GENTLEMAN'S QUEEN # 2: JHEN

Por paujhoe

644K 16.3K 312

Second Book of GENTLEMAN'S QUEEN story of Jen and Rome Cover by: PANANABELS Más

Synopsis
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Epilogue

Eleven

18.7K 563 19
Por paujhoe

Rome...

Mula ng umattend siya at si Jen sa auction na iyon nag-iba na ang takbo ng buhay nilang mag-asawa. Naging mailap na sa kanya si Jen, may mga lugar na pinupuntahan si Jen na hindi niya alam kung saan. Kapag tinatanong naman niya ito hindi siya sinasagot nito at iibahin na nito ang usapan nila.

Napansin din niyang parang pinaglalapit siya at si Kc ng asawa niya. Si Kc ang batang nabili nila noon sa auction. Palaging si Kc ang pinaghahanda ni Jen ng mga gamit niya o kaya naman ng kakainin niya na dati ni Jen ang gumagawa.

"Sir, ito na po ang gamit niyo"iniabot sa kanya ni Kc ang attaché case niya.

Gaya ngayon araw ang aga-aga wala na ang asawa niya sa bahay nila. Nag-aalala na siya malaki na kasi ang tyan ng asawa niya eight months na itong buntis pero hindi pa na pirmis ang asawa niya sa bahay.

"Salamat Kc"sagot niya dito na nakangiti.

Napansin niyang namula ang pisngi ng bata, maganda naman ito kahit na bata pa lang kakikitaan na ito na kakaibigan ganda ano pa kaya kapag nagdalaga na talaga ito.

Pasakay na siya ng sasakyan niya ng humabol sa kanya si Mia.

"Daddy, nasaan po si Mommy?"malungkot na tanong sa kanya nito.

Nang lingunin niya ito nakita niya ang namumuong luha sa mga mata nito. simula na din kasi ng ikasal sila ni Jen tinama na niya ang tawag sa kanila ng bata, naayos na din niya ang adoptive papers nito kaya legal na niyang anak si Mia.

Malalim na buntong hininga ang naisagot niya dito at bumalik para kausapin ang bata.

Namimiss na rin marahil nito si Jen, gaya niya bihira na nilang makasama si Jen nitong mga nakaraang buwan. Palagi kasi maagang aalis si Jen tapos gabing gabi na kung bumalik.

"Mamaya kakausapin ko ang mommy okay, wag ka ng malungkot. Papasok na sa work si daddy, ayokong umalis na umiiyak ka"pag-aalo niya dito.

Niyakap naman siya nito at tuluyan ng umiyak ang bata.

"Miss ko na po si Mommy, daddy"humihikbing tugon nito.

Tiningala naman niya si Kc, mukhang naintindihan naman nito ang gusto niyang mangyari kaya naman lumuhod din ito at pilit na kinukuha si Mia sa kanya.

"Mia, magplay na muna tayo sa loob"pang-eengganyo pa nito sa bata.

Wala kasi pasok sa school ngayon dahil na din sa bakasyon na sa mga school kaya nandito sa bahay ang mga bata kaya ramdam nila ang pagkawala ni Jen sa kanila.

"Ayaw, gusto ko sumama nalang kay daddy wala naman kasi si mommy"umiiyak na turan ni Mia.

Hirap na hirap nilang inalo si Mia, kaya naman late na siyang nakapasok sa opisina niya.

Kailangan ko ng makausap si Jen, hindi na maganda ang nangyayari.

Maging ang mga kaibigan kasi ni Jen na sina Honey at Jobie wala din ideya sa mga tumatakbo sa isip ni Jen. Wala na sa plano ng mga ito ang mga nangyayari ngayon sa kanila.

Doble ang pag-aalala niya para dito ngayon, dahil na din sa pagbubuntis nito.

Hinintay niya si Jen sa buong magdamag pero hindi ito umuwi sa bahay nila. Nasa sala lang siya sa buong magdamag na paghihintay niya sa asawa niya.

"Sir"gulat na tawag sa kanya ni Kc.

"Kc, Rome nalang ang itawag mo sakin wag ng sir"halos pabulong na turan niya.

Nahihiyang nilapitan siya nito, mababakas sa mukha nito ang pag-aalala sa kanya. ganoon na ba siya kamiserableng tingnan sa isang gabing walang tulog.

"Rome, hindi ka ba natulog?"nag-aalalang tanong nito sa kanya.

Isang pilit na ngiti ang pinakawalan niya sa dalagita bago siya tumango bilang sagot sa tanong nito.

"Matulog ka na, magpahinga ka na. Gigisingin nalang kita kapag dumating si Ma'am Jen"nag-aalala pa din wika nito.

Dala ng pagod at puyat nanghihina na tumayo siya sa kinauupuan niya sa buong magdamag. Habang naglalakad siya paakyat sa hagdan nakaramdam siya ng pagkahilo, buti nalang nakasunod sa kanya si Kc kaya naman naalalayan siya nito.

Inalalayan siya nito hanggang sa kwarto nila ni Jen hanggang sa makahiga siya sa kama. Nakapikit na siya at handa ng matulog ng maramdaman niya ang mabining haplos sa kanyang pisngi. Sa pag-aakalang si Jen ang humahaplos sa kanyang pisngi without looking hinapit niya ito at niyakap ng sobrang higpit.

Hahalikan pa nga sana niya ito kundi lang ito nagsalita.

"Rome"malambing na tawag nito sa kanya.

Nang imulat niya ang mukha niya nakita niya ang maamong mukha ni Kc na siyang yakap-yakap niya at hindi si Jen.

"Kahit sandali palang kita nakilala minahal na kita Rome"bulong sa kanya ni Kc.

Sa gulat niya hindi siya nakapaghanda ng bigla nalang siyang halikan nito sa kanyang mga labi. Hindi agad siya nakapag-react sa biglang paghalik sa kanya ni Kc, matagal na ang pagkakalapat ng kanilang mga labi ng maisip niyang itulak ito palayo sa kanya.

Naalala lang kasi niya ang mukha ni Jen, na kung anong sasabihin sa kanya ni Jen kung nagkataon kung mahuli silang dalawa ni Kc sa ganitong sitwasyon.

Magsasalita palang sana siya para pagsabihan ang dalagita ng makarinig siya ng paglagabog ng pintuan ng kwarto nila ni Jen. Nang tingnan niya ang pinto nakasara naman ito pero kakaibang kaba ang sumalakay sa kanya kaya dali-dali siyang tumayo para tingnan kung ano ang narinig niya.

Paglabas niya ng kwarto sakto naman nakita niya si Jen na nagmamadaling bumababa ng hagdan nila.

Lalo siyang kinabahan sa isiping nakita ni Jen ang nangyari sa kwarto nila kanina lang.

"Jen!"nag-aalalang tawag niya dito.

Nilingon naman siya nito, pero laking pagsisisi niya sa ginawa niyang pagtawag sa asawa niya. pakiramdam niya nanlaki ang ulo niya ng makita niya kung paanong nagpagulong gulong sa hagdan si Jen dahil sa pagkakamali nito ng hakba.

"Jen!!!"sigaw niya ng nakahandusay na ito sa lapag.

Humahangos na bumaba niya para daluhan ang asawa niya. naminhid ang buo niyang katawan ng makita niya ang kalunos-lunos na sinapit ni Jen sa pagkakalaglag nito.

Duguan ang ulo nito maging ang pagitan ng hita nito. para na siyang naitulos sa kinatatayuan niya sa nakikita niya, hindi niya magawang ikilos ni daliri niya para lang malapitan si Jen.

"Rome ang baby"nanghihinang turan ni Jen.

Doon para siyang binuhusan ng malamig na tubig kaya naman mabilis ang kilos na binuhat niya si Jen at dinala sa ospital.

"Jen I'm sorry"umiiyak na kausap niya sa asawa habang nasa biyahe sila papunta ng ospital.

Hindi naman siya sinagot nito dahil na din sa nawalan na ito ng malay kanina habang isinasakay niya ito sa sasakyan. Abot abo tang panalangin niya n asana walang mangyari sa mag-ina niya, kung mayroon man hindi niya mapapatawad ang sarili niya kung magkataon na may nangyaring masama sa kanila. Kasalanan niya ang lahat ng nangyari, sana kung nag-isip siya kanina hindi aabot sa ganito ang lahat.

"Please help my wife"desperado niyang hingi ng tulong ng makarating sila sa ospital.

Agad naman siyang dinaluhan ng mga nurse at mga doctor para tingnan ang kalagayan ng asawa niya.

Hindi naman nagtagal isinalang na agad sa operating room ang asawa niya. sinabihan na din siya ng doctor na kailangang macesarian na si Jen para mailagtas ang anak nila na agad naman niyang sinang-ayunan.

"Rome anong nangyari?"humahangos na tanong sa kanya ni Jobie.

Hindi niya namalayan na dumating na pala ang mga kaibigan ni Jen sa ospital siguro sinundan sila ng mga ito ng makaalis sila sa bahay.

"I... I didn't intent to...I'm sorry"nanghihina niyang sagot.

Nakatulala siya sa kamay niya na puno ng dugo ni Jen. Kinakabahan siya ng husto, hindi niya alam kung anong gagawin niya ng mga oras na iyon. Hindi niya makuhang kumalma para makapag-isip siya ng matino, ang tanging nasa isip lang niya ngayon ay ang asawa at anak niya.

Oh Lord, help my wife and child...lahat gagawin ko para sa kanila maging ligtas lang silang dalawa. piping dasal niya.

Naghintay sila ng ilang oras sa labas ng operating room, sa buong oras na iyon hindi siya tumigil sa pagdarasal para sa kaligtasan ng mag-ina niya.

Nakahinga lang siya ng maluwag ng lumabas ang doctor at sabihin ligtas na ang mag-ina niya.

"Doc ano po ang kasarian ng baby?"exited na tanong ni Honey sa doctor.

Hindi na niya nagawang tanungin iyon sa sobrang katuwaan niya ng malaman na ligtas na ang mag-ina niya.

"It's a boy"nakangiting sagot ng doctor bago sila iwanan nito.

"Ano bang nangyari Rome?"biglang sumeryoso ang kaibigan ni Jen na si Jobie.

Nakatitig na pala ito sa kanya, seryoso lang itong nakatitig sa kanya gayon din si Honey.

Nahihiyang napatungo siya, hindi niya alam kung paano niya sasabihin ang lahat dito o sasabihin pa niya sa mga ito ang nangyari.

"Di bale na nga, kay Jen nalang namin itatanong"naiinis na iniwanan siya ng dalawa.

...............

Nang mailipat na sa private room si Jen hindi na niya ito inawanan, hindi pa nga niya nakikita ang anak nila. Nasa incubator ang anak nila ngayon dahil kulang pa ng buwan ang bata, pero hindi niya magawang umalis sa tabi ng asawa niya ngayon kaya ibinigay na niya muna ang pag-aalaga sa anak nila sa mga kaibigan ni Jen.

Hinihintay niyang magising si Jen, bawat minutong dumadaan palakas ng palakas ang kaba niya na nararamdaman.

"Hmmm"

Parang may kabayong nagtatakbuhan sa dibdib niya ng marinig niyang umungol ang asawa niya, nang tingnan niya ito nakita niyang unti-unti na itong nagmumulat.

"J-jen"kinakapos ng hangin na tawag niya dito.

Nilingon siya nito, blangko ang ekspresyon ng mukha nito habang nakatingin sa kanya ang asawa.

"Asan ang anak ko Rome?"tanong sa kanya nito.

Parang ilang beses siyang sinaksak sa dibdib niya sa paraan ng pagkausap sa kanya ni Jen. Napakalamig ng pananalita nito sa kanya, na para bang pinaparamdam sa kanya nito na hindi na siya nito kailangan.

"Jen, I'm sorry"nilapitan niya ito.

"Sagutin mo ako, asan ang anak ko Rome"madiin ang pagsasalita nito.

Naging mabalasik na din ang paraan ng pagtingin nito sa kanya ngayon, na para siyang lalamunin nito sa galit na nakikita niya dito.

"Nasa nursery, he's fine my queen"bulong niya.

Para namang nakahinga ng maluwag si Jen bago siya nito tinalikuran, as if dismissing him and don't want to talk to him.

"My queen"tawag niya dito.

"Stop it Rome, ayokong pag-usapan. Just leave me alone okay"taboy sa kanya nito.

Muli para siyang nakaramdam na sinasaksak ang dibdib niya sa sinabi ni Jen sa kanya.

"No, Jen let me explain it. Please, ayusin natin ito"pagmamakaawa niya dito.

Pero hindi na siya nito kinausap pa, ni tingnan man lang hindi nito ginawa. Nanglulumo na iniwanan niya ang asawa niya ng hindi na talaga ito lumingon man lang sa kanya para kausapin siya.

Tinawagan niya ang mga kaibigan ni Jen na ito na muna ang tumingin kay Jen. Pinalitan niya ang mga ito sa anak niya.

"Anak"tawag niya sa anak niya.

Tinitigan niya ang anak nila ni Jen, natutuwa siya dahil sa wakas nakikita na niya ngayon ang bunga ng pagmamahalan nila ni Jen.

"My little prince, I'm happy to finaly meet you now. I love you so much anak"umiiyak na kausap niya dito.

"Gagawin ko ang lahat mapatawad lang ako ng mommy mo"patuloy niyang kausap sa anak niya.

Doon niya binuhos lahat ng sama ng loob niya sa anak niya, hindi dapat siya nagpapakita sa anak niya na mahina siya lalo pa ngayon, dapat masaya sila sa pagsilang nito pero kabaliktaran ang nangyayari.

........

a/n :

C O M M E N T ! ! !

V O T E ! ! !

Seguir leyendo

También te gustarán

148K 1.4K 28
Hot Politicians Series 4 Touch me, Kapitan-Señor Wearing a white long sleeves and tattered jeans paired with a high-cut brown boots, his hair danced...
1.3M 19.1K 51
Oh boy, Zarrick is a forbidden one. Erriah knows that. At such a young age, she shall not think of any kind of obscene things pero masarap talaga ang...
34.3K 565 56
Connor & Ynalaine's Story Ynalaine has been secretly in love with Connor, the guy who seems to have everything. One day, Connor asks for an unusual f...
10.7K 219 28
Thalia is a happy-go-lucky girl but everything changed when Howard enters her life and became her husband. *** Thalia Scarlett Acosta would rather st...
Wattpad App - Desbloquea funciones exclusivas