Mr. Lady Fell in Love

By nicxedEmotions

56.6K 1.4K 122

NBSB na nga, napagkamalan pang tomboy? Aw. Saklap, 'di ba? Paano kaya kung ang babaeng siga maglakad, astig p... More

Prologue
Chapter 1: First Day
Chapter 2: The Alien
Chapter 3: She won
Chapter 4: The Monster Beat
Chapter 5: New friend
Chapter 6: I Need You
Chapter 7: He chose me
Chapter 9: Her voice
Chapter 10: Getting to know you
Chapter 11: The Deal
Chapter 12: Surprise Meeting
Chapter 13: To Happy Land
Chapter 14: His Other Side
Chapter 15: Those words
Chapter 16: Not-so-lucky Day
Chapter 17: So hot!
Chapter 18: Stay with me
Chapter 19: Partners
Chapter 20: University Intrams
Chapter 21: Getting along with you
Chapter 22: Sem-ender Trip
Chapter 23: Time to Start (Sem-ender Tour Part two)
Chapter 24: Let's Fall Together
Chapter 25: Firsts
Chapter 26: Flash New(s)
Chapter 27: SHE's back
Chapter 28: Enchanted (SHE's back part 2)
Chapter 29: Team MattNic
Chapter 30: Sweet Dreams
Chapter 31: This is Step #1
Chapter 32: Save You For Myself
Chapter 33: Sweeter than Bitter
Chapter 34: Last Step: Like.. FOREVER
Chapter 35: I was lying.
Chapter 36: Accident Confession
Chapter 37: Rushing things up
Chapter 38: Rule #1
Chapter 39: Wrong timing (MattNic Episode)
Chapter 40: Ending <\3 (MarxAcle)
Chapter 41: Epic-logue
Chapter 42: Start the operation!
Chapter 43: Operation: Spot the Liar
Chapter 44: Goin' Crazy
Chapter 45: Heart's Day?
Chapter 45.2: Hearts' Day? Part II
Chapter 46: Ever
Special Chapter: MEMA
Chapter 47: After All
Chapter 48: Present time
Chapter 49: Change?
Chapter 50: It's Him
Epilogue I
Epilogue II
Finale
Notice to the Public

Chapter 8: At the Palace

1.2K 26 0
By nicxedEmotions

Chapter 8: At the Palace

 Acle's POV

Maaga kaming gumising ni Angel dahil nakakahiya naman sa unggoy kung male-late kami sa araw ng paggawa ng project namin. 

Pero in fairness ha! Gusto ko 'yung ganun! Ayoko kasi sa Filipino time. Tsk. Nakakadala na rin kasi.

*FLASHBACK

One time, may group project kami nung highschool, ang sabi ng leader namin, 7am sharp daw kami magkikita-kita.

So ayun, inagahan ko, 6:30am palang, nasa meeting place na ako. Ganito ako ka-punctual. Pagsapit ng 7am, the nerve!? Wala pa ring anino ng kahit sinong member ng group namin!

Nagpasensya pa ako at naghintay lang naman ng dalawang oras. Pero.. Waaaaaaaah! Nasan na sila?

Ang sabi 7am, 9am na kaya! May patience naman ako e. Pero kasi... grabe! Abuso sila masyado! Nung 'di ko na matiis, umalis na ako run sa meeting place.

Pagdating ko sa bahay namin, biglang may nagtext...

"ACLE NASAAN KA NA? IKAW NALANG ANG HINIHINTAY NAMIN!" -Classmate 1.

WHAT THE HELL?! Ako nalang ang hinihintay? Paano nangyari 'yun eh kanina pa nga ako naghihintay sa kanila? Dalawang oras lang naman! DALAWA LANG! ARGH!

Nainis ako at hindi na nagreply. Bahala sila sa buhay nila! 

Ending: Gumawa sila ng project nang wala ako. Ayun, ako lang ang walang grade sa buong klase. Argh! Pinaggawa pa ako ng teacher namin ng mas mahirap na project! Siomai naman!

Lesson: 'PAG FILIPINO TIME ANG MGA KA-GROUP MO, PUMUNTA KA SA MEETING PLACE 2 HOURS AFTER THE TIME SCHEDULED.

*END OF FLASHBACK

"Maam, nand'yan na po 'yung sundo n'yo sa baba." Narinig kong sabi ng isa naming kasambahay.

"Okay, ate... Susunod na kami," sagot ko.

Time check: 8:00 am, ayaw niya talagang ma-late kami. 

"Couz! Ano 'yang suot mo?" 

Oh no. 'Yan na naman ang fashionista kong pinsan.

"Damit. Obvious ba, couz?" Sagot ko habang itinatali 'yung sintas ng rubber shoes ko.

"Bakit ka nakapambahay? Mag-ayos ka nga!" sigaw sa kin ni Angel. Ang arte naman!

"Hoy. Hindi pambahay 'to 'no! Ikaw? Bakit ka naka-dress? Saan ang party?" 

"I said... change your clothes!" sigaw n'ya.

"Ayoko nga! Dito ako komportable eh!"

Ito na naman ang never-ending naming pagtatalo tungkol sa pagsusuot ko ng trip kong damit. 

"Haay nako! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa'yo! Tss. Tara na nga!" Sumuko rin naman s'ya. 

Kila unggoy lang naman pupunta e! Bakit kailangan pang gandahan ang suot? Ayos na ang pants at t-shirt!

"Maam, Good Morning po! Ako po 'yung driver ni Sir Marx. Sakay na po kayo. Naghihintay na s'ya," sabi nung driver.

Nganga! As in nganga talaga! Akala ko namamalikmata lang ako. Pero... totoo nga talaga itong nakikita ko.

"Limousine?!" sabay pa kami ni Angel.

"Opo Maam, ito raw po kasi ang ipangsundo ko sa inyo e," napakamot pa nang bahagya sa ulo si manong driver. 

"Pero 'couz?" nagtatakang tanong ko pa rin.

"Haha! Wag na tayong magtaka, bespren. Mayaman sila. Saka nakasakay ka na naman ng limousine dati 'di ba? Haha!" 

Grabe naman kasi? Ipapasundo lang kami, limousine pa? P'wede namang ordinary car nalang o kaya magpapahatid  nalang kami sa kotse namin?

Ano ba talagang ipupunta namin? Paggawa ng project o awards night? Pakitang gilas naman 'tong unggoy na 'to! Ang OA nya naman! Hahaha!

"Oo nga... pero kasi 'pag aattend lang sila mommy ng awards night, saka lang kami sumasakay sa limousine."

"Tara na nga lang, let's just enjoy the ride!" Hinatak na ako ni Angel papasok sa limousine. 

Ilang minuto lang, nakarating na kami sa...

Te-teka?! Anong lugar 'to?

"Manong driver, alam n'yo po ba kung saan talaga ang bahay nila Marx?" tanong ko.

"Opo maam. Nandito na po tayo." 

Bumaba s'a tapos pinagbuksan kami ng pinto ng kotse.

Parang mali ng address? Ay. Letsi, 'di ko nga pala  alam address ni unggoy! So... paano ko nasabing mali? Hays Acle!

"Ma-manong! Ito na po talaga 'yun? As in? Are you sure? Hindi po ito joke time?" tanong ko sa driver na medyo natatawa pa.

"Haha! Yes, Maam. Inaantay na po kayo nila sir." Umalis na siya at bigla kaming nagulat ni Angel nang...

Bakit may mga nakahanay na maids at butlers sa daan papuntang pinto? Nananaginip ba ako?

"Couz, wow! As in... wow, bessy!" Nanlaki rin ang mata ni Angel.

"Nasa Malacañang yata tayo eh? Alis na tayo dito! Baka mahuli tayo ng mga PSG! Tara bessy!" sabay hatak ko kay Angel.

"Bilis! Bilis!" Tumatakbo na kami ngayon. Loko talaga ang unggoy na 'yun, ipapahamak pa kami! We shouldn't have trusted him!

Lumingon ako sa likuran tapos... Waaaaah! May humahabol na sa aming dalawang lalaki! PSG nga yata sila! Ano ba itong pinasok namin? D'yos ko!

Lalo naming binilisan ang pagtakbo nung makita namin 'yung mga lalaki. Pero...

Naabutan nila kami. Waaaaah!

"Kuya... sorry po! Hindi po namin alam na dito kami dadalhin nung driver ng kaklase ko..." pagmamakaawa ko.

"Waaah! Kuyang PSG pakawalan n'yo na po kami! Hindi po talaga namin alam 'to. Huhu!" -Angel na kinakabahan din...

"Mga Miss, sumama nalang po kayo sa amin nang mapayapa." -PSG 1

Sabi na nga ba eh! Tsk! Nakakainis ka talagang unggoy ka! Pinahamak mo kami! Humanda ka lang sa akin!!!

"Kuya... pag-usapan naman natin 'to oh. Hindi naman po talaga namin alam eh..." pagmamakaawa ko pa rin.

"Sa loob na po kayo magpaliwanag." -PSG 2.

Tapos nakita kong may kinakausap 'yung isang PSG sa phone.

"Opo sir. Nahuli na po namin sila. Okay po. Dadalhin na namin sila d'yan. Sige po..." -PSG 1

Waaaaaah! Makukulong na ba kami huh?! Lagot na. Huhu!

"Kuya please... wag n'yo kaming hulihin. Huhu!" -Angel.

"Kuya... maawa kayo sa amin, wala po talaga kaming alam di--- Ayy gwapong unggoy!" naputol ako sa pagsasalita nang may biglang...

"Hoy, tomboy! Anona namang katangahan ang ginagawa mo? Bakit ka nagmamakaawa d'yan?! Tsk." Si... si...

Si Monkey Monster.

So... totoo nga? Ito talaga 'yung bahay nila? Eh hindi naman bahay 'to eh!

PALASYO TO! P-A-L-A-S-Y-O-!

Grabe pala talaga ang yaman nila! Parang Malacañang sa ganda at laki! Malaki rin naman ang bahay namin pero kumpara rito, tatlong beses ang laki nito eh!

Malawak 'yung garden, may fountain pa. Tapos parang hacienda rin. 'Yung bahay mismo, sobrang laki. As in. Wow! Ang yamaaaaaaan! Kaso ang sama naman ng ugali!

"Sa-sa... inyo itong palasyo na 'to?" Tanong ko.

"Ayy, hindi! Ang totoo n'yan, hinostage ko lang ang bahay na 'to! Tsk! Parang tanga naman magtanong!" Umuusok na naman ang ilong niya sa galit, wala bang araw na hindi bad trip sa akin ang walangya'ng 'to? Sabagay... same. Same, Marx. 

"Tss. Tara na't gumawa ng project!" Iniba ko na ang topic para maiwasan na ang galit niya, naalala ko kasi, may kailangan pala ako sa mokong na 'to. 

"Hahahahahahahahaha! We really looked like an idiot! Hahahaha! Best! Akala ko talaga nasa Malacañang tayo tapos... hahaha! PSG 'yung humabol sa tin! Hahaha!" Nakahawak na sa tiyan si Angel sa katatawa. 

Wagas lang 'teh?

"Subukan mo kayang mag-move on? Baka masungitan na naman tayo d'yan sa ginagawa mo eh," bulong ko kay couz.

"Hahahahahaha! Ang tanga talaga! Hahaha! Epic!" -Matt.

"Hahahahaha! You two are really funny!" -Enrick.

So nakita rin nila at kanina pa nila kami pinapanood? Waaah! Nakakahiya! >_<

Tatlo na silang tumatawa nang wagas ngayon. 

"Hahahahaha! Akala talaga namin! Sorry! Nakakahiya! Hahaha!" Hindi ko na rin napigilan ang tawa ko. Nahihiya lang talaga akong tumawa kanina kasi baka magmukha akong baliw kung mag-isa akong tatawa, pero dahil apat na kami ngayon...

"Hahahahahahahhahahahahahha!!!"

Para kaming shunga talaga ni pinsan! Hahaha! Ilang saglit lang ay nakaramdam na kami ng masamang aura. 

"Hoy! Ano bang ipinunta n'yo rito? Tawanan? Go, ahead. Get outta here!" sigaw n'ya.

Saan ba pinaglihi ng nanay n'ya 'to? Sa sama ng loob o sa ampalaya? Tsk.

"Hahahaha! Marx! Ang KJ mo talaga! Hahaha!" sabi ni Matt.

"Tama na 'yan, sayang ang oras. Let's start working on our d*mn project." Seryoso na 'yung itsura niya, parang kakain na ng tao. 

Pumasok na kami sa loob. Grabe ang ganda-ganda! Sumakay kami sa elevator dahil sa 3rd floor  daw 'yung music room nila. 

Ang OA ng bahay nila ha! Kumpleto! Parang mall! Siguro kung ganito ang bahay namin, hindi na ko lalabas ng bahay! 

"Marx may naisip ka na bang gagawin natin?" umimik si Enrick.

"Oo. Recording muna tayo tapos shooting ng video, then editing na." Walang emosyon niyang sambit. 

Matatapos ba namin ngayon 'to? Ayos, para hindi na magtagal pa ang pagkasira ng araw ko dahil kay unggoy. 

Sa music room...

Malaki ang kwarto, itsurang recording studio talaga. Halos makumpleto rin ang musical instruments na makikita sa loob, may drum set, iba't ibang gitara, piano, violin, at iba pa. Sa kabilang sulok naman ay may recording booth na may kumpleto ring kagamitan. 

Tama nga ang sinabi ng mokong, we don't have to worry about anything. 

"Wow." Napanganga ako. Gusto ko rin ng ganito sa bahay. Huhu!

"Tama na ang nganga, Lesbi."

I rolled my eyes, he's epal as always. 

"Anong kanta ang gagawan natin ng video?" Tanong ko.

"Ikaw Ang Aking Mahal." Seryoso niyang sagot. 

A-ano raw?!

"Uyy! Ikaw daw ang mahal n'ya Acle! Yiiiieeeeee!" -kantsaw ni Angel. Tapos nakiepal pa 'yung dalawa habang nagpipigil ng tawa. 

"Yiheeee! Cheesy!" sabay pa si Matt at Enrick.

"Mga tanga! 'Yun 'yung kanta! By VST & Company! Tsk." As usual, galit na naman siya. 

Ahhh... 'yun pala!!!

"Ahhhhhhhhhhh! Haha!" sabay pa ang tatlo sa pangangantsaw. 

"Hindi kami talo n'yan! Lalaki din 'yan eh!" That's the first smirk I saw from him today. Nag-iiba talaga ang mood ng mokong kapag nakapang-aasar. Heck. 

"Hoy! Hindi talaga tayo talo! Dahil unggoy ka at tao ako!"  Nakakapikon din kasi to eh.

Palagi sy'ang kotang-kota sa panlalait sa 'kin! Napansin ko namang nananahimik na 'yung tatlo pero ramdam kong nagpipigil lang din sila sa pagtawa. 

"Hephep! Simulan na nga natin 'yung recording bago pa magka-world war 3 dito.  Sino bang kakanta?" -Enrick.

"Ako... pero kailangan ko pa rin ng isa pang kakanta. Duet kasi ang naisip ko eh..." Sumeryoso na ulit si Marx. 

"Hmm. So... babae dapat? Okay. Sino bang may talent sa pagkanta sa inyong dalwa?" -Matt sabay turo sa aming dalawa ni Angel.

"Kung ayaw n'yong masingko ang grades natin, 'wag ako ang pakantahin n'yo." -Angel.

Tama naman ang pinsan ko, singko ang katapat ng boses niya. Hahaha! Hindi naman sa pagmamayabang pero... talagang wala siya sa tono kung kumanta hahaha!

"Ikaw, Althea?" Tanong ni Enrick.

"Oo! Si Acle! Uno ang katapat ng boses niyan! Promise! Papatay ako 'pag may nagsabing hindi siya magaling!" Malawak ang ngiti ni Angel habang sinasabi niya, parang bigla akong nahiya sa mga pinagsasasabi niya. 

"'Wag kayong maniwala dyan! Palusot lang 'yan ni Angel! Wala akong talent sa singing!" depensa ko.

"Totoo ba 'yun Althea? Marunong kang kumanta?" Haay nako, Enrick baka nakangiti ka na naman?

"Ahhm-- ano... hindi. Wala akong talent sa pagkanta," wala lang talaga ako sa mood ngayon. 

"Panget na nga, tomboy pa, tapos wala pang talent! Tsk! Walang kwenta." Narinig kong sabi ni Marx. 

Lalo akong nawalan ng gana sa mga narinig ko kaya...

"Ahh... Sige. Lipat nalang ako siguro ako ng group. Mukhang ayaw naman akong kasama ni Marx eh. Alam ko naman 'yun, una palang. Sige una na 'ko, couz, Enrick, Matt." 

Seryoso ako, I can't put up with this anymore. Magsosolo nalang ako kaysa makasama ang lalaking 'yan. Sobrang sama ng ugali!

"Ang arte. Tsk." Nagparinig pa talaga. 

Lumakad na ako papunta sa pinto, pinigilan nila akong umalis pero kasi... napipikon na na talaga ako sa mayabang na 'yun. 

"Couz, 'wag ka nang umalis, please? Pagpasensyahan mo na muna." -Angel.

"Oo nga, Acle... mag-stay ka na." -Matt.

Ayoko na talagang makasama 'yung unggoy na 'yun. Masyado s'yang masakit magsalita. Nagsasawa na rin akong makipagtalo sa kanya. Kaya siguro dapat umiwas nalang ako.

Pababa na sana ako sa hagdan nang biglang... Teka? Saan ba dapat ako dumaan? Bakit ang daming hagdan dito? Ayys! Bahala na.

"Althea, wag ka nang umalis. Alam mo, naniniwala akong magaling ka nga kumanta. Ganito nalang, ipakita mo kay Marx na may talent ka. Pipilitin namin syang habulin ka para s'ya mismo ang humabol sa'yo. After that, makipag-deal ka sa kanya... hilingin mo ang isang interview para sa article mo bilang kapalit ng pagbalik mo sa group." Sinasabi ni Enrick 'yan habang hinahanap ko ang tamang hagdan.

"Paano kung hindi naman n'ya ako sundan? Patawa ka rin Enrick. Si Marx, susundan ako? Hindi na ako aasa d'yan," sagot ko kay Enrick.

"Ako ang bahala. Haha! Basta galingan mo 'yung acting mo ha." Dali-dali siyang tumakbo papunta sa music room.

Haaay, hindi talaga ako kumbinsido sa sinabi ni Enrick. Bahala na. 

----------------

Marx's POV

That prick is so annoying, as usual! Hindi nalang makipag-cooperate, nag-iinarte pa!

Bumalik na si Enrick sa music room pero mukhang hindi n'ya nakumbinsing pabalikin si Lesbi.

Bwisit talaga! Naknang tokwa naman oh! Nakakainit s'ya ng dugo!

"Pards, ikaw na ang magpabalik sa kanya. Ikaw naman ang may gawa kung bakit umalis 'yun eh. Sige ka, ikaw din... hahanap pa tayo ng isa pang ka-group 'pag hindi mo s'ya napabalik." Salubong ni Enrick. 

"Ayoko nga! Ano s'ya, sinuswerte? Ang arte arte, hindi naman maganda." 

"Marx, oo nga naman... huwag ka nang ma-pride d'yan! Imbes na natatapos na tayo 'di ba? Pakiusapan mo na, pards. Pero huwag mo namang tatakutin, baka lalong hindi bumalik." -Matt.

Si Matt? Sinigawan ako?! Tama ba 'tong naririnig ko?!

"Hoy, Matt! Bakit mo ako sinisigawan ha? Dahil sa tibong yun, kinakalaban mo na ako... ganoon ba 'yun huh?!"

"Pare, ewan ko sa'yo. Ang gulo mo eh! Sabi nang habulin mo s'ya nang matapos na 'yung project natin! Gusto ko rin namang umuwi nang maaga para makasama ang pamilya ko. Tss." Ngayon lang ipinakita sa akin ni Matthew ang mukhang 'yun. Bad trip. 

"Ugh, I hate her so much!" Nagdabog ako palabas sa music room para suyuin ang maarteng tomboy. Hindi ko rin alam kung bakit sumunod ako sa request nila Matt, pero bahala na. Nakakabadtrip lang talaga!

Habang naglalakad ako papalayo, narinig ko 'yung hiyawan ng tatlo sa loob. 

"Apir! Haha! Galing mo Matt!" -Enrick.

"Oo nga! Hahaha! Akalain mong napasunod ko ang isang Marx Ramirez?! First time 'yun, pards!" -Matt.

Humanda lang talaga kayo pagbalik ko. 

Pababa na sana ako sa hagdan nang mahagip ng mata ko si Lesbi. 

"Hey, you!" sigaw ko. 

"Young Master, saan po ang tamang daan pababa nang makauwi na ako at makahanap ng mas maayos na ka-group?" 

Peste talaga 'to.

"Edi lumipat ka! Anong akala mo? Hahabulin kita para bumalik? Ang gwapo ko naman para maging aso!" 

Hina-highblood na talaga ako. 

"Huwag mo ngang ikumpara ang aso sa'yo! At least cute ang aso! Eh, ikaw? Unggoy ka na nga, ang sama pa ng ugali mo."

Bakit ba biglang tumapang 'to sa akin? Dati naman hindi 'to gumaganti ah? Argh! Bwisit!

"Lumayas ka na rito sa harapan ko bago kita mapatay!!!" Gigil na gigil na talaga ako sa kanya! Kaunti nalang masasakal ko na 'to eh. 

"Talaga! Aalis ako rito kahit hindi mo sabihin! Ayoko rin namang makasama ka!" 

Talagang hindi siya nakikipagtalo sa pakikipagsigawan sa akin. 

"Talaga! Get out of this place!" 

Tumalikod na ako at lumakad pabalik sa music room. Nakakabwisit talaga s'ya!

"Ahhm... A-ano... Unggoy. Sa-saan ba ri-rito 'yung daan palabas?" Nauutal pa siya habang sinasabi niya 'yan. 

Hahahahaha! Tanga talaga to! Magwo-walk out tapos, hindi alam ang daan! 

"Bakit sa akin ka nagtatanong ngayon? Hindi ba we're enemies? Baka gusto mong ituro ko sa'yo ang hagdan patungo sa impyerno?" 

"Ho-hoy! Saan nga kasi?!" 

May naisip ako.

"Sinabihan ko ang security team na i-off ang elevator at i-block ang exit points mula rito sa music room. Hindi ka makakauwi hangga't hindi ka bumabalik sa group ko," seryoso kong sambit habang nakataas ang kilay. 

"Sabi na nga ba eh! Nandito ka para habulin ako! Hahaha! Okay, tara na sa music room!" Biglang lumawak ang ngiti ng tomboy. Nababaliw na yata amp. 

Sinamaan ko siya ng tingin at saka nagsimula na muling maglakad. 

"Pero... sa isang kondisyon." Pahabol niyang sabi. 

May kondisyon pa? Ano ba siya, superstar? Hell no. 

UNA, HINDI S'YA KAWALAN.

PANGALAWA, HINDI KO S'YA KAILANGAN.

PANGATLO, AYOKO SA KANYA!!!

"Anong katangahan 'yan, Lesbi?" Itinanong ko pa rin. 

"May article akong kailangang ipasa. Tapos i-ikaw 'yu-'yung---"

"'Yung? Ayusin mo ang pagsasalita mo, Lesbi."

"Kailangan kita."

Ako?

"Ano? Kailangan mo ako? What the hell? Can't you see that I'll never like you? How dare you mention those words? Do you seriously think I'll agree to whatever wish you demand? Who are you to need me? Wake up, lesbian." 

"Alam mo, ang dami mong sinabi. Nakakainis ka talagang unggoy ka. Akala mo, may gusto ako sa'yo? Sa ugali mong 'yan? Anyway, para malinis naman ang marumi mong pag-iisip, sinabi kong kailangan kita dahil ikaw lang naman ang subject ko sa bwisit na feature article na ipinapasulat sa akin. Kung may choice lang akong palitan ka, matagal ko nang ginawa kasi alam kong walang kwenta kang kausap," dire-diretso siya sa pagsasalita habang seryosong nakatitig sa mga mata ko. 

"Oh tapos?"

"I demand an interview!" 

Napabuntong hininga ako. 

"Para matapos na 'to, sige. I'll do the interview. But, please! Please lang! Tama na ang kaartehan lalo't hindi ka naman maganda, okay? Tapusin muna natin ang project." 

Ayoko nang highbloodin kaya pumayag na rin ako. Nakakapagod makipagtalo sa isang panget na tulad niya. 

###

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 32K 54
Bianca was raised to never disobey - to follow her aunt's every word and to wait for love until college is over. But her deep admiration for Ismael i...
9.8K 560 60
Ayaw n'ya sa babaero, basagulero, may bisyo, mahina ang ulo, at hindi gwapo. Kilalanin ang "certified man-hater" na makatatagpo ng isang lalaking h...
87.9K 1.2K 15
Isang gabi na magpapabago sa isang straight na magandang dalaga, ang maiinis, mangigigil at susubok sakanya hanggang sa di nya namalayan na umiibig n...
90.3K 3.7K 80
[SEASON 1] - COMPLETED Ang pagbabalik at ang kalaban [SEASON 2] - COMPLETED Si Malayra [FINAL! SEASON 3] - COMPLETED Ang paghahanap kay Robert ENDED...
Wattpad App - Unlock exclusive features