni Daniel sa noo. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Geez. Puso naman. Matauhan ka na! "Kathryn, dapat isipin mo ang magiging resulta ng desisyon mo." 

Hindi na ako nakapagsalita pa. Binitawan ni Daniel ang kamay ko at hindi ko na alam kung nasan siya. May piring pa kasi sa mata ko.

May mga kamay na gumabay sa akin at pinaupo ako. Sigurado akong hindi ito si Daniel. Sabi ng heart ko, hindi siya si Daniel. O, diba? May isa pa akong superpowers.

May nagtanggal ng piring sa mata ko. 

"Sam..." Saad ko. Nasa harapan ko si Sam ngayon. Inikot ko ang paningin ko sa paligid. Nandito pa rin kami sa tabing dagat. Pero may table, upuan, pagkain... at mga ilaw. Ang magical. Pero... bigla akong kinabahan. Ewan ko. Hindi ako comfortable. Di ko alam kung bakit.

"Kathryn, hindi ko alam kung paano o kung kailan. Bigla ko na lang kasi 'tong naramdaman. Parang bigla ko nalang narealize na...mahal na pala kita." Saad ni Sam. Tiningnan ko si Sam. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. "Gusto kitang alagaan, Kathryn. Gusto kitang protektahan sa lahat ng mananakit sayo. Mahal na mahal kita, Kathryn." Aniya Sam.

"Sa-Sam.."

Wala na akong ibang masabi kundi ang pangalan niya. Gusto kong itapat sa kanya ang hawak ng mga TMD na STOP sign. Alam ko na kung anong sasabihin niya. Napanuod ko na 'to sa mga movies. Nasaktan na ako. Scratch that. Nasasaktan na ako.

Ayaw kong maramdaman din ito ni Sam.

Ayaw kong manakit.

"Kathryn, ayaw ko ng magpaligoy-ligoy pa. Mahal kita. Sobra-sobra." Tumayo siya sa harapan ko at lumuhod. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito.

"S-sam... wag mo ng ituloy." I said pero hindi niya ito pinansin.

Super duper bagal ng tibok ng puso ko. Sam... he's a gentleman. Alam niya kung paano mag-alaga. Isa siyang dream guy, katulad ng mga guy sa movies. Kung napipili ang lalakeng mamahalin, siya ang pipiliin ko. Alam kong magiging masaya ako sa kanya.

But... maraming rason kung bakit bawal.

First, hindi ko siya mahal katulad ng pagmamahal niya sa akin. Pangalawa, magkaiba kami. Mortal siya. Manika ako. At ang huli sa lahat, alam kong mali.

Hindi binitawan ni Sam ang kamay ko. Mas humigpit ang hawak niya dito. "Kathryn, I love you. Ayaw kong magpakipot pa. Gusto ko straight to the point. Kathryn, pwede ba kitang maging girlfriend?" Nakangiting saad ni Sam.

Sammy Sam...

Sorry. Sorry. Sam!

Lumuhod din ako para magkatapat na kami ni Sam. May tumulong likido sa mata ko. Umiiyak ako. Masasaktan ko si Sam. Ang sama-sama ko!! Hinawakan ko ang mukha niya. "Sam, super duper bait mo sa akin. Ipinaramdam mo sa akin kung pano maging special someone. Super duper nagpapasalamat ako sayo, Sam..." Parang nanuyo ang lalamunan ko. Ayaw kong mahurt ang isang tao. Pero... ayaw ko 'tong patagalin pa. "Mahal kita, Sam. Pero... mahal kita bilang kaibigan at hindi na ito hihigit pa. Sam... hindi ako pwede sayo.." Nanginginig kong saad.

'Yung nakasmile na face ni Sam kanina? Bigla itong naging sad. And nakita kong may tumulong luha sa mata niya. Sam. My Sammy Sam...

Binitawan ni Sam ang kamay ko.

"Kathryn, okay lang. Maghihintay ako. Alam kong mamahalin mo rin ako. Kahit matagal... okay lang sa akin. Hihintayin kita, Kathryn..." Nanginginig na saad niya.

Hinalikan ko si Sam sa noo. "Sam... ayaw na kitang saktan. Hindi talaga pwede."

"M-may iba ba?" Matigas niyang tanong sa akin. Yumuko ako. Ayaw kong umamin sa kanya. Sobra ko na siyang nasaktan. Pano pag nalaman niya... si Daniel? Paano pag nalaman niyang ang kaibigan pa niya? Ang sama-sama kong tao! Nakakainis! "Si Daniel ba?"

Tiningnan ko si Sam sa mata. Hindi ako makapagsalita. Gusto kong maglie sa kanya. Gusto ko sa kanyang sabihing hindi. Gusto kong magdeny at sabihing si John Lloyd ang tunay kong mahal. Pero feeling ko biglang naputol ang dila ko. Hindi ako makapagsalita.

"S-si Daniel nga. Palagi akong nakatingin sayo, Kathryn. Itong mga mata ko, sayo lang palagi nakatingin. At 'yang mga mata ko... palaging nakatingin kay Daniel. Minsan nga, gusto kong takpan 'yang mata mo. Gusto kong sabihin sayo na ako naman ang tingnan mo. Ako nalang, Kathryn. Ako nalang." Umiiyak na saad ni Sam.

Hindi ko na 'to kaya. 

Ang sama-sama kong manika. Sigurado akong ikinahihiya na ako ni Barbie Superior.

"Sorry, Sam. Sorry." Iyon lang ang aking nasabi. Muli kong hinalikan si Sam sa noo at tumakbo palayo. Ayaw ko na ng ganito. Okay lang ako ang masaktan. Okay lang talaga.

Ayaw kong manakit...

Sorry Sam. Sorry talaga.

(Daniel)

Nandito ako ngayon sa kwarto namin ni Robi. Nangchichicks kasi si Robi at si Khalil. Si Sam... ayun, kasama si Kathryn. Tatanungin niya na ata. Si Mich naman, hindi pa raw tapos yung program nila. Kaya mag-isa lang ako dito sa kwarto. Aish. Ang boring.

Makaraan ang ilang minuto, nakarinig ako ng pagkatok sa pinto ko. Hindi lang basta katok. Para bang sinusuntok 'yung pintuan. "Teka, teka lang!" Sigaw ko.

Pagkabukas ko ng pinto ay bumulaga sa akin ang mukha ni Sam. Mapula ang mata niya at para bang may nangyaring masama sa kanya. 

"O, Sam, anong nangyari sa inyo ni Kathryn?" Tanong ko.

Masama ang tingin sa akin ni Sam. "Letse!" Sigaw niya at sinuntok ako sa mukha. Ramdam ko ang galit ni Sam. Pero hindi ko maintindihan. Bakit ba siya nagagalit?

"Ano bang problema mo, Sam?" Sigaw ko.

Sinuntok ako ulit ni Sam. "Problema ko? Ikaw! Minsan lang ako magkagusto sa babae pero palpak pa. @#^&! Nakakainis ka, Daniel. 'Yung kaisa-isang babaeng pinapangarap ko, sayo pa nagkagusto. @#^&* talaga!!!" Sigaw ni Sam.

Napatingin ako kay Sam.

Babaeng pinapangarap niya? Si Kathryn?

"Bakit ikaw pa ang minahal ni Kathryn?!" Sigaw ni Sam at tumakbo palayo. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Si Kathryn?

Si Manika...

Ako ang mahal?

END OF CHAPTER TWENTY THREE
GOD BLESS!

Huhuhu. Papa Sam, akin ka nalang! xDD

P.S. Follow po niyo yung account ni Kathryn sa Twitter! Click the external link. Salamat @lovexist sa pagoOP! Thank you!!!! <3333

Continue Reading

You'll Also Like

321K 8.5K 27
Cheska has a Prince, a literal Prince that will save her from anything, do whatever she wants, and will stay with her FOREVER! If you think it's awe...
Ang Unang Reyna By Thia

Historical Fiction

16.4K 446 27
Ika-labindalawa ng ikaanim na buwan sa taon'g 1898, ako'y nasa dose anyos nang magtungo kami ng akin'g pamilya sa Cavite El Viego. Hindi ko maintindi...
550K 3.3K 8
Sapphire Quinzel was transferred to another school along with her best friend for an unknown reason by her grandfather Felix Hart. What could be her...
54.8K 1.3K 6
When the full moon showed, something that shouldn't be awakened. They have a blinding white skin, deep bloody red fierce cold eyes, and sharp-sucking...