How To Love (Trese Series #2)...

By chiXnita

360K 8.7K 2.2K

[ #TRESEseries No. 2 ] "You'd be able to live life to the fullest and appreciate what life could offer, if yo... More

How to Love?
[1] - Currently Dating a Fictional Character
[2] - Kung Magiging Kami, Magiging Kami
[3] - How To Move On
[4] - Studies First, Lovelife Later
[5] - Torpe
[6] - Friendship or Relationship
[8] - It's Complicated
[9] - Taking Risks
[10] -What Ifs

[7] - Opposites Do Attract

15.4K 551 111
By chiXnita

[7] – Opposites Do Attract

"Ang pag-ibig parang sauce. Kapag pinagsama ang tamis at anghang, mas malinamnam. Isa lang 'to sa mga patunay na... opposites do attract." – ZD de Carpio

_..._..._

HINDI KO na mabilang kung ilang jokes na ang sinabi ko. Pero hindi ko man lang narinig na tumawa si Zedd.

Nauubusan na ako.

Magaling lang ba talaga siyang magpigil ng tawa?

O pinagkaitan talaga siya ng sense of humor?

Imposible namang corny ako. Sus!

Tumigil ako sa paglalakad nang huminto siya. "Saan ba tayo pupunta? Panglimang ikot na natin dito, Zion." Hinihimas niya ng hintuturo ang hiwa sa kaliwang kilay habang nakatitig sa 'kin.

I stared at him. Ilang oras na kaming naglalakad at paikot-ikot pero hindi ko man lang mababakasan ng pagkabadtrip ang kanyang aura. Marunong ba siyang mapikon? O sadyang mahaba lang ang pisi niya?

Straightforward siya, eh. Nagsusungit-sungitan. Obvious naman 'yon sa isang buwang nakilala ko siya. Pero hindi pa siya nagalit sa 'kin. O talagang nabadtrip. Hinihintay ko nga... kasi aminado ako na sobrang kulit ko. Pero wala...

Dapat ba akong matuwa sa isiping 'yon?

Na wala talaga akong epekto sa kanya?

Inilibot ko na lang ang tingin. Nakalimang ikot na kami dito? Hindi nga? Parang ngayon ko lang napansin 'yang boutique sa gilid, eh. Kanina ko pa hinahanap ang Timezone. Pero 'di ko talaga mahanap.

Eh, kasi naman... minsan lang ako gumala ng walang kasama. Madalas si Irish o kaya Sexy Chicks. Hindi ako pinapayagang umalis madalas mag-isa ni Kuya Zyle. Minsan kasi... hindi ako nakakauwi. Tinatawagan ko na lang siya para sunduin ako.

"Ligawin ka, ano?" tanong ng irog ko.

"Ligawin?" Natawa ako. "Hindi nga, eh. Ikaw lang kasi gusto kong manligaw sa 'kin." Ipinaloob ko ang labi sa bibig at kumindat.

Hinila niya ako sa gilid ng boutique dahil nakaharang kami sa mga taong naglalakad sa loob ng mall. "Hindi. Naliligaw—"

"Naliligaw? Ako? Sa 'yo? Ikaw dapat manligaw sa 'kin, ano." Natawa ako nang napakamot muli si Zedd sa kilay niya. Nakakatuwa talaga mga reaksiyon niya sa mga sinasabi ko.

Bumuntong-hininga na lang ulit siya. "Nagugutom ka na ba?" Sobrang hina na kung hindi lang nakatuon buong atensiyon ko sa kanya, 'di ko siya maririnig. Nakatitig siya sa suot na relo.

Niyayaya niya ba akong kumain? Kung 'di ako nagkakamali... malapit nang mag-alas dose, eh.

Nang tumingin siya sa 'kin, nakangiti pa rin ako sa kanya. Kulang na lang maghugis puso aking mga mata. Umiling siya't hinawakan ang kamay ko.

"Saan tayo pupunta, Honey?" Kinagat ko ang labi. Tinakpan ng isang kamay ang bibig habang sumusunod sa kanya. Understatement ang katagang... "kinikilig ako" ngayon. Mas sobra pa doon.

Never pumasok sa isip ko dati na magkakaganito ako dahil sa isang pizza boy.

Makadiyos, sexy, hot and all na pizza boy!

"Kung ikaw ang magdedesisyon, wala tayong patutunguhan." Ang possessive naman ng irog ko. Gusto niya siya ang magdedesisyon.

Masyadong pafall.

"Eh, kapag ba ikaw ang nagdesisyon sa 'ting dalawa... ang patutunguhan ba nito, magiging tayo?" As usual, walang sagot. Humigpit lang ang hawak niya sa kamay ko.

Sumakay ulit kami ng jeep. Hindi na siya muling nagsalita kahit kanina pa ako nagtatanong kung saan kami pupunta.

Kung balak niya akong itanan, willing naman akong sumama.

'Di niya ako kailangang dukutin. Dahil kung nagkataon 'di na ako papayag na magbigay mga magulang ko ng ransom.

Bumaba kami sa hindi pamilyar na lugar. Tiyak na kung hindi ako nakaposas sa kanya, 'di talaga ako makakauwi.

Dumiretso kami sa isang karinderya. Susan's Eatery ang nakalagay sa tuktok. Marami ring nagbebenta ng mga streetfood sa tapat ng kalsada. Tanghaling-tapat, eh. Sabagay maraming mga estudyanteng kumakain. Malapit lang siguro sa school.

"Nay Susan, ano hong putahe n'yo ngayon?" Nilingon si Zedd ng babaeng nagsasandok ng sabaw mula sa umuusok na malaking kaldero. Maiksi ang buhok niya. Medyo chubby at maaliwalas ang ngiti nang makita si Zedd.

"Tonton, anak... ba't ngayon ka lang ulit nagawi dini?" Mabilis siyang lumabas at niyakap si Zedd. Muntik na nga ako madapa dahil nahila rin ako. "Aba'y mas lalong pumopogi ang binatang ere." Tumawa si Zedd at nagmano. Naitaas ko rin ang kamay dahil kanang kamay ni Zedd ang nakaposas sa 'kin.

Siya ba ang mama ni Zedd? Tumatawa si irog ngayon. Hindi naman nagpapatawa ang may kaliitan na babae. Parang ang saya-saya niyang nagkita ulit sila. Pero 'di naman sila magkamukha. Magkakilala lang siguro. O baka kamag-anak? Nanay ni Hero? May hawig sa bungi na 'yon, eh.

Napatingin si Nay Susan sa nakaposas naming kamay. Saka lumipad ang tingin niya sa 'kin. "Sino namang magandang dilag na 'to, 'Nak, at itinali mo na sa 'yo?!" Malambing ang ngiti na ibinigay niya sa 'kin.

Natawa ako, nahawa sa magaan niyang aura. Baliktad yata ang sinabi niya. "Magandang tanghali po." Nagmano rin ako. "Ako po si Zion. Kasintahan po ako ni Tonton. Ikinagagalak ko pong makilala ang isang diyosa rin na tulad n'yo."

Napahampas siya sa braso ni Zedd. "Ay kagalang naman ng kasintahan mo, Tonton. Kay ganda na, kay bait pa. Kaaliw na bata. Bolera. Kelan ba kasal n'yo?" Biglang nasamid si Zedd.

Humagikhik naman ako. Gusto ko siya. "Sa susunod na linggo na po, Nay." Nakisakay ako sa biro niya.

"Basta alagaan mo lang ineng 'tong si Tonton, ah? Ikaw pa lang naging kasintahan ng pamangkin kong 'to. Aba'y hindi 'yan nagdadala dito ng babae. Naghihinala na nga akong pink ang dugo, eh." Napabungisngis ako. Idinikit niya ang bibig sa tapat ng tainga ko't bumulong. "Basta kapag nagtatampo, bigyan mo lang ng shawarma." Tapos humagikhik din siya.

"Siya rin po ang una kong nobyo." Sumulyap ako kay Zedd, nangingiti. "At unang halik."

"Walang kami, 'Nay..." awat ni Zedd sa pagpapantasya namin. Hinila niya ako para maupo kami sa mahabang upoan.

Minsan na nga lang siya magsalita. Pambasag-trip pa!

Umorder siya ng mga pagkain. Iba't ibang ulam. Tatlong putahe. 'Di ko alam kung ano'ng mga klase. Kumakain lang naman kasi ako sa bahay at hindi naman ganito mga itsura ng pagkain. Pero mukhang masarap ang mga pagkain na 'to.

Hindi ako pumayag na makuha ni Zedd ang wallet niya sa 'kin. Ako ang nagbayad kahit na ayaw kaming pagbayarin ni Nanay Susan. Nakakahiya. Sa karinderya na 'to siya kumukuha ng ikinabubuhay.

Ang daldal ni Nanay Susan. Tama nga ako na nanay siya ni Hero. Parehas silang makulit at hindi nauubusan ng k'wento. Kung ano-ano na ang natatanong niya. Natapos na nga kaming kumain, pero parang marami pa siyang gustong sabihin.

Mukhang nagsisisi na nga si Zedd na dinala niya ako dito. Panay ang himas niya sa batok at kilay. Paano siya ang madalas na topic. Ang dami ko na naman tuloy nalaman tungkol sa kanya.

'Yong alam ko na sobrang bait ni Zedd, nadungisan. Konti. Nakipagbugbugan na pala sila dati ni Hero nung High School. Niloko raw kasi ng dating nobyo si Vina. Ayun! Ginulpi nila. Eh, may mga kakilala rin 'yong lalaki. Hanggang sa magkatalo-talo na.

'Yon pala ang rason kung ba't nakulangan ng ngipin si Hero. At may hiwa si Zedd sa kilay.

With matching actions pa si nanay sa pagkukwento kaya natatawa ako. Close na close pala talaga silang magpipinsan. Kaya pala gano'n na lang kung magsalita sa 'kin si Vina.

Hanggang sa mabanggit ni Nanay Susan ang tungkol sa mama ni Zedd. Walong taon na pala itong patay. Tapos napagsabihan niya pa ng masasama 'yong papa ni Zedd. Na walang kwentang asawa at ama.

Hiwalay pala ang parents niya. O kung tama ang analyze ko... may ibang pamilya.

Pero 'di nabanggit ang ikinamatay ng mama niya.

Bago pa humaba ang pagkukwento, tumayo si Zedd. "Alis na po kami, 'Nay." Muli siyang nagmano. Ni hindi na nga ako nakapagpaalam dahil mabilis na niya akong hinila patayo. Napakaway na lang ako kay Nanay Susan.

Tahimik lang kaming naglalakad. Hindi na ako nagtanong pa. Obvious naman kasi na ayaw niyang pag-usapan. O ayaw niyang malaman ko.

Ayaw niya talagang mas lumalim ang koneksiyon namin.

I understand. He needs time.

I won't pressure him.

I can wait.

Huminto kami sa tabi ng kalsada. Inilahad niya ang palad. "Akin na wallet ko."

Umiling ako.

"'Wag mo naman masyadong pababain pa ang tingin ko sa sarili, Zion," mababang sabi niya. "Kung gusto mong subukan 'to, hayaan mo naman akong patunayan na kaya kitang buhayin. Hindi 'yong ikaw ang bubuhay sa 'kin. Isa 'to sa napakaraming dahilan... na hindi talaga tayo p'wede. Kung hindi mo ibibigay sa 'kin wallet ko, tanggalin mo ang posas na 'to. Umuwi na tayo. Itigil mo na rin 'to."

Isa na yata 'to sa mahaba niyang sinabi. Tapos madrama pa. Pero imbes na matakot, bigla akong natawa. Kinuha ko ang wallet at ibinigay sa kanya. Madali naman akong kausapin. Basta ba sigurado siya sa sinabi niya.

"Susubukan na natin, Irog?" Binigyan ko na naman siya ng pang-pornstar na ngiti.

Umiling-iling siya't naglakad ulit. "Baliw."

"Sa 'yo..." Masyado talaga akong pinapasaya ni irog ko.

"Saan mo pala gustong magpakasal? Sa himpapawid? Habang nakaparachute? Para matanggal ang takot mo sa heights. Kasama mo 'yong babaeng mahal mo, eh. Tapos sa Japan honeymoon natin? Gusto mong pumunta doon, 'di ba? Ilan ang gusto mong anak? Isang basketball team ba—"

"Paano mo nalaman mga 'yan?" Nag-isang linya ang mga kilay niya.

Sumilay ang makalaglag-brief kong ngisi. "Na gusto mo akong pakasalan? Sus! Nakakabasa kasi ako ng kapalaran." Hinawakan ko palad niya. Tinrace ko gamit ng hintuturo ang mahabang mga guhit dito. "Ang sabi ng guhit na 'to... kaharap mo 'yong babaeng nakatadhana sa 'yo. Kapag niligawan mo siya at naging kayo, magiging masaya ang love life n'yo. Ayun naman sa guhit na 'to, dapat sundin mo ang sinasabi ng unang guhit. Kung hindi, hinding-hindi ka na magmamahal ulit, dahil nag-iisa lang siya. Sa kanya ka lang magiging masaya. Sabi naman sa guhit na 'to... 'wag n'yo na dapat patagalin pa. Dahil ang babaeng kaharap mo, gusto ka rin daw niya."

Umangat ako ng tingin kay Zedd. Salubong pa rin ang mga kilay. Pero nakatikom ang bibig. Tapos gumagalaw din ang Adam's apple.

Sinundot ko nga sa tagiliran. "Alam mo, 'wag mo pinapahirapan sarili mo sa kakapigil ng tawa."

Itinapat niya ang kamao sa bibig. Kunwari nauubo. "Hindi ako natatawa." Dumiretso kami sa mga nagtitinda ng streetfood.

"Ang sabihin mo ikaw ang version ng lalaking pa-hard to get. Hindi naman masamang ipakita na kinikilig ka sa 'kin, Zedd."

"Ano'ng gusto mo?" turo niya sa mga nakahilerang streetfood. Mga fishball, kikiam, barbeque, isaw, turon, siopao, siomai, mangga na may alamang, at marami pang iba. Magaling din umiwas sa usapan, eh.

"Ikaw nga ang gusto ko." Ligawin man ako sa direksiyon, marunong akong bumalik kapag ganitong usapan. Akala niya, ah.

"Ano ngang gusto mo, Zion?" Pero 'wag na nga. Seryoso na siya. "Nakalimang subo ka lang kanina."

Ay iba! Pakunwari pang walang pakialam pero binabantayan ang pagkain ko. Ang sweet-sweet naman ng irog ko.

Halikan ko siya sa lips, eh. French kiss.

Hindi tuloy mapuknat ang ngiti ko.

"Hindi ka ba kumakain ng mga 'yan?" Napahimas ulit siya sa kilay. Nag-aalangan.

"Uy! Kumakain ako niyan." Baka isipin pa niyang sobrang arte ko. Sino ba'ng nagpauso na kapag diyosa ka, 'di ka na kumakain ng mga ganitong klaseng pagkain? "Manong, magkano po 'tong napakasarap n'yong kwek-kwek? For sure, kasing sarap 'yan ng pagmamahal ko."

Nilingon ako ni manong na kasalukuyang naglalagay ng mga kikiam sa kawaling punong-puno ng mantika. "Sampu lang, Ganda." Ngumiti siya.

"Manong, diyosa po." Napalingon din tuloy lahat ng mga estudyanteng nakikitusok sa paninda ni manong.

Naku naman! Baka masilaw lang sila sa taglay kong alindog.

Pansin kong nagtutulakan ang iba para lang makitusok. Malapit na kasing maubos paninda ni manong. "Uy! Uy! 'Wag kayong magsiksikan diyan. Parang relasyon lang 'yan. Dapat isa lang. Kaya nagkakagulo, kasi maraming nakikisawsaw."

"Ay taray, may paghugot si ate..." komento ng isa. Nagtawanan.

"Saka ikaw, 'wag kang nakikisiksik." Turo ko sa lalaking bigla na lang sumiksik sa pagitan nung magkaholding-hands para lang kumuha ng stick. "Tingnan mo, naghiwalay sila... kasi sumingit ka sa pagitan nila."

Napakamot tuloy sa ulo 'yung lalaki. "Eh, ate... malalate na ako sa klase, eh."

"Alam mo naman pa lang malalate ka na, bibili ka pa. Balikan mo na lang mamaya."

"Hindi naman lahat ng bagay p'wedeng balikan. Minsan kasi kahit balikan mo, wala na. Nakuha na ng iba," singit ng isang bakla na may highlights ang buhok. "Parang itong mga paninda ni manong, mamaya... ubos na."

Nagtawanan ang mga estudyante. Mukhang aliw na aliw sila. Kahit si manong na nagtitinda... natatawa.

"Dapat kasi hindi mo na iniwan, kung babalikan mo rin lang..." sabi nung isang babaeng nakapusod.

"Kaya ko nga ipinaglalaban kasi ayokong mapunta sa iba," sabi nung lalaking nakisiksik at tumusok na sa fishball.

Hugotera't hugotero pala mga estudyante dito. Magkokomento pa sana ako pero bumulong si Zedd sa likod. "May kumuha na nung kwek-kwek. Saan-saan ka pa kasi tumitingin, naunahan ka tuloy."

Doon na ako natawa. Normal lang pagkakasabi ni Zedd. Parang wala nga siyang ideya na may hugot 'yong sinabi niya, eh. Kinunotan niya lang ako ng noo dahil tawa ako nang tawa.

Nagpaalam na lang ako kay manong. Gusto ko sana ng kwek-kwek kaso ubos na. Hinila ko na lang si Zedd papunta sa ibang paninda. May mga nagbebenta rin ng mga soft drinks, chichirya, biscuits at candies.

"Gusto mo nito?" Kumuha si Zedd ng isang biscuit. Tinaasan ko siya ng kilay. Rebisco kasi. "Ayaw mo?"

"Rebisco? 'Di ba may feelings 'yan? Bibigyan mo ba ako kasi may feelings ka rin sa 'kin?"

Mabilis niyang ibinalik ang biscuit. "'Wag na pala."

Bumili na lang ako ng isang V-fresh at binigay kay Zedd. "Parang ako 'yan. Malamig sa bibig. Try mo. Nakakakilig."

Nakarating kami sa p'westo ng mga nagtitinda ng mangga na sumasakit na ang tiyan ko sa kakatawa. "Natry mo nang isawsaw ang mangga sa peanut butter?" tanong ko kay Zedd.

Umiling siya. "P'wede ba 'yon? Hindi yata bagay."

"So, para tayong mangga at peanut butter? 'Yon sinasabi mo sa 'ting dalawa, 'di ba? 'Di p'wede. 'Di bagay."

"Pumili ka na lang ng gusto mong kainin, Zion."

Napanguso ako't pinalobo ang mga pisngi. Nauubusan na ako ng mga hirit, pinapanindigan niya talagang 'di siya tatawa.

O kaya 'di kinikilig.

Papogi!

Tatawa lang naman siya tapos... kanyang-kanya na ako.

"Hindi masamang tumawa, Zedd. Masyado kang seryoso."

"Hindi naman lahat ng bagay kailangan mong magbiro. Matuto ka ring magseryoso, Zion." Madrama na namang sambit niya.

"Sus! Ang sabihin mo, gusto mo lang marinig ulit na sabihin kong... seryoso ako sa 'yo."

Nauwi kami sa isawan. Marami akong nakain. Ang sarap kasi ng pagkakaihaw. May kung ano yatang nilagay dito 'yong tindero. Ang sarap pa nung sawsawan. Mabuti wala ng masyadong estudyante. Balik-klase na yata sila.

"Kuya, ang sarap naman nito." Nakaanim na sticks na yata ako ng laman at isaw, eh.

"Nasa sauce 'yan, Miss." Nangiti si kuya. "Sweet and spicy."

"Naniniwala na ako, Irog." Nilingon ko si Zedd na abala sa pagkagat sa shawarma. Nadaanan namin bago huminto dito sa isawan. Mukhang tama si Nanay Susan... paborito niya ang shawarma.

"Na?" Ngumunguya siya.

"Ang pag-ibig parang sauce. Kapag pinagsama ang tamis at anghang, mas malinamnam. Isa lang 'to sa mga patunay na... opposites do attract. Parang tayo. 'Di ba?"

"Oo, opposites. Pero 'di tulad ng sauce na sweet at spicy. Para tayong tubig at mantika. Kapag naihalo ang tubig sa mantika habang nagpiprito... tumatalsik. Kapag ipinagsama sa isang lalagyan, naghihiwalay at nagkakaroon ng pagitan," sabi niya at muling kumagat sa shawarma.

Napanganga ako. Oo, straightforward siya. Pero ngayon marunong na ring mambara? 'Yan ba nagagawa ng shawarma sa kanya?

"Sinasabi mo bang mantika ako?" Pinandilatan ko siya.

"Ikaw nagsabi niyan. Pero baka nga. Kasi bago mo mahawakan, dumulas na." Umusod ako palapit sa kanya. Hinawakan ko kamay niyang may hawak ng shawarma. Tikman ko nga't baka ito talaga dahilan ba't gumaganyan na siya. Pero bago ako makakagat, naitaas na niya. "Akin 'to, Zion. Bumili ka ng sa 'yo." Pinanlakihan niya ako ng mga mata.

Naitakip ko tuloy ang isang kamay sa bunganga ko. Mygash! Bwisit 'yang shawarma na 'yan!

Bakit ang possessive niya pagdating sa shawarma?

"Zedd..." pagmamaktol ko. Kainis! "Patikim."

"Bibili na lang tayo ulit." Grabe! Napakadamot. Ano ba'ng meron sa shawarma na 'yan?

Inilagay ko sa likod ang kamay na nakaposas dahilan para mahila siya palapit. Para na niya akong niyayakap. Natigil siya sa pagkagat. Hinawakan ko na ang damit niya para 'di siya makahakbang patalikod. Itinaas niya ang shawarma kasi alam niyang hindi ko 'yon maaabot. Kinikiliti ko, wala naman siyang kiliti. Asaaar!

"Isang kagat lang..." Busangot ang mukha kong nakatingala sa kanya.

Nakayuko siya habang nakatitig sa 'kin. 'Yong tipong nang-aasar sa ginagawang pagnguya. Parang sarap na sarap. 'Di ko alam kong sadya. Tapos naniningkit ang mga mata. Nagpipigil na siya ng tawa.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagkagat niya sa ibabang labi. Dinilaan pa ang gilid ng bibig patungo sa itaas hanggang sa kalahati ng labi.

Shitness at its finest!

Slowmo. O natuliro lang ako?

"Masaraaap." Tapos ngumisi siya. Ngising pang-asar. With pa-dimple.

Mygash! Epekto nga ng shawarma. Nang-aasar na siya. Nakangisi pa.

Pero nawala ang busangot ng aking mukha. Mabilis ang tahip ng dibdib na nakatitig sa mga labi at ngisi niya. Ilang beses kumurap-kurap. Sinubukan ko ring 'wag mapalunok, pero 'di napigilan.

Inaasar niya ba ako o inaakit?

Baliw ba 'tong si Zedd Paxton Villafranca? Hindi alam ang kaibahan ng pang-aasar sa pang-aakit?

Hindi ba niya alam na sa ginagawa niyang pagngisi-ngisi diyan, humahagupit ang bawat pagtibok ng puso ko?

Hindi ba niya alam na sa ginawa niyang pagkagat sa labi't pagdila dito, gusto kong tumingkayad para ilapat ang mga labi namin para matikman ko rin kung ano'ng lasa nito?

Wala ba talaga siyang ideya kung gaano kalakas ang epekto niya sa 'kin?

Akala niya bang papayag akong ako lang ang nagkakaganito? Masyado siyang unfair!

Itinaas ko ang kanang kamay. Marahan kong pinadaan ang hinlalaki sa ibabang labi niya para punasan ang sauce na galing sa shawarma. At idinikit ang hinlalaki sa pagitan ng mga labi para sipsipin. Nakatitig ako sa kanya habang ginagawa 'yon.

"Masarap nga..." saka ko siya nginisian.

Ha! Akala niya naman.

Hindi niya ako maiisahan.

Nalunok niya ang nginunguya. Tapos nasinok bigla. Sunod-sunod. Tumingin siya sa gilid. Namumula ang ilong. Kumakalat hanggang sa mangamatis na rin ang mga tainga. Siguro 'pag hinawakan ko mukha niya, mapapaso ako.

Pansin kong hindi na naman siya humihinga. At pinapalo ang dibdib. Ganito ginagawa niya palagi para pigilan ang kanyang pagsinok.

Hindi ko tuloy napigilan ang matawa. Bumili na lang ako ng tubig kay manong para painumin sa kanya.

"Oh, tubig. Bakit ka ba laging sinisinok? Ganyan ka ba kapag kinikilig sa 'kin?"

_..._..._

"H-HINDI KA diyosa! Hindi ka bagay kay... K-Kuya Paxton! A-Ako ang papakasalan niya!" Pinaghahampas ako ng batang babae sa puwet.

Napapangiwi ako. Masakit. Hindi ko naman maawat. Ngumangawa. Baka lalong umiyak 'pag hinawakan ko.

Si Zedd naman natatawa. Tuwang-tuwa talaga siyang nasasaktan ako.

Dumiretso kami dito sa home for the cancer patients. May mga bata, teenagers, matatanda, lalaki man o babae.

Ayoko pa kasing umuwi kami. Hapon pa lang naman. Sabi ko, siya magdesisyon kung saan niya gustong pumunta. Gusto ko sana magsine. Pero dito kami napadpad.

Isa raw ito sa mga tinutulungan ng Youth Organization nila sa church. Kaya naman game na game ako. Dito siya masaya, eh.

Tapos nagpakilala ako sa kanila. Na ako ang future wife ni Zedd na isang diyosa.

'Yan! May nagwalang bata.

"Shan, tama na 'yan." Sa wakas inawat din siya ni Zedd. Para akong sumasabak sa hazing, eh. Malakas manghampas ang bata.

"A-Ako ang papakasalan mo, 'di ba po, Kuya?" Humihikbi siya. Tila may gripo sa mata.

Napangiwi ako. Mang-aagaw talaga ang mga Shan!

"Oo," napapangiting turan ni Zedd. Gusto niya pa ngang buhatin ang bata. Kaso nakaposas kami.

Siniko ko nga. "'Wag mong paasahin, kung wala kang balak mahalin!"

Hindi niya ako pinansin. 'Di rin tiningnan.

Nagkaroon ng mga palaro para sa mga bata. Karamihan sa kanila wala ng mga buhok. Payat. Pero halatang naging maliksi nung dumating kami. Tuwang-tuwa sila dahil nandito si Zedd.

Hindi na ulit ako nakisali sa usapan. Baka kasi may sumugod na naman sa 'kin, eh.

Ano? Sila nagmamay-ari kay irog? Aba!

Binabantayan nga nila mga ginagawa ko. Habang ako nakikimatyag lang sa kanila at kay Zedd.

Pero sige. Ipapahiram ko muna kahit... I don't share what's mine.

Actually, natutuwa ako. Ang kukulit. Kahit na may mga sakit at karamihan sa kanila'y nakamask, hindi sila makikitaan na parang sumuko na sa buhay. Nakakainspire.

Parang gusto ko tuloy magkaroon ng kapatid ulit. Kaso ayaw na nina mommy.

Hanggang sa mamilipit ang loob ng tiyan ko. Sa kakatawa. O siguro sa mga kinain namin kanina. Tapos pinakain ulit kami nung mga namamahala dito. May pasoftdrinks pa. Parang puputok na pantog ko.

Pinipigilan ko lang. Pero 'yong pag-ikot ng kung anong elemento sa tiyan ko, ayaw magpaawat.

Jusko! Naiihi na ako.

Paano ako pupunta ng CR kung magkadikit kami ni Zedd? Iihi ako nang katabi siya? Huhubarin ko ang panty gamit isang kamay?

Kung siya na lang kaya maghubad? Eeeeh! 'Waaag.

For sure kikiligin na naman siya. Masisilayan niya ang pinakatatagong kayamanan at hiyas ng diyosa!

Dapat sa honeymoon pa namin niya unang makikita ang alamat.

I-blindfold ko kaya siya? Kaso maririnig niya pa rin tunog ng ihi ko. Lakas pa naman ng sound effect. Parang faucet!

Paano ba? Wala akong extrang susi!

Hinulog ko kanina sa kanal. Panakot kay Zedd. 'Di ko alam na naiwan ko 'yong duplicate sa bahay. Akala ko nasa bag.

Hindi na ako mapakali. Pinagdidikit ang mga binti. Pasimpleng hinihimas ang tiyan. Pinagpapawisan.

Lalabas na!

Lalabas na talagaaa!

Hindi totoong mahirap magpigil ng feelings. Mas mahirap kayang magpigil ng ihiin.

"Ayos ka lang?" Nag-isang linya mga kilay ni Zedd. Nag-ala matang lawin, minamatyagan mga legs kong naka-ekis.

Eh, siya ba? Hindi naiihi? Ilang oras na kaya kaming magkaposas.

Pero naalala ko. 'Di niya ininom ang tubig na inabot ko. Hindi rin siya masyadong uminom kay na Nay Susan.

So, alam niyang mangyayari 'to?

Napa-hihi ako. Pilit. "I-I'm fine--"

*pruuuuuut! Pru-pruuuuut*

Pinutol ako ng tunog na 'yon. Tunog na pinipilit itago pero kumawala. Parang naipit na daga. Dumiretso nung umpisa. Nagpause. Saka bumuga.

Nanlaki mga mata ni Zedd sa 'kin. Tumingin ako sa batang lumingon din. Tinuro ako ni Zedd. Tinuro ko ang bata.

"Ang bahooo!" reklamo nung batang lalaking walang mask.

Nagdududa tingin ni Zedd sa 'kin. Tapos pasimpleng tumakip sa ilong. 'Di na nga ako huminga kasi naamoy ko na rin ang masamang hangin.

"Baby, ano ba'ng kinain mo kanina?" tanong ko sa bata.

"Ikaw kaya umutot!" sabi niya sabay takip sa ilong niya.

Bigla ko ulit napilipit ang mga paa. Jusko! Mapapakanta yata ako ng... "'Wag kang bibitiw bigla. 'Wag kang bibitiw bigla. Higpitan lang ang 'yong kapit." O 'di kaya naman... "Hold on. Baby, hold on..."

Kaso...

*Pruuut.*

Masama talaga timpla ng tiyan ko. Napakagat ako sa labi.

May humawak na bata sa 'king puwet. Idinikit ang mukha sa puwet ko. Shitness! "Ang baho! Siya nga po ang umutot, Kuya Paxton."

Napatakip ako sa mukha. Kung pwede lang kainin ng lupa. Lalo na't tumawa si Zedd nang malakas.

Kung sobrang sakit ng tiyan ko ngayon, siya naman kakabagin kakatawa.

Nakakahiya.

Lalo na't napapalingon na sa 'min ang mga matatanda. Baka isipin nila nagpasabog ako ng kadiliman imbes na kadiyosahan.

Pasimple kong inilapit mukha kay Zedd. Kahit na gusto kong pitikin namumula niyang tainga.

Kasi naman. Hindi lang ihiin ang pinipigilan ko. "Irog, n-natatae ako."

Parang de remote ang tawa niya. Nahinto bigla. Sabay kaming napatitig sa posas.

Lord, why did you do this to me? Whyyyy?!

_..._..._

MOVE ON!

Ayoko nang isipin ang nangyari kahapon.

Pero kasi.

Mahirap talagang mag-move on. Lalo na kung sariwa pa ang mga alaala.

Kahit ano'ng gawin ko, sumisiksik mga kagagahan ko kahapon, eh.

Pero gusto ko na talagang kalimutan.

Lalo na't haharapin ko ulit ngayong araw si Zedd. Kailangan kong kumilos na parang walang nangyari.

May usapan kasi kami. 'Di ba? Napatawa ko siya? Kahit sa pinaka-unexpected at unusual na eksena. At least, tumawa siya.

Kami na!

Kaso 'di pumayag si irog. 'Di raw counted 'yon.

Kaya niyaya niya akong lumabas kami ngayon. Half-day lang siya sa shop, eh. Tapusin na raw namin 'yong two days and a half plus seven hundred twenty minutes.

Pero palusot.com niya lang 'yon. Gusto niya lang talaga akong makasama. Mga galawan talaga ni Zedd, eh. Parang tae. Kumakawala na... pinipigilan pa.

Mygash! Tama na nga usapang "t" na 'yan.

Lumabas na ako ng condo ko. Dito na ulit ako umuuwi para 'di matrack ni Kuya Zyle mga kabaliwan ko.

Nagtext ako kay irog na papunta na. Excited na pa naman siyang masilayang muli ang diyosa.

Abot-tainga ang ngiti, humugis puso ang mga mata't patalon-talon na naglakad ako papuntang sasakyan.

"Den..."

Pero naistatwa pagkarinig nang masigla at baritong boses na 'yon. Boses na sa tuwing nagsasalita, wala na akong naririnig na iba. Boses na nakakapagpadaga ng dibdib at nakakapanghina. Boses na kabisado ko na kahit sa panaginip ko pa.

Boses ng taong importante sa buhay ko.

Kahit 'di ako lumingon, kilala ko.

Pero lumingon ako.

At nakita ko siya.

Cyclone R El Grandia.

Nakasuot ng jersey. Itaas at baba. Pinaghalong pula at puting kombinasyon. Maski rubber shoes.

Nakasandal sa puting kotse. Nakasalikop ang mga braso. Naniningkit ang mga mata. Nakangiti sa 'kin nang sobrang lapad.

Muntik na ako mapatakip sa mga mata. Nakakasilaw.

Hindi ko tuloy masabi kung basketball jersey minomodelo niya o 'yong kotse.

Itinuro niya ang kalsada. Pinapalapit ako sa kanya.

Ang ngiti ko, automatic. Parang puso ko. Kusang bumilis ang tibok.

'Di ko na naman napigilan ang sarili. May sariling isip na tumakbo palapit sa kanya. Saka tumalon. Para maisabit ang dalawang braso sa batok niya. Higante kasi.

Sinalo niya naman ako saka tumawa. "Bakit hindi ka na naman nagpaparamdam? Gusto mo yatang palagi akong sumusugod dito, eh."

Yeah. Gusto ko 'yon. Muntik ko na masabi.

"Nagpapamiss lang. Oh, tamo. Effective. Namiss mo nga ang diyosa." Gumanti ako ng tawa. May pasimpleng pagsinghot. Shitness! Mabango talaga.

Ibinaba niya ako habang nakangiti pa rin. Umiiling. "Tara?"

Tumaas kilay ko. "Ha? Saan?"

"May praktis kami. Sama ka. Tagal mo nang 'di bumibisita sa gym. Namimiss ka na nung mga ungas," tukoy niya sa mga kateammates. "Pagpraktisan mo na rin sila. Courtside reporter ka na next week, 'di ba?"

"Paano mo nalaman?!" Wala pa akong sinasabi sa kanya. Balak ko kasing surpresahin siya.

"Kay bunso." Si Irish. Nakahinga ako. Akala ko kay Shantal.

Mabilis niyang binuksan ang pinto sa front seat. Inalalayan akong makapasok. Teka. Teka.

Tekaaa.

"Ngayon na?!" Alarmang tanong ko nang makaupo siya sa harap ng manibela.

Natigil siya sa pagkabit ng seatbelt ko. "Bakit?"

"May lakad kami ngayon ni..." Natigilan ako. Naisuklay mga daliri sa buhok.

Kinunotan niya ako ng noo. "Nino?"

"N-Ng kaibigan ko."

"Ni bunso?" Umiling ako. "Sino?" 'Di ako nakasagot. "Importante lakad n'yo? Kung 'di naman, sama na lang natin. Saan ba address? Daanan natin."

Hindi ako makasagot. Mas 'di alam ang isasagot. Napahawak lang sa dibdib. Paano ba pakalmahin 'tong nagwawalang puso?

Hindi ko kayang tanggihan si Cyclone.

Pero gusto kong makasama si Zedd.

At ayokong magkita sila. 'Di pa ako handa. 'Di ko alam kung ano'ng gagawin ko o ang i-rereact 'pag nagkataon.

Lord, why did you do this to me? Again... Whyyyy?!

--

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

183K 5.9K 49
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...
2.6M 101K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
45.1K 1.7K 53
A love letter, a confession, and a blossoming heart. I got nothing to lose, only my heart to break.