My Possessive Fake Husband (F...

By Ice_Freeze

4.1M 72.8K 7K

Warning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED To Aiyell, being forced to marry your best friend doesn't sound so... More

READER'S GUIDE
Freezell #1: My Possessive Fake Husband
PROLOGUE
One
Two
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
Forty-one
Forty-two
Forty-three
Forty-four
Forty-five
Forty-six
Forty-seven
Forty-eight
Forty-nine
Fifty
EPILOGUE
Special Chapter I
Special Chapter II
Special Chapter III
Special Chapter IV

Three

129K 2.5K 119
By Ice_Freeze

AIYELL

KATATAPOS kong mag-shower ngayon dahil naghahanda na ako sa pagpasok sa trabaho. Ayaw ko nang intindihin ginawa ni Claw sa akin kagabi. Ayokong isipin ang possessiveness na ipinapakita niya. Ayokong bumagabag iyon sa isip ko.

Saktong pababa na ako ng hagdanan ay siya namang paglabas niya sa pintuan ng kwarto niya. Hindi ko siya pinansin at nagtuloy sa kusina. Nakita kong may nakahandang almusal sa mesa.

Kanina pa kaya siya gising? Naupo na ako at sinimulang lantakan ang nakahain sa mesa. Naramdaman kong naupo siya sa tapat ko. Hindi ko kasi siya tinignan. Iba pa rin ang inis na nararamdaman ko sa ginawa niya kagabi.

"Aiyell," basag niya sa katahimikan.

"Cut the crap. Hindi ko gustong kausapin ka," pambabara ko saka ako mabilis na tumayo at akmang lalabas na ng kusina nang maramdaman ko ang kamay niya sa pulso ko. "What now?" iritable kong tanong.

"Stop flirting," matigas at puno na awtoridad niyang wika.

"Then stop being so bossy! You're too possessive kahit wala ka namang karapatan!" singhal ko sa kaniya.

"I have. I'm your husband," aniya saka niya ako tinapunan ng napakalamig na tingin.

"Hindi kita asawa! Letse!" sigaw ko saka ko sana siya tatalikuran ngunit bigla na lamang niya akong hinatak pabalik kaya't napasubsob ako sa dibdib niya.

"Sinong letse, Aiyell?" tanong niya sa may baritonong boses na may kasamang pang-aasar.

"I–I didn't say anything!" utal na sagot ko. Parang gusto kong bigla na lang pagalitan ang dila ko.

"Really?" saka niya inilapit ang mukha niya sa akin. Pakiramdam ko ay aatakihin na ako sa puso dahil sa lakas ng kalabog ng dibdib ko!

Sinubukan ko siyang itulak ngunit mas hinapit niya pa ako palapit sa kaniya. Sa palagay ko ay mga kalahating pulgada na lamang ang pagitan naming dalawa.

"C–Claw bitiwan mo 'ko," utal na wika ko at halos hindi ako humihinga habang nagsasalita.

"Paano kung ayoko? Mas okay ang ganito kaysa lage mo akong wino-walkout-an," aniya ay malinaw pa sa sikat ng araw na may pang-aakit ang tono niya ng pagsasalita!

Sobrang lapit niya talaga sa akin. Hindi ko na nga alam kung maayos pa ang paraan ng paghinga ko. Pakiramdam ko ay inaagawan niya na 'ko ng hangin. His grayish eyes, long and thick eyelashes, perfectly shaped nose and his very kissable lips that can really make a woman go crazy about him.

Nagulat ako nang unti-unti niyang inilalapit ang mga labi niya sa mga labi ko.

I don't know what's with me, naramdaman ko na lamang na unti-unti ko nang ipinipikit ang mga mata ko. I'm waiting for his lips to touch mine... until I felt a soft thing on my forehead.

"Don't expect too much, wife. Just do what I said a while ago. Don't flirt," then he let me go and left me dumbfounded.

Nasapo ko na lamang bigla ang dibdib ko na kakaiba ang lakas at bilis ng tibok nang marinig ko ang pagsara ng pintuan na nilabasan niya

NATAPOS ko na agad ang lahat ng mga ipinagagawa sa akin ng kamahalan at napagpasyahan ko na rin ang umuwi. Hindi maganda ang timpla ng mood ko ngayon at parang ayaw ko rin naman siyang makita. Hindi rin siya lumalabas ng opisina niya mula kanina. Mukhang marami talaga siyang pinagkaka-abalahan, at ayaw ko nang alamin kung ano man iyon.

Palabas na sana ako ngayon sa pinto ng building nang marinig ko ang habol na sigaw ni Hira.

"AIYIE!"

Huminto ako sa paglalakad at lumingon ako sa kaniya, ngunit hindi pala siya nag-iisa. Kasama niya si Eleina, Hope, at Hyun.

"Bakit?" tanong ko nang makalapit sila sa gawi ko.

"Have you heard the news?" tanong sa akin ni Hira.

"What news?"

"About Mr. Mondragon," sagot naman niya.

"What about him?"

"He's...."

"Just go straight to the point!" iritable kong wika na ikinatingin sa akin ng mga kasamahan namin sa trabaho. Bakit kasi ang hilig mambitin?

"SI AIYIE SOBRANG INTERESADO. CRUSH MO RIN KASI SI SIR AYAW MO PANG UMAMIN!" kantiyaw sa akin ni Eleina. Sa halip na patulan ay itinuon ko na lamang sa ibang gawi ang paningin ko.

"Anyway guys, ang kumakalat na chismis ay si Mr. Mondragon, our boss, and Ms. Crosante of Crosante Group of Companies are now officially dating. Paano na tayo mga ateng, ang goddess na ng Crosante Group of Companies ang karibal natin. Kung sanang mala-Aiyell lang ba ang kalaban natin madali lang solusyonan," mahabang litanya ni Hira na ikinatingin ko sa kaniya ng masama.

Nice. Kapag siya pala, puwedeng makipaglandian.

"Joke lang, ito naman. Kung mukha nga ni Ms. Crosante hindi kami aariba, sa mukha mo pa?" pagpapatuloy ni Hira.

"Iyan lang ba ang rason kaya n'yo ako tinawag?" tanong ko sa kanila.

"Aayain ka rin sana namin," nahihiyang sambit naman ni Hope.

"Saan?"

"Bar? Kasi ano... wala lang, ano... para lang mag-relax. Oo tama, para mag-relax," ani Hyun. Ganiyan siya 'pag kausap ako, tipong akala mo naba-blangko. Para kaming nagfi-fill in the blanks na dalawa.

"Sige," pagpayag ko na bahagyang ikinalaki ng mga mata niya.

"Talaga?" tanong niya sa hindi makapaniwalang tono. Ilang beses na siyang nag-attempt na ayain ako pero puro ako tanggi. Hindi lang talaga ako komportable sa kaniya at hindi ko alam kung bakit.

"Kung ayaw mo naman—-"

"Gusto ko, Aiyie. Gustong-gusto," maagap na putol niya sa akin saka pa siya lumapit at hinawakan ang mga kamay ko habang ang mga mata niya ay kumikintab pa habang nakatingin sa 'kin.

Akmang babawiin ko na sana ang mga kamay ko nang mas hinigpitan niya pa ang hawak dito. "Hyun? Ang kamay ko—"

"Oh, Ms. Freezell, narito ka lang pala." Napatda ako sa narinig kong boses kaya't marahas kong nabawi ang kamay ko kay Hyun.

Agad akong lumingon sa kaniya at sumagot. "Tapos na po kasi ang office hours kaya uuwi na 'ko."

"How rude your attitude is," aniya at napataas ang kilay ko sa sinabi niya. "Ako ang boss mo pero nauuna ka pang umuwi sa akin para lang makipaghawakan ng kamay sa head ng accounting department." Tinumbok niya rin! Umaandar na naman ang katok niya sa ulo!

"Hindi naman ako nakikipaghawakan—"

"Inmyofficenow!" Ang diin ng bawat salitang iyon na sinabayan niya ng pagtalikod.

"Maiwan ko na muna kayo. Alam n'yo naman kung gaano kalaki ang topak ng boss natin. Sunod na lang ako," paalam ko sa kanila na ikinatango lamang nila. Sigurado napapaisip na sila sa inakto ni Claw, pero wala na akong oras magpaliwanag at mag-alibi.

Malalaki at mabibilis ang hakbang ko na sinundan siya. Saktong nakapasok na 'ko ng office niya nang maabutan ko siyang nakaupo sa upuan niya.

"Lock the door," utos niya na agad ko namang sinunod. Mahirap na baka bulyawan pa ko. "Come here," utos niyang muli na awtomatikong nagpa-arko ng kilay ko.

"Why should I?" I asked.

"You'll come here or I'll go near you and rip off your clothes then make love to you? Choose!" Nahintakutan ako sa sinabi niyang iyon kaya't agad akong kumilos at naglakad papalapit sa kaniya. Mahirap na't baka totohanin pa niya. Knowing him? Wala sa bokabularyo niya ang salitang kidding. He's an asshole for heaven knows since when.

"What do you want?" tanong ko.

"You," then a mischievous smile flashed on his face.

"Stop being a jerk! I'm asking you, what do you want?" I said irritated. Pipigilan niya ako sa pag-uwi para lang asarin?

"I'm not being a jerk here, Aiyell. You asked me and I just answered, simple as that."

"Nakakapikon ka na!" angil ko sa kaniya.

The mischievous smile suddenly left his face and were replaced by a serious one. "I love your face when you're annoyed, but I really hate it whenever someone touches you. It makes me want to rip someone's head off his neck."

"I told you Claw, stop acting possessively!" iritado kong singhal. Napupuno na ako sa mga inaakto niya.

"I'm not acting here," sagot niya at nagulat ako nang higitin niya ako kaya't ngayon ay napaupo ako sa kandungan niya.

His arms made their way around my wais that made my system tremble. "S–Stop it!"

"Why, Aiyell? Does my presence give you shiver? Haven't I told you not to flirt?" I felt him tightened his grip around my waist.

Ayokong magpatinag. Hindi isang Mondragon lang ang magpapatiklop sa isang Freezell. "And who do you think you are para pigilan ako?" sagot ko deretso sa mga mata niya. Kailangan kong panatilihin ang tatag ko kahit pa hindi ko maintindihan ang dulot ng mga braso niya sa sistema ko.

"Pinapaalala ko lang sa 'yo, Mrs. Mondragon, ako ang asawa mo," saka niya marahang niluwagan ang kapit sa bewang ko.

"Asawa o pekeng asawa?" paglilinaw ko. "Look Claw, we're not really married, pero kung pahalagahan mo ang letseng kontrata—" I wasn't able to finish my sentence because he suddenly kissed my lips... so wild and rough

I couldn't resist him—I answered his kisses.

I literally gasped for air when he suddenly let go of my lips. "That was for saying na letse ang kontrata ng kasal natin," saka niya ako itinayo mula sa pagkakakandong sa kaniya at bigla na lamang siyang lumabas ng opisina na animo wala siyang ginawa sa akin.

--

M A Y O R A

I C E _ F R E E Z E

Continue Reading

You'll Also Like

143K 3.9K 49
____ Ang akala ni Kys Euna Sebastian ay magiging maayos na ang lahat sakanila ni Jeon Sue Parker kong kailan mahal na nila ang isat-isa ay may hindi...
8.1K 668 28
"Sometimes the most shocking surprises are also the most beautiful surprises." -Lori Wilhite
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

80.4K 2.3K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
3.9K 56 5
One word: Independent. That's what Irene Mondragon was described best. She was the master of her own universe, she had everything in her control and...