The Charm

By sweet_aria

1.9M 69K 5K

[AGREZOR SERIES #1] Si Amity ay guro sa isang pribadong paaralan sa probinsya ng Rizal. Madalas masangkot ang... More

The Charm
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 3

36K 1.3K 72
By sweet_aria

Chapter 3

"Are you ready to tell me what really happened at school?" Nilingon ako ni Faerie habang palabas kami ng Watson's.

Tipid akong ngumiti at nakuha niya agad ito. Lumabas kami ng Robinsons at dumiretso sa parking. She started the engine but kept glancing at me. Sa peripheral ko ay binuksan niya ang bag at may kinuha siya roon.

Tuluyan ko na siyang nilingon nang iniabot niya sa akin ang pink cat squeeze ball. Tinitigan ko ito bago tinanggap. I smiled while staring at the cute squishy toy.

"Sa'n mo binili?" I started squeezing the ball and closed my eyes.

"Online. It looks like you so I ordered one straightaway."

Natawa ako at nagmulat. Nilingon ko siya na nakapokus na ang mga mata sa daan. "Thank you!"

She just glanced at me again. Inilipat ko sa kanang kamay ang squeeze ball at pinisil-pisil ulit ito.

"Pizza tayo?" tanong niya.

"Sige," sagot ko na nagpangiti sa kanya.

"Dapat pala dumaan tayo sa S&R kanina." Nilingon niya ulit ako. "Ice cream din?"

Tumango ako at mas lumawak ang ngiti niya.

"And nachos?" she added.

"Yes, please," I said.

"Great!" She stopped the car at the famous pizza restaurant and pulled her wallet out of her bag. "Dito ka muna. Wala ka nang ibang gusto?"

Umiling lang ako at tuluyan na siyang lumabas. Habang pinaglalaruan ang bola sa kamay ko ay tumingin ako sa labas. I also rolled down the window and watched the moving vehicles.

Hindi naman ganoong nagtagal si Faerie at binuksan niya ang backseat. Inilagay niya rito ang mga biniling pagkain bago bumalik sa driver's seat. Muli niyang pinaandar ang sasakyan.

"Napakainit!" reklamo niya. "May nag-inarte pang babae sa loob kanina kaya mas lalong nakakainit ng ulo. Nasanggi lang no'ng lalaki ang braso niya, hindi naman sinasadya kung anu-ano na sinabi. Sarap burahin ng kilay ni girl!"

She told me the incident in the restaurant and I just listened. Pagkatapos niya ay nanahimik ulit kami. Ipinasok ko ang squeeze ball sa bag ko at bumaling ako sa kanya.

"Nakita kami ng principal at ni President kanina ni Sir Harold bago ang first subject. May kinailangang puntahan si Sir De Guzman kaya inutusan niya akong samahan si President na maglibot sa school."

Sinulyapan niya ako at alam kong nakikinig siya sa akin. Ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari.

"Gusto mo bang magkagulo sa president's office?" Iniliko niya ang sasakyan bago niya ako nilingon ulit.

Mukha mang biro pero may kakayahan siyang gawin iyon.

"I'm okay, love."

"You're not." Ibinalik niya ang tingin sa daan, humigpit ang hawak sa steering wheel. "Let's resign tomorrow."

"Hindi ako pwedeng umalis sa Hasse."

Mas sumeryoso pa ang mukha niya. "Working at Hasse will do no good, Amity. Ang dami pang school d'yan na pag-aagawan ka."

She was right, but I could not break a promise to someone dear to me.

Natahimik ako hanggang sa nakarating na kami sa apartment. Nauna siyang lumabas at sumunod ako.

She went straight to my room and sat on the bed. Ibinaba niya sa bedside table ang pizza at iba pang pagkain. "Get two cups for the ice cream before it melts."

Lumabas ako ng kwarto at kumuha ng dalawang cup, ice cream scoop, at kutsara sa kusina. Pagbalik ko ay nakahiga na siya sa kama.

"Usap-usapan pa rin si President sa school hanggang ngayon." Kumagat siya sa pizza slice na hawak niya at tumingin sa akin. "What can you say about him aside from his negative traits?"

Ipinatong ko sa bedside table ang cups at nilagyan na ito ng ice cream. Inabot ko sa kanya ang isa pagkatapos.

"Ayoko na siyang pag-usapan." Tumabi ako sa kanya.

Sumubo siya ng ice cream at nilingon ako. "Gwapo, right?"

I just shrugged and fixed my eyes on the television. She poked me in the waist and I turned my face to her. "Nakita mo naman siya no'ng inauguration. Why are you still asking me?"

Nag-scoop siya ng ice cream at inilapit sa bibig ko ang kutsara. Tinanggap ko ito at makahulugan siyang ngumiti. "Wala lang. Masama bang magtanong?"

Inayos ko ang unan sa likuran ko, sumandal ako rito.

"Maputi, pero ang manly ng features ng mukha. Ang ganda ng katawan. Matangkad."

Kumuha na rin ako ng pizza slice at in-enjoy ang pagkain nito. "Kaya mo naman palang i-describe, nagtanong ka pa."

"So you agree that he's handsome, huh?" she said in a playful tone.

Hindi ako sumagot pero mas lumawak ang ngiti niya. We enjoyed watching the rom-com movie I chose though she preferred action genres. Hinayaan niya ako sa lahat ng gusto kong gawin dahil bothered siya sa nangyari sa akin sa Hasse kanina.

Alas otso siya umuwi pagkatapos naming mag-dinner at ako ay nakatitig lang sa kisame, naghihintay na dalawin ng antok. Bumalik sa isip ko iyong gabi na pumunta ako sa president's office hanggang sa nakatulugan ko na iyon.

Maaga akong gumising dahil marami akong hindi natapos na trabaho kahapon. I arrived at school before 6 AM and was even the one who unlocked the faculty room.

I was busy creating a PPT for a specialized subject of HUMSS when I heard the door open.

Si Sir Harold.

"Good morning po!" bati ko.

"Good morning, Ma'am Amity! Sobrang aga mo atang nag-in?" tanong niya at ibinaba ang gamit sa table niya.

"Maghahabol ng lessons, Sir. Hindi ako nakapagklase sa ibang sections kahapon."

"Bakit?"

"Pinasamahan sa akin ni Sir De Guzman si President na puntahan at tingnan ang ibang buildings at facilities."

Lumapit siya sa akin at sumandal sa table ko. Nilingon niya ako habang patuloy pa rin akong nagta-type sa laptop.

"Kumusta? Maayos ka namang pinakitunguhan?" bakas sa boses niya ang pag-aalala.

Bumalik sa isip ko ang lahat ng mga paratang sa akin ni President pero mabilis ko iyong iwinaksi. I looked up at him from my laptop and smiled.

"Yes, Sir," I lied, not wanting to tell him the president's unethical behavior and unfair judgment towards me.

"That's great to hear." Ngumiti siya at sinilip ang ginagawa ko. "Mukha namang mabait si President."

Pinigil ko ang mapairap dahil sa impression niya sa lalaking iyon. Kung alam mo lang, Sir Harold.

Ibinalik ko na ang tingin sa laptop, patuloy lang akong pinanood ni Sir Harold.

"How about you? How are you these days?" he asked.

Nagpilit akong ngumiti. "Okay lang po." Ramdam ko na pinakikiramdaman niya ako.

"I don't believe those malicious hearsays, Ma'am Amity."

Hindi man niya direktang sinabi pero alam kong ang tungkol sa akin at sa dating president ang tinutukoy niya.

"Alam ko po. Kahit papaano po pala may naniniwala pa rin sa akin." Isinarado ko ang laptop at tuluyan nang tumingin sa kanya.

"Alam kong bilang ama ang turing mo kay Mr. Agrezor. Sadyang mapanghusga lang talaga ang mundo."

"That's the sad truth." Inilabas ko ang tumbler ko at kumuha ako ng tubig sa water dispenser.

"I saw how you've tried to explain yourself to people."

Nagkibit-balikat ako. "But they didn't believe me. Explaining yourself is useless when people do not want to listen. It's mentally draining, Sir Harold."

Kita ko sa mga mata niya ang lungkot dahil sa sinabi ko. Pinilit kong ngumiti para ipakita sa kanya na okay lang ako, at ibinaba ang tumbler sa table.

Isang taon na rin simula noong kumalat ang issue na may namamagitan sa amin ni Mr. Castiel Agrezor. Wala na siya pero hanggang ngayon ay mainit pa rin ang tsismis sa aming dalawa.

May narinig kaming tunog ng heels kaya napalingon kami sa pinto. Bumukas ito at pumasok si Ma'am Allyssa. "Good morning!"

"Good morning, Ma'am," I greeted back.

"Good morning! Ang aga mo rin ata, Ma'am Allyssa?" tanong ni Sir Harold.

"Sumabay ako sa Papa ko, Sir. Paluwas po kasi." Ngumisi si Ma'am Allyssa pagkatapos akong tingnan.

Plastic.

Binalewala ko na lang iyon at muling hinarap si Sir Harold. Nagkwentuhan na lang kami tungkol sa performance ng mga estudyante habang naghihintay para sa first subject.

"You discipline your advisory class well," Sir Harold commented, pertaining to HUMSS 1A. "Hindi nag-iingay tulad ng ibang sections. Maingay lang talaga sa recitation na kulang na lang ako na mismo ang sumuko. They are all sharp-witted. Walang patapon sa mga anak mo."

Mas lumawak ang ngiti ko. "I've been hearing a lot of positive feedbacks about them. Thank you, Sir."

"They are fluent in English and most of them are number smart, too," he added.

"Totoo, Sir. Minsan nga naabutan ko po silang nagso-solve ng problems sa subject mo. Halos duguin ako sa numbers. Wala akong naintindihan," natatawa kong kwento.

"You hate Math, Ma'am Amity?" Kumunot ang noo niya, pero nakangiti pa rin.

"Magkaaway kami ng numbers. Hindi kami nagkakaintindihan," sagot ko.

Malakas siyang tumawa na umagaw sa atensyon ng iba pang teachers na nandito na rin.

"Good morning, everyone!"

Napawi ang tawa ko at napatigil rin si Sir Harold. Pumasok si Ma'am Marissa na nakatingin na sa amin. Binati siya ng ibang teachers pero pansin ko ang ilang beses niyang pagbalik ng tingin sa amin.

"Paano? Mag-ready na rin ako sa first class." Umalis na si Sir Harold pagkakasandal sa harapan ng table ko.

"Thanks sa kwento, Sir!"

Kumindat lang siya na muling nagpatawa sa akin. Naghanda na rin ako para sa unang klase.

Sa corridor pa lang ay dinig ko na ang ingay mula sa room ng advisory ko. Binilisan ko ang paglalakad at pagpasok ko rito ay agad silang natahimik. Saktong tumunog ang bell hudyat na start na ng first subject.

"What a great way to start the day, HUMSS 1A," I said calmly while my eyes roamed the room. "I just received a good feedback about your behavior from one of your subject teachers, but it seems there's quite a bit misunderstanding when it comes to discipline."

Tumaas ang kilay ko nang nagsimulang nag-iwas ng tingin ang iba.

"Why were you making noise?"

Kung hindi ako nagkakamali ay may paghampas pa ng kamay sa desk ang iba sa kanila, habang malakas na tumitili ang iba pa bago ako pumasok.

"We were talking about you and the president, Ma'am," Aris explained in his girly voice. "We think you suit each other as you know—"

"Aris!" putol ni Sheila sa pagsasalita nito. "Stop, girl! She's already in a bad mood."

"All right, sissy." Aris forced a smile while looking at me.

"Sorry, Ma'am," Sheila said.

Sunud-sunod silang naghingian ng sorry. Ibinaba ko na ang mga gamit ko sa teacher's table at nagsimula na kaming magklase. Hanggang sa nag-time ay tahimik sila maliban sa recitation.

Buong araw akong tutok sa pagtuturo. Ramdam ko ang sobrang pagod pagkatapos ng huling klase ko. I leaned against my chair and gently stroked my temples.

Hindi pa umiinit ang likod ko sa swivel chair nang may nagsalita, "Miss Escobar."

Nagmulat ako at agad napatayo nang nakita ang principal sa harap ng table ko. Inilapag niya ang sobre na may logo ng Hasse at inangat ang tingin sa akin mula sa tingin ko ay memo.

"From the president, Ma'am Amity." Napailing siya, halata ang disgusto sa mukha. "A memo. This is the first time that a memo is sent to a faculty member from the president himself. Kung hindi ko pa nakasabay ang secretary ni President, hindi ko pa malalaman na may memo para sa 'yo."

Kita ko sa mga mata ni Sir De Guzman ang pagpipigil ng galit.

"Sorry, Sir—"

Hindi na niya ako pinatapos pagsasalita at tinalikuran ako. Nagmadali siyang lumabas ng faculty room. As expected, pinanonood ako ng lahat.

Binuksan ko ang sobre at binasa ang nakasulat dito.

Miss Escobar,
See me in my office.

The President

I folded the letter again and put it back into the envelope. Umupo ulit ako at inisip kung anong posibleng dahilan at pinapatawag niya ako. Wala akong ginawang mali para padalhan niya ako ng memo.

Saglit akong nag-ayos at nagmadaling pumunta sa building kung nasaan ang president's office. Kumatok ako bago binuksan ang pinto. Nang wala akong nakitang ibang tao ay dumiretso na ako sa mismong office niya. Kumatok ulit ako at pagkabukas ko ay lumapit ako sa table niya.

May hawak siyang cup at umiinom siya roon. Nakatalikod siya sa akin, nakaharap sa ceiling to floor window.

"Good afternoon, Sir," bati ko at pinakiramdaman ang biglang pamamanhid ng mga kamay ko. Ang bilis din ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

"Is flirting inside the school your hobby?" He turned around and faced me. Umupo siya sa swivel chair at pinagsalikop ang mga kamay sa ibabaw ng table niya.

Our eyes met.

"Can you give me some flirting tips?"

Itinago ko ang mga kamay sa likuran ko at nagsimula akong paglaruan ang sariling mga kuko. Hindi ko mapigil ang panginginig ng mga kamay ko. "Can you tell me what I did wrong, Sir?"

"I received a message that you're flirting with Sir Harold."

Patuloy kong kinakalma ang sarili. "I'm not flirting with him. Nag-usap lang po kami tungkol sa mga advisory namin at ilang concerns dito sa Hasse."

"Do you think I'll believe you, Miss Escobar? I asked the guards if it's true that you reported to work early same with Sir Harold."

Mahigpit kong pinagsalikop ang mga kamay ko. "Kailangan mo po bang bantayan ang lahat ng kilos ko?"

Natawa siya at sumandal sa swivel chair. "You're a comedian. You're just a regular employee here at Hasse, so why would I watch you?"

Tumayo siya at lumapit sa akin. Napalunok ako nang bigla niyang hawakan ang baba ko.

He looked straight into my eyes. "Be careful of your actions. I repeat, I can fire you anytime, Ma'am."

Binitawan din niya agad ako at umatras siya. Muli siyang tumalikod at sumandal sa table.

"Make me a cup of coffee," he ordered.

Napatingin ako sa baso na nasa table niya. Palingon pa lang siya ay tumalikod na ako at nagmamadaling lumabas ng office.

Pagkatapos ko siyang ipagtimpla ng kape sa pantry ay bumalik agad ako. Lumapit ako sa table niya at doon ko lang napansin na tulog siya.

Lumapit pa ako at bahagyang tumungo, pinagmasdan ang mukha niyang himbing sa pagtulog.

A weak smile crossed my lips. "You look exactly like him," I whispered.

Inilapit ko ang kaliwa kong kamay sa mukha niya at idinampi ito sa pisngi niya. I smiled again as I felt the warmth of his face.

Bigla akong natauhan sa kilos ko at inalis ang kamay, pero bigla niya itong pinigilan. Nanlaki ang mga mata ko nang dahan-dahan siyang nagmulat.

"What are you doing?" he asked in a breathy voice.

Binawi ko ang kamay at nasanggi ko ang kape. Natapunan ang braso niya pero hindi siya bumago sa pagkakaupo. Hinila ko siya patayo at pumasok kami sa CR.

Bahagya kong itinaas ang long sleeve niya, pagkatapos ay hinubad ko rin ang mamahalin niyang relo. Binuksan ko ang faucet at inilapit dito ang bahagi ng braso niyang natapunan ng kape.

Mariin akong napapikit dahil sa katangahan ko.

Matagal kaming nabalot ng katahimikan hanggang sa nagsalita siya, "Amity..."

Nilingon ko siya habang patuloy ang pag-agos ng tubig sa braso niya. Titig na titig siya sa mukha ko na para bang may dumi ito. Humagod ang tingin niya sa akin at tumigil ito sa mga labi ko.

"It's hot," he whispered.

I felt an abnormal rhythm in my chest. Nagtagal ang pagtitig namin sa isa't-isa hanggang sa ako na ang nag-iwas.

Inilapit ko pa ang braso niya sa tubig, litung-lito sa nangyari. "I'm sorry I was a little careless."

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 47.2K 54
Filthy Rich Club Series #2
684K 24.5K 71
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
30.2K 1.3K 53
Hacienda de los Caballeros Series #1
85.6K 1.7K 87
"Nowadays LIES can make you HAPPY and TRUTH can give you PAINS."----Shaira Andrea Jimenez Sa tanang buhay ng isang tao hindi mo mapipigilan ang nagSI...