BHACNCK 2: The Beginning of t...

By jiyu_dee

119K 2.7K 682

[Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? BOOK 2] Anong gagawin mo kung malaman mong may iba ng mahal ang taong mah... More

The Beginning of the End [BHACNCK book 2]
Chapter 1 - THE BEGINNING
Chapter 2 - MEMORIES
Chapter 3 - PAALAM
Chapter 4 - TRAPPED
Chapter 5 - CHANGED
Chapter 6 - GIRLFRIEND
Chapter 7 - THREE WORDS
Chapter 8 - MEET SANDRA
Chapter 9 - TEARS, AGAIN
Chapter 10 - WALANG TAYO
Chapter 11 - THE RIGHT THING
Chapter 12 - BROTHER
Chapter 13 - THE PAST
Chapter 14 - YELLOW ROSE
Chapter 15 - INTRAMS [part1]
Chapter 16 - INTRAMS [part2]
Chapter 17 - INTRAMS [part3]
Chapter 18 - 60 SECONDS
Chapter 19 - HER SIDE
Chapter 20 - DEBATE
Chapter 21 - HELP!
Chapter 22 - MINE
Chapter 23 - WISH
Chapter 24 - PWEDE BA?
Chapter 26 - FORBIDDEN DATE
Chapter 27 - MIDNIGHT
Chapter 28 - REVEALED
Chapter 29 - SMILE
Chapter 30 - GONE
EPILOGUE [part1]
EPILOGUE [part2]
NOTE NOTE NOTE โ‰งโ—กโ‰ฆ
SPECIAL CHAPTER

Chapter 25 - CONFESSIONS

2.5K 75 13
By jiyu_dee

Chapter 25

"John alam kong ang unfair nitong sasabihin ko pero... pwede bang kahit itong huling araw mo dito... kahit itong buong araw lang na to... pwede bang maging akin ka ulit?" ayan, bumigay na ko ng todo. Isasagad ko na ang pagpapakatanga ko.

"Marj... tama ka, napaka unfair nyan lalo na sa'yo. Pero Marj, bakit kahit sobra-sobra na yung nagawa ko, mahal mo pa din ako? Dapat magalit ka na lang sakin diba? Okay lang kahit isumpa mo ko, pero bakit... bakit ganyan? Tanggap ko na ngang kahit pagkakaibigan wala na tayo. Kaya bakit mo ginagawa to?"

"Hindi ko alam! Ang alam ko lang ngayon, mahal pa din kita. Pilit ko ngang itinago to dahil akala ko kusa na kong susuko pero hindi eh, masyado kitang mahal para isuko kita. Hindi ko na nakayanang pigilin tong nararamdaman ko simula nung outing. Simula nung naramdaman ko ulit ang mga hali---"

"Marj, wag na... Masasaktan ka lang kung itutuloy natin yang gusto mo. Kinakausap kita ngayon para pormal na magpaalam na sa'yo, dahil nga kahit papano may pinagsamahan pa din naman tayo. At para humingi ng tawad sa huling pagkakataon."

"Haha, masasaktan? Sanay na ko dyan eh. Pero sige, sagutin mo nga tong tanong ko John Alec... isang tanong, isang sagot... mahal mo pa ba ko?" tinignan nya lang ako at bigla na lang umiwas din ng tingin. "Mahal mo pa ba ko... baby love?" nakita kong napapikit na lang sya at dahan-dahang umiling. "H-hindi? Hindi mo na ko mahal? Pero.. kahit konti John, wala na ba talaga?" tanong ko at umiling na naman sya. "Pero ano yung kabaitang pinapakita mo sakin nun? Ano yun??"

"Sabi ko sa'yo Marj, gusto ko lang ibalik ang pagkakaibigan natin. Kaya kahit papano, nagpapakita ako ng pagbawi ko sa kasalanan ko."

"Pero... Pero John... yung outing! Bakit mo ko hinalikan nun?? Dahil mahal mo pa ko, diba? Diba John?"

"Lasing lang ako nun.."

"Pero kahit na lasing ka, alam mo yung ginagawa mo! Ganun yun John! Kaya magsabi ka ng totoo!"

"Totoo ang sinasabi ko. Lasing lang ako nun, at alam kong alam mo namang malakas ang epekto sakin ng alak, kaya ganun."

"Pero John hindi eh! Y-yung ano... yung intrams! alam kong ikaw yung humatak sakin! Ikaw yun!"  pilit na lang akong humahanap ng pwede kong masabing motibong mahal nya pa ko pero bakit kontra lahat ng sagot nya?!

"Ano bang sinasabi mo... hindi ako yun. Si Charlotte ang kasama ko nun. Yung 60 seconds na yun, sya ang kasama ko."

"Pero John... Yung ano... yung..." wala na kong ibang maisip. Lahat pala ng nagbibigay pag-asa sakin noon, wala lang pala. "F-fine... Pero sabi mo, gusto mong makabawi sakin diba?" tumango na lang sya pero hanggang ngayon, hindi nya ko tinitignan. "Then be mine. Just this day, John... please..." alam kong napakadesperada ko ng pakinggan. Pero wala eh, masasaktan na lang din naman ako, bakit hindi pa sagarin? "Please John... I promise, after this day, I'll never bother you again."

"Pero Marj..."

"Please John? Pag tapos nitong araw na to, kakalimutan din natin ang nangyari. At i-consider mo ng pinatawad na kita."

"Marj, napaka-unfair para sa'yo."

"Wag mo kong alalahanin. Ako naman ang may gusto nito eh. Don't worry, i'll be fine. Basta gawin mo lang tong huling favor na to."

"Marj..."

"Kung hindi mo kayang gawin, iisipin kong may malisya pa din sa'yo."

"Fine. Just for this day, I'm yours, and you're mine." napangiti na lang ako kahit na naiisip ko na ang mga pwedeng maramdaman ko pag natapos na tong araw na to. "Walang ibang ibig sabihin to. Gusto ko lang gawin ang huling pabor mo."

"Thank you, John." hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya kaya napatingin na sya sakin. "Hindi mo na ko mahal pero naging tayo pa din kaya alam kong alam mo pa din ang mga bagay na magpapasaya sakin. Kaya ngayong araw na to, walang ibang tao kundi tayo lang. Isipin mong tayo pa din, okay?" sumakay na kami sa sasakyan nya at sinimulan na ang forbidden date namin.

[Jade's POV]

Dinala ako ni Audrey sa isang restaurant at nang maka-upo na kami ay iniwan nya muna ako para pumunta sa CR. Pero Ilang minuto na, wala pa ding Audrey na bumabalik. Tss, ano yun, ginu-good time lang ba ko nun? Gusto nya talaga ng enemy?

Naghintay pa ko ng ilang minuto at nang hindi pa din sya bumalik ay tumayo na ko mula dun sa table. Pero hindi ko naituloy ang paghakbang ko nang bumungad sakin si Brandon na tinutulak tulak pa ni Audrey.

"Brandon ano ba! Tutulala ka na lang? Lakad na bilis!" narining kong sabi ni Audrey sa kanya at tinapik pa sya nito sa balikat.

Tinignan ako ni Brandon diretso sa mata at nagsimula ng maglakad papunta sakin. At nang magkaharap na kami, ay agad nyang hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Jade..."

"Ano?" pataray na sabi ko. Para naman hindi sumabog ang kilig ko dito no. Tsaka kailangan ko pang marinig ang explanation nya.

"First of all, I'd like to say... I'm sorry. I'm really really sorry."

"Tapos?"

"Tapos I love you." nanlaki na lang yung mata ko dahil sa sinabi nya. Shet, namiss ko yun ah =__="

"I love you agad?? Mag explain ka muna, Brandon Jay Ventura.. Dinadaan mo ko sa i love you mo eh!"

"Okay... I'll explain everything." huminga muna sya ng malalim bago nagsimulang magsalita. "Nung nakaraang dalawang buwan, ayos namang lahat satin... Tinuturing kong napaka perfect relationship ang meron tayo. So I planned to propose..."

"O_O?! P-pr-prop-pose? Ow.em.ji. Bat di mo tinuloy?!"

"Jade patapusin mo muna ako."

"S-sabi ko nga eh. Go."

"Everything is set. The place, the time, it was all perfect. Hinihintay ko na lang na dumating ang araw na yun. Pero nang kausapin ko ang Mom mo para dito sa plano ko, tumutol sya."

"What? Why??"

"Masyado pa daw tayong bata para sa ganitong bagay. At sabi nya pa, hindi nya daw nakikita sakin ang perfect man para sa isang perfect lady like you."

"Ehh??"

"Alam kong mali nga dahil masyado pa tayong bata para isipin ang mga ganitong bagay-bagay, pero siguradong-sigurado na akong ikaw na talaga ang gusto kong pakasalan... Simula pa lang na makilala ko ang Mom mo, alam kong hindi na okay sa kanya yung relasyon natin. Kaya ginawa ko to para patunayang seryoso ako sa'yo. Pero kabaligtaran ang nangyari, kasi imbis na tanggapin nya ang hinihingi kong permiso, sinabihan nya pa akong lumayo na lang muna sa'yo."

"Ano?? Alam kong may pagka-strikto si Mom, pero hindi ko na-imagine na maiisip nya yang ganyang bagay. Tume-teleserye ba sya? Aish naman..."

"But I understand her. Mali nga siguro itong move kong to, dapat mas pinatunayan ko munang ako na ang perfect man para sa'yo, kaya naiintindihan ko sya. Simula nun, lagi na kong spaced out, dahil ayokong layuan ka. Pero sa tuwing nakikita kitang masaya, mas napapaisip ako sa sinabi ng Mom mo. Alam kong hindi kayo okay eh, kaya madalang kayong mag-usap bukod pa sa busy sya. Kaya pumasok sa isip kong lumayo na muna ng kusa sa'yo, kesa mas lumalala ang sitwasyon."

"Brandon... mas pinili mong layuan ako? Ng ganun-ganun na lang??"

"Oo Jade. Kaya nga nagsosorry ako. Dahil kung hindi ko gagawin yun, mas lalala pa. Kung malalaman mong pinapalayo ako ng Mom mo sa'yo, mas magagalit ka sa kanya. Kaya mas pinili kong sakin ka na lang magalit, at para na din mas makapag reach out sa'yo ang Mom mo. Family will always be family, at ang gusto ko lang ay ang mas mabuti sa'yo. Alam kong masaya ka sa harap ko at ng mga kaibigan natin pero pag dating sa bahay nyo, you always feel alone dahil nga matagal ng wala ang Dad mo, tapos hindi pa kayo okay ng Mom mo. I just want what's the best for you, Jade." nakatingin lang ako sa kanya at parang mas naiinis ako ngayon kay Mom. Bakit kailangan nyang mangialam?? Perfect man huh? Eh parang hindi na nga nya alam ang pagmamahal simula ng mawala si Dad. "Nung una ay hindi ko talaga alam kung pano ko sisimulang lumayo sa'yo. Hanggang sa malaman kong dadating pala si Audrey dito, sakto pa sa araw ng date natin. Labag man sa loob kong hindi ka siputin, pero mas pinili ko pa ding sunduin si Audrey para na din simulan na nga ang paglayo sa'yo. Simula nung dumating sya dito, nasabi ko na sa kanya ang plano kong lumayo muna sa'yo. Tumanggi pa sya sa plano ko pero napilit ko din sya. Alam kong mas magagalit ka dahil aakalain mong binabalik ko na naman ang nakaraan dahil nga sa sobrang magkamukha sila ni Ate Ashley. Pero habang ginagawa ko yun, nasasaktan ako."

"Pero nagawa mo pa din eh..."

"Oo dahil nga gusto ko ng magkaayos kayo ng Mom mo. Pero hindi ko na talaga kinayang ituloy pa ang plano ko, dahil ilang linggo pa lang akong lumalayo sayo, nababaliw na ko. Kaya kinausap ko ang Mom mo at nalaman kong wala pa ding pagbabago sa inyo, at kahit na nalaman nyang sinunod ko na ang gusto nya, wala pa ding nagbago sa tingin nya sakin. Kaya nagpasya akong sabihin na sa'yo ang lahat. Kasi alam kong isa ako sa nagpapasaya sa'yo pero dahil sa pagaakala kong dahil sa pagpapakamartyr ko eh maaayos kayo ng Mom mo, parang wala din namang nangyari. Mas lumala pa ang sitwasyon mo dahil nga nawala ako sa tabi mo. Kaya gumawa na naman ako ng plano, planong sinugurado kong magiging perfect na. Pero hindi pa din dahil... yung gabing nasa beach tayo, yung gabing dapat itutuloy ko na ang pagpoprose ko, iba ang inakala mo..."

"B-beach?? Y-yu-yung..."

"Oo yun nga. Yung nakita mong yun, para sa'yo talaga yun. Kasama ko si Audrey iplano ang lahat, at nung una at huling beses na tinignan namin kung okay na ba ang lahat sa pamamagitan nung paggawa nung lahat ng plinano namin, sakto namang nandun ka pala."

"Ibig sabihin, practice... practice lang yun?!"

"Oo parang ganun na nga. Because I want everything to be perfect. Napakapalpak ko, alam ko. Nagdedesisyon akong iniisip lang ang isang side na pwedeng mangyari, dapat mas iniisip ko ang mga bagay na ginagawa ko. Simula pa lang, dapat pinatunayan ko na sa Mom mong ako na ang perfect para sa'yo, pero natakot ako... Hindi ko naisip na mas nakakatakot pala kung mawawala ka... Kaya ngayon, I'm going to do everything, anything, just to have our relationship back. Kahit na pumalpak pa lahat ng plano ko, gagawa at gagawa ako ng panibagong plano, maitama lang ang lahat."

"Brandon... sana sinabi mo na lang sakin noon pa... Pero naiintindihan ko naman yung ginawa mo. And I thank you for that, for sacrificing para lang samin ng Mom ko. Pero mali eh, alam ko kung bakit ganyan ang tingin sa'yo ni Mom. Kaya papatunayan mo sa kanyang mali ang iniisip nya."

"Oo unti-unti kong papatunayan sa kanya----"

"No, ngayon na. Pupuntahan natin si Mom."

[Lorraine's POV]

"Okay Miss Lorraine Hudson, okay na ang requirements mo." sabi nung isang staff sa department namin.

"Okay, thank you!" nakangiting lumabas na ako ng office at dumiretso na muna sa CR para mag-ayos. Nahaggard ako dun ah!

Matapos kong mag-ayos ay lumabas na agad ako habang nagbabasa ng mga messages sa phone ko. Ang aaga namang matapos nitong mga to, wala na akong maaayang magshopping ngayon nyan, paniguradong nagkanya-kanyang lakad tong mga to.

"Hi Lorraine!" bati nung isang lalaki kong classmate. Ay wait, lalaki sya, pero hindi. Gets nyo?

"Hey girl! Franco! Kamusta ang beauty??"

"=__= kung shoplakin kaya kita dyan? Kakamustahin mo ang beauty ko pero Franco tawag mo sakin?! Eww ka! Frances sabi ang name ko!"

"Hahaha, fine fine! Frances na kung yan ang gusto mo. Pero.. tss, Frances ka pang nalalaman pero kung titignan ka, Francong Franco talaga ang itsurabels mo!"

"Anong gusto mo, magwig ako at maguniform nyang tulad sa'yo? Baliw ka ba ateng? Bawal dito sa loob ng campus ang ganun. Basa-basa ka din minsan ng student manual ha? ~_~"

"Okay, sarreh. Anyways, pauwi ka na ba?" natatawang tanong ko dahil mukhang naiirita na naman sya dahil sa inaraw-araw nyang pumapasok sa school na to, lalaking-lalaki ang itsura nya. At isa pa, hindi din yata alam ng family nya na nag-eexist si 'Frances'.

"Yah, pauwi na ko, pero ayoko pa. I want to make gala pa. Tara boy hunting tayo girl! Kyaaah!"

"Eh? Tss, kaw na lang. Aayain sana kita magshopping pero BH naman pala ang trip mo."

"Kyeme mo naman! Fine, sasama na lang akong magshopping, hindi masayang magBH mag-isa."

"Okay then, leggo!" kumapit na ako sa braso nya at nagsimula na kaming magdaldalan habang pababa kami ng building namin. Pero bago pa kami makalabas ng tuluyan, napatigil kami ng may humarang sa harap namin.

"Hoy, sino ka?" tanong nya kay Franco.

"Eh?? Ako si Franco. Bakit?" nagboses lalaki pa sya. Total opposite ng boses ni 'Frances'. Pero hindi kumibo si Tristan at nakatitig lang sa kanya. Eto namang si Franco, bumulong na lang sakin. "Girl, ang gwapo nito ah, kaso medyo bastos. Jombagin ko kaya? Kung makapagtanong kung sino ako?? Tapos makatitig pa, parang may pagnanasa sakin!"

"Lorraine, sya ba yung liligawan mo?" kaswal na tanong ni Tristan na hindi man lang nagkakaron ng kahit na anong emosyon yung mukha nya.

"Eh? Ano bang sinasabi mo Tristan??"

"Oo o hindi, sya ba yung liligawan mo??"

"Aish, ayos trip ah? Bigla kang susulpot tapos mainit ulo mo?"

"Tss, ewan." tinalikuran nya na ako at nagsimulang maglakad. Kaya napasunod na lang ako sa kanya at sinabihan ko si Franco na next time na lang kami magshopping.

"Hoy Tristan ano bang topak mo na naman?" sigaw ko pero hindi sya tumitigil kakalakad. Tumigil na yung ulan pero medyo umaambon pa din kaya mas nakakainis kasi nakakabasa pa din kahit papano. Kung wala lang akong pake dito, hindi ko naman to susundan eh. "Tristan!" tumakbo na ako para lang maabutan sya dahil wala yata syang balak huminto. At nang maabutan ko sya ay hinila ko ang uniform nya at napaharap sya sakin.

"Ano?" walang emosyong tanong nya.

"Anong ano?? Ikaw tong biglang sumulpot na lang bigla tapos papakita mo yang kainitan ng ulo mo tapos lalayasan mo ko? Adik ka din no??"

"Tss, okay ka na?? Bumalik ka na dun sa nililigawan mo."

"Ano bang sinasabi mo ha?!"

"Diba yun yung balak mong ligawan? Edi sige, puntahan mo na. Susunod sunod ka pa sakin eh."

"Aish si Franco ba?? Eh bak--- teka nga, ano yang arte mo ha? Selos ba yan??"

"Bakit ako magseselos?!"

"Bakit nga ba?!"

"Aba malay ko!"

"Edi inamin mo ding nagseselos ka nga?!"

"May sinabi ba ko??"

"Wala, pero halata sa mukha mo oh. Kasya na ko sa butas ng ilong mo!"

"Anong kinalaman ng ilong k--- aish oo na nagseselos na!"

"Edi inamin mo din! Bakit ka ba nagseselos??"

"Sa gusto ko eh, pake mo?!"

"Eh sa may pake ako sa'yo eh. Pake mo din?? Bakit kasi pupunta punta ka dito tapos mang-aaway ka lang pala??"

"Nang-aaway ba ko? Ikaw nga nangunguna dyan eh!"

"Ewan! Bakit kasi nagseselos ka ha??"

"..."

"Oh ano? Speechless? Eh ano naman kung sya nga yung liligawan ko? Anong dapat mong ikaselos dun ha?? Eh diba nga magkaibigan lang naman tayo?? Eh bakit nagseselos ka? Kahit sino pang ligawan ko dyan, okay lang kahit pa sabihin nyong babae ako. Kaya ano bang kinaseselos mo? May dapat bang ipagselos?? Eh diba nga---"

"Kasi nga mahal kita!"

"E-eh?? Mahal? Teka, loading... mahal mo ko... buffering... ah gets, mahal mo ko... UTOT MO MAHAL! Wag ka ngang nantitrip ng gan---"

"Hindi ako nagloloko! Seryoso ako!"

"Eh bakit ka nakasigaw?? Dinig na dinig ko naman kaya hindi mo ko kailangang sigawan!"

"Eh nakakabwisit na eh! Ang dami mong sinasabi nakakairita! Nakakainis ka! Nakakabwisit!"

"Ha? Bakit ka naiinis ha?! May ginawa ba kong---"

"Yun nga! Wala kang ginagawa pero mahal kita!!"

"Letse Tristan wag ka nga sabing sumigaw, naririnig ko naman eh! At isa pa, mahal din naman kita!"

"Yun naman pala eh! Mahal kita, mahal mo ko! Ano ng sunod dun?!"

"Edi tayo na!"

"Hindi! Adik ka ba?! Liligawan muna kita! Hindi ka pwedeng manligaw dahil ako ang manliligaw sayo, maliwanag?!"

"Oo na, oo na!!"

"Ayan okay na?! I love you!"

"I love you too!" hindi na sya nagsalita matapos ko. Nagtititigan lang kami at nagsisimula na namang umulan.

Teka nga... loading pa din eh... mahina signal... mahal nya daw ako... liligawan nya ko...

"OH MY GOSH!!" napasigaw ako habang nakatakip sa bibig ko yung kamay ko. "T-tris-t-tan.. T-totoo??!"

"Aish, ang alin na naman??"

"Na mahal mo ko?? Liligawan mo ko??"

"Tss, kakasabi lang diba??"

"Kyaaaahh!! Paki ulit naman oh, please?" nagbeautiful eyes pa ko at pout sa kanya.

"A-ayoko, kakasabi ko lang kaya wala na kong balak ulitin sa ngayon." tinalikuran nya na ako at nagsimula na namang maglakad.

"Basted ka na pag di mo inulit!!" napahinto naman sya at mabilis na bumalik sa harap ko.

"Kailangan ba talagang ulitin? Tss.. M-ma-mah-maha... Aish."

"Maha? Ano yun??"

"Aish! Mahal kita, i love you Lorraine Hudson. Ayan okay na?! Aiiish. Tara na nga! Umuwi ka na! Ihahatid kita." hinila nya na ako palabas at pilit nya na lang iniwasan ang tingin ko.

Shet, di naman ako nananaginip diba? Diba diba??

"Hindi ka nananaginip. Totoo lahat to. At pwede ba, wag mo kong titigan! Tss." inirapan ko na lang sya kahit na sa loob loob ko, kilig na kilig na ko. Me, plus Tristan? OMG, dreams do come true.

[A/N: Sorry po matagal na namang mag update, may kinailangan lang gawing mga bagay-bagay. Anyways, ang cliche ng story ko ano? -__- Pero eto talaga ang kahihinatnan nila eh. Next chapter na lang ang forbidden date. Thanks talaga sa mga bumabasa~ aylabyuuuu talaga :** :)))]

Continue Reading

You'll Also Like

891K 27.5K 75
(RATED MEDYO SPG) "KUNG MAHIRAP MAGKA-GUSTO SA TAONG PAASA, MAS MAHIRAP NAMANG MAGKA-GUSTO SA TAONG MANHID NO!" - Timmy Allison Beckham [HIGHEST RANK...
86.5K 1.8K 16
Another ViceRylle story written by yours truly. :) Paalala lang po eto ay kathang-isip lamang. Pure fan fiction. Pero may mga lines po dito na true t...
23.2K 1.2K 30
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
2.8M 53.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...