"A House Full of Hunks" Book2...

By TheScriptWriter

1.3M 22.8K 2.7K

PUBLISHED BOOK Book 1 - Part 1 (168 pages) : 109.75 COPYRIGHT © 2014 by Life Is Beautiful Printing Corp. Avai... More

"A New Beginning"
Chapter 2: When the Playgirl meets the Playboy!
Chapter 3: LOuie + VEnice = LOVE + ??? = Syntax Error!
Chapter 4: The Sadist Nagger and The Silent Writer
Chapter 5: They met again, Unintentionally.
Chapter 6: The Ex. Versus The Attention Seeker
Chapter 7: Evil Plan
Chapter 8: Visitor.
Chapter 9: She's BACK!
Chapter 10: Unknown Feelings?!
Chapter 11: First DATE!
Chapter 12: Official Friend!
Chapter 13 : Let's start all over again ...
Chapter 14: How I wish I was her.
Chapter 15: Intense Vacation.
Chapter 15.1: Intense Vacation (F.A.I.L)
Chapter 15.2: Intense Vacation (H.E.L.P)
Chapter 15.3: Intense Vacation (K.I.D.N.A.P)
Chapter 15.4: Intense Vacation (D.E.C.I.S.I.O.N)
Chapter 16: GAME.
Chapter 17: L.Q
Chapter 18: Memories. Regrets.
Chapter 19: You don't even look familiar ?
Chapter 20: "Broken" </3
Chapter 21: "Too much .. PAIN."
Chapter 22: "No Commitment."
Chapter 23: "His Secret. Her Suffering."
Chapter 24.1: "The Other Side: FALL??!" [Dave's POV]
Chapter 24.2: "The Other Side: Best Friend" [Nathan's POV]
Chapter 24.3: "The Other Side: Her Dad." [Harry's POV]
Chapter 24.4: "The Other Side: Answer" [Zeth's POV]
Chapter 25: "Proposal"
Chapter 26: "One Last Time"
Chapter 27: "Sweet Revenge"
"A House Full of Hunks - CLOSED"
TheScriptWriter's NOTE!

Chapter 1: Still in love?

91.2K 1.4K 218
By TheScriptWriter

Waaaaaaaaaaaaaaaah! Ako ay isang excited na Author! Kaya eto, bibitinin ko na muna kayo !! hihihihi. Salamat sa lahat ng mga nagaabang !! Mahal na mahal ko kayo readers !! Promise, hinding hindi ko kayo bibiguin sa mga susunod na chapters na mababsa nyo ..

#GodBless

_______________________________________________________________________

 


Louie’s POV

 

“BAD TRIP!” reklamo ko sa kanila habang sabay sabay kaming kumakain ng breakfast.

“Nag away na naman kayo!?” sabi ni Zeth. Oh diba, alam na agad nila ang dahilan hindi pa man din sila nagtatanong. -______-

“Ayaw sagutin yung mga tawag ko.” sabi ko naman habang inis na inis na kumakain.

“Ano na naman ba kasing pinag awayan nyo?” tanong ni Nathan. Talagang may Na Naman?!! Sa bagay, this past few weeks wala kaming ibang ginawa kundi mag away.

“Nakalimutan ko kasing mag on-line last night. Well, hindi naman talaga sa nakalimutan .. Late na rin kasi ako umuwi, pagod pa. Alam nyo namang ang daming ginagawa ngayon sa school.” By the way, ilang months na lang pala ga-graduate na kami, kaya sobrang dami na talaga naming ginagawa.

“Dapat pala tinext or tinawagan mo na lang ako nang ako yung nag on-line. Gustong gusto ko pa naman syang makita.” Pang aasar ni Harry. Psssh. Ewan ko ba dyan, in love pa rin ata sa life ko. -___-

“Same here.” Matipid na singit ni Dave. Haaaaay. Isa pa to eeh!

“Nakakainis! Hindi manlang nya maintindihan na ang dami – dami ngayong ginagawa!” Biruin nyo naman kasi, halos hindi na ko naka tulog ng maayos kaka – contact sa kanya. Hindi naman sinasagot!

“Dapat nga kasi tinawagan mo na lang ako nang ako yung kumausap. Alam mo naman .. Lagi akong may time para sa kanya!” Pang iinis na naman ni Harry.

“Harry, magkaiba naman kasi kayo ng lagay ni Louie. Mas busy sya satin!” pagtatanggol sakin ni Zeth. Hindi naman kasi sa pagmamayabang. *ehem* *ehem* I’m running for Cum laude. *ehem* Pero hindi pa alam ni Venice, gusto ko sana syang i-surprise.

“Pheew. Hindi yun dahilan.”

 

“Nawalan na ko ng gana kumain.” sabi ko sabay tayo, which is totoo naman. Bad trip na nga kasi ako, dinadagdagan pa ni Harry.

“Papasok ka na ba?” tanong ni Nathan.

“Oo. Pero susubukan ko pa rin syang tawagan.” Sana lang sagutin na. Miss na miss ko na rin kasi sya, at gustong gusto ko na rin madinig ang boses nya. >_<

***

Pagkatapos na pagkatapos kong maligo kinuha ko agad yung phone ko at dinial yung no. nya.

*Kriing*

*Kriing*

*Kriing*

Venice naman eeh. Hanggang kelan mo ba ko balak tiisin huh?

*Kriing*

*Kriing*

*Kriing*

Answer the phone. Pleasssssssssssssse! T_______T

*Kriing*

*Kriing*

*Kriing*

Oh Fvck !!! Naibato ko na naman yung phone ko sa sobrang inis! VENICE MONTEZ !!! Wag mong ubusin ang pasensya koooo. Dahil kung hindi …

Psssh. Makatawag na nga lang ulit!!!

Kinuha ko ulit yung phone ko sa kama kung san ko sya binato. Dinial ko ulit yung no. nya ..

*Kriing*

*Krii--

Halos mapalundag naman ako sa kama ng madinig kong sinagot na nya. AT LAST !!! ^_____^

“WHAT DO YOU WANT!” sigaw nya sa kabilang line.

“I WANT YOU!!! So pleasssse … Let me explain!!!” hindi ko na naman sya nadinig na nagsalita sa kabilang line, kaya nag salita na lang ulit ako.

“Sorry. Life, hindi ko naman talaga nakalimutan na may usapan tayong mag o on-line last night. Late na kasi ako nakauwi, pagod pa ko.” Still, wala pa rin syang response.

“Pssh. Ayaw ko pa sana tong sabihin sayo. Pero mukhang mas makakabuti kung malalaman mo na, para na rin mas maintindihan mo ko.” huminga muna ko sandali bago ulit nagsalita.

“I’m running for cum laude.” *ehem*ehem*

 

“Re-really?” Hoooo. Finally, sumagot na rin sya.

“Yes. That’s why I’m kind of busy in school. Sorry.”

“No. Sorry!” narinig ko pa yung pag hikbi nya.

“Later aagahan ko na lang muna umuwi, so wag ka ng magtampo huh?” paglalambing ko.

“Life, I’m soooo proud of you. And I’m soooo sorry for being so selfish. I just thought ..”

 

“Wala na kong time para sayo??!”

 

“Ga-ganun na nga ..”

 

“Psssh. Life talaga, alam mo namang lagi akong may oras pagdating sayo diba? Nagkataon lang na sobrang daming ginawa kahapon.”

 

“Kaya nga, sorry na.”

 

“Don’t worry, babawi ako after ng lahat ng toh. Besides, para din naman sa future natin tong ginagawa ko. Alam mo naaa … Mas gusto kong maging proud sakin ang parents mo, lalo na ang lolo mo.” Narinig ko pa na mas lalong lumakas yung pag hikbi nya.

“No need, Life. I understand okay?! Don’t mind me, just take your time.” Psssh. Para namang hindi ko sya kilala? =____=

“Wag ka ng magpanggap … I know you!” at tuluyan na nga syang naiyak.

“Okay lang naman talaga sakin eeh. Kahit whole week pa tayong hindi mag usap on-line .. Kahit nga 2 weeks pa!”

 

“How about 3 weeks?”

 

“Okay lang rin noh! Kahit 1 month pa!” at lalo pa ngang lumakas yung pag iyak nya.

“Life, alam kong mahirap tong sitwasyon natin. Having a long distance relationship is not a joke. Maraming possibilities na baka hindi mag work out ang isang relasyon. Marami ring temptations, Maraming sagabal. Ang akala ko nga as long as na mahal natin ang isa’t isa, okay na. Pero hindi pa rin pala, because at the end of the day .. We still dying to see each other.”

 

“Ano ba talagang gusto mong sabihin??!”

 

“Maraming couples ang hindi nakaka survive sa long distance relationship. You know why?”

 

“Dahil hindi naman talaga nila mahal ang isa’t isa?”

 

“Yeah that’s one.”

 

“That’s one? You mean may iba pang dahilan?”

 

“There’s a lot of reason. Dahil hindi nila kayang mag tiis, hindi nila kayang mag hintay, mag sacrifice … Kaya ang ending, break up! Life, hindi lang love ang bumubuo sa isang relationship. Well, of course that’s one of the most important. But that’s become useless without Trust and Understanding.”

 

“I know.”

“You want this relationship to lasts??”

 

“Of course.”

 

“You love me?”

 

“Of course.”

 

“Do you trust me?”

 

“Of course, I do.”

 

“Then understand me.”

 

“Of course, I will.”

 

“Good girl.” at hindi ko na nga ulit nadinig yung pag iyak nya.

“Text or call mo na lang ako kung kelan ka free at hindi busy then dun na lang tayo mag usap on-line.”

 

“Gaya nga ng sabi ko, uuwi ako ng maaga mamaya. Tatawagan na lang kita huh?!”

 

“Okay.”

 

“Wag ka na ulit umiyak at baka mamaga pa yang mga mata mo. Minsan na nga lang tayo magkita eeh. You should look beautiful!”

 

“Tsssh. OPO!”

 

“Pag miss na miss mo na ko at talagang hindi mo na kaya. Kunin mo agad yung phone mo, then tignan mo yung pictures ko.”

 

“Ganun siguro ginagawa mo noooh!”

 

“Psssh. Tinuturuan na nga kita ng strategy para at least ma bawas-bawasan yung pagka miss mo sakin.”

 

“OPO! Susundin ko na!”

 

“Magbibihis na ko para pumasok.”

 

“aah - okay.”

 

“Be sure that you eat your breakfast! And go to school on time!”

 

“Yes Sir!”

 

“And by the way .. May nakalimutan pa pala ko.”

 

“Huh?”

 

“Wag mo ko masyadong isipin, at baka hindi ka na naman makapag focus sa discussion nyo.” Nadinig ko naman na natawa sya sa kabilang line.

“Tsssh. Look who’s talking?!!” sarcastic nyang tanong kaya naman natawa na lang din ako.

“No more fights aah!”

 

“Yup. No moooore! Pero promise mo na babawi ka aah!”

 

“Yes. I promise.”

 

“You better go. Magbihis ka na at baka ma late ka pa.”

 

“Sure?”

 

“Tsssh. I end first this call.” Paalam nya.

 

“Wait!” pigil ko bago nya pa ma end yung call. Hindi ko pa kasi nasasabi yung mga salitang yun na miss na miss ko na ring sabihin sa kanya.

 

“Whaaat??!” Tanong nya.

 

“I love you, My Life.” Buti na lang wala sya ngayon sa harap ko, kung hindi puro pang aasar na naman yung inabot ko dun. Pakiramdam ko kasi namumula ko. ^////^

 

“I love you too. I trust you and I understand you. My Life.” Hahaha. Natawa naman ako dun! Pa corny na talaga kami ng pa corny nitong LIFE ko. Geez. Samantalang nung una, kinikilabutan pa ko kapag tinatawag ko syang LIFE. Hanggang sa na realize ko na lang kung gaano ka sweet ang tawagan naming yun, na for sure Weird, Corny at Baduy para sa iba. ^////^

***

 

Harry’s POV

 

“I love you, My Life.” Dinig na dinig kong sabi ni Louie pagka daan ko sa tapat ng kwarto nya. And I guess bati na naman sila! Pheew. Balak ko pa naman sanang tawagan si Venice para i-comfort. -_____-

I think everyone is wondering if I’m still in love with Venice. Mmmmm. Well … Magpapakatotoo na ko! Wala pa ring nagbabago sa feelings ko para sa kanya. Yes. I’m STILL IN LOVE with her! And it sucks!

Ilang taon na kaya ang lumipas! Isa pa nga ko sa witness ng mag tanong si Louie sa kanya kung pwede na ba silang magpakasal after she graduated, remember the last part in Book 1?! Wag na nating i-flash back at masasaktan lang ako.

Pero bakit ganun? Kahit ang tagal-tagal na, hindi ko pa rin sya makalimutan! Pa minsan – minsan nag pe-pretend na lang ako pag nasa harap nya o kaya ay kausap ko sya. Pathetic Pretender!!! Ang akala nya naka move on na ko, pero ang hindi nya lang alam … Sya pa rin ang laman ng puso ko! Sounds awful .. But that’s the truth!

Hindi ko nga malaman kung bakit sa dinami – dami ng babaeng nakikilala ko sa isang araw, ni isa wala manlang akong makita na katulad ni Venice. Eto na naman nga ako ngayon ooh. Imbis na mag drive papuntang school, sa bar agad ang diretso ko.

Kadalasan kasi sa 3rd class na ko pumapasok, wala na rin namang masyadong ginagawa dahil ilang months na lang graduation na. Hindi naman kasi ako honor student gaya ni Louie at Dave so hindi nila ko kasing Busy.

“Waiter!” tawag ko agad pagkapasok ko ng bar. Tinignan lnya lang ako at alam na nya agad ang order ko.

Habang hinhintay kong ma serve yung order ko, may iilang girls na naman sa paligid ko ang nag start mag pa-cute. Nang may isang babae akong napasadahan ng tingin.

Naka tingin din sya sakin with her very seductive look. Ngumiti ako, ngumiti lang din sya. Hindi namin inaalis ang tingin sa isa’t isa hanggang sa dumating yung order ko.

“Nakikita mo ba yung girl na yun?” tanong ko sa waiter.

“Opo Sir.”

 

“Bago lang ba sya dito? Ngayon ko lang sya nakita.”

 

“Siguro po. Hindi po kasi familiar sakin yung face nya.”

 

“Go there, and ask her what she wants.” Sabay abot ko ng pera.

 

Pinuntahan nya naman agad yung girl at itinanong dito yung pinatatanong ko. Umalis yung waiter at kumuha ng drinks na inorder nung girl. Nang ma i-serve na nung waiter yung inorder nya, tumingin sya sa direksyon ko sabay kindat.

May ilang girls na ang lumapit sakin pero hindi ko sila pinapansin dahil sa kanya pa rin naka tuon yung atensyon ko, hanggang sa di na nga ko naka tiis at nilapitan ko na sya.

“Hi.” approach ko sa kanya sabay upo sa tapat nya.

“Hi.” lang din ang isinagot nya.

 

“You look not familiar. Bago ka lang dito?”

 

“Nope. Hindi mo lang siguro ko napapansin. Lagi kasing madaming girls na nakapaligid sayo.”

 

“Base sa sagot mo mukhang lagi mo kong tinitignan.”

 

“Hindi naman. Busy rin kasi ako.”

Wala na ulit nagsalita samin after that, pero nanatili pa rin kaming naka titig sa isa’t isa … Nang may isang guy na lumapit at umakbay sa kanya.

“Babes kanina ka pa ba?” tanong nung guy sabay halik sa pisngi nya.

“Nope. Kadarating ko lang din.”

 

“Totoo ba toh babes? Kasama mo sa table si Harry?” hindi na naman ako nagtaka kung bakit nya ko kilala. Pheew. Sino ba naman kasing hindi nakaka kilala sakin sa lugar na toh?

“Obviously.” sagot ko.

“Nice to meet you dude! Having fun with my girl friend?” sabay abot nya ng kamay nya sakin.

“Your girl friend?” tanong ko habang nakikipag shake hands sa kanya.

“Yup.”

 

“So may boy friend ka na pala?” baling ko naman dun sa girl.

“Don’t worry Dude! Pwede ko naman syang ipahiram sayo.”

 

“Ipahiram?” tanong ko. Ano ba naman kasing klaseng boy friend toh, ipinahihiram yung sariling girl friend?

“Oo. Hindi naman ako madamot. Besides, girl friend naman sya ng bayan eeh. Right babes?!” tanong nya dun sa girl.

“Right.” lang ang isinagot nung girl sabay ngiti dun sa guy.

“See you later.” sabay halik nya dun sa girl bago tuluyang umalis.

“What a play girl huh?” sabi ko sa kanya.

“Err – look who the hell is talking?!!” at ngumiti pa sya ng nakakaloko.

Pweeeh. Kapag sinuswerte ka nga naman. Mukhang naka hanap na ko ng bagong mapag lilibangan! At sisiguraduhin ko na pagtapos ng araw na toh, hindi na sya tatawaging girl friend ng bayan. Kundi girl friend KO na lang!

***

Nathan’s POV

 

G*go talaga yung si Harry. Hindi na naman pumasok sa 1st class namin. At dahil sigurado kong hindi na rin yun papasok sa 2nd Class. Nag cut na lang din ako.

Papunta na ko sa gym para makapag basket ball at ng mawala-wala naman tong pagka inip ko. Pag ganito kasing bored ako, may isang tao akong naaalala. Isang tao na hanggang ngayon hindi parin mawala-wala sa isip ko at sa tuwing mag isa ko, bigla ko na lang nakikita yung mukha nya sa imagination ko. =_______=

I learn to love this person before, pero hindi ko sure kung mahal ko pa ba sya hanggang ngayon. Siguro. Baka. Medyo. Hindi na. Oo. Arrrgh! I dunno. Basta isa lang ang alam ko, madalas ko pa rin syang maisip at maalala.

Sa dami ng girls na nag chi-cheer sakin pag may laro kami, presence pa rin nya yung hinahanap-hanap ko. Umaasa pa rin ako na kahit isang beses lang makita ko ulit sya sa audience na nanonood habang sinisigaw ang pangalan ko.

Hindi nga ako masyadong nag exist before sa book 1, hindi ko rin masyadong na express yung feelings ko for her. Hindi tuloy na feel ng readers how much I love that girl. Pero hindi ko yun ipinakita sa kanya dahil sa umpisa pa lang, alam ko ng iba talaga ang gusto nya.

*BOOOGSH*

 

Natigil ako sa paglalakad ng mapansin ko yung babaeng napa upo after kong mabangga.

Tutulungan ko na sana syang maka tayo pero naunahan nya na ko, naka tayo agad sya na para bang walang nangyari, sabay pagpag sa jeans na suot nya.

“Ms. Sorry.” sabi ko, pero hindi nya naman ako pinansin at naglakad na lang sya ulit.

Hindi ko na lang rin sana sya papansinin since nakapag sorry na naman ako, at ipagpapatuloy ko na rin sana ang paglalakad ng may matapakan ako.

“Oh, pen nya ata toh?” sabay pulot dun sa pen na natapakan ko.

Ibabalik ko na sana yun, kaso lang pagka talikod ko wala na sya.

Para namang multo ang babaeng yun? Bukod sa ngayon ko lang sya nakita dito sa school, bigla-bigla na lang rin syang nawawala? Woah! Ang creepy! =______=

Ipapasok ko na sana sa bag yung pen at ibabalik ko na lang sa kanya pag nagkita ulit kami, nang may mapansin akong naka sulat dun …

“Trixie?” Name nya?

“Nathan! Anong ginagawa mo dito? May class ka diba?” tanong ni Zeth habang papalapit sakin.

“Nag cut ako. Ang boring eh! Ikaw ba, mukhang may pupuntahan ka aah.?”

 

“Dyan lang sa auditorium, kukuhaan ko lang sandali ng pictures yung mga new designs na ipa-publish for our next week’s newspaper.”

 

“Okay. Good luck na lang!” inakbayan ko pa sya sabay ngiti ng nang aasar.

“Parang double meaning yung sinabi mo aah?” hahaha. Masyado palang obvious. *3*

“Akala ko hindi mo mapapansin. Basta good luck na lang! Wag ka na lang masyadong pa apekto sa kagandahan nya!”

 

“Loko!” binatukan nya pa ko sabay takbo.

Nga pala, break na si Zeth at si Keila. Kaya yan, medyo nagkakailangan sila, madalas pa naman silang magkasama pag may mga activities na ginagawa dito sa school. Tch. Good luck na lang talaga sa kanila? =_______=

***

Zeth’s POV

 

Sira ulo talaga yung si Nathan, mang asar daw ba? At talagang inunahan nya pa kong mag kwento sa inyo! Nalaman nyo agad tuloy na break na kami. </3

Sya naman ang may gusto nito eeh. Sya naman ang walang tiwala at napaka selosa! Tinapos nya ang relasyon namin dahil sa isang napaka babaw na dahilan!

She’s Jealous …

 

Kanino?

Sa isang babaeng malapit sa kanya, sakin … saming lahat.

Last month kasi nagkaron ng modeling competition ang school sa states, si Keila ang naging representative ng school. As his boy friend sumama ako sa kanya sa states, yung apat naman hindi naka sama dahil nagka sabay-sabay din yung mga school works that month.

The day of the competition tinawagan ako ni Venice, nabalitaan nya rin kasi yung tungkol dun sa competition, nag absent sya para makapanood at masuportahan na rin si Keila.

Ang kaso bumabagyo ng araw na yun, pero natuloy pa rin yung competition. Tinawagan ako ni Venice at nagpapasundo sya sakin kasi nasiraan sya sa highway. Hindi naman sya makalabas para maka hingi ng tulong dahil ang lakas talaga ng ulan.

Hindi naman ako nag doubt na tumakbo paalis dun sa event kahit na magsisimula na yung competition. Alam kong kailangan ni Keila ang suporta ko, pero mas kailangan ni Venice ng tulong ko.

And the next thing happen, nakikipag break na sya sakin.

Kesyo isa daw ako sa dahilan kung bakit natalo sya, hindi ko daw kasi sya sinuportahan at mas inuna ko pa daw si Venice.

Ang akala ko pa naman maiintindihan nya? Hindi pala.

Masakit, pero tanggap ko.

Hindi ko rin naman sya masisisi dahil alam nyang naging crush ko before si Venice. Pero ang laki naman ng pagkakaiba ng crush sa love? -_______-

Basta wala akong pinagsisihan sa naging desisyon ko noon. At tingin ko rin naman, hindi rin sya nagsisisi na nakipag break sya sakin.

“hahahahahahahahahahaha. Greg naman eeh.” pakikipaglandian nya sa lalakeng pansin ko na madalas naka buntot sa kanya.

“Silence please! Nahihirapan akong makapag focus pag may naririnig akong naglalandian!” seryosong sabi ko sa kanya at tsaka ko binaling ulit yung tingin ko sa camera.

“Lumabas na nga lang muna tayo Greg. Mukhang may bitter dito eeh!” pagpaparinig nya. Teka, Bitter? Sino? Ako?!! Ang sabihin nya lang kasi, MALANDI SYA?!! (Tssh. Bitter nga!) -_____-

***

Dave’s POV

“Na miss ko boses mo.”

 

“Last week lang magkausap tayo, miss mo na naman agad boses ko.”

 

“Yun na nga. Last week pa?”

 

“Tsssh.”

 

“Okay na ba kayo ni Louie?”

 

“Yeah. Nagka ayos na kami kanina. Tinawagan mo ba ko para lang itanong yan?”

 

“Problemado kasi sya kanina.”

 

“Kaya nga nag sorry na ko, hindi ko naman kasi alam yung reason kung bakit sobrang busy nya. Yun palaaa …”

 

“Sinabi nya na pala sayo.”

 

“Tingin ko nga hindi lang sya eeh. Tell me, ikaw rin diba?”

 

“Pano mo naman nalaman?”

 

“Sooo … Wow!!! Congratulation in advance!!! For sure, matutuwa nyan si Tita.”

 

“Ganun talaga pag inspired.”

 

“Inspired? Kanino? Ikaw aah. Hindi ka nagkukwento …”

 

“Iisa lang naman ang inspirasyon ko.”

 

“Eh sino nga?”

 

“Kung sino rin yung inspirasyon ni Louie.”

 

“Tssssh. Ikaw talaga …”

 

“Kinilig ka naman?”

 

“Pansin ko lang Dave aah. Yumayabang ka na! Wag ka ngang masyadong nag dididikit kay Louie, baka naiimpluwensyahan ka na nun.”

 

“hahahaha.” Di ko na tuloy napigilang hindi matawa. Ibang klase talaga. Kaya tuloy hanggang ngayon gustong gusto ko pa rin sya eeh. ^///^

“I’m glad to hear your laugh.”

 

“You’re the one who made this.”

 

“Tsssh. Call me if ever hindi ka busy aah. Skype tayo!”

 

“Sure!”

 

“Uhm. Magbibihis lang ako Dave, I’ll text you later.”

 

“Okay.” at hindi ko na nga ulit narinig ang boses nya.

Haaay. Kung pwede lang sana hindi na lang natapos yung conversation namin. Miss na miss ko na kasi talaga yung boses nya, tsaka ang pakikipag usap sa kanya.

Ilang taon na rin ang lumipas pero eto pa rin ako, walang pagbabago. Naturingang cum laude, Bobo.

 

Pano ba naman kasi, hanggang ngayon … May nararamdaman pa rin ako for her. -____-

Sinubukan ko naman syang kalimutan eeh. Ang kaso, kahit na anong subok ang gawin ko, naaalala’t naaalala ko pa rin sya. Ang masaklap pa, mas lalo lang lumalala yung pagka miss ko sa kanya.

Maaga na lang akong uuwi mamaya para makapag usap kami on-line … I can’t wait anymore to see her fa–

*SCREEEEECH*

 

Sound effect yan ng kotse ko na halos ka muntik ng mabangga sa poste, buti na lang at nakapag preno agad ako.

May baliw kasing babae na bigla na lang tumawid sa highway, at kung hindi ba naman isa’t kalahating tanga, Huminto pa!

Kung hindi ko siguro naikambyo yung manibela, nabangga ko na ang baliw na yun!

“What the … Are you out of your mind?” inis na tanong ko dun sa baliw na babaeng muntik ko ng masagasaan.

“Hoy! Wag mo kong ini-english english dyan aah! Ikaw na nga tong muntik maka bangga, ikaw pang may ganang manigaw?!!” pagtataray nya sakin. Ang kapal lang aah, sya kaya tong bigla bigla na lang tumatawid!

“Next time kung magpapakamatay ka wag ka ng mang damay ng ibang tao!” inis pang sabi ko, at papasok na sana ulit ako sa kotse ng magsisigaw sya.

“MUKHA BA KONG MAY BALAK MAGPAKAMATAY HUH!!!! BAKA IKAW YUN NOH!!! KUNG GUSTO MONG PUMATAY NG TAO, KUMUHA KA NA LANG NG KUTSILYO TAPOS SAKSAKIN MO YUNG SARILI MO!!! EDI, TAPOS!!” walang tigil nyang kaka sigaw. Arrrrggh!!! She’s d*mn ANNOYING!!!

“You’re Insane!” sabi ko sabay iling, hindi ko na lang sana sya papansinin dahil nakakairita talaga yung kaingayan nya, kaso nang papasok na sana ulit ako sa kotse ay bigla nyang hinawakan yung braso ko.

“Bitawan mo ko!” sabi ko sabay harap sa kanya, at ganun na lang ang gulat ko ng …

Sapakin nya ko. O.O

 

“Yan ang bagay sa mga walang modong mayayaman na gaya mo!” sabay ngisi at naglakad na nga sya papalayo.

Habang ako …

Hindi pa rin nakaka recover sa pagka bigla …

After unknown minutes …

Hinawakan ko yung part ng mukha ko na sinuntok ng Sadistang Nagger na yun …

“Fv-FVCKKKK!!!!!” inis na inis na sigaw ko sabay suntok sa kotse ko. Naman oooh!! Pumutok yung gilid ng labi ko!! Sh*t ang sadistang yun!!!

Subukan nyang magpakita pa ulit sakin …

Hindi lang sapak ang matitikman nya!

Kahit kelan wala pang nanakit sakin, kahit mommy ko never akong sinaktan!

Yung paninigaw nya matatangap ko pa eeh.

Pero yung pagpapadugo nya sa gilid ng labi ko?

THAT B*TCH !!!

Magsisisi sya.


_______________________________________________________________________



Be free to vote & live ur comment !! Kailangan ko yan bilang motivation !! hihihihi. ^.^

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 9K 11
What Gwen wants, Gwen gets. Iyan lamang ang simpleng rule ng buhay ng 17-year-old na si Gwen Guinto. She is your typical bad girl who breaks hearts o...
525K 14.2K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
1.8M 11.5K 11
"So, it's you and me again, huh, Jet?" Akala ni Jet naka-get over na siya kay Zoe. Halos kalahating taon din ang lumipas bago niya itong mulin...
15.9M 280K 53
Nagsimula ang kwento nila sa maling pagkaka-tag ni Sitti sa pinakasikat na lalaki sa school nila na si Kaizer Buenavista. At ngayong magboyfriend at...