Hear Me

De BadReminisce

95.7K 3K 209

Sometimes we don't say what we feel not because we don't want to but because we don't know how. Mai multe

Hear Me
Teaser
Chapter 1. "Me of the present time"
Chapter 2. "Be with you"
Chapter 3. "Love is a beautiful pain"
Chapter 4. "I believe in you"
Chapter 5. "I want to see your smile"
Chapter 7. "I'll fight for you"
Chapter 8. "Come back to me"
Chapter 9. "I'll stay here for you"
Chapter 10. "Let's stay together always"

Chapter 6. "His brave heart"

4.9K 207 10
De BadReminisce

Chapter 6. "His brave heart"

Bence's POV

"Daphne, tara na. Iuuwi na muna kita." Natatarantang sabi ko kay Daphne.

Tumawag na si Mama at kailangan ko ng umuwi. Sabi niya naroon na raw yung resulta. Oo, may sakit ako. Bata pa lang ako may sakit na ako sa puso, at nakatakda na akong operahan ngayong buwan. Mahirap ang may ganitong sakit dahil hindi mo magagawa ang ibang bagay na ginagawa ng iba. Para bang hindi ka normal na tao? Mahina ka at hindi magawa ang nagagawa ng ibang tao na gusto mong gawin. Kaya naman tinuon ko na lamang ang sarili ko sa pag-aaral. Nang sa gayon ay may mapatunayan pa rin ako sa iba at sa sarili ko. Hindi naman por que may ganito akong sakit, hindi ko na mae-enjoy ang buhay ko. Para kasi sa akin, simple lang ang buhay. It's either magpapakalungkot pa, or gagawa ka ng paraan para maging masaya. Tayo ang gagawa ng paraan para sa buhay natin, at mangyayari ito dahil sa ating sarili at sa tulong Niya.

May ganito man akong sakit, gusto kong maging masaya. Kahit na alam kong, maliit ang tyansa na mabuhay ako ng matagal. In life, we need to face challenges and accept what will happen. Kahit anong mangyari, subukan natin. Para sa kaso ko, kung susubukan ko mang sumailalim sa operasyon, 50'50 ang chance na maging successful ito. At 'yon ang nagpapakumplikado sa buhay ko. Para sa akin, I'll will accept kung mawawala na ako sa mundong ito. Pero paano naman ang mga taong iiwan ako.

Matagal na akong pinipilit ni Mommy na mag-undergo ng operation. Pero natatakot ako. Paano kung? Paano kung, ito ang naging dahilan ng mabilis kong pagkawala sa mundong ito. At paano kung, ito rin ang maging dahilan ng kalungkutan nila? Hindi ko yata makakayang makita 'yon.

Nabalik ang isipan ko ng ipakita ni Daphne ang nakasulat sa isang papel.

Sige, mauna ka na, mukhang mahalaga ang bagay na gagawin mo. Kaya ko na ang sarili ko.

Natulala ako dito at may halong panghihinayang sa aking mukha. I see her smiling at me. I feel what she's trying to say, she trying to cheer me up. Hindi ko alam, pero sa ngiting 'yon ni Daphne, lumakas ang loob ko, dahilan para yakapin ko siya. Kinuha ko ang sulat na ginawa niya, matapos 'yon ay tumakbo ako paalis. Isang takbong nagpasakit sa puso ko, ayaw ko sanang iwan siya, pero kailangan.

Agad akong nagtago agad para hindi makita ni Daphne. Pinagpapawisan ako at mabilis na nagbibitaw ng malalalim na paghinga. Ito na, umaatake na naman ang sakit ko. Sunod sunod na paghinga na para bang mawawalan na ako ng hangin na lalanghapin habang nakahawak ang isa kong kamay sa aking kaliwang dibdib at mahigpit na pinipisil ito. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Mommy para sunduin na ako dahil, ilang saglit lang, paniguradong mawawalan na ako ng malay.

Nagising ako ginagabihan. Nasa ospital na ako. Nakita ko si Mama na nakahiga sa tabi ko sa couch.

"Mom, wake up." Tawag ko kay Mommy, nagising naman siya at mabilis akong nilapitan.

"Yes Son? May masakit ba sayo? Are you alright? Tatawag ako ng Doctor!" Sunod-sunod na tanong ni Mommy na puno ng pag-aalala. Tatayo n asana siya para lumabas at tumawag ng Doctor, pero agad ko siyang pinigilan.

"Wala po. Mom, I just wanna go home now." Marahan kong sinabi kay Mommy. Nakita ko naman ang labis na pag-aalala sa mukha ni Mommy.

"But Son,"

"Mom, ayaw ko sa ospital,please." Natahimik si Mom sa sinabi ko. Hinaplos ang mukha ko at mapait na ngumiti sa akin.

"You've really grown up my baby boy." Napangiti na lamang ako sa sinabi ni Mommy bago ito umalis para ilabas na ako sa ospital.

Paguwi sa bahay, tahimik lang si Mommy. Alam kong nag-aalala siya, pero ayaw ko sa lugar na 'yon. Pakiramdam ko mas lalo akong magkakasakit kapag naroon ako. Pakiramdam ko, ang hina hina ko. Umakyat na ako sa kwarto ko. Sinamahan ako ni Mommy.

"Mom, wake me up early ah?" Sabi ko rito bago siya lumabas ng kwarto ko.

"Why Son?" She asked.

"I'll make a lunch for us," Napangisi pa ako sa pagsagot ko. Halata namang nalito si Mom sa sinabi ko.

"Us? Who are us?" Naguguluhang tanong ni Mommy. Napangiti ako dahil sa inaasal ni Mommy.

"For me and for Daphne Mom." Binigyan naman ako ng nakakalokong ngiti ni Mommy.

"You like her that much huh?" Napangiti naman ako sinabi ni Mom at hindi na nagsalita, she knew it. Basang basa na ako ni Mommy. "My baby boy is now a really man." With that, lumabas na siya ng room ko.

Around 5:00 am ginising ako ni Mommy. Bumaba na ako agad sa kitchen to prepare our lunch. Mas maayos naman na ang pakiramdam ko. Si Mom naman tinulungan ako sa paghahanda pero ako na ang nagluto kasi may pasok pa siya ng 6:00 am, samantalang akong 7:00 am pa naman ang pasok. Around 6:45 am umalis na ako ng bahay para antayin si Daphne sa labas ng gate. Para na rin sabihin ko sa kanya na sabay kaming mag-lunch mamaya.

Lunch time, sinundo ko pa siya sa classroom nila para sabay na kaming pumunta sa cafeteria. Nakita kong medyo nahihiya pa siya sa ginawa ko. Pero ayos lang 'yon, alam ko naman na mahiyain talaga siya. At sa totoo lang, nakakatuwa siyang pagmasdan kaya nahihiya siya. Mabuti na lamang ay sumama siya sa akin kahit na nahihiya siya.

Pagdating sa cafeteria. Pinaupo ko na siya sa puwesto namin at nilapag sa table ang dala kong lunch box. Sinabi ko sa kanya na huwag na siyang bumili ng food dahil marami naman akong niluto. Natuwa naman siya sa sinabi ko. Nakita ko naman iniwas niya ang tingin niya sa akin kong napangiti at nakita siya. Tinignan ko lang siya habang nakangiti. Natutuwa akong nakikita siyang masaya sa ginagawa ko.

"I'm glad to see you smiling. And I always wanna see your smile." Sabi ko sa kanya, bigla naman siyang namula sa sinabi ko sa kanya. "Oh, wait I'll buy drinks, naiwan ko kasi yung juice kanina sa chiller, ang tanga ko 'no? Dito ka lang, I'll be right back." Natatawang sabi ko, at tsaka umalis papunta sa counter.

Habang nasa counter ako, hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Ang saya at ang gaan ng pakiramdam ko, muling pumasok sa isip ko ang ngiti kanina ni Daphne, pati na rin ang pamumula ng mukha niya. Para na akong baliw na nakangiting mag-isa habang nakapila sa counter.

Mayamaya pa, nagtaka ako dahil may nabuong komosyon sa loob ng cafeteria. Napatingin ako sa pinagkakaguluhan ng mga istudyante. At nang tignan ko kung saan ito, banda ito sa table namin ni Daphne.

"Daphne!"

Agad kong kinuha ang juice na binili ko at tumakbo papunta roon. Pagtakbo ko, naramdaman kong kumirot ang puso ko. Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko ng mahigpit. Sobrang sakit, sobrang sakit.

"Hindi. Wag ngayon." Nasabi ko sa aking isipan habang pinagpapawisan at dinaramdam ang kirot ng puso ko. Nakakainis.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa table namin, hingal na hingal at pinagpapawisan.

"Ikaw pipi, humiwalay-hiwalay ka kay Bence, di kayo bagay! Lumugar k—"

"Bakit? Kanino ba ako nababagay?" Pagputol ko sa sinasabi ng babaeng nasa harap ni Daphne at hawak ang baba nito. Agad naman niya itong binitawan nang nakita niya ako.

"Ah—eh, Bence," Nagulat ito ng makita ako. "Basta, sa iba, hindi lang sa tulad niyang Pipi!" Matapang na sabi nito na siyang nagpainit ng ulo ko.

Pero hindi ako pwedeng magalit ng sobra. Dahil maaaring, mawalan ako ng malay o mas malala ay atakihin ako mawalan ng buhay. Kaya pinilit kong kalmahin ang sarili ko.

"Hindi siya pipi." Seryoso kong sabi sa babae.

"Anong hindi? Eh hindi nga siya nagsasalita. So Pipi siya!" Pag-uulit pa ng babae na siyang mas nagpainit ng ulo ko.

"Sinabi nang hindi siya pipi!" This time, tumaas na ang boses ko. Tumahimik ang babae pati na rin ang buong cafeteria.

Nakaramdam na ako ng kakaiba sa dibdib ko. Nahihirapan na rin akong huminga. Nakakainis.

"Ba-bakit mo ko sinisigawan?" Maktol ng babae "Dahil diyan sa pipi na yan?"

"Tumigil ka na!" Sabi ko sa babae at tinitigan siya ng masama. Pinuntahan si Daphne at hinawakan ang kamay niya. "'Wag na wag niyo siyang gagalawin o sasaktan. Dahil ako ang makakalaban niyong lahat!" Pagbabanta ko sa lahat ng nasa cafeteria, tinignan ko ulit ng masama ang babae at hinila ko na palabas si Daphne.

Paglabas namin ng cafeteria. Ganun pa rin ang pakiramdam ko. Kinakabahan ako nab aka bigla na lang ako mawalan ng malay sa harap ni Daphne.

"Pasensya ka na Daphne ah? Nagiging magulo pa ang buhay mo dahil sa akin." Marahan kong sabi sa kanya at pilit na pinagaan ang sarili ko para ngumiti sa kanya. Pero umiling-iling siya, isang sign na sinasabi niyang hindi totoo ang sinabi ko.

"Alam kong, gusto mong sabihin na wala akong kasalanan." Huminto ako sa paglalakad at ganon din siya. "Pero, alam kong dahil sa akin kaya ka nila ginugulo." Nalungkot ako sa nangyari, nagulat ako ng bigla niyang haplosin ang mukha ko. Napatingin ako rito at nakita ko ang nakangiti niyang mukha. Nang mga oras na nakatingin ako sa kanya habang haplos haplos niya ang aking mukha, parang nawala ang sakit ng puso ko, nagging maayos din ang paghinga ko at naging kalmado na ang lahat.

Matapos 'non ay, hinawakan ako niya ako sa braso at hinila paalis.

"Saan tayo pupunta Daphne?" Tanong ko sa kanya, pero gumanti lang ito ng ngiti. Hindi ko alam, pero parang lumulutang ako sa ngiti niya.

"Wow, may ganito pala dito sa school? Hindi ko 'to alam." Manghang-mangha ako sa pinagdalhan niya sa akin. "Ang ganda dito Daphne. Puro green at makukulay na bulaklak. Maganda at malinis rin ang hangin." Napatingin ako rito. "Tara, kain na tayo."

Pinagsaluhan namin ang pagkain na inihanda ko. Nagkwento ako sa kanya ng masasayang karanasan ko. Pero sa tuwing ngingiti siya at tatawa. May kung ano sa isip ko na nagpapalungkot sa akin. Sinasabi ko sa kanya ang mga masasayang pangyayari sa buhay pero paano kung malaman niya ang sakit ko.

"Uhm, Daphne." Nanglaki ang mata ko ng mapatingin siya sa akin kasabay ng paghampas ng malamig na hangin. Hinahangin ang buhok nito at nakikita ko ang kabuuhan ng mukha niya. Para siyang isang anghel. Isang anghel na walang tinig at may mapait na nakaraan. Isang anghel na bumubuhay sa puso kong nalalapit ng mamatay.

"Daphne, may kanin ka pa sa labi." Natawa ako sa kanin sa labi niya. Iniwas niya naman ang mukha niya sa akin at yumuko, siguro ay nahiya siya. "Ikaw talaga, maguuwi ka pa sa bahay niyo!" Sabi ko habang natatawa.

Bumalik na kami sa klase, hinatid ko muna siya sa classroom nila bago ako pumasok sa room ko. Sinabi ko rin na sabay na kaming umuwi at susunduin ko siya sa room nila.

Natapos na ang klase. Paalis na sana ako ng room para puntahan si Daphne ng biglang tumawag si Mommy.

"Yes Mom?" Bungad ko.

"Anak, pumunta ka agad dito sa ospital, may magandang balita." Masayang tugon ni Mommy sa kabilang linya. Nabigla naman ako pero bigla kong naalala si Daphne.

"Pero Mom kasi,"

"Anak, please this is all for you, to make your life longer." Narinig ko sabi ni Mommy, natutuwa siya at sino ba naman ako para hadlangan ang kasiyahan niya na para rin naman sa akin.

Wala na akong nagawa sa request ni Mom. Dumaan pa ako sa room nila Daphne. Pagtingin ko sa seat niya. Wala na siya, baka umuwi na rin siya. Sayang naman.

Pagdating ko sa ospital, ipinakilala sa akin ni Mommy ang Doctor na magsasagawa sa akin ng operation. Malaki raw ang chance na maging successful ang gagawing operation at dapat na maagapan na raw ang sakit ko. Dahil kong magtatagal pa ito, baka mas lalo pa raw na lumala ang sakit ko at hindi na ako maaaring sumailalim ng operasyon.

Habang nasa ospital ako, hindi maalis sa isip ko si Daphne. Iniisip ko kung nakauwi ba siya ng maayos? Na baka hinintay niya ako para sunduin siya. May kung anong kaba kasi ang nasa dibdib ko. Dahil ba ito sa operasyon? Hindi ko alam, naguguluhan ako.

Mayamaya pa ay may tumawag kay Mommy. Mukhang hindi maganda ang nalaman ni Mommy base sa reaksyon niya. Napatingin pa ito sa akin na siyang pinagtaka ko. Ibinaba niya ang phone at pumunta sa akin.

"Anak, kasama mo ba si Daphne?" Tanong ni Mommy sa akin.

"Hindi Mom. Umuwi na siya di ba?" Naguguluhan kong sagot sa kanya.

"Wala pa raw sa bahay nila eh, gabi na. Tumawag nga si Mare para itanong kung kasama mo." Pagpapaliwanag ni Mommy. Mas lalo naman akong kinabahan. Wala pa si Daphne sa kanila? Nasaan siya? Napatingin ako kay Mommy.

"Hindi dapa—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ito para malaman kung sino at nang tignan ko, nagtaka ako dahil number lang. Agad ko itong sinagot.

"Hello? Sino 'to?" Tanong ko sa tumawag.

"Hello Bence? Remember me?" Sagot naman ng tumawag sa akin. Hindi ko siya kilala, pero parang pamilyar ang boses niya, isang boses ng babae.

"Huh? Sino ka?" Tanong ko sa kanya. Narinig ko namang tumawa siya.

"Wait may ipaparinig ako sayo," Nawala ang boses ng babae hanggang sa marinig ko ang isang iyak. Iyak ng isang babae. Pinilit kong isipin kung kanino ang pagiyak na naririnig ko, hanggang sa, "Daphne?!"

Continuă lectura

O să-ți placă și

273K 353 1
B O N U S C H A P T E R This book has been published by Bookware Publishing Corporation and has been DELETED from Wattpad. Print copies are availab...
19.6M 578K 81
On her 18th birthday, Claret finds out that her destiny is to be a healer in Nemetio Spiran, a vampire world where all is not as it seems. ...
1.9M 15.3K 87
It's so good to love someone so much it hurts, right?
2.7M 11 1
Nagsimula lahat sa dyipni. Dun din nagtapos. Parang yung nararamdaman ko para sayo - humihinto, bumibilis, nasisiraan pero patuloy na tumatakbo. Gust...