The Charm

By sweet_aria

1.9M 69.1K 5K

[AGREZOR SERIES #1] Si Amity ay guro sa isang pribadong paaralan sa probinsya ng Rizal. Madalas masangkot ang... More

The Charm
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 5

33K 1.3K 94
By sweet_aria

Chapter 5

"Amity, ready yourself to get scolded!" I whispered to myself.

Nag-in ako at naglakad-takbo sa hallway. Isang oras na akong late dahil umaga na akong natulog.

Mahina akong nagpasalamat nang wala akong nadatnan na co-teachers sa faculty room. Nag-ayos ako at ini-ready ang mga gagamitin ko pagtuturo.

Bubuksan ko pa lang ang pinto nang bigla itong bumukas, bumungad sa harapan ko si Sir Harold. 

He looked at the white envelope with the school's logo in his hand and handed it to me. "Another memo from the president, Ma'am Amity."

Ibinalik ko ang tingin sa kanya, napabuntong-hininga siya.

"Nakakadalawa ka na. Alam mo na ang mangyayari kapag pumangatlo ka pa."

"Don't worry, Sir." I forced a smile. "Last na 'to."

Lumabas ako ng faculty room saka ko binuksan ang memo.

Miss Escobar,
I need to talk to you.

The President

Lakad-takbo ako papunta sa president's office. Inisip ko kung ano ang nagawa kong pagkakamali sa pagkakataong ito pero wala. Wala akong maisip.

Tumigil ako sa pinto ng opisina. Pumikit ako at kumatok ng tatlong beses. Bumukas ito, bumungad sa akin ang isang magandang babae.

"Good morning, Ma'am. I'm the secretary of the president. Is there anything I can help you with?" Ngumiti siya.

Itinaas ko ang hawak na envelope. "Good morning," I greeted back.

Natawa ang secretary. Mukhang alam na agad kung ano ito.

"Please come in." Niluwagan niya ang bukas ng pinto.

Sumunod ako sa kanya na ngayon ko lang nakita. Effortless ang paglakad niya sa kabila nang mataas na heels ng sapatos. She had a nice body and legs.

Kumatok siya sa pinakaopisina ni President. "Sir..."

He turned around and our eyes met. Iniwan kami ng bagong secretary at umiwas ako ng tingin.

Pumasok ako at isinara ang pinto. Sumandal siya sa table niya, nakatingin pa rin sa akin. He crossed his arms across his chest, tapping his left arm with his fingers.

"Do you know the reason why I've sent you a memo again?" he asked coldly.

Umiling ako at umangat ang tingin sa mukha niya.

"Kissing booth, Miss Escobar? You didn't think of the consequences, did you?"

Ang lamig ng mga mata niya.

"Sir, may rules po na nakapaskil sa labas ng Kissing Booth."

"I don't care about the rules. My point here is you should never tolerate your students!"

Muntik na akong mapatalon sa pagtaas ng boses niya.

"I'm sorry, Sir." Aminado akong may pagkakamali ako.

Lumapit siya sa akin, tumigil sa harapan ko.  "What's the point of saying sorry now? You've witnessed two students making out in a classroom."

So this was the reason why he sent me a memo. Ako ang sinisisi niya sa ginawa ng dalawang estudyante.

"You approved the booth and what those students did was one of the consequences."

"Sure po ba kayo na Kissing Booth ang dahilan?" tanong ko, itinago ko sa likuran ang nanginginig kong mga kamay. "Kung gusto mo po, tanungin natin ang HUMSS Club kung pumasok ang dalawang students na 'yon sa booth nila."

"No need," he said, staring angrily at me. "Whether because of the booth or not, you should accept that you were wrong."

Umatras ako nang lumapit pa siya. Tumama ang legs ko sa sofa at napaupo ako rito. Yumuko siya, itinuon ang kamay sa ulunan ko.

Inilapit niya ang bibig sa tenga ko. "You irritate me the most, Miss Escobar. One more mistake and you're fired."

Lumayo siya sa akin at naupo siya sa swivel chair. Nanginginig ang mga tuhod ko pero pinilit kong tumayo.

Malapit na ako sa pinto nang muli siyang nagsalita, "where are you going? Did I tell you to leave?"

Humarap ulit ako sa kanya. May binabasa siyang documents, doon na nakatuon ang atensyon.

"Buy me an ice cream."

Nagtataka man pero hindi na ako nagtanong. Lumabas ako ng office na mabilis pa rin ang kabog ng dibdib. Pagpasok sa cafeteria ay humanap agad ako ng ice cream.

"Cookies and cream po." Itinuro ko ang solo pack na ice cream.

Lumabas agad ako pagkatapos magbayad. Mabuti na lang at hindi ko kailangan na lumabas pa ng school para bumili ng ice cream. Baka mas lalo pang uminit ang ulo niya kapag natagalan ako.

Kumunot ang noo ng secretary pagkakita sa akin, nagtataka siguro sa ice cream na dala ko. Tipid ko siyang nginitian bago pumasok ulit sa president's office.

Dumiretso ako sa table niya at inilapag dito ang ice cream.

"You really don't know how to knock."

Pinaglaruan ko ang mga kamay sa likod ko. Nakalimutan ko na naman. "Sorry, Sir."

Binuksan niya ang ice cream. "Let's meet at 7 PM tonight."

Inangat ko ang tingin. "Po?"

"We'll talk about the booths. I'm one of the judges, and I need your help."

Isa nga pala siya sa mga pipili ng tatlong winners sa mga booth dahil ini-request siya ng mga organization na kasali.

"Okay, Sir."

"You may go now," he said.

Lumabas na ulit ako. Sa quadrangle ako dumiretso, marami nang mga estudyante ang nandito.

Palapit ako sa Kissing Booth nang napansin ko si Aris na nakaupo sa bench. Tinabihan ko siya.

"Ma'am?"

Nilingon ko siya.

Kumunot ang noo niya. "Are you okay? You look pale po."

Dumating ang mga kaibigan niya na sa akin din tumuon ang pansin.

"Ma'am, dalhin ka po namin sa clinic?" sabi ni Fritz. "Mukhang hindi po maganda ang pakiramdam n'yo."

"Dumaan ako sa president's office! Nasa labas si President, oy! Ang sarap niya talaga!"

Nilingon namin si Timothy na kadarating lang. Napatakip siya sa bibig nang nakita ako.

"Timothy," puna ko, naalala ang isinigaw niya kahapon. "Watch your language. Okay lang na humanga kay President pero hindi dapat mawawala ang respeto."

Inalis niya ang kamay sa bibig at tumango. "Opo, Ma'am Amity. Sorry po."

Minasahe ko ang mga binti dahil sa paglakad-takbo ko kanina.

"Aris, may pumasok ba sa mga kaklase mo na sobrang ikli ng shorts o revealing tops?" tanong ko.

Umiling si Aris, halata pa rin sa mukha ang pag-aalala sa akin. "Wala po. Takot lang po namin sa 'yo."

Kapag ganitong event ay pwede nilang suotin ang kahit anong gusto nila pero nililimitahan ko pa rin ang advisory ko. Mahirap na. Makikinis pa naman ang mga estudyante ng Hasse dahil karamihan sa kanila ay galing sa mayamang pamilya.

Saglit akong nagpahinga at nakipagkwentuhan sa kanila hanggang sa naisipan ko na pumunta sa ibang buildings.

"Dito na muna kayo," paalam ko sa mga estudyante. Pagtayo ko ay saktong nag-ring ang phone ko.

It was Faerie.

"Hello, love?" I answered.

"Ang tamlay ng boses mo," komento niya. "Nakita kita, galing ka sa president's office. Is there something wrong?" she asked, concerned.

Lumiko ako sa STEM building. Inilibot ko ang tingin bago ako sumagot. "Pakiramdam ko, wala na akong ginawang tama."

Lumapit ako sa railings at tumingala sa kulay asul na langit.

"Anong nangyari?"

"Nakatanggap na naman ako ng memo galing kay President," kwento ko. "I feel like I'm soon to disappoint the late president."

"Pinadalhan ka ng memo? Anong dahilan?"

Sumagap ako ng hangin at ipinikit ang mga mata.

"Amity..."

"Pinayagan kong magtayo ng Kissing Booth ang HUMSS Club."

"So? Ano'ng mali ro'n? Sa ibang school nga kapag ganitong event may ganyan din na booth."

"Ang init ng mga mata sa akin ng tao, lalo na si President."

"Sus! Baka naman kaya lagi kang pinapadalhan ng memo ay dahil gusto ka lang makita. Sa ganda mong 'yan, posibleng 'yon ang dahilan kung bakit lagi kang pinapatawag ng pinuno."

Napailing ako at natawa. "Baliw! Ang imposible ng sinasabi mo."

"Hindi 'yon imposible. Malay mo naman ang tipo pala ni President ay mga flat-chested."

"Faerie Amarah Hontiveros!" malakas kong sabi.

Humalakhak siya. "'Wag mong dibdibin ang sinabi ko. Wala ka no'n."

"Bwisit ka!" Umikot ako at sumandal sa railings, sinabayan ang tawa niya. "Stop it, love."

"Galit na 'yan?"

"Palibhasa kasi ang laki ng sa 'yo. Kung makapanlait ka d'yan!"

"Daig ka?"

"Hindi."

"Hindi pala, e. Maging proud ka sa dalawang pantal mo, Amity." Mas lalong lumakas ang tawa niya.

Dahil sa kanya ay medyo umaayos na ang pakiramdam ko. "Humanda ka sa akin mamaya."

Nag-asaran pa kami hanggang sa may tumawag sa kanya sa background.

"Sige na, may gagawin ka pa yata," sabi ko.

"Wala, may itatanong lang 'yon si Ma'am Ana," tukoy niya sa accountant ng Hasse. "Saan ka?"

"STEM Building, why?"

"Puntahan kita."

Muli akong napangiti. Hindi talaga siya titigil hangga't hindi niya nasisigurado na okay ako.

"Mamaya na tayo magkita. Mag-iikot ako sa booths."

"Sure ka?" paninigurado niya.

"Yes," I assured her.

"Okay, see you later." Ibinaba na niya ang tawag.

Ibinalik ko sa bulsa ang phone ko. Umalis na rin ako sa building at pumunta sa booths ng mga pagkain. Kumakalam na rin kasi ang sikmura ko sa gutom dahil hindi ako nakapag-agahan bago umalis ng bahay.

Alas singko ay nag-pack up na ang mga co-teacher ko.

Napansin ni Ma'am Dea na hindi pa ako bumabago sa upuan. "Hindi ka pa uuwi, Ma'am Amity?"

"May tatapusin pa po ako, Ma'am," sagot ko at binuksan ko ang laptop.

She flashed me a smile and nodded. Ang plastic ng ngiti.

Pagpatak ng alas sais ng gabi ay lumabas na ako ng faculty room. Papunta na ako sa president's office nang nakita ko siya na malapit na sa quadrangle. Tumakbo ako palapit sa kanya, sinabayan siya paglalakad.

He glanced at me but he didn't say anything. Tumigil kami sa Jail Booth.

"It looks like a real jail," he praised the booth, breaking the silence. "Our criminology students have obviously put great efforts into building this booth."

Nakasunod lang ako sa kanya. Pinapanood siya sa pag-iinspeksyon sa booths. Napatingin ako sa Anime Booth. Pumasok ako rito, napangiti dahil sa ganda ng makukulay na teacups sa counter.

"How long have you been working here?"

Muntik na akong mapatalon dahil nasa likod ko pala siya.

I cleared my throat. "Almost two years, Sir."

"No plans to resign?"

Doon na ako napatingin sa kanya. Sumandal siya sa table sa gilid at tumuon ang mga kamay niya roon.

"You're hell-bent on dismissing me." Nagtama ang mga mata namin. "Don't you think you're being unfair? I'm doing my job properly—"

"You received two memos in a month. That means one more memo and you'll be subject to termination."

"Memos with no clear purpose," I said, unable to tolerate his unfair treatment anymore. "Don't let your personal issues with me affect your sound judgment. Act like a professional, President!"

Hindi man niya ipahalata pero alam kong gulat siya sa biglang pagtaas ng boses ko. Hindi ko na makontrol ang sariling emosyon.

"Wala akong inaapakan na ibang tao. Bakit kailangan na tratuhin n'yo ako nang ganito?"

"It's because you did something wrong," he reasoned out. "You're a bad influence on students. You just can't accept it."

"Dahil sa booth? Dahil sa issue sa akin na hanggang ngayon hindi pa rin namamatay? Ano pa?" paghamon ko.

Biglang bumuhos ang ulan, mukhang nakikiayon sa nararamdaman ko ang langit. Nanatili akong nakatingin sa kanya.

Hindi siya nagsalita kaya nilagpasan ko na siya. Sumugod ako sa ulan. Hindi pa ako gaanong nakalalayo nang haklitin niya ang braso ko.

"Ano ba?!" Pumiglas ako.

Pwersahan niya akong iniharap sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa lapit ng katawan namin sa isa't-isa.

Galit ang mga mata niya na nakatitig sa akin. "Are you out of your mind? Ang lakas-lakas ng ulan pero sumugod ka pa rin!"

Sinubukan ko siyang itulak pero hindi niya ako pinakawalan. Hinigit niya ako hanggang sa nakasilong kami sa ABM building.

Hindi ko alintana ang lamig dahil sa pagkabasa ko. Nilingon ko siya at tinakpan ko ang bandang dibdib ko. Nakaputi pa man lang din ako na organization shirt.

"Don't worry, I didn't feel nor see anything." Pinasadahan niya ng kamay ang buhok niya at tinalikuran ako. "Pakiramdam ko, yumakap ako sa pader."

Continue Reading

You'll Also Like

135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
3.9M 133K 27
Isang misyon, isang hindi inaasahang pagtatagpo at isang pagkamamali na magiging dahilan ng pagbabago ng plano. Paano maitutuwid ang isang pagkakama...
103K 4.5K 33
O N G O I N G TRIGGER WARNING: anxiety attack, rape content, self-harm, depressive episodes, traumatic flashback. Please read at your own risk. *****...