I Like Potatoes

By Xamarande

37.3K 2.7K 520

Grie Mcfee Amberson is an adorable guy who loves potatoes so much, at talaga namang gagawin niya ang lahat pa... More

I Like Potatoes
Chapter 01: I Like Potatoes
Chapter 02: I Like Rubber Ducks
Chapter 03: I Like Chickens
Chapter 04: I Like Sleeping
Chapter 05: I Like Stripping
Chapter 06: I Like Leaving
Chapter 07: I Like Horror
Chapter 08: I Like Speaking
Chapter 09: I Like Jail
Chapter 10: I Don't Like This
Chapter 11: I Like Feelings
Chapter 12: I Like Breaking
Chapter 13: I Like Past
Chapter 14: I Hate Animals
Chapter 15: I Like Jumping
Chapter 16: I Love Prison
Chapter 17: I Don't Like "It"
Chapter 18: Look Away
Chapter 19: His gaze
Chapter 20: Out and free
Chapter 21: Never
Chapter 22: Head
Chapter 23: A Replacement
Chapter 24: Mother Figure
Chapter 25: Leaving Heaven
Chapter 27: Birthday
Chapter 28: A Better Man
Chapter 29: The Insufferable

Chapter 26: It's a Surprise

305 33 2
By Xamarande

SAKI

"I had a dream last night," kwento ni Maximus habang naglalakad kami pauwi. "I became Tarzan and I have a girlfriend." Tumingala siya sa akin at malawak na ngumiti. "Tumatalon-talon ako sa puno."

Maliit akong napangiti. "That's awesome. And about your girlfriend, is she a good girl?"

Magiliw siyang tumango. "Yes. And she's beautiful like you."

Hmm.

Tinanguan ko ang guard na nagbabantay sa entrance ng subdivision namin. He smiled at me at hinayaan kaming pumasok. Hindi ko kasi gamit ang sasakyan ko ngayon dahil nasa pagawaan. Wala pa akong oras na kunin, si Soren nalang siguro ang uutusan ko kapag may oras siya.

Papalubog na ang araw. Medyo pagod na rin ako dahil ang dami naming rides na sinakyan kanina. Dumaan din kami sa perya at ewan ko ba, masyadong maligalig ang anak ko-- ang dami niyang energy. At kahit ngayon, panay pa rin ang talon niya habang naglalakad kami. Para siyang walang kapaguran.

Well, kids.

"Is that Scarlet?" Maximus asked nang madaanan namin ang playground. Nang tingnan ko ang sinasabi niya ay tama nga siya. Nasa swing si Scarlet at mag-isang nags-swing. Kung hindi ko lang nakilala na si Scarlet nga iyon, iisipin kong may multong bata na naglalaro sa palaruan ngayon.

I mean, there's no one around.

Tumakbo bigla si Maximus papasok sa plaground. Nakita kong kinausap niya si Scarlet pero hindi naman kumibo ang bata. Tumabi si Maximus sa kaniya sa swing at malakas na idinuyan ang sarili niya.

Sumunod ako at nilapitan sila. Umupo rin ako sa bakanteng swing na katabi ni Scarlet at mabagal na nag-swing.

"What are you doing here, Scarlet? Pa-gabi na, ah?" tanong ko. "Nasaan ang papa mo?"

"Sa bahay po," mahinang sagot niya. "Natutulog."

Napa-irap ako pero hindi ko pinakita sa kaniya iyon. "Hindi niya namalayang lumabas ka?"

"Kasi sabi ko hindi ako lalabas," aniya saka tumitig sa langit.

Napangiwi ako.

"Sabay ka nasa 'min pauwi," ani Maximus saka tinigil ang pag-swing niya. "You're swinging by yourself; baka may mumu rito."

"Ghosts aren't real," ani Scarlet. "I haven't seen one."

"So, you want to see them then?" Maximus asked. "I don't want to. They're scary and ugly."

Tumayo ako at tiningnan ang phone ko-- it's 5:54 PM. Ibinulsa ko ulit ang phone ko at maliit na nginitian si Scarlet. "Sabay ka na sa 'min, mag-aalala ang papa mo."

Tumango siya at bumaba sa swing. I hold her hand at ganoon din si Maximus. Tahimik na naglakad kami pa-uwi, except for Maximus na walang ginawa kundi magsalita. At nang maka-uwi na kami, saktong kakalabas lang ni Leo at mukhang kagigising niya lang din.

"Jesus Christ, Scarlet, sabi ko sa 'yo huwag kang lalabas, eh," ani Leo saka napasapo sa noo niya. Tahimik namang lumapit ang bata sa kaniya at yumakap sa bewang niya.

She's actually a sweet kid; hindi lang talaga siya palasalita. And she's too logical for her age-- hindi ko alam kung sign iyan ng intelligence niya or maybe iyon ang natutunan niya sa mama niya.

And her mom's a bitch.

I mean, I'm not saying that I am a perfect mom-- heck, ayoko nga magka-anak at I used to think about aborting my child. And it's understandable for me to act like the way I did-- I was raped, for fuck sake. At base sa alam ko, kasal na si Leo at ang mama ni Scarlet nang magbuntis ito. Pinagplanuhan nila ang pagkakaroon ng anak-- they're both sane and aware. They both wanted a child. 

Especially the fucking mom. And guess what, she gave her daughter childhood trauma.

"Don't worry, nag-swing lang siya. Hindi naman siya papayagan ng guards na makalabas." Pero kung malalaman ko ring wala si Maximus sa bahay, I'll probably lose my shit, too.

The world isn't safe anymore.

Alanganing ngumiti si Leo. Binuhat niya si Scarlet at agad na yumakap ang bata sa leeg niya. "Thank you," ani Leo.

Tumango lamang ako at dumiretso sa pinto namin. Nang buksan ko ang pinto ay saktong sumalubong ang pusa namin. Panay ang pag-iingay niya at mukhang-- damn, naubos niya lahat ng iniwan kong cat food? Even the wet food na--

Sinimangutan ko si Tatsu na agad na binuhat ni Maximus at nilamutak.

"Ang takaw mo namang pusa ka," asik ko. Sumagot pa ang pusa sa akin; parang nagsusungit pa. At kahit gusto ko ring lamutakin ang pisngi niyang mataba, mas inuna ko nalang na refill-an ang food bowl niya.

Agad na bumaba ang pusa mula sa bisig ni Maximus at mabilis na nilantakan ang pagkain.

"Takaw niya," ani Maximus. "Sabi ng vet, i-diet daw siya, ih."

I nodded. "Yeah. Ngayon lang iyan kasi wala tayo maghapon. But hey, do you want to eat something?" tanong ko matapos kong ibalik sa lagayan ang pagkain ni Tatsu. "Snacks or something? Marami na rin tayong kinain sa labas kanina."

"I'm good," aniya. "And I'm already sleepy."

Maliit ko siyang nginitian. "Mag-half bath ka muna bago ka humiga, okay?"

Maximus nodded. Agad na dumiretso siya sa taas at narinig ko nalang maya-maya ang pag-iingay ng shower.

Hmm. Napapagod din pala ang batang 'yun.

Lumipas ang ilang minuto nang marinig kong tumahimik na sa itaas. Nang silipin ko ang silid ni Maximus ay nakita kong natutulog na siya at nakapagpalit na rin ng pantulog.

Dumiretso ako sa silid ko at nag-half bath din. Nang matapos ako ay bagsak ako sa kama ko. I'm tired, pero hindi pa ako dinadalaw ng antok. Nakatitig lamang ako sa screen ng phone ko-- contemplating if I'm going to call him or not.

Mariin akong napapikit. Bumuga ako ng hangin at nang magdilat ako ay agad na pinindot ko ang numerong nasa history at idinial iyon.

Saglit na nag-ring ang kabilang linya, at hindi nagtagal ay may sumagot kaagad dito.

"Hey."

Napatawad ko na ba siya?

I have no fucking idea.

He should be in jail. He should be rotting in hell. But I can't help but to do this. Naaawa ako sa anak ko. Especially every fucking time na lumalabas kami para mamasyal-- he always look at those families na kumpleto at masaya-- he's watching them-- especially the father.

"Saki," tawag niya sa pangalan ko. Then silence.

He doesn't want to say anything, too, huh.

"Let's be clear," simula ko. "I am doing this for Maximus. Kung sarili ko ang susundin ko; I won't be talking to you right now." I heaved a deep sigh. "He wants to know you. Gusto ka niyang makita. Iyon lang ang dahilan kung bakit ako nakikipag-usap sa 'yo ngayon..."

"I understand," aniya. "I told Soren, too."

Napatango ako. "Yeah. Kakausapin ko rin siya."

Umupo ako sa gilid ng kama at napa-suklay ako sa buhok kong nakaladlad. "Ama ka ng anak ko, hindi na magbabago iyon. Hindi ko pinagkakait sa 'yo na makilala ang bata. And don't worry, I didn't tell him anything bad about you. It's not my thing."

Saglit na tumahimik ang kabilang linya. Pero kalaunan ay narinig ko ang mahina niyang boses. "Thank you."

Mapait akong napangiti. "Are you free tomorrow?" tanong ko. "Wala akong clients bukas."

"Yeah, I'm free tomorrow," aniya.

Saglit akong natahimik.

Am I doing the right thing?

Fuck it.

"I'll call you tomorrow. Maximus likes turon so much. You better get him some."

Hindi ko na hinintay na sumagot. Binaba ko ang tawag at bumaha sa paligid ang katahimikan.

I did it. I just called and talked to him without cursing him to death. I know. I get it. Hindi na mawawala ang galit ko sa kaniya and I think, it's understandable. Kung hindi lang nadala ng pera ang hustisya-- he should be still in jail. But what can I fucking do? Wala akong ibang choice kundi yakapin ang katotohanan. It is what it is. Everything is damn unfair.

Pero katulad nga ng sinabi ko.

Para ito sa anak ko.

Hindi para sa sarili ko.

Hinanap ko ang number ni Soren at agad na tinawagan ito. Mabilis niya namang sinagot ang tawag at bago pa siya magreklamo dahil inistorbo ko siya, agad ko na siyang inunahang magsalita. "I know, I know. I'm a disturbance." Napasapo ako sa noo ko. "I need you with me tomorrow, please."

"Oh, I know," aniya. "I'm too awesome," sambit niya muli saka natawa. "Don't bring a gun or some knife, I don't want you to murder anyone."

Napa-irap ako. "I'm not going to murder anyone, idiot."

Dinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. "Nasa lahi niyo, eh."

Napasimangot ako. "Tawagan nalang kita bukas ng umaga. Sabihin mo nalang kay Grie."

Binaba ko ang tawag. Itinabi ko ang phone ko sa sidetable. Napagdesisyunan kong matulog nalang. Niyakap ko na lamang ang unan sa tabi ko at dinama ang pagod ko dahil sa maghapong nag-ikot kami ni Maximus.

At nang magising ako, umaga na.

Pumapasok na ang liwanag mula sa labas ng bintana at dinig ko na rin ang mahihinang huni ng ibon.

It's morning already. Ni hindi manlang ako nanaginip ng kahit ano-- parang hindi ako nakatulog.

Sakto ay narinig ko ang mahihinang katok sa pinto ko. "Mama?"

Tumayo ako agad at binuksan ang pinto.

I smiled at him. Dala-dala niya pa ang pusa na kasing laki niya na yata.

"Hey, we're going somewhere." Marahang kinurot ko ang namumula niyang pisngi. "It's a surprise."

****

Continue Reading

You'll Also Like

57.4M 1.6M 115
A writer. A weird stranger. A lot of little conversations. An online understanding. Every night. 23:11.
11.4M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
3.1M 146K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
11.9M 284K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...