Miss Always Rank #2

By deliixx

678K 19.2K 2.5K

St. Cloud State University: Tiara Louisse Tyson More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Wakas

Kabanata 43

9.7K 286 83
By deliixx

Kabanata 43

Call

Nakakandong ang anak ko sa akin buong gabi, I want to go home pero ayokong malaman ng magulang ko ang nangyari. Nasisigurado akong magagalit sila at sisihin ang staff na sangkot. They might end the party right away if they knew what happened.

The party ended at eight in the evening and Lauren is still hugging me now and then. Hindi ko maiwasang hindi malungkot sa anak ko, I want to go home so bad at iwanan ng mga bisita but that would be rude especially when all eyes are on me.

"We will go home now, baby." sabi ko at nagpasalamat muna sa lahat ng mga kamaganak na pumunta. They all kissed me and Lauren goodbyes but Lauren just gave them all frown. Iniisip nilang inaantok lang ito at pagod na kaya hidni na tinanong ang pagkakabalisa ng anak ko.

She's waiting for us on the chair with Dior who still cheering her up, umiiling siya habang pinapanood ang pag-swing ng kanyang paa sa ere. I guess Dior's inviting her to join their cousins' game pero ayaw ni Lauren. Kahit na ganoon ay hindi parin siya iniwan ni Dior, he just sat beside her and also wait for us to finish the farewells.

Umalis na rin ang mga pinsan nila at ngumiti lang si Dior sakanila pero si Lauren ay hindi man lang pinaunlakan kahit tingin. Lumuhod ako sa harap niya at hinawakan ang tuhod niya, umangat siya ng tingin at agad akong ngumiti.

"It's done, let's go?" nakita ko ang pagngiti niya sabay ng paglahad ng kanyang kamay para alalayan siya sa pagbaba.

Holding hands sila ni Dior sa paglalakad palabas ng hotel. Naramdaman ko ang pagsiko ni Ate Xena sa aking gilid

"Hindi ba natin ito sasabihin kina Mommy?" inunahan ko na siya ng tanong. Bumugtong hininga siya at pasimpleng sinulyapan ang aming magulang na kasabay sa paglalakad ang mga apo

"Let's just forget it in the mean time. Let's just hope that I convinced Zeeyan that I am Lauren's mother." By that, I stopped walking.

"Is that really necessary?" tinignan ko ang anak kong unti-unting sumisilay ang ngiti dahil sa mga sinasabi ni Dior. I don't want to hide on Ate Xena's shadow forever. Paano na lang paglaki niya? Na malalaman niya na tinatago ko siya bilang anak ko.

"That's what you want diba?" umiling ako pero kalaunan ay tumango rin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko diretsong sinasabi sa mga tao na ako ang ina ni Lauren, they just assumed that she's Ate Xena's daughter. No one confirmed it pero wala ring nagtatama.

Kung tinama ko naman iyon ay magtatanong sila kung sino ang ama at alam kong mapupunta ang balita sa pamilya nila. Kukunin sa akin ang anak ko at babaligtarin ang sitwasyon.

Maybe I can ask and kneel so that they won't take Lauren away from me, that I want nothing from them. I have the resources that my daughter needs and wants, I don't need a single penny from them pero paano kung mapunta na ito sa batas? Custody? Makapangyarihan sila, paano kung baligtarin nila ang batas? Na pwede nilang ilayo sa akin si Lauren?

Umiling ako sa malalim na iniisip, I've known Tito Adams for years. He's been good to me and my family, he won't do that... But for her mother? His Grandfather?

Binalewala ko na lang ang mga iniisip at nag-focus kay Lauren na sa tingin ko ay ayos na. She just want to be out of that hotel. She's all smile beside me while they're coundting the red cars passing by, paramihan sila.

"That's not counted, it's not red! It's maroon!" reklamo ni Lauren kay Dior. Nagtawanan kami sa bangayan nilang dalawa

"Good morning, Miss Tiara." bati ng sekretarya ni Daddy bago ako pumasok sa opisina ni Daddy

Pagkapasok ko ay kumpleto sila sa may sitting area, my parents and my sister and an unfamiliar man beside my Dad. Paguusapan namin ang mga gagawin ko at kung kailan ako magsisimula magtrabaho. My ideal day would be next week pero depende iyon kung gugustuhin nila, okay lang naman sa akin kung mas maaga doon pero gusto ko sanang magkaroon pa ng bonding kay Lauren lalo na't kasama ito sa fashion show.

"I want you to attend some meetings regarding the upcoming condominium." kinabahan ako doon, managing construction related stuff is not my forte.

"Don't be anxious, Tiara. I have a great architect engineer that will guide you." tumayo ang lalaking nasa tabi ni Dad at naglahad ng kamay sa akin

"I am Javier Ramirez, I've finally met you after many stories that your father told me about you." tinanggap ko iyon at kinuha na ang oportunidad na titigan ang mukha niya.

He looks like a model from a foreign magazine, particular in Europe. His features are familiar from the people I used to see in France. He's masculine and I can sense that women adore him kahit na nakatayo lang ito sa sulok. He has a beard na sa tingin ko lalong nakakadagdag ng pagkalalaki, his jaw is well defined and his eyes are foreign, reminds me of someone. Nag-iwas ako ng tingin. He's an architect and an engineer? He must be really good then.

Is he an employee? Or business partner? Kasi hindi siya mukhang empleyado namin. Frankly, he's qualified to be my Ate Xena's husband!

"Nice meeting you, Engineer." Tinataasan na ako ng kilay ni Ate Xena na nasa likod ni Engineer Ramirez, tila nangaasar. Binalewala ko iyon at nakinig sa mga plano niya para sa condominium

It's a forty storey building that has numerous amenities for the residence.

"It is the first of Tyson Residence and public are expecting it to be grand and elegant and we are giving that expectation." nagpatuloy siya sa pag-e-explain sa akin tungkol sa mga plano nila hanggang sa pati ako ay may nabibigay na ring suggestion para sa mangyayaring launch.

Maraming nagbago sa loob ng apat na taon, naging hobby na ata nina Daddy ang pagrenovate ng building ng company kaya ibang iba na ang lobby at hallway sa nakagisnan ko simula pagkabata. I'm happy to see familiar faces that stayed in the company pero marami rin ang mga bago at dumami sila.

Nasa conference room kami, having lunch with the managers and other head, some engineers and architects for the construction. Dad introduced me to the employees since kilala na nila si ate. We talked about the plans for the company and for the possible projects.

Marami akong ka-edad, mga fresh graduates rin. Magagaling at mataas ang credentials kaya mataas agad ang pwesto and some did their on the job training here and passed their resumes after graduation.

Mabilis kong nakagaan ng loob si Charmaine at Enzo, they are under Finance department

Maaga akong nakauwi, sa Lunes pa naman ang pasok ko kaya pinauwi ako ni Daddy ng maaga. Sabay na kami ni Mommy umalis dahil pupunta siya sa practice ng mga models niya para sa sabado.

Sinundo muna namin si Lauren at Dior sa bahay bago dumiretso sa studio. Lauren is wearing a comfortable leggings and jacket, si Dior naman ay shorts at jacket. Pinaiwan ko sina Rose at Percy dahil ako ang magbabantay sa dalawa. They are all smiles when they saw our car entering the gate, sinalubong nila ito at hindi na nakapaghintay pa na huminto sa harap ng pintuan.

Natahimik lang sila nang pumasok na kami sa studio, kanina pagpasok sa building ay binati pa nila ang guard pero ngayong nakita na nila ang mga makakasama ay natahimik sila.

"Are you nervous?" lumuhod ako para mapantayan sila, ginala nila ang mata nila sa mga batang makakasama nila

"We can just go and just watch the show on Saturday." I convinced them dahil iyon talaga ang gusto ko. To just sit there and watch the kids wear and model my Mom's designs

Mabilis silang umiling, hindi gusto ang suggestion ko.

"There's so many kids here..." iginala nila mula ang paningin sa mga tao. Hinayaan ko silang tumingin at makisalamuha sa mga bata.

"Just stay here, okay? Huwag lalabas." sabi ko nang nagdesisyong lapitan sina Mommy sa may dulo ng studio.

Malaki ang studio at ang mga talents ay nakaupo sa gilid, iyong iba ay nagbibihis sa kabilang room na ginawang dressing room. Hindi ko maiwasang tumingin sa mga bata habang pinapaliwanag sa akin ni Brenda ang mangyayari sa sabado.

"Madame designed this unique couture dress inspired by France." pinakita ni Brenda ang kanyang phone at may pinindot

Namangha ako sa nakita, it's an elegant champagne gown with floral embroidery on the end. The details of it was surreal, even designer brands abroad will be intimidated by this kid's gown. I can imagine Lauren wearing that with her long hair and floral crown. I'm pretty sure Lauren will love it.

Nanghinayang ang mga taong nandoon kung bakit isang beses lang maglalakad ang dalawa "They fit perfectly for the brand." sabi ng ina ng isa sa mga modelo

Tumawa ng mainhin si Mommy at tinignan ang dalawa na nakikipaglaro na sa mga bata "It's their first time, ayaw naming mapressure sila."

"Sila ang finale, hindi ba?" tanong ng isang designer, tumango si Mommy

"You named the couture collection for them so dapat lang na sila ang finale at sakanila ang magagandang design." si Brenda

Araw ang lumipas at panay ang usapan ng mga bata tungkol sa mangyayari sa Sabado. Naging busy naman ako sa pagaasikaso ng mga papeles para sa enrollment nila.

Gumawa ako ng pizza at dinala iyon sa theater room kung saan seryosong nanonood ang dalawa ng cartoons. Si Rose at Percy ay hinayaan kong magpahinga dahil galing silang umaga sa park ng subdivision para maglaro habang ako naman ay inaakaso ang kanilang enrollment. Ewan ko ba bakit parang walang kapaguran ang mga bata, dapat ngayon ay nagpapahinga sila.

Nasa gitna ako ng dalawa, nakahiga sa aking hita habang pinapanood ang bagong movie ng Pixar. Bumukas ang pintuan kaya nalingon ako doon, si Lucy iyon at kung may anong binulong at itinuro ang labas. Dahan-dahan akong umalis doon at nilapitan si Lucy.

"Ang mga kaibigan niyo po, nandito." nilingon ko ang mga bata na nasa malaking couch, nakatulog si Lauren at si Dior naman ay nanonood parin. Tahimik kaming lumabas at naabutan ko ang mga kaibigan kong nakatingin sa mga malalaking frame

"Surprise!" sigaw ni Maxxine nang nakita ako

"For what?" ngumisi ako. They are complete today, may dalang pagkain si Karlie habang wine naman ang kay Nick

"Gusto kasi naming mag bonding, eh hindi ka nag rereply sa mga texts namin kaya dinala na lang namin ang party dito!" tumawa si Nick

"Uhm... Sure! Tara akyat tayo sa kwarto?" lumapad ang ngisi nila at dumiretso na kami sa taas, kinuha ng mga kasambahay ang mga pagkain at wine. Pinadagdag ko iyon at nagrequest ng mga pagkain.

Nauna silang umakyat habang ako ay chineck muna ang dalawa, I saw them sleeping kaya hininaan ko muna ang aircon bago lumabas.

"Akala namin busy ka at papaalisin mo kami..." asar ni Karlie nang pumasok ako sa kwarto, umiling ako at natawa. I'm actually planning to tell them at sa tingin ko ay ito ang tamang oras. They would understand, I know they will.

Nag set up kami ng table sa balcony, inayos namin ang kakadala na pagkain nina Rose at wine. Papalubog na ang araw, I wonder if they are awake?

They started taking pictures and video at panay ang pose namin doon. Nagsimula nang magkwento si Bianca tungkol sa na-li-link sakanyang artista na mukhang nanliligaw sakanya.

"In fairness, ang gwapo noon B! Half British ba?" uminom si Nick ng wine, tumango si Bianca at ngumisi

"Ang daming may gusto doon! Kahit iyong gay comedian may crush doon noong nag guest siya sa kanyang show."

"Wala kasi sa isip ko ang mag-boyfriend lalo na kung artista rin, I want to keep it low-profile..."

Nag kwentuhan at asaran kami, sa tingin ko ay ito ang unang beses na nag-usap kami ng ganito kalalim at seryoso. Kinwento nila ang mga ganap na wala ako at nagugulat na lang ako naka-ilang boyfriend na si Nick.

"Maganda kasi ako kaya huwag kayong ano diyan!"

I think we spend an hour coping up with the setting sun as our background. Napansin kong ako lang itong hindi nagkukwento sa aming anim kaya nang tinanong ako ni Shaira tungkol sa nangyari sa amin ni Johansson, kung paano kami naghiwalay ay ginawa ko na iyong pagkakataon para sabihin sa kanila.

"Hindi ko sinabi sakanya na... aalis ako." napainom ako ng wine, I need some liquid para hindi magbara ang lalamunan ko

"You know, all the rumors and speculations... We are also young, pwede pang magbago iyon lalo na kung long distance? But his marriage with someone else will never change..." may lumabas na luha pero agad ko iyon pinunas at ngumiti na parang hindi ako nasaktan pero ang totoo ay sobrang sakit.

"His mother talked to me... shared her opinion about our relationship at doon ko narealize na kahit gaano ako katalino, kayaman at kabait, I will never be enough for his love.

"What did Tita Regina tell you?" tanong ni Maxxine ng nakakunot ang noo, wala siyang alam sa nangyari dahil wala pa akong pinagkukwentuhan tungkol doon, kasi si ate.

Umiling ako, ayokong pag-usapan. It's just a natural tendency for a mother to act that way, para iyon sa anak niya, ang tagapagmana sa lahat ng yaman ng mga Johansson kaya naiintindihan ko. Sobrang naiintidihan ko kaya nga ganito kami ngayon.

"I don't want to go but I don't have a choice. My sister needs me because she's pregnant. I don't know how to express my love to him that why I stayed in his condo, the night before our flight." nanlaki ang mga mata nila except kay Maxxine na may lungkot sa mga mata

"We went to France thinking that ate Xena was the only one who's pregnant..." hindi ko pa natatapos ay napatayo si Nick pero hindi iyon naging sagabal sa kwento ko "I didn't know that I'm also pregnant with his child..." nagsimula na akong humagulgol "I don't know... what to do, how to tell my parents... I was... only eighteen..." putol-putol na sabi ko dahil sa pag-iyak naramdaman ko ang kamay ni Maxxine sa aking likod, inaalo ako

"Don't tell me you abort the child!?" natatarantang tanong ni Karlie, nakatayo na rin dahil hindi kinakaya ang sitwasyon

Umiling ako, no I wouldn't do that. I can't.

"Nasaan siya kung ganoon?" si Bianca

"Ang kambal lang ang nakikita ko, naiwan ba siya sa France?" si Nick, umiling ako. Narinig ko ang malaking singhap ni Bianca

"Isa sa mga kambal!?"

"Hindi sila kambal..." si Maxxine ang sumagot para sa akin

"Pero alam ng lahat na kambal sila."

"Kaya ba hindi sila magkamukha talaga? Just some features?" sabi ni Karlie, ngayon ay nakaupo na. Umupo na rin si Nick at kita ko ang pagsalin niya ng wine sakanyang kopita at pinuno iyon at ininom ng tuloy-tuloy

"Ayaw naming sabihin sa mga tao na ako ang ina ni Lauren dahil alam mong makakaabot iyon kay Johansson... He might stole my child away from me dahil tinago ko ang anak namin sakaniya."

"Hindi iyon magagawa ni Johansson." si Bianca

"Ayoko na rin ng gulo, ayos na kami ng anak ko na kaming dalawa lang. And besides he's also happy with his wife." wala ng filter ang aking bibig. I want to convince my friends na tama ang naging desisyon ko

"Wife? Iniisip mo bang kasal na siya kaya hindi mo sinasabi?" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Maxxine, nag-iwas ako ng tingin. If he's not married then he's engaged. Malabo na kung hanggang ngayon ay hindi pa nagaganap ang engagement nila. It's been what? Four years?

"Fiancee? I saw him with Kelsey in a hotel, noong birthday ko." natahimik sila, walang masabing rason ngayon para ma-comfort ako.

"Ang alam ko lang ay iyong balibalitang engagement nila ay hindi nangyari, except na lang kung sobrang probado na pati ang pamilya ni Maxxine ay walang alam doon." tumango si Maxxine bilang pagsasangayon sa sinabi ni Shaira

"At sa sinabi mong nakita mo sila sa hotel? Where is it?"

"La Astoria..."

"It's one of their hotels di'ba? Malay mo meeting lang iyon!" nag-iwas ako ng tingin, they are convincing me to go to Johansson and tell about our child. I am not ready... I will never be ready.

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok si Lauren, mag-isa. Where's Dior?

"Mommy?" pagkasabi ni Lauren ay mabilis silang nagsitayuan at sinilip sa loob ang anak kong bagong gising, kinukusot niya pa ang mga mata at nang makita ang mga kasama ko ay natigilan siya sa paglalakad. It's her first time to meet my friends, except kay Maxxine kaya nagulat siya.

"Come here, baby." binuksan ko ang balcony, walang pagaalinlangan namang naglakad si Lauren at pumasok. Mabilis niya akong hinanap sa mga kaibigan ko at umupo sa aking hita

"These are my friends, Tita Bianca,Tita Karlie, Tita Shaira and Tito Nick." tinuro ko sila isa't isa at sinundan iyon ng tingin ng aking anak

"It's Tita Nica, baby. Don't listen to your Mommy." maarteng sabi ni Nick. Tumawa ng malakas si Lauren doon.

"Okay, Tita Nica." she giggled. Tahimik ang mga kaibigan ko, titig na titig sa bata, tila hindi makapaniwala.

"Do you still know me?" malambing na tanong ni Maxxine kay Lauren

"Of course, Tita Max!"

"Kamukha niya..." iyon lang ang sinabi ni Bianca sa lahat ng mga puri ng mga kaibigan ko kay Lauren

"Whom do I look like, Tita Bianca?" humarap si Lauren kay Bianca na nagulat

"What? She can understand tagalog?" tanong ni Bianca sa akin, napapikit ako ng mariin. Alam ko ang ibigsabihin ng tanong ni Bianca

"I look like my cousin, Dior... And we like it when they thought that we are twins." humagikhik ito at kinuha ang kamay ko para yakapin siya

"You are so sweet, Lauren. Can you also give Tito Nick a hug?" nilahad ni Nick ang kanyang kamay para kunin si Lauren sa akin

"I thought you want Tita Nica?" tumawa kaming lahat sa sinabi ni Lauren

"Napaka talinong bata." si Shaira

"Syempre, ang talino ba naman ng magulang." si Karlie na hindi parin makarecover sa bagong pangalan ni Nick

"What's magulang, Tita Karlie?" natahimik silang lahat sa tanong ng anak ko

"Uhm... Magulang is your parents, your father and mother."

"Oh... Mommy is my magulang?" magulong tanong ni Lauren "and talino is smart, right? Mommy is smart, she graduated with lots of medals!"

Hinimas ko ang ulo ng aking anak. I feel guilty, she deserved a father at hindi ko iyon mabigay sakanya dahil natatakot ako.

Tahimik ko silang pinapanuod at paminsan-minsan ay ngumingiti sa mga tinuturuan ng mga kaibigan ko sa aking anak. Bumukas ang pintuan at pumasok si Dior na mukhang bagong gising.

"Dior, come here! They are teaching me tagalog words!" si Lauren na ang nagpakilala sa mga Tita niya

"Hala, magkahawig nga sila!" turo ni Karlie sa dalawa

Masaya ang mga bata sa mga bisita, dumating na rin sina Mommy, Daddy at Ate galing trabaho at nang sinabi kong nasa taas ang mga kaibigan ko ay agad nila itong niyayang mag dinner

"Nakakahiya naman..." bulong ni Karlie

"It's okay, Mom will invite you to go to the fashion show on Friday."

So iyon ang nangyari, nagkahiyaan pa silang lahat sa pagpasok ng kusina habang ang mga bata ay pumwesto na sa kanilang upuan.

"Good evening, Tita, Tito, sorry po kung nakaistorbo kami." panimula ni Maxxine

"No, it's okay hija. We're actually glad that all of you are here. Para naman may kasama si Tiara sa pagaalaga sa mga bata." ngumiti si Mommy sa akin, alam kong alam nilang may alam na sila kay Lauren.

"Are you okay, darling?" tanong ni Mom sa akin, nakita niya sigurong namumula ang mata ko, tumango ako at ngumiti.

Pinagusapan namin ang event sa sabado, they are already listed as audience. Lahat sila ay excited na at pinaguusapan ang susuotin. Maraming celebrity lalo na iyong mga ina na ang pupunta, some socialites and foreigners. Iyon ang pinagusapan namin hanggang sa nagdesisyon na sina Mommy na iwan kami at makapag pahinga na sila.

Kinabukasan ay sinamahan ko si Mommy sa venue ng fashion show in a popular hotel. Madaming tao at lahat ay ginagawa ang trabaho nila. The elegant and grand stage made my jaw dropped. It doesn't look like it's for fashion show, it's more like for weddings!

Pakiramdam ko ay bumalik ako sa Europa, everything is so elegant. The stage has a gold metal design on the side, ang papuntang backstage naman ay may detailed decorations that reminds me so much of Europe. It's vintage but glamorous

There are many sponsors na sa tingin ko ay partners na rin ni Mommy sa mga ganitong bagay. I smiled at the people who looks at me, matitigil sila pero kalaunan ay ngingiti pagkatapos ay mahihiya.

I watched Mom observe the place detail by detail, from backstage to the cameras. Lahat ay wala siyang pinalagpas, it will be tomorrow kaya sobra sobra ang pagpre-pressure ni Mommy sa mga staff.

Maaga akong natulog dahil na rin sa pagod, katabi si Lauren dahil gusto niya daw akong makatabi ngayon. I read her bedtime stories at kinwento ko na rin ang mga nangyari sa venue.

Nagising ako dahil sa isang malakas na tawag, ayoko sana sagutin dahil baka prank call lang iyon pero nang nakita kong gumalaw si Lauren at kumunot ang noo ay agad ko itong kinuha at walang alinlangang sinagot

"Hello..." I didn't manage to fix my husky voice

Kumunot ang aking noo at tinignan kung sino ang caller, it's unknown number. Sabi na nga ba at prank call ito. Papatayin ko na sana ng biglang narinig ko sa kabilang linya ang malakas na bugtong hininga

"I miss you..." napakurap ako, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Boses lalaki iyon at malalim. His voice became deeper and more... masculine. Kilalang-kilala ko kung sino iyon

"Who is that?" napatalon ako sa nagsalitang si Lauren. Nanlaki ang mata ko nang napagtanto kung anong nangyari. Tinignan ang aking phone, he's still there!

"Sorry, wrong number." mabilis kong pinatay iyon kahit na mukhang may sasabihin siya sa kabilang linya. Pumikit ako ng mariin at niyakap ang anak ko na panay parin ang tanong kung sino ang tumawag

Umiling ako "Just nobody baby..." kinagat ko ang labi ko sa kasinungalingang lumabas sa aking bibig. It's your Daddy, baby...

Continue Reading

You'll Also Like

594 95 30
[CYCLE OF LOVE SERIES #2] EPISTOLARY "Why did I fall in love to a crazy man like you?"
1.6K 137 23
Originally published in TypeKita App ~•~ Classroom Love Story •~• Yung pine-pressure ka na ng best friend mo na magpasa sa class president niyo ng PP...
5.9K 1K 36
PUBLISHED UNDER CHAPTERS OF LOVE INDIE PUBLISHING HOUSE Kakaibang pananaw ang nais ni Merry Crisostomo sa kanyang buhay. Ngunit ang pananaw na iy...