Chapter Sixteen

19K 570 65
                                    

******

"Hon you ok? Pumasok na si dad
sa room nya, medyo sumakit daw
kasi ang ulo nya, kaya mauuna na syang matulog."

Lumingon ako buhat sa likuran ko
at ngumiti kay Zeus, may bitbit syang dalawang glass na may lamang wine.

Inabot nya sakin ang isa tapos inis -straight ko ang laman 'non. Nung naubos na nilapag ko agad ang baso
sa may center table.

Tapos lumapit ulit ako sa kanya,
tahimik lang kaming dalawa habang pinagmamasdan ang ganda ng kalangitan.

Pumunta agad ako sa terrace nila
nung umalis na sila Lexa at Rebecca, nakita ko pa nga sila sa loob ng sasakyan buhat sa kinaroroonan ko.

Alam ko nag uusap pa sila sa loob,
tapos maya maya lang parang may ginawa si Rebecca kay Lexa hindi ko lang sigurado kung ano 'yon.

Basta ang nakita ko lang parang
inilapit nya yung mukha nya kay
Lexa, na parang hinalikan nya ito,
tapos umalis na din sila agad.

Nung nakita ko 'yon, Parang nakaramdam ako bigla ng selos,
kanina ko pa 'to naramdaman simula nung nakita ko silang magkasama kanina.

Balak ko sana syang kausapin pag katapos ng dinner, kaso dumating naman syang may kasama.

Hindi ko tuloy sya nakausap ng sarilinan, marami sana 'kong
sasabihin sa kanya kaso nanatili lang lahat 'yon sa isip ko.

Buong dinner sa kanila lang ni
Rebecca naka focus ang atensyon ko,
ni hindi nga nya ako magawa man
lang sulyapan.

Doon na bumalik sakin lahat, yung masasayang araw na magkasama
kami ni Lexa, kahit saglit lang alam
'ko sa sarili ko na naging masaya ako.

At sa saglit lang na 'yon nagkaroon
ako ng doubt sa nararamdaman ko.

"Hon bakit mo sinabi kay Lexa na busy ka bukas? akala ko ba pina
re-schedule mo na yung meeting
nyo para masamahan mo 'ko sa boutique." Naalala kong itanong sa kanya.

"Hon im sorry hindi pumayag ang bord eh kailangan talagang pag usapan bukas, besides hindi ko
rin naman pwedeng tignan kung gaano 'yon kaganda sayo, tradition
na sa ating mga filipino na bawal makita ng groom ang bride nila na sinusukat ang trahe de boda nila
diba? Baka daw hindi matuloy ang kasal. So naisip ko na si Lexa na
lang ang isama mo, atleast makikita ka nya kung gaano ka kaganda na soot-soot mo 'yon, at sya na lang
ang tatanungin ko kung gaano ba kaganda ang magiging asawa ko."

Kita kong parang naging emosyonal
sya at bihira yong mangyari sa kanya.

Seryoso man sya kapag kausap mo,
pero hindi mo sya makikitaan na umiyak o mag drama man lang.

Kahit nga nung nag propose sya sakin hindi sya umiyak, seryoso lang sya habang hinihintay yung Yes ko.

Hinawakan ko ang guwapo nyang mukha, at tinignan sya ng mabuti, dahan-dahan kong inilapit ang labi
ko sa labi nya.

I kiss him...

Yung halik na para bang sabik na
sabik ako sa kanya, ako yung mas naging agresibo sa aming dalawa.

Seducing Miss Tin (GxG Completed)Where stories live. Discover now