Fifteen Grace

By ItsariahS

189K 6.7K 765

Heartbreak, they say, is devastating. If one could vividly describe how devastating it is, Fifteen Gracia Dim... More

DISCLAIMER
Shinichi Ho | Shin
Fifteen Gracia Dimalanta
PROLOGUE
FG - 1
FG - 2
FG - 3
FG - 4
FG - 5
FG - 6
FG - 8
FG - 9
FG- 10
FG - 11
FG - 12
FG - 13
FG - 14
FG - 15
FG - 16
FG - 17
FG - 18
FG - 19
FG - 20
FG - 21
FG - 22
FG - 23
FG - 24
FG - 25
FG - 26
FG - 27
FG - 28
FG - 29
SPECIAL CHAPTER
FG - 30
FG - 31
FG - 32
FG - 33
FG - 34
SPECIAL CHAPTER
FG - 35
FG - 36
FG - 37
FG - 38
FG - 39
FG - 40
FG - 41
FG - 42
FG - 43
FG - 44
FG - 45
FG - 46
FG - 47
FG - 48
FG - 49
FG - 50
FG - 51
FG - 52
FG - 53 | The End
Author's Note

FG - 7

4.1K 144 16
By ItsariahS

SHINICHI

7:45am said the clock. Kanina pa 'ko gising but I don't want to get up dahil ini-enjoy ko pa ang nakikita ko - the beautiful Fifteen soundly asleep on my arms, walang bakas ng pagka-tomboy. I grinned quietly. Pinilig ko ang ulo ko, hindi ko kasi laging mapigilan na purihin ang babaeng 'to or worst pagpantasyahan pa nga.

Ugh! Parang bumabalik ang mga araw sa madalas kong pagsunod sa kanya noong high school and college days namin.

I remember the day when I first saw her. Nasa student lounge lang ako nang dumako ang tingin ko sa ladies room. Saktong lumabas doon si Fifteen. Kahit malayo at maraming tao noong mga panahong 'yon ay siya lang nakita ko, korni man at gasgas pa pakinggan, naramdaman ko ang biglang pagtigil ng mundo. Ang ganda ng mga mata niya, lalo na kapag lumiliit sa t'wing ngumingiti siya. Simula noon ay sinundan ko na siya nang sinundan. Wala siyang ideya na may harmless stalker siya. Kaya nga kahit ang mga paborito niyang pagkain, laruan, kulay at kung anu-ano pa ay alam ko.

Until one day, nagkaroon na 'ko ng pagkakataong lapitan siya. Iyon na nga ang araw na inamin niya sa'kin na magpapaka-tomboy na lang siya, nawasak ang lahat ng pangarap kong may kinalaman sa kanya. Kaya ayon, napagdesisyunan ko na...lumayo na lang sa kanya, 'yon na rin ang huli naming pagkikita dahil naging abala na sa kanya-kanyang buhay.

Napahinto ako sa mga iniisip ko dahil sa alarm clock. Tss! Naka-set pala 'to! It says na 8am na. Nakita ko ang pagdilat ng mga mata ni Fifteen, inunat muna niya 'to at nagtanggal ng muta bago siya natauhan at naalalang may kasama siya sa kama. Bigla siyang napaupo at sa gulat ay -

"OUCH!"


FIFTEEN

Parang bigla akong nakurot sa tagiliran kaya bigla akong napaupo at binigyan siya ng sapak sa pisngi.

"OUCH!" Malakas niyang dain. Hindi ako nag-abalang humingi ng sorry sa kanya kahit na alam kong magkatabi kami matulog. Hindi ako hihingi ng tawad sa kanya kahit aminado akong masarap ang tulog ko ng buong magdamag. Kahit pinayagan ko pa siyang tumabi sa'kin ay hindi ko naman siya pinahintulutang...titihan ako!

"God, my face," mahina niyang sambit, sapong-sapo ang pisngi. Ineksamin ko naman ang parteng pinaglandingan ng kamao ko.

"Wala naman, ah!" puna ko. "Hindi 'yan magkakapasa. Masakit lang dahil kasi kasasapak ko pa lang."

"Tss." Naiiling niyang sambit. "Thank you for the morning punch," sarkastiko niyang sambit at tinalikuran ko. Ibinuka ko ang bibig upang magsalita ngunit inihinto rin. Isip-bata! Sigaw ng isip ko. "Damn," sambit niya sa sarili. Lihim ko siyang sinilip, bakas talaga ang sakit sa mukha niya. Sus! Bahala siya diyan! Malayo naman sa pancreas 'yan 'no. "It hurts," madamdamin niyang sambit na parang kinokonsensya talaga ako.

"Sige na," napipilitan kong sabi. Napalingon naman siya sa'kin, nagtataka. "I'm sorry," nakayuko kong sambit ngunit hindi nakatakas sa paningin 'ko ang bigla niyang pagngiti ng nakakaloko.

"Fifteen," he called, I only hum for an answer. "Thank you for making me your pillow. I like how you cuddle with me and I like the view resting you here in my arms," he said in his very sincere tone kaya bigla akong natigilan sa english niya. Bumilis ang tibok ng puso ko't napalunok.

"Gag - este - nakakadiri ka talaga, Shinichi!" Lumayo ako sa kanya kahit ang laki na ng distansya namin sa isa't-isa. "Kilabutan ka nga!" dagdag ko pa.

Iyon na lang ang tanging nasabi ko upang mahinto na ang usapan. The way he stares at me is just impossible. Too much heat, I can't bear it. All of the girly parts in me can't contain their - No. Ayokong maging babae. No way! Ayokong bumalik sa pagkababae! Gusto kong mamatay na tomboy!

"Go back to your room," I murmured before forcing myself to enter the restroom. Nang makapasok ay sinandal ko ang sarili sa pinto. Pinapakiramdaman ko siya kung aalis na siya sa kwarto. Nang marinig ko ang pagsara ng pinto mula sa labas ay napabuntong-hininga ako at lumabas ng -

"Boo!" bigla akong napatili dahil siya ang bumungad sa harapan ko.

"Jesus Christ!" singhal ko, hawak-hawak ang aking dibdib. "I thought you leave already?!" naka-tiptoe kong sambit sa kanya. How come I just now realize that he is too tall?

"This is the second time I heard you scream like a lady," he said, smirking at me.

"Get out of here," nilagpasan ko siya ng lakad at napahinto rin dahil ano nga bang gagawin ko? "Fuck, I hate this," I whispered to myself.

"I heard that," puna niya kung kaya't napahawak ako sa bibig ko.

"I'm sorry, it's just-" too late, his steps are too wide that with just a millisecond I found his lips embracing mine. I can feel his warm palms on the curve my waist digging deeper. I exhaled, I don't want to admit this but day'm, I think I'm on cloud nine - and this. Is. Not. Good.

Hinampas-hampas ko ang balikat niya upang pakawalan ako, pero wala 'ata siyang planong pakinggan ako. Shit. Shit. Shit. Hindi 'to pwede dahil kung magtatagal pa 'to ay baka maging babae na 'ko pagkatapos ng araw na 'to! The only thing I can do to stop his lips doing wonderful things against my mouth is to punch him. Yes, for the second time of this day.

"Ouch!" Ayan. Sinikmuraan ko siya.

"Get out of this room," I said, panting. "Now!" Singhal ko pa nang hindi siya agad tumalima. He only stares at me with his eyes blazing. "Shinichi."

Kumurap siya ng isang beses at iniiwas ang tingin sa'kin na para bang biglang natauhan. Naglakad na siya palabas ng kwarto ngunit narinig ko pa ang mahina niyang pagbulong baka tuluyang makaalis.

"Women."

Gusto ko pa sana siyang hagisan ng unan ngunit hindi ko na nagawa. Ibinagsak ko ang sarili sa malaking kama dahil ramdam na ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko.

"Tomboy pa rin ako. Tomboy pa rin ako. Tomboy pa rin ako. Tomboy pa rin ako." I silently chant to motivate myself.

SHINICHI

"Women," I uttered before closing the door. Damn her punch hurts like hell! Nakadalawa agad siya ngayong umaga. Tss.

I should've gave her a French kiss instead - but that wouldn't be a French Kiss if she wouldn't cooperate. Pero kung gano'n naman kalambot ang labing hahagkan ko then it wouldn't matter. I won't even mind kung balibagin pa niya 'ko sa sahig. I grinned at the thought.

Hmm? Ano naman kaya ang sunod kong gagawin para bumalik siyang muli sa dati? I have three weeks more.

Tanghali na nang magkita kaming muli. Mukhang hindi na siya naiinis katulad kanina. Dumiresto ako ng kusina't kumuha ng pagkain. Tinapunan ko siya muli ng tingin, naka-indian sit siya sa sofa habang nagbabasa ng outdated na magazine. Klinaro ko ang aking lalamunan upang mapukaw ang atensyon niya.

"Kumain ka na?" tanong ko.

"Tapos na," sagot niya, hindi man lang nag-abalang tignan ako.

"'Di man lang ako hinintay," nagtatampo kong bulong.

"Paki mo ba," she said grumpily before flipping the magazine to the next page.

"Paki ko? Susubuan sana kita kung sabay tayong kumain."

"Hindi ako bata para subuan." Natatawa niyang sambit. "Kumain ka na lang diyan."

"Kinikilig ka lang eh," panghuhuli ko sa kanya.

"Shinichi," tawag niya sa nagbabantang tinig, "kung ayaw mong magka-round 2 ng paninikmura ko sa'yo, manahimik ka na lang."

"Bakit? Masama bang paglingkuran ang aking Prinsesa? Kaya ko pang higitan ang trato ko sayo aking sinta, basta ba pakasalan mo lang ako at pangako ko sayo'y ituturing kitang mahal na reyna." This time ay tumingin siya sa'kin, blanko ang kanyang ekspresyon. Binaba niya ang magazine na binabasa at tahimik na naglakad palabas ng bahay. "Teka!" tawag ko. "Nakakakilig naman ang sinabi ko 'diba? Magka-rhyme kaya 'yon!" Pahabol ko pa pero ang pagsara na lang ng pinto ang narinig ko. Isnaberang tomboy 'yon, ah!

Ang sunod na plano ko'y banatan siya ng mga pick-up lines. This is just one of the ways para mapangiti ang mga babae. The only question is, tatalab kaya 'to kay Fifteen?

Binilisan ko ang pagkain upang makasama siya sa labas. Naabutan ko siyang kausap sila Nanay Helen.

"Hindi namin akalain na nai-kwento sayo 'yon ni Shin," ani ni Nanay Helen habang nagwawalis ng bakuran. Napakunot-noo ako dahil sa usapan nila. Ano'ng sinabi ko?

"Bakit po?" puno ng kuryosidad namang banggit ni Fifteen, hawak-hawak ang isang gumamela.

"Para sa buong Pamilya Ho, malaking sekreto 'yon," sambit naman ni Tatay Ronel. "Hindi nila ibinabahagi 'yon sa iba dahil malagim na sekreto 'yon ng pamilya."

"Mukhang napakalaki ng tiwala sa'yo ni Shin," Nanay Helen.

"Hindi rin po," tanggi niya. "Tinakot ko kasi siya kagabi kaya ayon, ikinwento niya para makaganti po sa'kin."

"Kayo talagang mga bata, oo," komento ni Tatay Ronel, naiiling habang inilalagay sa sako ang mga dahong nawalis ng kanyang asawa.

"Sa bungad ng gubat," sabi ni Nanay Helen, itinuro ang kanyang daliri pahilaga mula sa kanyang kinatatayuan, "banda roon ay nakalibing si Lourdes, Miguel at ang anak nilang si Maria."

Lumabas lang pala siya para itanong kung totoo ba'ng lahat ng ikinwento ko sa kanya kagabi. Did I looked like I lied to her last night?

"Talaga?" Napatalon si Fifteen, nai-excite, nagniningninig ang mga mata. "Pwede ko bang puntahan?"

"Hindi pwede," agad kong sabad.

"O?" Lumingon sa'kin si Fifteen, tuluyan na 'kong lumapit sa kanila. "Kanina ka pa riyan? Ang bilis mo naman 'atang kumain?"

"Na-miss ka lang niyan," biro pa ni Nanay Helen.

"Natandaan ko pa noong kabataan namin," natatawang sabi ni Tatay Ronel, "unang beses kong nahalikan si Helen at simula noon ay hindi na siya mawala sa isip ko, lagi ko na lang siyang hinahanap-hanap."

Dahil sa pagbabahagi niyang iyon ay kapwa kami hindi makapagsalita ni Fifteen. Marahil ay bigla rin niyang naalala ang mga paghalik ko sa kanya.
"Natahimik kayong dalawa, mga anak?" puna nila sa'ming dalawa. "'Wag na kayong mahiya. Tumatakbo pa lang kayo papunta, nagjo-jogging na kami pabalik." Natawa ako sa sinabi ni 'Tay Ronel samantalang si Fifteen ay inabala ang sarili sa paghaplos ng gumamela.

"Uy, ang dalaga, hindi makapagsalita," tudyo ni 'Nay Helen, "nakailang halik na ba sa'yo si Shin?" makahulugang tanong niya.

Huling-huli naming tatlo ang pamumula ng kanyang mukha.

"Siraulo naman kasi 'yang alaga niyo, eh," nakabusangot niyang sagot, parang nagsusumbong.

Napahalakhak ang mag-asawa, napasunod na lang ako hangga't sa napuno na lang ng tawanan ang paligid nang makisali na rin si Fifteen. I can't help not to stare at her, all about her is too sweet and genuine. Sayang.

"Alam mo, hija. Nanghihinayang kami ng aking asawa dahil nabanggit mo sa'min na tomboy ka," Nanay Helen.

Napakibit-balikat siya, "ilang beses ko na pong narinig yan. Tsaka masaya po ako sa ganito." Lies. Lies. Lies.

"Sabagay, iyon naman ang importante," tanging-sambit ni 'Tay Ronel.

"Hindi rin ako naniniwala," kontra ko. Lumingon siya sa'kin at sinamaan ako ng tingin bago binaling muli ang atensyon sa mag-asawa.

"Sige po, babalik na 'ko sa loob." Hindi na niya hinintay sumagot ang dalawa at nagsimula ng maglakad. Agad ko siyang sinabayan, nagbigay ng tamang distansya sa pagitan naming dalawa.

"Would you like to see their grave?" offer ko.

"You said earlier na hindi pwede," sagot niya at diretso pa rin sa paglakad.

"I change my mind," binilisan niya ang kanyang paghakbang. "I mean it," hinawakan ko na ang kanyang kamay para mapahinto siya.

"Right now?" paga-assure niya.

Napangiti ako, "It's up to you."

Ginantihan niya ako ng ngiti. "Tara na!" nagsimula na siyang hilain ako. "Tara!" I smile wildly at her. The excitement is pretty obvious on her shining eyes. I can't believe I did that. "Dali naaa!" Mas lalo niya 'kong hinatak. She's boyish in a cute way.

"Wait! You're going in the wrong direction!" I exclaimed and chuckled.

"Lead the way na kasi!" Since she's holding my hand, I grab the chance to lock my right hand against her left hand.

She stared at me in surprise. "Shin, let go of me." Mahina pero madiin niyang sabi.

"Nope. You might get lost."

"I'll do something if I get lost."

"Waste of time," I kissed her knuckles. Twice. "Kapag nawala ka, hahanapin kita. Tara na." Ako naman ang humila sa kanya at nagsimula na kaming maglakad. Kalahating kilometrong din ang lalakarin namin. "Speechless?" tanong ko ilang segundong makalipas nang mapansing hindi siya nagsalita.

"Uhm, Shin?" I glance at her. "Pasmado ako, eh," she shyly admits.

"You're adorable." I silently chuckled, holding her hand tighter. "It's fine with me. Hindi naman nakakahawa 'yan."

"Bahala ka nga. I can punch you with my free hand anyway."

"Then why don't you do it?" naghahamong kong banggit.

"I don't even know why," she shrugged

Bull - Just admit it, Fifteen. You also like the feeling of us holding hands.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 71.7K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...
3.5M 150K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...
For A Moment By komi

Teen Fiction

9.3K 793 28
He was a good thing, my good thing. And we ended.
1.3K 568 23
© All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started:July 17, 2021 Ended: August 7, 2021 Fictional Characters doesn't exist. Gawa-gawa lang sila ng imahinasyon...