Seducing Miss Tin (GxG Comple...

By its4UtofindOut

647K 18.2K 2.9K

Christina Yoo-jung Half Korean Half Filipina. -Wala ng mahihiling pa si Tina sa fiancé nyang si Zeus, mayaman... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty

Chapter Fifteen

18.3K 545 85
By its4UtofindOut

******

"Babe sure ka ba na gusto mo 'kong isama sa family dinner nyo?"

Halata sa boses ni Rebecca ang pag aalala, pero mas halata ko sa boses
nya ang excitement.

"Yes babe sure na sure ako,
ikaw yung mag sisilbing lakas ko 'don"

Honest kong sagot sa kanya, tapos inihilig ko pa yung ulo ko sa balikat nya.

Hindi sya umimik, nakatuon lang
yung paningin nya sa harap ng tv.

After kong makausap si Zeus kanina, hindi na 'ko nakatulog ulit, uminom
na lang ako ng gamot para sa sakit
ng ulo.

Tinawagan ko agad si Rebecca,
sinabi kong kailangan ko sya ngayon. Hindi naman ako nagdalawang salita
at umo-oo agad sya.

Naligo muna ko habang hinihintay
ko syang makarating, para maging maayos din ang pakiramdam ko
kahit konti.

"Sure ka na ba talaga? Baka mag walk-out ka 'don, mahahalata ka
ng kuya mo."

Sabi ulit nya na nasa tv parin nakatingin, napabuntong hininga
na lang ako, at iniisip kung tama
nga bang makipag kita 'ko sa kanila mamaya.

"honestly hindi ako sure kung kaya
'ko ng harapin si Miss Tin, pero kakayanin kong maging pormal sa harapan nilang lahat lalong lalo na
sa kanya, basta babe alalayan mo lang ako."

"Ok."

Tipid nyang sagot, tapos biglang tumawa. Comedy kasi yung palabas kaya nagtawanan na lang kami.

Nalimutan ko din kahit sandali
yung agam-agam ko, natuon kasi
yung atensyon ko kay Rebecca at
sa pinapanood namin.

Nung nabili ko 'tong condo sya agad ang nakaalam. Nung una, ayaw ko sanang sabihin sa kanya kung saan
ako nakatira pero mapilit sya.

Nakailang reject na kasi 'ko sa pag
aaya nya saking makipag date, wala naman kasi ko sa mood kasi nga broken na broken ako 'non.

Tapos nag kataon na langong-lango
ako sa alak nung tinawagan nya 'ko, kaya nasabi ko sa kanya yung address ko.

The next thing i knew nasa harapan
na sya ng pinto ng condo 'ko at kumakatok.

Nung nakita ko sya nung gabing 'yon pakiramdam ko nagkaroon ako bigla
ng kakampi kahit na hindi ko pa naman sya lubos na kakilala.

Not bad na din, kasi naging karamay 'ko sya sa mga hinaing ko sa buhay, nasabi ko sa kanya yung feelings ko
kay Miss Tin.

Sabi nga nila na mas mabuti daw na mag kwento ka ng mga problema mo
sa hindi mo kakilala.

Nakakagaan daw ng pakiramdam after.

Nung narinig nya yung mga hinaing
ko sa buhay, na shock sya kasi sa dinami-dami naman daw ng babae
sa mundo bakit sa iisang babae pa
kami nagmahal.

Pero nung ikinuwento ko sa
kanya simula nung bata pa lang ako,
na si Miss Tin na yung mahal ko,
naintindihan nya din ako.

Ang pinagtataka lang daw nya kung bakit hindi sinabi ni Zeus kay Miss
Tin na magkakilala kami dati.

Kasi ayon naman daw sa kwento ko, alam ng kuya ko yung feelings ko sa fianće nya dati pa.

Kahit ako napapaisip din kung bakit hindi man lang inulit ni Zeus 'yon
kay Miss Tin lalo pa't naikuwento ni Miss Tin sa kanya dati 'yon.

Pero kung iisipin ko ding mabuti,
wala din namang saysay kahit pa
sinabi ni Zeus kay Miss Tin ang
lahat ng 'yon.

Kasi nga hindi naman kami same
ng nararamdaman sa isat-isa, baka
nga kung nalaman pa 'yon ni Miss
Tin ng mas maaga baka iniwasan
nya agad ako.

Hindi ko sana sya nakasama sa
iisang kwarto kahit saglit lang.

"Mag ready na tayo babe malapit
ng mag 6, kailangan mong mag paganda ngayong gabi para ma realize ni Tina kung ano ang sinayang."

Napatawa naman ako kahit paano
halata naman kasing pinapagaan nya lang yung bigat na nararamdaman
'ko ngayon.

After kong maligo nag bihis na din
ako tapos nag decide akong mag
ayos ng mukha katulad nung ayos
'ko tuwing rarampa kami sa stage.

Gusto ko maging maganda 'ko sa paningin ni Miss Tin, para hindi nya mahalata na wasted ako ng isang
linggo dahil sa nangyari samin.


Halos malaglag naman ang panga ni Rebecca nung nakita nyang ganito
ang ayos ko.

I know im hot...

Pero napatalikod din ako bigla nung nakita kong nalaglag yung towel na tumatakip sa hubad nyang katawan.

Medyo late na din yung ginawa kong pagtalikod kasi, nakita ko na ng buo-buo ang katawan nya.

Pero mas ginusto ko paring
tumalikod bilang pag galang na din
sa kanya.

"I'm sorry." Sabi ko na lang.

Naramdaman kong naglalakad sya palapit sakin, medyo kinabahan ako kasi hindi ko alam kung haharap ba
syang hubad o nakatakip na ulit ng towel.

Nakahinga ako ng maluwag nung nakatakip na sya ng towel tapos
ang laki-laki ng ngiti sa labi nya.

"Wow... as in wow, you look
different and stunning babe, sabi
na eh parang nakita na kita, bakit hindi mo sinabi sakin na ikaw yung
bagong Angels ng Victoria."

Sauce akala ko naman gandang-ganda sya at seksing-seksi sakin,
yun pala nakilala lang ako bilang isang model.

Pero syempre hindi ko na sinabi
'yon.

"Im sorry Babe, i think naman na hindi ko na kailangan banggitin
pa 'yon, im Alexa here in Philippines.
not Behati as a model."

Seryoso kong paliwanag sa kanya, paano ko naman kasi ipapakilala
ang sarili ko sa kanya.

Alangan naman na sabihin kong
model ako kung hindi naman nya tinatanong, lalabas na parang ang yabang 'ko naman yata.

"Ok, ok enough na sa mga thoughts
na tumatakbo dyan sa isip mo, nagulat lang ako, hello babe ko
ang isa sa Angels ng Victoria. Kahit sino babe ma e-starstruck."

"See kaya nga mas gusto kong
hindi mag ayos at maging simple
lang babe kasi ayokong maging ganyan ang reaction sakin ng mga
taong makakakilala, saka babe
bago pa lang ako sa Victoria, wala
pa kong maipagmamalaki ok."

"Whatever babe basta proud ako."

Sabi nya, tapos naglakad na sya pa punta sa kwarto para sya naman
ang mag bihis.

Nung natapos na syang magbihis napahanga din naman ako sa ganda
at ka seksihan nyang taglay.

Yung tipong mapapa second look
din yung mga taong makakasalubong nya.

Kung wala lang sanang laman ang
puso ko, matagal na siguro 'kong nag
ka gf kahit nung nasa London pa 'ko.

"I know im hot babe."

Sabi nya nung nagkatinginan kami
sa mata. Kumindat din sya sakin,
kaya mas lalo syang naging maganda
sa paningin ko.

Half hour lang nasa tapat na kami
ng gate namin, kotse na din nya
yung napagpasyahan naming
gamitin.

"Ready kana babe?"

Sincere na tanong nya sakin,
tumango lang ako para malaman
nyang ready na din ako.

Pero ang totoo nyan kanina pa 'ko
nine-nerbyos nasa biyahe pa lang
kami.

After 10 mins napagpasyahan na naming bumaba, nag inhale exhale muna ko bago nag doorbell.

Pinagbuksan kami ni yaya at sinabing nasa sala na daw sila at hinihintay na 'ko.

Alinlangan pa kong humakbang papasok, pero nung naramdaman
ko yung kamay ni Rebecca na hinawakan ang kamay ko nagkaroon ako ng konting lakas ng loob.

"Thank you." Sabi ko sa kanya.

"Relax im here, hindi kita pababayaan."

Nakangiting pag aassure nya sakin, kaya medyo gumaan na din yung pakiramdam ko.

"My Princess buti at dumating ka."

Nakangiting bati sakin ni daddy,
sya yung unang-unang nakakita
sakin kasi sya yung nakaharap sa
may pinto.

Tapos si Zeus at Miss Tin naman nakatalikod sa may pintuan.

"Dad im not your princess anymore."

Pabirong sabi ko, pero ewan ko lang kung na gets nya yung ibig kong sabihin 'don.

Tumayo na si Zeus tapos nakangiti
din syang niyakap ako, tinitignan ko
si Miss Tin kung lilingunin man lang nya 'ko pero hindi.

"Alex thank you for coming."

Mababakas mo yung saya sa mukha
ni Zeus, pero napansin ko 'din na parang mas lumaki yung eyebags nya.

Siguro hindi nga sya makatulog sa
pag iisip sakin, at masyado din syang na stress dahil sa company at sa pag
aayos ng kasal nila.

"Who's this lovely lady beside you?"

Doon ko lang naalala si Rebecca
na kasama ko nga pala, pinakilala
ko sya kay daddy na kaibigan ko.

Tapos nag kwentuhan na sila ni
Zeus dahil magkakakilala na naman sila.

Si Zeus na din ang nagsabi na si Rebecca nga yung may ari nung
resto na pagdadausan ng reception
nila sa kasal.

"Babe and handsome din pala ni daddy, xerox copy sila ni Zeus."

Puri nito sa dalawang lalake sa
buhay ko, nagtawanan kaming tatlo,
kasi sabi ni daddy magaling daw mambola si Rebecca.

Doon ko na napansin si Miss Tin
na kanina pa pala nakatayo malapit samin.

Blangko lang ang expression ng
mukha nya, hindi ko masasabing masaya, hindi ko din masasabing malungkot.

Basta walang emosyon.

"Bakit ba nakatayo tayong lahat, halina sa dining at kanina pa nakahain 'don." Masayang sabi
ni Dad.

"Hon hindi mo ba babatiins si
Rebecca at Alex?" Sabi ni Zeus.

Doon lang parang nag iba yung expression ng mukha ni Miss Tin.

Pero bahagyang ngiti lang 'yung lumabas sa sulok ng labi nya, tapos balik ulit sa seryosong mukha.

"Hello Rebecca, hello Le-lexa."

Halatang kinabahan sya pagka-
banggit sa pangalan ko.

Napansin ko din na bahagya syang napapalunok habang tinitignan
yung dibdib kong expose na expose.

"Nice to see you again Miss Tin."

Halos pabulong kong sinabi sa tenga nya nung napatapat ako sa knya, naglalakad na kasi kami papunta sa may dining.

Nice Lexa..

Pinaghila ko ng upuan at inalalayan kong makaupo si Rebecca sa tabi ko.
Tapos si Miss Tin at Zeus naman sa tapat namin.

Medyo natakam ako sa mga pagkaing nakahain ngayon sa mesa, hindi na
ulit ako nag attemp na tignan man
lang si Miss Tin.

Mas ok na din, para kunwari
deadma na lang ako sa kanya.

Sa condo ko kasi, kundi instant
noodles nag papadeliver lang ako ng food sa ibat-ibang klase ng fastfood.

Hindi naman kasi ko marunong magluto, kaya tiis-tiis talaga sa mga instant.

Ngayon lang ulit ako makakatikim
ng lutong bahay. Sinandukan ako
ni Rebecca ng kanin at ulam.

Tapos nung meron na din sya sa
plate nya sabay na kaming kumain,
nagkukuwentuhan at tawanan kami habang kumakain.

Tapos panay ang lagay ni Rebecca
ng food sa plate ko, kaya talagang busog na busog ako.

Nawala kahit saglit yung kabang kanina lang ay ramdam na ramdam
ko.

"Lexa saan ka nag eestay ngayon? Bakit hindi mo na 'ko sinasamahan
sa mga lakad ko?"

Alam na alam ko kung kaninong
boses 'yon, yung gagawin ko sanang
pagsubo binitin ko muna.

Napaharap ako bigla kay Rebecca
na para bang sinasabi kong tulungan nya 'ko.

Naramdaman ko naman 'yung kamay nya na hinawakan yung kamay ko sa ilalim ng mesa, kaya napangiti ako.

Ramdam ko sa boses ni Miss Tin
yung galit, at na confirm ko din 'yon nung nakatingin na 'ko sa kanya.

"Babe tinatanong ka ni Miss Tina kung sana ka daw nag eestay?"

"Princess saan ka nga pala nakatira ngayon? Bakit ka umalis sa bahay
ni Tina?" Sabi naman ni daddy.

"Dad, Miss Tin don't worry im ok,
sa bahay muna 'ko ng friend ko nakikituloy ngayon."

Yun yung naisip kong alibi, ayokong sabihin na bumili 'ko ng condo unit.

"At sino namang friend yan Alex, sa pagkakatanda ko wala ka namang close friend na naiwan dito?" Dudang sabi naman ni Zeus.

Pahamak talaga...

"Kuya sa condo muna 'ko ni Rebecca nag eestay ngayon, right babe."

Sabi ko sabay tingin at ngiti kay Rebecca, ngumiti din naman sya
sakin, tapos kina Zeus, dad at Miss
Tin

Pero yung kamay ko masakit na masakit na dahil sa pagpisil nya ng madiin sa ilalim ng mesa, Gusto ko sanang mag react.

Tama na babe masakit na...

Kaso mahahalata nila 'kong lahat,
lalo pa't nandon na naman yung nagbabagang mga tingin ni Miss
Tin sakin.

Great may nasabi ba kong masama?

"Alex siguro naman hindi ka busy bukas, masasamahan mo si Tina
sa lakad nya, may importanteng meeting kasi 'ko bukas, kaya sana masamahan mo sya pls Alex."

Hindi ko alam kung papayag ba 'ko
sa sinabing 'yon ni Zeus, pero nung nakita ko naman yung mukha ni
Miss Tin.

Parang balewala lang naman sa
kanya, kung ako ang makakasama
nya bukas.

Naramdaman ko din na medyo lumuwag na yung pagkakahawak ni
Rebecca sa kamay 'ko.

"Sige na babe samahan mo na muna
si Tina bukas, wala naman tayong lakad bukas."

Kaya napatingin na din ako sa kanya, tapos kinindatan pa nya 'ko.

Isa pang pahamak 'to...

"Ok saan bang lakad bukas?"

Kunwari hindi ako masaya na makakasama 'ko ulit si Miss Tin.

"Sa Boutique nya Alex."

Nakaramdam ako ng excitement after
ko marinig 'yon, gustong-gusto kong makita ang mga damit na tinda nya.

Nasabi din kasi sakin ni Zeus na
yung ibang design sa mga tinda
nyang damit sariling disenyo nya.

"Oh sa Boutique mo naman pala
Miss Tin e, bakit kailangan mo
pa kong isama 'don."

Kunwaring protesta ko, pero deep inside gusto ko yung ideang mag kakasama ulit kami.

"Alex kailangan kang sumama kay Tina bukas, kasi susukatin na nya yung gown nya for our wedding."

"Sige sasamahan kita Miss Tin."

Walang kakurap-kurap kong sabi na nakatingin pa kay Miss Tin na nakatingin din pala sakin.

Halos mag bunhi naman ako sa isip
ko, at hindi makapaniwala na ako
ang kauna-unahang tao na makaka
kita na soot-soot ni Miss Tin ang masterpiece nya.

I know na sya ang nag design ng
Trahe De Boda nya, kaya alam ko
na napakaimportante ng magiging opinyon ko para bukas.

And i can't wait para 'don.

---------------------------------------------

Dont forget to vote, comments or kindly pm me :)

Thanks ;)

"its4UtofindOut"

Continue Reading

You'll Also Like

348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
113K 5.1K 25
Mahirap mag Move On pero mas mahirap mag Hold On sa taong binitawan ka na. Naka Move on na ako noh. Gusto nyo ako pa mag kasal sa kanila eh. Pakingga...
405K 15.6K 44
"You caused me pain and fear before.." - Billie whispered to the girl in front of her. "I-Im sorry.. I'm so sorry Billie"- she replied "It's okay...
881K 19.3K 50
If I want you to stay by my side will you stay? Forever?