Bizarre Love Square

By waynesandkisses

526K 6.9K 2K

Find out how did Aicel, Sage, Patch and Lewis experience their wild and crazy love square story and how did t... More

ANNOUNCEMENT
Bizarre Love Square Teaser
Bizarre Love Square Prologue
[01] Falling for you, Dropping so quickly.
[02] I can't forget the hour, that moment with you.
[03] So Close, yet So Distant.
[04] Taking my Breath Away
[05] And I'll be gone gone today.
[06] So I'm hiding what I'm feeling.
[07] But I'm tired of holding this inside my head.
[08] Nothing can come between You and I.
[09] When I look at you, I see him staring through.
[10] But in my world, there is only you.
[11] I Got your Love this Christmas.
[12] My One and Only You
[13] Your Love is a Lie
[14] Would you come back to me?
[15] The more I talk to you, I fall in love with everything you do.
[16] Nothing will ever change this Never Changing Love.
[17] I would do anything for you.
[18] And this is the part when we say we're in love.
[19] Can't fight this feeling.
[20] Forever yours, Here I stand.
[21] And fan the flames so hot it melts our hearts.
[22] I wanna love you but I don't know if I can.
[23] So hold me close and say three words.
[24] I've never felt this way. To be so in love.
[25] Don't worry, there'll be days like this.
[26] We're all in this together.
[27] There's more to life when we listen to our hearts.
[28] It feels so right to be here with you.
[29] I'd give away a thousand days, Just to have another one with you.
[30] Promise you, for you I will.
[31] Just the thought of you can drive me wild.
[32] And I can't let you go even though it's over.
[33] And I'm only me when I'm with you.
[34] Make me remember you, like you remember me.
[35] I want the world to see, what you mean to me.
[36] And there's nothing I can do, I just gravitate towards you.
[37] Because maybe, you're gonna be the one that saves me.
[38] I can't explain this feeling that I'm feeling.
[39] Tonight, I've fallen. And I can't get up.
[40] I think I love you better, now.
[41] Something just ain't right.
[42] I swear my heart is never giving up.
[43] Got my heart beating fast. It's cardiac arrest.
[44] When the walls come down, I'm here to stay.
[45] Feeling stupid cause I know it ain't you and me.
[46] Cause it'll never be over, until you tell me it's over.
[47] That's why you're in a locker, full of hurt.
[48] I run this game. Just play your role.
[49] I'm no angel, I'm just me. But I will love you, endlessly.
[50] I reach out trying to love but I feel nothing.
[51] It's bad when you know it's your heart you can't trust.
[52] But I'm trying to hope with nothing to hold.
[53] Then it goes away, but I don't really wanna give up.
[54] I could stop the world with only just your kiss.
[55] And with a word, all my love came rushing out.
[57] If you give me a chance I can love you right.
[58] Just when I think that I can't love you anymore than I do, I do.
[59] Through the push and the pull, I still drown in your love.
[60] I don't want to use you just to have somebody by my side.
[61] It's the same old feeling back again.
[62] I feel something so right, by doing the wrong thing.
[63] And my heart says, It must be you.
[64] With you, I'm gonna do quite a few things that I never thought I would do.
[65] Baby, why can't we just start over again? Get it back to the way it was.
[66] It takes me all the way. I want you to stay.
[67] Your in my arms here next to me, forever.
[68] But your eyes say everything, without a single word.
[69] You're my end and my beginning. Even when I lose I'm winning.
[70] I gotta get it through your head, that you belong with me instead.
[71] You would still have my heart until the end of time.
[72] Hold me like you'll never let me go.
[73] And out of all these things I've done, I think I love you better now.
[74] Cause love comes slow and it goes so fast.
[75] Cause all of me, loves all of you.
Bizarre Love Square Epilogue

[56] If this is love, please don't break me.

3.2K 68 26
By waynesandkisses


Chapter Fifty Six

AICEL

“Mahal mo ba to?”

Nag-echo sa utak ko ang tanong na iyon ni Liam. Tila tumigil ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Parang pati itong puso ko ay gustong marinig kung ano ba ang isasagot ni Sage sa tanong na iyon.

Sage didn’t reply. He’s quiet. At halos lahat kami na nanunuod sa kanila ay hindi umiimik, hinihintay namin ang isasagot niya. Why is he not answering? Bakit ba ang tag—

Unconsciously, I looked up on the stage, at ang mata agad ni Sage ang nakita ko. He’s dead serious and he didn’t bother to smile. He’s staring at me intently, not even daring to blink.

“Hoy, Sage! Natuod ka na diyan!” Sigaw ni Liam sa kanya ngunit hindi pa rin nito inaalis ang mga mata sa akin.

Can he just answer the question? Bakit ba kailangan pa niyang makipag-titigan sa akin. Ugh!

“Last ten seconds!” Nagsigawan na ang mga tao pagkasabi ni Stan na may huling sampung segundo na lang sila. Pero si Sage, eto, katitigan ko pa rin.

He finally cleared his throat. He was about to say his answer when someone covered my eyes from the behind. Kaya naman nawala ang focus ko kay Sage at automatic na lumingon ako dito.









“Lewis!” I shrieked.

“What are you doing here?” He asked.

Ngunit hindi ko siya pinansin at binalik ang tingin ko sa stage nang mag-tilian na ang mga tao. It was a signal that the game had ended.

“YES! ANG GALING KO TALAGA!” Sigaw-talon si Liam nang matanggap ang premyo niya. Ibig sabihin ba nito, tumama ang sagot niya?

Pero, anong sinabi ni Sage sa huling tanong ni Liam sa kanya?

Napatingin ako sa gawi ni Sage. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong kinabahan sa mga titig niya. Nakakunot ang noo nito at hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isip niya. The next thing I knew, he avoided my gaze at saka dere-derechong bumaba ng stage.

WTH. What did he say?

What is his answer? Damn!

“ANONG SINAGOT NI SAGE SA HULING TANONG NI LIAM?” Sigaw ko kay Lewis. Alam kong nagulat siya dahil miski ako, nagulat sa sudden outburst ko.

“I-I don’t know. Kausap kita nun e.” He answered.

I sighed in frustration. Bakit hindi ko narinig ang sinagot niya? Ito na nga e. Sasabihin na niya ang sagot na matagal ng bumabagabag sa akin but I thrust them.

“Bakit ba ganyan ang itsura mo?” Lewis gently lifted my chin upang makita ang muka ko. Feeling ko maiiyak na ako dito. Ugh! “Chin up, sweetie.”

Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin upang gawin to, pero niyakap ko si Lewis. Feeling ko galit si Sage sa akin. Bakit ganun siya makatingin kanina? Nakakainis!

“G-Gusto mo b-ba mag d-date t-tayo?” Lewis stuttered.

Lumayo ako at tumingin sa kanya ngunit naka-iwas lang ang tingin niya sa akin. “H-Ha?”

Date. Naalala ko na naman yung kagabi.

Before I could say my reply, hinila na ako ni Lewis papuntang school grounds.  

xxx

SAGE

Minsan mapang-asar talaga ang universe no? Kung ano yung mga bagay na gusto mong kalimutan, yun pa ang lagi mong naaalala. At kung ano naman yung mga bagay na gusto mong laging naaalala, yun naman ang nakakalimutan mo.

“If you’ll ask me if I love you, Aicel. I can’t lie.”

Gusto kong ipukpok ang ulo ko sa pader dahil sa naging sagot ko! Bakit ba kasi siya magtatanong ng ‘Mahal mo ba ako?’ ng biglaan sa ganoong sitwasyon? Syempre, ako tong si torpe, nahirapan bumawi sa pagka-bigla!

Hindi ko nga din alam kung bakit yun ang nasabi ko sa tanong niya. Desidido na ako e. Oo, mahal kita. Aaminin ko na sana e. Kaso, bigla na namang umurong ang dila ko. Hirap na hirap akong sabihin ang simpleng ‘Mahal kita’ sa kanya. Ganon naman kasi talaga yon, diba? Kapag totoo ang nararamdaman mo, ang hirap sabihin.

Putek kasi. Natatakot ako sa magiging reaction niya. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa amin. Natatakot ako kasi posibleng may magbago sa aming dalawa. At ayokong mangyari lahat ng kinatatakutan ko kaya hindi ko masabi sa kanya ang totoo.

Mahal talaga kita, Aicel. Mahal na mahal pa.


Yang lintik na “I can’t lie” na yan ang dahilan kung bakit ako nalate ng gising kanina. Hindi ako makatulog ng ayos kagabi dahil iniisip ko yan. Bukod don, nag-flashback din sa akin nang halikan ko siya. B-Bakit kaya niya ako hinalikan pabalik? Siguro—

Ahhh. Imposible, Sage!

Nakakalimutan mo bang hindi ka gusto ni Aicel? Marahil nabigla lang din yon. Pero huwag kang mag-assume at mag-feeling kung bakit humalik din si Aicel sayo.

Paglabas ko ng Sweets and Cups kanina (dahil nakokornihan na ako sa mga banat ng mga kaibigan ko sa loob), nagulat ako nang may humila sa akin at dinala ako sa isang mini stage.

“Pre! Tulungan mo ako, hinuli nila ako—” Sabi ni Liam nang paupuin ako ng babae sa harap niya.

Mukang Pinoy Henyo to ah. Tae! Natatawa ako. Si Liam? Kasali sa Pinoy Henyo? Haha! Pinoy, pwede pa. Pero HENYO? Hahaha! You’ve got to be kidding me!

“The feeling is mutual, pre. Hinuli din nila ako.” (~~.) 

“Huwag na kayong tumakas. Mabilis lang naman to e.” Panimula ni—STAN?! Anong ginagawa ng mokong na to dito! “Sage, Oo, Pwede at Hindi lang ang isasagot mo. No foul words.”

“Oo na! Let’s do this!” Bored na sabi ko nang matapos na.

Dinikit na ni Stan ang papel sa noo ni Liam, at nanlaki ang mata ko sa nabasa ko! Ano na namang klaseng trip to? (-___-’)

Bakit naman kasi Aicel Bernardo ang nakalagay dun sa papel. Mukang napag-planuhan na tong kalokohan na to ah. Lagot sa akin ang dalawang kumag na to! (~~.)

Stan set the timer. “Timer starts now!”


Okay naman yung laro e. Sa totoo nga niyan nage-enjoy ako. Nakikita ko kasi siya mula dito. Oo, si Aicel. Tanaw na tanaw ko siya na nanunuod sa amin ni Liam. Lihim akong natatawa kapag kumukunot ang noo niya sa mga sagot ko. Inaasar ko lang naman siya dahil ang cute cute talaga niya kapag nabubwisit. Akala mo kay lalabas na usok sa ilong niya e.

Pero sa kabila ng mga pang-aasar ko, lihim din akong kinikilig kapag napapangiti siya. Haha. Ako, kinikilig? Tae. Ang bading pakinggan. Pero natutuwa talaga ako kapag nangiti siya. Lalo na dun sa tanong ni Liam kung maganda ba siya, mabait, matalino at kung nasa kanya na ang lahat. Kung hindi lang ako malayo, malamang makikita ko siyang nagba-blush. Hahaha!

Okay na sana e. Okay na.

Kaso, bigla na lang tinanong ni Liam ang pinaka-mahirap na tanong sa buong buhay ko. It was a simple Yes or No question, pero ito ang pinaka-iniiwasan kong tanong sa lahat. Sana nagpa-solve na lang siya sa akin ng Math Equation o kaya ng Problem Solving sa Physics. Pero itong tanong na to? Damn! I'm now cornered.

Yes, I love her. I really do. Gustung-gusto kong sabihin nang derecho sa kanya ang nararamdaman ko pero kapag naiisip ko ang mga pwedeng mangyari sa aming dalawa—nanlalambot ako. Unti-unti akong kinakain ng mga takot ko.

“Mahal mo ba to?”  

I kept quiet. I remained silent.

Hinuhuli ko ang mga mata niya. Tumingin ka sa akin, Aicel. Kapag ginawa mo yon, sasabihin ko ang totoo. Bahala na kung anong pwedeng mangyari, basta tumingin ka—shit.

SHE DID.

SHE’S STARING AT ME AS MUCH AS I’M STARING AT HER!

“Hoy, Sage! Natuod ka na diyan!” Sigaw ni Liam sa akin ngunit hindi ko pa rin inaalis ang mga titig ko kay Aicel. Bahala si Liam diyan. Makikipag-titigan muna ako sa kanya.

“Last ten seconds!” Nagsigawan na ang mga tao pagkasabi ni Stan na may huling sampung segundo na lang ang natitira samin. Pero ako, eto, katitigan ko pa rin si Aicel.

Sabi ko kanina, kapag tumingin siya—sasabihin ko na.

So, this is it.

I finally cleared my throat. Nakatingin pa rin ako kay Aicel and I was about to say my simple yet clear answer to Liam’s question, when someone covered her eyes from the behind kaya lumingon ito patalikod kay Lewis.

“Oo.” I murmured without removing my gaze on Aicel. “Mahal na mahal ko yan.”

Liam grinned and shouted his answer. “Edi, Aicel Bernardo!”

Saktong sakto lang ang sagot ni Liam nang mag-end ang timer.

“YES! ANG GALING KO TALAGA!” Sigaw-talon si Liam nang matanggap ang premyo niya.

Naiinis ako! You should have heard it. Sana narinig mo. Pero, wala e. Naalala ko—ayan nga pala si Lewis.

Kunut-noo ko siyang tinignan nang mapatingin siya sa akin. Bahala na. I removed my gaze on her at dere-derechong bumaba ng stage.

Tatanungin kita Sage, pang-ilang supalpal moves mo na ba to?

Nakakapagod na ba minsan? Ugh!

xxx

LEWIS

Bigla na lang nawala si Aicel sa Sweets and Cups kaya lumabas ako upang hanapin siya. I even asked the other students kung nakita ba nila si Aicel. Nang mapansin kong may nagkukumpulan at nagkakatuwaan sa isang mini stage.

Out of curiosity, lumapit ako sa mini stage at nakita ko sila Liam, Sage at Stan sa gitna. Naglalaro sila ng Pinoy Henyo at halos matawa ako nang mabasa ang pangalan ni Aicel sa noo ni Liam. Natatawa na rin ako sa mga sagot ni Sage. Kung naririnig siya ni Aicel ngayon, paniguradong wala na siyang buhok bukas. Hahaha.

Nagpalingon-lingon ako sa crowd nang mahagip ng mata ko ang babaeng kanina ko pa hinahanap. She’s smiling while watching Sage and company on the stage. Balak ko sana siyang gulatin nang biglang sumeryoso ang muka niya. She’s seriously staring at—Sage?

Nagpalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. Actually, kanina pa ako nakakahalata na medyo ilang sila sa isa’t-isa. Lalo na’t pareho pa ang rason nila kung bakit sila late. Nang pagmasdan ko ang titigan battle na iyon, parang nakaramdam ako ng—ugh! Ano ba to! (-___-’)

Hindi ko na ata kayang makita ang titigan nila sa isa’t-isa kaya naman pumwesto ako sa likod ni Aicel upang takpan ang mga mata niya. She automatically looked back to face me.

“Lewis!” She shrieked.

“What are you doing here?” I asked. Ngunit hindi niya ako pinansin at bumalik ang tingin niya sa stage nang magtilian ang mga tao. Mukang tapos na ata ang laro.

Nagtata-talon sa tuwa si Liam nang matanggap ang premyo niyang chocnut. (-___-’) Habang si Sage naman ay dire-derechong bumaba ng stage. Hindi niya ata nagustuhan ang ginawa kong pag-epal sa staring contest nila ni Aicel. Hindi ko nga rin alam kung ano ang nagtulak sa akin upang gawin yon e. Basta ginawa ko na lang.

“ANONG SINAGOT NI SAGE SA HULING TANONG NI LIAM?” Sigaw ni Aicel sa akin. Nagulat ako dahil sa sudden outburst niya. Bakit ba siya ganito?

“I-I don’t know. Kausap kita nun e.” I answered. Ni hindi ko nga alam yung tanong.

I heard her sighed. Parang frustrated talaga siya dahil hindi niya nalaman ang sagot ni Sage. Ano ba yung tanong? Maybe I could answer that for her, diba?

“Bakit ba ganyan ang itsura mo?” I gently lifted her chin upang makita ang muka niya. Napansin ko ang nangingilid na luha sa gilid ng mata niya. Is she crying? “Chin up, sweetie.”

I was surprised when she hugged me. Ngayon alam ko na, na sa kabila ng pagiging sadista at brutal ni Aicel ay ang nagtatagong kahinaan. She’s too fragile and vulnerable.

“G-Gusto mo b-ba mag d-date t-tayo?” I stuttered.

The eff. Why am I stuttering? I’ve asked Patch or even Geleen to have a date with me several times, pero kakaiba pala yung kabang mararamdaman mo kapag nagyaya ka sa ibang tao. Parang bumabalik ka ulit sa starting point mo. Back to zero. Putek!

Lumayo siya sa pagkakayakap sa akin saka ako umiwas ng tingin. “H-Ha?”

Before she could say her reply, hinila ko na siya papuntang school grounds.


“Saan mo gustong pumunta?” Tanong ko kay Aicel. Paikot-ikot na kami sa School Grounds pero wala kaming matinong mapuntahan.

“Hindi ko alam. Nakakatamad naman kasi tong School Fair na to e.”

Totoo naman iyon. Para lang kaming nasa perya. May mga rides din naman sa Plaza kaya nakakatamad na sumakay sa mga korning rides dito. Pareho lang e. Yung ibang mga booths naman, wala na ding kwenta. Mag-aaksaya ka lang ng pera mo. (-___-’)

“Gusto mo na bang kumain?” I asked.

“Mmm.” Umiling siya at ngumiti sa akin. “Mamaya na tayo kumain sa Sweets and Cups Cafe. Para hindi naman tayo malugi. Haha!”

“Ayan. Dapat lagi kang nakangiti.” Ginulo ko ang buhok niya kaya sumimangot ulit siya.

“Enebe!” Sabay tapik sa kamay ko.

“Always be happy, Aicel.” I blurted out of the blue, and smiled at her. “Because you never know who’s falling in love with your smile.”

OH SHOOT.

(O.O) (-___-’)

Natigilan kaming pareho sa sinabi ko. Sandali kaming nagkatitigan at feeling ko nga’y tumaas lahat ng dugo ko sa ulo ko. W-What did I just say?

“H-Ha?” Umiwas agad ako ng tingin sa kanya.

Minsan talaga kung anu-ano na lang na words of encouragement ang lumalabas sa bibig ko. Nakakainis! Ang sarap tampalin ng bibig ko (~.~)

“Attention!” Napatingin kaming dalawa sa Information Booth nang may magsalita. “Attention Jail Guards! Hulihin lahat ng mga gwapo.”

Siniko ako ni Aicel. “Uy, gwapo daw. Magtago ka na!” (^.^)

Bigla naman akong namula sa sinabi niya. Humble naman ako kahit papaano. Minsan lang ako maging aircon no. Haha. “H-Ha? Hindi naman ako—”



“LEEEEWWWWWIIIISSSSSSSSS!”

Napatingin ako sa baklang isinigaw ng pagkalakas-lakas ang napaka-ganda kong pangalan. He’s or She’s—ugh whatever! He’s meters away from us at slowmotion pa itong nagtatakbo palapit sa akin. Yung malanding pagtakbo. Gets niyo? Siguro jail guard to! Ugh.

“Patay!” I muttered.

“Pfft.” Napatingin ako kay Aicel na nagpipigil ng tawa. “Mukang sinusundo ka na. Haha!”

“LEEEEWWWWWIIIISSSSSSSSS!”

Shit. Shit. Hindi ko na alam kung anong ginawa ko, basta inalok ko ang kamay ko kay Aicel. Bahala na. Basta ang alam ko lang, kailangan kong makatakas dito!

“A-Anong gagawin ko diyan?” Tinitigan niya ang kamay ko.

“Take my hand and we will run away.”

“H-Ha?” Naguguluhang nagpalit-palit ang tingin niya sa kamay ko at sa mata ko. Slow talaga!

“Let’s runaway together!” Before she could speak, kinuha ko na agad ang kamay niya at nagtatakbo sa kung saan. We’re running away from the jail guards!

“LEEEEWWWWWIIIISSSSSSSSS!”

Lumingon ako sa likod ko at nakita ko yung bakla na hinahabol kami. Tae naman oh! Sino ba kasing may sabi na gwapo ako? Hindi naman nila ako kailangang hulihin e! Susuko na lang ako ng kusa kung siya lang din naman ang huhuli sa akin. Tss!

“Hahahaha! Habulin ka talaga, Lewis!” She said between her laughs.

“Tss.” Binilisan ko ang pagtakbo at paghila sa kanya. “Tama bang mang-asar ka ngayon? Pwede bang pakibilisan ang pagtakbo? Malapit na siya, oh.” 

“Hahaha!” Natatawa siyang tumingin sa likod namin. “Pumila tayo sa Ferris Wheel!”

“H-Ha?” Ferris Wheel daw! Anong! Alam niyong takot ako diyan, diba? At ang tanging babae lang na nakakapagpa-sakay sa akin sa Ferris Wheel ay si Patch.

Before I knew it, nakapila na kami sa Ferris Wheel. Ngiting tagumpay si Aicel, habang nakasimangot namang lumapit sa amin ang baklang humahabol sa amin kanina.

“Madaya ka, Lewis! Pasalamat ka, naka-pila kayo.” Padabog itong naglakad palayo sa amin.

“Hindi ko gets.” I uttered. Bakit hindi niya ako hinuli? (-.-’)

“Slow.” Biglang pinitik ni Aicel ang noo ko.

“Nagsalita ang hindi slow.” I jested. “Sabihin mo nga sa akin kung anong connection ang gamit mo, para ma-upgrade natin ang speed. Simpleng hawakan lang ang kamay ko, hindi pa gets.”

“Hindi ko naman talaga gets e! Malay ko ba kung pinapakagat mo sa akin ang kamay mo! Tss.” Geez! Aicel and her witty comebacks. Hahaha.

“Eh, ano ba kasing ginagawa natin dito sa Ferris Wheel?”

“Tignan mo ikaw ang slow.” She raised her brow. “Kasi po, kapag naka-pila ka sa rides, bawal kang hulihin ng mga jail guards.”

“Ahh.” Tumango-tango ako. “Oo nga pala.”

“Tsk! Tsk! Tara na!” Hinila na lang niya ako basta papasok ng Ferris Wheel.

Natigilan ako saglit nang pinapasakay na kami ni Kuya. Hindi ko maigalaw ang paa ko. Hindi ko kayang sumakay, lalo na’t hindi siya ang kasama ko. Siya lang naman ang may kayang asarin at pagtawanan ako at palakasin ang loob ko at the same tim e. Kaya ko ba? Ang bading e. Pero, ayoko talagang sumakay sa Ferris Wheel na to!

“Lewis, halika na!” Aicel gestured for me to come close. Nang hindi ako umalis sa kinatatayuan ko, lumapit siya sa akin at hinila na ako pa-upo. Nangangatog na ang tuhod ko. “Sa tingin mo ba iikot ang Ferris Wheel kapag tinitigan mo? Haha. Kakatawa ka e!”

Nag-start ng umikot ang Ferris Wheel kaya naman napa-kapit ako ng mabuti sa gilid. I even closed my eyes. I keep on cussing and cussing habang umiikot ng dahan dahan ang Ferris Wheel. Partida, mabagal pa yan pero gusto ko na agad tumalon! Waaaaaaahhhhhhh!

“L-Lewis, bakit namumutla ka? Takot ka ba dito?” Iniharap niya ang muka ko sa kanya pero ayokong magmulat ng mata. Hindi ko kayang tumingin sa baba.

Naramdaman ko na lang bigla ang paghawak niya sa aking kamay.

Naalala ko kung noong una kaming sumakay sa Ferris Wheel. Ayoko na siyang bitawan non. Ayoko na siyang pakawalan pa. Natatakot akong pakawalan ang kamay niya. Tignan niyo naman—Noon, takot akong pakawalan ang kamay niya dahil sa Ferris Wheel. Pero ngayon, hindi lang kamay niya ang pinakawalan ko. Dahil mismong siya, binitawan ko na.

“Open your eyes, Lewis.” She said.

“A-Ayoko. Natatakot ako.” I almost wept.

“Wag ka ng matakot. Hindi kita bibitawan.” She said, assuring me.

Napangiti ako sa narinig. “T-Talaga?”

“Talaga.” Pagka-sabi niya noon, unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.

Ang ganda! Ang ganda ng natatanaw ko mula rito sa taas. Pero, bakit sumasakit ang dibdib ko? Bakit naiiyak ako ng walang dahilan? Bakit parang mas lalo akong nanghihina?

“O-Okay ka na ba?” Tumango ako without looking at her. “Hindi naman nakakatakot to e.”

“Oo nga.” Dahil mas nakakatakot kung mawawala ka sa akin. Hinarap ko siya. “Salamat, Pa—”



“You’re welcome.” Tipid siyang gumanti ng ngiti.

Pagkaharap ko sa kanya, doon ko lang napagtanto na hindi pala si Patch ang kasama ko. Kundi si Aicel. I was spaced out the whole ride. Iniisip ko pala siya ngayon at ang araw na sabay naming hinarap ang fear ko sa height. Darn Lewis! Nakalimutan mo na bang ni-let go mo na siya?  

Hindi kami nag-imikan ni Aicel nang makababa kami ng Ferris Wheel. I am thinking about the mistake I did awhile ago. That was stupid, Lewis. Si Aicel ang kasama mo ngayon pero ang memories niyo together noon ang iniisip mo, you’re thinking about her again.  

Ugh. Can she just get out of my head and fall into my arms instead? Haaaaaay! Lewis, what are you thinking? Fix your issue with Aicel first. (-__-’)

“Aicel, I’m sorry about—”







“HULI KA!” Pinosas niya ang kamay ko at tinulak-tulak ako upang maglakad.

“FRED?” Halos tumalsik na ang laway ko sa pag-sigaw ko sa kanya. “Suma-sideline ka na rin ba sa Jail Booth? Pakawalan mo nga ako!”

Hindi naman ako makakilos ng ayos dahil naka-posas ang magkabilang kamay ko. Ano bang mga hinuhuli ngayon? Siguro naman, tapos na yung kanina diba.

“AICEL!” Sigaw ko dahil naiwan siyang nakatayo doon. “Usap tayo mamaya!”

“PIPIYANSAHAN KITA, LEWIS!” She shouted back bago nagtatakbo sa kabilang direksyon.

“Hoy, Fred! Hindi mo ba ako—”

He grinned. “Sorry Bhoxs Lewis, napag-utusan lang ng batas.”

“BATAS?” Sigaw ko ulit sa kanya. “Baka gusto mong batasin kita diyan!” (--.)

Natawa na lang siya sa sinabi ko. Maya maya lang ay tumigil na kami sa paglalakad at sumigaw siya sa mga tao roon. Nagulat ako sa nakita ko.

WTF! WHAT IS THIS!








“Andito na ang groom!” Sigaw ni Fred kaya napatingin sila sa aming dalawa.


MARRIAGE BOOTH?!


ANONG GAGAWIN KO DITO?!


WALA PA AKONG BALAK MAGPAKASAL NO!






“Hoy! Hoy! Paul, Tristan, bitawan niyo nga ako! Saan niyo ba ako dadalhin, ha?” Natigilan ako nang marinig ko ang pamilyar na tinig na iyon.

“Andito na ang bride!” Nakangiting sigaw ni Paul at Tristan.


Pinagpawisan ata ako ng malamig nang maramdaman kong nasa likod ko lang siya. Ang babaeng kanina pa sumasagi sa isip ko. Ang babaeng wala man lang pasabi na papasok sa utak ko. At ang babaeng daig pa ang China kung sakupin ang puso ko. Nandito siya sa likod ko.

Ayan na, Lewis! She got out of your head and now, she’s almost falling into your arms.

xxx

Continue Reading

You'll Also Like

11.2K 356 28
"I love to hear lies when i already know the truth" - Sierra Lexine Carter Ragucci
2.7M 52.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
63.4K 4.1K 12
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
10.3M 563K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."