"Isabelle,"
Nagising siya sa mahinang pagtapik sa ni Alejandro sa balikat niya. Nakatulog pala siya buong byahe. Malala na yata ang pagiging antukin niya.
"We're here."
Inilalayan siya nito pagbaba ng kotse. Hindi siya binibitawan. Ingat na ingat sa bawat hakbang niya.
"Umm.. kaya ko na." sabi niya kay Alejandro.
Ngumiti lang ito sa kanya.
Hindi niya talaga maintindihan ang sarili kung bakit sa simpleng ngiting yun umiinit na naman ang pisngi niya.
"Isabelle!" Sinalubong agad sila ni Cat. "Welcome back!"
Pero kahit na masaya ang bati nito sa kanya. Nakakaramdam parin siya ng kakaiba. Mabilis ang tibok ng puso nito. Kinakakabahan.
Kinakabahan na din tuloy siya.
"What happened?" tanong ni Alejandro.
At ayun na nga. Nakita niya ang pagngiwi ni Cat bago nagsalita. "Muntik ng makatakas si Carina."
Kumunot ang noo ni Alejandro sa ibinalita nito.
Bakit? Ano bang nangyari dito nung wala siya?
"I'll take care of it," sabi ni Alejandro. "Ihahatid ko muna si Isabelle sa kwarto."
"Hindi, sasama ako. Gusto ko siyang makita." Pigil niya.
Napitingin si Alejandro sa kanya. "My, love, you still need to rest."
Umiling siya. "Gusto ko din siyang makausap."
Sa totoo lang, hindi niya maintindihan kung bakit naging ganoon si Carina sa kanya. Alam niyang may matinding dahilan yon.
"I really think kailangan din siya doon." Sabat naman ni Cat.
Huminga nalang ng malalim si Alejandro. Wala rin itong magawa. Inalalayan nalang siya paakyat ng hagdan habang nakasunod si Cat sa kanila.
Hindi parin mawala sa kanya ang kaba. Haharap uli siya sa ibang kaanak nito. Alam niya ang maaring isipin nang mga yon sa kanya.
Sa kanila.
Hindi niya alam kung matanggap ng mga ito ang magiging anak niya.
"Isabelle!" Nagulat nalang siya bigla siyang salubungin ni Mario pagbukas palang pinto. Napatingin ito sa tyan niya at lalong lumawak ang ngiti.
"Congratulations Al! Naunahan mo ako!"
Ngumiti lang si Alejandro at nakipagkamay.
"Let her sit, Mario. She looked tired." Si Ines naman ang nagsalita. Ramdam parin niya ang pagka-ilang nito. Pero at least naman pinapansin na siya.
Inalalayan siyang umupo ni Alejandro sa sofa. Napansin niya na nag-iba ng ayos ang opisina. Wala na yung malaking office table. Nagmukha tuloy trono yung executive chair na nasa likod noon dati.
Wala na ring mga roses sa paligid. Hindi na yata naasikaso ito noong umalis siya.
Bumukas uli ang pinto. Sumulyap lang si Conztanza sa kanya bago tuluyang pumasok. Hindi ito umupo sa dati nito inupuan at tumayo lang sa isang tabi.
Hindi niya alam ang nangyayari pero binabalot na siya ang kaba.
"Relax, my love." Naramdaman niya ang marahang pagpisil ni Alejandro sa kamay niya.
Ngumiti nalang siya ng pilit.
Maya-maya pa pumasok na si Sofia. Kasunod noon si Carina na may silver na cuff sa leeg. Nakasunod dito yung kambal na may puting buhok.
Umiiyak si Carina. Madungis. Nakakaawa tingnan. Saglit itong napatingin kay Alejandro pero nagbaba din ng tingin ng makita siya.
Naalala tuloy niya si Giovanni. Ganto rin ba ang magiging hatol nila kay Carina?
"You're back!" Ngumisi si Sofia sa kanya. Umupo ito doon sa upuan sa gitna. Hindi niya alam kung bakit, pero parang natakot siya sa presensya nito.
"Since we are all here, can we start?" Panimula ni Conztanza.
May tumikhim mula sa likod. Napalingon ang lahat.
Si Bulan iyon. Nakahalukipkip lang sa isang sulok ng opisina. Parang may kung anong malamig na hangin ang dumaan at naramdaman niya ang pagkakaba ng lahat.
"Hindi ako makikialam. Nandito lamang ako para manood."
Umiling si Alejandro. Mabilis ang tibok ng puso nito pero hindi galit. Bumalik lang ang tingin nito sa namumutla nang si Carina.
Bakit ganon? Nanay niya yon diba?
Lumingon uli siya kay Bulan. Ngumiti ito sa kanya. Parang sinasabi na hayaan nalang ang lahat.
"Now speak." Ang maauwtoridad na boses ni Conztanza ang bumasag ng katahimikan.
Humikbi lang Carina. Hindi ito nagsalita.
"Please Adelina," sumabat na si Mario. "Don't make it hard for us."
"H-he told me everything," kay Alejandro ito nakatingin. "S-She decieved you Al, can't you see that? She used you. She didn't really loved you. It's all part of their deal."
Bakit sinasabi ni Carina to? Ano ba talagang ginawa niya?
Napatingin siya kay Cat na nakatayo sa tabi niya. Parang nabasa naman nito sa utak ang gusto niyang itanong. "Isabelle, siya ang nagsabi kay Pierre na naiwan ka mag-isa sa bahay. Kasabwat siya sa lahat ng mga nangyari sayo."
Lalo tuloy napahigpit ang hawak niya sa kamay ni Alejandro.
"Is is true?" Tanong ni Contanza.
Hindi na nagsalita si Carina. Tuloy parin ang pag iyak.
"Castor would you--"
"NO PLEASE," malakas na sigaw nito. Takot na takot.
"Yes. Yes I did it. H-he m-made me do it..." nauutal nitong sagot. Kinagat nito ang labi nang madiin. Halos magdugo iyon. "...I-I just want her to leave."
Si Pierre ang tinutukoy nito. Napatungo nalang siya. Ibang klase. Pati si Carina ginamit nito.
"A-Alejandro. I love you so much. I know that you wouldn't love me like I do. I just can't accept her as your mate. She's a witch. A slut. That is not your child, it's Pierre's--" Bigla nalang itong sumalampak sa sahig at sumigaw sa sakit.
"Mother, stop it!" Sigaw ni Alejandro pero di parin nililingon ang ina. Nakatingin lang ito kay Carina. Kahit konti nakikitaan niya ito ng awa pero mas nangingibabaw parin ang galit.
Lumingon siya kay Bulan. Kita niya ang pagkunot ng noo nito sa nangyayari. Ikinumpas lang nito ang kamay at narinig na niya ang pagsinghap ni Carina.
"Verdict Alejandro? Let's finish this so Isabelle can rest." Si Sofia na ang nagsalita.
Nakita niya ang pagkunot ng noo ni Cat. Andoon na naman ang tingin nito. Yung may alam pero hindi sinasabi.
"N-no, please. Sofia...you promised..." hikbi nito habang tumatayo uli. Kita niya ang hirap na ito. "You'll help me, right? You promised."
Ngumuso lang ang batang babae. "When did I say that?"
Lalo lang umiyak si Carina. Awang-awa na siya. Hindi na niya kaya itong tingan.
"Tama na..." napalunok siya. Nakatingin na ang lahat sa kanya. "Hayaan nyo na siya. Niloko lang siya ng lalaking yon." Tumayo na siya kinauupuan. Gusto niya sanang lapitan ang babae pero naramdaman niya ang marahang kapit ni Alejandro sa kamay niya.
"Alam kong di naman niya sinasadya, biktima din siya--"
"NO! I will not accept mercy from you, whore!" sigaw sa kanya ni Carina. Napaatras siya at napaupo pabalik ng sofa. Kung hindi ito nahawakan agad noong dalawang lalaki ay nasugod na siya. "Just kill me you bitch!"
Bigla nalang itong bumagsak sa sahig. Buhay pa ito, nawalan lang ng malay. Napatingin uli ang lahat sa direksyon ni Bulan.
Sabi niya, di siya makikialam?
"Masyadong siyang maingay. Makakasama sa aking apo."
*****
DAHAN-DAHANG inimulat ni Isabelle ang mga mata. Naninigurado siyang di siya nanaginip.
Nasa Paradiso na nga siya. Totoo na ito, nakabalik na siya
Pero gabi na uli. Masyado yata siyang na stress sa mga nangyari kaya nakatulog siya ng malalim.
Ikukulong nila si Carina. Yun ang pasya. Sa totoo lang nagtataka siya kung bakit kailangan pang parusahan ito. Hindi naman siguro nito alam ang totoong balak ni Pierre, pinasakay lang din ito sa plano ng lalaking yon.
May narinig siyang kumalabog. Napasilip siya sa bintana.
Ibon?
Yung isa sa mga lovebirds, bumalik. Binuksan niya ang bintana ng birdcage at marahang ipinasok ang isa sa mga ibon. Nakakatuwang silang tingnan. Mukhang masiglang masigla na rin yung isang naiwan dahil may kasama na uli.
"Isabelle."
Napalingon siya sa nagsalita.
"Al." Tawag niya. Natatayo ito sa may pintuan at nakasandal sa doorframe.
"Are you alright?"
"Oo naman," Lumapit siya at yumakap sa bewang nito. "Ano na ang nangyari?"
Huminga ito ng malalim. "I still can't believe it, hindi ko akalaing kayang gawin iyon ni Carina."
Ramdam niya ang lungkot nito. May pinagsamahan din sila ni Carina.
Ngayon lang niya naiisip, gaano na ba katagal nitong mahal si Alejandro?
Tanggap ni Carina na hindi na matutumbasan yon. Pero andyan parin ito. Sa kabila nang lahat, nasa tabi parin ito ni Alejandro.
Kahit papaano naiintindihan niya kung saan nito hinugot ang galit sa kanya.
"What's the matter, my love?" Marahan nitong hinaplos ang pisngi niya.
"Nag-aalala lang ako," napayuko siya at napasandal sa dibdib nito. "Natatakot sa pwedeng mangyari."
"It's ok, Isabelle."
"Sorry sa dinala kong gulo.."
"My love," ramdam niya ang paghaplos nito sa buhok. "Ako dapat ang humingi ng tawad. I shouldn't left you there. Dapat pinakinggan muna kita. Kasalanan ko ang lahat. Sa'kin may galit si Pierre, idinamay ka lang niya."
Lalong humigpit ang yakap niya. "Pero paano kung--" saglit siyang tumigil. "Pano kung siya ang--" Hindi niya talaga kayang ituloy.
"Isabelle," marahang kumalas si Alejandro. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi. "Look at me. Listen."
Sumunod siya. Kitang-kita niya ang sinsiredad sa mga mata nitong nakatitig sa kanya.
"That child is mine," sabi nito sa kanya. "Sa'ting dalawa."
"Pero..."
Marahan nitong hinalikan ang labi niya. Hindi na niya naituloy ang sasabihin.
"Kahit anong mangyari, hindi mababago ang nararamdaman ko,"
Humakbang ito sa kanya paatras. May kinuha ito sa bulsa. "I took you away from your family, from your life, from your dreams. Is it too much if I ask you this?"
Kumabog bigla ang puso niya. Hindi niya iniexpect ito. Kinagat nalang niya ang labi para mapigilang mapahagulgol. Pero tumulo na ng kusa ang mga luha ng makita niya itong lumuhod sa harap at inilabas ang isang maliit na kahon. Dahan-dahan itong binuksan.
"Will you stay with me forever?"