Sleight Of Magic (COMPLETE)

By justshamm

281K 10.6K 3.4K

Sleight of Magic "Sa buhay niya nakasalalay ang buhay nila" Sa labing siyam na taong gulang na paninirahan ni... More

Sleight of Magic
A/N (IMPORTANT! MUST READ!)
Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Epilogo

Kabanata 6

8.4K 419 300
By justshamm


Ang bayan

Pagkalipas nang ilang sandali ay nakapikit pa rin si Harper. Hindi niya nais na buksan ang kaniyang mgamata dahil natatakot siya sa maaaring mangyari kapag ginawa niya iyon. Mariin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata habang nakayakap sa kaniyang sarili.

Nakapikit pa rin siya nang narinig niya ang sunod-sunod na busina na hindi niya alam kung saan nanggagaling.

Ito na ba? Ito na ba ang panganib?

"Tabi!" narinig niyang sigaw nang isang boses kaya naman ganoon na lang ang gulat niya nang pagmulat niya nang nakita niya ang isang paparating na bagay. Malaki iyon at papunta iyon sa kaniyang direksyon!

Hindi niya alam kung ano ang susunod niyang gagawin! Para siyang natuod sa kaniyang kinatatayuan.

Napapikit siya ulit. Papalapit na iyon sa kaniya at tiyak na mababangga siya niyon. Ito na ba ang sinasabi ng kaniyang tiyahin na kapahamakan? Katapusan niya na ba? Hindi pa nga siya nagsisimula!

Nanginginig ang buong katawan niya. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin! Kahit ang kaiyang mga paa ay parang may sariling utak at ayaw nitong umalis sa kinatatayuan.

Nagulat na lamang siya nang may humawak sa kaniyang kamay at hinila siya patungo sa isang direksyon. Pagdilat niya ay nakita niya ang hindi pamilyar na mukha nang isang babae.

Babae? Babae! Nasa labas na ako ng isla!

Inilibot niya ang kaniyang paningin at nakita niya ang mga tao na nakatingin sa kaniya.

Marami sila! Totoo ba sila? Totoong tao ba sila? Nasa bayan na ba talaga ako?

Hindi niya alam kung ano ang kaniyang unang gagawin. Nagulat na lamang siya nang bigla na lang may tumigil sa harapan niya at sinigawan siya.

"Hoy! Magpapakamatay ka ba?! If you want to fucking die, huwag mo na akong idamay! Bwisit ka!"

Napapikit siya ulit dahil sa ginawa nito. Narinig niya ulit ang tunog ng sasakyan. Dahan-dahan niyang minulat ang kaniyang mga mata at nakita niyang wala na ang lalaking nanlalaki ang mga mata sa galit sa kaniya.

Napatulala siya sa daan. Ang lakas ng tibok ng kaniyang puso at halos lumabas na ito sa kaniyang dibdib. Muntik na siyang masagasaan ng sasakyan na sa telebisyon niya lang nakikita!

Nagbalik lang siya sa katinuan nang narinig niya ang matinis na boses nang isang babae.

"Now what? Tapos na, 'di ba? The end! Wala nang ganap! Shoo! Alis! B-bye!" Tulala niyang tiningnan ito nang maigi habang pinapaalis nito ang mga taong nakatingin sa kanila—sa kaniya.

Bakit nito pinapaalis ang mga tao? Hindi pwede iyon! Ngayon lang siya nakakita ng tao! Hindi dapat umalis ang mga ito!

"Huwag! H-Huwag mo silang paalisin!"

Kumunot ang noo nito at tiningnan siya nang maigi.

"Why? Attention seeker, ka ba? Ew!" tanong nito habang nakataas pa ang isang kilay.

Maganda ang mukha nito. Mahaba rin ang buhok nito na mataas ang pagkakatali. Parang kumikinang rin ang sobrang itim nitong mga mata. May kahabaan ang damit nito na hapit na hapit sa makurba nitong katawan. Sa mga magasin niya lang nakikita ang mga ganito kung pumorma na mga babae.

Kung sa bagay, ngayon lang ako nakakita ng babae–ng tao.

Nang magsi-alisan ang mga tao ay muli itong tumingin sa kaniya. Giniya siya nito sa gilid ng kalsada.

"Hey! Bakit hindi ka nagsasalita? Are you okay? Oh, my gosh! You almost got hit by a car! But nothing to worry. Almost lang naman. But you seemed to be in shock! Oh, my gosh! Like what the hell! We're you hit by the lightning? Akala ko ba bukas pa 'yong bagyo?" naghehesterya nitong sabi.

Wala siyang maintindihan sa mga sinabi nito. Hindi siya nagsalita at tiningnan lang ang babae. Baka naman nananaginip lang siya. Nasa bayan na ba talaga siya? Bayan na ba talaga ito? Itong lugar ay sa telebisyon niya lang nakikita noon!

Totoong tao ba ito?

"Totoo ka ba?" mahinang bulong niya habang hindi inaalis ang tingin sa babae.

Itinaas niya ang kaniyang kamay at mahinang sinundot ang mapulang pisngi nito. Nanlaki ang mga mata nito nang dumampi ang daliri niya sa balat nito.

Hindi ito imahinasyon! Totoong tao ito at hindi lang ito isang larawan sa libro! Napaatras ito at mukhang nagulat dahil sa ginawa niya.

"Hey! A-Anong ginagawa mo? Baliw ka ba? Why did you poke me? I think you're crazy! I think you really got struck by a lightning! Sa'n ka ba galing and why are you looking at me that way? I mean, alam kong maganda ako, but the way you stare at me is really creepy! And to think that I even saved your life! Oh, my goodness!" sunod-sunod nitong sabi sa kaniya. Bakit nag-I-Ingles ito? Ang bilis nitong magsalita at hindi niya ito lubos na naintindihan. Mukha rin itong galit at gulat sa kaniya.

Hindi niya alam kung papaano niya ito kakausapin. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang may kumausap sa kaniya na ibang tao. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya at kung papaano niya ito pakikitunguhan.

"Pa-Patawad, T-Tao. Hindi ko sinasadya na hawakan ka," kinagat niya ang kaniyang labi niya at napayuko na lamang dahil sa hiya. Tama ba ang sinabi niya? Hindi niya alam ang sasabihin niya! Kabago-bago niya pa lamang dito ay napahiya na kaagad siya.

Ilang sigundo itong hindi nagsalita at siya ay nakayuko pa rin. Hindi niya ito kayang tapunan ng tingin.

"Tao? Tao? Tao nga pala ako!" anito sabay halakhak na para bang isang katatawanan ang isinambit niya.

"Okay lang 'yon," narinig niyang sabi nito pagkaraan nang ilang sandali kaya naman inangat niya ang kaniyang tingin para salubungin ang mga mata nito. Ang ganda ng mga mata nito at mas nakadagdag pa sa ganda niyon ang mahaba nitong pilik-mata at nakakorteng kilay.

"Maraming salamat. Malaki ang utang na loob ko sa iyo dahil sa ginawa mong pagligtas sa akin. Hindi ko lubos akalain na muntik na akong mapahamak."

Napatulala ito at marahang napaawang ang bibig habang nakatingin sa kaniya na para bang nakakita ito nang bago sa paningin. Hindi naman siya nakakatakot. Hindi naman siya kakaiba sa mga taong ito—sa kaniyang palagay. O baka naman ngayon lang din ito nakakita ng tao kaya ganoon na lamang ang reaksyon nito.

"Wala i-iyon. Ginawa ko lang ang nararapat," sabi nito habang nakatitig sa kaniya ngunit bigla itong napangiwi.

"Ew! Ew! Ew! Gosh! Seriously? Ano ba 'yan! Nahawa tuloy ako sa 'yo. Ang lalim mo naman kung magsalita. Para kang sinaunang tao."

Ako? Sinaunang tao? May ganoon ba?

"Hindi ka naman nasaktan, right? Okay. Anyways, I'll just leave you here. Bye!" dagdag nito at tumalikod na.

Aalis na ito? Hindi maaari dahil wala siyang kakilala rito at hindi niya kabisado ang lugar!Susundan na sana niya ang babae nang bigla na lang dumaan ang mga tao sa kaniyang harap.

Hinanap ng kaniyang mga mata ang babaeng tumulong sa kaniya ngunit bigla na lamang itong nawala sa kaniyang paningin.

Saan na ito pumunta?

"Sandali p-po..." tawag niya sa isang babae na dumaan.

"N-Nakita mo po ba ang kausap ko kanina? Babae rin siya na may magarang kasuotan. G-Ganito kataas," tanong niya sa babae. Itinaas niya pa ang kamay niya para malaman nito kung gaano kataas ang babae kanina ngunit tiningnan lamang siya nito nang may pagtataka sa mukha.

"K-Kilala mo po ba siya?"

"Baliw," bulong nito pero sapat na iyon para marinig niya. Tiningnan lang siya nito saka ito naglakad ulit.

Napasinghap siya. Siya baliw? Hindi naman siya baliw. Nagkakamali lang ito.

Nagtatanong lang naman ako, ah?

Tumingin siya sa paligid. Hindi niya akalain na makakalabas siya ng isla. Sa wakas nandito na siya sa bayan—kung ito na nga ang bayan. Pero hindi lubos na kasiyahan ang nararamdaman niya. Natatakot siya. Wala siyang kakilala rito at hindi man lang siya pinapansin ng mga tao. Parang walang pakialam ang mga ito sa mga katulad niya.

Bakit ganoon?

Hinanap ng mga mata niya ang pintuang pinasukan niya ngunit hindi niya na iyon nakita hanggang sa dumapo ang mga mata niya sa isang bahay.

Ang pintuan! Naroon ang pintuan!

Kailangan niya nang bumalik. Siguro ay babalik na lang siya rito kapag kasama niya na ang kaniyang tiyahin. Ngayon niya lang napagtanto na hindi siya pwede rito sa bayan. Wala siyang alam na kahit ano at wala rin siyang kakilala. Hindi siya dapat nagpadalos-dalos.

Natataranta siyang lumapit sa bahay. Kasing laki ng pintuan na ito ang pintuan doon sa mahiwagang libro. Naroon rin ang mga bulaklak at ugat.

Kailangan niya nang bumalik!

Hinawakan niya ang hawakan ng pintuan saka pumikit at sinubukan itong buksan.

Bakit hindi mabuksan? Nakakandado ba ito mula sa kabila? Hindi na ba ako makakabalik?

Binundol siya ng kaba dahil sa mga naiisip niya.

Muli niyang binuksan ang pintuan ngunit hindi niya talaga iyon mabuksan. Nakakapit siya sa hawakan niyon nang biglang bumukas ang pinto at may lumabas na lalaki. Halos mapasubsob siya sa ginawa nito.

Nabuksan na nga pero imbis na makabalik sa bahay nila ay mga sari-saring bulaklak ang bumungad sa kaniya.

"Miss, hindi mo ba nakita? Push 'yan, not pull." Hindi niya pinansin ang sinabi ng lalaki.

Bakit ganoon? Hindi pa rin siya nakaalis sa lugar na ito? Tumayo siya saka nakayukong lumabas muli. Paano na ito? Hindi siya makabalik at hindi niya alam kung papaano siya makakabalik!

Sana ay hanapin siya ni Hedia. Siguro ay hahanapin din naman siya ng kaniyang tiyahin kapag nalaman nito na wala na siya sa isla.

Pilit niyang pinatatag ang kaniyang sarili. Dahil sa maling disesyon, ngayon ay hindi niya na alam ang gagawin. Sana lang ay hindi magtagal si Hedia sa paghahanap sa kaniya dahil hindi niya alam kung paano siya magtatagal dito. Luminga siya at nakita niya ang napakaraming tao.

Ganito pala ang hitsura ng mga tao sa personal. Lubos ang galak niya sa mga nakikita niya ngunit may parte sa puso niya na nangangamba at natatakot.

Naglakad-lakad pa siya. Hindi niya naiwasang mamangha sa ganda ng bayan at ng mga tao. Napakaganda rin ng mga kasuotan ng mga ito. Naglalakihan din ang mga bahay na ngayon lang talaga nakita ng mga mata niya nang harapan.

Tiningnan niya ang kaniyang lumang bestida at napangiwi siya nang nakita niya na ang layo niya kumpara sa ibang tao. Ang mga ito ay parang mga bulaklak sa kasuotan ng mga ito habang siya naman ay nagmumukhang ligaw na damo.

Sobrang luma ng damit niya at naka tsinelas lang siya kumpara sa ibang magagara ang mga kasuotan. Nagsisisi tuloy siya na hindi man lang siya nagbihis nang maayos kanina. Hindi yata siya nababagay rito sa bayan.

Tumigil siya sa isang bahay. Kitang-kita ang mga nakasabit na mga damit sa loob mula sa malaking kristal na bintana.

Kailangan niya nang bagong damit. Pumasok siya at tumingin doon.

Maraming maaaring pagpilian ngunit may isang damit na nakaagaw ng atensyon niya. Kinuha niya ito at marahang hinawakan. Napakaganda ng damit na ito. Kulay puting bestida ito at may disenyo ng mga dahon na kulay palubog na araw. Tiyak niya na kapag isinuot niya ito ay hindi na siya magmumukhang kaawa-awa.

"Hello, Ma'am. I think that dress really suits you. Would you like to try it on?" nakangiting sabi sa kaniya ng babaeng lumapit. Nakaputing damit ito at nakapalda na halos kalahati lang ng hita nito ang natatakpan. Maamo rin ang mukha nito at sobrang ayos nang pagkakaipit ng buhok nito.

"A-Ah ano..."

Kumunot ang noo ng babae. Ang nakangiti nitong awra kanina ay biglang nag-iba. Nakakunot ang noong kinuha nito sa kaniya ang damit.

"I don't think you have money, Ma'am. Please step outside," mariing sabi nito sa kaniya at mas diniinan pa ang salitang mam. Hindi niya ito naintindihan.

"Hindi, a-ano... k-kailangan ko ng damit," sabi niya sa babae gamit ang mahinang boses at sinubukang kunin dito ang damit.

"May pera ka ba? Kailangan mo ng pera para mabili 'to. Kung wala kang pera, lumabas ka na!" Napapikit siya sa sigaw nito. "Guard!" sigaw pa nito.

May lumapit sa kanilang isang malaking lalaki. Marahan siya nitong inanyayahang lumabas. Nakatingin lang sa kanila ang ibang mga tao sa loob ng tindahan. Ang iba ay nagbubulungan pa. Sumama siya sa lalaki palabas kahit na hindi niya dala ang damit.

Ang sama naman ng ugali ng babaeng iyon. Hindi niya akalain na ilang oras pa lang siya rito sa bayan ay dalawang beses na siyang nasigawan. Gusto niya lang namang humingi ng damit.

Isa lang naman ang hinihingi niya at hindi pa nito iyon maibigay sa kaniya. Dahil ba sa hindi siya nito kilala o dahil sa wala siyang pamalit dito?

Paano siya magkakaroon ng pera? Hindi niya naman dala ang mga ginawa niyang kwintas kaya wala rin siyang pamalit.

Naglakad siya ulit kahit na hindi niya alam kung saan siya patutungo. Sana ay hindi na lamang siya pumasok sa pintuang iyon at nanatili na lang sa isla. Hindi pa sana siya nagkaroon ng problema.

Pagkalipas nang ilang oras na paglalakad ay umupo siya sa isang upuan na nasa parke. Hindi siya sigurado kung parke nga ba ito ngunit katulad ito ng mga parke sa libro kung saan maraming tao. Ang iba'y masayang nagkukwentuhan ang iba nama'y kumakain.

Tumunog ang tiyan niya, hudyat na nagugutom na siya. Pagod na siya at gutom. Saan na siya pupunta ngayon? Wala pa naman siyang kakilala rito.

Nakatingin lang siya sa mga naglalakad nang may umupo sa tabi niya na isang lalaki. Hindi niya naiintindihan ang ayos nito. Malaki ang damit nito at may mga butas-butas ang pantalon. Naka tsinelas lang din ito katulad niya ngunit ang tsinelas nito ay parang kalahati na lamang at manipis pa iyon.

Hindi niya maayos na nakita ang mukha nito dahil nakatabon ang buhok nito sa mukha. May dala rin itong mga garapon. Aanhin nito ang mga iyon?

Habang tinitingnan niya ito ay tumingin ito sa kaniya at biglang ngumisi.

Nagulat iya nang nakita niya ang hitsura nito. Maitim ito at maraming dumi ang mukha. Maitim na rin ang ngipin nito. Napangiwi siya nang nakita niya iyon.

Tumunog muli ang tiyan niya at sa pagkakataong iyon at medyo malakas na, at sa tingin niya ay narinig iyon ng lalaki.

"Ha! Gutom! Gutom siya! Ha!" sigaw nito saka tumawa nang malakas.

"Pa-Pasensya na po. Opo, gutom po ako," nahihiyang pag-amin niya rito.

Muli nitong nilaro ang mga garapon nito. "Alam mo, ako may sekreto! Gusto ma m-laman?" sabi nito sabay ngisi sa kaniya. Napangiwi siya ulit nang nakita niya ang ngipin ng lalaki. Hindi magandang tingnan.

Anong sikreto naman iyon? Ang sabi ni Hedia sa kaniya ay kapag nagtitiwala ang isang tao ay sasabihin nito ang sikreto nito. Kung ganoon ay nagtitiwala itong lalaki sa kaniya kahit na hindi sila magkakilala?

Napapalakpak siya sa naisip. Magiging magkaibigan na ba sila kapag nagkataon? Magkakaroon na siya ng kaibigan sa wakas!

"Sige! Ano ba iyon?"

Humalakhak ito at lumapit sa kaniya. Inilapit nito ang bibig nito sa tenga niya at nakaamoy siya bigla nang masangsang na amoy. Hindi niya mawari kung sa kaniya ba iyon nanggaling o sa lalaki.

"Sikret lang, ha?" humagikhik ito. Tumango naman siya.

"Alam mo ba... baliw ako!" sabi nito saka tumakbo palayo habang tumatawa.

Napatulala na lang siya habang nakatingin sa dinaanan nito. Hindi niya akalain na iyon ang sikretong sasabihin nito sa kaniya at hindi niya rin akalain na baliw ito. Wala sa hitsura nito –Ano ba ang hitsura ng baliw?

Napailing na lang siya sa naiisip. Parang siya yata ang mababaliw.

Nanlumo siya nang umalis ang lalaki. Bakit siya nito iniwan? Akala niya ay magkakaroon na siya ng kaibigan.

Tumingin siya sa mga taong naglalakad nang mahagip ng mga mata niya ang isang pamilyar na imahe.

Siya ba iyong babaeng nagligtas sa akin kanina?

Parang ito nga! Naglalakad ito papunta sa kabilang direksyon.

"Binibini!" tawag niya sa babae pero mukhang hindi siya nito narinig.

Tumakbo siya papalapit dito at hinihingal na tumigil sa harapan nito.

"Binibini!" Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito nang nakita siya nito.

"Who... are you?" tanong nito sa kaniya habang nakataas ang isang kilay.

Who? Sino?

"A-Ah... ako po si Harper. Ako iyong iniligtas mo kanina sa bingit ng kamatayan."

Nanlaki ang mga mata nito. "Oh! Iyong kung magsalita ay parang sinaunang tao? Kanina, you called me tao. Ngayon naman, binibini. Anong kailangan mo?"

Yumuko siya dahil hindi niya alam kung papaano niya sasabihin sa babae na kailangan niya ulit ang tulong nito.

Nang hindi siya sumagot ay tumalikod ito at nag-ambang umalis.

"Sandali, binibini. M-Maaari ba akong sumama sa iyo?"

Ang kapal ng mukha mo, Harper!

"Huh? Sinusundan mo ba ako simula pa kanina?" nakakunot-noong baling nito sa kaniya.

Mabilis siyang umiling. "Hindi naman po. Wala kasi akong kakilala sa lugar na ito. Bago lang ako at hindi ko alam kung saan ako pupunta," sabi niya rito. Sana naman ay matulungan siya nito.

Tinitigan siya nito.

"You don't look like a beggar to me. Galing ka ba sa probinsya kaya ganiyan ka kung magbihis at magsalita?"

Napaisip siya. Maaaring probinsya nga iyong tinitirahan niyang isla, kaya naman tumango siya bilang pagsang-ayon.

Bigla na namang tumunog ang tiyan niya kaya naman niyakap niya ito.

Natawa ito pero kimi niya lamang itong nginitian.

"Okay, fine. You know what, I shouldn't be doing this." Bumuntong-hininga ito. "Hindi ka naman siguro budol-budol, 'di ba? Papakainin muna kita. Sa tingin ko, gutom ka lang kaya ka wala sa sarili mo. Follow me," sabi nito at tumalikod na.

Sumunod siya sa babae kahit na hindi niya alam kung saan sila pupunta. Hindi naman siguro ito masamang tao—sana.

Continue Reading

You'll Also Like

545K 13.1K 40
Ceres Academy [School of Imperials] "Where Perfection is the only survival weapon " ©All rights reserved. Date started: March 13,2017 Date ended:Mar...
639K 21.6K 50
2nd Book of Magical Elite Academy Trilogy! Read at your own risk! Highest Rank Achieved: #1 in Elite #5 in Magical #41 in Teen-fiction #116 in Fanta...
98.4K 5.6K 74
(On-Going)
438K 9.4K 37
Isang paaralang naiiba sa lahat..... Isang paaralang hindi normal kundi extraordinary ang mga estudyante... Isang pagkatao ang maaring mabunyag...