A Rebel Heart (#1)

Bởi parachutelemon

17.8K 591 152

What does it take to change a rebel heart? #AHS1 Xem Thêm

GENERAL DISCLAIMER
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
WAKAS

Kabanata 4

393 10 0
Bởi parachutelemon

Kabanata 4

Napalingon ako sa glass door ng restaurant. Kanina pa ito tunog ng tunog kaya panay rin ang lingon ko doon.

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Ang sabi niya hindi daw dapat ako malate dahil baka daw mainip siya kakahintay sa akin.

Napangisi na lang ako. Late ng thirty minutes ay wala pa rin siya. Late as ever.
Tumunog ulit ang chime ng restaurant kaya napalingon ulit ako doon.

My eyes widen, the baby butterflies in my stomach started going crazy. I can feel my heart's racing beats.

Pagkapasok sa restaurant ay agad siyang nagpalinga-linga na para bang may hinahanap sa loob. His long hair is swaying sabay sa paglingon-lingon niya. Mapapansin ang suot niyang black skinny jeans, black t-shirt, black combat boots and a safari colored coat. Nakasabit rin sa likod niya ang kanyang gitara na nakabalot sa kulay black na bag. Now, he really looks like a rockstar.

My rockstar.

"Toff!"

Excited na sigaw ko sa kanya at kinawayan siya. Ibinaba ko ang kamay ko na kumakaway nang mapansin na napalakas yata ang sigaw ko dahil nakatingin iyong ibang kumakain sa akin.

Lumapad ang ngiti ko nang makitang papalapit na siya sa akin.

"Hey beautiful!" Masaya niyang bati at humalik sa pisngi ko. His manly scent attacked my nose.

Kahit kahapon lang kami last nagkita ay sobra ko siyang na miss. Kakabalik niya lang mula Miami dahil doon ang gig ng banda nila. Napapangiti ako tuwing naiisip ko na umuwi talaga siya dito sa California para sa akin. Kasi, anniversary naming dalawa.

"Happy Anniversary, babe." He said habang kinukuha ang gitara niya na nakasabit sa kanyang likod. Nagtawag siya ng waiter at malinaw na sinasabi iyong order naming dalawa.

Tumitig ako sa kanya and everything felt like I'm in a movie. Nagso-slow motion siya bigla habang nagsasalita. All I can see is his blue eyes, his pointed nose and his lips slowly moving while saying something.

"Babe?" He asked and snapped his fingers. Napakurap-kurap ako at ngumiti sa kanya.

"Happy Anniversary!" Tawa ko at agad naman niyang kinuha ang kamay kong nakapatong sa mesa. Nanlambot bigla ang puso ko nang halikan niya ito ng marahan.

I am so much inlove with this guy.

Namilog ang mga mata ko ng may kinuha siya sa kanyang bulsa. It was a violet velvet box. Binuksan niya iyon at bumungad sa akin ang isang silver na kuwintas na may pendant na di ko maintindihan dahil masyadong nakakasilaw iyon.

"What's this?" I suddenly ask ng hindi pa siya nagsasalita ilang segundo ang makalipas.

Ngumiti siya sa akin at agad kinuha sa box ang kwintas. Itinapat niya ito sa kanyang palad at doon ko lang nakita kung ano ang pendant. It's a silver anchor.

"Happy Anniversary." Tumayo siya sa kanyang upuan at isinuot iyon sa akin. The cold necklace then rest on my collars.

Kumunot ang noo ko. He doesn't like giving gifts to me. Masyado na akong nagtataka. Last month noong birthday ko he gave me a dress tapos ngayon naman kwintas. He clearly stated it before na ayaw na ayaw niya na may natatanggap o nagbibigay siya ng regalo, I don't know what his reasons are but I learned to love that one thing about him.

"Toff, are you okay? Did something happened?" I asked him habang bumalik na siya sa harap ko at umupo na.

He just smiled at umiling.

"I love you."

Napahawak ako ng mahigpit sa bedsheets ko. Hinihingal ako na para bang nakipagkarerahan ako ng ilang oras.

Kinapa ko ang sarili and realized it was all just a dream. Hinanap agad ng mga daliri sa kamay ko ang kwintas sa leeg ko. Napapikit ako ng makapa ko ang malamig na pendant noong kwintas.

Nauuhaw ako na hindi ko maintindihan. Bumaba ako sa kusina para makainom ng tubig. I'm gonna be fine. This is going to be fine.

Kinalma ko muna ang sarili ko at sinubukang matulog ulit.

Hours passed at hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Nabilang ko na kung ano ang dapat bilangin pero wala pa ring epekto. Ang akala ko sa California ko lang ito mararamdaman kasi doon naman nangyari ang lahat. Pati pa rin pala dito ay mangyayari ulit, akala ko makakatakas na ako pero hanggang dito pala ay sinusundan pa rin ako.

Isa lang ang ginagawa ko para makalimutan iyong mga iniisip ko. Huminga ako ng malalim at saka tumayo sa kama. Naghanap ako ng pang work out na outfit sa closet ko. May nahanap akong leggings at isang sports bra, kaya naman mabilisan akong nagbihis noon. Sinulyapan ko ang alarm clock na nakapatong sa mesa, it's just four in the morning. Hinawi ko ang kurtina sa bintana at natanaw na medyo maliwanag na sa labas. Hinanap ko ang jacket na kulay black at saka nagsuot ng running shoes.

I am going for a run.

Wala pa yatang gising sa mga tao sa bahay. Lumabas ako sa kwarto at nagtungo sa kusina. May mas maliit na pintuan doon na madali lang lumabas sa bahay kapag doon ka dadaan. Dumaan ako doon at ilang saglit pa ay nasa highway na ako sa likod ng bahay. Tanaw na tanaw ko ang nagtataasang bakod ng bahay namin.

Huminga ako ng malalim at nagsimula ng tumakbo. Medyo hindi ko kabisado iyong daan dahil isang beses pa lang naman ako nakalabas simula ng umuwi ako dito. Bawat dinadaanan ko ay may tinatandaan akong palatandaan para naman hindi ako maligaw mamaya pag-uwi ko. I need to go back before any of them could wake up. Well, except sa mga maids and drivers at sino sino pang katulong sa bahay. Madali lang naman pakiusapan ang mga iyon na tumahimik na lang.

Nagpalinga-linga ako sa paligid at binuksan ang jacket ko. Kanina pa ako paikot-ikot pero mukha yatang naligaw ako. Mataas na ang sikat ng araw at nauuhaw na rin ako. Kanina habang naglakad I noticed na hindi pa tapos ang cement highway dahil nalampasan ko na kanina ang pinakahuling daan na gawa sa semento, ang tinatapakan ko ngayon ay puro damuhan at lupa na lang. I tried to search for the cement part of the higway dahil sigurado ako na kapag nakita ko na iyon, ay makakauwi na ako.

Naglalakihang puno na ang nasa paligid at halos wala na akong matanaw na kabahayan.

I suddenly got annoyed with myself. Great! Just great! Kung hindi sana ako dumaan sa kitchen na daanan kanina hindi sana ako naligaw. Nabanggit kasi last time ni Kuya Cirrus sa akin na ang daan sa likod ng kitchen at doon sa main gate ay magkaiba ang papupuntahan.

Bago pa maaksaya ang oras ay nagsimula na ulit akong maglakad. This is definitely not the way back home. But maybe there's way here diba? Maliit lang naman ang Stefanina kaya naka-connect din naman siguro lahat dito.

Naglakad lakad ako sa kagubatan. Huni lamang ng mga ibon at tuyong dahon na natatapakan ko ang naririnig ko.

Hindi naman masyadong nakakatakot tulad noong napapanood sa movie na biglang may susulpot na taong kakaiba ang itsura pagkatapos ay hahabulin ka at kakainin. Halos matawa na ako sa iniisip ko. Nababaliw na yata ako. Plus, maaraw naman ngayon kaya hindi lalabas ang mga iyon ng ganitong oras. Takot daw kasi ang mga iyon sa maliliwanag.

Napatigil ako sa paglalakad nang may matanaw na kubo sa di kalayuan. Nabuhayan ako ng loob, this is it! Makakainon na rin ako ng tubig at makakapagtanong sa tamang daanan. Tinakbo ko ang distansiya mula sa kinatatayuan ko papunta sa maliit na kubo.

"Tao po! May tao po ba dito?" Malakas na katok ko sa pintuan noon.

Sobrang tahimik at mukhang wala namang tao. Sinilip ko ang loob noon mula sa maliliit na butas sa gilid nito. Wala nga talagang tao. I can see machines and some sort of wirings na nakakalat sa loob. Not a pitcher, a glass that has water in it or a dispenser in sight.

Napakagat ako sa pang ibabang labi ko. Nauuhaw na ako and damn it I really need water.

Padabog akong naglakad. Ilang minuto pa iyon nang may marinig akong lagaslas ng tubig. Mabilis kong ginala ang mga mata ko at pinakinggan ng maayos kung saan iyon nanggaling.

There must be a river or lake somewhere. Hinanap ko iyon and to my surprise hindi nga ako nagkamali! May waterfalls akong nadatnan sa di kalayuan.

Namangha ako habang tinitingnan ang malinaw na tubig doon. Kulay blue ang tubig at napakalinis noon at walang kahit ano akong nakikita na dumi o basura na nakakalat sa paligid.

Napangiti ako at agad na lumapit doon. Splash of water coming from the water na bumababa galing sa taas ay dumadapo sa balat ko habang papalapit ako.

Wow! Never know Stefanina has this thing! Hindi naman ito nasabi nina Seaver sa akin! Kung sana ay sinabi nila dito na lang sana nila ako dinala hindi doon sa campaign program ni Dad.

Umupo ako sa isang malaking bato at agad uminom ng tubig mula doon. I seriously don't care kung malinis ba talaga ang tubig dito. Sa nakikita ko mukha namang malinis. Lumapit pa ako ng kaonti hanggang sa may naramdaman akong malamig na bagay na dumapo sa paa ko.

Unti-unti ko itong tininganan at halos mahimatay ako sa nakita.

It's a snake!

Sa sobrang gulat ay napaatras ako at hindi namalayan na tubig na pala ang nasa likod ko. A big splash was created when I landed in the water.

"Oh my God!" Sigaw ko at agad bumawi at umahon. Mabuti na lang at nasa mababaw lamang ako na parte ng falls natumba. Godamn it!

"Urghh!" I groaned habang pilit na kinukuha ang tubig sa mukha ko.

Gusto ko lang uminom hindi ko sinabi na gusto ko ring maligo!

"What are you doing?"

Napatigil ako sa pagpunas ng mukha ko nang may marinig na nagsalita. Agad kong iginala ang paningin ko.

Sa dikalayuan ay may nakita akong isang lalaki. Hindi siya masyadong malinaw dala na rin yata ng tubig na nasa mukha ko pa. Unti-unti siyang lumapit sa banda ko at unti-unti rin na luminaw ang mukha niya.

What the hell is he doing here?

It's the flyer boy!

Nakasuot siya ng dark blue na board shorts at plain black na V-neck t-shirt. Medyo magulo ang buhok niya at may dala-dala siyang lubid.

"Get out of the water!" Matigas na sabi niya. I just stared at him.

Does he usually look like this? Para siyang model na lumabas sa isang front cover ng magazine.

What the hell am I thinking?

At ngayon ko lang talaga na pansin na medyo hindi Pinoy ang mga features niya sa mukha! He has blue eyes. Yes! Iyon ang una kong napansin habang papalapit siya sa akin! Pointed nose and a jawline.

"Miss, I said get out of the water! Baka ma paano ka diyan!" Sigaw niya ulit.

Nasa mga bato na siya nakatayo at tinitingnan na niya ako nasa tubig pa rin sa baba ng batong tinatayuan niya.

Napakurap kurap ako at wala sa sarili na umiling sa kanya.

"I actually just fell. I didn't mean na mapunta dito..." Mahina kong paliwanag.

Tinaasan niya ako ng kilay na parang hindi siya naniniwala sa akin. Bigla akong nahimasmasan at nahila ang pag-iisip.

Bakit ba walang may naniniwala sa akin? Nagsasabi naman ako ng totoo!

"Then get out of there!" Sigaw niya ulit at ginulo ang buhok. Mas lalo tuloy gumulo iyon.

Napangiwi ako sa sigaw niya. Aba! kailangan talaga akong sigawan? You should know na ang sinisigawan mo ay anak ng Governor ng lugar na ito! Gosh! I wanted to scream it right at his face but no.

Sumilay ang pilyong ngiti sa labi ko at agad ko siyang tininganan. Umatras pa ako lalo at pumunta sa malalim na parte ng falls.

Naasar ka? Pwes mas lalo kitang aasarin! Kala mo ha?

Nanlaki iyong mga mata niya nang mapagtantong hindi ko siya sinunod.

"Hoy anong ginagawa mo! Umalis kana! Umahon kana!" Sigaw niya ulit kaya mas lalo akong natawa.

"Bakit? Ikaw ba may ari nito?" Panunuya ko pa sa kanya at mas lalo pang umatras.

"Pag sinabi ko bang akin, aahon ka?" Seryoso niyang tanong habang sinusukbit ang dalang lubid sa kanyang balikat. Sinundan niya ako sa kabilang sulok na may mga bato rin.

What? That means sa kanya talaga tong buong waterfalls?

Bago pa ako makapagsalita ng ipanunuya ko sa kanya ay agad siyang may itinuro sa kung saan. Sinundan ko iyon at nakita ang isang signage na nakakabit sa barb wires na nakabakod sa buong waterfalls.

It's written in all caps in a red paint.

CLOSE FOR THE PUBLIC. NO TRESPASSING.

Oh!

Tinitigan ko siya at agad tumawa.

"Hindi mo naman agad sinabi." I said habang patuloy lang sa pagtawa. Samantalang siya ay naka poker face lamang.

Naglakad ako sa malapit na bato at agad na umahon. Now, I suddenly realized I am all wet and hell, hindi ko pa rin alam kung saan ang daan pauwi.

Maybe alam niya kung saan? He is one of my Dad's staff kaya siguro alam niya naman.

Pagkaahon ay inayos ko muna ang sarili ko. Natanaw ko sa di kalayuan si flyer boy na may kausap sa kanyang cellphone. Tss. Whatever.

Matapos siyang makipagtawagan sa cellphone niya ay agad siyang lumapit sa akin. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa bago nagsalita.

"Papunta na dito sina Seaver at Cirrus. Malapit na sila." Aniya at natameme na lang ako.

Sina Kuya ba ang tinawagan niya kanina? That's it! He remembers me! Well, ano naman ngayon kung naaalala ka niya, Heanndra? Big deal ba?

Umiling ako. Ofcourse not! Damn it! Hindi na siya dapat nakialam pa! I can do this on my own! Kapag nagsumbong iyong kapatid at pinsan ko kay Dad the blame is all on him!

Sinundan ko siya habang naglalakad papalapit sa gate palabas sa bakod ng waterfalls.

"Hey why did you that?! I can go home on my own! Hindi mo na kailangan tawagan sina Kuya!" Sigaw ko sa kanya mula sa likuran.

Napatigil siya sa paglalakad at nilingon ako. Nanlaki ang mga mata ko nang matanaw ang cement na daanan kanina! Shit? So malapit lang pala ako? If I walked further kanina at hindi ako lumiko sa gubat ay nakauwi na ako!

Gusto kong iuuntog ang sarili ko sa mga malalaking puno dahil sa sobrang inis!

"Bakit? Natatakot ka na isusumbong ka nila sa Daddy mo? Natatakot kang mapagalitan?" He seriously asked at nang hindi ako nakasagot agad, he smirked.

Why would he say that to me?! Clearly, hindi niya ako kilala!

Hindi ako natatakot sa sasabihin ni Dad! I am afraid na madumihan ko ang pangalan niya! Ako ang umuwi dito kaya I am trying my best na mag adjust sa gusto nila para sa akin! Sigurado na mag-aalala iyon pag nalaman nila na nawala ako at hindi pa ako nagpaalam ng maayos!

"Kung natatakot ka naman pa lang mapagalitan, you should've thought about leaving your house with permission from your Dad." Tinaasan niya ako ng kilay at agad nagpatuloy sa paglalakad.

Hinabol ko ang aking hininga. I am so mad! Ano bang alam niya?!

Nauna siyang nakarating sa cement na daanan at agad kong narinig ang sasakyan na paparating. Nakatayo lang siya doon at agad kinaway ang kamay sa paparating na sasakyan.

Huminto ito at agad na bumaba si Kuya Cirrus. Kinausap niya si flyer boy at napatingin silang dalawa sa akin. Nanlaki ang mga mata ni Kuya Cirrus at agad tumakbo sa direksiyon ko.

"Heanndra!" Sigaw niya at agad akong niyakap. Masyado yata siyang nag-alala dahil hindi niya man lang naramdaman na basa pa ako.

"What the hell did you do to yourself?" Tanong niya habang paatras at na tinuro ako.

Yumuko ako at agad na umiling.
"I just fell Kuya but I'm fine." Ngumiti ako sa kanya para hindi na siya mag-alala pa.

Sinundan ko siya na naglakad papunta sa sasakyan namin.

Nadatnan namin si Kuya Commulus at Seaver na kausap si flyer boy. Napatigil sila sa pag-uusap ng makarating na kami doon.

"Thanks Click." Ani ni Kuya Commulus na tinapik sa balikat si si flyer boy. Tumango lamang si flyer boy na agad sumulyap sa akin ng ilang sandali bago bumaling ulit kay Kuya Commulus.

Napakagat ako sa labi ko ng makitang matalim na tumitig si Kuya Commulus sa akin.

"Let's go." Matigas na sabi niya at agad binuksan ang shotgun seat. Siya pala iyong nagmamaneho. Sigurado akong isusumbong niya ako kay Dad! Knowing Kuya Commulus, magkaugali yata sila ni Dad.

Binuksan ni Seaver ang pintuan sa likod at agad na pumasok sa loob. Inakay ako ni Kuya Cirrus papasok doon.

Bago pumasok ay sumulyap ulit ako kay flyer boy. Wala siyang ka emosyon emosyon kaya napayuko na lang ako at agad ng pumasok.

Binigyan ako ni Seaver ng tuwalya at pinunasan ko ang sarili.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

356K 21.8K 37
Let's see how different personalities mends with each other to form a beautifull bond together. Where the Eldest is calm and cold, Second is aggress...
2.6K 210 38
Euphemia Gabrielle Sevilla is the epitome of beauty and kindness. She has everything. But she has been longing for something-- Home-- Until she met a...
Gentle touch Bởi K

Tiểu Thuyết Chung

49.6K 1.1K 32
It had been mere months after her eighteen birthday, when she was pulled from the safe haven of her life and forced into the fantasy the women had cr...
48M 2.5M 68
|| Available in book stores!! || watty award 2017 winner! || Becca's life takes a thrilling turn when she pretends to date Brett Wells, the most pop...