Untamed Confessions [R-18]

By DyslexicParanoia

2.8M 37.8K 3.6K

Compilation [On going] Language: Filipino DyslexicParanoia's collection of erotic short stories based on re... More

UNTAMED CONFESSIONS
WARNING! PLEASE READ!
001 - Balot ng Pagmamahal
002 - Kontrata
003 - Twenty One Heart Failures
004 - Patay Sindi
005 - Kapit sa Patalim
006 - Her Name was Leila
007 - Ang Lihim Ni Miss Tapia
007 - Desiree's Desire
008 - Dark Secret
009 - Unexpected Love Affair
010 - Unholy Confession
011 - Miss Promiscuity
012 - Woman Hater
013 - Elle Ma-L
014 - Serial Effer
015 - Lucas' Bet
016 - Premyo
017 - Nasty Secret
018 - Professional Mistress
020 - Atsay Killer
021- Lucky Ugly Boy
022 - Sex Trip
023 - Master-Bette
024 - Mahaderong Bastos
025 - My KPOP Papa
026 - Unforgettable Sleepover
027 - Loser's Luck
028 - The Hater's Match
029 - Tawag ng Laman
030 - Dark Lover
031 - Pack-Boy
032 - Ang Pansitan ni Mona
033 - When Nasty Bullies Must Die
034 - Bahay Kubo
035 - Accidental Obsession
036 - Imoral
037 - Kidnap for F-some
038 - Do-Me-Now Effect
039 - Ash-wang
040 - Sleeping Effer
041 - Old Macho Man
042 - Alas ni Mr. Balasubas
043 - Maginoong Bastos
044 - A match made in Taiwan
045 - A Naughty Confession
046 - Ang Takot ni Mr. Kalikot
047 - Suicidal
048 - Malupit na Mundo
049 - My Instant Forever
050 - Shattered Soul
051 - Kasal-anan
052 - Pontio Piloto
053 - Preso
054 - Kerengkeng
055 - My Step Lover
056 - Stranded
057 - My Best Friend's GF

019 - Duling na Pabling

39.2K 568 50
By DyslexicParanoia

Confession by Jose Mari

Madalas akong maging tampulan ng tukso sa amin. Isa raw kasi akong dakilang pabling pero napakahilig naman daw sa mga pangit. Marami nga raw akong nagiging girlfriend pero tagilid naman lahat ang hitsura, kaya kahit gusto raw nilang mainggit sa pagpapalit ng mga nobya na parang nagpapalit lang ako ng damit, wala raw silang magawa kundi ang matawa.

Ano ba kasi ang problema nila kung hindi ako tumitingin sa panlabas na hitsura? At kung mas mahalaga sa akin ang mabait at s'yempre, 'yung hayup at todo bigay sa kama. Aanhin ko ba naman ang maganda nga pero puro arte lang at walang kabuhay-buhay; o 'yung babaeng artistahin nga pero ako pa ang mag-aalaga sa kan'ya.

Eh di mas mabuti pa si Natalie na kahit maitim ay parati akong pinakakain ng kanyang masasarap na putahe at ng kanyang 'ano.' Kumpara naman kay Dianna--na kapitbahay ko. Tisay nga pero pritong itlog lang, hindi pa kayang iluto nang hindi sunog.

Mas ok din naman si Susan na medyo chubby at malaman, kesa naman sa Miss Baranggay naming si Salome na sa sobrang kapayata'y mag-aalinlangan akong ikama dahil sa takot na makalasog-lasog ang kanyang katawan.

'Duling na Pabling' at 'Kilabot ng mga Pangit' ang bansag nila sa akin. Dahil kung ga'no raw ako kagandang lalaki, ganun naman kapangit ang taste ko sa mga babae.

"Sayang ang lahi mo, kung malalahian ng mukhang maligno ang magiging nga anak mo." Paalala sa akin ng mga tsismosang matatanda.

"Mag-iingat ka sa mabubuntis mo, dahil baka hindi mukhang tao ang magkakalat ng lahi natin." Sabi naman ng mga kamag-anak ko.

"Kamusta naman ang Ilocana mong girlfriend na maitim ang tuhod at kili-kili?" Minsang kantyaw ng mga pinsan ko.

"Congrats kuya Joe, ikaw na ang pinaka-consistent na lalaki sa buong mundo." Mula naman sa mga kapatid ko, "Anong klaseng creature kaya ang magiging tunay hipag namin balang araw?"

O sige na nga...aamin na ako. May aaminin ako dahil nagsinungaling ako. Hindi totoong mas gusto ko ang mga pangit. 'Yun lang ang parati kong sinasabi para pagtakpan ang katotohanang...intimidated lang ako sa magagandang mga babae. Yes, it's all about my ego, na pakiramdam ko'y lumiliit kapag mas napapansin sila ng tao. Takot lang ako makantyawan na... 'Ang ganda naman ng gf mo, alangan ka.' Mas gusto kong marinig na, 'G'wapo ka para sa kan'ya.' Isa pang rason 'yung, pakiramdam ko ba'y mas mahirap pakawalan at paglaruan ang magaganda. Takot lang akong ma-inlove, tulad ng Tatay ko sa mestisang Nanay ko, na nauwi lang pagpapakamatay n'ya, matapos kaming iwanan nito para lang sa sumama sa ibang lalaki.

"F*ck! Yes!" Ang paborito kong katagang naririnig mula sa mga babae.

Hindi naman masyadong pangit si Rosalie. Morena s'ya, mukhang ordinaryong Pilipina, pero sexy naman. Naging gawi na namin ang magmilagro sa likod ng Taxi-ing minamaneho ko, kapag may chance akong masundo ito sa call center na pinagtatrabahuhan n'ya.

Oo. Isa akong part-time taxi driver. Store Manager ng isang sikat fastfood chain sa umaga; taxi driver sa gabi. At si Rosalie? Hindi naman talaga ito isa sa matatawag kong girlfriend. F*ck buddy ko lang s'ya, at s'ya ang sadyang tumatawag sa aking para magpasundo, kapag nagkukulang sa kanya ang asawa n'ya sa kama. Nagkakilala kami minsang isinakay ko itong umiiyak dahil sa pambababae diumano ng kanyang asawa. Na s'ya rin namang mismong gabi na may nangyari sa amin.

"Shit Joe!" Walang humpay ang kan'yang paggiling sa aking kandungan, habang ako nama'y abala sa paglalaro, pagsubo at paglamutak sa kan'yang malalaking dibdib. "Shit ka! Uhh!"

Tahimik lang ako. Tahimik lang naman talaga ako kapag nakikipagtalik kahit kanino.

"Ito na ang huli nating pagkikita, Joe." Aniya, matapos n'yang makarating sa langit. Humihingal pa ito at pawis na pawis.

Ngumisi ako, "Really? Bakit? Nagkaayos na ba kayo ng asawa mo?"

"Hindi. Maghihiwalay na kami."

"Ha?" Napakunot-noo ako, "Pero bakit--"

"I met someone. Katrabaho ko. Nakita ko na sa kan'ya ang contentment. Magsasama na kami."

Napatawa ako. "I see."

May gusto sana akong sabihin, pero sinarili ko na lang. Ayoko naman kasing lumabas na bitter, dahil hindi naman ako bitter. Nanghihinayang lang ng kaunti dahil s'ya ang pinakamagaling sa sex sa lahat ng nakikilala ko. Bukod sa, wala akong inaalalang sabit dahil malinaw naman ang usapan namin simula pa sa umpisa. But for the sake of telling my story, ito talaga ang gusto kong itanong sa kan'ya...'Kung nakita mo na talaga ang contentment, eh bakit ka pa nakipag-sex sa akin?' P'wede naman kasing magpaalam na lang s'ya sa akin 'di ba?

Sa umpisa, tila walang naging epekto ito sa akin, pero nang mapag-isa na ako, saka ko pa lang napagmuni-munihang... 'Kung ang mga babaeng mukhang ordinaryo'y nakukuha pa ring magtaksil, ano pa kaya 'yung magaganda?' Hah! Ayoko na talaga sa magaganda. Do'n na lang ako sa mga pangit, na mas less ang likelihood na magtataksil sa akin.

Pinanghawakan ko ang paniniwalang 'yan nang maraming taon, hanggang sa, binasag rin ito nang mahuli ko 'yung pangit na kinasama ko. Nasaksikan ko kasing nakikipagtalik ito sa isa sa mga tambay sa aming lugar.

Nagdulot ito sa akin ng matinding kalituhan. Kalituhang umabot sa, natakot na ako sa kahit sinong babae. Period.

Simula noon, wala na akong niligawan--pangit man, ordinaryo o maganda. Pumapayag pa rin akong makipaglaro--'yung sex lang talaga--no strings attached, pero ginawa ko lahat ang aking makakaya, na hindi na ito lumalim pa. Hanggang sa l...nakilala ko ang kakaibang babaeng itago na lang natin sa pangalang Celeste.

Si Celeste, maniwala ka man o sa hindi'y isang sikat na artistang napapanood sa sine at telebisyon. Isa ito sa tinaguriang may pinakamagandang mukha sa industriya. Bukod sa mukha, maganda rin ang ugali nito; mapagkumbaba at walang kaarte-arte sa personal. Nagkakilala kami nang isinakay ko ito mula sa bahay nila sa Rizal papunta sa estasyon ng telebisyon sa Quezon City. Noong una, ordinaryo lang ang aming pag-uusap. Palagi lang itong nakatutok sa kan'yang cellphone, hanggang sa, nagkak'wentuhan na rin kami nang makailang beses ko itong naisakay.

Masayahin ito parati at masarap kausap, hanggang isang gabing naisakay ko itong umiiyak.

"Niloko n'ya ako." Pabulong na sambit n'ya sa gitna ng kan'yang paghagulhol sa likod ng taxi ko.

"Ha?" Sinusulyapan ko ito sa rear view mirror.

"Niloko n'ya ako, ginamit lang n'ya ako!" Lalong tumindi ang kan'yang pag-iyak.

"Sino?"

"'Yung gagong... basta! Inisahan lang n'ya ako, gago s'ya. Magsama sila nung plastik na babaeng 'yun. Mga walanghiya!"

"Bakit? Anong ginawa n'ya sa 'yo?"

"Pinaniwala n'ya na gusto n'ya ako, pero pam-publicity lang pala para mapag-usapan s'ya. Tarantado talaga. Pinaglaruan n'ya ako. Matapos kong ibigay ang lahat sa kanya."

"Maaari ko bang malaman kung sino?"

"No." Muli itong umiyak. "Baka sabihin pa n'ya sinisiraan ko s'ya. S'ya pa naman ang first ko. Gago! Kaya pala gusto n'yang ilihim lang namin ang aming relasyon. Gusto lang n'yang maka-score. Ako naman si tanga, pumayag!"

Hindi na ako nagsalita. Pinabayaan ko lang ito magmaktol at umiyak. Nakaramdam ako ng awa. Damang-dama ko kasi na nasasaktan talaga ito. Ramdam ko ito sa paraan ng pag-iyak n'ya, pati na rin sa mga sinasabi n'ya.

Nasa Pasig na kami nang bigla niyang sinabi sa aking... "Busy ka ba?"

"Uh, pauwi na ako pagkahatid ko sa 'yo, alas dos na eh." Kakamot-kamot ako, "Hanggang ala dose lang talaga dapat ako pero..."

"Pero ano?"

"Nagbakasakali akong maisakay ka kaya hinintay kita hanggang ala-una."

Nasulyapan ko ang kanyang pagngiti sa rear view mirror.

"Ang bait mo talaga. Salamat. Sana lahat ng lalaki tulad mo."

"Naku, hindi naman. May mga kalokohan din ako na hindi ako proud sabihin."

"Kung pauwi ka na, so...hindi pala kita p'wdeng...nevermind. Sige, diretso na lang tayo sa Rizal."

"Bakit, may iba ka pa bang tinutuluyan?"

"Oo, dito lang sa Pasig 'yung condo ko."

"So, anong pagkakaiba kung busy ako o hindi?"

"Kung busy ka at hindi mo ako masasamahang mag-inom sa condo ko, sa Rizal mo na lang ako ihatid. Hindi kasi ako p'wedeng mapag-isa kapag depressed ako. Kailangan may kasama ako. You know... iwas tukso na magbigti." Tumatawa ito habang humihikbi.

"Kung kailangan mo lang ng kainuman... sige ba. Samahan kita kahit saan. Basta ba patutulugin mo ako sa sofa mo." Humalkhak ako. "Hindi ako p'wedeng magmaneho kung lalasingin mo ako eh."

***

Puro matatapang na alak ang inilagay n'ya sa center table ng kan'yang salas. Hindi ako sanay uminom ng gano'n katatapang kaya mas marami s'yang naiinom kaysa sa akin. Dalawang Black Label na ang nauubos namin nang sinabihan ko ito na tumigil na. Pero hindi ko na ito napigilan nang hindi ko na makayanan ang antok at kalasingan.

Nakatulog akong nakaupo sa kan'yang sofa. Hindi ko alam kung ga'no katagal, basta't ang natatandaan ko lang, nagising ako sa mainit at mamasa-masang pakiramdam na bumabalot sa aking pagkalalake.

Nagulat ako nang iminulat ko ang aking mga mata. Si Celeste, nakaluhod sa gitna ng aking mga hita at tila sarap na sarap na isinusubo ang aking 'alaga'. Napanganga ako sa gulat nang una. Napalitan din naman ito ng unti-unti kong pagkadarang sa napakasarap na ginagawa n'ya sa akin.

"Celeste..." Paulit-ulit kong sinambit ang kan'ya g pangalan. Maingat kong hinaplos ang likod ng kan'ya ulo; sumasabay sa indayog nito sa walang tigil nitong paggalaw.

Hindi ko pa nararating ang aking rurok nang bigla s'yang tumunghay; tinitigan ako, "Joe..."

"Huh?"

"Joe, I need you." Tumayo s'ya at nag-umpisang magtanggal ng saplot. "Please help me forget, kahit ngayon lang." Matapos n'yang maghubad, naupo naman ito nang pabukaka sa tabi ko. Suot pa rin nito ang kanyang de-takong na pulang sapatos. "Please help me forget the pain." Napanganga ako nang inumpisahan n'yang laruin ang kanyang pagkababae. "Please, Joe..."

Hindi na ako nag-isip pa. Tumayo ako at mabilis na naghubad. Lumuhod ako sa kan'yang harapan at agad na pumwesto sa gitna ng kanyang nga hita.

Animo'y lumulutang ako sa alapaap habang hinahaplos at pinipisil ko ang iba't ibang parte ng kanyang napakaganda, napakakinis at napakaputing pangangatawan. Daig ko pa ang nanaginip sa bawat pagbanggit n'ya sa aking pangalan.

"Ang sakit-sakit Joe please help me forget." Paulit-ulit n'yang pag-ungol nang sinimulan ko na ang paghalik sa kan'yang leeg, pababa sa kan'yang magkabilang dibdib, tiyan, puson at sa... "Ahhh!" Naramdaman ko ang pag-angat ng kan'yang magkabilang binti habang idinidiin niya ang aking ulo sa kan'yang langit. "Joe!" Sinabayan n'ya ng paggiling ang bawat galaw ng aking dila. "Shit! Thank you, ohh! You got me right there! Do not stop please!"

Naging masunurin naman ako.

"G-d!" Ramdam ko ang panginginig ng kan'yang katawan. Paulit-ulit kong narinig ang mga katagang, "Ang sarap, shit! Ang galing mo." na para bang 'yun lang ang kaya n'yang sabihin.

Lalo akong ginanahan sa kan'yang papuri. Lalo namang tumindi nang pinatikim ko na rin ito ng aking daliri. Animo'y baliw itong nagsisigaw, lalo nang binilisan ko ito at walang kapagurang inihatid s'ya rurok na sa pakiramdam ko'y hindi pa n'ya nararating.

"Joe, do'n tayo sa kama. Do'n sa k'warto." Itinuturo n'ya ang kan'yang k'warto. "Buhatin mo ako, bilis!" Sumunod naman ako.

Wala s'yang k'yeme sa pagsigaw nang inumpisang ko na ang pag-ulos sa kan'yang ibabaw. Halos mamilipit s'ya; mahigpit na nakakapit sa magkabilang pisngi ng aking puwitan. Paulit-ulit n'yang sinabi na idiin mo at bilisan mo pa. Minsan lang 'yun mangyari sa buhay ko kaya naging sunod-sunuran lang ako sa kan'ya.

"Celeste..." Bulong ko sa tenga n'ya.

"Huh?" Katatapos lang n'yang makarating ng ikalimang bese.

"Lalabasan na ako."

"Oo, sige."

"P'wede ba sa loob?"

"Oo, sige."

"Heto na..."

Nanggigil na itinodo ko na ang aking lakas sa mabibilis at maririing pag-ulos na masasabi kong pinakamatindi sa buong buhay ko.

"Shit!" Hiyaw n'ya. "Hahabol pa yata ako ng isa." Agad na nanginig na naman s'ya. Halatang nakarating na naman s'ya sa ikaanim na pagkakataon.

Hindi na rin ako nahiyang humiyaw nang maramdaman ko ang pinakahihintay kong pagsambulat sa kan'yang balon.

Literal na naubos ang aming lakas, na idinaan na lang namin sa paghahalakhakan matapos kong ilapat ang aking likod sa tabi n'ya.

"Wow." An'ya.

Ngumiti lang ako at nilingon s'ya. "Salamat sa pag-imbita mo sa akin. Ang sarap mo palang ma-broken heart. Sana maulit."

Hinataw niya ako sa dibdib; humalakhak. "Siraulo ka!"

Sa awa ng D'yos, ilang beses din iyong naulit, hanggang sa napagdesisyunan naming subukang palalimin pa ang aming relasyon. Tumagal din kami ng anim na buwan, bagama't naghiwalay rin kami dahil sa magkaibang mundo na aming ginagalawan. Noong una, akala ko kaya kong i-handle ang lihim naming relasyon. Hindi pala. Lalo na nung nagkaroon na s'ya ng ka-love team. Dumalas ang aming away dahil sa insecurities ko, dahil aminado naman ako na isa akong dakilang... seloso.

[END OF CONFESSION]

***

Author's Note

The sender didn't mention who this actress was, to protect her from public scrutiny. They remained as friends, even until Joe found a new girlfriend; and the actress, a showbiz boyfriend, as of confession date.

***

Editor's Note

Do you want DyslexicParanoia to retell your Untamed Confession in narrative form? You may send you confessions directly to her at dyslexicparanoia@gmail.com, on the SUBJECT please type UNTAMED CONFESSION. Be rest assured that your privacy will be protected. No part of your confession can be retold and published without your consent.

Continue Reading

You'll Also Like

34.3K 873 54
MHEL CHAZEINTH DIZON an 27 years old and turning 28 on Wednesday in april 25 Mhel is just visited in Philippines to see how was going their company...
87.9K 2.1K 41
I really don't have a choice! My life is a mess. I can't do anything to change my life. I'm stuck being a drug pusher. I have to be careful because...
6.6K 416 18
An Austen-themed book club for aspiring Filipino writers. O P E N : currently in need of members
DIFFERENT By argie

Non-Fiction

30.5K 1.8K 39
I'm Tariana Reyes, destined to be her.