A Rebel Heart (#1)

By parachutelemon

17.8K 591 152

What does it take to change a rebel heart? #AHS1 More

GENERAL DISCLAIMER
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
WAKAS

Kabanata 16

282 10 3
By parachutelemon

Kabanata 16

Napakurap-kurap siya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Ka—kap—kapatid ka ni Cirrus?" Nauutal na tanong niya at agad inayos ang sarili at umupo ng maayos.

What's with her?

Tumaas ang isang kilay ko sa kanya dahil sa inasta niya. Ano naman ngayon?

"Uhm yes?" Kunot noo kong sagot.
Nanlaki pa lalo iyong mata niya at impit na napasigaw na parang kinikilig na hindi ko maintindihan.

"Talaga?!" She shouted at napatingin sa aming banda iyong ibang kaklase namin.

"What the fuck?" Mahinang mura ko sa kanya. Now, I should stay away from her.

"Sorry naman! Crush na crush ko talaga kasi iyong Kuya mo!" Walang pag aalinlangan niyang pagtatapat sa akin kaya hindi ako nakapag-react agad.

"Ang galing niya talaga kasing mag debate! Alam mo 'yun? Hindi na siya nag-iisip ng sasabihin niya? It's like alam na alam niya na talaga ang sasabihin niya tapos lahat on point! It's like wow!" Namamangha na sabi niya at pumalakpak pa.

Yeah. I've heard about it. He's a member of the debate club ng school.

"Pero teka lang, kung second year ka na bakit ngayon lang kita nakita dito?" Nagtataka niyang tanong kaya napairap ako.

Hindi niya ba narinig ang sinabi ko kanina? That I am from California? Ang daldal niya kasi kaya siguro hindi niya narinig.

Ayaw ko talaga sa mga maiingay na tao. They're annoying and nosy at nakakairitang pakinggan ang mga ganoon. I don't even know why I hate them. Nakakairita lang talaga sila.

"Ay oo nga pala! Taga California ka nga pala! Doon ka ba lumaki?"

See? Tanong niya, siya rin iyong sumagot. God. Please, patahimikin Ninyo ang isang ito.

"Pero hindi rin nakakapagtaka ha? Magkamukha kasi kayo!" Tumawa pa siya kahit wala namang nakakatawa sa sinabi niya.

Napasulyap kami pareho sa pintuan ng classroom nang may pumasok doon na tatlong lalaki na naka-uniform ng criminology. I recognize the other guy. Kasama siya ni Dio noon sa Balboa Rave.
Speaking of that asshole. Dito rin kaya nag-aaral iyon?

Iginala nila ang paningin sa loob ng classroom. Tumigil ito sa isang lalaki na nakaupo sa pinaka dulo na upuan sa likod di kalayuan sa amin ni Sarah.
Nakayuko iyong lalaki habang may isinusulat sa papel. Nakasuot siya ng salamin at naka chestnut ang gupit sa buhok.

Nang makita ng tatlong lalaki iyong lalaking nakasalamin ay agad nila itong hinablot sa kwelyo nito sa likod. Nagulat iyong lalaking nakasalamin at hindi na nakapalag dahil sa gulat.

"Lagdameo. Diba sinabi ko na sayo na layuan mo ang girlfriend ko? Bakit nagpapatuloy ka pa rin sa pag tutor sa kanya, ha?" Maangas na sabi noong lalaki at kinwelyuhan pa iyong lalaking nakasalamin.

"It's my responsibility Art. Sa akin napunta si Kim at hindi naman ako ang pumili ng tuturuan ko." Mahinahon na sabi ni Lagdameo at mukhang hindi takot sa nanghahamon sa kanya.

"Gago talaga iyang si Art. Randomly assigned naman kasi ang tutorials kaya hindi mo naman alam kung sino ang tuturuan o ang magtuturo sayo." Pabulong na sabi ni Sarah kaya napabaling ako sa kanya.

May tutoring dito? At randomly assigned naman pala. Anong ikinagagalit ng isang ito kung ganoon?

"Kahit na! Sana tumanggi ka! Gago! Akala mo hindi ko alam na gustong gusto mo rin si Kim?!" Sigaw ulit noong lalaki at binitiwan si Lagdameo. Napahiga sa sahig si Lagdameo at sinapa pa ito ng lalaki.

"Mawawala ang scholarship ko pag hindi ko siya tinuruan Art!" Ganting sigaw ni Lagdameo kahit nakahiga na sa sahig.

Sinipa niya pa ulit si Lagdameo at napadaing na siya sa sakit. Sinundan ko silang tatlo ng tingin habang papalabas ng classroom. Tumayo naman agad si Sarah at tinulungan si Lagdameo na tumayo.

Tumayo rin ako at dali-daling lumabas ng classroom. Narinig ko pa na tinawag ako ni Sarah pero mabilis akong naglakad. Naabutan ko na nakatalikod iyong tatlong lalaki kaya tinawag ko iyong si Art.

Gusto ko silang patulan. Gusto ko ng gulo. Nababaliw na yata ako sa pinag-iisip ko.

Napatigil sila sa paglalakad ng dalawa niyang alipores at tumingin sa akin. Kumunot pa ang noo nila habang papalapit ako sa kanila.

Kinuyom ko ang palad ko at nang makalapit ay ginawaran ko ng isang malakas na suntok ang mukha ni Art.

Napakagat ako sa labi ko dahil naramdaman ko ang sakit sa kamao ko.
Talaga nga namang ang kapal ng mukha nito.

"Asshole..." Sambit ko bago sila tinalikuran at nagsimula ng maglakad. Nakailang hakbang pa lang ako nang hinarangan nila ako ng mga kasama niya.

"Excuse me Miss? Bakit mo ako sinuntok?" Natatawang tanong ni Art.
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa bago nagsalita.

"Hindi ka na nga kagwapohan, tanga ka pa!" Panunuya kong sabi sa pagmumukha niya.

Godamn it, I hate to say this but I miss doing this. Ano Heanndra? Na miss mo ang gumawa ng gulo? Halos matawa ako sa pinag-iisip ko.

Nalaglag ang panga nilang tatlo sa sinabi ko. Namumula na si Art at mukhang dragon na siya na ano mang oras ay bubuga na ng apoy.

This is exciting.

Tinulak niya ang balikat ko at napaatras ako ng kaonti.

"Sino ka ba Miss ha?" Mayabang na tanong niya at tinulak pa ulit ang balikat ko kaya napaatras ulit ako. Imbes na matakot ay natawa pa ako.

"Bakit? Ikaw? Sino ka ba ha?" Nanghahamon na tanong ko sa kanya. Napadaan iyong ibang grupo ng mga criminology sa hallway at nakuha agad namin ang atensyon nila.

"Sumosobra ka na ha!" He said at akmang susugudin na ako pero naawat siya ng dalawa niyang kasama.

"Ano? Ano? Papatulan mo ako? Papatol ka? Sige! Hindi ako natatakot sa'yo!" Natatawa kong sabi sa kanya habang siya ay nagpupuyos sa galit at inaawat ng dalawang kasama niya.

Takot din naman ako sa kanya. Syempre, lalaki pa rin siya at mas malakas siya kumpara sa akin. It's just that, inuunahan ko lang talaga iyong takot ko para hindi masyadong mahalata.

"Uy Art! Ano yan, ha? Ano yan?" Nakisali na iyong lalaki na familiar sa akin ang itsura. He's the guy from the Chinese Store, sa Centro. Iyong singkit.

Pumagitna siya sa aming dalawa ni Art.

"Huwag kang makialam dito Pyro!" Sigaw ni Art na halos lalabas na siya sa balat niya sa sobrang galit. Akmang susugod siya ulit sa akin kaya kinuyom ko rin ang palad ko at akmang susugod rin sa kanya nang maramdaman na may braso na pumulupot sa bewang ko.

"Hoy hoy! Tama na yan ha?!" Sigaw ni Pyro sa aming dalawa. Nilingon ko kung sino iyong humawak sa akin at halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang magtama ang paningin namin ni Clicko. His jaw clenched habang nakatitig sa akin.

"Bakit ka nakikialam Miss? Boyfriend mo ba si Noel Lagdameo ha?" Tanong noong kasamahan ni Art kanina. Inayos ko ang sarili ko at humalukipkip.

"Hindi mo ba narinig, Art?" I give an emphasis doon sa pangalan niya.

"Na mawawala ang scholarship niya pag hindi niya tinuruan ang girlfriend mo? Kung gusto mo ikaw ang magturo sa girlfriend mo! Total, matalino ka naman siguro di ba? Art?" Pinalaki ko ang mga mata ko habang nagsasalita.

"That's enough already..." Parang kulog ang boses ni Clicko na nasa likod ko.

Nilingon ko siya at inirapan. Ano bang ginagawa niya dito? Bakit nangingialam sila? Are they some sort of peace keepers?

Tinitigan ko sila isa-isa doon at agad na tinalikuran. Bumalik na ako sa classroom at naabutan si Sarah na binibigyan ng tissue si Noel Lagdameo.

Halos kami na lang ang tao doon sa classroom. I guess tama nga iyong si Kuro kanina, na first day of class ay expected na wala pang teacher na papasok.

Nagpaalam ako kina Noel at Sarah nang dumating na si Lyrra at sinundo ako. Panay pa ang tanong niya sa akin kung ano ang nangyayari kay Noel.

"What happened to him nga kasi?" Pilit ulit na tanong niya habang papunta kami sa cafeteria ng school. Break time pa lang at may dalawang subjects pa ako na kukunin bago mag lunch break.

"I told you already. It's because of the tutoring. Nagalit yata iyong si Art kay Noel dahil tinuturaan niya si Kim, iyong girlfriend ni Art?" Nilingon ko siya sa gilid ko at nakita kong tumango siya.

"I know Kim. I tutored her last time, she's totally fine though. At isa pa Art is such a jerk naman talaga before pa. Laging nasasangkot iyon sa gulo." Kwento ni Lyrra habang naglalakad pa rin. Tanaw na namin ang cafeteria at ang ingay doon ay naririnig na namin mula dito.

"You tutor too?" Tanong ko sa kanya.

"Yes. Lahat ng mga academic scholars sa school iyon ang ginagawa. Although some are volunteers. We tutor every Saturdays. One student per semester. Tutulungan mo lang sila to get through the semester. Help them in their assignments and tuturuan sila sa mga 'di nila ma gets sa lessons nila. We didn't get to pick kung sino ang tuturuan namin, it's random."

"Sinong tinuturuan mo ngayong semester kung ganoon?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya. She stopped from walking at agad na umiba ang reaksiyon sa mukha.

What? Did I said something wrong?

"A guy named Pyro." She simply said at nagpatuloy na sa paglalakad. Ano iyon?

Pyro? The Chinese guy?

"Eh paano iyon Lyrra? Hindi ba iba-iba ang course dito? Paano mo matuturuan ang taga-criminology kung engineering ka naman?" Kunot noong tanong ko.

Paano kaya yun? Hindi ba mahirap?

"Tinitingnan naman ng mga staff ng school kung capable ka mag tutor sa ibang courses. May mga professional tutors din naman kaming kasama pag Saturdays, pag hindi namin sila kayang turuan humihingi kami ng tulong sa mga professional tutors."

Nakarating kami sa cafeteria at naghanap ng mauupuan. Hindi naman masyadong maraming tao kaya nakahanap agad kami ng table.

"Anong gusto mong kainin? Ako na ang bibili?" She asked habang nililibot ang paningin sa paligid. Tumango ako at kinuha ang pera sa wallet.

"Fries? Milkshake?" kunot noo kong sagot. Hindi ko alam ang mga pagkain dito.

"Fries and milkshake." Ulit niya sa sinabi ko at hinablot ang pera sa kamay ko.

"Wait here. Papunta na sina Seaver." Aniya at agad na nagmartsa papunta sa stall ng mga pagkain.

Habang naghihintay kay Lyrra ay inabala ko na lang ang sarili sa panunuod ng mga estudyante sa cafeteria. May isang table na sobrang ingay dahil sa tawanan nila at asaran. I think they are seniors base na rin sa suot nilang uniform. White pants and white chinese collar top tapos iyong mga babae ay naka-bun ang buhok at may mga name pins na nakasabit sa mga damit nila. Nagtatawanan sila.

Nursing? Medical Technology? Psychology?

Natigil ako sa pagmamasid sa kanilang table nang may tumamang isang matigas na bagay sa likod ng ulo ko. Sa sobrang lakas noon ay napayuko pa ako.

What the fuck?

Padabog akong tumayo at mabilis na iginala ang mga mata. Gumulong ang isang soccer ball sa gilid ko. Someone throw a freaking soccer ball at me.
I scanned every single table at tiningnan kung sino ang naghagis ng lintik na soccer ball sa ulo ko.

Napadako ang tingin ko sa isang table sa likod ko. Some of them are criminology students. May mga babae rin na naka-uniform. Marami sila doon. Bigla silang natahimik nang dumapo ang tingin ko sa table nila. Nagpalipat-lipat ang tingin nila sa akin at sa lalaking nakilala ko na si Finn kanina sa hallway.

Tinitigan ko ang bola na nasa sahig. I was about to pick it up pero agad ding may naalala kaya inangat ko ulit ang tingin sa kanilang table.

Humalukipkip ako at sumandal sa table habang tinataasan ng kilay si Finn. Inikot-ikot ko ang ulo ko nang ilang ulit. Damn it! My head is pounding dahil sa tama noong bola.

He looks pale at parang maiihi siya habang papalapit sa akin. Nang makalapit ay tumikhim muna siya bago nagsalita.

"Sorry Miss. Hindi ko sinasadya." Nahihiya na sabi niya. I can see na sincere naman siya sa pagso-sorry niya. Namumutla talaga kasi siya at nanginginig pa.

Sinulyapan ko ulit ang table nila at nakita kong nandoon si Kiana sa table. Katabi niya si Clicko. They were both talking to someone na nasa table din. Ang kamay ni Clicko ay nakapatong sa likod ng upuan ni Kiana. Tinapik ng isang lalaki ang balikat ni Clicko at ninguso kaming dalawa ni Finn. Natigil sa pagsasalita si Clicko at napasulyap sa amin banda. Nang magtama ang paningin namin ay agad din siyang umiwas. Kasabay noon, ay ang pagkalas din niya sa kamay na nakapatong sa likod ng upuan ni Kiana. Kunot noo siyang binalingan ni Kiana at nagkibit balikat na lang.

"Be careful where you throw your freaking ball at." Matigas kong sabi at sinenyasan si Finn na pulotin ang soccer ball. Huminga siya ng malalim at agad na tumango habang pinupulot ang bola.

Pasalamat ka takot akong humawak sa bola na iyon. Kung hindi ay nasupalpal ko na ang pagmumukha mo gamit iyon.

Nang makabalik iyong si Finn sa kanilang table ay nagtawanan iyong mga kaibigan niya at binatukan pa siya noong iba.

May pumasok sa isip ko. Tinatansiya ko kung sinadya ba nila iyong kanina. Inutusan ba nila ni Finn na itapon sa akin iyong bola? Pero bakit naman nila gagawin iyon? Anong kasalanan ko sa kanila? Dahil ba kay Art? Mukhang iba naman ang barkada noong si Art.

Tinalikuran ko sila at umupo na ulit. Paparating na si Lyrra habang dala-dala iyong binili niya.

"What happened?" Takang tanong niya habang napapasulyap sa likod ko.

Nilapag niya ang milkshake sa mesa, popcorn, fries at isang bote ng Mugo Mugo. Ito iniinom niya?

"Finn throw a soccer ball at me. Natamaan ako sa ulo." Sagot ko at agad na uminom sa milkshake.

Natigil siya sa pagnguya ng popcorn pero agad ding nagpatuloy.

"Nagpapapansin lang ang mga iyan. Tingnan mo iyong iba nilang kabarkada, nakatingin pa rin sa'yo." Aniya ng hindi nakatingin sa akin kundi doon sa likod ko. Gusto kong lumingon pero baka kung ano lang ang makita ko doon kaya huwag na lang.

Umingay ang isang parte ng cafeteria dahil sa dumating. Nakita ko sina Kuya Cirrus kasama sina Quinn na kakapasok lang sa cafeteria.

Halos lahat ng madadaanan nila ay binabati sila. Ganoon sila ka sikat dito? Lalo na iyong si Quinnito na panay hinto every table para bumati sa mga nakaupo doon.

"What's up?" Tanong ni James na naunang dumating sa mesa namin. Kasama niya si Nixon at Seaver. Naiwan sa malayo sina Kuya Cirrus at Quinn dahil may kinausap pa.

"Okay lang naman ako. You should ask Heanndra." Nakangisi na tugon ni Lyrra kaya napatingin sa kanya si James.

"Damn it. Hindi pa talaga na kuntento iyong si Chua sa pagpapahiya sa team ko ano? Nakalipat lang sa soccer team akala mo kung sino na." Napalingon kami kay Quinn na padabog na hinagis ang duffel bag sa upuan at umupo.

"Nalipat na?" Kunot noong tanong ni Nixon.

Nilingon ni Quinn si Lyrra saka nagsalita.

"Nalipat na. Aalis na nga lang sa team ko, maninira pa!" Sigaw ulit ni Quinn.

"Well at least wala na siya sa basketball team. Disqualify kayo palagi pag sumali pa siya doon." Dugtong ni Seaver.

Sabay na dumating si Lyrra at Kuya Cirrus sa table. Nanliit ang mata ni Kuya Cirrus sa akin kaya napaayos ako ng upo.

"What did you do with Art Santiago?" He asked at umupo sa tabi ni Quinn.

Napalingon silang lahat sa akin like I did some crime.

"Nothing. I just punched him because he's an asshole?" Tugon ko at agad kong nasulyapan si James na ngumisi sa gilid ko. Sinipat siya ni Lyrra kaya natigil siya sa pag ngisi.

"Who told you that, anyway? Ang bilis naman yata lumipad ng balita dito?" Tanong ko sa kanya.

"Clicko told me." He simply said at napatulala ako.

Ang hilig talaga makialam ng isang iyon! Anong bang problema niya sa akin?

"Speaking of Clicko, malapit ng mag-away kanina si Heanndra at iyong kaibigan ni Clicko na si Finn." Natatawa na sabi ni Lyrra.

What the hell is she talking about?

Napaface palm ako sa sinabi niya.

"Why? What happened?" Kuya Cirrus asked. Wow! Great, Lyrra! Great.

"He threw a ball tapos natamaan si Heanndra." Kwento ni Lyrra sa kapatid ko.

Napatingin si Kuya Cirrus sa akin. Nalipat ang tingin ko kay Quinn nang makita siyang nag smirked.

"Tss. They probably noticed she's new and good looking kaya nagpapapansin. Alam mo naman ang grupo nina Finn?" Quinn said in a cocky way.

Nagkatinginan sila ni Lyrra at natawa lang di Quinn.

Ganoon din ang sinabi ni Lyrra sa akin kanina.

"Well, except Clicko ofcourse, sila naman kasi ni Kiana kaya hindi na yata siya sumasali sa mga ganoon." Makahulugang sabi ni Nixon.

Anong mga ganoon? Anong hindi na siya sumasali? And so, sila nga talaga ni Kiana? Well.

"Oops sorry!" Dugtong niya nang sikuhin ni Seaver at ninguso si James sa gilid.

Napayuko ako at kinalma ang sarili sa mga narinig.

Damn first day of school.

Continue Reading

You'll Also Like

Alina By ihidethisapp

General Fiction

1.5M 37.3K 75
The Lombardi family is the most notorious group in the crime world. They rule both the American and Italian mafias and have many others bowing at the...
Ice Cold By m

General Fiction

2.2M 83.4K 49
[boyxboy] Wren Ridley is always two steps ahead of everyone, or so he thinks. His life seems out of his control when he starts having feelings for so...
3.7K 285 33
Sirius Louise Buenaventura, a cold-hearted woman with a fragile heart. She blamed herself for what happened to her sister. She was blinded by the pas...
2.6K 209 38
Euphemia Gabrielle Sevilla is the epitome of beauty and kindness. She has everything. But she has been longing for something-- Home-- Until she met a...