Satellite Kiss : Escape

By sugarandalmonds

165K 5.4K 259

"A moon is Earth's natural satellite, just like you for me; we are bound with each other by a gravitational p... More

Prologue
SK 1:
SK 2:
SK 3:
SK 4:
SK 5:
SK 6:
SK 7:
SK 8:
SK 9:
SK 10:
SK 12:
SK 13:
SK 14:
SK 15:
SK 16:
SK 17:
SK 18:
SK 19:
SK 20: last chapter
Epilogue

SK 11:

6.2K 216 13
By sugarandalmonds

SK 11:

Unang beses niyang makapunta sa Bridal Shower, hindi niya alam na ganoon pala iyon ka –naughty. Sa bawat pagkabigla niya ay napapainom siya. Mayroong cake na hugis ari ng lalake, maging ang mga balloons na nasa paligid. Pati ang usapan ng mga ito, hindi siya makasakay kaya naman ngiti lamang ang kanyang nagiging sagot sa bawat tanong.

"Lasing na yata si Yuri, wala pa man talaga tayo sa pinakamagandang part." Tukso sa kanya ng mga ito. Medyo nahihilo na nga siya, nagbago ang musika naging mas maharot sa pandinig , kasabay noon ay ang hiyawaan at tilian habang nakatingin sa may pinto. May dalawang malalaking katawan ang pumasok sa kanilang inookopang silid, naka-maskara ang mga ito, naka top less at underwear lamang ang suot, nang makarating sa gitna ay nag-umpisang magsigiling ang mga ito. Sinasabayan din ito ng mga kasama nila sa paggiling, ang mga kamay nila ay naglalandas sa katawan ng mga ito.

So this is how it looks like.

"Sayawan nyo siya." utos ng bride, nagulat siya ng makita niyang sa kanya nakaturo ito. inalis na nang dalawang lalake ang kanilang mascara. Malaki ang nakapaskil na ngiti habang lumalapit sa kanila. Nanlalaki ang kanyang mga mata, ayaw niya nito, sana pala nakinig na lamang siya kay Derron.

"No, okay lang ako." Tanggi niya. She crossed her arms in front of her face. Pero patuloy pa rin sa pagtukso ang mga ito sa kanya , tinutulak pa ang mga lalake sa kanyang harapan, pinagitnaan siya ng dalawa habang marahas na gumigiling sa kanyang mga gilid.

"Look at me baby." Utos ng isa. She feels numb. May boses na pilit pumapasok sa kanyang isip. She tried to ignore it but that voice was too strong to handle. She's afraid that she might pass out.

"Okay lang ako, sa iba na lang." taboy niya sa mga ito, hindi niya na magawang ngumiti.

"Come on Yuri, your husband's not here. No need to be shy. Tayo tayo lang naman." Sabi pa ng isa. It doen't matter. Ang mahalaga lamang ay umalis ang dalawang lalake na nasa kanyang harapan.

"Tama na please." She felt like crying, nakatakip na ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha.

Tumigil ang musika, natahimik ang paligid hanggang sa maramdaman niya ang isang pamilyar na kamay na nakahawak sa kanyang braso. Unti-unti niya itong dinungaw, she calmly sighs when she realized who it was.

"Let's go. I know you're tired wifey." Bagama't nakangiti, alam niyang may halong galit sa mga mata nito. Hindi niya alam kung paano sila nakalabas o kung nakapag-paalam pa ba ito sa mga kasama niya , basta ang mahalaga sa kanya malayo na siya doon...salamat kay Derron , salamat sa kamay nito na hindi bumibitiw sa kanya.

Hindi niya alinatana kahit mahigpit pa ang hawak nito.

...

"Ceres will hate you for sure. Huwag mong isipin na nakahanap ka nang kakampi." Ilang araw matapos ang insidente ay nakatanggap siya nang pagbabanta mula sa parehas na mga taong iyon. She ignored it thinking that it was just a part of their heart ego. Maayos naman na kasi ang pakikitungo sa kanya ni Ceres, maayos in a sense na hindi naman sila nag-aaway o nagtatalo. Mabait naman din kasi iyon, iyon nga lamang may sariling mundo. Basta ba, huwag mong pakekealaman ang mga gamit niya, magkakasundo kayo. Kaya kahit na gusto niyang ayusin ang area nito ay hindi niya ginagawa, she's afraid that it might be the start of their misunderstanding, pero kung sabihin siya she will gladly do it.

Minsan pa nga ay nagsasabay silang kumain ni Ceres sa canteen, doon niya napansin na ilag ang mga kaklase nila dito, ilag na may kalakip na takot. Kung tutuusin mabait naman ito, o masyado lamang siyang naïve para mag-conclude agad. After all, hindi naman niya ito ganoon kilala.

Pauwi siya sa kanilang dorm nang makitang nagkakagulo ang mga estudyante sa harapan, may pinapalibutan ang mga ito. Na-curios ang mga ito kaya naman nakitingin na rin siya.

"Hindi ba't kay Ceres ang mga gamit na iyan? Siya ang mahilig mangolekta ng ganyang mga albums at posters." Bulong ng isa.

"Ang sama naman nang gumawa nito. Magagalit si Ceres."

"Hindi pa niya alam? Magwawala iyon."

"Sino kayang gumawa?" nasa damuhan ang mga collections ni Ceres, wasak-wasak at may spray ng pintura. Alam niya kung gaano kahalaga iyon sa kanyang room mate, sino kaya ang may gawa? Napatingin siya sa paligid, iba ang tingin ng mga estudyante sa kanya.

"Siya ang room mate ni Ceres, siya marahil ang salarin." Akusa sa kanya ng isa na sinang-ayunan ng iba pa. Hindi niya alam, wala siyang kinalaman doon. Alam niya kung gaano iyon kahalaga kay Ceres, bakit niya naman sisirain.

"Tabi!" ang galit na boses ni Ceres ang siyang nagpagulat sa kanya. Galit na galit ito habang nakatingin sa mga collection nito na hindi na mapapakinabangan.

"Sinong baliw ang gumawa nito?" tanong niya sa paligid, nanlilisik ang mga mata.

Umangat ang mga kamay ng mga tao sa paligid ang hintuturo ng mga ito ay tumuro sa kanya. Kung paanong nahusgahan siya ng ganoon ganoon na lamang, walang paglilitis.

"Siya ang room mate mo, siya ang posibleng salarin. Kunwari wala siyang alam." Sulsol ng isa. Hindi niya matukoy kung sino iyon pero sobra ang bawat akusasyon nito.

"Hindi ko-" bago pa man siya makapagpaliwanag ay nasampal na siya ni Ceres. Malakas, sa sobrang lakas ay bumaling ang kanyang mukha.

Ano bang ginawa niya para matanggap ito.

"Kung galit ka sa akin, sa mismong harapan ko." Pagalit na sabi nito bago umalis. Siya naman ay naiwan doon, sapo ang kanyang pisngi habang tinatanggap ang masasamang akusasyon sa kanya.

"May gana ka pang pumasok sa kwarto no? Ang kapal ng mukha mo, sa labas ka matulog, bagay lamang sa iyo yan!" singhal ni Ceres bago siya pagbagsakan ng pinto. Nais niya pa namang magpaliwanag pero paano niya magagpawa iyon kung galit na galit ito. It's not her fault, sa huli bumaba siya para kuhanin ang mga nasirang gamit ni Ceres, susubukan niyang makagawa ng paraan, may ipon naman siya para palitan ito, kahit hindi niya kasalanan. Pakiramdam niya may pagkakamali siya.

"Aray." Nadapa siya dahil may tumulak sa kanya mula sa likod, paglingon niya ay si Nikky at ang mga kaibigan nito.

"Paano ba iyan? Wala ka na ulit kakampi?" tuya nito sa kanya. "Ang dali niyo lang talaga pag-awayin, parehas kasi mahina ang utak nyo, matalino ka lang sa academics pero outside, ang bobo mo." May nilalaro itong susi sa daliri. Duplicate key siguro ng kanilang kwarto.

Sabi na nga ba niya, malakas ang kutob niya. Nagtawanan pa ang mga kasama ng mga ito na unti-unting lumapit sa kanya, tumayo siya para depensahan ang kaniyang sarili.

"Makakalaban ka ba?" mas mayabang ito dahil mas marami. Tinutulak siya ni Nikky sa balikat, may dalawang pumunta sa kanyang likod, hinawakan siya sa magkabilang braso, may isa na nakasabunot sa kanya.

"Alam mo inis na inis talaga ako sa'yo." Ang susi na hawak nito ay dinidiin pa sa kanyang pisngi.

"Bitawan nyo ako."

"Ayoko nga, paano kung sirain ko ang mukha mo gamit ang susi na ninakaw ko? What do you think? Saka nag enjoy akong sirain ang mga basura ni Ceres, ang yabang nang isang iyon, nakaganti rin ako sa wakas sa kanya." Tumawa ito ng nakakaloko.

"Malalaman niya rin ang totoo." Matigas niyang sabi dito. Sana may teacher na makakita sa kanila. That's her only escape, mali nga ba talaga na pinili niyang mag-aral sa mas malayo? Na maiba?

Ganito ba talaga siya kamalas.

"Hindi niya malalaman." Matapang nasabi nito.

"Sorry, alam ko na!" nagulat silang lahat ng lumitaw si Ceres sa likod nito, hinawakan nito ang buhok nang mahigpit at nginudngod sa lupa, sigaw ng sigaw si Nikky pero ayaw bitawan ni Ceres. Tutulungan sana ito ng mga kaibigan nito kaya lamang nagbanta si Ceres.

"Sige lumapit kayo, kung hindi isusunod ko kayo sa baliw na babae na ito." hindi pa siya nakuntento, sinampal niya pa si Nikky at pinadapa sa mga gamit niyang sinira nito. Ilang sandali pa ay pinapalibutan na sila ng mga estudyante may dumating guro na nagdala sa kanila sa Principal's office. Sila ang inakusahan dahil grabe ang sinapit ni Nikky, nagdurugo ang mukha nito, malapit nang magdesisyon ang principal na patalsikin sila hanggang sa maglabas ng cellphone si Ceres. Nakuhanan nito ang pangyayari, lalo na ang sinabi ni Nikky na pagnanakaw ng susi na ginawa nito. Nabaliktad ang sitwasyon.

"Halika na."

"Ha?" nagulat siya dahil hinawakan ni Ceres ang kanyang kamay hindi na ito galit, nakangiti ito.

"Sorry sa pagsampal ko, alam kong hindi ikaw ang may kasalanan. Kailangan kung gawin iyon para lumitaw sila."

She understands. Ngumiti siya dito.

"Good. Friends?" Alok nito, nakalahad ang kamay,nakangiti.

Sino siya para tumanggi pa?

"Friends."

And that's how "it" started.

The first stitch of that invisible red thread.

5cH

Continue Reading

You'll Also Like

908K 11.4K 14
[Fin] Mature Content | R-18 | Restricted She kissed him, He responds. She wants to stop, He wants to continue. She walk-out, He followed. It's all st...
122K 3.4K 16
Royal Series 1 Trey Gregory Amante
2.7M 35K 42
Pinili ni Aly na sundin ang desisyon ng iba para sa ikabubuti ng taong mahal niya. Hindi man niya gustong iwan 'to, hindi naman niya kayang makita 't...
11.7M 474K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...