Waiting Shed

By EmpressDreamer

93.3K 1.5K 504

Sa paghihintay sa pagmamahal, hanggang kailan ba ang "sandali na lang"? More

Prologue
Author's Note
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
ANNOUNCEMENT!
Facebook Group

Chapter Twenty

3.3K 81 49
By EmpressDreamer

ELLA'S POV

Friday, 8:30pm

Isang oras na ang nakalipas. Wala akong napala kundi basang damit at sapatos. Hindi siya dumating. At hindi na siya darating..

Tumayo ako. Kahit mahirap, nagawa kong umalis. Pinilit kong tanggapin ang katotohanan. Kahit masakit, tinalikuran ko siya. Binitawan ko ang pag-asang babalik siya sakin. Naglakad ako sa gitna ng ulan kasama ang lahat ng sakit sa dibdib ko – ang isang bagay na 'di ko magawang bitawan.

Hindi pa ko nakakalayo nang may dumaang jeep. Tumigil sa tabi ko kaya't sumakay ako dala ang lahat ng sama ng loob dahil sa kanya at sa ginawa niya sakin.

Sa ilang saglit, napalingon ako sa waiting shed at siya ang nakita ko. Mag-isa. Nakaupo at tila naghihintay. Nag-aabang sa wala.

Parang tumalon yung puso ko nung makita ko siya. Naalala ko lahat ng pinagsamahan namin ni Patrick. Yung masasayang bagay na pinagdaanan namin pareho, bumalik yun lahat sakin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi ko kayang umupo lang dun at patuloy siyang titigan. Kahit ano pa man yung nangyari samin, mahal ko pa rin siya. Mahal ko si Patrick.

"Manong sandali lang po!" Sigaw ko. "Para!" Mabilis akong bumaba ng jeep. Naglabas agad ako ng payong tapos tumakbo ako sa kinaroroonan ni Patrick.

Tumigil ako ilang metro mula sa waiting shed. Hindi ako nagkakamali, siya nga yun. Dumating siya. Dumating si Patrick para sakin.

"Patrick!"

Lumingon siya papunta sa direksyon ko. Naramdaman kong bumilis yung tibok ng puso ko nung magkatinginan kami ni Patrick. Napatayo siya bigla. "Ella." Mahina niyang sinabi. Ngumiti siya at binanggit niya ulit yung pangalan ko pero ngayon, mas malakas na. "Ella!" Nilusob niya ang ulan at tumakbo papunta sakin.

Binitawan ko yung hawak kong payong at sinalubong ko rin siya ng takbo. Nung nagkaabutan na kami, bigla niya akong niyakap. Niyakap ako ni Patrick sa gitna ng ulan. Niyakap ko rin siya pabalik. Ang init sa pakiramdam kahit na malamig yung hanging dala ng ulan.

Hindi ko na napigilan yung pag-iyak ko. Hindi ko na malaman kung luha ko ba o patak ng ulan yung tumutulo sa mukha ko. Hinigpitan ko yung pagkakayakap ko sa kanya. Nung mga oras na yun, parang nawala lahat ng sakit. Para akong nabunutan ng tinik. Nawala lahat ng bigat sa dibdib ko.

"Ella, I'm sorry." Bulong sakin ni Patrick. Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin. Hinawakan niya yung mga kamay ko sabay sabi ng "Ella, patawarin mo ko." Tinanggal niya yung pagkakahawak niya sa mga kamay ko at yung mukha ko naman yung hinawakan niya pagkatapos ay hinawi niya yung buhok ko. "I'm really sorry for what happened." Sabi niya habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak. "Shh. Shh. 'Wag ka nang umiyak. Nandito na ako." Pinunasan niya yung luha sa mukha ko kahit na mababasa pa rin yun ng ulan.

"'Wag mo na kong iwan, please." Sabi ko sa kanya sa pagitan ng paghikbi ko.

"Oo, hindi na kita iiwan. Hindi na ko mawawala sa'yo. Pangako." Napangiti ako sa sinabi niya. "O, tama na. Tigil mo na yung iyak mo. Tingnan mo itsura mo oh, mukha ka nang ewan." Tumawa siya kaya natawa na rin ako. Ang tagal kong hindi narinig yung tawa niyang yun. Ang sarap palang pakinggan.

"Ikaw kasi eh!" Sabi ko sa kanya sabay simangot.

"O, sorry na nga diba? Nandito na ko. Dito lang ako sa tabi mo." Hinawakan niya ulit yung kamay ko pero bumitaw ako.

"Totoo ba talaga yan?" Tanong ko sa kanya na may kasamang pagdududa.

Hinawakan niya ulit yung mukha ko. "Ella, makinig ka sakin." Tiningnan niya ko ng diretso.

"Mm?"

"Mahal kita, Ella." Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. "Mahal kita." Inulit niya na parang hindi ko narinig nung una. Wala na kong nasabi. Napangiti na lang ako dahil sa tuwang nararamdaman ko. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong halikan sa noo tapos niyakap niya ulit ako ng mas mahigpit. Totoo pala yung sinasabi nila na masarap talaga yung pakiramdam kapag hinalikan ka ng lalaki sa noo. Pakiramdam ko sobrang safe ko sa kanya. Nung mga panahong yun, para akong may guardian angel na handa akong protektahan anuman ang mangyari.

"Mahal din kita, Patrick." Bulong ko sa kanya.

Mahal na mahal.

_________________________________________________________

Guys! Sorry kung ang sabaw ng ending ko pero yan na yun talaga. Sana nag-enjoy kayo sa pagbabasa ng Waiting Shed. I hope na-inspire ko kayo kahit papano. Please continue supporting my stories! May bago akong KathNiel fanfic. Click niyo na lang yung external link ♥

MARAMING SALAMAAAAAAAAT!!!

Copyright © 2012 by EmpressDreamer

All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the permission from the author.

Continue Reading

You'll Also Like

20.8M 512K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
10.4M 565K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...