-TRISTAN'S POV-
Haay. Nakakapagod naman yung ginawa namin ngayong araw. Akalain ninyong last day na last day dito pumasok sa isip ni April na mag-tour sa Cebu? Loka-loka talaga ang babaeng yun. Pero nag-enjoy naman kami. Mabuti nga't 7 PM pa ngayon kaya marami pa kaming pwedeng gawin sa aming last night dito sa hotel.
Napagdesisyunan namin lahat na mag bonfire sa labas.
***
Eto na nga kami, nakapalibot sa bonfire na ginawa ni Wilmer para sa amin. Lahat kami nagse-share ng stories at tumatawa especially dito kay April...maliban lang sa dalawang taong hindi pa rin nagkibuan since yesterday.
Hindi ko akalaing magtatagal pa ako dito sa Pilipinas. Sabi ng parents ko 2 weeks lang. 2 WEEKS!
*FLASHBACK*
11 PM na kami nakarating sa hotel. Medyo naubos din ang energy namin sa kakalibot ng mall. Mabuti nga't na-enjoy ko ang company ng mga girls tsaka nina Josh at Ivan.
Si Ivan naman, ayaw pa ring mag business ngayon kasi mag-aaral muna siya. Ito ang reason kung bakit ako biglang napadpad dito sa Pilipinas. Pinadala lang ako nina Tito Santi at Tita Amanda para dito pero hindi ko pa nagagawa kasi sobra kong na-enjoy ang stay ko dito sa Pilipinas. Kung pwede nga lang mag-extend eh.
Nandito pala ako ngayon sa lounge para hintayin si Ivan na dumaan. Ewan ko kung anong nangyari dun at bigla nalang nagpaiwan sa labas. Nag-LQ kaya sila ni Jessica? Hindi kasi sila nagpansinan after nanood ng sine.
"Ivan!"
Tumingin lang siya sa akin at ang itsura niya'y hindi ma-drawing. Pero tinaasan naman ako ng kilay. Bading ba 'tong pinsan ko? Naku naman.
"May pag-uusapan tayo." - Me
Lumapit naman siya at umupo sa tabi ko. Nginitian ko lang siya pero tinaasan na naman niya ako ng isang kilay niya. Takte. Baka naimpluwensya na siya ng mga babaeng palagi niyang kasama.
"Business mo." - Me
Seryoso na boses ko pati yung facial expression ko.
"Ano naman ngayon?"
Sa wakas! Pero maldita ang tono ah. Bading ba talaga to?
"Sabi nina Tito dapat ka mag-start." - Me
"Pa'no kung ayoko pa?" - Ivan
"Parents' order."
"May magagawa ka ba para mapasali ako sa 'business venture' ng pamilya ko?"
"Wala per--"
*Phone ringing*
[Tita Amanda calling]
"Hala ka. Tumatawag si Tita. Ila-loudspeaker ko para marinig mo lahat." - Me
Biglang naging uneasy ang facial expression ni Ivan. Sige lang, tatakutin ko muna 'to.
"Hello Tita?"
"Tristan, nag-usap na ba kayo ni Ivan?"
"Ah tamang-tama po ang tawag niyo kasi nandito siya sa tabi ko ngayon."
"Talaga? Tamang-tama. Wag mo muna siya paalisin at i-loudspeaker mo phone mo kasi kailangan din niya marinig ang dapat kong sabihin."
"Okay po."
Pagtingin ko ulit kay Ivan, obvious na talaga sa mukha niya ang pagiging uneasy.
"Ivan, gusto kong tulungan ka sa future mo. Since wala kami diyan ng Dad mo, si Andrew lang ang makakatulong sa'yo..." - Tita Amanda
I nodded and nginitian si Ivan.
"...kaya kagaya din sa'yo, sa Pilipinas na din mag-aaral si Andrew."
Ano?!
"P-po Tita?" - Me
"Diyan ka na sa Pilipinas magtatapos ng pag-aaral mo iho. Sinabi ko na sa Dad and Mom mo at pumayag naman sila. Para din may malalaman ka sa culture ng Philippines."
"HAHAHAHAHAHAHA!" - Ivan
"Boys, I need to go to work now. Ingat ka nalang diyan Andrew, tatawagan ka lang ng parents mo mamaya. At ikaw naman Ivan, ingatan mo cousin mo diyan ha?"
"Opo Mom. Take care."
Sa sobrang tulala ko, si Ivan nalang ang nag end ng call.
This.is.happening.so.fast.
WHAT?!
"I'm sure we'll have LOTS of fun here bro."
Is Ivan joking me? Ang hirap kaya mag-adjust! At...at...
One whole year...
Makakasama ko si April?
*END OF FLASHBACK*
-END OF TRISTAN'S POV-
-IVAN'S POV-
Tsk tsk tsk. Ano ba ang nangyayari kay Faith? Isang araw na niya akong di pinapansin ah. Pag tanungin mo siya, ang isasagot lang niya ay "I'm fine." Eh masyadong halata na parang hindi. Kaya nga na-badtrip na naman ako after namin mag-malling. Pero nawala na din pagkatapos kong malaman na dito na pala si Andrew magpapatuloy ng kanyang pag-aaral.
*FLASHBACK*
I tried asking Faith again if she is alright. Pero nilagpasan lang niya ako at di pinansin.
>.<
Makapasok na nga. Nilalamok na ako dito.
"Ivan!"
Si Andrew. Ano na naman ba ngayon? Kukulitin na naman niya ako? Pareha lang talaga sila ng April na yun. BAGAY NA BAGAY sila.Tinaasan ko lang siya ng kilay. Hindi naman ako bading pero natural lang yun sa'kin.
"May pag-uusapan tayo."
Haays. Since wala naman akong ibang gagawin, sige nalang. Eto na ako ngayon nakaupo sa tabi niya pero dahil wala ako sa mood, tinaasan ko pa rin siya ng kilay.
"Business mo." - Andrew
"Ano naman ngayon?"
Ang weird ng naging tono ko. Pero sige, pagtripan ko kaya 'to muna?
"Sabi nina Tito dapat ka mag-start."
Psh.
"Pa'no kung ayoko pa?"
Haha! Mukha niya.
Blah blah blah ang naging usapan namin. Hanggang sa tumawag si Mom sa kanya at yun na nga, sinabi ni Mom na dito na daw mag-aaral si Andrew. Lumakas pa yung tawa ko kahit gabing-gabi na yun.
*END OF FLASHBACK*
Tapos na pala kami mag bonfire at nagsi-pasok na kami sa mga rooms namin.
Faith,
Ano ba talaga ang problema mo?
-END OF IVAN'S POV-
~KINABUKASAN~
-MEG'S POV-
Tinatamad pa din kaming lumabas ng kwarto ni Jess kahit alas 10 na ng umaga. Yup, nag-sleepover kami dito kagabi. Ang saya nga eh, kasi kain lang kami ng kain ng chocolates ni Jess. Sabi kasi niya na sayang naman ang mga bigay na chocolates at fortunately, naubos namin! \(^0^)/
Kaya lang medyo kinakabagan ako. Good thing is, hindi nag give-up ang tiyan ko. Baka kasi...you know.
-END OF MEG'S POV-
-JESS'S POV-
Phineas and Ferb ang pinanonood namin ngayon ng mga girlfriends ko dito sa room ko. Masyadong nakakatamad pa kasing tumayo eh. Kagaya noon, nakahanda na lahat ng mga gamit namin. At nakaligo at nakaayos na kaming tatlo so wala nang problema.
Time flies when you're having fun talaga. Except sa part na na-accident ako. Heehee. Pero pag-uwi ko sa Manila, ano kaya ang mangyayari sa amin ni Troy? Ano ba talaga ang ibig sabihin niya dun? Di ko pa pala nasabihan sina Meg at April baka kasi magalit sila.
"Let's forgive each other and forget what happened?"
"Forgive each other"
"Forget what happened"
Okay okay. Confused ako kung anong ibig sabihin niya dun. Alam ko naman anong ibig sabihin ng forgive and forget phrase pero...ano ba? May mas malalim ba na kahulugan yon?
Jessica Faith, stop thinking of it for a while. Malalaman at malalaman mo rin yan pagdating ng panahon.
*KNOCK.KNOCK.KNOCK*
Binuksan ni April ang pinto.
"Early lunch daw tayo guys para on time tayong darating sa airport."
Si Tristan pala. I should have known. Bigla kasing sumimangot ang mukha ni April eh. Teka, about them, may something na ba?
Si Ivan nga pala...di ko pa siya pinapansin. Iniiwasan ko siya for now.
Ivan,
Wag kang mag-alala. May reason din ako.
-END OF JESS'S POV-
-APRIL'S POV-
Waaaaaaaahh! Nakasakay na kami ngayon sa airplane. Ang dali lang ng panahon! Waaaaaah! Pero alam niyo kung anong mas nakaka-bwiset? Eh katabi ko pa tong si Tristan eh! Nananadya pa siya? Sa may window ako, si Tristan nasa gitna at si Ivan naman ay nasa bandang aisle. Sina Jess naman ay nasa unahan namin. Bakit nga ba hindi sila ni Ivan magkatabi? Potek lang talaga.
Pagsilip ko sa kanya, inirapan ko lang siya.
"Ano bang problema mo?" - Tristan
"Ikaw. Ikaw ang problema ko!" - Me
"Sus. Ayaw mo na akong katabi mo?" - Tristan
"Letch. Oo! Minamalas kasi ako eh!" - Me
"Wala ka nang magagawa. Kukulitin kita hanggang makarating tayo sa Manila." - at nagevil-smile si Tristan.
Waaaaaaaah! It's going to be a long ride.
Au revoir, Cebu.
(-__-) zZzZzZ