A Rebel Heart (#1)

By parachutelemon

17.8K 591 152

What does it take to change a rebel heart? #AHS1 More

GENERAL DISCLAIMER
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
WAKAS

Kabanata 13

294 12 0
By parachutelemon

Kabanata 13

Hinayaan kong kalmahin ang sarili ko pagkatapos noong nangyari. Niligpit ko ng maayos iyong nabasag na baso at tinuloy ang paghuhugas sa pinggan. Hindi naman natagalan at natapos ko iyon.

Naririnig ko pa ang tawanan at asaran ng mga kaibigan nina Clicko. Nasa labas lang sila ng pantry at mukhang nagkakatuwaan na.

Napapikit ako nang maalala na pareho pala kami ng kaarawan. What the heck, right? Sa dinami-dami ba naman ng tao na nakilala ko ay siya pa itong kapareho ko ng birthday. I have never meet someone that has the same birthday as mine.

Natigil ako sa pagmo-mop ng sahig nang marinig ang usapan nila sa labas. I decided to mop the floor pagkatapos maghugas dahil nakita kong nabasa ito ng tubig. Hindi ko maatim na iwanan lang iyon ng hindi nalilinis.

"Clicko, sino iyong babae kanina sa loob? Bagong hired na helper?" Tinig iyon ng isang babae. It's not Kiana, it's the other girl. I'm sure of it dahil kilala ko ang boses ni Kiana.

Napatingin ako sa sarili ko. Do I look like a helper to her?

Nakarinig ako ng iilang tawanan galing doon sa mga lalaki. I don't know if one of them is Clicko. Napakagat ako ng marinig iyon. Hindi ko alam pero bigla akong nainis.

"What? Are you kidding me Yen? Did you see her? Ang puti kaya ng kutis niya! She looks western and she looks hot and..." napatayo ako ng maayos dahil sa narinig.

I somehow want to clap my hands to that guy na nagsabi niyon. Iba nga naman ang tingin ng lalaki sa isang babae kumpara sa tingin ng babae sa kapwa niya babae.

I think that goes down to one thing.

Insecurities.

But I don't want to say anything, yet. Wala namang sinabing masama iyong babae. She just asked if bagong hired ba ako na helper dito. She didn't directly said na ganoon ako.

"I think she's my type. Sino ba yun, dude?" Natatawang tanong ulit ng lalaki.

Eww. You're not my type.

"She's Governor Andranno's daughter right? I met her sa plaza noong nakaraan araw. She's with James." Si Kiana iyon kaya itinabi ko ang mop sa gilid at humakbang ng kaonti para marinig pa ang kanilang usapan.

"Hmm oo. Bunsong anak ni Governor." Ganting sagot ni Clicko at nakarinig ako ng ilang sandaling katahimikan.

Anong nangyari?

"May kapatid pala si Cirrus? Bakit ngayon ko lang yata siya nakita dito?" Tanong ng isang boses lalaki.

Napairap na lang ako. Ganito na lang ba talaga palagi ang sasabihin nila?

"James told me before that he has a cousin na lumaki sa Amerika. Siya yata iyon." Si Kiana ulit ang nagsalita.

Why are they even talking about me as if na parang wala ako dito at hindi ko sila naririnig?

"Bakit nandito siya kung ganoon?" Tanong nanaman ng isang lalaki.

Ang kakapal talaga ng mga mukha nilang pag-usapan ako. Hindi ba nila naisip na baka naririnig ko sila mula dito? Eh kung lumabas kaya ako dito at pagsasampalin  ko silang lahat? They might realize that I'm here and that they should stop talking about me.

"Nothing. She just volunteered to wash the dishes." Tamad na sabi ni Clicko.

Naiinis ba siya na ako ang pinag-uusapan nila? Gosh. Alam ko namang ayaw niya sa akin. I just didn't thought na ganoon niya ka ayaw sa akin na ultimo ako ang topic ay naririndi siyang pag-usapan ako.

What the hell? Anong pakialam ko sa kanya? Kung ayaw niya sa akin, edi wag! At anong I volunteered to was the dishes? I would never do that! Kung pwedi lang iwan ko itong lahat ay gagawin ko! But I don't want to disappoint Dad.

Ginagawa niya ba akong mabait na tao sa mata ng mga kaibigan niya? Why would he do that? Bakit ba lagi siyang nakikialam?

Hindi ako mabait.

"Oh? Really? Why would she do that?" Maarteng tanong noong isang babae.

"You know politics. Maybe inutusan ng Daddy niya to do that? Publicity, huh?" Boses iyon ni Kiana.

She lost it. I officially hate her.

Dad would never use us for publicity. He will never use our money or anything we have for publicity. Why would he do that? To earn the sympathy and trust of the people? Dad doesn't need publicity to earn the trust of his people. He was just being himself that's why he earned all of it.

That's why he won. He won because the people trust him. He won because  the people think he is the best.

Naramdaman ko ang pag akyat ng dugo ko sa ulo. You don't know what you're saying Kiana. Seriously? Anong nagustohan ni James sa babaeng iyon? Kung alam lang niya kung paano mag-isip ang isang ito. Hindi pa man kami masyadong nagkakilala, I knew from the moment I saw her sa plaza that she's a total bitch.

I don't judge. I just felt it that's why I'm talking.

"Governor Andranno is not like that Kiana. We are serving him for years at hindi niya ginagawa ang mga iyan. Nag volunteer lang talaga si Heanndra na gumawa dito ngayong araw. Whatever her reasons are, sa kanya na iyon. But it's not definitely because his Dad wants publicity." Seryoso na sabi ni Clicko.

It hit me. Hard.

Pinagtatakpan niya ako. Tinutulungan niya ako sa lahat ng ito it's beause he's working for my Dad. It's all because of Dad. Kahit obviously, ay naiirita siya sa akin pilit niya pa rin akong tinutulungan at sinasamahan dahil nagtatrabaho siya kay Dad. Pinagkakatiwalaan siya ni Dad at ayaw niyang mabali ang tiwala na iyon kaya ginagawa niya ang lahat para maging okay ako. Para maging okay ang lahat.

Nahila ang iilang hibla ng aking pag-iisip nang may marinig na mga yabag papalapit sa pantry.

Shit! It's Clicko for sure!

Mabilis kong kinuha ang mop sa gilid at nagsimula ulit mag mop sa sahig. Ilang sandali pa ay lumitaw nga si Clicko sa hamba ng pintuan na nakapamulsa ng mga kamay.

Tinaasan ko siya ng kilay at itinabi na ang mop na ginamit. I am done for today.

"I'm done." Pahayag ko at inayos ang sarili. Iginala niya ang paningin sa paligid na parang sinisigurado na natapos ko nga ang lahat.

"Hindi kasama sa trabaho mo ang paglilinis ng sahig dito." Aniya.

So? Ano ang ibig niyang sabihin?

"Tapos na. Nalinis ko na. Anong gusto mong gawin ko? Dumihan ulit tong sahig?" Sarcastic kong tanong habang seryoso siyang tinitingnan. Kinagat niya ang pang ibabang labi bago yumuko.

"Kung wala ka ng sasabihin, aalis na ako. Salamat sa tulong." Pinal kong sabi at saka tuloy-tuloy na lumabas. Napasulyap ako sa table kung saan nakaupo iyong mga kaibigan niya. They are looking at me na parang gulat na gulat.

What? Did I scare the shit out of them?

Tss. Umirap ako at agad na tuloy tuloy na lumabas sa station. Binati pa ako ng iilang mga pulis na nakakilala sa akin.
Nilabas ko kaagad ang cellphone ko at idinial ang number ni Kuya Commulus. I need to get out of here. Ilang sandali pang nagri-ring iyon bago niya sinagot.

"Hello?" Malalim na boses na sagot niya kaya nilayo ko muna ang cellphone sa tenga ko at tiningnan iyon at saka binalik ulit sa tenga.

"Hello Kuya. I'm done. Anong oras niyo ako susunduin?" Tanong ko habang nililibot ang paningin sa paligid. Nakita kong papalabas ng station si Clicko.

Wala siyang kasama. Uuwi na siya? Iiwan niya iyong mga kaibigan niya?

"We're on our way there. Kasama ko sina Seaver at Cirrus." Sagot niya at nakahinga ako ng maluwag.

"Okay. I'll wait here." Sagot ko at agad binaba ang tawag. Nakalapit na si Clicko sa akin ngayon.

Ano nanaman ba ang kailangan niya sa akin? Tapos na ako sa mga gawain ko ah?

"Ihahatid kita sa inyo." Alok niya habang pinaglalaruan ang susi ng kanyang motor.

"No thanks. Papunta na si Kuya Commulus ngayon. Hihintayin ko na lang." Tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad doon sa isang bench na inupuan niya kanina noong naglilinis ako. Nilingon ko siya at nakasunod pala siya sa akin.

"Sasamahan kita." Aniya sa likod ko.

"Bahala ka." Kibit balikat ko. Gusto kong sabihin na huwag na, pumasok kana doon sa loob pero may isang parte sa akin na nagsasabing huwag sabihin iyon kaya sinunod ko ang parte na iyon.

Naupo ako sa bench at nagsimulang tingnan ang mga pulis doon sa station na nag-uusap sa labas.

Hindi pa nakakauwi sina Martin at Jargo? Nandoon parin kaya sila kina Mayor Caballero?

Sinulyapan ko si Clicko na nasa gilid ko lang nakatayo. Malapad pa ang espasyo sa bench pero hindi siya umupo. Bahala siya sa buhay niya.

Mabilis akong tumayo nang nagpark ang kulay pulang SUV namin. Lumabas si Kuya Commulus doon na may dalang bulaklak. Sumunod si Kuya Cirrus na nakangiti habang papalapit sa aming pwesto ni Clicko.

"Happy Birthday." Bati ni Kuya Commulus sa akin at agad nilahad sa akin ang dala niyang bulaklak at halos pagtawanan ko siya.

He really has no idea kung anong mga ayaw at gusto ko. I really don't like flowers! But since si Kuya Commulus ang nagbigay nito at minsan lang siya maging mabait sa akin ay nginitian ko siya at agad na yumakap sa kanya.

"Thanks Kuya." Sabi ko at agad kinalas iyong yakap.

"Clicko? You're here?" Nagtatakang tanong ni Kuya Cirrus sa lalaking nasa likod ko.

Nilingon ko siya at tumama ang tingin niya sa akin. Huminga siya ng malalim bago nagsalita.

"Ah, oo. Binilin siya ni Kuya Martin sa akin. Nasa Stefranco pa rin kasi sila ni Kuya Jargo kaya walang magbabantay sa kanya." Paliwanag ni Clicko.

Busy si Martin kaya hindi siya ang makakabantay sa akin. So technically speaking, si Martin talaga ang inutusan ni Daddy na magbantay sa akin. Since, busy siya kaya ikaw ang intusan niya.

What the hell is he saying?

Napalingon kaming lahat sa entrance ng station nang makarinig kami ng mga tawanan. Lumabas doon ang mga kaibigan ni Clicko. Natagalan yata si Clicko dito sa labas kaya lumabas na rin sila. Natigil sila sa pagtatawanan nang maabutan kami doon.

Masayang bumati iyong mga kaibigan ni Clicko kay Kuya Cirrus. They probably go to the same school kaya magkakilala sila.

"Why are you all here?" Nagtatakang tanong ni Kuya Cirrus sa isa sa mga lalaki na kaibigan ni Clicko. Ang buhok niyang nakatayo na mukhang buhok ni Astroboy ay agad kung napansin. Hindi ko sila masyadong napagmasdan kanina sa loob.

"It's Clicko's birthday today. We surprised him." Lumabas kaagad ang ngipin noong naka Astroboy na buhok habang nakangisi.

Nanlaki iyong mata ni Kuya Cirrus at bumaling sa akin.

Oh great!

"Really? Happy Birthday, bro! Parehas pala kayo ng birthday ni Heanndra?" Masayang masaya na sabi ni Kuya Cirrus at halos dambahin ko na lang siya at kaladkarin papasok sa SUV.

Lumunok ako ng laway at bumaling ng tingin sa kanilang lahat. Iyong iba ay walang reaksiyon at ang iba ay bumaling kay Clicko na parang hindi man lang nagulat na nalaman niya na birthday ko rin ngayon.

"Uhm Kuya, let's go." Putol ko sa titig nila sa akin. I tugged into his shirt at sumenyas na umalis na kami.

Tumango siya at nagpaalam na sa kanilang lahat ng nandoon. Tumalikod na ako ng hindi man lang sila tinitingnan at agad na sumakay sa likod ng sasakyan. Nakahinga ako ng maluwag nang maisara na ang pintuan ng sasakyan.

"Are you okay?" Seaver asked na nasa tabi ko pala at hindi ko man lang napansin.

Tumango ako at agad na sinulyapan sa huling pagkakataon sina Clicko. Since tinted ang sasakyan ay malaya akong nakatitig sa kanila.

Nag-aasaran iyong dalawang lalaking kaibigan niya at nakisali na rin iyong isang babae. Tumabi naman si Kiana kay Clicko na nakatayo lang at tulala na nakatingin sa aming sasakyan. She then hooked her arms around Clicko's waist kaya napatigil si Clicko sa pagtingin sa aming sasakyan at ngumiti kay Kiana na nakayakap pa rin sa kanyang baywang.

Bumagsak ang tingin ko sa aking sapatos at agad na nag-isip ng magagandang alaala namin ni Kristoff noon sa California.

Umandar ang SUV at narinig ko at nag-aasaran na sina Kuya Cirrus at Seaver sa tabi ko.

"What the hell? Hindi ko nga alam di ba?" Pagmumura ni Kuya Cirrus na may katawagan sa kanyang cellphone.

Napalingon ako sa kanya ganoon din si Seaver na nasa gitna namin ni Kuya.

Seaver mouthed "Who's that?"

"Quinnito." Simple na sagot ni Kuya Cirrus.

Agad inagaw ni Seaver ang cellphone na nasa tenga ni Kuya Cirrus. Frustrated na nilingon ni Kuya si Seaver dahil sa kanyang ginawa.

"Hindi pa nakakauwi. Let her bond with her mom. Wala yatang signal doon kaya hindi man lang nagpaparamdam sa atin." Sagot naman ni Seaver na natatawa na sa naririnig sa kabilang linya.

Who the hell are they taking about?

"She's fine. Tatawag naman iyon pag may problema. Bakit di mo na lang kami kamustahin?" Natatawang sabi ni Seaver sa manyak na boses kaya binatukan siya ni Kuya Cirrus.

"Magkikita naman tayo sa Monday!" Tawa ni Kuya.

Natigil sila sa pag-uusap sa cellphone at pag-aasaran nang tumigil ang sasakyan sa harap ng isang malaking Chinese store. Ginala ko ang paningin ko at napagtantong nandito na kami sa Centro.

Mabilis na bumaba si Kuya Commulus sa driver's seat at sumunod na rin kami sa likod. May bibilhin ba sila?

"Are you gonna buy something?" Wala sa sariling tanong ko habang sinasara ang pintuan ng SUV dahil ako ang panghuling lumabas. Sumulyap si Seaver sa akin bago tumango.

"Yep. School supplies. Monday na sa susunod na araw." Sagot niya sa akin at sumunod na kay Kuya Cirrus at Kuya Commulus na pumasok sa tindahan.

Agad na nakuha ng tingin ko ang malaking pusa na kumakaway-kaway doon sa counter ng tindahan. Chinese decorations and Chinese writings was written and arranged on the wall.

Sobrang laki nitong shop na to! There's even a second floor. Agad kong nakita ang mga school supplies na nakadisplay sa gitna. Notebooks, writing pads and books were all over the place. Sa malayong parte naman ay nakita ko ang iilang mga appliances na nakadisplay.

Natigil ako sa pagmamasid nang tapakin ako sa balikat ni Kuya Cirrus. Nilingon ko siya sa gilid ko.

"Pumili kana ng mga gamit mo para sa Monday sa school." Aniya kaya napakunot ako ng aking noo. Bibili ako? Am I even enrolled?

"Enrolled na ba ako? Saang school?" Tanong ko habang sinusundan siya sa paglalakad doon sa section ng mga notebooks. Namili siya doon habang sinusulyapan ako.

"Dad didn't tell you? You're already fix. Pinagawa niya sa secretary niya noong isang araw pa." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

What?! He just enrolled me without telling me first? Saang kurso niya ako nilagay kung ganoon?

"Ofcourse sa school namin Heanndra, where do you expect you're going?" Pagpapatuloy niya at tinaasan niya ako ng kilay habang nilalagay sa basket na dala niya iyong mga notebooks na napili niya.

Hindi ako nakasagot. Ofcourse, I expected that, na kung saan naka-enroll ang mga kapatid ko ay nandoon din ako. But what the hell right? Hindi man lang ako na inform na pwedi na pala akong pumasok sa Monday?

"Bakit hindi ko alam Kuya? Saang kurso niya ako nilagay?" Takang-taka pa rin ako. Nalagpasan na namin iyong hilera ng mga notebooks at tumigil siya sa hilera ng mga ballpens at highlighters kaya tumigil din ako.

"Political Science, di ba?" He asked na parang confused rin.

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Yes ofcourse. Saan pa ba niya ako ilalagay? Diyan lang naman ako magaling. Tumango tango ako at nagsimula ng kumuha ng mga ballpens at highlighters at nilagay iyon sa basket na dala ni Kuya Cirrus. Sumulyap siya sa akin habang sinusubukang isulat iyong isang ballpen na may tinta na kulay blue sa testing paper sa harap namin. Ngumiti ako sa kanya at nagkibit balikat lang siya.

Sinulyapan ko ang hilera ng mga notebooks na nilagpasan namin kanina. I'll come back there later.

Nakita ko rin sa di kalayuan si Kuya Commulus na mukhang may tinitingnan na kung ano sa hardware section ng tindahan. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid.

Where the hell is Seaver by the way?

"Nasaan si Seaver?" Pabulong na tanong ko kay Kuya. He stopped writing something on the testing paper tumingin din sa paligid.

"Nandiyan lang yan." Tamad na sabi niya at nilagay na sa basket ang mga napili niyang ballpens at highlighters.

Tinaasan ko pa siya ng kilay dahil masyadong siyang mitikuluso sa pagpili ng mga gagamitin sa eskwelahan. He's like examining everything before buying it. Samantalang ako ay kung ano lang ang nagagandahan ko ay agad ko itong nilalagay sa basket.

"I'm done!" Masiglang wika ni Seaver na nasa likod na pala namin. May dala dala rin siyang basket na may laman ng kanyang mga pinamili. Tumango si Kuya Cirrus at nagsimula na kaming maglakad pabalik sa counter ng tindahan. Dumaan kami ulit sa hilera ng mga notebooks kaya kumuha ako doon ng dalawang binder notebook. This is all fine.

Humabol ako sa kanila sa cashier habang nagbabayad sila nang tumunog ang chime ng tindihan. Sabay kaming tatlo napalingon at nakita ang isang pamilyar na lalako na pumasok sa loob.

"Good afternoon Sir." Bati noong security guard ng tindihan sa lalaki. He's wearing a wayfarer sunglasses, red polo shirt, puting shorts and a top sider shoes.

He stopped midway while walking at ginala ang pangin sa loob ng tindahan. Tumigil iyon sa aming tatlo sa counter. Nagpatuloy siya sa paglakad papunta sa counter.

"Aro..." bati ni Kuya Cirrus sa bagong lalaking dating.

Bumaling muna siya sa akin bago kay Kuya Cirrus. Ngumiti siya at nakipag-high five kay Kuya at kay Seaver. He immediately take off his wayfarer at ang chinito niyang mga mata ang agad na bumungad sa akin.

I know him! I mean, I saw him! Siya iyong lalaking nakita ko sa plaza noong campaign ni Dad! The one wearing soccer jersey! I knew it.

"Where's Lyrra? Iba yata ang babaeng kasama ninyo ngayon?" Nakangiti pa rin siya habang nakatingin sa akin.

It's like I'm not here. Why would he asked that?

Ngumiti si Kuya Cirrus bago nagsalita.

"Nah. She's in Batanes. Uuwi na din iyon may pasok na sa Lunes. This is my younger sister, Heann." Tuloy tuloy na sabi ni Kuya Cirrus.

Napatingin ulit sa akin iyong lalaki at agad na tumango. He tapped his fingers sa counter top at agad na binalik ang wayfarer na suot. He turned to the cashier na nagto-total ng aming binili.

"Jaya, where is Viola?" Tanong niya. Umangat ng tingin sa kanya iyong babaeng kahera.

"Nasa taas po si Miss Viola, Sir. Tatawagan ko na lang po iyong mga nasa taas?" Mahinhin na tanong noong kahera.

Umiling iyong chinitong lalaki.

"No it's okay. Ako na lang ang aakyat. Salamat Jaya!" He said at agad na sumenyas kina Kuya at Seaver na aalis na siya. Agad siyang tumalikod at narinig ko pa na sumipol siya.

Continue Reading

You'll Also Like

Gentle touch By K

General Fiction

49.6K 1.1K 32
It had been mere months after her eighteen birthday, when she was pulled from the safe haven of her life and forced into the fantasy the women had cr...
1.5M 128K 62
RATHOD In a broken family, every person suffers from his insecurities and guilt. Successful in every field but a big failure when it comes to emotio...
8.2M 301K 45
Carly Atwood always remembered the man that used to live in the loft above the barn when she was a little girl. John was her childhood crush, he was...
2.6K 210 38
Euphemia Gabrielle Sevilla is the epitome of beauty and kindness. She has everything. But she has been longing for something-- Home-- Until she met a...