25.

11.4K 462 133
                                    

BARBIE GIRL
CHAPTER TWENTY FIVE

(Kathryn)

Ang sakit-sakit.

Gusto ko lang naman siyang protektahan. Nasaktan na siya, ayaw kong maulit iyon. Ayaw kong magpakabobo na naman siya dahil kay Mich. Pero anong napala ko? Hindi niya ako pinaniwalaan. Syempre, sino ba ako? Isa lang naman akong manika na nalaglag sa bahay nila. Ang bilis ng karma. Sinaktan ko si Sam, now, ako naman ang sinaktan.

Barbie Superior, hindi ko na kaya.

Ayaw ko na dito sa Planet Earth.   

Bago ako pumasok sa room namin ni Sofia, bumuntong hininga ako. Pinunasan ko ang mukha ko at dahan-dahang binuksan ang door. Patay na ang ilaw at tulog na si Sofia. Tiningnan ko siya at nakikita ko ang pain sa face niya. Bakit ganun? Isang araw... ang dami ng pwedeng masaktan. "Sofia, isa kang nice mortal. Wag mong hayaang saktan ka ulit, okay?"

May kinuha akong paper sa bag ko at sinulatan si Sofia. 'Sofia, mauna na muna ako, ha? Kailangan ko na munang umalis. Masakit pala 'no? Wala kang ibang gustong gawin kung hindi protektahan ang taong mahal mo pero hindi ka niya paniniwalaan. Hay. Pero thank you. Salamat kasi super duper nice mo sa akin kahit ngayon lang tayo nagkausap. Alam kong mabait kang tao. Hindi mo deserve masaktan. Pero don't worry. Magiging maayos ang lahat. Sabi mo pa nga, diba? May plano ang Diyos. Kaya wag ka ng umiyak. Tama na 'yung iniyak mo kanina. Kausapin mo si Paul at i-slap mo siya ng malakas, ah? Bye, Sofia! Naniniwala akong may mamimeet ka ring someone special na ite'treasure ka. -Rynryn"

Nilagay ko sa table 'yung papel. Kinuha ko na ang mga gamit ko at inayos ito. I'm leaving. Masyado ng maraming nasasaktan. Ayaw ko ng ganito. Ang hirap huminga. Pagkalabas ko ng room, dumeretso ako sa prof namin. Kailangan ko ng magpaalam.

"Kathryn, may problema ba? Ba't bitbit-bitbit mo 'yang mga bags?" 

"M-may emergency po k-kasi. Kailangan po ako. Kailangan ko na pong umalis dito." Nanginginig kong saad. Super duper dami ko ng kasalanan sa planet na ito.

"Ha? Pano ka u-uuwi?" Tanong ni prof.

"Magbabyahe po ako. Wag po kayong mag-alala sa akin. Kaya ko na po ang sarili ko." Saad ko kay prof. Tumango naman siya at hinawakan ako sa balikat.

"Mag-iingat ka."

Naglakad na ako palayo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ako nararapat sa Planet Earth. Barbie Superior, okay lang po kung fail ako sa mission ko. Ayaw ko lang po dito. Ayaw ko na po dito. Masyadong masakit na po ang nangyayari.

Nakayuko akong naglalakad. Nagulat ako nang biglang may nabunggo akong mortal. Dahan-dahan kong itinaas ang ulo ko at nakita ko si Mich.

Ang swerte-swerte niya.

"Feeler." Saad niya sa akin. "Ang kapal ng mukha mo para magsumbong kay Daniel. Ano bang balak mong patunayan, ha? Sa tingin mo sayo siya maniniwala?" Sigaw niya.

Barbie GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon