Estrella Cruzada ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮

By Exrineance

165K 7.6K 6.9K

•Highest Ranks• #13 Historical Fiction #1 Rizal #1 Ibarra #1 StarCrossed #4 History #1 NoliM... More

꧁ ρгơƖơɠơ | ʂɬąг ƈгơʂʂєɖ
꧁ ąгƈ ı | ıʄ ʂɧє ɬųгŋʂ ıŋɬơ ą Ɩıє
꧁ ı | ųŋơ
꧁ ıı | ɖơʂ
꧁ ııı | ɬгєʂ
꧁ ıѵ | ƈųąɬгơ
꧁ ѵ | ƈıŋƈơ
꧁ ѵı | ʂєıʂ
꧁ ѵıı | ʂıєɬє
꧁ ѵııı | ơƈɧơ
꧁ ıҳ | ŋųєʋє
꧁ ҳ | ɖıєʑ
꧁ ҳı | ơŋƈє
꧁ ҳıı | ɖơƈє
꧁ ҳııı | ɬгєƈє
꧁ ҳıѵ | ƈąɬơгƈє
꧁ ҳѵ | զųıŋƈє
꧁ ҳѵı | ɖıєƈıʂєıʂ
꧁ ҳѵıı | ɖıєƈıʂıєɬє
꧁ ҳѵııı | ɖıєƈıơƈɧơ
꧁ ҳıҳ | ɖıєƈıŋųєʋє
꧁ ҳҳ | ʋıєŋɬє
꧁ ҳҳı | ʋıєŋɬıųŋơ
꧁ ҳҳıı | ʋıєŋɬıɖơʂ
꧁ ҳҳıѵ | ʋıєŋɬıƈųąɬгơ
꧁ ҳҳѵ | ʋıєŋɬıƈıŋƈơ
꧁ ҳҳѵı | ʋıєŋɬıʂєıʂ
꧁ ҳҳѵıı | ʋıєŋɬıʂıєɬє
꧁ ҳҳѵııı | ʋıєŋɬıơƈɧơ
꧁ ҳҳıҳ | ʋıєŋɬıŋųєʋє
꧁ ҳҳҳ | ɬгєıŋɬą
꧁ ҳҳҳı | ɬгєıŋɬą ყ ųŋơ
꧁ αяƈ ıı | нσω нє вєƈσмєѕ тнє тяυтн
꧁ ҳҳҳıı | тяєιηтα у ᴅσѕ
꧁ ɢʟᴏꜱᴀɾɪᴏ | ɢʟᴏꜱꜱᴀɾʏ

꧁ ҳҳııı | ʋıєŋɬıɬгєʂ

2K 104 11
By Exrineance

ꜱᴀ ɪʏᴏɴɢ ᴘᴀɴᴀɴᴀᴡ

Palubog na ang haring araw nang dumating ang isang engrade at gawa sa metal na bapor. Ito'y kumikinang sa kahel na sinag ng papalubog na araw. Ang karamihan sa mga pasahero nito'y nasa kubyerta na at kumakaway sa mga taong nasa daungan.

(Welcome to the Philippines!)
"Sea bienvenido a las Filipinas!"

Ito ang kalimitang maririnig ng mga dayuhan sa kanilang unang pagtapak sa Perlas ng Silangan. Magiliw silang binabati ng mga manlalayag at mangangalakal sa daungan.

Sa karagatan ng mga nagmamadaling pasahero, may isang binata ang malumanay at matipunong naglalakad pababa ng kanilang sinakyang bapor. Siya'y napapikit habang bahagyang nakatingala upang namnamin ang sariwang hangin ng kanyang lupang sinilangan.

(My friend!)
"Mi amigo!" isang masayang bungad ng isang ginoong nakakurbata.

Agad na napadilat ang binata at napatingin sa kanila.

Sabik na lumapit ang isa pang ginoo na may bitbit na maletang gawa sa kuwero.

Kuwero : Leather

Masigla silang nagyakapan at hindi kalaunan ay napuno ng magiliw na tawanan ang patigan ng dalawang magkumpadre.

Napangiti ang binata sa nasaksihan. Hindi na rin kasi siya makapaghintay na masilayang muli ang mga taong nasasabik niyang makita.

"Don Crisostomo!" isang tinig ang nakapukaw sa kanyang atensyon.

Agad siyang lumingon-lingon upang hagilapin ang may-ari ng boses. Mabilis namang nahanap ng binata ang pinagmulan dahil kakababa lamang ng ginoo mula sa lulan niyang kalesa.

Ang binata ay tuluyang dinaluhan ang ginoo pagkaraan na magtama ang kanilang mga mata. Isang mainit na yakap ang agad na ibinigay ng ginoo sa binatang bagong dating.

"Dios mio! Maligayang pagbabalik sa Filipinas! Hindi ako makapaniwalang bumalik ka na rito sa ating lupang tinubuan," madamdaming pagbati ng ginoo matapos niyang yakapin ang binata.

"Ginoong Santiago, nagagalak din po akong makita kayong muli," bating pabalik ni Crisostomo Ibarra sa kanyang sundo.

Hindi na napigilan ni Kapitan Tiyago ang tumangan nang tawagin siya ng binata sa parehong gawi ng kanyang ama.

Agad na ibinaba ni Ibarra ang kanyang dala-dalang maleta at inaluhan ang nagdadalamhating si Kapitan Tiyago.

"Ginoo, ano pong problema?" nag-aalalang tanong ni Ibarra.

Mahigpit na hinawakan ng ginoo ang balikat ng binata at saka pinakalma ang sarili. Hindi magawang tingnan ni Kapitan Tiyago ang mga mata ng binata dahil sa gusto niyang iparating.

Hindi niya malaman kung sa paanong paraan mabuting ipahayag kay Ibarra ang nangyari sa kanyang ama. Karapatan ng binatang malaman ang sinapit ni Don Rafael. Bagamat hindi ito ang tamang tagpo upang buksan ang usaping ito, nagpasya si Kapitan Tiyago na isiwalat ang kanyang nalalaman.

"Don Crisostomo..." bungad ni Katipan Tiyago ngunit tila umurong ang kanyang dila't hindi natuloy ang susunod niyang sasabihin.

Ngumiti ang binata at inalis mula sa kanyang ulo ang suot niyang sumbrero. Inilagay niya ito sa kanyang dibdib at sinabing, "Ibarra na lamang po, Ginoong Santiago. Wala pa ho akong naiaambag sa lipunan upang tawagin ng kagalang-galang."

Lalong nahabag ang ginoo sa kababaang loob na taglay ng binata. Huminga siya nang malalim at saka pilit na ngumiti sa binata.

"Kung gayon ay tayo nang lumulan sa kalesa't may ibig akong sabihin sa iyo, Ibarra," makahulugang saad ni Kapitan Tiyago.

Tumango si Ibarra at kinuha ang maletang nakalapag sa lupa. Naunang sumakay si Kapitan Tiyago bago sumunod si Ibarra. Sila'y magkatapat ng upuan dahil maliit lamang at sakto sa dalawang pasahero ang sukat ng kalesa.

Ilang minuto ang lumipas nang walang nagsasalita sa dalawa. Tikom ang bibig ni Ibarra dahil nakikita niya sa hilatsa ng mukha ni Kapitan Tiyago na seryoso ang ibig nitong pag-usapan.

"Ang iyong ama..." panimula ni Kapitan Tiyago.

Sa pagbigkas pa lang nito ng ginoo ay nagalak na agad ang binata. Ilang taon na mula nang huli niyang makita ang kanyang ama. Nasasabik siyang makipagkumustahan sa haligi ng kanilang tahanan.

Ngunit ang galak at pananabik na ito ay unti-unting naglaho't napalitan ng lungkot at paghihinagpis habang ikinukuwento ni Kapitan Tiyago ang nangyari.

"A-Ang aking ama ay... Sumalangit na?" hindi makapaniwalang bulong ni Ibarra matapos ang kuwento ni Kapitan Tiyago.

Hindi na nagawang tumugon ng ginoo nang makita ang matinding dalamhati sa mukha ng binata. Natahimik namang muli ang kalesa at tanging mga yabag ng kabayong hila-hila ang kalesa ang maririnig.

Puno ng pagluluksa ang mga mata ni Ibarra habang nakatanaw sa malayo. Ilang buwan na mula ng huling sumulat ang kanyang ama. Ang akala lamang ni Ibarra ay may sama ng loob sa kanya ang ama.

Hindi lubos maisip ng binata na sa pag-uwi niya'y hindi na niya maabutang buhay ang minamahal na ama.

"Don Crisostomo Ibarra," malumanay at mahinang tawag ni Kapitan Tiyago sa kasama niyang binata.

Nagpasya na siyang basagin ang katahimikan dahil natatanaw na ng ginoo mula sa malayo ang kanyang tahanan.

"Ayos lamang po ako, Ginoong Santiago. Ibig ko po munang iwaglit ang paksang ito ngayon at sa susunod na lang ho natin muling pagdiskusyunan," mariing saad ni Ibarra matapos ay tumikhim upang ayusin ang sarili.

Tahimik lamang na tumango si Kapitan Tiyago at nag-aalalang tumingin kay Ibarra.

Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa tumigil at ianunsyo ng kutsero na nasa tapat na sila ng tahanan ng kapitan.

"Maaari kang lumiban sa salu-salong ito kung hindi ka komportable ngayon, Ibarra," suhestiyon ni Kapitan Tiyago bago siya tuluyang bumaba.

Mapait na ngumiti't umiling si Ibarra bilang pagtanggi.

"Marapat lamang na ako'y dumalo bilang upang na loob ko po sa inyo," ani Ibarra.

Pagkababa nila'y pinunasan ni Ibarra ang bahid ng luhang hindi niya agad namalayang tumulo na pala. Bagamat mahirap maging masaya sa pagkakataong ito ay pinilit niyang itago ang sakit na nadarama.

Maraming nakapansin sa pagdating ng bagong panauhin lalo na ang kumpol ng mga prayle. Sina Kapitan Tiyago at Crisostomo Ibarra ay kapwa lumapit sa kanila upang magpakilala.

Napuno ng bulung-bulungan ang buong bulwagan na tila nagwawari kung sino ang kasama ng kapitan. Ang mga binibini ay nagsisitakip ng mukha gamit ang kanilang mga abaniko. Nahihiyang pasulyap-sulyap sa binatang kasama nito.

"Magandang gabi po sa inyo, mga ginoo! Magandang gabi po, padre," ang bati ni Kapitan Tiyago na noon di'y humalik sa kamay ng dalawang padre na kapwa nakalimot na siya'y basbasan.

Ang prayleng Dominiko naman na si Padre Sibyla ay nag-alis ng salamin upang tingnan ang binatang bagong dating. Samantalang si Padre Damaso ay namutla habang nanlalaki ang mata.

"Kapitan Tiyago!" masiglang bati ni Tinyente Guevarra sa pandak na ginoo.

Sinubukan ni Ibarra na kilalanin kung sinu-sino ang mga nasa kumpol na ito. Ngunit buhat na rin sa matagal niyang pagkawalay sa lupang sinilangan ay wala siyang mahawigan ni isa sa mga ito.

"Ikinararangal kong ipakilala sa inyo si Don Crisostomo Ibarra, anak ng aking yumaong kaibigan. Ang ginoong ito ay kararating pa lamang buhat sa Europa at aking sinalubong," pagpapakilala naman ni Kapitan Tiyago sa binatang kasama niya.

Pagkabanggit sa pangalang iyon ay napuno ng mga salitang paghanga ang naibulalas ng ilang panauhin.

Bagamat hindi mapigilang mabigla ni Ibarra ay hindi niya ito ipinahalata. Hindi niya inaasahang maraming nakakakilala sa kanya rito sa kanilang bayan. Nahihiya tuloy siya dahil wala siyang kilala sa mga ito.

Agad na nakipagkumustahan si Ibarra sa mga panauhin. Ang kanyang higit sa kainamang taas, kakisigan ng mukha at mga kilos ay nagbibigay hiyas sa isang malusog na kabataan. Ang katawa't pag-iisip ay kapwa pinaunlad sa pagkalinang. Sa kanyang matapat at masayang mukha ay nababakas ang ilang tanda ng dugong kastila.

Ang mga katangiang ito ay tunay na nakapupukaw ng atensyon. Tila hindi naman ito alintana ng binata sapagkat sanay siyang makihalubilo sa maraming tao. Ito'y dahil na rin sa kinagawian niya sa Europa.

Matagal-tagal ding nakipagdiskurso ang binata sa grupo ng mga prayle hanggang sa maiwan siya mag-isa. Abala ang halos lahat sa kani-kanilang pinag-uusapan kaya naman hindi alam ni Ibarra ang gagawin.

Naglibot ang binata ng tingin. Gusto sana niyang umalis na lamang dahil wala siya sa wisyong makipagsaya. O hindi kaya'y umupo na lang sa isang tabi upang ipagluksa ang kanyang ama.

Siya'y nagdadalawang isip pa rin hanggang mapansin ni Ibarra ang isang binibini na nakatingin sa kanya.

Ang tila kastanyas na mga balintataw nito ay kumikinang na parang tanso sa ilaw ng mga aranya. Hindi magawang ilihis ni Ibarra ang kanyang mga mata rito.

Hindi tulad ng iba, hindi pagkahumaling at paghanga ang nakikita ng binata sa mga mata ng dalaga kung hindi pagkalito at pagkamangha. Nahihiwagaan si Ibarra sa kung anong dahilan ng pagtinging iyon ng binibini.

Nang mapansin ng dalaga na nakatingin si Ibarra sa kanya ay tila ba napaso ito sa nagngangalis na apoy at mabilis na nag-iwas ng tingin.

Ang kakatwang kilos na iyon ay nagbuhat ng ngiti sa labi ng binata. Hindi mawari ni Ibarra ngunit gumaang ang loob niya sa nasaksihan.

Nagpasya siyang manatili sa handaan sapagkat nararamdaman niyang maaliw siya rito. Naglakas loob siyang lumapit sa kumpol ng mga kababaihan upang malugod na bumati.

Nang matapos magpakilala si Ibarra ay palihim niyang inantabayanan ang magiging tauli ng binibining nakapagpangiti sa kanya kanina. Ngunit sa kanyang pagkadismaya ay hindi tumugon ang dalaga.

Tauli : Reaction

Ngumiti na lamang si Ibarra bilang kortesiya. Saka siya lumipat sa grupo ng mga kalalakihan at saglit na nakipagkuwentuhan.

Ilang saglit silang nakipagpalitan ng salita. Agad na bumagay ang binata sa hanay ng mga kalalakihan at ginanahan siyang makipagtalastasan.

Natuldukan ang kanilang diskurso nang mag-anunsyo ang may bahay na handa na ang hapunan.

Sa loobang bahagi ng bulwagan ay nakalatag ang apat na malalapad at mahahabang hapagkainan na gawa sa pinakinis na kahoy. Binarnisan ito at nilatagan ng ginantsilyong makakapal na sinulid. Napupuno ito ng mga sariwa at hinog na prutas, sari-saring putahe, mapuputing kanin at tila katas ng ubas na inumin.

Ang ika-apat na hapag ay para sa mga binibining walang kasamang nakatatandang peninsulares o insulares. Ang ika-tatlo ay para lamang sa mga mestizo't mestiza. Ang ikalawa ay mesa ng mga prayle at mga may katungkulan sa pamahalaan. Ang unang hapag ay para sa mga peninsulares.

Dumako si Ibarra sa ikalawang lamesa sapagkat doon siya iginiya ni Kapitan Tiyago.

Bagamat napupuno ng bulung-bulungan ang bulwagan dahil sa sari-saring paksang napag-uusapan, nangingibabaw na naman ang tinig ni Padre Damaso.

Nagtatalo sila ni Padre Sibyla kung sino ang mauupo sa kabisera ng kanilang hapag.

Tahimik lamang na nakikiramdam si Ibarra dahil ayaw niyang manghimasok sa problema ng ibang tao kung hindi kinakailangan.

Masasarap ang pagkain. Apat na naglalakihang Paella Valenciana ang nakahain sa lamesa. May dalawang Jamon Iberico sa magkabilang dulo at tatlong malalaking mangkok ng mapuputing kanin. Mayroon namang pares ng Churros at Leche frita ang bawat platong nakalagay sa lamesa.

Pawang gawa sa pilak at tanso ang mga kubyertos na naka lapag sa lamesa nina Ibarra.

Nagpatuloy ang maingay na diskurso sa kanilang hapag ngunit pinili na lamang ng ibang panauhin na huwag silang pakialaman.

Halos patapos na ang lahat sa lamesa nina Ibarra nang may lumapit sa kanilang ginang. Agad itong napansin ni Kapitan Tiyago at maligayang bumati.

"Ano ang iyong sadya rito, Señora Marqueza? Naibigan n'yo bang ang aming munting hinihanda?" malugod na tanong ni Kapitan Tiyago sa ginang.

Hindi na pinagtuunan pa ng pansin ni Ibarra ang pag-uusap ng kapitan at ng ginang. Ngunit agad din naman siyang natigilan sa pagdating ng isang binibini.

Ang marilag na binibini ay huminto hindi kalauyan sa ginang na kapanayam ni Kapitan Tiyago. Hindi rin nagtagal at namukhaan ni Ibarra ang dalaga. Ito ang kakaibang binibining nasilayan niya kanina sa bulwagan.

"Ikaw pala ang binibining laman ng bali-balita sa Santa Cruz. Tunay ngang nakakabighani ang iyong kagandahan," papuri ni Kapitan Tiyago na sinang-ayunan ng ibang ginoong nakarinig.

Hindi man nagsalita ay marahang tumango si Ibarra bilang pagsang-ayon.

"Magandang gabi po, Don Santiago," pormal na pagbati ng binibini sa kapitan. Pagkatapos ay yumuyuko't hinahawakan sa magkabilang gilid ang laylayan ng kanyang saya.

Muling sumilay ang ngiti sa labi ni Ibarra. Ang birhen ng kanyang tinig at ang mabikas na pagkilos ay siyang katangi-tangi sa binibining nakikita nila ngayon.

(Who is she?)
"Quién es ella?" rinig ni Ibarra na tanong ng kanyang katabi sa kanyang kaibigan.

(I don't know.)
"No sé," simpleng sagot ng kaibigan nito.

Hindi na muling nakatugon ang magkaibigan nang magsalita ang ginang.

"Kami'y tutungo na pabalik ng San Diego. Doon na lang natin ipagpatuloy ang paksang ating pinag-uusapan," paalam ni Doña Soledad saka yumuko sa mga prayle't ginoong nasa hapag nila.

Ganoon din ang ginawa ng binibini bago sila tumalikod at lumayo sa lamesa nina Ibarra.

Sinundan lamang ng tingin ni Ibarra ang binibini nang lumingon ito at magtama ang kanilang paningin. Tulad kanina'y tila napaso na naman ang binibini at mabilis itong lumingon pabalik. Naiwang nagtataka si Ibarra habang nakatingin sa kanila.

"Maaari ba naming malaman ang pagkakakilanlan ng binibining kasama ni Señora Marqueza, Don Santiago?" agad na tanong ng isa sa magkaibigan kay Kapitan Tiyago.

Mariing tumawa ang ginoo at kinuha ang kalis na kanyang iniinuman.

"Balita ko'y mula ang binibining iyon sa ibang lupain at malapit na kaibigan ng kanilang nag-iisang anak. Siya ay si Binibining Mirasol," pagpapakilala ni Kapitan Tiyago sa dalagang kakalisan pa lamang.

Tinapos ng lahat ang kanilang pagkain pagkaraan ng saglit na usapang iyon.

Hindi rin nagtagal si Ibarra sa handaan dahil muling nanumbalik sa kanyang alaala ang sinapit ni Don Rafael.

"Ginoong Santiago, ibig ko na pong lisanin ang inyong piging dahil masama po ang aking pakiramdam," pagdadahilan ni Ibarra nang sandaling makahanap siya ng tyempo upang makausap ng personal si Kapitan Tiyago.

"Humayo ka, Ibarra. Nawa'y patnubayan ka ng May Kapal. Kuwag mo sanang dibdibin ng lubusan ang tungkol sa iyong ama," patnubay ng kapitan sa binata.

Balak ni Ibarra na bisitahin ang kanyang ama sa San Diego. Ibig niyang makausap si Don Rafael at isalaysay ang mga pangyayari noong nasa Europa ang binata. Ngunit kahit ikuwento niya ang lahat ngayon ay wala nang maririnig na tugon si Ibarra mula sa kanyang ama.

Habang siya'y papalabas ng tahanan ni Kapitan Tiyago ay lalong humihina ang ingay gawa ng mga kilansing ng kubyertos at tawanan ng mga panauhin.

Nang makalabas siya ng tarangkahan ay natanaw ni Ibarra sina Doña Marqueza at Mirasol. Kapwa sila nakatayo't tila inaabangan ang pagdating ng kanilang kalesa.

Tumuloy siya sa kinaroroonan ng dalawa upang bumati bilang paggalang.

"Isang matiwasay na gabi sa inyo, mga binibini," isang magiliw na pagbati ni Ibarra.

Agad na napalingon ang binibini.

Kung kanina'y tila tanso ang mga balintataw nito dahil sa ilaw ng aranya, ngayon ay para bang brilyanteng topasiyo na ito dahil sa maningning na liwanag ng buwan.

"...Ibarra," wala sa sariling sambit ng binibini.

Hindi tuloy maiwasang isipin ni Ibarra na sadyang kakaiba ang binibining kaharap niya ngayon.

"Ginoong Ibarra. Bakit ka naririto at wala sa handaan?" pagtataka ni Doña Soledad.

Nanatiling nasa binibini ang mga mata ni Ibarra ng ilang segundo bago ito bumaling sa ginang.

"Ako po'y tutuloy sa bayan ng aking ama. Ibig ko na rin pong masilayang muli ang lupain ng San Diego," banayad at magalang na tugon ni Ibarra kay Doña Soledad.

Hindi siya pamilyar sa angkan ng mga Marqueza ngunit batay sa mga narinig ni Ibarra kanina, tanyag sa kanilang pueblo ang familia Marqueza.

"Kung gayon ay mabuti pang sumabay ka na sa amin dahil doon din ang aming tuloy," suhestiyon ng doña matapos ngumiti at bumaling sa dalaga, "Ano ang iyong pasya, Binibining Mirasol?"

Mukhang nabigla ang binibini dahil nanlalaki ang kanyang mga mata nang lingunin niya ang ginang. Agad na napatikhim ito kaya lihim namang napangiti si Ibarra.

"T-Tama ang mungkahi ni Doña Soledad, Ginoong I-Ibarra," pautal-utal na tugon ng binibini at saka palihim na napapikit dahil sa kahihiyan.

Hindi iyon nakalagpas sa paningin ng binata kaya pati siya'y nahawaan tuloy ng hiya.

"H-Hindi na po at baka naabala ko kayo," nautal ding pagtanggi ni Ibarra na nakapagpatingin sa binibini sa kanya.

Hindi napigilang mapangiti at mapahagikhik ng dalaga dahil sa inakto ng binata.

Sa pagbungisngis ng binibini ay napaangat din ang tingin ni Ibarra't nagtagpo ang kanilang mga mata. Sandaling natigilan ang dalawa na wari ba'y nahihiwagaan sa isa't isa. Bago sila muling ngumiti at sabay na napatawa.

"Nakakahalina ang iyong tawa, binibining..." huminto si Ibarra sa pagsasalita.

Bagamat alam na niya ang ngalan nito ay gusto niyang sa binibini manggaling ang kanyang pangalan.

"Ang ngalan ko ay Maria Sol," pagpapakilala ng binibini sa kanyang sarili.

Muling ngumiti si Ibarra at humakbang ng isang beses palapit kay Mirasol.

"Ako'y nagpakilala na kanina ngunit ibig kong personal na sabihin ang aking ngalan sa iyo, Binibining Maria," huminto si Ibarra upang yumuko, "Ang ngalan ko'y Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin."

Ngumiti si Mirasol bilang tugon. Kay tamis ng ngiting iyon na nakapagpaalala kay Ibarra sa kanyang sinisinta.

Ibig sana niyang banggitin na kawangis ng ngiti ni Mirasol ang ngiti ng kanyang minamahal. Ngunit dumating ang isang guardia civil na sakay-sakay sa kanyang kabayo. Kasunod nito ang isang kalesa.

"Narito na ang aming sundo, Ginoong Ibarra. Hangad namin ni Binibining Mirasol ang iyong gantimpala," pamamaalam ni Doña Soledad at iginiya si Mirasol upang sumunod sa kanya.

Bago tumalima ang binibini ay humarap muna siya kay Ibarra at muling yumuko.

"Isang karangalan ang makilala ka, Ginoong Ibarra," pamamaalam niya sa binata bago umayos ng tayo.

Nabigla ang binata sa mataas na pagtingin ng binibini sa kanyang pagkatao. Nagwawari si Ibarra kung ano bang nagawa niya upang maging isang karangalan na makilala siya.

'Talagang kakaiba ang binibining ito. Maligaya akong nakilala siya rito sa handaan. Isang munting binibini na may palayaw na Mirasol,' ang nasa isip ni Ibarra.

"Tila napakataas ng iyong tingin sa akin, binibini. Ako'y hindi hamak na isang ilustrado lamang na wala pang naiaambag sa lipunan upang tawaging Reverencia," mababang loob na himpil ni Ibarra kay Mirasol, "Ibig kong tawagin mo na lang ako sa aking ngalan, Binibining Maria."

Nanlaki ang mata ng dalaga. Nangamba siya nang mapansin tila namumugto ang mga mata ni Mirasol.

Aaluhan niya sana ang binibini ngunit isang kapahangasan na hawakan ang mga kababaihan kung hindi naman niya ito kasintahan. Hindi alam ni Ibarra ang gagawin.

"Binibining Mirasol, tayo na," tawag ng ginang sa binibini.

(Until we meet again, Crisostomo.)
"Hasta que nos encontremos otra vez, Crisostomo," paalam ni Mirasol at agad na sumunod kay Doña Marqueza.

Alanganin lamang na napangiti si Ibarra dahil sa pagkabigla. Hindi niya alam kung anong nasabi niya upang mamugto ang mga mata ng dalaga.

Nang makasakay sila ay agad nang umandar ang kalesa. Dumungaw mula sa bintana si Mirasol at muling nagtagpo ang kanilang mga mata.

Nakangiti niyang hinahatid ng tingin ang ginang at ang binibini bago sandaling yumukod.

Nawala ang ngiti sa labi ni Ibarra nang maglaho sa kanyang paningin ang kalesang lulan nina Mirasol. Bagamat mabigat ang kanyang kalooban sa gabing ito dahil sa nalaman tungkol sa kanyang ama, napawi naman ng bahagya ang kirot sa kanyang puso dahil sa kaibahan ni Mirasol.

Hindi niya alam kung ilang minuto na ang lumipas hanggang sa tumigil na lang sa tapat ni Ibarra ang isang kalesa.

Ito'y kanyang sinakyan at nagtungo sa lugar na ibig niyang puntahan. Pinagmasdan ni Ibarra ang madilim na daanan.

Ang kadilimang lumalamon sa kasiyahan ng binatang si Juan Crisostomo ay tulad ng kadilimang bumabalot sa karimlan ng dalaga na nagngangalang Maria Sol.

"Maria..."

"Ang pinakamamahal kong Maria..."

"Hanggang kailan ka ba mananatili sa kanyang panaginip?"

"Hanggang kailan ba ako maghihintay sa iyong paggising,"

"Maria... Mi amor,"

"Hanggang kailan mo malilimot ang iyong totoong ngalan?"

"Maria Sol!" isang malakas na tinig nagpagising kay Mirasol.

Habol na hiningang naglibot ng tingin si Mirasol upang hanapin kung kaninong tinig ang umaalingawngaw sa kanyang panaginip.

"Mirasol, binabangungot ka ba?" nag-aalalang tanong ni Doña Soledad habang pinupunasan ang mga butil ng pawis sa noo ni Mirasol gamit ang kanyang manggas.

Sunud-sunod na malalalim na hininga ang pinakawalan ni Mirasol bago tumugon sa doña.

Bukang liwayway na nga nang sila ay dumating sa kanilang tahanan. Sinabihan ng doña si Mirasol na matulog pa sa kanyang silid kung kanyang nanaisin.

"Salamat po, Doña Soledad," nakangiting pasasalamat ni Mirasol sa ginang.

Walang ibang tao sa labas ng kanilang tinutuluyan kung hindi ang iilang guardia civil na nagbabantay.

Dumiretso si Mirasol sa kanyang kuwarto at nagsindi ng kandila na nakapatong sa tokador. Hinubad niya ang mga kolorete sa kanyang katawan at nagbihis ng simpleng bistida.

Umupo siya at tinitigan ang sarili sa salamin. Hindi mawaglit sa isip ni Mirasol ang kanyang panaginip.

Tinitigan niyang maigi ang sarili. Ang kanyang mga mata ay mataimtim na nakatuon sa repleksyon ng sarili niyang mga mata.

"Sino ka ba talaga, Maria?" nahihiwagaang tanong niya sa kanyang sariling repleksyon sa salamin.

Umihip ang malakas na hangin at halos maapula nito ang sindi ng kandila.

Dali-daling iniharang ni Mirasol ang kanyang kanang kamay sa apoy ng kandila. Nang mapunta ang kanyang tingin sa katapat nitong istante kung nasaan nakalagay ang kanyang talaarawan.

Kinuha niya ito mula sa istante at binuklat ang unang pahinang wala namang laman. Hinamplos niya ang magaspang na papel ng pahina.

L̙͙ͅa͇ ̠̘p̺o͈̰̯e̦͎s̳͙i̙a̦̬̺̹̰ ̣̠̘̙̼p͕̜̣͙̭a͚͎͚s̬͇a̲͇͔̼ͅd̤͚a̫̮ ̟̱͙̪̱se̜̯ ̱̩c̝̼̥a̦̯̹̼͎n͎̜̖ṭ̟̙͔͎a͙͉r̗͓a̪̲̰ ̼̬̪e̟n̥̲̞̯ ̭̟e̬l̫̼

s̫͈e̠̺͉g̤̬̠u͖̝n̳̜̯̥d͖̟͔̭̙o͕̟ ̻̲̫̮̹c̦̜̻̟̻ͅo͇̩͇m̮̘̬̤̥p̞͚̣̯̳͎a̘̥̖̩̰̰s͕̩̦̺ ̬͓͓d̙̣̮͔͍̫e͖̱̗͇l͉̪̣̙̦̻ ̭͙m͎̯̳o̲̘̙͔̜̗m̩͙̳e̝̥̞n̜t̠͔̭̻o̬̯̪̲

Hindi na siya nasindak nang matunghayang muli ang pagkasunog ng mga letra at ang pahina nito kung saan nakasulat ang huling tala sa kanyang talaarawan. Pakiramdam ni Mirasol ay mangyayari ito at magkakaroong muli ng panibagong nilalaman ang susunod na pahina.

At hindi nga siya nagkamali.

Pinanood ni Mirasol kung paano lumitaw ang tila isinusulat sa dikit-dikit na istilo ang mga pangungusap.

Matapos ang lahat ay pinasadahan niya ito ng tingin at saka huminga ng malalim. Isinara ni Mirasol ang kuwaderno at maingat itong ibinalik sa istante.

Tumayo siya't nag-unat ng mga buto-buto. Nagtungo siya sa kama at pabagsak na humiga rito. Sa paglapat ng kanyang likod sa malambot na kutson ay agad na nakaramdam ng pagkapagod ang dalaga.

Ilang segundo siyang napatigalgal sa kisameng kahoy hanggang sa nagpasya siyang lumingon. Natanaw ng kanyang mga mata ang nakangising buwan. Napakaningning na naman nito na para bang gawa sa bolang kristal.

"Maria..." ang naisambit ni Mirasol sa kawalan.

Kasabay ng pagbigkas ng dalaga sa pangalang iyon ay nakatanaw din sa buwan ang binatang lulan ng kalesa.

"Maria..." bulong ni Ibarra sa hangin.

Kapwa sila nakasilay sa maningning na buwan. Parehas na may gumugulo sa kanilang isipan. Magkatulad na nagwawari sa kahihinatnan ng kanilang hinaharap sa bayan ng San Diego.

Ito na ang totoong simula ng katapusang kanyang minimithi.

                                                                   

Ang Aking Katotohanan.

Ikaw, na siyang naglalakbay sa nakaraan. Nawa'y ang bawat himala ng santinakpan na nasa iyong kamay ay maging hinggil ng dalisay naming paggiliw.

Dudulog ang may kamalayan sa nagugulumihan at naliligaw.

Natagpuan na ng gabay ang kanyang tinig upang iwasto ang aming sariling katangian.

Ngunit ikaw ang aking katotohanan. Kagimbal-gimbal man ang nangyaring wakas sa ilalim ng buwan ay hindi na muling mapipigtal ang iyong lubid sa pagsinag ng araw.

Sa iyong himala ay muling hihinga ang bibig na inalisan ng tinig.

Tandaan mo ang aking katotohanan...

La causa y su efecto se reuniran en el mar de la agitacion.

                                                                    

∙∙·▫▫ ≍ ⋟⋟۵ ⋟⋟۵⋞⋞ ▫≼≽▫ ⋟⋟۵⋞⋞ ۵⋞⋞ ≍ ▫▫·∙∙

Updates will be once a month without an exact date.

Masaya akong ipapaalam sa inyo na 8 chapters na lang at matatapos na ang Arc I ng Estrella Cruzada. Pero dahil tinamaan ng katams itong author ninyo, hindi ko alam kung makakaya kong mag-update next month. Kindly donate some kasipagan to me para makapagsulat ako hahahaha.

Ang kuwentong ito ay hindi pulido at maaaring makakita ng wrong spelling of words, wrong grammar in a sentence at typographical errors. Maaari akong itama sa bawat pagkakamaling makikita ninyo. Salamat sa pag-unawa.

Paalala na ang iba ay maaaring taliwas sa katotohanan. Sinasadya iyon ng manunulat dahil sa napakatinding rason.

彡Exrineance

𝘈𝘙𝘊 𝘐╹𝘜𝘯𝘭𝘰𝘤𝘬╻𝘐𝘧 𝘴𝘩𝘦 𝘵𝘶𝘳𝘯𝘴 𝘪𝘯𝘵𝘰 𝘢 𝘭𝘪𝘦

Continue Reading

You'll Also Like

50.9K 879 14
Ashleigh Sharalyn Macalinton is a college student that transmigrated to the body of a weakest daughter of a powerful and a heartless Duke. She didn't...
218K 12.6K 46
Eloisa, a tomboy from the present has to travel in time to 19th century in order to save Marikit from the death caused by Maximilliano, a playboy hea...
632K 35.3K 135
Book Cover created by: @Cattyalita 010919-031819 TITLE: A Queen's Revenge GENRE: War/Military/Historical Fiction SETTINGS: Alternate world THEME: Anc...
32M 817K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...