HATBABE?! Season 2

By hunnydew

492K 12.7K 7.3K

*This story is a work of fiction. Although many locations and events are based on actual places and real expe... More

HAT-BABE?! Season 2
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39

Chapter 12

14.2K 394 275
By hunnydew

A/N: Babala, dito niyo mawi-witness kung gaano kadaldal si Charlotte. Kahit nakasulat lamang ito, baka kailanganin niyo ng pantakip sa tenga, hahaha. Siguraduhing basahin ang pinakadulo ng chapter na ito. Ang hindi magbabasa ng Author's note, OP! huehue

---

Dahil katatapos lang ng mga long exams namin, medyo bumait 'yung mga professors at karamihan sa mga minor subjects namin papetiks-petiks lang. Kinausap rin kasi 'yung mga 'di pumasa. Laking pasasalamat ko nga kasi pasado ako sa lahat ng exams eh, hehehe. Ang galing talaga ni toddler goldfish memory! Lumalaki na talaga siya.

Tulad ngayong Thursday, free period kami buong hapon.

"Mahal na pinuno, tutal at wala naman tayong pasok buong hapon, gusto mo nang mag-date? Libre kita," aya sa'kin ni Martin. Nasa classroom lang kami nun kasama nung ilang classmates namin na walang ibang gagawin.

"Sige!" sagot ko agad.

"'Yon naman, Martin! Matutuloy na rin ang date ni Alipin at ng Mahal NIYANG Pinuno, ayieee," kumento nina Harvey pero pinandilatan silang lahat ni Martin.

"Sama na kayo para masaya!!!" masiglang pag-aaya ko sa kanila.

Agad naman akong iginiya ni Martin palabas ng classroom. "'Wag na Mahal na Pinuno, mang-aasar lang 'yang mga 'yan. Tignan mo nga, ginagawan na tayo agad ng issue. Wala pa nga, kung anu-ano na'ng sinasabi nila," naiiling niyang paliwanag. "Sa'n mo pala gustong kumain, Mahal na Pinuno?"

"Kahit sa—teka lang ha," sabi ko sa kanya kasi tumutunog na naman 'yung cellphone ko. Tas pagtingin ko, si Hiro na naman. Tas 'di pa ako nakakapagsalita, inunahan na niya ako.

"Bubuwit, may klase ka ba ngayon?" agad niyang bungad.

Naisip ko agad na baga mag-aya na naman siyang lumabas pero tahimik naman. Ayoko na. Amboring niyang kasama. "Meron. Bakit?" pagsisinungaling ko.

Pero parang wala lang sa kanya kaya tuloy-tuloy pa rin siyang nagsalita. "Pupunta akong UP Diliman. Nandun si Louie ngayon. Susunod ka ba?"

Napahinto akong maglakad sa sinabi niya. "NANDITO SI BESPREN?! TALAGA?! Ay wala pala kaming pasok, sige. Teks mo 'ko kung sa'n magkikita dun. Ba-bye!"

"Magbabakasyon dito si Louie?" tanong sa'kin ni Martin.

"Uu—Ay, hindi ko alam. Pero ano... ahh... Martin. Ays lang ba kung ano—"

Nginitian lang niya ako ng matamis. "Sige, mukhang miss na miss mo na talaga si Louie eh. Pero sa Sabado ha. Ituloy na natin."

"Oo naman! Umulan, bumagyo, umaraw, lumindol, magdelubyo... susuungin ko lahat 'yon para sa'yo, Martin!" paninigurado ko sa kanya tas kumaripas na ako ng takbo.

Umuwi pa talaga ako sa bahay namin para kunin 'yung mga ireregalo ko dapat kay bespren. Kasi baka mamaya dumaan lang pala siya dun tas aalis din agad. Kaya nag-taxi na rin ako papunta dun sa College of Human Kinetics Gym daw sa UP Diliman sabi sa teks ni Hiro. Tineks ko rin si bespren Chan-Chan at ibinalita sa kanyang nasa Pinas na ulit si Louie! Sabi ko, pumunta rin siya sa UP para magkasama-sama ulit kami.

Malalaki talaga 'yung hakbang ko habang tumatakbo kasi ilang metro pa ang layo nung gym kung saan ako binaba nung taxi. Gusto ko nga rin sanang bumili ng pagkain dahil hindi pa ako nagla-lunch pero hinayaan ko na kasi eksaytment akong makita ulit si bespren Louie. Kinuhanan pa ako ng student ID nung guard kasi akala elementary student ako ng kung anong school.

Nasa bungad pa lang ako ng gym, nakita ko na agad si bespren. At nung pinayagan na ako nung guard na makapasok, tumakbo talaga ako. "BESPREN! NA-MISS KITAAA!" malakas kong sigaw at dinamba siya ng yakap. Para malaman niya kung gaano ko siya na-miss, iniyakap ko na rin 'yung isang binti ko. Naalala ko na rin 'yung regalo ko para sa kanya na nilipat ko sa supot. "Ito bespren oh, birthday gip ko sa'yo. Kinuha ko pa sa bahay 'to."

Kaso hinila ako ni Hiro palayo. Panira raw ako ng moment. Mas panira kaya siya! Isa siyang malaking epal! Saka ko napansin si Mase. Nagtaka pa ako kung bakit nandun 'yung kapatid ko. Buti na lang pinaalala niyang dun nga pala siya nag-aaral. Itatanong ko sana kung bakit parang maglalaro sila ni bespren laban dun sa maangas na lalaki at 'yung maarteng babaeng kanina pa nakangiti kay Mase. Pero nag-announce na si Hiro ng team huddle.

"Yay! Team huddle!" masigla kong sigaw para ganahan naman sila kaya pinagpatong-patong na namin 'yung mga kamay namin. "Go! Go—Ano'ng pangalan ng team niyo?" tanong ko kay bespren.

"Wag ka ngang—" saway na naman ni epal Hiro. "MALOU! Mason, Louie kaya MaLou! O, alis na! Dun sa bleachers, dali!" utos niya sa'kin.

Binilinan ko na lang si bespren at si Mase na galingan nila at siguraduhing manalo bago ako umupo sa bleachers kasama nung iba pang nanonood. Mukhang madali naman nilang matatalo 'yung kalaban nila eh. Mukha kasing takot sa bola 'yung babaeng kalaban nila. Tsaka si bespren kaya ang star player ng Uste sa basketball team! Tas magaling din naman si Mase kasi nasanay siya sa pakikipaglaro sa iba pa naming kuya.

'Di na ako nagtaka nung si Louie ang nakapagpasok ng unang tira para malamang kung sino ang unang mag-i-inbound. Imposible talagang matalo sila eh. Tas narinig ko pang raise to ten lang 'yung laban. Sisiw talaga 'yon! "WUHOO! GO BESPREN LOUIE! GO MA—"

"Wag ka ngang maingay! Para makapag-concentrate sila," asik ni Hiro na nakaupo sa tabi ko.

Tss. Malaki kaya ang nagagawa ng moral support kahit ng cheerers lang. Pampalakas kaya ng loob 'yon. Pero onga pala, wala ako sa teritoryo ko, kelangang mag-behave kaya tumahimik ako.

'Yun nga lang... WALANG NAPAPASOK NA TIRA SI BESPREN! Actually, pati 'yung kalaban, wala ring pumapasok na tira. Pero naman! Anyayare? Sharp shooter kaya si bespren. Tsaka bakit siya ang nagbabantay dun sa... Jem 'yata ang pangalan? Baka pang-distract si Mase dun sa babae para hindi makatulong. Pansin ko kasing kanina pa nakatitig kay Mason eh.

Kitang-kita ko kung paano nasupalpal ni bespren Louie 'yung dapat na dunk ni Jem. Kaya 'di na ako nakapagpigil. "IN YO FEZ! Ano ka ngayon, ha? Wala ka pala eh!" hiyaw ko.

Pero maya-maya, nakita ko ring sinupalpal ni Jem si bespren. "GAYA-GAYA! WALANG ORIGINALITY! GUMAWA KA NG IYO! GAG—UMMMMPP!" Buti nalang talaga tinapal ni Hiro 'yung bunganga ko gamit 'yung kamay niya kundi napamura na talaga ako. Dinig na dinig ko rin 'yung pagsinghap nung mga nanonood. Tsaka 'yung pagkalaglag nung kahon ng—

PEPERO! With almonds!

Agad kong pinulot 'yon kasi nagsilabasan 'yung mga cookie sticks na may sokoleyt at almonds. May nahulog pa nga sa sahig eh. Sayang nga kasi 'di ko na maabot. Sabi kasi ni 'Ya Marcus, totoo raw 'yung pede pang kainin 'yung pagkaing nalaglag sa semento within five seconds. Nagulat pa lang daw kasi 'yung mga germs nun kasi may nalaglag na biyaya. At dahil hindi pa sila makapaniwala, after five seconds pa nila sasalakayin 'yon. Baka nagdasal pa sila't nagpasalamat kay Papa God sa pagkaing natanggap nila. Ganun kami sa bahay eh, hehe.

Nilingon ko 'yung nakaupo sa likod ko na may hawak pang Pepero Stick na nakagatan na niya. Nakanganga rin dahil nga sa nangyari kay bespren. Lalaking nakasalamin at mukhang babae rin. Naalala ko nga si bespren Chan-Chan eh. Tas napansin kong may kalong siyang bag na mukhang marami pang laman na Pepero. Gutom na kasi talaga ako eh. Ayoko namang umalis kasi gusto kong makita ulit maglaro ng basketball si bespren.

"Uy," pukaw ko sa kanya. "Akin na lang 'to ah. Nalaglag na kasi eh," ngisi ko sa kanya. "Dirty na 'to, baka masira lang ang tiyan mo. Salamat ha, hehehe."

Ayon, mukhang maka-MaLou naman siya. Buti na lang, hehehe.

Tinulungan ni Mase na makatayo si Louie saka sumigaw si Hiro ng water break at inutusan akong bumili ng maiinom. Kaya kahit puno ng Pepero 'yung bibig ko, kinuha ko nalang 'yung pera ni Hiro saka kumaripas ng takbo papunta dun sa tindahan sa bungad ng gym.

Ang kaso... WALANG MALAMIG NA TUBIG! Eh diba, 'pag uhaw at pagod, mas masarap uminom ng malamig na tubig? Huhu. Tas malayo pa 'yung susunod na tindahan. "Ate, ano po 'yung malamig na inumin na meron kayo?" tanong ko.

"Ah, C2 lang eh. Naubos na kasi kanina 'yung malamig na tubig."

"Sige Ate, 'yung pinakamabenta nalang na flavor. 'Yung medium Ate ah. Tsaka..." binilang ko 'yung dapat kong bilhan ng inumin. At naalala ko 'yung lalaking mukhang babaeng nakasalamin. "Lima po Ate."

Kumaripas na naman ako pabalik sa loob ng gym at inuna ko nang abutan si bespren. Tas pinalakas ko ulit 'yung loob niya at sinabing mas magaling pa rin 'yung pagkakasupalpal niya kay Jem kanina. Minasahe ko pa 'yung mga balikat niya bago ko binilin na durugin niya ang kalaban.

Nung makabalik na ako sa bleachers, hinarap ko ulit 'yung lalaki sa likod ko na nagbukas na naman ng bagong kahon ng Pepero. "Ah, salamat pala sa Pepero kanina ah. Eto pala, para sa'yo," sabi ko sa kanya sabay abot ng isang bote ng nag-a-ice pang C2 Red Apple. Wala kasi akong makitang tubig o inumin na dala niya, baka mabilaukan lang siya.

Kunot-noo naman niyang tinanggap 'yon. "T-Thank you...?" pag-aalangan niya.

Nginitian ko lang siya. "You're welcome! Ano palang pangalan mo?"

"S-Sand..."

Sand? Buhangin?

Narinig kong pumito 'yung referee kaya di ko na siya natanong. "Ako pala si Charlie. Bespren ko 'yun si Louie, 'yung magaling na babae. Tas kapatid ko 'yung kakampi niyang magaling magpasa. Maka-MaLou tayo ha," pagpapaalala ko sa kanya pero tumango lang siya.

Nagpatuloy ang laban. Napansin kong si Mason na ngayon ang binabantayan nung lalaki. Pero wala, panis ang kalaban kasi sa wakas, nakagawa ng puntos ang kapatid ko. Hindi na rin kinaya ng kalooban kong manahimik kaya napasigaw na ako. "Team MaLou scores with an A-Mase-ing step back, fadeaway shot!" Mabuti nalang talaga, nakapaglaro ako noon ng basketball at nakakanood din ng NBA at PBA games kaya alam ko kung paano mag-comment 'yung mga nasa TV.

Mas lalong lumakas 'yung boses ko nung nagsunud-sunod na 'yung tira ng Team MaLou!

"AND A RAINBOW SHOT FROM..." mabilis akong nag-isip kung ano ang pede kong nick name para kay bespren Louie. "... FROM MISS ASTIIIIIGGGG! TWO POINTS FOR MALOU. ZERO FOR TEAM KULELAAAAT! WUHOOO!"

Enko kung bakit nagtatawanan 'yung mga katabi ko sa sinabi ko. Eh sa 'di maka-score ang kalaban. Bagay lang sa kanila 'yung Team Kulelat! Bumaling ako sa isa pang katabi ko kasi lumayo bigla si Hiro eh. "Kuya, ano pong mga pangalan nung mga kalaban ng Team MaLou?"

"Ahhh.. Hipon 'yung lalaki at Higad 'yung babae," natatawang sagot ni Kuya.

Di ko naintindihan kung bakit ganon ang sinabi niya pero ginamit ko na rin.

"TUMALON PO SI MR. A-MASE-ING AT SINABAYAN NI HIPON... NAKO! MASUSUPALPAL—JOKE LAAANG! NI-REVERSE LAY-UP! THREE POINTS FOR MALOU. ZERO PA RIN PARA SA TEAM KULELAT! WUHOOO!!!"

Hinawakan ko na 'yung isang bote ng C2 at ginawang mic 'yon. "Dala-dala po ni Miss Astig ang bola at bantay-sarado ni Hipon. Ano ang gagaw—biglang nag-crossover si Miss Astig at NAIWAN PO ANG KALABAN! PASOK ANG TIRA! FOUR-ZERO PO MGA KAIBIGAN! FOUR-ZERO!"

Hindi na ako nag-abalang kumentuhan 'yung moves ng kalaban kasi walang kwenta naman. Sayang lang ang laway ko. Puro turnover naman kasi. Kaya saka lang talaga ako nag-iingay kapag hawak nina bespren ang bola.

"Wala pong naitutulong ang Higad mga kaibigan," malakas kong puna tungko sa babaeng walang ginawa kundi magpa-cute kay Mase. "Kaya si Hipon na rin ang bumantay kay Mr. A-MASE-ing mga kaibigan. Mabilis siyang tumakbo at tumalon sa ring! Ire-reverse lay-up ulitJOKE LANG! LAY-UP LANG YON! LAY-UP! HAHAHAHA." Kasi naman, susupalpalin sana ni Hipon sa kabilang side nung ring kasi akala siguro niya magre-reverse lay-up ulit si Mase. Galing talaga ng kapatid ko. "WUHOOO! GO TEAM MALOU!!!"

"Hawak po ulit ni Miss Astig ang bola mga kaibigan, at si Hipon ulit ang bumantay sa kanya! Agad niya pong tinira ang bola na mukhang magmimintis—PERO HINDE! PINABANDA PALA SA BOARD ANG BOLA. PUMASOK PO SA RING ANG TIRA MGA KAIBIGAN! FIVE-ZERO NA PO ANG SCORE!"

"NASUPALPAL NA NAMAN PO NI MISS ASTIG ang lay-up ni Hipon! Nakuha ni Mr. A-MASE-ing ang bola na pinasa ulit kay Miss Astig na tumakbo naman malapit sa ring pero sinabayan siya ni Hipon na nakataas ang kamay! Mataas at palobong pinakawalan ni Miss Astig ang bola at... at... PASOK PO! DAZ HOW YOU DO A TEARDROP, BEBEH! "

Humalakhak na naman 'yung mga katabi ko habang umiinom ako ng C2 kasi natuyot agad ang lalamunan ko eh.

"Si Mr. A-Mase-ing po ang may dala ng bola mga kaibigan at sinabayan na naman siya ni Hipon! TUMALON AGAD SI MR. A-MASE-ING SA ERE AT NAHULI SA PAG-ANGAT SI HIPON—DI NA TALAGA NADALA 'TONG ISANG TO. Tsk Tsk," iling ko. Naaawa na ako sa kalaban nila. Pero wala naman tayong magagawa. "SUMABAY KA PAAAAAHH! PASOK PO ANG HOOK SHOT NI MR. A-MASE-ING!

"Pagod na pagod na po ang Hipon mga kaibigan at wala pa ring kwenta si Higad! Baon na baon na po ang Team Kulelaat! ARAY NAKU POOO! BINOMBA PA SA ERE NI MISS ASTIG ANG BOLA, wala nang nagawa si Hipon! Baket pa kasi lumaban? Nasampolan ka tuloy ng clutch shot ni bespren!"

Habang halos mamatay-matay sa kakatawa 'yung mga tao at nasa kabilang dulo na yata ng bleacher si Hiro at hindi na ako pinapansin, pumito na 'yung referee. Tapos na pala 'yung laban?!

Sinalubong ko na si bespren at niyakap siya ng mahigpit. "WUHOOOO!!! MALOU FOR THE WIIIIN!!!"

Nung pinakawalan ko si bespren, nilapitan naman ako nung referee. "Galing mong mag-commentator ah.

"Hehe, ganda ng mga galaw nina bespren at ng kapatid ko eh. 'Di ko napigilan ang sarili ko," pagmamayabang ko. Tas napansin ko sina Hipon at Higad na mukhang nag-aaway na. "Ano ka ngayon ha? Wala ka pala eh! LOOOOOSSSSEEEERRR!" pang-aasar ko.

Saka ko naramdamang may humila sa kwelyo ko. Isa lang naman ang gumagawa nun eh. "'Wag ka nga!" pagbabawal sa'kin ni Hiro. "Nasa teritoryo ka nila. 'Pag ikaw napaaway dito ah."

Tas nilapitan namin sina bespren at Mase.

"Date tayo, Mase," narinig naming sabi ni bespren Louie kaya natigilan at napasinghap kami ni Hiro. Pati yata si Mase nagulat eh.

Bakit kaya inaya ni Louie si Mase na mag-date? Friends ba sila kasi besprens kami?

===

A/N: Malalaman na kaya ni Charlie ang tunay na namamagitan kina Louie at Mason? Charing XD haha.. Abangan nalang natin sa susunod na kabanata...

AT ISA PANG KAABANG-ABANG....

IPA-PUBLISH NA PO ANG HAT-BABE?! SEASON 1 UNDER LIFE IS BEAUTIFUL (LIB)!!! SERYOSO PO ITO!!! HAHAHA.. MORE REASONS TO CELEBRATE! C2 PA TAYO MGA FRIENDS!!! Sana po suportahan niyo pa rin si Charlie ngayong magiging libro na rin ang kanyang kwento, huehuehue. Ipalaganap ang kanyang katatawanan!!! Hehe. Sobrang salamat po sa walang-sawa niyong pagsubaybay sa mga kalokohan/katatawanan/kainosentehan/katakawan ni Charlie :)

PS. Sino si Sand??? Hahaha.. paki-click ang external link para makilala siya, hehehe.

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...