15.

16.2K 370 36
                                    

BARBIE GIRL
CHAPTER FIFTEEN

(Daniel)

"Yay! Tara na po. Ready na ako!"

"Hoy! Alam mo ba kung san tayo pupunta?"

Nakangiting tumango sa akin si Kathryn. "Oo naman! Pupunta tayo sa bukid ni lola Adele! Tapos doon din tayo matutulog. Super duper excited na ako. Magcacamping tayo. Hindi ba't amazing 'yon?" Niyakap ni Kathryn si lola Adele. "Thank you very much po, lola Adele!!"

"Walang anuman, hija." Saad ni lola.

"Alam mo naman pala kung saan tayo pupunta pero bakit ganyan ang suot mo? Kathryn naman! Hindi ka pupunta sa mall! Bakit ka nakashorts?!!!" Sigaw ko kay Kathryn. "Magbihis ka!! Hindi ka sasama hangga't nakashorts ka. Magpantalon ka!!"

Sumaludo naman sa akin si Kathryn. "Aye, aye, captain!"

Tumakbo si Kathryn pabalik sa kwarto niya. Anak ng! Maraming lamok at kung ano-anong insekto sa bukid tapos magshoshorts siya? Siya nga lang ang nakashorts sa amin, eh. Minsan talaga nagtataka ako kung bobo ba si Kathryn o nangtitrip. Ang labo!

Napatigil ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng tawanan.

"Tinatawa niyo?" Tanong ko kay mama, Xyriel at lola Adele.

Tinapik naman ni lola Adele ang balikat ko. "Apo, masyado ka namang harsh kay Kathryn. Para kang tatay niya kung pagalitan mo siya." Sabay ngumiti si lola ng sobrang laki.

"Eh sino ba namang siraulo ang magsho-,"

Biglang kumapit si Xyriel sa hita ko. "Omg, kuya! Isa lang ang ibig sabihin niyan. Ibig sabihin... love mo si ate Kathryn. Omg, omg, omg!! Boto ako kay ate Kathryn, kuya. Siya nalang. Wag mo ng balikan si Mich. Sira naman ang ulo ng girl na 'yon!"

Inalis ko ang kapit ni Xyriel sa akin at sinamaan siya ng tingin. Tiningnan ko si mama. "O, kayo ma? May sasabihin po ba kayo? May ikokomento po ba kayo?"

"Suportahan nalang kita, anak." Saad ni mama.

"Lola," tiningnan ko si lola, "Xyriel," sinamaan ko ng tingin si Xyriel, "Mama," at tiningnan ko si mama, "Kahit break na po kami ni Mich, hindi pa rin po mawawala ang pagmamahal ko sa kanya. Kaya sana po wag niyong bigyan ng kahulugan ang pagiging strikto ko kay Kathryn. Kaya po ako ganoon sa kanya kasi para ko na siyang kapatid."

(Kathryn)

"...para ko na siyang kapatid."

Biglang bumagal ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang sinabi ni Daniel. Hmm, ang astig ng heart no? Pwedeng bumilis o bumagal ang tibok. Narinig ko ang sinabi ni Daniel tungkol sa akin. Mukhang mahal na mahal niya talaga si Mich. Pero wala naman akong problema doon. Kasi hindi naman talaga compatible ang isang manika at isang mortal. Hihihihihi. At tsaka bumagal lang naman ang tibok ni heart. Hindi ko naman sinabing love ko si Daniel. Well, love ko siya kasi nice siya pero not in a romantic way. Hindi katulad ng pagmamahalan ni Basha and Popoy.

Love ko siya gaya ng pagmamahalan ni Patrick and Spongebob.

Nakapagpalit na ako ng cargo pants. Sabi kasi ni tatay Daniel magpalit ako kaya sinunod ko naman. Siya boss, eh! Hihihihihihihi! Kinuha ko na ang backpack ko at nakangiting pinuntahan si Daniel. Ang bilis naman umalis nila lola Adele. "Tatay Daniel, ayos na po ba 'tong suot ko?"

Barbie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon