Barbie Girl

By thephantelle

628K 14.1K 3.1K

❝Hi! Ako si Kathryn at isa akong manika!❞ More

Barbie Girl [KathNiel]
01.
02.
03.
04.
05.
06.
07.
08.
09.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.

19.

15.2K 388 98
By thephantelle

BARBIE GIRL
CHAPTER NINETEEN

(Kathryn)

One week na ang nakalipas simula nang makalabas ako sa hospital. Medyo may mark pa rin sa ulo ko gawa ng sugat pero maliit na lang. Isa lang ang napatunayan ko sa karanasan kong ito. Napatunayan kong maganda talaga ako. Kasi kahit na may peklat sa may noo ko, hindi pa rin matatago ang aking natatanging kagandahan. Hihihihihihi.

May isa pa pala akong napatunayan.

Napatunayan kong ang kapal ng mukha ko. Hihihihi!

"Manika, tara na!" Saad ni Daniel sa akin. Super duper wide ng ngiti ni Daniel ngayon. Pano ba naman, sa one week na nakalipas, palagi silang magkasama sila ni Mich. Palagi silang nagd'date. Wala naman akong problema doon. Okay lang. Okay lang talaga. Hihihihi!

"Ang tagal mo talaga kumilos, tatay Daniel." Komento ko kay Daniel.

"Kailangan kong magpagwapo para kay Mich." Nakangiting saad ni Daniel. Sa totoo lang, parang crazy si Daniel sa kakangiti niya. Para siyang dog na crazy. Hihihihi.

Tsaka bakit naman niyang kailangan magpagwapo?

I mean, gwapo na naman siya. Hihihihi! Feeling ko nga kahit nangungulangot siya, gwapo pa rin siya sa paningin ko. Tsaka isa sa mga natutunan ko sa movies, kapag mahal mo talaga ang isang tao, willing kang tanggapin kung ano mang itsura niya.

Kaya kung mahal pa rin siya ni Mich, dapat accept niya si Daniel.

Hihihihihihi! Feeling ko tuloy pwede na akong maging love guru. Hihihihihi! Naiimagine ko na ang magiging tagline ko. 'May problema ba kayo sa pag-ibig? Wag ka ng mabahala! Nandito na ang diyosa para tulungan kayo.' Omo! Ang bongga naman! Hihihi!

Nagpaalam na kami kay tita Ai at dumeretso na kami sa car ni Daniel. Siya ang magdadrive at umupo na ako sa shotgun sa seat. Ang bilis ng oras kapag nage-enjoy ka 'no? Tapos na agad ang sembreak namin. Pasukan na naman. Pero okay lang! Ang saya kayang pumasok!!

Diba? Diba?

Habang nagmamaneho si Daniel, nakangiti pa rin siya. Omo! Nababother talaga ako sa pagmumukha ni Daniel. "Daniel, kanina ka pa nakangiti. Para kang crazy dog."

"Ha? May baliw bang aso?" Tanong ni Daniel.

"Yup! Meron. At ikaw 'yon!!" Nakangiti kong saad kay Daniel.

"Manika, gan'to talaga kapag nagmamahal ka." Nakangiting saad ni Daniel. Biglang bumagal ang heartbeat ko. Parang biglang gusto kong gawing sad face yung smiley face ni Daniel. Omo! Umaatake na naman ang bad spirit sa katawan ko. 

Bakit ko naman gustong gawin sad ang isang masayang tao?

Ang isang masayang si Daniel kasi okay na ulit sila ng pinakamamahal niyang si Mich. Bakit naman ganito ang nafi'feel ko? Bakit gusto kong baguhin 'yon?

Jeez. Para naman akong nagiging evil sa idea ko. Hihihihi!

---------------------xx
Nang marating namin ang university, nagulat ako sa nakita ko. Napa-omo ako! Grabe! Parang mga zombie ang tao sa university. Hihihi! Kung maglakad sila parang living dead.

Zombie kaya talaga sila?

Or feeling zombie?

OR may hangover pa rin sila sa sembreak?

Napatigil si Daniel sa paglalakad kaya napatigil din ako. Gaya-gaya ako, eh. Hihihihi! "Kathryn, mauna ka na sa room. Pupuntahan ko lang muna si Mich."Saad ni Daniel.

Wow. Mich na naman.

"Okay." Mahina kong saad at dahan-dahang naglakad palayo ng nakayuko.

Dahil nakayuko ako (hindi ko alam kung ba't nakayuko ako, maganda naman ako), hindi ko namalayan na may lalake pala sa harapan ko. At nabunggo ang ulo ko sa katawan niya.

"Omo! Sorry p-, DANIEL?!" Si Daniel pala 'yung lalake sa harapan ko!

Nakita kong nagsmirk si Daniel. "Ba't ka kasi nakayuko? Diba sabi mo maganda ka?" Napanganga ako sa sinabi ni Daniel. Tumawa siya ng mahina at ginulo ang buhok ko. "Mamaya nalang, manika. Bye!" Saad niya at naglakad na palayo sa akin.

Taas noo akong naglakad papunta sa room. Maganda ako. Kahit madapa ako, maganda ako. Naniniwala akong maganda ako. Hihihihihi! Ang kapal talaga ng face ko!

Pagkapasok ko ng room, may nakita akong bulaklak sa desk ko.

Inilapag ko ang bag ko sa desk at kinuha ang rose. Inamoy ko ito. Hmm. Walang amoy. Hihihihi! Joke lang. Sino naman kaya ang nagbigay neto? 

"Good morning, beautiful." May bumulong sa may tenga ko.

Lumingon ako at nakita si Sam sa likod ko. "Ikaw nag bigay neto?" Tanong ko sa kanya habang pinapakita 'yung rose na walang amoy. Joke! Hihihihi!

"Yep. Okay ka na ba?" Tanong ni Sam sa akin.

Ngumiti ako. "Salamat, Sammy Sam." 

Gusto kong magpasalamat kay Sam kasi pinaramdam niya sa akin ang minamahal. Pero natatakot ako. Alam ko kasing hindi 'to pwede. Hindi siya pwedeng mainlove sa akin.

Walang pwedeng mainlove sa akin.

Kasi simula pa lang, iba ako sa mga mortal. Isa akong manika. Hindi ako nakatira sa planet na 'to. Hindi ako belong. Kaya... alam kong bawal.

(Daniel)

"Mich!"

Napatigil si Mich sa paglalakad at para bang hinahanap niya kung sino ang tumawag sa kanya. Napakaganda talaga niya. Nang makita niya ako, kumaway siya sa akin at tumakbo papunta sa pwesto ko. "Hi ba-, Daniel!" Saad niya.

Muntik na niya akong tawaging baby.

Mich... pwede bang bumalik nalang tayo sa dati?

Gustong-gusto na kitang yakapin.

Ngumiti ako at kinurot ang ilong niya. "May klase ka ba sa Sabado?" 

"May class ako sa morning. Bakit?"

"Ah! Sa hapon nalang. Date tayo."

"Ha? Date? Daniel... hindi na tayo." Mahinang saad ni Mich. Pero narinig ko pa rin siya. Kahit anong sabihin niya, naririnig ko. Kahit masakit.

"Friendly date. Diba, magkaibigan tayo?" Saad ko.

Ang galing-galing mo talaga, Daniel. Bad trip ka.

Ngumiti naman si Mich. "Okay. Itetext nalang kita pagkatapos ng class ko." Aniya Mich at nagpatuloy kami maglakad papunta sa room niya.

Basta maghihintay ako.

Hindi pa rin ako bumibitaw, Mich.

Sana kumapit ka ulit.

"Sige, Daniel. Salamat sa pagsama. I'll text you nalang, okay? Bye!" Saad ni Mich at naglakad na papasok sa room niya. Mich, bumalik ka na sa akin, please?

Ang tae ko naman kasi magmahal. Binibigay ko lahat. Hindi manlang ako nagtira para sa sarili ko. Hindi ko manlang inisip na nasasaktan na ako.

Naglakad na ako papunta sa room. Nadatnan ko si Kathryn na may hawak na bulaklak. Kausap niya rin si Sam, si Robi at si Khalil. Ang sarap itago ni Kathryn sa bulsa. Simula nang mangyari sa kanya 'yung nangyari sa bukid ni lola, parang gusto ko siyang itago sa buong mundo. Sobrang nagiging protective ako sa kanya. Para ko na siyang kapatid, sa totoo lang.

"Omo! Totoo? Tulog ka talaga buong sembreak, Robi?" Narinig kong saad ni Kathryn. Natatawa ako sa kainosentehan niya. Kakaiba talaga siya sa lahat. 

"Wazzup, Daniel?" Bati ni Robi.
"Hey, bro."
Saad naman ni Sam.
"Hi, bebe Daniel."
Hindi ko alam kung bading ba talaga 'to si Khalil o ano.

"Hello, Daniel!!!" Aniya ni Kathryn at kumaway-kaway pa. Nilapag ko sa desk ko ang gamit ko at umupo. Hay, buhay. Pasukan na naman.

"Bro, anyare sa inyo ni Mich? Sabi ni Kathryn pinuntahan mo raw ah!" Sabi ni Robi at itinaas-baba pa niya ang kilay niya. Ano ba 'tong lalakeng 'to? Ang labo!

"Kayo na ba ulit?" Tanong ni Sam.

"Oh em gee! Paano mo nagawa sa akin 'to, Daniel? Sabi mo ako lang! Naniwala ako sayo. Pero anong ginawa mo?! Walanghiya ka. Huhuhu!" Madramang litanya ni Khalil.

Kinuha ko sa bag ko ang isang notebook at hinampas ito sa ulo ni Khalil.

"Sira ulo!" Saad ko kay Khalil. Tiningnan ko si Sam at si Robi. "At kayo! Hindi ko naman alam na may interview pala. Sana nakapagayos manlang ako." Pabiro kong saad sa kanya.

"Lul. Ano ba kasing nangyari?" Tanong ni Robi.

"Wala naman. Niyaya ko lang siya sa Sabado." 

"So, kayo na ba ulit, Daniel?" Biglang tanong ni Kathryn. Napatingin ako sa kanya at para bang seryoso siya sa tanong niya. "Together na ba ulit kayo?" Dagdag niya pa.

Ginulo ko ang buhok ni Kathryn.

"Hindi pa." 

"Pa? Ibig sabihin, pwede." Nakangising sabi ni Sam.

"Lul!" Sigaw ko sa kanila.

Patuloy akong inaasar nila Sam, Robi at Khalil. Ang iingay nila, letse. Pero napansin ko na biglang tumahimik si Manika at naka-ubob.

Problema nun?

(Kathryn)

"Class, dismissed!"

Yay! Tapos na ang klase. Ang dami kong naisulat. Itinago ko sa bag ko ang notebook ko pati na ang ballpen ko. Tumayo ako at nagstretching pa. Ilang oras din ako nakaupo 'no.

Habang nagsestretching ako, may sumundot sa tagiliran ko.

"Omo!" Sigaw ko. Narinig kong tumatawa si Daniel. "Ang kulit mo talaga, Daniel! Uwi na ba tayo?" Tanong ko sa kanya. Sabay daw kasi kaming uuwi ngayon.

"Kathryn, pass muna ako ngayon, ah. Si Sam na muna ang magsusundo sayo ngayon. Sasamahan ko kasi si Mich, eh." Saad ni Daniel.

Wow.

Mich na naman.

"Hindi, okay lang! Makikipagkita rin ako kay Trina. Magmemeryenda kami sa mall." Sabi ko kay Daniel. Omo! Nag-lie ako. Wala kaming planong magkita ni Trina.

"O? Pano ka uuwi?" Tanong ni Daniel. "Baka mapano ka."

Nginitian ko si Daniel at tinapik ang balikat niya. "Walang mangyayari sa akin, tatay Daniel. Promise! Magtetext nalang po ako mamaya. Bye!" Aniya ko. "Bye Sam, bye Khalil, bye Robi!!!!" Paalam ko sa kanila at kumaripas ng takbo papunta sa CR. Hihihihi! Para akong si Flash.

Ang weird ni tatay Daniel.

Palagi siyang nag-aalala sa akin. Palagi siyang nagwo'worry sa kalagayan ko. Palagi siyang sumisigaw kapag pinapagalitan ako. Ang protective niya sa akin. Minsan nga, natutuwa pa ako kapag pinapagalitan niya ako, eh. Parang ang saya ng feeling kapag may nag-iisip sayo. On the other side, ang weird niya. Basta! Weird siya! Puro Mich kasi ang bukangbibig niya.

Teka. Omo!!

Parang ako ang weird?

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Trina. Feeling ko ako ang mababaliw sa kaiisip ko. Nagiging weird and crazy ako noong mga nakaraang araw. Huhuhu!

Ano bang nangyayari sa akin?

To: Trina
Trina!!! ^_^ Free ka today? Mall tayo. 

From: Trina
No, I'm expensive. 

To:Trina
Nagjojoke ka ba, Trina? ^_^

From: Trina
Tse!! Hintayin mo ako sa *tsutsu* room. Last class ko na 'to, eh. Sa wakas! xD

Itinago ko ang cellphone ko sa aking bag. Yay! May kasama ako. Hindi na lie 'yung sinabi ko kay Daniel kasi magkikita talaga kami ni Trina. Hihihihi!

Pumunta na ako sa room na sinasabi ni Trina. After ilang minutes, lumabas na ang mga tao sa room na 'yon. Pinakahuling lumabas si Trina. Dali-dali siyang lumapit sa akin. "Kathryn, punta muna tayo kay Diego" Sabi ni Trina.

"Okay!" Nakangiti kong saad.

Kumapit si Trina sa braso ko at kinaladkad niya ako papunta sa room ata ni Diego. Hihihihi! Medyo clingy at maharass si Trina. Nang makita namin si Diego, bumitaw si Trina at nakipagbeso kay Diego. Omo! Ang sweet nila. Sa sobrang sweet nila, ang sakit sa eyes.

"Hi, Kathryn." Bati ni Diego.

"Hello, Diego!!!!"

Medyo close rin kami ni Diego. May mga times kasi na kapag nagbabonding kami ni Trina ay kasama siya. Kaya nagkakausap na kami. Hihihihihi!

"Diego, magma'mall lang muna kami ni Kathryn. Itetext nalang kita later, okay?" Malambing na saad ni Trina kay Diego. Astig. Biglang nagchange 'yung tono ng boses ni Trina.

"Sige. Mag-iingat kayo, ha?" Saad ni Diego.

---------------------------------xx

Nagbyahe kami ni Trina papunta sa mall. Nilibre nga niya ako ng pamasahe, eh. Feeling ko super happy si Trina. Minsan lang kasi siya manlibre. Hihihi!

Dumeretso kami ni Trina sa food court. "Kathryn, sagot ko na 'to." Nakangiti niyang saad habang nago-order kami ng pagkain. Omo! May miracle bang nangyayari? Hihihi! Two times na nanglibre si Trina sa akin ngayon. Sana pala palagi siyang happy.

Para palaging may libre.

Hihihihihihi! ^_______^

Pagkatapos naming mag-order, umupo na kami.

"Trina, ang saya-saya mo ngayon. Bakit?" Tanong ko.

Parang naging hearts 'yung mata ni Trina. "Three weeks straight na kaming hindi nag-aaway ni Diego baby. Grabe!! Achievement kaya 'yun." Saad niya.

"Bakit baby? Eh, big na kaya siya!" Komento ko.

Parang si Mich dati. Baby ang tawag kay Daniel. Ang laki-laki kaya ni Daniel. Mas matangkad pa nga siya kay Mich, eh. Ang weird talaga!

"Endearment 'yon. Para sa akin, isa siya sa mga way para masabi mong love mo talaga ang isang tao. Way din siya ng paglalambing. Parang ganun." Explain ni Trina.

Ah, kaya pala.

Now, I know. Hihihihi!

"Super in love ka talaga kay Diego?" Tanong ko kay Trina.

Parang naging hearts na naman 'yung mata niya. "Super! As in! Kapag magkasama kami, walang boring moments. Tsaka mararamdaman mo naman kung love mo talaga ang isang tao. Heart mo na mismo ang magsasabi sayo.Ikaw, Kathryn, nainlove ka na ba? Or may special someone?" Tanong ni Trina.

Umiling ako. "Wala." 

"Talaga? Sa pretty mong 'yan!" Komento ni Trina.

"Ano ka ba, Trina! Wala talaga." Nakangiti kong saad kay Trina.

"Weh? Walang special someone ang heart mo? Wala kang nararamdamang kakaiba sa puso mo? Imposible." Pilit ni Trina.

Kakaiba? Sa puso ko?

"M-meron akong nararamdamang kakaiba sa heart ko." Mahina kong saad.

"See? Sabi ko na nga ba't meron!! Kwento ka!!"

"May nararamdaman akong kakaiba sa heart ko, Trina. Kapag kasama ko siya, biglang bumibilis ang tibok ng puso ko. Tapos kapag kasama na niya 'yung mahal niya, ang bagal ng tibok ng heart ko. Tapos sumasakit. Parang tinutusok ngg krayom. Tumigil ako at tiningnan ko si Trina ng seryoso. Kailangan ko 'tong i-let out. "Trina, sa palagay ko, I'm dying..."

"HAHAHAHAHA!!!" 

Huh? May nakakatawa ba sa sinabi ko? Nakakatawa ba na mamatay ako? Omo! Omo! "Trina, ba't mo tinatawanan ang sinabi ko? I'm dying tapos tinatawanan mo pa ako!"

"Napakainoccent mo naman, girl." Muling sabi ni Trina sa akin pagkatapos niyang tumawa. Uminom siya ng Coke bago magsalita. "Inosente ka ba o slow lang talaga?"

"Ha? Di kita maintindihan, Trina."

"Kathryn, hindi ka mamamatay. You're inlove." Saad ni Trina. "Sabi ko sayo, heart mo na mismo ang magsasabi. Heart mo na mismo ang magbibigay sayo ng signal. Walang pinipiling tao si heart. Basta, may something, ayun. Hindi mo alam, inlove ka na pala."

Anak ka ng tatay mo! Ako, inlove?! "Imposible." 

"Walang imposible sa mundong 'to, girl. Lahat pwedeng mangyari. Hindi ka lang aware. Akala mo siguro wala lang. Binabaliwala mo lang. Na akala mo, normal lang 'yun. Pero ang totoo, inlove ka. Teka, sino ba 'tong guy na 'to?" Tanong ni Trina.

Sino?

Guy?

Huhuhu! Feeling ko sasabog na ang head ko. Hindi ko ma-absorb ang pinaguusapan namin ni Trina. Hindi ko matanggap ang sinasabi niya.

"W-wala. Hindi ako inlove."

Parang niloloko ko ang sarili ko.

Ang gulo! Barbie Superior. Help naman, oh! Nakakainis naman kasi si Daniel. Kapag malapit kasi siya sa akin, bigla nalang bumibilis ang tibok ng puso ko. Kapag pinaguusapan namin si Mich, bigla namang bumabagal ako tibok ni heart. Kapag magkasama sila ni Mich, sumasakit naman ang heart. Huhuhuhuhu!! Naguguluhan na ako, promise.

Alam ko sa sarili ko na hindi ako pwedeng mainlove.

Bawal mainlove ang manika sa mortal.

END OF CHAPTER NINETEEN       
GOD BLESS!

Continue Reading

You'll Also Like

223K 2.1K 13
Available On DREAME App Academy of Witchcraft and Wizardry Book One The Academy (School of Wizardry) Naniniwala ka ba na maari kang maging isang nata...
127K 3.9K 44
Almost perfect na ang buhay ni Lou, maganda, matalino, a family who cares for her, a best friend na supportive at a lover na mahal na mahal sya. Ngu...
320K 9.9K 53
SECRET ACADEMY (BREAKING OF HEARTS) is now a signed story under Dreame. She's Alice Brook,an ordinary girl with an ordinary life. Yun ang alam nya ba...
Ang Unang Reyna By Thia

Historical Fiction

16.4K 446 27
Ika-labindalawa ng ikaanim na buwan sa taon'g 1898, ako'y nasa dose anyos nang magtungo kami ng akin'g pamilya sa Cavite El Viego. Hindi ko maintindi...