Chapter Twenty Six

22K 556 70
                                    

******

"I'm really happy Miss Tin, lalo na ngayong alam kong mahal mo rin ako."

Nakangiting sabi ko sa kanya habang hinahawi ko ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa cute nyang mukha.

"I love you so much Lexa, i'm really sorry kung ngayon ko lang 'to na
realize, after ng mga pinagdaan
ko, Ayoko ng magpadalosdalos pa
sa magiging desisyon ko, gusto ko sigurado na ko sa nararamdaman
ko sayo, lalong-lalo na sa sarili ko."

Gusto kong maiyak dahil sa labis
na saya, after ko marinig ang mga magic word's na 'yon.

Wala syang idea kung gaano ako kasaya ngayon...

Kung alam lang nya kung gaano ko
ng gustong-gustong umuwi nung panahong nasa London pa ko.

Kaso hindi naman pwede...

May 8 months pa kong natitira para mapawalang bisa ang kontrata ko, kung hindi ko 'yon tatapusin made-demanda ako.

Kaya kahit na labag sa loob kong iwanan sya ng hindi pa kami nakaka-
pag-usap ng maayos, umalis parin
ako.

Inuubos ko ang mga oras at araw ko
sa trabaho para lang wag syang isipin, dahil kapag nagsimula na syang tumakbo sa isip ko, umiiyak ako.

At asahan mong buong araw na iyak lang ako ng iyak, at nagmumukmok
lang sa bahay ko.

Pati mga pictorial ko hindi ko rin nasisipot, dahil sobrang maga ng
mga mata ko.

Pinipigilan ko talaga ang sarili kong hindi sya tawagan, kahit na gustong-gusto kong marinig ang boses nya.

Minsan naiisip ko kung makakaya-
nan ko pa bang maitawid ang mga
araw na magkalayo kami.

Kapag ganon na ang naiisip ko,
iniisip ko na lang na konting tulog
na lang at makakabalik na rin ako
sa kanya.

Nasabi ko na rin sa manager kong hindi na ako pipirma ng kahit na
anong kontrata, after ko matapos
ang 2 years contract ko sa Victoria.

Alam ko marami ang nanghinayang dahil sa desisyon kong 'yon at napa karami pa raw nilang plano para sa
career ko.

Pero lahat ng 'yon tinanggihan ko
lang at ang tanging gusto ko lang
ay makauwi ako agad para sa taong mahal ko.

Bago ako umalis pinagbilin kong mabuti si Miss Tin kay Rebecca,
sinabi kong bantayan nya at wag hayaang malapitan ng kahit na sino.

Sa kanya ako lagi nagtatanong ng
lahat ng nangyayari kay Miss Tin,
at sa kanya ko rin nalaman na may feelings din sya para sakin.

Minsan daw silang nagkwentuhan
nila Step at Erica at lahat ng napag-usapan nilang tatlo ay sinabi nyang lahat sakin.

Walang mapaglagyan ang galak ko after ko marinig ang lahat ng 'yon
kasi alam ko nag bunga din yung matagal ko ng paghihintay.

Konting-konti na lang at malapit na malapit na kong umuwi at super excited na ko para 'don.

Kung minamalas ka nga naman,
kung kelan malapit na malapit na
kong umuwi.

Seducing Miss Tin (GxG Completed)Where stories live. Discover now