How To Love (Trese Series #2)...

By chiXnita

360K 8.7K 2.1K

[ #TRESEseries No. 2 ] "You'd be able to live life to the fullest and appreciate what life could offer, if yo... More

How to Love?
[1] - Currently Dating a Fictional Character
[2] - Kung Magiging Kami, Magiging Kami
[3] - How To Move On
[4] - Studies First, Lovelife Later
[5] - Torpe
[6] - Friendship or Relationship
[7] - Opposites Do Attract
[9] - Taking Risks
[10] -What Ifs

[8] - It's Complicated

18.2K 744 399
By chiXnita

[8] – It's Complicated

"Love isn't complicated, the people are— their diverse opinions and actions towards love create complications." – ZD de Carpio

_..._..._

I NEVER knew that I'd be able to feel these emotions in my twenty-two years of existence. Petrified. Unsettled.

Confused.

Since I was young, I already knew what I want.

Hindi ako nahihirapang pumili. Sa mga bagay-bagay. Sa mga desisyon. Wala kasi akong pakialam.

I was contented with my life. Yeah, I was.

Kung ano'ng meron ako. Sa pamilya ko. Sa mga kaibigan ko. Wala akong problema. Or should I say, shitness at its finest... I don't care.

Hindi ako naghirap. Hindi ko naranasang magkaroon ng bagsak na grades. Wala rin akong problema pagdating sa lalaki. Walang nanliligaw sa 'kin, eh. O walang naglakas ng loob. (Takot lang nila sa epal kong kuya.)

Siguro ang pinoproblema ko lang?

Paano gastusin ang allowance ko sa araw-araw?

Paano mamaintain ang kadiyosahan ko?

Ano ba ang tama? Gatas na choco o choco na gatas? Ang uod ba 'pag namatay, inuuod din?

Yeah, I was like that. Sobrang babaw!

At si Cyclone.

Kelan niya ba ako balak mahalin?

For me, he's my greatest distraction. My greatest fear. All of my decisions were always and should be connected to him.

Kelan lang ba ako natauhan?

Nung bumalik ang pinsan kong si Shantal? 'Yong nakita kong gano'n pa rin ang pagtitig ni Cyclone sa kanya... tulad ng dati? Na parang walang nangyari? 'Yong mga titig na punong-puno ng pagmamahal? Mas tumindi pa nga, eh. Umaapaw.

Nung umuwi si Kuya Clyde (Kuya ni Angel) para magbakasyon kami sa Trese? Knowing him, he'll never leave us again without revamping what've been broken. Nag-usap sina Cyclone at Shantal nun. Hindi man sila nagkabalikan, alam ko... okay sila.

Nagtataka nga ako kung bakit hindi pa rin sila... ulit. O baka naman malapit na.

Nung nagpakasal sina Xhai at Grant? Kasi inggitera ako at gusto ko ring maranasan ang gano'n? One epic love!

Pagkatapos ng lahat ng mga nangyari... sila pa rin talaga.

Their love story wasn't perfect but unconditional. Inspirational. Their love for each other proved me one thing.

Love isn't complicated, the people are— their diverse opinions and actions towards love create complications.

Tama!

Simple lang naman talaga ang pag-ibig. Tayo o ang mga nakapaligid sa 'tin ang nagpapakumplikado nito.

That's what I've learned from them. Na gusto ko ring maranasan.

Aaminin ko, naiinggit ako. Hindi dahil sa complicated ng relationship nila. Kung 'di dahil... I want to experience that kind of love. Selfless love.

Of course, I can do that for Cyclone. But he won't do that for me.

Assumera lang talaga ako. Hindi niya ako pinaasa. Ako lang talaga 'yong umaasa simula umpisa.

Then, I decided to get out from the box. Kumawala sa matagal kong pagpapantasya sa kanya kahit sobrang hirap. Gusto kong hanapin kung ano ba talaga ang nararapat para sa 'kin.

Explore new things. Meet new people.

Kaya nga ako umalis sa poder nina mommy, eh. Feeling independent. But...

I didn't expect that I'd be able to meet a guy who's the exact opposite of Cyclone.

Even if there are millions of options, I'll always choose Cy.

Palagi naman.

But now?

I feel like I need to choose between... "Kill or get killed." Sa madaling salita... mawasak ang puso o makawasak ng puso.

Ang pathetic, 'di ba? OA at its finest!

Futuristic kasi akong tao. Advance mag-isip. Masyadong feeling kumbaga. Assuming. Zedd doesn't love me. Yet? But it's getting there.

Hindi ako manhid. At ayokong i-pressure si Zedd. Siguro naman 'di ako paulit-ulit na lalapit sa kanya para mangulit kung 'di ko napapansin.

Zedd is Zedd.

Sa maikling panahon na nakasama ko siya, I felt that I really know him. Siya 'yong tipo ng taong worth it hintayin. Worth it lahat ng efforts.

Kapag nagmahal, wala ng atrasan. Period!

Pero siya rin 'yong taong ayaw ng komplikasyon at gulo. Hangga't may nakikita siyang butas o pasilyong p'wedeng ikutan para lang 'di maging kami... ililigaw niya ang sarili.

At ang nakakatakot? Malaki ang tiyansang babalik siya sa starting line 'pag nakita niya si Cyclone. O baka 'di na talaga siya lalapit sa 'kin.

I'd never allow that.

But I can't say NO to Cyclone. I won't.

I just can't. I know, I can't.

Because I still love him.

Mahal ko talaga.

Ugh! Ang tanga.

Ang tanga-tanga!

Hindi naman kasi gano'n kadaling kalimutan ang isang Cyclone R El Grandia.

Pinapaniwala ko lang ang sarili kong nakapag-move on na ako, eh. Ang galing ko kasi. Na akala ang pagmomove-on... parang kinakabisado lang ang alphabet at pagbibilang ng 1 2 3.

Ano ba'ng akala nila? Madaling patayin ang nararamdaman? Na paggising mo isang umaga... lahat ng feelings mo para sa kanya... nailibing na? Duh!

Mahirap kayang mag-move on lalo na kung hindi naman naging kayo.

But that's not the point. I'm just afraid of one thing.

I'm scared that I might hurt Zedd.

"Where's the address?" Bumulusok ang lumilipad kong imahinasyon dahil sa boses ni Cyclone. Lalo na nung nilingon niya ako at ngumiti siya.

Pakshet talaga.

'Yang ngiting 'yan? Ngiting tiyak na bubuka ang mga hita ng mga baklang makakakita. Paano ko kakalimutan?

Shitness! I need someone to slap me right now.

Pero sarili ko lang naman maaasahan ko... kaya ako na gumawa. Ouch!

"Woo! You're still doing that, Den?" Palagi ko kasi 'tong ginagawa 'pag kasama siya. Slapping myself. Hard. Para matauhan na mahal ko siya, may mahal siyang iba. Move on na, gaga!

Ngumiti ako. "Ginigising ko lang sarili ko."

Ginigising sa masakit na katotohanang kailanman 'di magiging tayo.

"Nagpuyat ka na naman ba?"

Oo, nagpuyat kakaisip na bakit hanggang ngayon mahal pa rin kita?!

"Nanuod kasi ako ng While You Were Sleeping," dahilan ko na lang.

"It's not healthy, Den. You should take care of yourself."

Yeah, I know. Loving you isn't healthy for my heart. I should take care of it. But what's the cure? Can you give me the medicine because I really need it?

Okay, Zion Denice! Tama na. Mukha ka na namang eng-eng.

"Yes, Dad!" I just rolled my eyes.

And the award for the greatest pretender goes 'to...

Natawa siya. "Now tell me where the address of your friend is." Nakalabas na kami ng main road. Nakahinto lang dahil 'di niya alam kung saan iikot.

Bumalik na naman ang kaba ko. "'Wag na! I will just text him that—"

"Him?" Facing me, his eyebrows crooked. Ay shitness! English kasi nang English... nahuli tuloy. "Woo! Are you keeping secrets from me now?"

"No, I'm not."

"Yes, you are."

"Hindi nga. Nililigawan ko lang—"

"Nililigawan?" Nanlaki mga mata niya.

Nanlaki rin tuloy mga mata ko. Ano ba, Zion Denice. Nagmumukha ka talagang ewan 'pag si Cyclone kausap mo.

"Manliligaw pala," I said without thinking.

"Manliligaw?" Pinaningkitan niya ako ng mga mata. Umawang din bibig. Then, he held my shoulders. "May manliligaw ka?!"

Nalukot mukha ko sa reaksiyon niya. Sumigaw siya!

"Hoy! Kung makareact ka parang imposibleng may manligaw sa 'kin, ah."

"Are you serious?!" Hindi ko maipaliwanag kung ano'ng meron sa aura niya ngayon. As in, blangko. Hindi talaga siya makapaniwala. At sobrang lapit ng mukha niya na halos magnose to nose na kami. Hindi ako makahinga at ang bilis ng tibok ng puso ko.

Naitulak ko siya palayo.

Zion Denice, clutch your thighs! Nahuhulog ang 'yong panty.

"Bastos 'to. Ano'ng tingin mo sa mga diyosa? Walang nagkakagusto?" Pinakalma ko ang sarili. Natahimik siya. Umawang tuloy ang bibig ko. Umusbong ang pag-asa. Assumera na naman ako. Pero kasi... "Kung magkakaboyfriend ako, ano'ng magiging reaksiyon—"

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin nang bigla niya akong yakapin. "I'm so happy for you, Denden. Dalaga ka na nga talaga. Congrats!" Sobrang saya niya. Hinahagod niya ang buhok at likod ko. I can't see his face but I'm sure... he's smiling from ear to ear.

Ouch!

Tinusok ng patalim ang puso ko. Inikot ang patalim. Mas ibinaon. Hinugot. Muling sinaksak. Paulit-paulit.

Damn you, Cy! Masakit.

Muntik na akong mapahikbi. Pero bakit pa? Sanay na ako! Ano? Gagawin ko na namang tanga ang sarili ko?

Tinapik-tapik ko na lang balikat niya habang kumukurap. "I know. I know. I'm that pretty. You should be proud of me. And that guy? Woah! Mas hot at gwapo siya sa 'yo!" May hinanakit at pagka-ampalaya ang sinabi ko, pero tinawanan niya lang ako.

"That's impossible!" Umiiling siya habang inilalayo ako sa kanya.

"Oo na, gwapo ka. Pero mas gwapo siya."

"Really?" Pang-asar na ang ngisi niya. Hindi naman ako pikon pero bwisit. Ang sarap niyang hambalusin sa sobrang manhid. "Then I should meet him. What's his name? The address?"

"I'm not gonna tell you!"

"C'mon, Den. I'm your best friend."

Oo nga! Best friend! Best friend!

"Shut up, Cy!" Napikon na talaga ako, pero 'di pa rin siya naawat.

"Siya ang unang nauto ng kadiyosahan mo." Mabilaukan sana siya kakatawa. "And soon to be your boyfriend. I need to know him first. Para mawarningan na ang minahal niya ay baliw. Malakas humilik. Nagsasalita 'pag tulog." Ugh! Sinapak ko nga pero nahuli niya dalawang pulso ko. "Walang sense of direction. Hindi marunong magluto. Kahit pagprito ng hotdog... nasusunog. Mabilis malasing. Takot sa mga clowns. Minsan, 'di naliligo 'pag weekend. Walang ganap, walang ligo—"

"I hate you!"

"No, you love me." He's still smiling. Gusto kong pilipitin bibig niya. "And I love you, too. That's why I need to know if he'll stay regardless of your imperfections." Bigla siyang nagseryoso. "I want a great man for you, Zion Denice."

Kinikilabutan talaga ako 'pag siya nagsasabi ng full name ko. At seryoso siya kapag ganito na. Hinawakan niya ang ulo ko't ginulo ang buhok ko.

"I know that this will happen, sooner or later. You and Irish will have your own priorities." Then, he smiled again. The smile that literally broke my heart into bits because he's not faking it. It's real. Shitness! "Sa mga susunod na araw, ibang tao na ang lalapitan mo. Hindi na ako."

_..._..._

DAMN YOU, Cyclone R El Grandia!

Apat na araw na niya akong hindi tinantanan. Ngayon ko lang siya nakitang gano'n kakulit. Araw-araw niya akong inaabala para lang ipakilala ko sa kanya 'yong manliligaw ko. Kulang na lang oras-oras niya akong tawagan, eh.

Sa totoo lang, nakakairita na.

Hindi ako pumayag na puntahan namin si Zedd. Kaya naman ako lang mag-isa nanuod ng praktis nila. Wala akong sa mood nun kaya hindi rin ako kinulit ng mga kateammates niya. Pero simula ng araw na 'yon... wala ng palya si Cyclone sa kakatanong.

Hindi na nga ako nakakapunta sa shop at factory kasi binabantayan niya ako. Oo, siya mismo. Shitness at its finest, 'di ba? Ano ba'ng problema niya?

Pati sa trabaho ko bantay-sarado ako. (Yes, nagstart na ako kahapon. Wednesday. Trainee.) Dinaig niya pa si Kuya Zyle. Kahit wala naman siyang laro sa PBA, nandoon siya para lang itanong ang... "Ano, Den? Sinagot mo na?"

Imbyerna! Binatukan ko nga.

Mas excited pa siya kaysa sa 'kin na magka-lovelife ako!

Hindi ba talaga siya makapaghintay na ipamigay ako? Nakakafrustrate.

Inaway ko na nga, eh. "Ano ba, Cy! Hindi ko pa nga jowa. Pero kung makareact ka diyan parang magpapakasal na ako, ah!"

Tinawanan ba naman ako. "Eh, Den. This is the first time I see you being in love—"

"Whatever!"

"Gusto ko makita kung paano ka mainlove."

"Leave me alone, Cyclone!" Nag-walkout ako.

Nakakairita. Napaka. Napakamanhid talaga. Bwisit siya!

Narindi ako sa hagikhik ni Irish. Nag-facetime kami para i-kwento ang pagkabwisit ko sa kuya niya. Eh, gano'n din ang reaksiyon. Tinawanan ako. Magkapatid nga sila. Mga leche!

"Isa ka pa, eh. Ano, Rish? Mang-iinis ka rin?" Halos maputol mga ugat ko sa leeg sa panggigigil. Kung malambot lang ang cellphone, durog na dahil sa higpit ng hawak ko.

"Chill, Den. Nakakatawa kasi si Kuya. Until now he doesn't have any idea that you loved him." She's shaking her head while biting her lower lip right now.

"Okay." Nabadtrip lang lalo ako. "I'm hanging up."

"Wait nga lang! Why are you so upset?" Tumigil na siya sa pagtawa at kinabahan ako bigla sa tono niya. "Is it because my brother was snooping to know your so-called suitor? Or the fact that he doesn't care if you're in love with someone else—"

"I'll talk to you when you get home. I'm not in a mood right now." Nagdisconnect ako bago pa siya makareact. Ayokong mas uminit ang ulo ko. Isa pa ayokong sirain ang bakasyon niya sa France.

Nagpasya akong lumabas ng condo. Gusto kong magpalamig ng ulo. Tinawagan ko si kuya na gagamitin ko ang isa sa mga luxury haven niya. Tutal marami naman siyang bahay at hindi niya ginagamit. Minsan 'di ko rin maintindihan ang isang 'yon, eh.

Bili nang bili ng bahay at lupa... hindi naman tinitirahan. Pinapalinisan niya lang sa mga caretakers.

May swimming pool doon hindi tulad sa condo ko na Jacuzzi lang ang meron. Gusto kong magswimming mag-isa. Lulunurin ko lahat ng mga bumabagabag sa 'kin.

Pumayag naman si kuya. Pero tinawagan niya si Jessa (isa sa mga caretakers niya) na samahan ako. Hindi naman ako makatanggi. Hindi kasi siya papayag kapag 'di ako nag-agree. Fine! Mabait naman si Jessa.

Alas-nuwebe na nang dumating ako sa bahay ni kuya (Ika-pitong bahay niya o ika-walo yata) na limang beses ang laki sa condo ko. Nandito na si Jessa. Binati ako. Tinanong rin kung ano'ng gustong pagkain. Nginitian ko na lang siya at tumanggi. Kumain na ako. At wala talaga akong sa mood.

Dumiretso na lang ako sa banyo para magpalit ng one-piece na kulay cerulean. Inilugay ko ang buhok. Saka ako tumungo sa likod ng bahay. Sa may swimming pool katabi ng magandang landscape na pinayari. Sakto lang ang liwanag ng ilaw. Wala naman kasing buwan.

Palusong na ako sa tubig na kasing lamig ng hangin, 7ft, kulay blue at amoy chlorine nang umilaw ang cellphone ko na nakapatong sa marble na table sa gilid ng dalawang lounging chair.

Hindi ko na sana papansinin kaso baka si Kuya Zyle. Kapag ganitong nakikigamit ako ng mga ari-arian niya, kailangan kong maging mabait.

Kaso ibang text ang bumungad sa 'kin.

Toothless Hero:

Wala ng paramdam. Pati ang utang kinalimutan.

Napangiti't napailing na lang ako. Hindi niya talaga makalimutan 'yong utang kong mga pizza. Pero hindi na ako nagreply. Kaso nagtext ulit.

Toothless Hero:

Diyan kayo magaling. Lalandiin n'yo muna. Tapos kapag nahulog na saka hindi magpapakita.

Natawa ako. Baliw talaga. Oh, well. Namiss ko sila. Lalo na si Zedd. Saka na lang ako magpapakita. Manggugulat na lang ako. Hindi naman ako hinahanap ni Zedd, eh. Magpapamiss muna.

Swear, effective na strategy 'yon kapag gusto mong mahulog kaagad sa 'yo ang isang tao. Gawain kaya 'yon ng mga lalaki.

Kakausapin. Kukunin ang number. Kakaibiganin. Tapos kapag medyo close na... 'wag muna magtetext o magpapakita.

Tapos si babae... iisipin kung ano'ng mali. May problema ba? Syempre hahanap-hanapin niya si lalaki. Palaging iniisip. Hanggang sa mafall si girl.

Promise! Ganyan galawan ng mga lalaking expert sa babae. Hindi lahat pero marami gumagawa ng ganyan.

Toothless Hero: 'Wag kang feeling diyan. 'Di ka namimiss ni Paxton.

Toothless Hero: Pero baka lang may paki ka. Birthday ni Paxton ngayon.

Nabitiwan ko ang cellphone. Mabuti 'di tumalbog sa pool. Agad ang pagsikdo ng pulso ko. Pinulot ko ito't tiningnan ang kalendaryo. Mygash! Oo nga.

September 7 ngayon.

Ang tanga ko!

Ilang beses kong tinuktok ang noo. Tinawagan ko si Hero. Pero nakakabwisit na tawa niya ang sumagot sa 'kin. "Sabi ko na nga ba. Namimiss mo na. Pabebe ka lang talaga."

"Where is he?" Kailangan kong huminahon.

"May kadate," nakakalokong sagot niya.

"'Wag mo akong bwisitin, Hero. Nasaan nga si Zedd?"

"Napakasungit! Nagdeliver ng pitta."

"What? He's still working? Wala siyang birthday leave? Seriously? Balak niya ba talagang patayin nang maaga ang sarili? For heaven's sake, it's his birthday. He should treat himself."

"Ayaw niya. Teka nga, ba't ka tumawag? Akala ko ba... wala ka ng pakialam?" Kung kaharap ko lang talaga 'tong unggoy na 'to... napilipit ko na ang leeg.

"I'd surprise him."

"Surprise your face. Mag-aalas diyes na. Saka mamaya pa dating nun dito."

Napasuklay ako sa buhok. Mariin na napapikit. Ugh! Epic. Ba't ko ba kasi biglang nakalimutan? Planado ko na 'to last week. Susurpresahin ko siya sa shop. Madali lang naman 'yon. Kahit simpleng pa-cake lang kasama 'yong magpipinsan. O kaya celebration sa factory. Kahit hindi gano'n kabongga... maaappreciate niya 'yon.

But I completely ruined my plan.

"Oorder ako ng dalawang boxes ng pizza." Biglaan na lang na surprise. May oras pa naman, eh. Sana umabot. I can't miss his first birthday with me.

"Tapos ano? Kami-kami lang din ang kakain?"

"Of course not. Si Zedd ang magdedeliver ng pizza dito." Sinabi ko ang exact location ng address ng bahay ni kuya. "But don't tell him that it's me."

"Ano? Hindi kami kasali? Tion—"

"Please, Hero. Make this happen. Please? Ayaw mo bang sumaya ang pinsan mo?" I pouted my lips kahit 'di niya nakikita.

"'Wag kang magpatawa. Hindi ka—"

"Ang dami mong sinasabi. Twenty thousand. Babayaran ko na rin utang ko. Just please, cooperate with me."

"Grabe, Tion! Sa yaman mo... bente mil lang ang halaga ni Pakton sa 'yo?"

Wow! Ang kapal. Malaki na nga 'yong twenty thousand. Ano'ng akala niya? Tumatae ako ng pera? Saka... mauubos na allowance ko. Ayoko nang humingi sa parents ko.

"Fine! Si Vina na lang—"

"Sige na. Oh, parating na si Pakton," bumulong na siya. Narinig ko rin na tumunog ang chime ng pinto. "Siguraduhin mo na lang na magiging masaya ang pinsan ko, Tion. At kailangan virgin pa rin siya—"

"Ugh! Just do it." Binabaan ko nga. Asaaar. Binigyan ba naman ako ng idea. Baka bigla ko talagang mahalay mamaya si Zedd.

Uuwi siyang masaya at narating ang dulo ng langit.

Pumasok ako ng bahay para patungan ng swimming dress and one-piece. Nagpatulong ako kay Jessa sa pag-order ng cake. Hindi naman siya nagtanong kung para saan. Basta sinabi ko lang na may kaibigan akong pizza boy na darating mamaya. Sabi niya, may malapit naman daw na bakery. P'wede siyang sumaglit doon.

Eh, 'di syempre natuwa ako.

Habang nasa labas siya, binuksan ko ang ref ni kuya. Napangiti na lang ako sa mga laman. Bilib talaga ako. Handa palagi. Umaapaw ang laman ng mas matangkad sa 'kin na refrigerator. Mula sa mga prutas hanggang sa mga iba't ibang alak. May mga beer at mamahaling wine. Kumuha ako ng apat na bote ng beer at isang champagne. Dinala ko sa may pool.

Biglang naglighten ang mood ko. Nawala ang pagkayamot. Napapangiti sa mga naiisip. May idea na ako kung paano susurpresahin si Zedd.

Pagdating ni Jessa, kinutsaba ko siya. Hinanda namin ang cake. Tapos siya ang magbubukas ng gate. At kailangan niyang mapapunta si Zedd dito sa may swimming pool. Feeling ko naman... kayang-kaya niya.

Nahiga ako sa resting chair habang naghihintay. Uminom ako ng beer. Sakto lang para maging amoy alak ako. Binuhos ko ang konti sa swimming dress. Tapos pinainom ang mga bulaklak sa landscape ni kuya ng dalawang bote.

I can't wait to see him. Sa sobrang pagkamiss ko kay Zedd... baka magahasa ko siya ngayong birthday niya.

Mga kalahating oras akong naghintay bago nagtext si Hero. Nakaalis na raw si irog. Agad naman akong napangiti. Naexcite sa mga mangyayari.

Lumusong ako sa tubig saglit para wet look. Mas nakakaakit 'yon. Ewan ko na lang. Baka si Zedd ang gumahasa sa 'kin nang tuluyan.

Ilang saglit pa'y may naririnig akong mga yabag. Kinagat ko ang labi para 'di mapatili. Kinuha ko ang isang bote ng beer at tumungga. Napangiwi pa ako sa paghagod ng pait sa lalamunan ko.

"Ma'am?"

Muntik na akong mapatalon pagkarinig ng boses na 'yon. Mygash! Nakakamiss pala talaga. Apat na araw ko pa lang namang 'di naririnig ang boses niya, ah.

At shitness! Ang hot nung pagtawag niya ng... ma'am! Ugh.

Paslowmo akong humarap. May pasimpleng paghawi ng buhok. Ibinalandra ang maala-gayumang ngiti at mapupungay na pagkurap-kurap. Nakakaakit na sinabi ang... "Yes?"

"Zion...?"

I bit my lip to prevent myself from giggling. Ganitong-ganito ang iniexpect kong reaksiyon niya. Tulad nung first meeting namin nung birthday ko. Nabitiwan niya ang mga boxes ng pizza. Napanganga habang hinahagod ang kabuoan ko. Napaatras pa siya. Parang gustong tumakbo.

Pasimple kong pinagsawa ang tingin sa kakisigan niya sa kanyang unipormeng pula. May cap din siyang pula.

"Hi, pizza boy..."

Lumapit ako sa kanya. At natisod. Nabitiwan ang hawak na beer. Syempre kunwari lang. Kunwari lasing dapat ako.

I know right, I'm such a witty woman.

Pero inaasahan kong sasaluhin niya katawan ko. Kaso hindi. He just stood there. Immobilized. Tulala. Nakatitig lang sa 'kin. Tuluyan tuloy akong nadapa.

Aray! Masakit pagkakatama ng siko ko sa semento.

Magrereklamo na sana ako pero natauhan yata siya't umupo para alalayan akong tumayo. "Lasing ka?" tanong niyang 'di sigurado.

Oh, Zedd! Nakakaloka ka talaga.

Sumisingaw ang amoy ng beer sa 'kin. Nakapout at namumungay ang mga mata. Pero deep inside... tawang-tawa.

"Wazz your name, pizza boy?" Tinanggal ko ang kanyang sumbrero. Marahang hinaplos ang gilid ng kanyang mukha. Mula sa gilid ng tainga pababa sa jawline. Dahan-dahan. Hanggang sa tumapat mga daliri ko sa Adam's apple niya't pulso. He's not breathing again. At mabilis ang galaw ng pulso niya't nanginginig ang Adam's apple.

Parang gusto niya akong itulak palayo sa kanya. Priceless. Pero 'di ako makatawa kasi mukhang takot na takot siya. Sa akin.

I traced his lips using my thumb. He trembled. "I want to taste your lips." I flaunted a sexy smile. Ngiting wala sa katinuan. Saka kumagat sa labi.

Nanlaki ang mga mata niya. "Z-Zion, teka..." Tinakpan niya ng kamay ang bibig nang inilapit ko ang mukha. Nakagat ko ang labi para hindi matawa.

I kissed the back of his hand. The moment my lips touched his skin, I felt that I was tickled by a strange feeling. It was titillating.

Mapungay akong nakatitig sa kanya. Wala na yatang ilalaki ang kanyang mga mata. And, oh... sinisinok na naman siya.

Pero ako yata ang namamanyak.

Face to face, eyes to eyes, nose to nose; and the only thing that separating our lips was his trembling hand.

Nakatukod ang isang palad ko sa kanyang dibdib. Kaya ramdam ko. Ang tibok ng puso niya. Ang bilis. Sobra.

Dali akong lumayo. Kasi hindi siya humihinga. Kanina pa. Pakiramdam ko hihimatayin na siya kapag tumagal pa.

"Breathe, pizza boy..." I managed to say even though I feel the same. Parang hinahampas ang puso ko ng martilyo. And I don't know if it's good or bad.

Tumayo ako't naglakad palayo. Pasuray-suray. Ewan ko ba kung sinasadya ko pa rin o dahil nanginginig lahat ng himamay sa mga binti't tuhod ko.

Tinungo ko ang swimming pool. Para akong sinisilaban. Kailangan kong mahimasmasan at malamigan. Patalon na ako nang may humigit sa siko ko't pinaharap.

"What are you doing, Zion?! Are you trying to get yourself killed? You're drunk but not suicidal!"

Napamaang ako. Hindi dahil halos kumalas ang kaluluwa nang sumalpok ang katawan sa kanya. Hindi dahil sa kanyang natural na bango na humalo ang scent ng pizza. Hindi rin dahil sa mahigpit na hawak niya sa braso kong nagpapalambot ng mga kalamnan ko.

Nagulat ako nang mag-English siya. Straight. Maganda ang accent. Na parang first language niya. Pero hindi rin 'yon ang nagpakabog sa dibdib ko. Hindi 'yon ang ikinakatakot ko.

His eyes.

Those penetrating eyes. With shiploads of emotions. Different kinds of emotions.

Kitang-kita ko. Kaya kong pangalanan kung ano-ano. Pero ayoko. Dahil sa lahat ng emosyong makikita sa mga mata niya... mas nangingibabaw ang takot at pangamba.

Tumagos ang takot na 'yon sa 'kin.

Ngumiti ako. Para kumalma siya o pakalmahin ang sarili ko. "Wow! Nag-English ka--"

"I don't care. You won't remember this moment, anyway." Hindi pa rin nagbabago ang titig niya.

Oh, God!

Bumuka bibig ko para magsalita. Ano'ng hindi ko maaalala? Hindi naman ako lasing!

Pero natameme ako. Hinawakan niya kasi ang isang kamay ko't idinikit sa kanyang dibdib. 'Di pa lumalapat ramdam ko na... I can feel the intense and rapid heartbeats.

Hindi ko maibalik ang titig sa kanyang mga mata. Shitness!

I know exactly what's happening. At kinakabahan ako. Natatakot.

Sa lahat ng kabaliwan na ginawa ko, ngayon ko gustong tumakbo palayo.

Pero nakatitig lang ako sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa kamay kong nakalapat sa dibdib niya.

"I... I don't like beautiful woman." Unang statement pa lang, kinilabutan na ako. "I loathe rich people. Offbeat person bothers me. Blitzed lady scares me. And that exactly who you are. But why do I feel like this? Why do I want to jump in a cliff? What did you do? I hate this feeling. I really do. But why, Zion? Why can't I hate you?"

Shitness at its finest! Whaaat?!

Hindi ako makapagsalita. Tumiklop yata ang dila. Kung totoong lasing ako baka nawala amats ko dahil sa mga sinabi niya.

How can I react from this sudden avowal?

Ugh, Zedd Paxton Villafranca! Why are you like this?

Forthright. Genuine. Transparent. Innocent.

You're scaring me!

He closed his eyes. Mas humigpit ang kapit sa 'king kamay. "I want to stop this. Make this stop. Please, Zion." Pagdilat niya, gusto kong maiyak. "Why do I feel like this? Tell me, am I in love with you?"

--

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

952K 32.7K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
284K 15.4K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
127K 4.5K 17
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
147K 5.9K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...