Chapter 6 (Fire in the hole!!! Terrorist Win!)
1:07 pm na nang makapasok ako ng room .. kasunod ako ni Mrs. Terrorist
Bago matapos ang Chapter 5 sumulpot sya ..
Hayaan nyong ipakilala ko sya inyo ..
May itsura si Mrs. Terrorist ..
Matangkad ,Morena, Matangos ang ilong, Maigsi ang buhok na hanggang balikat, at Ang mga mata nya .. Tumatawa din pag nangiti sya .. Nasa 30 plus na ata …
Pero sa kabila ng mala anghel nyang kagandahan ay naku ..
Napaka TERROR nyang teacher !!!
Ilang beses na din nya kong pinatawag sa faculty dahil sa mga naaktuhan nyang kalokohan ko ..
Una.. Nakikipag sipaan sa classmate .. biruan lang yun pero yung parusa nya samin ng classmate ko hindi biro ..
Akalain mong papuntahin kami sa faculty para ipanuod sa ibang teacher yung pagsisipaan namin..
Minura ko sya .. Sa isip ko lang .. PUT@NG INA NYA..
Hindi ba nya alam na nanliit ako sa hiya?
Pinipilit ko lang ngumiti nun .. pero yung totoo nanaliliit na ko sa kakatawa ng ibang walang kwentang teacher..
….
Pangalawa yung aksidente kong mahagis sa electric fan yung napulot kong turnilyo…
Huling huli ako sa akto nun …
Kasalanan ko .. Oo ..
Pero “AKSIDENTE” yun!!! t@nga ba sya???
Wala syang konsiderasyon!
Binawasan nya yung grade ko sa exam ..
Gusto ko syang lumpuhin nun ..
At isampal sa muka nyang AKSIDENTE yung nangyari ..
…
Pangatlo
Nagpa Valentines game ang hay0p ..
Nanalo ako … pati yung classmate ko na kabiyak nung heart na kartolina..
Eto ha … e-explain ko yung game ..
Una
magbubunutan kayo ng kalahati ng heart na kartonlina .. hati yun sa Lalake at Babae
Pangalawa
Within 5minutes dapat mahanap mo na yung ka partner nun .. pag di mo nakita eliminated ka na
Nakita ko agad yung ka partner ko … ok … sya pala …
Isang kaklase na hindi ko matanda-tandaan ang pangalan dahil parang multo lang sya sa sulok.. napakatahimik.. hindi naman matalino …
Hindi ko masasabing panget sya … ok naman sya ..
Kaso dyusko ang eye bag … dinaig pa ang college sa pag ka-crams!
Move on tayo..
Pangatlo
So eto na nga edi yung iba tanggal na kasi hindi nila nakita yung partner nila sa loob ng 5 minuto ..
5 pares na lang yata kaming natitira nun eh ..
Pipiringan yung lalake ..
Tapos sa hawak lang ng daliri ng babae dapat mahulaan nya kung yun ba yung ka partner..
..
So nakapiring na kami ..
..
Turn ko na ..
Hawak ako sa daliri ng mga classmate kong babae ..
Ewan ko ba nung nahawakan ko yung isang daliri .. ayaw ko na bitawan ..
Tanggalin ang piring..
WOW! Tama ako si Classmate eyebag!!!
Tsamba lang hehehe ..
Pang apat
Dalawang pares na lang kaming natira
Magtatanong si Mrs. Terrorist
Ng kung aung brand sa mga to ang ginagamit namin.. at dapat magkapareho kayo ng mga isasagot ..
Shampoo
Tootpaste
Sabon
Iniinom sa umaga
pabango
At hindi ko na matandaan yung iba eh ..
Ang resulta???!!!
Anak ka nang kabayong buntis!!!
Samin dalawa ang pinaka maraming magkakatulad na sagot ..
..
Aaminin ko gusto ko manalo nun!
Sa kabila ba naman ng mga kalok0han na ginawa ko sa klase ni Mrs. Terrorist .. eh naghahanap ako ng pang bawi ..
Grade daw ang premyo eh ..
Wala man lang materyal noh .. kahit man lang sana pang tutuli ng matuwa man lang ako at may mai-uuwi ako ..
Pero naisip ko ayos na din yun .. GRADE din yun eh .. bakit ba ko pumasok sa school??? Syempre para mag karoon ng maayos na grade ..
…
Nanalo kaming dalawa …
Hindi ko naman alam sa kabila pala ng pagkapanalo na yun eh parusa ..
Parusa sa mga alaskador kong classmate ..
Araw araw ba naman kayong tuksihin
“uyyyyyy”
“yan na yung lovers oh”
“bagay na bagay”
…
T@NG INA NYO..
..
Pero kalaunan .. nawala din yung spark ..
Nakalimutan din ..
Salamat naman..
hayop kasi tong si terrorist eh ..
sana pinatawag na lang nya ko sa faculty at pinasayaw ng otso otso ..
…..
Gusto ko syang sabihan ng "Manahimik ka ! wag mo sabihin mga dapat kong gawin! at wag na wag mong sasabihin kung ano ang tama para sa akin! dahil ayokong sayangin ang oras ko sayo! kaya umalis ka sa daraanan ko!"
kaso syempre yari ako pag sinabi ko yan .edi napatalsik ako sa school?
..
Balik tayo sa nangyayari ngayon ..
Nandito nako sa upuan ko ..
Tahimik ang klase ..
Si Mrs . Terrosrist ba naman ang nasa harap ..
Namamahiya tong kup@L na to eh ..
Kaya ayun parang laging may nadaan na anghel pag time na nya ..
Minsan nga nananalangin kami ..
sana wag sya pumasok..
Sana magkasakit sya ..
Sana mamatayan sya ng kuko sa paa..
Sana atakihin sya ng mga bubuyog..
Kaso hindi eh Wa epek .. matibay ang resistensya nitong si Mrs. Terrorist ..
Walang natupad dun ..
Araw araw kaming lahat ..
Nakikibuno sa kaba ..
At dahil nasa harap sya ngayon ..
Pinagdadasal ko na , na sana hindi nya ko mapansin ….hehe..
…
History ang subject nya ..
May ibabahagi ako …
Mahilig ako sa history ..
Malimit akong mag research nuon ng kung anu anung bagay tungkol sa kasaysayan …
Ang Seven wonders of the world !kung saan pinaniniwalaan kong matatagpuan ang Seven dragon balls!!!! Hahaha , hindi joke lang … =D
Kung sino ba talaga si Mona Lisa at kung bakit inahit nya yung kilay nya ..?
Kung si Niel Armstrong ba na unang nakatapak sa buwan eh utol ni Steve Armstrong ng Voltes five?
Kung si Jose Rizal ba eh gumamit ng contraceptives sa dami ng naging chicks nya
Kung nung Ice Age ba eh nag ay-ice skating na yung mga nabubuhay nuon o kumakain na ng halo-halo?kumankanta din ba sila ng “do you wanna build a snow man???”
Kung yung umimbento ban g telescope eh ang umimbento din ng telephone? Parehas kasing lumalapit .. ayoko na mag explain.. intindihin mo na lang haha..
O
Kung si Michael Jackson ba talaga eh bading?
…
Marami akong natuklasan nung nahilig ako sa history..
….
oo.. uulitin ko ..
Mahilig ako sa history ..
Nuon yun ..
Ngayon?
Wala na kong interes
Bakit?
Eh bakit pa ba kelangan balikan yung mga nakaraan??
Bakit pa ba kelangan pang ungkatin yung mga buhay ng mga taong relax na relax na sa langit ..
Sabi nila para mapag aralan at makunan ng inspirasyon ..
Eh anu naman ang paki-@Lam ko???
Bakit maidadagdag ba yung muka ko sa apat na presidente ng America na nililok yung mga muka sa bato ??
Bakit mabubuhay ko pa ba si Alexander the Great at pakiusapan na bantayan ako araw araw para may umupak sa mga loloko sakin???
HINDI!!!!
Laging sinasabi ng matatanda..
ang nakaraan eh nakaraan na .. di na dapat balikan .. so bakit pa may history ha??
Kung mapapaunlad nyan ang bansa natin na lubog na lubog na sa putik ..
Sige …
Bubuksan ko ulit ang libro ko ..
Pero kung hindi na…
Pwes History dyan ka na lang at may iba akong iniisip ……