Mafia Boss Obsession [PUBLISH...

By Miss_Terious02

2.1M 36K 1.5K

Sa edad na twenty three ay ulila na sa magulang si Abigael Mendez at tanging ang tita niya na lamang ang kasa... More

Mafia Boss Obsession
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Thank You!
MIBF 2023

Chapter 31

38.7K 663 39
By Miss_Terious02



Enjoy reading!

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil pupunta ako sa company ni Mr. Lagatuz. Nakakahiya naman sa driver niya kung late ako at paghihintayin ko pa siya sa labas. Kaya pagkatapos kong maligo at magbihis ay pumunta na ako sa kusina. Nakita ko roon si tita at si Jarenze na umiinom ng kape.

"Good morning." Bati ko sa kanila.

"Ang aga mo naman, Abby." Sabi ni tita nang makita niya akong nakabihis na.

"Oo nga." Sagot naman ni Jarenze.

"Nakakahiya sa driver ni Mr. Lagatuz na susundo sa akin kung late ako." Sagot ko at agad na nagtimpla ng kape.

"Kumain ka na rin. Huwag lang kape." Saad ni tita at binigay sa akin ang plato. Agad kong kinuha iyon at nilagyan ng konting kanin at ulam.

"Kaya ang sexy mo pa rin e. Kaonti lang palagi ang kinakain mo." Pang-aasar ni Jarenze. Umupo ako sa bakanteng upuan at nagsimula ng kumain.

"Kahit naman damihan ko ng kain ay hindi pa rin ako tumataba." Sagot ko.

"Sana ganyan din ako." Sabi niya at tiningnan ang katawan niyang ngayon ay medyo tumaba na. Napangiti na lang ako.

Binilisan ko na rin ang pagkain ko at agad na nag sipilyo. At sakto namang may bumusina sa labas ng apartment ni Jarenze.

"Tita, Jarenze, alis na ako." Paalam ko at agad na kinuha ang maliit kong bag at lumabas na. Lumabas naman ang driver at pinagbuksan ako sa back seat.

"Salamat po." Sabi ko at pumasok sa loob. Pagkatapos ay pumasok na rin siya sa driver seat at agad na pinaandar ang sasakyan.

Pagdating namin sa labas ng company ni Mr. Lagatuz ay napatingala ako sa taas ng building. Bakit ang sabi ni Mr. Lagatuz ay malulugi na ang kompanya niya? E ang laki nitong kompanya niya. Imposible namang malulugi ito.

Agad akong bumaba ng sasakyan at naglakad papasok sa loob. Binati pa ako ng security guard sa entrance na para bang matagal niya na akong kakilala. Ngumiti ako sa kanya at pumunta sa reception desk upang magtanong kung saan ang office ni Mr. Lagatuz rito.

"Excuse me, miss, saan dito ang office ni Mr. Lagatuz?" Tanong ko. Halatang nagulat siya nang makita ako. Ano bang meron sa mukha ko? May dumi ba ako sa mukha na hindi ko alam?

"S-sa thirteenth floor po, Ma'am." Sagot niya.

"Salamat." Sagot ko at ngumiti sa kanya. Kumunot naman ang noo ko dahil nakatingin na pala ang mga tao sa 'kin. May dumi ba talaga ako sa mukha? Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at agad na pinunasan ang buong mukha ko. Pero ganon pa rin at nakatingin sila at ang iba ay nag bulong-bulongan pa.

"Hindi ba siya 'yon?"

"Ang ganda niya nga sa personal."

"Ang suwerte ni sir."

Iyan ang mga naririnig kong bulungan nila. Sino ba ang tinutukoy nila? Hindi ko sila maintindihan. Ako ba ang pinag-uusapan nilang lahat? Ano bang meron sa 'kin? Lumingon ako sa likod ko ngunit wala namang nakasunod sa akin. Hinayaan ko na lang sila at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa elevator.

Nang makarating ako sa thirteenth  floor ay nagtanong ako sa isang babae na merong desk sa gilid ng isang pinto. At abala siya sa kanyang ginagawa.

"Excuse me, miss, saan dito ang office ni Mr. Lagatuz?" Tanong ko sa kanya. At katulad ng mga tao sa baba ay nagulat din siya nang makita ako.

"I-ikaw po ba si Miss Abigael?" Tanong niya. Paano niya ako nakilala?

"Ako nga po. Bakit?" Taanong ko.

"Wala lang po. Ayon po ang office ni Mr. Lagatuz." Sagot niya at tinuro ang isang pintuan na katabi lang ng pintuan kung saan siya naka puwesto.

"Salamat." Sabi ko at naglakad na patungo sa pinto na tinuro ng babae. 

Agad akong kumatok at dahan-dahan na binuksan ang pinto. Agad kong nakita si Mr. Lagatuz na abala sa pagbabasa sa mga naka patong na mga papel sa kanyang lamesa.

"Good morning po, sir." Pagbati ko sa kanya. Napaangat naman siya ng mukha.

"Good morning din, Abigael. Maupo ka." Bati niya rin. Umupo muna ako sa bakanteng upuan nasa harap niya.

"Sir, ang taas po pala ng building niyo. Parang hindi naman po halata na malulugi ang kompanya niyo, sir." Aniko at ngumiti sa kanya.

Agad namang kumunot ang noo niya sa sinabi ko kaya nawala ang ngiti sa mukha ko. May sinabi ba akong masama?

"Hindi ko ito company, Abby." Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi niya kompanya 'to? Kung ganon kanino ito?

"P-po? E kkanino po itong building na ito?" Nagtatakang tanong ko. Kung hindi ito kay Mr. Lagatuz, kanino 'tong company na ito?

"Kay Mr. Sand---" Naputol ang sasabihin niya nang may biglang pumasok na babae. Ang babae kanina sa labas na pinagtanungan ko.

"Sir, excuse me po. Pinapatawag na po kayo ni sir sa conference room." Magalang niyang sabi.

"Okay, pupunta na kami roon." Sagot naman ni Mr. Lagatuz.

"Okay po, sir." Sagot ng babae at lumabas na ng opisina.

"Let's go, Abby. Baka mahuli pa tayo sa meeting." Sabi ni Mr. Lagatuz at tumayo na. Kaya sumunod na rin ako sa kanya palabas ng opisina.

Naabutan pa namin ang babae na pumasok kanina sa opisina ni Mr. Lagatuz kaya sumunod kami sa kanya patungo sa conference room na sinasabi niya. Huminto kami sa isang pinto at binuksan iyon ng babae. Nakayuko akong pumasok at hindi tinitingnan kung sino ang mga tao na naroon sa loob at dahil na rin sa hiya. Sumunod lang ako kay Mr. Lagatuz hanggang sa umupo si Mr. Lagatuz sa bakanteng upuan at umupo rin ako sa katabi niyang upuan. At bilang secretary ay kailangan kong isulat lahat ng mga importanteng detalye sa meeting.

Nang mag-umpisa na sa pagsasalita ang nasa harap ay ngayon ko lang inilibot ang paningin ko sa buong conference at sa mga tao na kasama namin ngayon. Iyog iba ay medyo matanda na at nang mapatingin ako sa katabi ko ay napalaki ang mga mata ko at biglang kinabahan. Parang hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Bakit narito siya? Ang liit nga talaga ng mundo at kababalik ko lang ng Pilipinas ay nagkita na kaagad kami. Pinaglalaruan ba kami ng tadhana?

Nakita kong nakangiti siya habang nakatingin sa lalaking nagsasalita sa harap. Napaiwas ako ng tingin sa kanya nang tumingin siya sa 'kin. Gusto ko ng lumabas rito sa conference room. Bakit sa rami ng upuan ay dito pa ako umupo. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at hindi ko alam kung lalabas ba ako sa kwartong 'to. Hindi ko na rin naiintindihan ang sinasabi ng lalaking nagsasalita sa gitna dahil kay Harvey.

Hanggang sa matapos ang meeting ay hindi ako mapakali sa kinauupuan ko  dahil sa katabi ko lang siya. Hindi na nga ako gumagalaw sa kinauupuan ko at kaonti lang ang naisulat ko dahil hindi ko na naiintindihan ang mga pinagsasabi nila.

At nang matapos na ang meeting ay kanya-kanya ng tayo ang mga kasama namin sa loob. At ako naman ay dali-dali ring tumayo para makaalis na rito sa loob ng conference room. Ayoko ng tumagal pa rito. Parang hindi ako makahinga sa loob kasama siya.

"Are you okay, Abby?" Nag-aalalang tanong ni Mr. Lagatuz nang makita niya akong hindi mapakali.

"Opo, sir. Medyo malamig lang po rito dahil sa aircon." Pagsisinungaling ko.

"Mukha ngang hindi ka sanay sa aircon, hina." Sagot niya at ngumiti lang ako sa kanya. Sinulyapan ko ang katabi ko ngunit napaiwas rin ako nang makita ko na nakatingin siya sa 'kin. Nakaupo pa rin siya na para bang may hinihintay. Hindi ko na lang siya pinansin at akmang maglalakad na ako palabas nang magsalita siya.

"Mr. Lagatuz, pwede ko bang kausapin ang secretary mo?" Maas lalo akong kinabahan sa sinabi niya. Huwag ngayon, Harvey!

"Why, Mr. Sandoval? Any problem with my secretary? Bakit mo siya kakausapin?" Tanong ni Mr. Lagatuz. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit hindi niya ako pinansin.

"May sasabihin lang ako sa kanya. Importante." Sagot niya habang nakatingin sa akin.

"Okay. No problem, Mr. Sandoval. Ibalik mo nang buo ang secretary ko." Sagot naman ni Mr. Lagatuz at naglakad na palabas ng conference room at naiwan kaming dalawa sa loob. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Hindi ako handa na magkikita kami ngayon dito.

"Aalis na ako--"

"Why did you leave?" Pagputol niya sa sasabihin ko. Nanatili siyang nakaupo sa upuan niya.

"Ano bang pinagsasabi mo? Kung wala ka namanh sasabihin ay aalis na ako." Saad ko. Ngunit agad siyang tumayo at hinarangan ako.

"We need to talk, love." Sabi niya.

"Ano bang kailangan mo, Mr. Sandoval?" Seryoso kong tanong.

"You. I want you, Ms. Mendez." Sagot niya.

"Kung wala ka namang matinong sasabihin, pwede na ba akong lumabas?" Seryoso ko pa ring tanong.

Tumingin siya sa 'kin nang masama dahil sa sinabi ko. "Bakit ka ba nagmamadali, love? May iba ka na ba?" Tanong niya na ikinainis ko.

"Pwede ba, Harvey, tigilan mo na ako? Hindi ako nakikipag biruan sa 'yo!" Inis kong sabi sa kanya.

"Titigil lang ako kapag bumalik ka na sa 'kin." Seryoso niyang sabi. Mas lalo lang akong nainis sa kanya. Akala ba niya ganon kadali 'yon?

"Kahit kailan hindi na ako babalik sa 'yo. Kaya please lang tigilan mo na ako! Nang dahil sa babae mo nawala ang anak ko. Hindi ko pa rin nakakalimutan iyon." Galit kong sabi.

"Love..."

"Tigilan mo ang pagtawag sa akin ng ganyan. Wala ng tayo, Harvey. "Sabi ko at naglakad na palabas ng conference room. Pinunasan ko muna ang mga luha ko sa aking pisngi bago pumunta sa office ni Mr. Lagatuz.




Miss_Terious02

Continue Reading

You'll Also Like

267K 10.1K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...
589K 15.7K 46
Warning R🔞 Lahat ay inilalayo niya sa kaniya dahil sa takot na pati ang mga ito ay mawala sa kaniya. He thinks that loving him is a curse like his l...
200K 5.5K 32
Kahit sabihin ni holy na mahal na mahal pa rin niya si Peyton, ay hindi pa rin yun sapat para bumalik ang tiwala niya sa binata at hayaan na sirain s...
200K 8.3K 17
Vander #2 Cooler Vander 01042020 Genre: action, romance Cover image not mine. Credits to the rightful owner.