ONLY A MEMORY AWAY (Unedited...

Від anrols

64.7K 1.3K 93

Catch line: "Where do we go from here? Nasa nakaraan ka, nasa kasalukuyan ako... Ah! Basta, sa kasalukuyan la... Більше

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9

Chapter 10

10.7K 230 52
Від anrols


Nicka realized that it is the proper time to talk to Oscar. Things are now falling into place kaya nararapat lang na sa sariling kaligayahan naman siya magfocus ngayon.

Gaya nga ng sabi ni Ernesto sa sulat, ito ang may pakana ng nangyari sa party. That means na nagkamali siya sa pambibintang kay Oscar. Pinahirapan niya ito at tiniis sa kasalanang hindi naman nito ginawa.

Gusto niyang kastiguhin ang sarili niya. She hated the fact that her father was judged wrongly. Pero ngayon, heto siya at ginawa niya rin ang nakakaasar na bagay na iyon. Kay Oscar.

Now, she's very much willing to win Oscar back. Siya na ang kusang pupunta sa bahay nito para makipag-usap.

Kasalukuyan siyang nag-aabang ng jeep na masasakyan papunta sa bahay ng lalaki nang biglang may humintong kotse sa harap niya. Bumaba ang sakay niyon. Si Oscar.

"Mamamalengke ka?" bungad nito sa kanya. Halatang naiilang pa ito na kausapin siya. Natatakot siguro ito na itaboy niya.

"Hindi. Can we talk?" Hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa. Sumulpot na rin naman sa harap niya ang taong pakay niya, lulubus-lubusin niya na. Nakatipid pa siya sa pamasahe at sa effort.

"Sure. Saan mo gustong mag-usap?"

Itinuro niya rito ang park sa harap nila. Agad siyang lumakad patungo roon. Naramdaman niyang sinundan siya nito.

Umupo siya sa bench na naroon. Ginaya ng lalaki ang ginawa niya. Tumabi ito sa kanya. For a couple of minutes, tahimik lang sila. Nagpapakiramdaman. Walang gustong magsimula ng usapan. Nakatingin lang sila sa mga bata na naglalaro sa padulasan at see-saw doon.

Si Oscar ang unang nagsalita. "I'm sorry kung this time ay ako ang nagmumukhang stalker mo. Halos araw-araw na akong tumatambay dito sa area ninyo at literal na sinusundan kita."

"Talaga?" Napatingin siya rito. Hindi niya alam na ginagawa nito iyon. Ang aware lang siya na ginagawa nito ay ang araw-araw na pagpapadala ng bulaklak.

Tumango ito. "Kahit itanong mo pa sa mga tanod dito, pati sa mga tindera ng fish ball at gulaman. Ka-close ko na halos sila dahil lagi akong nasa paligid lang."

"Paano ang trabaho mo kung nagbababad ka rito?"

"I'm on leave. Ang Papa muna ang nag-aasikaso sa business. Sinabihan nila ako ng Mama na gawin ang lahat to have you back."

"Ibig mong sabihin, hindi na sila galit sa akin?" That's a relief for her kung totoo man ang sinasabi nito.

"Nauunawaan ka na nila, believe me. Pinaliwanag ko sa kanila ang lahat. Nagkamali ako sa panghuhusga sa iyo. Nagkamali kami. And I'm sorry for that."

"Ako ang dapat mag-sorry. Dapat ay hindi ako nagpadaig sa galit ko kay Ernesto. Dapat ay hindi ako naging mapaghiganti." Nakagat niya ang ibabang labi niya nang maalala niya ang rudeness na pinakita niya sa lalaki noon, pati ang paninikis niya sa mag-ama niya pagkapanganak niya.

Umusod si Oscar palapit sa kanya. Hinawakan nito ang kamay niya na nakapatong sa hita niya. "Hindi kita sisisihin dahil nangyari na iyon. Gusto ko lang malaman mo na kapag nagkaroon ka ulit ng problema, you can count on me, no matter how big or small the problem is. Ang problema mo ay problema ko na rin."

"Nagkamali talaga ako. I even sacrificed you and Odess. Hanggang ngayon, natatanong ko pa rin ang sarili ko. Where was my heart?"

"You have your flaws. Lahat tayo. Pero hindi ibig sabihin noon na wala kang puso," malumanay na paliwanag nito.

She nodded. "Ano na pala ang mangyayari sa atin ngayon? Maiaayos pa ba natin ang relasyon natin?"

Pinisil nito ang kamay niya na nakapaloob pa rin sa kamay nito. "Of course, we can."

"Tanggap mo pa rin ba ako kahit na ganito ang pamilya ko? Tanggap mo pa rin ako kahit na sinaktan kita? Kahit kulang-kulang ang ala-ala ko?" Nabalutan na naman siya ng insecurity.

"I'm accepting you for who you are. I can't imagine my life without you and our daughter. Ikaw, as a whole, ang minahal ko. Kung hindi ko yayakapin ng buung-buo ang pagkatao mo, hindi iyon matatawag na pagmamahal." He looked at her directly in the eye. Ramdam na ramdam niya ang sincerity nito.

"Mahal mo ako?"

Naihilamos nito ang dalawang kamay sa mukha nito. "Hindi mo ba nararamdaman? Sa panahon ba na kapiling kita ulit, hindi ko ba naiparamdam sa iyo na mahal kita?"

"Nararamdaman ko naman. Kaya lang mahirap ng mag-assume. Maraming beses mo na kasi akong nabara tuwing tinatanong ko kung may lugar ako sa puso mo. Nagsusungit ka lagi kapag iyon na ang tanong. At saka, I recall na sinabi mo sa akin sa ospital na tapos na ang kabanata ng buhay mo na head over heels in love ka sa akin."

"Wow, you have a good memory. That's a good sign," pagbibiro nito.

"I'm serious." Inirapan niya ito.

He exhaled. "Okay. Nasabi ko nga iyon. But that was just a way to save myself from more heartaches. A defense mechanism. Pero noong nakasama na kita ulit, I made sure na maiparamdam ko sa iyo na mahal kita. There, I said it. I love you."

Nagningning ang mga mata niya nang marinig ang tatlong words na pinakahihintay niya mula rito. Parang bigla niyang narinig ang malambing na awit ng mga ibon sa paligid niya. At least ngayon, may pinanghahawakan na siya.

"Then you'll ask me to marry you?" Ngiting-ngiti siya habang nagsasalita. She brought back her confidence.

"Not until you say that you love me too."

"Fine. I love you but -"

"But what? Kinakabahan yata ako sa karugtong niyang sasabihin mo." Kumunot ang noo nito.

"But you have to wait."

"Bakit naman? Ano pa ba ang problema? Si Ernesto pa rin ba? He must get out of the picture." He snorted.

Naalala niyang sabihin dito ang tungkol sa lalaki tutal ay nabanggit na rin naman ito. "He's out of the picture. He died."

"He died?" pag-uulit nito sa sinabi niya. "Sana naman ay hindi dahil sa pagsuntok ko sa kanya. Isang suntok lang naman iyon."

"Sinuntok mo siya?" Nanlaki ang mga mata niya.

"Yeah. Sa party. Dumating siya. I guess, hindi mo na naabutan ang tagpong iyon kaya sa akin ka nagagalit. Napatulan ko siya dahil hindi ko naman kakayaning manahimik lang habang nakikita kong ginaganoon ka."

Nabigla siya sa nalamang iyon. At the same time, na-touch siya. "Sorry. Hindi ko talaga akalaing ganoon ang nangyari. Akala ko talaga ay ikaw ang may pakana ng lahat. I even thought that you used your money to get our pictures together. Akala ko ay iyon na ang ginagawa mong pagganti sa akin. I hate myself - me and my paranoia. Me and my impulsiveness."

"That's your lesson, sweetheart. Huwag kang padalus-dalos at huwag kang nambibintang agad." Mukhang hindi naman ito galit dahil nakangiti ito. "And about that Ernesto, sana naman ay nakapagsisi siya bago siya namatay."

"He did," she quickly replied. "Aasikasuhin na ng abogado niya ang lahat para makalaya si Daddy. Inihabilin niya iyon bago siya mamatay. And don't worry, cancer pa rin ang kinamatay niya. Your fist has nothing to do with his death."

Halatang nakahinga ito ng maluwag sa sinabi niya. "Let's get back to what you were saying. You said that I have to wait?"

"Ganoon na nga. Kung magpapakasal tayo, huwag muna agad. Kasi gusto kong makalaya muna si Dad. Gusto kong siya ang maghatid sa akin sa altar."

Nagliwanag ang mukha nito. "Walang problema iyon sa akin. Nakausap ko na nga pala ang Daddy mo. Pinuntahan ko siya. Hiningi ko na sa kanya ang kamay mo. Gusto kong ipakita sa kanya na malinis ang intensyon ko sa iyo. Pinangako ko rin sa kanya na aalagaan kita."

"Ano ang sabi ng Daddy?" Masayang-masaya siya sa ginawa na iyon ng lalaki.

"Binigay niya ang blessings niya. Matagal kaming nag-usap. Isinama ko rin ang uncle ko na lawyer para matulungan ang Daddy na makalabas na. The good news is, malaki raw ang pag-asa na makalaya siya soon, sabi ng uncle ko."

Overwhelmed siya sa mga narinig mula rito. Una, tinawag nito ng 'Daddy' ang ama niya. Hindi lang acceptance ang nahimigan niya sa paraan ng pagkakabigkas nito ng katagang iyon. Naroon ang pagmamalasakit at pang-unawa. Pangalawa, nag-effort itong gumawa ng paraan para tulungan ang ama niya. Sobra-sobra na ang pagpapatunay nito sa kanya ng pagmamahal nito.

Walang sabi-sabing niyakap niya ang lalaki.

"Will you marry me then?" bulong nito sa kanya. He cupped her face.

"Yes, with all my heart." For the very first time after everything she went through, she cried... while smiling.

Three months later, ikinasal sina Oscar at Nicka. Natupad ang kahilingan ni Nicka na maihatid siya ng Daddy niya sa altar. That was the happiest day of her life.

But the day after the wedding, Nicka freaked out.

"Ang daya mo! Daya!" nakangusong maktol niya sa asawa. Hinampas niya ito sa dibdib.

"Ano ang nagawa kong kasalanan?" nagtatakang tanong ni Oscar. "Kagigising ko lang naman." Pupungas-pungas pa ito.

"Naaalala ko na lahat. Wala na kong amnesia," pahayag niya.

Tila nawala ang antok nito. Napabalikwas ito ng bangon. "How?"

"Kusa na lang bumalik lahat ng ala-ala ko. While I was meditating kanina, every missing detail refilled my mind." Kahit siya, hindi niya rin akalaing babalik ang memorya niya kanina. Siguro, dahil happy na ang outlook niya sa buhay. Very relaxed at peaceful na ang pakiramdam niya.

"Isn't that a good news? Bakit nakasimangot ka?" Nasa mukha pa rin nito ang bahid ng pagtataka.

"Naalala ko na rin ang first time na nagpropose ka sa akin ng kasal."

"So?"

"Dinala mo ako sa Paris para magpropose sa akin. Right in front of the Eiffel tower. Ang daya. Dapat inulit mo iyon. Dapat sa Paris ka ulit nagpropose. Romantic doon." Humalukipkip siya. Para siyang bata na nagtatampo.

Oscar's laughter suddenly filled the room. "Iyan ang dahilan kaya ka naiirita?"

Binato niya ito ng unan na agad naman nitong naiwasan. "Natatawa ka pa."

"Natrauma kasi ako na magpropose ulit doon. Doon mo ako tinanggihan, remember?" Nakangiti pa rin ito.

Napapahiyang tinanggal niya ang pagkakakunot ng noo niya. Natahimik siya sa sinabi nito. He's right.

Umusod si Oscar palapit sa kanya. "Pinangunahan mo lang ako. Sa France naman talaga ang honeymoon natin."

Tinitigan niya ito sa mga mata. Tiningnan niya kung may bakas ng pagbibiro doon. "Hindi nga?"

Binuksan nito ang drawer at may kinuhang plane tickets. Inabot nito iyon sa kanya. "This is supposed to be a surprise for my beautiful wife."

Hindi niya napigilang mapatili. Natutuwang niyakap niya ito.

"Pasensya ka na sa pagmamaktol ko. I guess, ganito talaga ang mood ng mga naglilihi," aniya habang hawak ang tickets. Binabasa niya ang nakasulat doon para masiguradong hindi siya dinadaya ng paningin niya.

"What did you say?" Binaklas ni Oscar ang isang braso niyang nakapulupot pa rin dito.

"Sabi ko, sorry sa pagmamaktol ko."

"No, not that part."

"Alin? Yung tungkol sa paglilihi ko? It's also supposed to be a surprise."

Hinawakan ni Oscar ang mga kamay niya. He made an eye contact with her. He was smiling. Then later, there was a sound. He was laughing. "This is wonderful."

ext-indent:9I$

Продовжити читання

Вам також сподобається

83.1K 937 10
"Do your best and God will do the rest." Iyon ang mantra ni Jenneliza. Gagawin niya ang lahat hanggang sa umabot sila ni Johhans Santimaier sa simbah...
25.6M 909K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
140K 2.1K 12
Unang manuscript ko po published under PHR in 2011! :) Dahil sa mga kaibigan niya kaya muntikan nang mapahamak si Colette. 'Buti na lang at to the re...
67.6K 1K 11
Just like my other works here, this was published ages ago. And likewise, this is the unedited version. Please be kind and forgive me for the typo er...