BHACNCK 2: The Beginning of t...

By jiyu_dee

119K 2.7K 682

[Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? BOOK 2] Anong gagawin mo kung malaman mong may iba ng mahal ang taong mah... More

The Beginning of the End [BHACNCK book 2]
Chapter 1 - THE BEGINNING
Chapter 2 - MEMORIES
Chapter 3 - PAALAM
Chapter 4 - TRAPPED
Chapter 5 - CHANGED
Chapter 6 - GIRLFRIEND
Chapter 7 - THREE WORDS
Chapter 8 - MEET SANDRA
Chapter 9 - TEARS, AGAIN
Chapter 10 - WALANG TAYO
Chapter 11 - THE RIGHT THING
Chapter 12 - BROTHER
Chapter 13 - THE PAST
Chapter 14 - YELLOW ROSE
Chapter 15 - INTRAMS [part1]
Chapter 16 - INTRAMS [part2]
Chapter 17 - INTRAMS [part3]
Chapter 18 - 60 SECONDS
Chapter 19 - HER SIDE
Chapter 20 - DEBATE
Chapter 21 - HELP!
Chapter 22 - MINE
Chapter 23 - WISH
Chapter 24 - PWEDE BA?
Chapter 25 - CONFESSIONS
Chapter 26 - FORBIDDEN DATE
Chapter 28 - REVEALED
Chapter 29 - SMILE
Chapter 30 - GONE
EPILOGUE [part1]
EPILOGUE [part2]
NOTE NOTE NOTE โ‰งโ—กโ‰ฆ
SPECIAL CHAPTER

Chapter 27 - MIDNIGHT

2.6K 91 13
By jiyu_dee

Chapter 27

[Jade's POV]

Nagpahatid na lang ako kay Brandon kanina pauwi dito sa bahay at simula pa kaninang hapon hanggang maggabi na, nakahiga lang ako dito sa kwarto ko. Habang iniisip ko yung mga nasabi ko kanina kay Mom, may konting konsensya akong nararamdaman. Kasi mali pa din yung pagsagot ko sa kanya. Tapos nag-iskandalo pa ko dun sa office nya, pwede namang dito ko sya kausapin sa bahay kaso, napuno na talaga ako kanina.

*tok tok tok*

Napalingon ako sa pinto nang may kumatok. Tss, ang kulit din ng maid namin, sinabing ayokong kumain.

"Aish... Ako na pong bahala sa sarili ko. Kakain na lang ako kung nagugutom ako." malumanay pero madiing sabi ko.

Pero di gaya ng inaasahan ko eh si Mom pala iyon at pumasok na sya dito sa kwarto ko kaya mula sa pagkakahiga ay bumangon na ako.

"What now, Mom?"

"Jade, let's talk. Yung malumanay ay walang nagtataas ng boses." sabi nya pero iniwasan ko sya ng tingin at umupo na lang sya sa kama ko. "Jade... I'm really really sorry." huminga sya ng malalim na para bang humugot ng lakas ng loob at saka sya nagsalita. "Simula nung umalis ka kanina sa office, tsaka lang nagsink in sakin lahat. I should've been responsible enough to know that you always feel alone. But then, tama ka eh, masyado akong nakatutok sa career ko. Dahil ayaw ko ng mawala yun gaya ng career kong nawala noon. But believe me, I didn't blame you, not even once. Having you is a blessing. Sa Dad mo ako nagalit pero kahit na ganun, mahal ko sya. But not as much as he loves me. Yeah I know its unfair, pero sobra-sobrang magmahal ang Dad mo na mararamdaman mo na lang na hindi mo na deserve yung love nya. Naguilty din ako nun, pero mas nagui-guilty ako ngayon dahil napabayaan kita. Kaya sorry." hinawakan nya ang kamay ko kaya napatingin na ako sa kanya. Nakikita ko ngayong nasasaktan din sya, baka dahil nagui-guilty sya or what. Pero kahit ano pa yun, nakikita ko ding nagsisisi sya sa mga bagay na nagawa nya at hindi nya nagawa. "I'm sorry Jade... Sorry sa mga pagkukulang ko. Hindi ko magawang kausapin ka dahil nagui-guilty talaga ako. Kaya inakala kong it would be better that way, na hindi na lang tayo mag-usap gaya ng nakagawian. But I was wrong... kaya sorry." nagsimula nang tumulo yung luha nyang kanina nya pa yata pinipigil. "Pero alam mo Jade, nung panahong pinakilala mo sakin si Brandon, nag-alala ako. Kung inaakala mo noong wala akong pakialam sa relasyon nyo dahil wala kang narinig ni isang salita at bigla na lang akong umalis nung pinapakilala mo sya sakin, nagkakamali ka. Dahil nag-alala lang ako sa'yo, kaya nung kinausap nya ko para sa pagpopropose nya sa'yo, agad akong tumutol at pinalayo ko pa sya sa'yo. Oo alam kong napakaselfish at unfair. But i think it was mother's instinct, pero pano nga naman ba ako magkakaron nun, eh hindi nga pala ko nagpapakananay sa'yo. Ayoko lang matulad kayo samin ng Dad nyo. Napakabata pa namin nung nabuo ang relasyon namin kaya maaga kang nabuo. Pero dapat mas naisip kong you're more responsible than me, dahil nadisiplina kang maayos ng Dad mo." ilang minutong katahimikan ang namagitan samin. Ayokong nakikitang umiiyak si Mom. Hindi kami close pero masakit pala talagang makitang umiiyak yung nanay mo.

"Mom, mahal mo ba talaga si Dad?"

"Oo... mahal ko sya. Hindi ka naman mabubuo kung hindi namin mahal ang isa't-isa. Kaya sobra din akong nalungkot nung nawala sya kaya kung napansin mo, masyado akong nagpakabusy, para kahit papano, hindi ko sya laging maalala."

"How about me? Mahal mo ba ko Mom?"

"Of course I do! Panong hindi kita mamahalin, eh nanggaling ka sakin. Masyado lang talaga kong naging irresponsible pero mahal kita, anak." ang sarap marinig na tinawag nya kong anak. Kaya nayakap ko na lang sya. Okay, enough is enough. Naexplain na ang lahat, kaya wala na dapat sama ng loob at sumbatan. "Jade I know that its a little too late but, its better late than never right? Kaya I promise anak, i'll make it up to you. Just to prove na mahal kita, at nagsisisi talaga ko sa nagawa ko."

"No, its okay Mom. The fact na nagawa mong ipaliwanag ang lahat sakin at nagsorry ka na, okay na ko. Okay na okay. Ayokong makaabala sa'yo."

"Shhh, babawi ako sa'yo. Tsaka wala ng bawian dahil nakapag leave na ko. I'm free this weekend."

"Whoa, talaga ba Mom??"

"Yes. Two days tayong magkasama. Mother and daughter bonding. After that, hihirit ako ng mas mahabang leave para makapag out of town tayo, or out of the country, kahit anong gusto ng anak ko." ngumiti sya kaya mas napangiti ako.

"Wow, thank you Mom! I... i.."

"You? What?"

"I love you Mom, and thank you."

"You're welcome my dear, and I love you too... and one more thing nga pala... Okay na kami ng boyfriend mo."

"E-eh?" nagulat na lang ako sa sinabi nya. Ano na naman kayang ginawa nun ni Brandon at biglang okay na sila?

"Bumalik sya sa office kanina. Sinabi nyang wag na akong mag-alala dahil naiuwi ka na nya daw dito sa bahay. Dinalhan nya pa ako ng tea para daw hindi ako mastress at nagsorry pa sya dahil sa mga nasabi mo."

"What?? Ginawa nya yun?"

"Yes. Natawa na nga lang ako dahil pakiramdam ko masyado syang sumisipsip. Pero dahil sa ginawa nya kanina, mas naprove kong mali ang tingin ko sa kanya. Dapat mas kinilala ko sya bago ko ireject na lang basta basta yung mga pinapakita nyang kabaitan noon pa pag dumadalaw sya sa bahay."

"Then... anong nangyari??"

"Umalis na sya sa office ko pero pinatawag ko sya sa isang staff at bumalik sya agad-agad. Sinabi kong willing akong magsimula ulit para mas kilalanin sya."

"T-talaga Mom??"

"Yes, sa ginawa nya, nakikita kong mahal ka nya. At alam kong mahal mo sya dahil nagawa mo akong kumprontahin kanina dahil lang sa nalaman mo. So... I'm okay with your relationship."

"Uwaaa! I love you talaga Mom! Thank you!!" nayakap ko na naman sya at narinig ko na lang ang magtawa nya.

"Haay, ang sarap palang yakapin ng anak. Hehe, pero sorry Jade kasi... sinabi kong wala munang magpopropose. You're too young for that."

"Its okay Mom, I understand. Yung natanggap mo sya bilang boyfriend ko, sobra-sobra na. Kaya thank you Mom."

"Again, you're welcome my dear. Thank you din sa pag accept ng apology ko. So... mother and daughter bonding this whole weekend?" tumango na lang ako at nginitian ko sya. I never knew na sweet and caring ng ganito pala ang nanay ko. Pero ngayon, mas makikilala pa namin ang isa't-isa.

[Marjorie's POV]

Nakatingin lang ako kay John dahil sa sinabi nya. Parang pina-process pa ng utak ko yung idea nya.

"A-anong sinabi m-mo??"

"Tingin ko mas maganda kung sa hotel na muna tayo magpalipas ng gabi. Mas safe dun kesa mastanded tayo dito sa daan. Baka maubos lang din gas natin kakahintay."

"P-pero kasi... a-ano ba-baka naman---"

"Don't worry baby love, magkaibang room na lang tayo kung hindi ka komportable."

"A-ah! Haha, sabi ko nga eh. Sige, bahala na lang akong magexplain sa kanila bukas." tumango na lang sya at nang medyo umusad ang mga sasakyan, nagpark na agad kami sa pinakamalapit na hotel.

Dumiretso na kami sa reception area habang nanginginig na ko sa ginaw. Ang lamig kasi sa labas, tapos mas malamig pa dito sa loob dahil sa aircon. Kaya simula nang makapasok kami dito sa lobby, inakbayan na ko ni John na para bang iniibsan nya yung panginginig ko.

"Okay sir, let me check kung may dalawang room na magkatabi ang vacant pa po."

"Sure. Pero miss, bakit ba sobrang traffic?" tanong ni John sa receptionist.

"Ah, bahain po kasi sa isang road di kalayuan. Yun daw po ang cause ng traffic." napatango na lang kaming dalawa ni John, tama nga yung sabi nya kanina. "Ah sir... wala na pong dalawang magkatabing vacant rooms. In fact, isang room na lang po ang available."natigil ako sa panginginig dahil parang bigla akong nakaramdam ng init dahil sa sinabi nung babae. At yung paraan pa na pag akbay sakin ni John, nakaka init talaga ng pisngi. "Madami din po kasing nag check in ngayon ngayon lang dahil nga po sa sobrang traffic." nilingon na lang ako ni John at parang nagtatanong kung anong gagawin namin. Isang kwarto lang kami? Hindi pwede!

"Ah sige Miss, salamat. Baby love, sa ibang hotel na lang siguro tayo."sabi ko kay John at hindi ko magawang tignan sya kasi pakiramdam ko, kanina pa ko namumula.

"Ha? Ah sige, kung yan ang gusto mo. Pero sandali." hinarap nya ulit yung receptionist. "Miss, ano pang pinakamalapit na hotel dito?"

"Ah Ma'am, Sir, kung ako po ang tatanungin nyo... Ang suggestion ko po, malaki naman po yung natirang room. Deluxe sya kaya pwede naman sa dalawang tao. In fact kahit tatlo kasya. Tutal mag boyfriend-girlfriend naman po kayo, okay naman po yun. Kasi kung maghahanap pa po kayo ng iba, malayo pa po ang lalakbayin nyo."

"B-boyfriend-girlfriend??" utal na tanong ko.

"Yes, halata naman po dahil ang sweet nyo sa isa't isa. Tsaka halata din po sa endearment nyo, hehe."

"Ahh..." sabay naming tango ni John at nang magkatinginan kami, parehas na lang kaming napangiti. Oo nga pala, kami nga pala ngayon. Muntik ng mawala sa isip ko dahil sa kakaisip kung pano kami ngayon gabi.

"Totoo ba yan Miss? Baka sine-sales talk mo lang kami?" pag-iintriga ko dun sa receptionist.

"Yes ma'am, totoo po yun. Malayo pa po ang ibang hotel dito." tinignan ako ni John at tumango na lang ako. No choice eh, kesa naman kung san pa kami mapunta, delikado na. Kahit na medyo humina na yung ulan kumpara kanina, matindi pa din ang traffic.

Matapos makipagtransact ni John, dumiretso na kami sa room namin sa 9th floor. At gaya ng sabi nung receptionist, malaki naman talaga itong room.

"A-ah, baby love, nagugutom ka ba?" biglang tanong ni John kaya napalingon ako sa kanya. Yung itsura nya, parang hindi mapakaling ewan.

"Ah hindi naman. Pero kung gusto mong kumain, sige lang. Hindi ako nagugutom." nakangiting sagot ko at nilibot ko na lang yung buong kwarto. Hindi din naman kasi ako mapapakali dahil baka nag-aalala na sila sa bahay.

Maya-maya ay naicharge na ni John yung phone nya pero nang sinubukan kong tawagan sila Mama, hindi naman macontact.

Useless lang kung mag-aalala ko. Wala din namang mangyayari. Kaya umupo na lang ako sa kama at naghanap ng mapaglilibangan.

"My princess, matulog na tayo." natigil ako sa pagkakalikot nung decoration sa may side table dahil sa sinabi ni John. Para na naman akong nakaramdam ng init. M-ma-matutulog kami d-dito sa kama? Ohmygoodness. >///<

"H-ha? A-ano eh, hindi pa ko inaantok, h-hehe. Mauna ka ng matulog, baby love."

"Sigurado ka?"

"O-oo. H-hehe, sige na, sweet dreams." nginitian ko na lang sya at pilit na tinago yung kaba ko. Nasubukan na naman naming matulog ng magkatabi noon pero hindi sa iisang kwarto na kami lang dalawa ang magkasama.

Lumapit na sya sa kama at umupo sa tabi ko. Yung tingin nya, seryosong seryoso. Dahan-dahan nyang inilapit ang mukha nya sakin pero paatras naman ako ng paatras. Natigil lang yun nang mapasandal na ko sa headboard.

Aish naman, yan na naman yung titig nya. Ang seryoso nya pero kitang-kita ko yung kinang sa mata nya. At nang ilang inch na lang ang layo namin ay awtomatikong napapikit na ko.

"Good night, matulog ka na din ah, my princess." bulong nya at nang imulat ko ang mata ko, nakatayo na sya sa harap ko bitbit yung isang unan. "Sweetdreams." kumindat pa sya bago ako talikuran. Wew, akala ko kung ano, kukuha lang pala ng unan sa tabi ko -__- buset, nag expect na ko eh. Tsk.

"T-teka John, san ka matutulog?"

"Dito ko sa sofa, ikaw na dyan sa kama. Sige na, baka mapuyat ka." nakangiting humiga na sya sa sofa at pumikit na. Aish ganun na lang yun? Kung magsuggest akong tabi na lang kami? Eyy, tigilan mo Marjorie =__="

Tinitigan ko na lang sya mula dito sa kama at kahit na ilang metro ang layo, tanaw ko yung mukha nya. Mukhang napagod yata sya, pero ako, hindi pa din dinadalaw ng antok.

Tumayo na lang ako at tinanaw ko na lang ulit yung labas dito sa bintana.

Umaambon na lang pala, pero kahit na nasa 9th floor ako, kitang kita ko yung mga ilaw ng sasakyan, traffic pa din.

"Haaay... Yari ako nito kanila Papa. Ewan ko kung anong ipapaliwanag ko." bulong ko sa sarili ko.

Ilang minuto pa kong nanatiling nakatunganga nang may bigla na lang sumulpot na kung anong makinang na bagay sa pagitan ng dalawang mata ko na syang ikinaduling ko.

"E-eh? Inaantok na ba ko't nakakakita na ko ng bituin??" tanong ko sa sarili ko at napalingon na lang ako nang may marinig akong mahinang tawa sa likod ko. "Oh baby love? Bakit nagising ka?"

"Nakalimutan ko kasing ibigay sa'yo to." itinaas nya ulit sa mukha ko yung kwintas. Tapos yung ngiti nya, ayan na naman. Parang yung dating ngiting John. Yung tumatalo sa meralco sa pagpapaliwanag ng buhay ko. "Nagandahan kasi ako kanina habang tumitingin tayo sa jewelry shop kaya eto, naisip ko ding bagay sa'yo kaya binili ko na."

"W-wow.. Salamat ah.. Ang ganda nga.." sabi ko habang pinagmamasdan yung kwintas. "Hmm, akin na, isusuot ko na." nakangising sabi ko dahil ang ganda talaga nun. Pero nung kukunin ko na sa kanya ay bigla nya na lang iniiwas ang kamay nya.

"Hep! Di pwede."nangingiting sabi nya.

"Eh? Bakit? Akala ko ba bagay yan sakin??"

"Oo nga. Pero dahil ako ang bumili, ako ang magsusuot sa'yo nito." napangiti na lang ako ng may halong kilig. Aish John Alec, bakit ka ganyan?? Simpleng bagay lang, sobra mo na kong napapasaya.

"Okay okay, haha. Tatalikod na ko nang maisuot mo na sakin yan."

"Hep! Di ulit pwede. Sinong may sabing tatalikod ka?" nginisian nya na lang ako kaya mas napapangiti ako. Tinaasan ko pa sya ng kilay habang tinatanggal nya yung lock nung kwintas. Lumapit na sya sakin at bago nya isuot yun, tinapat nya muna yung mukha nya sa mukha ko na halos magdikit na ang mga ilong namin at saka kumindat. Jusko! Bakit ba kanina pa to kindat ng kindat! Pag ako namatay sa kilig... ay ewan ko na lang >u<

Iniligay nya na yung kamay nya sa batok ko para isuot sakin yung kwintas. Kaya ang labas, parang yakap nya ko ngayon. Amoy na amoy ko na naman yung pabango nya. Nasa gilid pa ng mukha ko yung leeg nya. Aish, hindi naman ako bampira pero parang nanggigigil ako't gusto ko syang kagatin!

"Ayan, bagay nga sa'yo." sabi nya ng maisuot nya na sakin at nakangiting pinagmamasdan nya ko. "Remembrance yan ng date natin ngayon." walang sali-salitang nayakap ko na lang sya. Ibinaon ko sa dibdib nya yung mukha ko dahil sobra kong namiss yung mga ganitong moment.

"Thank you, baby love! Thank you thank you thank youuu!" nanggigil ako sa pagkakayakap ko at nang iangat ko ang tingin ko sa kanya, nakangiti lang sya.

"You're welcome my princess. Anything for you... anything... because you're my everything. I love you." hinalikan nya ko sa pisngi at para kong natulala na lang sa sinabi at ginawa nya.

Marjorie Garcia, role playing, remember. Pero di mo kailangang malungkot, ienjoy mo na lang lahat ng mangyayari ngayon.

"I love you too, baby love." ngumiti na lang sya ng alangan at saka kumalas sa pagkakayakap at inilagay ang kamay sa magkabilang balikat ko.

"Hmm, tulog na tayo? Inaantok na ko, napagod ako sa date natin. Ilang araw na din kasi akong walang tulog eh."

"Okay sige. Pero baby love... hehe, dito ka na lang sa kama, please?" nagpuppy eyes at pout pa ko kaya natawa na lang sya at tumango.

Humiga na kami sa kama at magkaharap kami habang nag ngingitian na para bang sa mata lang kami nag-uusap.

"Akala ko inaantok ka na? Hahaha!"

"Pano ba ko matutulog kung isang nakangiting Marjorie ang nasa harap ko? Ang pinakamagandang babae at nag-iisang prinsesa ng buhay ko. *wink*"

"Eyy, nambola pa. Haha, at nagiging hobby mo na ang pagkindat! Sige, dito ka umunan sa kandungan ko, ihehele kita nang makatulog ka na." pinisil ko yung ilong nya at mula sa pagkakahiga ay umupo ako at gaya ng sabi ko, sa kandungan ko sya umunan kaya mas kitang-kita ko ang buong mukha nya ngayon.

Nagtitigan na naman kami tapos ilang segundo lang, parehas na naman kaming mapapangiti.

"Hahaha! John Alec Cabrera, matulog ka na!"

"Eh ikaw kasi eh! Titig ka ng titig, pano ko makakatulog??"

"Aba aba, sinisi pa ko! Haha. Ikaw talagaaaa!" kinurot ko ang magkabilang pisngi nya pero tawa lang sya ng tawa.

"Ouchie, ang sakit, huhu." nagkunwari syang umiiyak at nagpout pa.

"Haha, wag mo kong artehan ng ganyan! Nanggigigil ako lalo sayo eh. Baka kung ano pang magawa ko sayo nyan. *smirk*"

"Ahem, sample nga dyan, ehem ehem! Sample! Sample!"

"Haha! Ayoko nga, sample your face!"

"Eyy, sige na.. ang sakit nung kinurot mo oh, huhu eh." nag-iyak iyakan na naman sya. Haha, ang cute nitong taong to!

"Style mo bulok! Pero sige, san masakit?" ayun, bibigay din naman pala. Tinuro nya lang yung kanang pisngi nya at agad kong dinampian ng halik iyon. "Ayan, okay ka na?"

"Awww... nawala na yung sakit, napunta dito sa kabila. *smirk*"

"Haha! Inuuto mo na ko eh!"

"Eh? Hindi ah! May magic talaga yung kiss mo, promise. Kaya dali na, dito naman sa kabila."

"Tss, fine!" pinipigil kong ngumiti pero hindi ko magawa-gawa. Wala na din naman akong palag kaya sinunod ko na yung gusto nyang kiss. "Okay ka na, John Alec Cabrera?" natatawang tanong ko.

"Di pa. One last request..." sumeryoso na bigla yung mukha nya at tinitigan lang ako. "Please?" ewan ko kung seryoso ba talaga sya o nagkukunwari lang eh. "Promise pagtapos nito, matutulog na ko." hindi ko alam kung dapat ko pang pagbigyan yung gusto nya. Kaya tinitigan ko na lang sya at ilang segundo kaming ganun, walang kumukurap, walang nagsasalita, pero parang nagkakaintindihan na kami sa mata.

Hindi pa din ako gumalaw hanggang sa bahagya nyang iniangat ang ulo nya at kasabay nun ang paghatak nya sa batok ko at saka nagdampi ang labi namin.

Eto sigurado na ko. Hindi sya lasing, at siguradong sya ang nasa harap ko ngayon... kaso... lahat ito, hindi totoo.

"Ayan, makakatulog na ko. Good night." matipid na ngumiti sya at pinikit na ang mata nya.

Kahit na parang hindi pa ko makarecover sa ginawa nya, ewan ko bang parang may sariling buhay ang kamay ko at hinawakan ang pisngi nya. At hindi ko din alam na singer na ko ngayon dahil kinantahan ko pa sya para makatulog na sya ng tuluyan.

♫ You look in my eyes
And I get emotional inside
I know it's crazy
But you still can touch my heart
And after all this time
You'd think that I
I wouldn't feel the same
But time melts into nothing
And nothing's changed 

Letse John Alec, masakit eh. Pagtapos nitong gabing to, wala na, tapos na talaga ang lahat.

Nakita kong nagbago ang ekspresyon ng mukha nya dahil biglang kumunot ang noo nya. Kaya hinawi ko yung buhok nya at patuloy lang para mas lumalim na yung tulog nya.

♫ I still believe
Someday you and me
Will find ourselves in love again
I had a dream
Someday you and me
Will find ourselves in love again 

Tinignan ko ang oras sa cellphone ni John na nakacharge dito sa may side table at nakita kong 11:56 pm na. Okay, 4 minutes... apat na minuto na lang, tapos na ang araw na to. Meaning, dito na talaga matatapos ang lahat.

♫ I still believe
Someday you and me
Will find ourselves in love again
I had a dream
Someday you and me
Will find ourselves in love again 

Natapos ko na ang kanta at sa tingin ko naman, tulog na tulog na sya.

"Will find ourselves... in love again... but I don't think that's possible. Aalis ka na bukas at di na babalik. Ikakasal ka na, I guess it's time for me to move on, for real." pilit akong ngumiti at hinawakan ko na lang ang magkabilang pisngi nya. "Kahit na ilang beses mo na kong nasaktan, mahal pa din kita. Kahit na may mahal ka ng iba, mahal pa din kita. Kahit na wala na tayong pag-asa, mahal pa din kita. Ang unfair no? Pero tingin ko, eto na talaga yun. Thank you at pinagbigyan mo tong kabaliwan ko. Hahaha, ang gaga ko kasi, mas masakit tuloy ngayon! Pinaniwala ko kasi ang sarili kong totoo ang happy ever after, and that fairytales do exist." pinahid ko ang tumulong luha sa pisngi ko at mas pinilit ko pang ngumiti. "Magmamadre na lang siguro ko. Haha, parang wala na kong mahahanap na lalaking gaya mo eh. yung lalaking sobra kong mamahalin ng ganito." tumingin ako sa bintana at nakita kong tumigil na ang ambon. Kaya dahan dahan kong inalalayan yung ulo nya sa unan at saka ko inayos ang sarili ko. Kinuha ko na ang bag ko pero bago ko umalis ay lumuhod ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ko ang mukha nya.  "Two hardest things to say in life are hello for the first time and goodbye for the last. Sobra kong naghirap noon, mapalapit lang sa'yo. Hanggang sa pag-goodbye ba pahihirapan mo ko, baby love? Pero kailangan ko ng umalis, eto na lang ang tamang gagawin ko." hinaplos ko ulit yung pisngi nya at tumayo na ko.

Goodbye, John Alec... mag-ingat ka na lang lagi, drink 8 glasses of water everyday, always eat on time, inumin mo ang vitamins mo, wag kang magpupuyat, wag mong masyadong pagurin ang sarili mo... Ilan lang yan sa gusto kong ipaalala sa'yo, pero andyan na si Charlotte para gawin yun para sa'yo.

Tumalikod na ko pero bago pa ko makarating sa pinto ay napabalik na naman ako sa kama at hinalikan ko sya sa noo. "Totoo na talaga to. 12:02 na oh, may extension na kong 2 minutes, kaya aalis na talaga ko. Mahal na mahal kita, John Alec Cabrera. Goodbye."

The only time a goodbye is painful is when you know you'll never say hello again.

[A/N: Ayan updated na ulit, sarreh ang tagal na naman, haha ^_^v  At isang madramang chapter pa. Pero dadalasan ko na ang UD dahil malapit ng matapos to, ilang chapters na lang ang nalalabi. Baka hanggang chapter 29 or 30 na lang to, pero kung maganda ang feedback, gagawa kong special chapters. Hehe, salamat sa mga bumabasa! Boom panes ang support nyo, hart hart kayo :***]

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
298K 6.8K 104
Highest rank: #4 in Chicklit "You are my favorite meal, Abby..." -Xavier Mendez Book 3. The most awaited wedding of all time... |Mr. and Mrs. Mendez|
290K 3.2K 23
Dedicated to all the Readers of MHIAMB! And specially to Ate Yana! Hope she can read this fun facts! Nabago ang lifestyle ko dahil sa Zeke and Aemi...
18.1K 1K 28
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...