Miss Always Rank #2

By deliixx

678K 19.2K 2.5K

St. Cloud State University: Tiara Louisse Tyson More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Wakas

Kabanata 41

8.5K 256 45
By deliixx

Kabanata 41

Decision

Napakurap-kurap ako, hindi maproseso ang mga taong nasa harap ko. The guard told me about them pero hindi parin ako makapaniwala na nandito sila at may alam na narito ako.

"Welcome back!" Sabay putok ng party popper sa gilid ko. They are all smile as they show me the cake. It says 'We miss you, Tiara!' with crown designs. Ngumiti ako at may luhang lumabas sa mata ko

"Thank you!" Sabi ko at tinignan sila isa-isa. They are all present here. Karlie is wearing a sexy dress at halata sakanya ang pagpayat, Bianca na hanggang balikat ang buhok, si Shaira naman ay humaba ang buhok at pansin ko ang pagtanggad sakanya while Nick is looking so decent in his while polo na nakatanggal ang dalawang butones and Maxxine na nakangiting may hawak ng cake.

"We saw Maxxine's picture on Instagram. Nakakatampo! Hindi mo man lang sinabi sa amin na nasa Pilipinas kana pala!" gitgit ni Nick habang niyayakap ako ng mahigpit, tinignan ko si Maxxine na nakakagat labi at nasa batok ang kamay. She's guilty, siguro inassume niyang ayaw kong pagsabi sa mga kaibigan namin ang tungkol sa pagbabalik ko dahil sa nangyari pero napagtanto kong hindi ko kailangang magtago sa mga kaibigan ko. I trust them at sana ay rerespetuhin at miintindihan nila ang desisyon ko.

Pumasok sila ng maingay at nagtatawanan, namangha rin sila sa mga bagong furniture. Sinuway ko sila dahil natutulog na ang mga tao, tumingala ako para makita ang kwarto ni Lauren. It's ten in the evening at kanina pa sila natulog ni Dior dahil sa pag-swimming at kakalaro.

Tinikom nila ang bibig nila at dumiretso na kami sa kusina. Tinignan ko isa-isa ang suot nila, bihis na bihis at mukhang may pupuntahang party habang ako ay nakapangtulog na.

Inayos nila ang cake sa sentro at nilapag ang mga regalong hindi ko nakitang hawak nila. The gold ballonsare behind us na hinahawakan nina Karlie at Nick while Bianca is positioning the camera. We posed for a while and do some wacky pose.

"You'll party?" inosenteng tanong ko, siguro ay ngayon lang sila nagkita-kita dahil sa sobrang busy sa trabaho

"We'll party!" giit ni Karlie

"We planned a surprise party for your welcome back party, hindi na nga lang surprise pero atlease sinurprise ka na namin di'ba?" nakangising sinabi ni Shaira

"You can't say no, Tiara!" si Bianca

"Oo nga, don't be a KJ! Ngayon lang ulit tayo nagsama-sama ulit." si Nick na nagdadabog na sa gilid

"We reserved a table for your welcome back party tapos ididitch mo lang?" at kinunsyensya pa ako ni Karlie

We spent couple of minutes convincing me to go to that party kaya sa huli ay wala akong nagawa. Hindi sila titigil hangga't hindi ako napapayag at takot rin akong may magising sa taas dahil sa kaingayan ng pagpipilit sa akin.

"Okay, I'll just change." rinig ko ang pabulong na 'yes' ni Nick sa likod.

"We'll wait here, Tiara." sabi ni Maxxine at nagsimula ng mag-open ng topic tungkol sa mangyayari mamaya.

Tumango ako at dali-daling umakyat. Nakaligo na ako kanina kaya nagpalit na lang ako ng black off-shoulder dress na hapit sa katawan ko, I didn't put effort on my make-up dahil ayokong paghintayin sila ng matagal. I put my hair up and wear my high heel sandals. Grabbed my handy bag and put everything that is essential.

Si Maxxine lang ang nakapansin sa pagbaba ko, silang lahat ay abala sa pagtingin sa mga malalaking letratong sa sala.

"Ang bilis mo naman?" sabi ni Maxxine habang nilalakihan ako ng mata. I know what she's thinking, kasalukuyan nilang tinitignan ang letrato naming dalawa ni Lauren. No one's asking me about it dahil seryoso nila itong tinititigan, handa na akong sagutin ang mga tanong nila actually. I guess this is one of the steps to accept the people's reaction but they just turned their backs to the frames and scanned me from head to foot.

"Woah, that's what you called sexy." sabi ni Karlie at nilapitan ako

"Gurl, baka wala nang pumansin sa akin mamaya? Head turner ka masyado." tumawa ako at umiling

"Lilingon sila dahil magaganda kayo." my dress says nothing with their dresses na kita ang cleavage and I'm not a head turner, baka si Bianca maiintindihan ko pa dahil nagsisimula na siya sa kanyang showbiz career.

Nick and Maxxine have their cars with them kaya hindi na ako nagatubiling magdala pa. Sumakay kami ni Bianca sa sasakyan ni Maxxine habang si Karlie at Shaira ay sumakay sa sasakyan ni Nick. They said sa The Palace ang pupuntahan naming club, hindi ko nga lang alam kung saan doon but I have a feeling na doon parin kami sa madalas naming pinupuntahan noon.

"How's showbiz, Bianca?" sinubukan kong mag-open ng topic dahil masyadong tahimik

"I have a project with this famous and talented director about this teleserye..." she continued talking about her project regarding this teleserye about love and betrayal

"Heavy agad ng project mo, sabagay you are trained to be that good kaya bida agad ang role mo." si Maxxine

"Congratulations! You're really big in your industry." sabi ko at nilingon siya

"Thank you. You should bring your social media back para naman may update ka sa aming lahat, hindi iyong sa iMessage at Facetime ka namin nakakausap." tinignan niya ako at ngumuso na para bang ang dami kong namiss na events tungkol sa kanila dahil wala akong social media accounts which I find it true. Bianca is really big in showbiz so ibigsabihin lang ay sobrang active ng kanyang social media.

"Oo nga para ikaw na mismo ang sasagot sa mga batchmates namin na nangangamusta sayo." tumango ako, I'll take note on that.

Nauna sina Nick makarating sa The Palace, our drive is smooth dahil sa kwentuhan kaya naunahan kami ng tatlo. They are waiting for us at the entrance, kinakagat ni Karlie ang labi habang si Shaira naman ay tumitingin sa kabilang club. This place has lots of club, there's Naya, the Palace Pool Club, Revel and Valkyrie where I think we should be heading to. Lingon ng lingon si Shaira sa malayo.

"Shai, spotted some hot guys?" tukso ko at ngumiti lang siya sa akin ng hilaw ay agad ng nagyayang pumasok

Nick is still chatting with a common friend na isa sa mga partner ng club and a chinese businessman who I've known because of my parents. Naaninag niya ako at kita ko ang gulat sakanyang mukha.

"Tiara?" hinawakan niya ang balikat ni Nick para magpaalam at pumunta sa akin. I'm all smile when he faced me.

"How are you, Stephen?" bati ko at niyakap niya ako

"I'm good, I just heard from Mom that you're back. Look at you!" lumayo siya ng bahagya para titigan ako.

"Ano ba, Steph. I'm still the old Tiara." tawa ko

"You're partying tonight? Sakto at magaling ang DJ ngayon. You have a table na, Nick?"

"Yup, I reserved a table on the second floor." ngiti ni Nick

"Is it for your welcome party? You don't have to pay for the table and I'll send some drinks too."

"You don't have to, Steph. Isa pa baka hanap-hanapin ka namin kapag nandito kami." biro ni Nick

"You're my regular customers and friends also, maganda nga at hanapin niyo ako kapag narito kayo."

"If you say so. Don't refuse kung ikaw naman ang ililibre ko ah?"

Nagkatinginan kaming mga babae at medyo natawa si Karlie kaya nauna na siyang pumasok.

"Hanggang ngayon ba naman, Nick?" bulong ko at natawa na lang.

"I'll go and check on your table later. Have fun!" tumango ako at kumaway sakanya

Nagpasya sina Karlie, Shaira at Nick na manatili sa table at mag chill muna doon, malayo sa nakasanayan kong mga kaibigan na nag-uunahan sa dancefloor lalo na 'tong si Nick na madalas ay wala sa table sa dami ng mga kaibigang nakakasalamuha but not this time. Desidido silang tatlo na manatili doon, they even order some snack to prolong our time here at the table.

"Let's go dance! The party's at peak oh!" tinuro ni Bianca ang baba kung nasaan ang dancefloor na maraming tao

Kita ko ang tinginan nilang tatlo at kung paano kinurot ni Karlie si Nick sa braso.

"Uhm, guys, let's just chill for awhile. Ubusin na muna natin 'to." tinuro niya ang Jose Cuervo sa lamesa

"Oo nga, hindi pa nga nakakainom 'tong si Tiara tapos gusto niyo sumayaw na agad? Tska na kapag nalasing na natin siya." si Shaira

"Oo nga, oo nga." si Karlie naman

Tinignan ako ni Maxxine, I know what she's thinking. Tumango ako sa kanya to make sure that I will be alright and besides, siya ang dapat huwag uminom ng madami dahil siya itong mag-uuwi sa amin ni Bianca pauwi or unless she has a boy friend?

"It's okay, gusto ko ring itanong kung sino na ang mga may lovelife dito?" tanong ko at doon na nagsimula ang asaran at hiyawan

"Si Karlie, malago na ang lovelife porque pumayat lang!" si Nick sabay tagay ng shot

"Si Bianca masyadong masikreto, gwapo kasi yung boyfriend. Baka kasi maagawan ko." komento naman ni Nick sa lovelife ni Bianca na artista ata dah

"Si Maxxine na hindi makamove-on. Kilos-kilos rin tayo eh no? Baka kasi inaamag na tayo." inirapan siya ni Maxxine

"I just don't find myself with a partner, hindi ba pwedeng mahalin ang sarili?" depensang sagot ni Maxxine, pabiro ko siyang tinapik sa balikat at natatawa sa biglaang pagseryoso ng usapan namin.

"It's been years baka nakakalimutan mo, kasal na iyong tao kaya wala kang choice kundi ang mag-move on talaga." hindi agad naproseso sa akin ang sinabi ni Bianca. Sinong kinasal? Si Nathan? Kailan? At bakit hindi ito sinabi sa akin ni Maxxine

Tinignan ko siya at mukhang kanina niya pa hinihintay ang tingin ko pero mabilis siyang nag-iwas ng tingin at umatake ng shot.

"Bakit ako ba ang target niyo? Bakit hindi si Tiara, sakanya party ito." nilakihan ko ng mata si Maxxine pero huli na ang lahat, nag-uunahan na ang mga tanong nila sa akin. Tulad ng kung may nanligaw ba sa akin o mag-boyfriend ba akong iniwan sa France.

"Wala." umiling ako pero sa mukha nila ay parang hindi sila naniniwala.

"Wala talaga." depensa kong sagot

"So ibig sabihin katulad ka rin ni Maxxine na hindi maka-move on?" ngumuso ako at umiling. I don't want to lie to them pero ayokong gawing big deal at lalong ayokong maungkat ang nakaraan dahil kapag nangyari iyon, masasaktan lang ako sa mga maririnig ko mula sakanila.


"No, I've moved on. I'm sure I do." sabi ko at nag-iwas ng tingin at para tignan ang crowd sa baba. They are loud and wild because of the music, naenganyo tuloy akong bumaba at sumali sakanila. Nevermind the people and the smell of smoke.

"Let's go downstairs?" anyaya ko, hoping that they didn't notice my lie.

Natuwa si Bianca dahil mukhang kanina niya pa gustong bumaba, niyakap niya ang braso ko at sabay kaming bumaba. She's a rising actress at kilala siya ng mga tao kaya bawat liko namin ay napapatingin ang mga tao.

"Woah, you're really famous huh?" ngisi ko habang pinagmamasdan ang mga taong madadaanan namin.

"Hmm... Kinda pero kaonti lang ang pumapansin dahil sanay ang mga tao dito sa mga sikat na personality, maybe someone is just an eye-catcher kaya ganyan sila makatitig." ngumuso ako sa sinabi ni Bianca, I think she's bluffing. I am clearly not a eye-catcher, baka siya.

"Let's go to the center!" pumagitna sa amin si Karlie at hinila kaming dalawa papasok sa crowd.

"Bianca! I know you and your friends will be here!" natigilan kami ng may grupo ng babae ang humarang sa amin. My eye sight is usually unnormal because of the dancing lights kaya kailangan ko munang maghintay ng ilang segundo bago sila mamukhaan.

"Amethyst!" nagyakapan sila at ng buong kaibigan ng babae, ganoon rin ang ginawa ni Karlie.

"Tiara? Tiara Tyson!?" hindi makapaniwala si Amethyst kaya kailangan niya pang lumapit ang hawakan ako sa braso para ikumpirma ang lahat

"You're back! So totoo pala ang rumors na nasa Pilipinas kana? I thought Maxxine's video is taken in France..." and she talked about the rumors na hindi ko alam kung saan niya nakuha. Maybe on social media or common friends. She's my batchmate in high school, hindi ko mamukhaan ang iba pero may dalawa akong namukhaang bilang batchmate ko rin noon na naging kaklase ko. Kinawayan ko sila at niyakap.

"We have a welcome party for Tiara upstairs! Drinks will be on us! Akyat lang kayo mamaya." sabi ni Bianca at nagpaalam ng umalis. We stayed on the center, forming a little circle to avoid encountering with other people. Nagtawanan kami sa kanya-kanyang sayaw, we are jerking and making fun of our moves when all of a sudden everything went black.

It's not because I passed out, I am completely sober. The music is also turned off at ang tili ng mga tao ang narinig ko. Biglang may nagbukas ng spotlight at tumutok iyon sa amin, may isang spotlight rin na tinutok sa kabilang banda.

"SURPRISE!" most of the people shouted that I thought there's a drill! Confetti are pouring down from I-don't-know-where. Hindi ko pa napoproseso ang nangyayari nang narinig ko ang pagkanta ng pamilyar na kanta para sa araw na ito

People cheered and chanted with my friends. They all sing 'happy birthday' while recording it on their phones.

"Happy birthday, Tiara." bulong ng dalawa at niyakap ako.

The crowd gave way to my friends, may dala si Nick na eleganteng cake na may sparkling candles sa gitna habang ang dalawa ay may dalang dalawang malaking lobo na agaw pansin

"Happy birthday to the gorgeous birthday girl, Tiara Louisse Tyson!" nilingon ko ang pamilyar na boses at nakita kong si Stephen iyon, nasa tabi ng DJ at malaki ang ngiti sa akin.

"Thank you!" sigaw ko at kinawayan siya.

"Tiara Tyson?" bulungan ng mga tao, siguro ay hindi ako kilala o inaalala pa lang kung sino ako. It's okay, I just hope no one will complain about this ceremony.

"Happy birthday to you... Happy birthday to you..." kanta nilang lahat habang unti-unting lumalapit sa amin ang tatlo

"Parang ikakasal naman si Nick, feel na feel." siniko ko si Karlie pero natawa na rin. I'm like a groom waiting for my bride at si Nick iyon.

It's past midnight and my friends didn't forget my birthday. Nawala na nga sa isip ko ang okasyon dahil nabigla ako sa pagbisita nila. Nang nakalapit na ay pinikit ko ang mga mata ko at humiling at nagpasalamat sa lahat ng mayroon ako ngayon.

Thank you for everything that You have given me, I'm so overwhelmed that I think that I don't deserve this. Thank you for giving me a family that will support every decision I make and friends that stayed after years of not catching up. I am seriously contented and happy that I feel like it's prohibited, na parang pagkatapos ng lahat ng ito ay pangamba at iyak ang susunod.

Hindi ko inaasahan na maraming kakilala ang narito ngayon, I don't know if my friends planned this pero bawat lingon ko sa mga tao ay may bumabati sa akin at madalas ay namumukhaan ko o kilala bilang kaklase noon. I was all smile as I say thank you when all of a sudden, a vision of a tall and masculine man caught my attention.

I froze a little bit, hindi alam kung anong magiging reaksyon. Nakalahad ang dalawang kamay niya sa ere, hinihintay ang pagyakap ko. Nagpaalam ako sa mga bumabati at mabilis na pinuntahan si Austin para yakapin. I decided not to be paranoid and overthink things. Walang may alam sakanila, Tiara. Relax...

"Long time no see, Aus." sabi ko ng nakakalas  na sa yakap

"Me too..." aniya. Tumingon siya sa mga taong sa likod ko at mukhang may hinahanap

"May hinahanap ka? Akala ko ako ang pinunta mo dito?" tunog nagtatampo ako pero biro lang iyon

"I am, I'm just searching for him..." ngitian niya ako pero ako hindi. I have a clue kung sino ang maaaring kaibigan ang tinutukoy niya but that's impossible, we've been here for two hours at hindi ko siya nkakita man lang or at least one of my friends told me about him.

"Well..." kibitbalikat niya at binigay na ang buong atensyon sa akin "Here's my gift..." aniya at binigay sa akin ang maliit na paperbag na may tatak na sikat na jewerly shp.

"Thank you, nag-abala ka pa." sabi ko at tinanggap iyon kasama ng mga regalo na binigay ng ilang kilala.

"Tulungan na kita diyan." nagpansin niya siguro na hindi na kaya ng braso ko ang lahat ng mga nakasabit na regalo.

Sabay kaming umakyat, binabati parin ako ng mga nakakasalubong pero pansin ko ang pagtitig nila sa kasama ko at ang iba ay matitigilan pa sa pagsasalita. I can't deny it, kung dati ay maraming nagkakagusto at nabibiktima si Austin paano pa kaya ngayon na mas malaki ang katawan at desenteng manamit? Not like Austin has a weird taste of fashion before kumpara kasi sa dati na shirt or poloshirt at short ang suot, mas tumitingkad ang kagwapuhan niya sa suot na puting long sleeves at black slacks. May naalala tuloy ako dahil sa business attire pero agad ko ring niwala ang atensyon sa mga kaibigan na nagsasaya sa second floor.

Pagkatapos ng isang shot ay may nagsasalin ulit ng panibago para sa akin, they offered me so many drinks that I can feel my head aching kaya umupo ako at inayawan ang panibagong offer ni Nick. Hindi ko alam kung paano nila nakakaya ang napakaraming alak, ni walang bakas sa mukha nila ang kalasingan. They continued dancing around our table kasama ang mga kakilala, sobrang saya nila na feeling ko mas maingay pa kami kaysa sa mga tao sa baba.

I feel the urge to go to the powder room at papasama sana ako kina Maxxine pero napapalibutan sila ng mga kaibigan namin kaya mag-isa na lang ako pumunta.

Nasa may aisle na ako papunta sa powder room ng bigla akong hinarangan ng isang lalaki, there's no enough light for me to see him at gawa na rin siguro ng alak na nainom ko kaya hindi makapag focus ang mata ko.

"Happy birthday, Tiara..." the voice is not familiar kaya sinubukan kong mamukhaan siya pero hindi ko talaga kaya. Pumikit ako ng mariin at hinawakan ang aking ulo. God, ang tagal ko ng hindi nakakainom ng ganito karami. The last time is noong bumisita sina Maxxine but I passed out. I cant passed out right now, lalo na't  walang pumapasok na tao ngayon at mukhang kami lang dalawa ang narito ngayon.

I just smiled, hiding my fear and continued walking pero hinawakan niya ako sa braso para pigilan ako.

"You're drunk, do you need a place to stay? We can use mine." pabagsak kong binitawan ang kamay niyang nasa braso ko at magtatawag na sana ng bouncer nang biglang tumitig ang lalaki sa bandang likod ko at tumayo ng maayos

"Mr. Johansson." biglang pumormal ang boses ng lalaki habang ako naman ay hindi normal ang tibok ng puso ko.

Gusto kong kumpirmahin kung siya nga iyon pero hindi ko kayang lumingon, mas pipiliin ko pang pumasok sa powder room at magtago hanggang sa sumapit ang umaga.

Continue Reading

You'll Also Like

13.2K 1K 80
Audrey Monique Jimenez, a typical nerd who doesn't care about her looks and attitude. For her, she is she. Wala siyang pake sa sasabihin ng iba sa ka...
1.4M 56.4K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
531K 13.2K 37
"Loving you is the greatest mistake that i have ever done. Kaya hinde na ko magtatangkang gawin iyon muli dahil hindi pa ko baliw para hayaan ang sar...
1.1M 22.1K 32
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...