My Boss is a Freak (Published...

By missflimsy

16.4M 232K 10.1K

Sa kwentong ito, malalaman mong hindi lahat ng tinatawag na "freak" ay dorky, nerd, or just generally not nic... More

My Boss is a Freak
1: Mira
2: Vren
Author's Note
3: Mira
4: Vren
5: Mira
6: Vren
7: Mira
8: Vren
9: Mira
10: Vren
11: Mira
12: Vren
13: Mira
14: Vren
15: Mira
16: Vren
17: Mira
18: Vren
19: Mira
20: Vren
21: Mira
22: Vren
23: Mira
24: Vren
25: Mira
26: Vren
27: Mira
28: Vren
29: Mira
30: Vren
32: Vren
33: Mira
34: Vren
35: Mira
36: Vren
37: Mira
38: Vren
39: Mira
40: Vren
41: Mira
42: Vren
43: Mira
44: Vren
45: Mira
46: Vren
47: Mira
48: Vren
49: Mira
50: Vren
51: Mira
52: Vren
53: Mira
54: Vren
55: Mira
Author's Note
MBIAF is Now Published under Pop Fiction!
THANK YOU! ♡

31: Mira

266K 3.4K 162
By missflimsy

"Hoy, Baklita. Tigil-tigilan mo nga ako!" I looked at Alexia through narrowed eyes. "Wala akong panahon para sa mga kalokohan mo. Tara nang bumalik sa office."

"KJ naman nito!" Sinimangutan ako ng bruha. "Game na, Mira! Let's call this game, The Big Reveal. Gora?"

"Papayag na sana ako, kaso, ang baduy ng napili mong pangalan," biro ko.

"Pagbigyan mo na si Alexia, Mira. Minsan lang naman tayo magkabukingan, eh. Tsaka if we really are to be best friends, we have to be transparent to each other," pangungumbinsi naman ni Mavi.

"True. Unless may dark secret kang itinatago?" sabi naman ni Hannah.

Tumawa naman ako. "Ako, may dark secret? Pagdating sa akin, what you see is what you get."

"Ganern?" Tumaas ang kilay ni Alexia. "Malalaman ba natin by just simply staring at each other kung ano ang type natin sa guys, kung naka-ilang dyowa na ba tayo, o kung sino ang first kiss natin? Ano tayo, psychic?"

Oo nga naman. May point siya do'n.

"Siya, sige na nga." Bumuntonghininga ako. "Game na, bago pa tuluyang maubos ang breaktime natin."

"Yes!" Alexia clapped his hands in glee. "Sige, dahil ako naman ang may pakana ng lahat ng ito, you can start with me," pagpapakadakila niya. "Remember, only one question per person. So, you have to ask wisely."

"Go na! Ang dami mo pang satsat!" pagtataray ni Hannah.

"Eto na nga! Napakataray mo talaga. May monthly period ka ba?" bwelta naman ni Baklita sa kanya.

"O, ayan na naman kayo! Mamaya niyan, kayong dalawa ang magkatuluyan," kantyaw ni Mavi sa dalawa.

"Eew! Over my dead, gorgeous body!" sabay na linya nina Alexia at Hannah.

At talagang pareho pa sila ng linya ha? Baka soulmates nga ang dalawang ito.

"Okay, I'll ask Alexia first." Mavi smiled impishly. "Alexia, anong reaksyon ng parents mo nang malaman nila na bakla ka?"

"Ay, ano ba 'yan. Ang baduy ng Q — parang ikaw lang," pambabara ni Baklita.

"Sagutin mo na lang!" Inirapan siya ni Mavi.

"Eto na nga! Hmm..." Alexia appeared to be thinking. "Noong umamin na ako sa parentals ko na isa akong sirena, 'yong mudra ko, hinimatay. Ako lang kasi ang nag-iisang lalaki sa magkakapatid — noon. Dahil ngayon, puro na kami girls." The four of us giggled. "Tapos si father dear naman, ayon, hinabol ako ng taga. 'Wag daw akong babalik sa poder nila hangga't hindi ako nagpapakalalaki. Pero asa naman na matitiis nila ako. After one month, pinauwi rin naman nila ako. Tanggap na raw nila ako."

"Ako naman ang magtatanong!" biglang pag-eksena ni Hannah. "Alexia, bakit ang pangit mo?"

Nanlaki ang mga mata ni Alexia sa sinabi ng taratitat naming kaibigan. "Mana lang sa'yo. Chaka!"

Nagkatinginan kami ni Mavi at sabay na tumawa.

"Okay, my turn," I said when the laughter died down. "Alexia, nagka-girlfriend ka na ba?"

Pinandilatan din ako ni Baklita. "Eew! Of course not! Pagkalabas ko pa lang yata sa bahay-bata ng mudra ko, alam ko nang mali ang katawang napasukan ko — na dapat ay isang bouncing baby girl ako. Tinago ko lang ang totoong pagkatao ko dahil sa takot sa tatay kong maton."

Another round of giggles from our group.

"Si Hannah naman ang i-interrogate natin," sunod na suhestiyon ni Mavi. "Ako na lang ulit ang unang magtatanong. Hannah, may boyfriend ka ba ngayon?"

"Yup. Tatlo," sagot ni Hannah na may nakakalokong ngiti.

"Woah." I looked at her in awe. Ibang klase talaga ang guts nitong si Chinita. "Okay, here's my question. Sa tatlong 'yon, sino ang pinakamahal mo?"

"Easy — si George. He's an architect." Halata ang biglang paglamlam ng mga mata ni Hannah. "'Yong dalawa naman, kaya ko lang ginawang jowa ay para pagselosin si George. Lagi kasi siyang walang oras para sa akin. So, I thought of doing something to grab his attention. I wanted him to feel that anytime, pwede akong maagaw sa kanya. But George still doesn't care." She shrugged. "He's obsessed with work."

Poor Hannah. Sa kabila ng pagiging bubbly at mataray niya — in a funny way — may itinatago rin palang kadramahan sa buhay ang singkit naming kaibigan.

Mukha namang tumagos sa puso ni Alexia ang kwento ni Hannah. "Aww. Sis, ramdam kita. At dahil diyan, kahit tinawag mo akong pangit ngayon, ceasefire muna tayo. No away until tomorrow."

"Wow ha. Thanks," sarkastikong sagot sa kanya ni Hannah.

"Maldita talaga! Nakikisimpatya na nga ako, eh!" Inirapan siya ni Alexia. "Fine, ito na ang question ko. Pwedeng akin na lang 'yong dalawa mo pang papa? Tutal, si George naman pala ang true love mo!"

"Gaga! Kailangan ko pa sila, 'no? Mawawalan ako ng supply ng designer bags and shoes kapag pinakawalan ko sila." Hannah grinned mischievously.

I shook my head, chuckling. "Okay, it's Mavi's turn to be interviewed."

"Fire away, then." Mavi smiled at me.

"Friend, okay lang naman kung hindi mo sagutin ang tanong ko. Curious lang kasi ako," panimula ko. "You are beautiful, Mavi. How come you hide that beauty by being old-fashioned?"

Nagkatinginan sina Alexia at Mavi pagkabitaw ko ng tanong ko. Hannah, meanwhile, gave Mavi an expectant look. Halatang curious din si Chinita sa magiging sagot ng aming kaibigan.

"Ah, 'yon ba?" Mavi gave me a sad smile. "It's because of Fix."

"Fix?" Hannah and I echoed.

"Oo, si Fix Castillero." Alexia explained on Mavi's behalf. For some reason, our gay friend suddenly sounded angry. "First love ni Mavi na niloko siya. Hindi niyo naitatanong, campus beauty queen itong si Mavi dati. Nagkaganyan lang 'yan matapos siyang lokohin ng hinayupak na 'yon."

Hannah and I shared a sad look before turning to Mavi, who smiled at us timidly.

"Anyway, enough of that wretched guy. Kumukulo ang dugo ko kapag nababanggit ang pangalan ng manlolokong 'yon." Alexia smirked. "Hindi na ako magtatanong sa'yo, Mary Eve Alegre. Kilala na naman kita mula ulo hanggang paa. Sawang-sawa na nga ako sa mukha mo, eh."

Mavi slapped Alexia's arm jokingly.

"Ay ako, Mavi, may tanong sa'yo. Kung talagang matagal na pala kayong magkakilala nitong si Alessandro, bakit buhay pa 'to? Kung ako sa lugar mo, matagal ko nang napaslang 'to," nakakalokong sabi ni Hannah.

Tumawa naman kami ni Mavi, habang si Alexia, pabirong hinila ang buhok ni Chinita.

"Siguro, Hannah, kaya nga sa akin bumubuntot itong si Alexia ay dahil alam niyang mabait ako. Kung ibang tao lang, malamang nga ay matagal na siyang namaalam sa mundong ito," Mavi answered, still chuckling.

"Okay, that's enough!" Alexia glared at both of them. "Tama na ang pang-aalipusta niyo sa akin. It's time to interrogate our very own Mirathea Custodio."

My three friends all grinned naughtily. Bigla naman akong kinabahan.

Parang masyado namang nakakaloko ang tingin nila sa akin! Mukhang hindi ko magugustuhan ang mga itatanong nila.

"First Q!" Si Alexia na ang nauna. "Mira, who is your first kiss?"

"First kiss? W-wala!" nauutal kong sagot sabay sa pamumula ng aking mukha.

"For real? You've never been kissed?" segunda naman ni Hannah.

"Oo nga! Never pa nga akong nagka-boyfriend, eh!" agad kong sagot.

"What? Umabot ka sa edad na 'yan na NBSB?" Tumaas ang kilay ni Alexia.

"Bakit naman, Mira?" pagsingit ni Mavi. "Imposible namang walang nanliligaw sa'yo. Ako nga, sandamakmak. Or at least, that's when I was still a campus beauty queen."

"Meron naman. Kaya lang, hindi ko sila type," palusot ko.

"Ang ganda mo, 'te?" Tumawa si Alexia. "Choosy masyado?"

Hinampas ko siya habang tatawa-tawa rin. Aalma pa sana si Baklita sa pananakit ko nang biglang may magsalita mula sa kawalan.

"So, you've never had a boyfriend, and you've never been kissed. What else do we need to know about you, Ms. Custodio?"

Mabilis pa sa alas-kwatro na napalingon kaming apat sa pinanggalingan ng boses.

Shoot.

"Sir Vren!" I gasped. "Kanina ka pa po nandiyan?"

"Just long enough for me to hear how unfortunate your dating life is," he answered with a smirk, making me blush even more. Then, in a much more dangerous tone, "May I know why the four of you are still out? Lunchtime is over by twenty minutes."

Nagkatinginan kaming magkakaibigan, ngunit walang nagsalita.

"This is so irresponsible of you – two department heads gossiping with co-employees during office hours," pagpapatuloy ni Mr. Montevilla.

"Sorry, Sir Vren," nakatungong paghingi ng pasensya ni Mavi.

"You better be," pagsusuplado naman ng aming boss. "Now go back to the office."

Para kaming hinahabol ng toro dahil sa pag-uunahan naming apat na makalabas sa Serendipity, ang cafe na kinaroroonan namin ngayon na katapat lang ng Medialink. Pulang-pula man ang mga mukha dahil sa kahihiyan, nagawa pa rin naming pasimpleng magngitian ng aking mga kaibigan, dahil considering how strict Sir Vren is, we practically got out of the situation unscathed.

Or, at least, that's what I thought before we heard his voice again.

"Mira, I think you should stay here."

What? Bakit kailangang maiwan ako?

"Bye, sissy!" pabulong na sabi ni Alexia sa akin. "Mukhang hindi pa tapos ang sermon sa'yo ni Sir Vren, ah. May iba ka pa bang ginawa na dapat niyang ikagalit?"

"Hindi ko alam!" I hissed back at him. "Siya, mauna na kayong bumalik sa office. Kapag may naghanap sa akin, sabihin niyo na lang na may pinuntahan ako saglit."

Pasimpleng nag-wave sa akin si Mavi habang si Hannah, may flying kiss pang nalalaman.

Muli kong nilingon si Sir Vren at parang gusto kong tumakbo na lang para sundan ang mga kaibigan ko, nang makita ko kung gaano kaseryoso ang kanyang mukha.

I think, right now, I'm dead meat.

Continue Reading

You'll Also Like

9M 246K 66
The Doctor is out. He's hiding something
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
20.6M 508K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
13.5M 384K 41
Macario Karangalan Sandoval