One Night's Mistake (Publishe...

By bluekisses

27.7M 370K 12.6K

The only thing that Lara want is to be a successful model and to prove to her Dad that she can make her own p... More

One Night Mistake
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
AUTHOR'S NOTE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
Bonus
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY
FORTY ONE
FORTY TWO
FORTY THREE
FORTY FOUR (part 1)
FORTY FOUR (part 2)
FORTY FIVE
EPILOGUE
Author's Closing Note:
SPECIAL CHAPTER
12.25.14
Special Update 2.0
Published Under Pop Fiction

TWENTY SEVEN

464K 6.6K 176
By bluekisses

CHAPTER TWENTY SEVEN


LARA

"W-what? H-how? Paano nangyari?" Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa binalita sa akin ng sekretarya ni Daddy.

"Okay, okay, I'll fix everything. Ikaw na muna ang bahala diyan." bilin ko. "Okay as soon as possible." paniguro ko.

"Thank you, Edrin." 'Yon lang at binaba ko na ang telepono. Kahit nanginginig pa ako dahil sa nalaman ko.

"What happened to Tito?" tanong agad sa akin ni Hannah.

"Nagka-minor stroke at nagkaroon pa ng komplikasyon dahil hindi niya pala naiinom sa tamang oras ang mga gamot niya sa hypertension." paliwanag ko sa kanya kahit hindi na ako mapakali. Mabuti nga at matatag ako, dahil hindi na ako basta-bastang naiiyak. Isa 'yon sa bagay na inalis ko sa sistema ko.

"Anong plano mo?" tanong sa akin ni Hannah.

Ikinibot-kibot ko ang nguso ko bago sumagot. "I have no choice." huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy.

"Ako na lang ang aasahan niya and besides, matagal niya nang hinihiling na makasama kami ng apo niya. Ayoko siyang balewalain sa panahon ngayon." diretsong sagot ko.

Twice a year kung dumalaw dito si Daddy, at sa bawat punta niya ay kinukulit niya ako na sumama na kami ni Ethan sa kanya pabalik, dahil hindi na rin daw siya bumabata. Gusto niya kaming makasama. Now it made sense. Para akong maluluha, kaya agad ko iyong pinigil.

"Paano si Ethan?" pagbasag ni Hannah sa katahimikan.

"Anong paano si Ethan?" kunot-noong balik tanong ko sa kanya.

"H'wag ka ngang magmaang-maangan Ate. Kung uuwi kayo, mas mapaplapit kayo sa asawa mo at syempre may karapatan pa rin siya sa anak niya, lalo na't kasal kayo." litanya niya. Napakagulo talaga nang isang 'to parang kanina lang ay inuutusan niya akong maghanap ng iba dito, tapos ngayon naman sinasabi na may karapatan pa sa akin ang asawa ko.

Naku, kung wala lang talaga sa tama ang mga pinagsasabi niya. Malamang ay kanina ko pa siya natutukan. Pero may punto nga siya.

"Hindi ko alam. Hindi naman siya ang sadya ko sa pag-uwi kun'di si Daddy." sagot ko. Nagkibit-balikat na lang siya na indikasyon na wala na siyang masabi.

"Ladies, why so serious?" napalingon kami pareho sa nang-uusisang si Derrick. Nakatayo na siya ngayon sa entrance ng kitchen.

"Nothing." nakangiting sagot ko na tumayo para balikan ang niluluto ko. Alam kong hindi satisfied si Derrick sa sagot o dahil sa pagkibot-kibot ng kilay at pangungunot ng noo niya.

"Where's Ethan?" pag-iba ko ng usapan.

"He's still playing there." sagot niya na imiuwestra pa ang ginagawa ni Ethan.

Maya-maya lang ay tumatakbo na si Ethan. "Uncle Derrick, let's play some more... come on." aya ni Ethan na pilit na hinihila ang braso ni Derrick.

"Ethan let's eat first, then you'll play later." napasimangot naman ang anak ko sa sinabi ko. Ugali talaga niyan, ayaw na pinipigilan sa mga gusto niya. Ewan kung kanino 'yan nagmana.

"Let's eat first big boy, okay?" pang-aamo ni Derrick sa kanya na ginulo-gulo ang buhok ni Ethan.

"Mmmm, 'kay fine." napipilitang pagsang-ayon niya na umupo na sa pwesto niya sa kainan.

Tahimik kaming tatlo na kumain, Umalis na kasi si Hannah, may date daw. Asa naman ako d'un.

Hindi ako kumikibo dahil pinag-iisipan ko kasing mabuti kung tama ba ang magiging desisyon ko. Pero hindi ko naman maaaring balewalain si Daddy. Oo, si Dad lang naman ang sadya ko d'un pero may isang tao na takot akong kaharapin.

Hindi ko alam kung ang takot na nararaamdaman ko ay takot na muling mabuhay ang galit ko sa kanya o 'yong mabuhay 'yong damdaming pinagsikapan kong limutin.

Pero hindi. Pilit kong binura ang huli kong naisip. Natatakot lang talaga akong iharap ang anak ko sa ama niya, 'yon lang 'yon. Hindi ko naman pwedeng basta na lang iwan ang anak ko dito. Isang araw nga lang na mahiwalay ako sa kanya feeling ko ay hindi ko na kakayanin.

"Ma." napapitlag ako sa biglang pagtawag sa atensyon ko ni Ethan.

"W-why?" wala sariling tanong ko.

"Why Lolo's not visiting us?" malungkot na tanong niya. "Is he mad at me?"

"No Baby, don't think that way. Your Lolo, is just busy." Ganyan kasi talaga siya kapag feeling niya ay nawawala ang atensiyon sa kanya. Akala niya galit sa kanya o may ginawa siyang mali. "Do you want to visit your Lo—" hindi ko na natapos ang tanong ko ay sumagot na agad siya.

"Yes Mommy! I wan to go to the Philippines." excited na sigaw niya.

Napangiti na lang ako sa excitement na nakita ko sa kanya. Matagal niya na kasi talaga gustong sumama sa Lolo niya. Eto naman kasing si Daddy, masyadong kinukwentohan ang apo niya ng kung ano-ano kaya na-eexcite masyado.

"Do you hear that, Uncle?" napatingin ako bigla kay Derrick, seryosong nakatingin siya sa akin, pero binawi niya rin iyon at ngumiti kay Ethan.

"Are you coming?" tanong niya kay Derrick.

"No, Baby." Salo ko sa tanong ng anak ko. "Uncle is busy." agad namang sumimangot sang mukha ni Ethan.

"Why?" parang ma-iiyak na tanong niya.

"Your Uncle is working so he can't come with us." simpleng explanasyon ko na lang na hinawakan siya sa pisngi.

"No big boy, I will just finish my work, then I'll visit you in the Philippines. You like that?" pagkonsula ni Derrick na ginulo pa ang buhok ni Ethan, na bigla namang sumigla.

"Promise?" paniniguro niya na nakataas pa ang kanang kamay.

"Promise." natatawang pangako ni Derrick.

"Yey! Uncle Derrick will visit me there!" tumayo pa ito mula sa pagkakaupo at nagtatatalon.

"Ethan, you haven't finished your food, yet. Come on sit here beside Mommy."  saway ko sa kanya sabay turo sa upuan niya sa tabi ko. Bumalik naman ito sa pagkaakupo. "Finish that then you'll play again."  bulong ko sa kanya habang hinagod-hagod ko siya sa likod.

Nagpatuloy kami sa pagkain, nang matapos naman kami ay bumalik na ang dalawa sa paglalaro. Habang ako ay naiwan para magligpit ng pinagkainan.

-----

Naglalakad na ako papunta kina Ethan nang masalubong ko si Derrick. "Oh where is he?" tanong ko.

"He fell asleep, kaya dinala ko na sa kwarto."

"Okay, salamat." medyo mabigat na kasi si Ethan, kaya mahirap kapag hindi siya sa kwarto  nakakatulog.

"Ahm, can we talk—"

"Can I ask you—" natigilan kaming pareho dahil nagkapanabay kami sa pagsasalita.

"Mauna ka na"

"You, first." nagkasabay na naman kami.

"Ikaw na muna, hindi naman gan'un kaimportante ang sasabihin ko." pagpapaubaya ko.

Naupo muna kami sa couch sa living room.

"Ayoko sana manghimasok sa mga plano mo. Pero bakit biglaan?" panimula niya.

"Dad got a mild stroke. Kanina lang tumawag ang sekretarya niya, kaya ayon, biglaan din ang naging desisyon ko." paliwanag ko sa tanong niya.

"I'm sorry to hear that. I hope he'll be alright." paghingi niya ng paumanhin. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Kailan n'yo balak umalis?"  tanong niya ulit.

"Maybe the day after tomorrow or the day after, depende pa kasi. I need to fix some matters first. Biglaan e." tuloy-tuloy na litanya ko.

"I see, by the way ano pala 'yong sasabihin mo?" pag-iiba niya ng usapan.

"It's about what you promised to Ethan during dinner."  nangunot ang noo niya. "Hindi mo naman kailangan tuparin 'yon. Hindi naman 'yon maaalala ni Ethan and besides, nakaka—" naputol ang sinasabi ko sa bigla niyang pagsabad.

"No, it's okay. Naghahanap din ako ng magandang vacation. And I think this one is what I am looking for." ngumiti pa siya sa akin, mas lalo siyang gumagwapo sa tuwing ngumingiti siya. Isang bagay na hindi ko maikakaila bukod sa mabait siya, gentleman and all, masasabi mong ideal guy. Siya 'yong tipo ng lalaki na magugustuhan ng kahit na sinong babae. Siguro nga kung sa ibang pagkakataon lang kami nagkita ay baka nagkagusto pa ako sa kanya.

"Hey, bakit ka nakatitig sa 'kin, huh?" nang-aasar na tanong niya sa akin. Napatulala pala ako sa mukha niya. Nakakhiya.

"I want it when you blush, you look beautiful, parang gusto kitang halikan." natigilan ako sa sinabi niya.

"I was just kidding." pagbawi niya. Sa tagal na namin nagkakasama, ngayon niya lang sinabi sa akin 'yon. Kaya nailang ako bigla at nag-iwas ng tingin.

Mahabang katahimikan ang nangibabaw sa amin. Parag awkward moment. Bago niya binasag iyon. "Cassandra, I think I need to go. It's getting late." paalam niya na tumingin sa relo niyang pambisig. Tumayo na siya at dumiretso sa pinto. Sinundan ko siya para ihatid sa labas.

"Thanks for the night." he said at nagulat ako sa sumunod niyang gunawa. He gave me a smack on my lips. "Bye, see you when I see you." nakanigting paalam niya. Dahil medyo shock pa ako ay hindi ako nakakibo at nakagalaw sa kinatatayuan ko. Hanggang sa makaalis na ng tuluyan ang sasakyan niya.

Nang makabawi naman ay isinara ko na ang gate. Paalis na sana ako sa kinatatayuan ko nang may mahagip ang mga mata ko sa 'di kalayuan. Biglang bumilis ang pagpintig ng puso ko sa kaba. A man was watching me. Kaya lang hindi ko maaninag ang mukha niya dahil medyo madilim sa bahaging tinatayuan niya. But his built, the way he stand there, he reminds me of a person, na kahit kailan man ay hindi ko maipagkakamali sa iba. I know that was him.

Ewan ko kung bakit bigla nalang akong nag-attempt na lumapit. Pero hindi pa man ako nakakalapit ay nagmamadaling sumakay na ang lalaki sa kotse niya at pinaharurot iyon. Dumaan pa nga siya sa harap ko, pero hindi ko nakita ang sakay dahil heavy tinted ang salamin nito.

"Kung siya nga 'yon. Anong ginagawa niya dito?" wala sa sariling naitanong ko nang makapasok ako sa loob ng bahay.

---

Vote and looong Comment! Soooory guys ha, medyo matagal nagka-aberya sa paggawa ng update... Thank you uli sa mga bagong reader, love you guys, pa-wait nalang yung next update, I cant promise kung kelan, kasi hindi ko din alam.. Wag lang sana ako abutin ng writer's block..

guys pa-follow sa facebook Bluekisses of Wattpad. https://www.facebook.com/pages/Bluekisses-of-Wattpad/1475346469362130.. yung lik sa external link..

Thanks uli..

~LEYN~

Continue Reading

You'll Also Like

70.2K 181 2
Dr. Ranz Liam Acozta is the most strict person you'll ever meet when it comes to work. He doesn't want to repeat his words. Once is enough. If you ma...
7.2M 230K 12
Special chapters/AUs that are written during my Write with Me session in KUMU! Join me for spoilers, polls, and prizes! Kumu: @gwy.saludes
1.2M 23.4K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...
1M 39.9K 44
Playboy Series #1: M-PREG Dahil sa sobrang pagmamahal ni Kenjie kay Zedric ay nagawa niyang ibigay ang sarili sa binata. Ngunit sa hindi inaasahang p...