✔Book Apart

By luxylightbringer

31.3K 1.9K 566

A love between two people from two different world. === Dahil sa kuryosidad, nakulong si Chichi sa isang mahi... More

PROLOGUE
1.Meet my disgusting Brother
2.Don't read a strange book
3.Welcome to Miroianah
4.I'm inside the book.Seriously.
5.We ran away
6.Formal meeting
7. Intruding techniques
8.A Royal Dinner
9.Ice Cream Flavors
10. A Letter for Her
11.Invitation
12.Another Dinner
13. Kidding
14.The Book's Warning
15.He miss...
16.I'm Annoyed
17.His Request
18.Sean is handsome!
19.There's a Thief!
20.He doesn't care!
21.I'm Proud of You
23.Kid's War
24.Too Close
25.Side Lip Kiss
26.Ruined Date
27.Stalking with Tintin
28.He ask me to dance!!
29.We're the Chosen Parents?
30.Heartaches
31.Everything has Changed
32.Shane's Tantrums
33.Hair clip
34.Merielle will come
35.Fairy godfather?
36.I'm HIS'
37.Argued Feelings
38.
39.Belle's Secret
40.TinkerShane
41.Just for You
42.Only a Friend?
43.Quarrel
44.Charlie and TinTin
45.Stress Reliever
46.Who's getting marry?
47. Rejected
48
49.The Proposal
50.The Ring which symbolizes his Love
51.The Date
52.Last Kiss
Shannon
53.Got Home
54.Cold Shake
55.The Pie Crave
56.Pony, Pies and Ring
57.Sean is Confused
58.Chelsea's Revenge
59.Soccer Game
60.I Am His' Again.
EPILOGUE
😊
missing chapter
missing chapter
missing chapter
missing chapter

22.Book is not a book?

454 34 5
By luxylightbringer

"Wait? bakit nandito tayo? sabi mo iuuwi mo ko?"taas kilay kong tanong.

Nakasakay kami sa maganda at ala European na kotse nila Sean tapos si kuya Lars ang nag d-drive.

Nasa harap na kami ng palasyo at nilalandas ang malawak na harap nito.

"Kaya nga, iuuwi kita samin"sabi nya ng hindi manlang tumingin sakin.

Eh!! ano ako!? bagay lang na inuuwi!?Pero kinikilig ako! iuuwi nya daw ako! Hmph! >\\<

"Pano si Churva? hindi pa sya kumakain?"

"I'll take care of him"

Nakababa na kami ni Sean sa kotse at pumasok na sa loob ng palasyo.

Madaling araw palang kaya tulog pa ang mga tao.

"Eh Sean pano si Jae? siguradong binalikan nya ako dun pero wala na pala ako"

"Bayaan mo sya"

"Sean naman eh! kawawa naman yung tao! umasa syang nandun ako!"

"edi pinaasa mo"sabi nya at ngumisi.

"Kung ikaw kaya dyan yung paasahin ha?"taas kilay kong tanong.

"Tsk! okay, i'll take care of it, basta kumain muna tayo"

pumunta kami sa kusina at naghalungkat ng mga pagkain. mabuti at maraming pagkain sa napakalaking ref nila.

Si kuya Lars na ang naghanda ng pagkain namin.

kumain ako ng pasta habang si Sean ay blueberry pie ang nilantakan.

"walang kupas si nanay Lucing! ang sarap nya magluto! Kuya Lars kumain ka!"

nakatayo lang kasi si kuya Lars at nakatingin samin. Alam mo yun? parang nakakaawa sya hehe.

"busog ako Miss Chichi, salamat"sabi nya at ngumiti.

"weh? baka nahihiya ka lang kay Sean? tell me kuya Lars? pinapahirapan ka ba nitong prinsipeng to?"

"What are you saying? stop saying nonsense Chi"nakasimangot si Sean na akala mo natalo sa lotto.

tingnan mo sungit mode na naman sya. =.=

"Hindi Miss Chi, mabait ang prinsipe sakin"Kuya Lars.

"Mabait? hmm.. okay sabi mo eh"

"tch! tama na nga yan, nasa harap mo lang kaya ako"

"wala naman akong sinasabing masama ah?"

naparoll eyes nalang tapos tinapos na namin yung pagkain.

"occupy the room next to me"sabi nya at dumiretso na sa kwarto nya.

hala? iwan daw ba ako?

"Tara na miss Chichi, dito tayo"

Pumasok ako sa kwarto na halos kasing laki ng kwarto ni Sean.
*0* wahh! ang laki! puro white pa! at ang ganda!!

"matulog kana miss chichi, madaling araw na"

"hmm.. di pa talaga ako antok eh, pero sige salamat kuya Lars, pwede mo na akong iwan"sabi ko ng nakangiti.

"Sige"lumabas na sya ng kwarto.

Ako naman ay tumalon sa malambot na kama at nagpagulong gulong.

"Hay!! ang lambot!"

"ang likot mo naman" napatigil ako at napaupo agad sa kama ng makita si Sean na nakatayo sa pinto.

"Hehe, ang lambot eh"

naglakad sya papalapit sakin at parang batang tinap ang ulo ko. Ginawa akong bata?

"Wag kang malikot, baka mahilo ka pa"

"hindi ah, malakas na kaya ako"

"tss.. malakas daw pero takot sa injection?"

napapout ako sa sinabi nya. Anong problema dun!? Eh sa natatakot ako eh!

"Che!nangaasar ka pa!dun ka na nga!"natawa naman sya at tumabi sakin sa kama.

"Kidding.. ang galing mo nga eh" nakangiting sabi nya at ginulo ang buhok ko.

"Hey..! palagi mo nalang akong ginaganyan!"

"haha! ang cute mo kasi kanina, para kang bata"

"Anong connetion nun sa paggulo mo sa buhok ko?"

"Ah..yun? that means na cute ka"sabi nya at ginulo na naman ang buhok ko.

Okay na sana eh, sinabihan nya ako ng cute pero kasi nagugulo yung buhok ko eh!!

"hey enough! sobra ka na ah!" tinabing ko naman yung kamay nya pero hinawakan nya ulit ang buhok ko at this time sinusuklayan na nya ako gamit ang kamay nya.

Ayie! Ano ba Sean eh! plus 10% na naman!!

ang gaan lang ng hawak nya sakin kaya parang nakakaantok yung ginagawa nyang pagsuklay sa buhok ko.

"sleep ka na, madaling araw pa naman, mamaya pa mag uumaga"

"i..ikaw? diba puyat ka? tulog ka na din"

"saan? dito din?"loko loko nyang sabi.

"Hindi! may kwarto ka diba!?"

natawa sya ng mahina

"Ikaw talaga..naalala ko tuloy yung iniisip mo nung nagkatabi tayo dati matulog haha!"

0////0 Sean naman pinaalala pa eh!!

"Eh! umalis kana nga!! kainis ka! pinaalala mo pa talaga eh!"inis na sabi ko at hinampas sya.

"haha! kasi naman ang cute mo talaga nun! tingnan mo namumula ka na naman!"

"Alis na kasi! matutulog na ako! tsupi tsupi! Sana pala hindi muna kita binati at pinansin para walang magulo eh!"

Nanahimik naman sya bigla. Nakatingin sya sakin at parang magtatampo na ang mukha.

tingnan mo to? paawa effect!

"Oh? anong mukha yan?"taas kilay kong sabi.

"Wag na wag mo kong hindi papansinin, malalagot ka sakin"seryosong sabi nya.

Eh? ano na namang pinagsasabi nito?

"Sige good night na"ngumiti sya bigla at tinap na naman ang buhok ko.

"o..okay? good night?"

Ang gulo nito. moody talaga, biglang ngumiti matapos magseryoso?

"oo nga pala, hindi kana ba talaga nahihilo?"

"uhh..hindi na, okay na----"

nagulat ako ng halikan nya ako sa temple ko at ngumiti sakin.

0////0 Wahhh!!

"Para sure na hindi kana mahihilo"sabi nya at loko lokong ngumiti.

tumayo na sya pero tumingin ulit sya sakin na parang may nakalimutan.

"And... oo nga pala, ang cute mo talaga magblush haha"

napahawak ako sa pisngi ko dahil dun. Kyah~ ano bang gingawa mo Sean!?!? Pinapakilig mo ko!!

Pagtingin ko sa pinto nakalabas na sya kaya napahiga ako sa kama at gumulong gulong na naman.

Hindi ko alam kung bakit, ang saya ng pakiramdam ko ngayon!! Bakit!?!

"nakakadalawa kana ah! plus 15%"nakangiti kong bulong.

===

Nagising ako dahil sa liwanag ng araw.

"Hay.."bumangon ako at nagkusot ng mata. bakit parang ang ganda ng gising ko?

kaninang madaling araw hindi matanggal sa isip ko yung pagkiss sakin ni Sean sa temple. Pati yung pagkiss nya sa noo ko!

Haist! bakit kasi naging ganun sya eh!!

lumabas ako sa balcony para mag unat.

"Hay..tanghali na palaaa!"sabi ko habang nag uunat pero bigla akong napatigil ng makita si Sean sa kabilang balcony.

Nakatingin sya sakin habang hawak ang isang mug at aakmang iinom sana.

nahihiya kong naibaba ang kamay ko at nagwave sa kanya.

"hi. hehe"nahihiya kong sabi.

hindi sya sumagot, imbes ay nanatili lang syang nakatingin sakin.

"uhh..good day?"alanganing bati ko. bakit kasi wala syang reaksyon?

napapout ako dahil hindi na naman sya sumagot. Hindi nya ba alam na napapahiya ako sa ginagawa nya?

"Tsk!"tumalikod na ako para pumasok sana ng tawagin nya ako.

"Hey Chi! wait!"

nakasimangot akong tumingin sa kanya. Nakangiti na sya.

Oh tapos ngayon nakangiti na sya?

"Oh?"walang gana kong sabi.

"sorry, hindi kasi ako sanay na may magandang babaeng babati sakin pagkagising ko"nakangisi nyang sagot.

Napaiwas naman ako ng tingin ng sabihin nya yun. Did he just said na... maganda ako?

"ah okay"sabi ko at pinigilan ang pag ngiti.

Narinig ko syang tumawa tapos bigla syang pumatong sa balcony .

"t..teka? what are you going to do!? Bumaba ka nga!"

hindi sya sumagot, imabes ay tumalon sya papunta dito.

"Hoy!!"

Kinabahan naman ako nun pero mabuti at hindi sya nahulog.

"nababaliw kana ba!? pano kung mahulog ka!?"inis na sabi ko ng makababa sya.

"Pero hindi ako nahulog diba?"

"eh pano nga kung mahulog ka!?"inis na sabi ko.

"edi wala ng gwapong prinsipe?"loko loko nyang sabi.

Napairap nalang ako. Baliw ba sya!? gumagawa sya ng delikadong bagay tapos pag nahulog naman sya, sya rin kawawa tsk!

"Ba't kasi di ka nalang dumaan sa pinto!?"

"mas mabilis po kasi sa shortcut at wag kana po magalit kasi hindi po ako mamamatay"sabi nya at ginulo na naman ang buhok ko.

hala? ba't ang galang nya ngayon?

"tsk! uuwi na ako"sabi ko.

"Agad agad?"

"oo, marami pa akong kailangan gawin, at baka dumating sina Belle, mas maganda siguro kung ipagluto ko sila"

"di ka muna kakain?"

"wag na, sa bahay nalang.."

"okay.."nakasimangot nyang sabi.

Sabay kaming lumabas sa kwarto ng makasalubong namin si Charlie.

Nagulat ako ng makita sya, nandito pala sya?

"Sean!? Illianah?!"gulat nyang bati.

"Oh..hi Prince Charlie.."nakangiting bati ko.

"what are you doing here Charlie?"takang tanong ni Sean.

"Visiting I guess?"taas kilay nitong sabi.

"anyway..dito kana ba nakatira Illiannah? and did you two just come out with the same room? magkasama kayo sa kwarto!?"

"Uhh no---"

"eh ano naman sayo?"masungit na tanong ni Sean.

"She's just your friend diba?"

"Yeah. my girlfriend, what's the problem with that?"taas kilay nyang sabi.

"what do you---"

"Stop it Charlie, dun kana nga sa kambal mo!ang ingay nyo pareho" hinila na ako ni Sean at naiwan naman si Charlie na nakabusangot ang mukha.

madaling madali si Sean sa paghila sakin. Bakit parang natataranta sya?

"Uy Sean wait"

"Hurry Chi!"

tingnan mo to? mood swing na naman.

"teka ang bilis mo naman maglakad eh, baka madapa ako"

"dalian mo! umuwi kana! baka makita ka pa ni--"

"Illiannah?"pareho kaming napatigil ng makasalubong namin si Khallie kasama ang lolo ni Sean. Si King Vincent!

"P..Prince Khallie! K..King Vincent"nauutal kong sabi at nagbow.

"Saan kayo pupunta Prince Sean?"tanong ni King Vincent.

He's very strict as usual. Haist. katakot naman ng aura nya!

"I'll take her home, excuse me"mabilis na sabi ni Sean at hinila na ako.

"Let Khallie bring her home, kailangan kitang makausap"biglang sabi ni King Vincent.

"No, ako ang maghahatid sa kanya"seryosong sabi ni Sean.

"It's okay Sean, I can take care of her"sabi ni Khallie.

"Ayoko nga, Chi let's go"hinila nya ulit ako pero nagsalita ulit si King Vincent.

"Prince Sean, napaka walang galang mo naman kung tatalikuran mo ang lolo mo?"may pagka inis na sabi ni King Vincent.

"Lolo? ihahatid ko si chichi!"

"kakausapin nga kita diba!? ipahatid mo sya kay Khallie!"utos ni King Vincent.

wahh!! nakakatakot si King Vincent!

"But--"

"Sige na Sean, b..baka magalit pa lalo ang lolo mo"bulong ko.

Nakasimangot syang tumingin sakin.

"Ayoko nga, i want to myself to bring you---"

"Sundin mo na si King Vincent, okay lang naman saking magpahatid kay Prince Khallie" napasimangot siya dahil sa sinabi ko. Ngunit wala naring nagawa.

"Don't talk to him too much"bulong nya sakin at nilagpasan na ako.

don't talk to him? kanino? kay khallie?

"let's talk" walang galang na sabi at ni Sean at nilagpasan ang lolo nya.

Grabe sya, walang galang.

Hinatid naman ako ni Khallie sa bahay.

"eto ang bahay mo?"

"actually kay Belle to, nakikitira lang ako, ang cute no?"

"Yeah. pag nakita to ni Charlotte,I'm sure matutuwa yun"

"gusto mong pumasok?"tanong ko.

"Uhh..next time siguro? baka kasi hanapin agad ako ni lolo, sorry"

"okay..?"

"pero uhm..Illiannah, can I..."

"what?" bigla syang napakamot ng ulo.

"Can I get your number? kasi for some purposes lang at baka kailanganin ko hehe"

"For some purposes at baka kailanganin mo ang number ko? haha! nakakatawa yun ah"

"uhh..okay lang naman kung ayaw mo ibigay---"

"No it's okay! ikaw talaga, hindi naman sa ayaw, natatawa lang talaga ako.. wait hindi ko kasi memorize number ko"

umakyat agad ako sa kwarto at kinuha ang strawberry phone ko. At last magagamit din kita! wahahahaha!!

"Here!"excited na sabi ko.

excited na akong magamit tong phone! hihi!

"thanks.. so..I gotta go?"nakangiti nyang sabi.

"sure! ingat ka ah?"nakangiti kong sabi.

Nakaalis na ang sasakyan ni Khallie kaya pumunta na ako sa kusina para kumain.

"mabuti naman at naisipan mong umuwi" napatigil ako ng marinig ang isang boses.

"Book!?" hinanap ko si Book pero hindi ko alam kung nasaan na sya.

"dito sa ilalim ng mesa" nakita ko sya sa ilalim ng mesa at pinulot.

"anong ginagawa mo dun?"

"ikaw? nasaan ka ng ilang araw at pinabayaan mo ko ha?!"inis na sabi nya.

"Sorry, nakalimutan kita"sabi ko at pinagpag sya.

kawawa naman si Book.

nagulat ako ng mabilis na nagpalipat lipat ang pages nito at nagsisilitawan at nagvavanish ulit yung mga words and sentences.

hindi na ako nagulat, pero napansin kong maraming page ata ang natapos ko?

"Anyway.. hindi ko inaasahan na magagawa mo ang mga susunod na part kahit hindi ko pa naibibigay"

binaba ko naman sya mesa at hinayaan.

"talaga!?pano!?anong part!?"

"hindi ko alam kung paano mo nagagawa yun pero parang nag aawtomatiko ang mga tauhan"

"wow!! haha! ang genius ko talaga!"

"hindi porket nagagawa mo agad ang mga part, genius kana. at tinutulungan kita kaya napapadali ang lahat sayo, hindi mo alam kung gaano kahirap mag summarize"

ang sungit na naman nitong si Book. tsk!

"Natapos na yung bagyo nung nakaraan pa, pero nasira na lahat ng hardin ni Merielle, Natapos mo narin ang parteng napahamak sya at inalagaan ng prinsipe. Natapos mo narin ang parteng tinulungan ng prinsipe si Merielle sa mga gastos nila"

"mabuti naman! 3 in 1! haha!"

"Pero napapansin kong kahit nagagawa mo ang mga part, may kaunting pagbabago sa nangyari"

"huh?ano yun?"

"nung gabing napahamak si Merielle, dun dapat ang unang halik nila"

natahimik ako sa sinabi nya. Yun? yun ang gabi ng unang halik nila? pero diba hinalikan ni sean si Merielle sa noo? baka yun yun?

"alam ko ang naiisip mo, pero hindi halik sa noo ang hinihingi ko, totoong halik ang sinasabi ko"

totoong halik? as in lips to lips silang dalawa? nung gabing yun?

"Pero kinonsidera ng libro ang lahat ng nangyari, marami pa akong na encounter na kaunting pagkakamali pero kinonsidera mismo ng libro, tulad ng pagseselos ng Prinsipe sa kaibigan ni Merielle at iba pa"

"Kinonsidera g libro?Hindi ba ikaw ang libro?"

"Hindi ako ang tunay na libro, nakakulong lamang ako sa librong ito. Wag ka ng masyadong matanong, ang kailangan mong pag tuunan ng pansin ay ang magawa ng tama ang mga pangyayari"

"Pasensya kana kung hindi ko nagagawa ng tama yung mga plots sa story"

"Gusto kitang tulungan kaya ko ginagawa yun pero pakiusap, kung napapansin mo ng mali ang sitwasyon, itama mo na agad"

Hindi ako makasagot sa sinabi nya. Pano kasi para syang tatay ko kung makapagsalita. maawtoridad.

"paglapitin mo pa ang prinsipe at si Merielle, mas close kayo ng prinsipe kesa sa kanila alam mo ba yun?"

hindi ko alam kung bakit parang nagagalit sya sakin. Gusto nya bang layuan ko si Sean?

"p..pasensya na, hindi ko naman sinasadya"

parang nakakatawang isipin na pinapagalitan ka ng isang libro? Pero seryoso? Parang sinasabi nyang layuan ko si Sean?

"Chi, mas mapapadali ang mission mo kung sobrang malapit sila sa isa't isa, at tsaka tandaan mo na hindi ka kasama sa mga tauhan ng librong to, hindi ka nag eexist dito kaya pakiusap....wag kang pumapel"

nasaktan naman ako sa sinabi nya. tagos na tagos sa puso ko. ang harsh naman nya makapagsalita.

Pumapapel ba ako? hindi ko alam kung bakit sobrang nasasaktan ako sa sinabi nya kahit hindi ko magets kung pano ako naging mapapel.

wag kang pumapel.

"sige, yun lang..paalam"

****

Continue Reading

You'll Also Like

Blood By Morrigan Dierdre

Mystery / Thriller

6.9K 358 51
What if you wake up one day, and realized that everything has changed? Would you accept it? Started: 05-13-20 Ended: 06-16-20
Life Begins At 81 By Chin

Historical Fiction

24.5K 10.2K 40
Life Begins Series #1 Cassandra Monteclaro is an eighty years old woman. She lives her life alone, no husband, no child, and not even for once experi...
295K 11.8K 37
[COMPLETED] Namatay siya nang mahulog ang sasakyan na minamaneho sa taas ng skyway, however, she was resurrected inside a novel that she once read, b...
29.3K 882 98
Miracle Fernandez Esqueda, isang ordinaryong College student with an ordinary life. In fact, it was too ordinary for her that it is starting to bore...