My Personal "BODY" Guard by s...

Af spunchbob

1.7M 10.5K 2.2K

una sa lahat, binalaan kita, boring ang umpisa nito at puro kakornihan ang laman ng kalagitnaan nito wahaha... Mere

ATTENTION: (must read!!)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 3.5
Chapter 4
Chapter 4B
Chapter 5A
Chapter 5B
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 7B
Chapter 7B (restricted)
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10 (rape scene)
Chapter 10
Chapter 11
restricted
Chapter 12
Chapter 13A
must read! :))
Chapter 13 B
Chapter 13 C
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17A
Chapter 17B
Chapter 17C
....
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20A
Chapter 20B
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26A
Chapter 26B
Chapter 27A
Chapter 27B
Chapter 28
Chapter 28B
Chapter 29
Chapter 29B
Chapter 29C
Chapter 30
Chapter 30B
cool off </3
Chapter 31
Chapter 31B - [Si JunJun]
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37 - Gabriel's POV
Chapter 37 B
Chapter 38

Chapter 35

4.5K 62 15
Af spunchbob

"Jo--shua?" nabubulol kong sabi at tila nawala ako sa sarili ko..
"Hoy! napapraning ka na naman! Anong Joshua?" natahimik ako. Bakit ba apura ang pagpaparamdam sa akin ni Josh ngayong araw?

"Teh, narinig mo ba ung boses. kaboses ni Joshua yung kausap ni Amy sa kabilang linya. Bakit? papano?" hindi ko makapaniwalang sagot sa kanya. Yung pakiramdam ko, parang hindi pa rin bumabalik yung kaluluwa ko sa katawan ko at medyo nagtatayuan pa rin yung mga balahibo ko dahil nangilabot ako sa boses na narinig ko. Mahina man pero hindi ko ikakaila na magkamukha talaga sila ng boses.

"Nag-assume ka na naman, boses lang yun at saka ano ba! napakalabo namang maging si Joshua yung fiancee ni Amy noh! Kung makareact ka naman parang confirm na confirm mong si Joshua yun eh ang hina hina nga nung pag-uusap nila sa phone eh and besides, Joshua is dead! Wag kang praning, gurl!" against na naman siya sa akin. Hay nako!

"Hindi kaya..." humawak ako sa noo ko at nag-isip kung bakit ang weird ng mga nangyayari ngayong araw. Ang weird kasi talaga eh, may gusto bang iparating si Joshua sa'kin?
"Hindi kaya ano?" natatawa na mukhang naiiritang sagot ni Monic habang patuloy siyang nagmamaneho. Grabe talaga 'tong babaeng 'to eh. Weird kausap. mukhang may tinatagong lihim na hindi ko mawari kung kumilos..
"Hindi kaya.. nagpaparamdam talaga si Josh sa akin?" seryoso kong sinagot sa kanya. Pero isang tawang Kris Aquino ang narinig ko mula sa kanya.
"pppp-HA-HA-HA-HA-HA" nagpigil pa kuno ng tawa, hindi rin naman kinaya. Nakakainis 'tong babaeng 'to!

"Hala sige pagtawanan mo 'ko! Seryoso naman ako eh, alam mo ba na sa sobrang tagal na nawala si Joshua, ngayon pa lang siya nagpaparamdam sa akin"
"So anong gusto mong palabasin?" sarap pektusan nung babaeng 'to, palaging kontra sa mga sinasabi ko.
"Hindi kaya, naramdaman ni Joshua na unti-unti ko na siyang nakakalimutan pati yung nararamdaman ko para sa kanya kaya ganitong apura pagpaparamdam niya sa akin?" Who knows di ba? What if kaya siya nagpaparamdam para hindi ako maguluhan sa nararamdaman ko? Para hindi ako magpadalos-dalos sa mga desisyon ko para hindi ako masaktan? at para hindi ko makalimutan na mahal ko siya?

"Hindi kaya gutom ka lang? HAHAHA! Halika na nga gurl, baba na tayo, di mo pa ata namalayan na nandito na tayo sa bahay.." natatawa tawa niyang isinagot sa akin. Tinanggal na niya ang seatbelt niya at saka niya kinuha yung mga gamit niya sa kotse niya. Hindi ko nga namalayan na naipark na pala niya yung kotse niya sa garahe nila sa sobrang weird ng mga iniisip ko.

napatingin ako sa kalangitan pagkababa ko sa kotse ni Monic.
"Mukhang uulan ah?" pagkalingon ko sa likod ko, wala na pala si Monic, nauna na siyang pumasok. Bastos 'tong babaeng to. kausap ko eh, iniwanan ako. Di man lang ako inintay nung bruhang yun.

*****

"Den, baka gusto mo namang sagutin yung phone mo noh? Kanina pa istorbo eh!" kibo sa akin ni Monic habang kaskype niya si Eric sa laptop niya. Habang ako naman, sarap na sarap na nakahiga sa kama niya.

Pagkarating kasi namin, diretso agad kami sa dining table para kumain ng dinner itinawag na kasi niya agad sa kasambahay nila na pauwi na siya kasama ako para kumain ng dinner kaya pagdating namin may mga nakahanda ng pagkain.

Sabi ni Monic, kailangan ko raw kumain dahil kung anu-ano na daw yung sinasabi at naiisip ko. tss!

Pagtapos naming kumain, diretso kaming dalawa sa kwarto niya. Wala yung mama at papa niya kaya kami lang saka yung kasambahay nila yung tao sa bahay.. After namin magbihis, binuksan naman niya yung laptop niya at ayun nga, kanina pa niya ka-skype si Eric habang bumubuhos ang malakas na ulan sa labas ng bahay at ako nama'y petix lang na nakahiga sa kama, ni hindi ko alam kung nag-iisip ako o naguguluhan sa mga nangyari ngayong araw..

"Hayaan mo siyang magring hanggang sa mapagod yung cellphone niya, masarap matulog pagka ganitong sobrang lakas ng ulan kesa sagutin ko yang tawag na yan." isinagot ko sa kanya na may halong pagmamaldita.

"Yung cellphone talaga yung mapapagod hindi yung tao? Sino ba kasi yan?"
"Oo yung cellphone talaga dahil lakumpake sa nararamdaman nung taong yun! Saka hello, sino pa ba? Why ask if you know naman kung sino yung taong mangungulit sa ganitong oras? Common sense naman please.." taas kilay kong isinagot sa kanya sabay talukbong ng blanket.

Natatawa kasi ako kaya nagtalukbong ako para hindi niya mahalata. Kasi kanina di ba may nalalaman pa siyang "Why do I need to ask? Logic lang naman yan di ba?" tapos ngayon, nasan ang logic na sinasabi niya? bakit hindi niya alam kung sino yung tatawag ng paulit-ulit sa akin? Weird! Naka-skype lang si Eric naging slow na naman siya.

"Istorbo kaya sa'min yang phone mo 'noh, mahiya ka naman sa nag-iibigan plith?"
"Huwaaaaaaaaat?" napabangon ako tapos binato ko siya ng throw pillow dahil sa nakatutuwa niyang isinagot sa akin. Err. ang sarap magmaldita! kailangan iniinggit ako? ganun? Care ko naman sa kanila na nag-iibigan?

"Ano bang problema mo bat ka nambabalibag? naiinggit ka ba sa'min ni Eric? sabihin mo lang. kasi..." sagot niya sa akin habang nakapamewang at medyo tumatawa na nang-iinggit tapos ibinato niya sa akin yung pillow.
"Kasi ano? please lang.. hindi bagay sa'yo yung plith. May binabagayan din kasi yun e, kaya wag mo ng uulitin huh? Last mo na yan, ok? Promise me?" nagmamaldita kong isinagot sa kanya

"Kfine, yorayt! Whatever! Pakisilent naman kasi yang cellphone mo.. istorbo eh, ang lakas na nga ng ulan sa labas 'e sumasabay pa yung ingay ng phone mo hindi ko tuloy marinig si Eric" reklamo niya, ganito ba talaga kapag inlove? Aawayin mo yung friend mo sa sobrang babaw na reason? Dahil lang sa walang tigil na pagriring ng cellphone? Weird!

"Uso kasi magheadset teh o kaya Get a room na exclusive para sa inyong dalawa! HAHAHAH"

"AYOKONG MAGHEADSET! GUSTO KONG MARINIG MO KAMI PARA MAINGGIT KA SA'MIN NA MASAYANG NAGMAMAHALAN DI BA ERIC?! HA-HA-HA!" isinigaw niya na may halong mga ngisi na talagang maaasar ka. Loko 'to ah! Natanaw ko naman si Eric sa screen ng laptop at tila natatawa siya sa kagagahan nitong si Monic.
"Care ko naman?" malalim akong umirap sa kanya tapos nagtalukbong ako ng blanket. ilang sandali pa, nag-ring na naman yung cellphone ko. nakakainis na ha! Hindi pa ba siya pagod? err. Ilang beses na, at ilang oras na, hindi pa ba nalolowbat cellphone niya? kainis!

hindi ako nakatiis. sinagot ko yung phone dahil iritang irita na ako.

"Ano bang problema mo ha?! Hindi ba obvious na ayaw kitang kausap kaya hindi ko sinasagot yung mga tawag mo? Wag kang tanga! Wag kang manhid!" inis na inis kong bulyaw sa kanya sa cellphone ko. Bakit ba hindi siya makaramdam! Bwiset!

"eh bakit mo sinagot ngayon?" ang ingay sa kabilang linya, naririnig ko yung sobrang lakas ng ulan
"Pwede ba! wala akong panahon makipaglokohan sa'yo!" Ibababa ko na pero..

"Uy, uy, wag mong ibababa.. please.." nagsalita na naman siya. Yung tono ng boses niya, parang nanlalamig siya.

"Uy, mag-usap tayo.." Kainis to! Kailan pa naging Uy ang pangalan ko? Pwede ba! Paalala sa mga lalaki, kung manunuyo kayo, alamin niyo kung ano yung mga mababangong salita para mapasunod kaming mga babae sa gusto niyo hindi yung tatawagin niyo kami sa kung anu-ano na lang! Uy? ano yun, shortcut ng UnggoY? Pwe! Maantot!

"lumabas ka.. mag-usap tayo.. kausapin mo ako please?" nanginginig yung boses niya pero authoritative pa rin, teka nga!

"Don't tell me, nagbabasa ka ngayon sa ulan????" naglakad ako papunta sa bintana ng kwarto ni Monic na nakaharap sa may main gate nila. Dumungaw ako sa bintana at sa malayong distansya nakita ko si Gabriel sa tapat ng gate, nagpapakabasa sa ulan. Nakahawak sa phone niya, kausap ako walang dalang payong habang nakayakap sa katawan niya yung kaliwa niyang kamay..

Natahimik ako sa nakita ko.

"Lumabas ka na please? kausapin mo 'ko please?!" sabi niya sa kabilang linya

"kausap naman kita ah. Ano pa bang usap ang gusto mo?" Ang maldita ko, nagagawa ko pang magbiro kahit seryoso na yung tao. Wala eh, nasaktan lang naman ako, excused naman siguro yun para umasta ako ng ganito noh?

"Please, I'm not kidding.. I’m serious. I want to talk to you personally. *cough*" naubo na siya. Ang tanga naman kasi nito eh! Sino ba nagsabing magpakabasa siya sa ulan ha? tapos ngayon nauubo na siya at nanlalamig. Nagpapaawa ba siya? Err! Binaba ko yung tawag niya. Seryoso daw siya pero nagawa pa niyang manopla kanina?

(A/N: mabuti pa yung tawag, binababa. pero si Gabriel na nagpapakabasa na sa ulan, hindi binababa. #BumPanis)

"Huy, bakit ka nakadungaw----- OMG!! si Gabriel ba yun?" lumapit sa akin si Monic at nakitingin sa bintana na dinudungawan ko, sinundan niya ng tingin yung tingin ko at nagulat siya sa nakita niya sa may harap ng gate nila. Nakita niya si Gabriel dun, nakatayo at nagbabasa sa ulan.

"Oo." Maikli kong sagot sa kanya.
"Ano tatanga ka na lang diyan at titiisin mo yung tao? Gumaya ka sa movies, lalabasin nung girl si boy tapos may dala siyang payong. papayungan niya si boy, and then kiss! How sweet di ba?!"
"Aray!" binatukan ko siya. umandar na naman ang pagkaweirdo niya!

"Pwede ba! Kung anu-anong iniisip mo eh."
"Eh ano ba kasing plano mo? Ikaw na nga 'tong binibigyan ng advice ayaw mo pa?"

"Pabayaan mo siya! Akala ba niya porket nagpapakabasa siya diyan sa ulan bababain ko siya, bibigyan ng payong, papatawarin ko siya tapos okay na kami? Pwede ba! kung sa movies nangyayari yung mga bagay na yun, pwes ibahin mo lalo kapag ako yung bida!"

"Girl, paalala lang ha, sa point of view ni Gabriel, kiss sa cheeks lang ang pinag-awayan niyo samantalang sa point of view mo, duda na may kasamang hinala at pagka-assumera yung issue mo sa kanya, kaya please lang. wag kang mag-inarte hanggang hindi mo pa naririnig yung explanation niya diyan sa ipinuputok ng butchi mo!"

"-----" Lintek yan. Yung rough kiss hindi ko pala naikwento kay Monic! Dun ako nainis at naiyak eh! Hinalikan niya ako na parang walang kagalang-galang sa pagkababae ko!

"Oh ano na? tatahimik ka na lang jan? Mas lumalakas pa yung buhos ng ulan oh! Delikado yan lalo kapag napuruhan si Gabriel" Hindi ko matiis. Nanlalambot akong makita siyang nagpapakabasa sa ulan para makausap lang ako. Konsensya ko pa nga pala kapag may nangyaring masama sa lalaking ‘to!

"Pengeng payong bilis!!!" nakita kong lumawak ang ngiti ni Monic at agad siyang kumuha ng payong.

"oh, bilis babain mo na!" pagkaabot niya sa akin nung payong, napatakbo na ako pababa. pero nung malapit na ako sa main door, kinakabahan na ako. Dahan-dahan kong binuksan yung door, natanaw ko si Gabriel nakatalikod, nakaupo, nakayuko malapit sa gate.

Nakahawak yung magkabilang kamay niya sa ulo niya habang patuloy na lumalakas ang buhos ng ulan. Basang basa na siya, hapit na hapit na sa katawan niya yung damit na suot suot niya.

"*cough*" narinig kong nauubo-ubo na naman si Gabriel. Napatakbo na ako palapit sa kanya.. Huminto ako sa gilid niya, sapat na para parehas kaming masilungan nung payong na dala-dala ko.
"Sino ba kasi nagsabing magpakabasa ka sa buhos ng ulan?" lumingon siya sa akin at tiningala niya ako. Nagulat ako when he suddenly kneeled in front of me.
"Den, I'm sorry. Hindi ko kaya na ganito tayo.." yung tono ng pagkakasabi niya, parang umiiyak siya. Kinikilabutan ako. Hindi ako sanay na makita siyang ganito.

"Hey! lasing ka ba? tumayo ka nga d'yan huy!" tinapik tapik ko siya pero hindi siya tumayo, nanatili pa rin siyang nakaluhod.

"Patawarin mo muna ako.. Hindi ko kayang wala ka. Hindi ko kaya na magkaaway tayo.. *cough*" lasing nga siya! humahagulgol na siya ng iyak patawarin ko lang siya. Bakit siya nagkakaganito? Kaya ba ganun yung boses niya kanina sa cellphone kasi lasing siya, nanlalamig siya at umiiyak siya? Kainis! Nanlalambot ako sa nakikita ko eh.

This is my first time to witness a boy crying in front of a girl under the rain; swerte ba ako dahil ako yung girl na yun o hindi? the fact that he kneeled in front of me and he's crying as if I'm too important to him? Gosh! Am I dreaming? Never kong inexpect na gagawin ng isang lalaki yung ganito, at sa katauhan pa talaga ni Gabriel? Si Gabriel na nakikipaglaro lang naman sa nararamdaman ko?

"Tumayo ka na jan, halika sa loob, basang-basa ka na oh! Sino ba kasi nagsabing magpabasa ka sa ulan ng ganyan? Tayo na bilis!"

hinaltak ko yung braso niya para tumayo pero nagmatigas pa rin siya. Hinawakan niya ako sa braso ko hanggang sa nagulat ako noong bigla na lang napabitaw yung kamay niya na nakahawak sa braso ko at siya'y nawalan ng malay.

"Gabriel!!"


*****

Isang oras na mula nung nawalan ng malay si Gabriel. Nandito siya ngayon sa extra room sa bahay nila Monic, nakahiga, payapang natutulog at inaapoy ng lagnat. Hindi ko siya maiwan-iwan para matulog. Kada 10minutes inaayos at binabasa ko yung bimpo na nakalagay sa may noo niya para bumaba yung lagnat niya. Ang taas kasi e!

Salamat na lang talaga sa drayber ng kapitbahay nina Monic kasi tinulungan niya kaming buhatin ang walang malay na si Gabriel hanggang dito sa kwarto. Inaapoy na siya ng lagnat nung time na yun kaya naman yung kasambahay nina Monic ay naghanda na ng bimpo at maligamgam na tubig sa palanggana. Sabi ko sa kanila, ako na yung bahala at matulog na sila dahil gabi na rin kasi at kaya ko naman na magpakanurse sa tabi niya.

Yung mga damit ni Gabriel basang-basa kaya syempre, ako yung nagpalit sa kanya! Kung saakin nagagawa niya yun, syempre kaya ko ring gawin sa kanya.

Sabi ni Monic tutulungan daw niya ako pero sorry, ako lang ang may karapatang makakita kay Junjun.

Hindi ko ikakaila, I almost died kanina. It's hard to resist temptation. Kung wala lang sigurong sakit at kung hindi natutulog yung lalaking 'to baka hindi ko na naman napigilan ang sarili ko. Hindi ko ikakaila, I kissed him habang hirap na hirap akong bihisan siya.

Tumagal ng 10 minutes ang pagpapalit ko sa kanya ng damit. Sobrang nahirapan ako dahil tulog siya at ang bigat ng mga biyas niya.

"Mahal kita.. Mahal na ata talaga kita.." narinig ko kay Gabriel habang tulog siya at tila may kasama pang luha mula sa kanang mata nung sinabi niya yun.

Hindi ako sanay na makita siyang ganito, sino ba naman kasing tanga ang magpapakabasa sa ulan para sa'kin? I mean, hindi naman kami, never naman nagkaron ng kami, magkasama lang kami pero para magpakabasa siya sa ulan, maglasing at umiyak para patawarin ko siya? Grabe lang talaga!

"Mahal? sino ba kasi'ng mahal mo? ako ba??" bigla na lang lumabas sa bibig ko habang nagsimula na namang magulo ang isip ko. Ipinahid ko na lang yung mamasa-masang bimpo sa mukha niya at braso niya habang hawak hawak ng kaliwa kong kamay yung kanan niyang kamay.

"Alam mo, hindi ako nahirapang magdevelop ng nararamdaman para sa'yo dahil sa mga pinapakita mo. Pero totoo ba talagang, sa kabila ng lahat ng yun, pinaglalaruan mo lang ako?" I leaned my head on his right shoulder. Nakahawak pa rin ako sa kamay niya.

Sinamantala ko ang mahimbing na pagkakatulog niya para itanong yung tanong na gusto kong itanong sa kanya kanina pa. Ang duwag ko lang!

Parang gusto ko biglang marinig yung reason and explanation niya, pero nahihiya ako. Nahihiya kasi hinusgahan ko kagad yung nararamdaman niya nandahil lang sa narinig ko.

END OF THE NIGHT

(c) neodge

konting chapters na lang, sana matapos ko na 'to! XD

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

855K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...